Tumgik
#mabingi
fawnuh · 3 months
Text
I turned Mabingy Bingy into an animal crossing character (>ω<)
Idk what to make him say tho so
Tumblr, go ham
Tumblr media Tumblr media
(please keep the watermark so people know who made the art, and don't be too weird with it・ω・)
Feel free to draw him and tag me!!!
Mabingy Bingy and his universe are a brainchild of a friend group of mine. His original design was by @druidpc and his updated one by Iris / sighingforfun (who doesn't have Tumblr)
7 notes · View notes
lunatells · 1 year
Text
Nakakatawa na nakakatuwa =>>>
So im going home, finally!
& Back home, si Mama lang nakaka-alam and si Bb Ethel.
Papa and my sister doesn't have any clue until yung kapatid ko, ilang beses na raw tanong ng tanong kay Mama if uuwi ako. So si mama naman, hindi ng hindi since it's going to be a surprise nga. Inasar ko pa si Mama kung sino magsusundo sakin sa airport kung hindi alam ni Papa. Edi tawa nalang kami ng tawa since sanay talaga kami doon sa amin na hatid-sundo ni Papa. So bahala na. Tapos ayun, nagmessage nanaman si Mama kanina na napatanong nanaman yung kapatid ko if uuwi ako. Nakakatuwa lang ding isipin na parang nararamdaman ng kapatid ko na magkikita ulit kami. :))) Para tuloy kaming kambal na nagpapakiramdaman. Hahahahahahaha
See you soon, fam. Can't wait na mabingi nanaman kayo sakin. HAHAHAHAHAHAHAH
1 note · View note
scarredhag · 2 years
Text
12/04/22
//Siyang Tala//
Noon, gustong-gusto ko ang nasa labas
Hinahayaang dalhin ng aking mga paa kung saan man
Sandaling nawawala ang pakialam sa mundo
At hinahayaang mabingi sa kaingayan at katahimikan nito
Habang naglalakad ay titingnan ang kalangitan
Minsa'y kulay-abo, ngunit kadalasa'y maaliwalas na asul
Hinahangaan ang kakayahang lumiwanag ng araw
At ngingitian ito pabalik katumbas ng gaang ibinahagi
Dilaw, kulay na hindi ko inasahang maiisip ay ikaw
Mainit ngunit maaliwas, kaginhawaan ang bitbit
'Yun ang 'yong dala, masigla at mapagtanggap
Ang 'yong sinag ang siyang yumayakap
Ngunit natakot ako sa sariling kulimlim
Nabahalang baka ang 'yong liwanag ay maging lilim
Inayawan ang posibilidad na ako ang dahilan ng pagkulay-abo
At pabugsuhin ang ulang ako rin ang pupuno
Kung kaya't bago mo pa man malamang ikaw ang ilaw
Nagpadaos na sa hangin at bumukod sa ibang ulap
Dahil hindi gugustuhing takpan ang 'yong mga mata
Na ang siyang tanging hatid ay ligaya
Ngayo'y hindi ko na magawang tumingala
Dahil sa kabila ng kagandahan ng panahon
Ikaw ang pinaaalala ng maaliwalas na asul at maliwag na dilaw
Sa tuwing susulyap sa langit, ang nakikita ko'y ikaw
Para akong tumitingin nang direkta sa 'yong mga mata
Dahil kahit sa umaga, roo'y kita ko ang mga bituing nagniningning
At sa gabi, roo'y lumilitaw ang bilugang buwan
Patunay na kahit sa kadiliman, may liwanag kang hagkan
Siguro'y 'di kinaya, nasilaw sa katunayang hindi tayo pwede
Dahil matagal kitang hinahangaan mula sa malayo
Para lang sa sarili'y mapagtanto na pagtingala lang ang maaari
At hinding-hindi magagawang amining ang hinihiling ay ikaw
Inakalang ang simbolo ng kulay dilaw ay saya at pag-asa
Na talaga namang 'yong dala, hindi ko 'yun maipagkakaila
Ngunit walang nagsabi sa'king pag-iingat din pala ang ibig sabihin nito
Na para bang alam nitong ilalaan ko sa'yo ang puso
Hindi nagawang ibigay nang buo, at ngayo'y naiwan sa sarili'y piraso
Hindi malaman kung nasaan ang iba, nasa daan ba o na sa'yo
At sa kabila ng kawalan, ikaw ang sa'king may naiwan
Mga alaalang hindi ko alam kung nais ko bang panghawakan
Ako ang lumayo, ngunit hanap pa rin ang 'yong sinag
Ngunit kahit gaano ko kagustong maramdaman ang 'yong yakap
Hindi hahayaang sakupin ang 'yong katindigan
Mananatili na lamang malayo sa tanaw
Kung sakaling muli akong titingin sa itaas
Maaasahan ko kayang ika'y nagmamasid din?
Na kahit siguro'y hinding-hindi mo malalaman ang nararamdaman
Baka maaaring umasang iisa ang ating tinitingnang kalangitan
Na kahit sa ganoong paraan man lang
Maramdaman ko na ako'y magagawa mo nang makita
At posibleng maging nais mo rin sa kabila ng madilim na tala
At kasabay ng pagiging araw mo, baka sakaling ako'y maging buwan
0 notes
sanamawari · 2 years
Text
Ang tagal ko nang hindi naririnig mga kanta ni Ed Sheeran. I am a fan for so long. I guess I ventured out too much on other artists' music para makatakas sa sobrang familiarity, pero alam kong babalik at babalik pa rin ako sa tahanan ni luya.
I made a playlist for all of his songs. It's like first time ko ulit marinig mga tracks- umiiyak pa rin ako sa Even My Dad Does Sometimes. Kinikilig pa rin ako sa Overpass Graffiti. Hindi ko pa rin masabayan 'yung rap part sa U.N.I., kahit pa sabihin mong mas mabilis ang You Need Me I Don't Need You.
Wala lang. Parang nabalik ako sa pagiging college student kung saan ang problema ko lang dati ay kung papaano makakatapos sa essay, makakapasa sa exam, at hilingin na maging vacant ang next subject.
Simple lang ang buhay ko dati. Mga kanta lang ni Ed ang comfort songs ko. Pero ngayon... I guess... I'll say na marami nang nangyari at marami na rin akong gusto bilang nadaragdagan ang karanasan ko sa mundo.
When kaya sunod na concert mo, Ed? Miss ko nang sumigaw hanggang mabingi ako at ang katabi ko. Wala na akong magiging kasama mag-fangirl, pero alam kong magiging worth it 'yon kahit mag-isa lang ako.
AHH... why am I being sentimental these days?
0 notes
guillianecay · 2 years
Text
Tumblr media
16. A flashback of yesterday. The time when I ran for a position in the Student Council. Rollback in the time, I really did not expect that I will be nominated in any position in our classroom since I was just a new student at RCT— sa student council pa kaya? I mean???? But right, I think the universe played my fate too much. I still remember not feeling nervous sa nomination for the Student Council positions. I was just chill y'know because I was confident and knew that no one will ever nominate me given the fact that I still barely know everyone that time, but that confidence suddenly crashed like some ice sa halo-halo when my classmate raised his hands and nominated my name for the G11 representative. Muntikan na akong mabingi that time, parang naging totoo sa'kin 'yung "bumabagal ang mundo" pero hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kaba. The speaker called my name to go infront. I was in a competition with like 4 or 5participants? All of them were males, I was the only female. I won. I don't know how and why, but I won. So ayon, sabi ko nalang sa sarili ko, "wala nang urungan 'to".
Moving on, I had a good time during the campaign. My party members were easy to get along with. They were nice, pleasant,  and approachable. We all contributed to our respective platforms. I am still very proud of our platforms and advocacies. They were fantastic. Maybe it wasn't the right time for some of us, but I believe it was the right time to express our hopes for the school, particularly for the students.
And as time passes, I realized that I did a pretty good job and I was thankful to that classmate who nominated me, because of him, I was able to experience such an event in my life. During the campaign, I got out of my comfort zone and met some fresh individuals. It was indeed a nice experience that I will never forget.
0 notes
isaw-bbq · 2 years
Text
NABABALIW AKO FUCKFKKK
I WANT TO SCREAM SO BAD HANGGANG SA MABINGI AKO
I WANT TO CRY
i WANT TO HURT ME
I WANT TO JUMP
I WANT TO SLEEP AND NOT WAKE UP ANYMORE
WHAT IS THIS FEELING I CANT EVEN EXPLAIN WHATS GOING ON INSIDE MY MIND
CAN SOMEONE HELP ME
0 notes
syakeko-chan · 4 years
Text
Lynvan, Mabinogi character
Tumblr media
0 notes
fawnuh · 4 months
Text
Silly little animation of some OCs a few friends and I came up with :3
youtube
2 notes · View notes
Text
Mga pare, dito nyo po makikita mga post natin ano po baka lang naman hahaha ge bye
Kapag gusto nyong mabingi at masira ang araw-gabi nasa isip ka napapanaginip ka kahit saan man magpunta(okay waley bye), ito lang po, #v
Kapag naman po gusto nyong macute-an sa akin and nandito din mga kuha natin ano po, #retrató
28 notes · View notes
yowmongi · 4 years
Text
"
Itutulog na lang.
Baka sa pagpikit ng aking mata, doon kita makita.
Titigil ang luha, ang labi'y kukurba.
Hayaang mabingi ang kaluluwa ng hiyaw ng mga kulisap.
At ikaw ay maaninag sa kadiliman.
Itutulog na lang.
Upang malaya akong makapagsalita.
Walang kapintasan sapagkat kontrolado ko ang ikot ng buwan.
At doon, ika'y pagmamasdan.
Tatahimik ang mundo, ang araw ay lilisan.
Kaya.
Itutulog na lang.
Nang mahimbing sa aking kama.
"
1 note · View note
namelessmusings · 4 years
Text
‘in a span of a few minutes, we can fall in love’
Sumakay ako ng jeep ng walang ibang dahilan kung hindi para makarating sa paroroonan. Lingid sa aking kaalaman, na sa loob lamang ng tatlumpung minuto ay matutunan kong umibig at ang mapait na katotohanan na hindi lahat ng pag-ibig ay nasusuklian.
“Cubao! Cubao!” sigaw ng barker sa may sakayan. “Tatlo pa! Tatlo pa oh! Upong seksi na lang mga ma’am at sir.”
Dali-dali akong sumakay ng jeep. Mahirap na at mukhang traffic na naman pag daan ng jeep sa Marikina. Naupo ako sa gitnang bahagi ng jeep sa pag-aakalang kakasya pa nga talaga ang tatlong tao.
At Anak ng teteng! Anong tatlo ba ang tinutukoy ni Kuya? Tatlong kuting?
Pilit kong pinagkasya ang sarili sa maliit na puwang sa upuan. Tsk! Ito pang ibang mga pasahero parang walang konsiderasyon at ayaw pang umusog ng maayos, samantalang pare-pareho lang naman kaming magbabayad ng otso pesos at pantay-pantay naman kaming makakasagap ng pamatay na usok ng mga tambutso sa mga kalsada ng Maynila.
Umandar na ang jeep at nang sa aking palagay ay kahit papaano’y nakakaupo na ako ng maayos, kumuha na ako ng pambayad at agad na nakisuyo para iabot ng mga kapwa ko pasahero.
“Bayad po!” narinig kong sabi ko at boses ng isa pang pasahero. Napaangat ang tingin ko at nginitian ako ng babaeng nasa harap ko at umulit ulit syang nakisuyo sa pag-abot ng pamasahe. Mga tatlong segundo akong natulala bago may pasaherong kumuha ng pamasahe ko at iniabot sa drayber. Nagbitiw ako ng mahinang pasalamat at nagkunyaring naglalaro sa cellphone ko pero ang totoo ay binalikan ko lang ng tingin ang babaeng nasa tapat ko. Kasalukuyan s’yang nag-aayos ng mga papeles sa isang long brown folder.
Hindi siya sobrang ganda. Singkit ang mata. May mga marka ng teenage acne. Kulay kayumanggi. Walang suot na lipstick pero mukhang nagpulbo kasi hindi niya pa naayos yung sa may kaliwang pisngi niya. Maiksing buhok na hanggang balikat. Naka-corporate attire pero ang bag ay black backpack na Hawk. May gray-rimmed glasses na nakasabit sa may kwelyo nya. Mukha syang matangkad pero hindi ko naman malalaman kasi nakaupo siya. May suot syang ID. Hindi malabo ang mata ko kaya hindi ko kinailangang pasingkitin ang mga mata ko para mabasa ang nakasulat. Aiana Y. Torrecilla. Consultant II ng isang Logistics Company sa Quezon City. May suot syang salamin sa ID picture at nakatodong ngiti.
Bumalik ako sa paglalaro sa cellphone ko dahil malapit na syang matapos sa pag-aayos ng mga papeles at may bumabang pasahero. Napansin ko rin kasi na kadalasan sa mga tao ay tinitignan ang bababang pasahero sa tuwing bababa ito o kaya naman eh aangat ang ulo sa tuwing pepreno ang jeep.
Umandar muli ang jeep at nagsiusugan ang mga pasahero. Doon ko lang narealize na magkaibang medyas pala ang suot ko. Napabulyaw ako ng medyo malakas na ‘anak ng teteng naman oh!’. Tumawa ang ilang mga pasahero at napangiti ako ng konti. Napalakas nga siguro ang pagsabi ko. Napansin kong tumawa rin siya. At ang laki nang naging epekto n’on sa akin. Sumaya ako at pakiramdam ko nabuo ang araw ko, ay, hindi, nabuo ang buong buwan ko! Ngumiti ulit ako sa kanya at kahit alam kong mukha akong tangga sa ginawa ko at maging sa pag-asang ngingiti rin s’ya, worth it naman dahil ngumiti rin s’ya pabalik at nagsabi pa ng,
“Okay lang yan. ‘Di naman masyadong halata.” sabay mahinang tawa ulit.
Nagsambit ako ng ‘sorry po’ sa ilang mga pasaherong medyo nagambala sa pagsigaw ko.
Napahiya ako pero okay na okay lang narinig ko ang boses n’ya.
Para akong highschooler. Wala naman s’yang ginagawa pero ang kaalaman na nand’yan s’ya ay nag-papapanatag at nag-papasaya sa akin.
May biglang nagring na cellphone sa jeep. Sa kanya pala yun. Hindi ko alam ang title nung kanta ang natandaan ko lang sa lyrics ay ‘straight off the plane to a new hotel’. Kanta yata ng One Direction ‘yun.
“Hi, ma! Bakit po?…Opo, malapit na po ako. Medyo matraffic nga lang po…. Naku naman, Ma. Kelan ba po ako nalate? tawa ….Opo na, opo na. Pangatlong late ko pa lang ‘to. Hanggang sampu naman tsaka ka lang matatanggal eh……Joke lang, syempre. Opo, hindi ko sasagarin tawa Aagahan ko na po bukas, promise… Sige po, ako pa ba?…. i love you, ma. Bye.” nakangiting binaba niya na ang telepono matapos nyang kausapin ang mama niya.
Traffic nga. At ngayon lang nagtraffic na hindi ako nagrereklamo. Naglabas siya ng earphones at nakinig ng music. Malakas na tumunog ang isang Japanese song at narinig ng lahat ng pasahero pati ang drayber. Nagulat siya at agad na pinasak ang saksakan ng earphones at ngumiti ng matipid sa mga pasahero, maging sa akin. Napansin kong hindi n’ya hininaan ang volume. Balak ba n’yang mabingi?
Marami ulit bumabang mga pasahero at umayos na s’ya ng upo dahil medyo lumuwag ang jeep. May nilabas s’yang libro. Double Cross ni James Patterson. Siguro mahilig siya sa mga crime and mystery books. Mas sumingkit ang mata n’ya kaya naman nagsuot s’ya ng salamin. Nalaglag ang isang bookmark nang naglipat s’ya ng pahina at pinulot ko ito dahil nasa tapat ko lang naman. May drawing ng papataas na grapevine hindi mukhang computerized, pero ang ganda nung pagkaka-drawing. Ay,ewan. Iniabot ko sa kanya at nagpasalamat siya.
Hindi naman siguro maituturing na stalking ang ginagawa ko o invasion of privacy o anumang kaso o kasalanan. I was just being observant. At ang interesting niya, para sa akin. Kung mali ang ginagawa ko, ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad.
Kahit kailan ay hindi pa ako naiinlove o nalulunod sa isang tao, kaya siguro maraming magsasabing kalokohan ang sinasabi ko na minahal ko ang isang babaeng hindi ako kilala o hindi ko rin naman kilala, maliban sa mga sariling obserbasyon ko at sa pangalan niya. Kung may nagsabi sa akin kanina na makilala ko ang unang babaeng iibigin ko sa jeep na ito, e ‘di sana hindi ako nagsuot ng magkaibang medyas, nagpabango ako, pumili ng pinakamagandang damit at umulit sana ng ligo.
Hindi siguro ‘to counted kasi hindi naman n’ya ako kilala at ano nga bang alam ko sa pag-ibig? Eh ni hindi ko pa nga ito nasusubukan.
“Bakit?” Nawala ako sa train of thought ko at tsaka ko lang napansin na nakatingin pala s’ya sa’kin na parang nagtataka pero nakangiti.
Nagsimula muling umandar ang jeepney patungo sa paroroonan.
“May kailangan ka ba?” sabi niya ulit at nakatingin din pala sa direksyon namin ang mga natitirang pasahero.
“Ha?” hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya kanina pa pala ‘ko nakatingin sa kanya at nakangiti pa ako.
“Naku, miss, mukhang may gusto sa’yo ‘yan, kanina pa yata nakatingin.” kantyaw ng drayber ng jeep habang nakangisi sa rearview mirror.
Gusto kong batukan ang sarili sa pinag-gagawa ko.
“Ah. Wala, wala. May naalala kasi ako sa’yo.” sabi ko sa kanya. Bahala na, ngayon ko lang naman ‘to gagawin. Kung sampalin n’ya ako o bigla s’yang bumaba ng jeep, okay lang na siyempre medyo hindi.
Tumawa s’ya ng mahina, na parang may halong kaba na tawa. Nakatanghod sa amin ang iilang mga pasahero. Umandar muli nang mas mabilis ang jeep. Malapit na pala kami sa Cubao.
“Sino naman?” tanong niya sabay tanggal ng earphones at sara ng librong binabasa. Binalik niya ito sa backpack niya at tumingin ulit sa akin.
Bahala na.
“Yung future girlfriend ko.” sabi ko sabay ngiti ng sa tingin ko ay ang pinakamaayos na, na ngiti na maibibigay ko sa kanya. Ang kapal din pala talaga ng mukha ko dahil hindi ko inalis sa kanya ang tingin ko. Hinintay ko na magsabi s’ya ng ‘para’ at agad na bumaba ng jeep, sampalin ako o kaya sumimangot at tumingin palayo. Pero wala sa mga iyon ang ginawa n’ya. Tumawa ulit s’ya maging ang ibang pasahero ay nakiasar din.
Mas bumilis ang takbo ng jeep kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko at isang liko na lang ay Cubao na. Malapit ng matapos ang biyahe. At pasimple akong humihiling na sana bagalan ng drayber o humaba pa ito. Kahit ano basta makasama ko s’ya nang mas matagal.
“Aiana.” sabi n’ya sabay abot ng kamay.
“L nga pala.” sagot ko at kinamayan s’ya. Sobrang saya ko. Oo, mahal kita Aiana. Oo, alam kong parang imposible. Oo, kalokohan ito, sabihin mo. Mahal kita.
Tumigil ang jeep at nakarating na pala kami sa paroroonan. Nakababa na ang ibang pasahero. Sumunod s’ya at sumunod ako.
Nakangiti pa rin kaming dalawa. Biglang nagring ulit ang telepono n’ya. Sinagot n’ya agad ito.
“Good morning….. Yes, sir. I’m so so sorry….. Yes, I know. I apologize, really. Please forgive me….. This will be the last time. Sure, sure. ….I’m going. I’m going.” Binaba niya saglit ang cellphone n’ya at tinakpan ito.
“Salamat, L.” sabi n’ya nang nakangiti at tinapik pa ako sa balikat. “Kailangan ko ng pumasok eh, late na me. See you when I see you.” sabi niya sabay mabilis na naglakad at bumalik sa kausap n’ya sa telepono. Kumaway pa ulit s’ya ng huling beses at tsaka nawala sa paningin ko sa dami ng taong naglalakad at nagmamadaling makarating sa parororoonan.
Alam kong ito pa lang ang simula ng kwento. Okay, siguro hindi ko nga talaga alam. Umaasa ako. Gusto ko uli s’yang makita para ituloy ang kuwento.
Kalokohan marahil para sa marami pero ano nga ba talaga ang alam natin sa pag-ibig. Isang bagay lang ako sigurado. Sa mauusok na kalsada ng kalakhang Maynila. Sakay ng isang luma at kinakalawang na jeep. Sa isang mainit na araw ng Abril. Sa isang babaeng hindi ko kilala maliban sa pangalan n’ya. At sa loob ng maiksing tatlumpong minuto, umibig ako.
fin.
1 note · View note
lzysad · 5 years
Text
Gusto ko munang mabingi sa katahimikin
2 notes · View notes
pleasegetout · 6 years
Text
Anytime pwede ako atakihin ng sakit ko. Anytime pwede akong mabingi. Anytime pwede akong mabulag at mawalan ng hininga. :(
1 note · View note
moose-knee · 2 years
Text
Last time na nangatwiran ako, kung ano anong masasakit na salita ang sinabi sakin. Ngayon, wala kayong maririnig na sakin. Sabihin niyo na lahat ng gusto niyo, mabingi kayo sa katahimikan ko. Di na natahimik tong bahay na to tangina.
0 notes
my-hecate · 3 years
Text
January 23, 2022 - 01:28PM
3rd day ng quarantine ko. Yes, nagpositive ako sa Covid-19. Nalaman ko na positive ako last January 20, 2022 noong nagpa doktor ako para lang makakuha ng medical certificate.
Pinag oon-site na kasi ako ng Operations Manager namin dahil sa pagkakamali ko sa work. So para hindi muna ako ipag on-site at dahil malala pa nga ang sipon at ubo ko at samahan pa ng migraine ko na araw araw akong dinadalaw, nagpasama na ko kay Mama sa doktor para makakuha ng med cert. Ang dinadasal ko lang that time e sana bigyan ako ni dok ng med cert para makapagpahinga na muna at payagan akong mag immediate resignation. Pero noong chineck ako ni dok at sinabing magswab test ako, doon ako mas kinabahan.
Halos matameme ako at mabingi nang sabihin ni dok na positive ako sa Covid. Wala akong masabi noon at nakatulala lang ako kay Mama. Wala na rin akong maintindihan sa mga payo ni dok hanggang sa marealize ko na umiiyak na pala ako.
Mild lang naman daw ang Covid ko at bata pa raw ako kaya napakalaki raw ng chance para masurvive ko to. Alam ko naman 'yon pero hindi ko alam kung bakit iyak ako nang iyak hanggang sa makauwi kami. Siguro naipon lahat ng stress, pagod at emosyon kaya nagbreakdown na lang ako.
Dahil din sa nangyari sakin, napatunayan ko na hindi naman ako nag iisa sa buhay ko. Na maraming nagmamahal sa akin at iyon na rin siguro ang best part dito.
Hindi na rin muna ako pumasok sa work since ang advice ni dok ay mag bed rest muna ako. Pero hanggang ngayon, minumulto pa rin ako ng stress sa trabaho at takot na magpasa ng resignation letter. Ang gusto ko lang talaga ay magkaroon ng pahinga. Pahinga kung saan wala akong ibang iintindihin kung hindi ang sarili ko lang muna. Kahit 2 months lang.
Gusto ko lang munang makahinga.
0 notes
fawnuh · 4 months
Text
Fanart of some OCs a few friends and I came up with during a game a gartic phone
Tumblr media
I'll make a separate post later explaining the beginning of the Mabingy Bingy lore if this gets enough notes
Mabingy Bingy (the one smoking) and Mabingy Bingy's tomboy sister (blue hair) belong to @druidpc
6 notes · View notes