Tumgik
#paniniwala
pulaasul · 1 year
Text
This perfectly encapsulates how I view Keiwa's and Ace's dynamic.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Transcript - tweet 1:
It’s crazy that everyone said ep 8 was a proof that Keiwa has always been selfish and hypocrite but actually the point of that ep was to prove Ace who saw him as selfish wrong when he sacrificed for the everyone. It’s the reason Ace insists on trusting him the entire Bujin arc.
Transcript - tweet 2:
He sees that keiwa is just like ordinary people who has their own desire but his heart was good so he can find a way to stay good and no one can fight him to knock the sense into his head except for himself.
Transcipt - tweet 3:
Like this episode was clearly the foundation of Ace's trust in Keiwa. Ace who before this saw Keiwa as just another dumb person who couldn't see his own selfishness. And then seeing him as someone who wasn't just dumb but someone who chooses to do the right thing if he could.
8 notes · View notes
dimagapi · 2 years
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
168 notes · View notes
ano-po · 4 months
Text
Kwarenta Dias
Tadhana ko ba'ng mag-isa?
Walang tadhana, aking paniniwala. Kung ang Diyos ay totoo, wala Siyang pakialam. Sino ba naman ako para bigyan ng kaukulang panahon ng Maykapal? Ayos lang akong mag-isa. Ayos lang akong manahimik.
Nung dumating ka sa buhay ko, bigla akong naniwala, na siguro ay may paki sakin ang mga langit. Araw-araw masaya, araw-araw umiibig, araw-araw iniibig. Sa mapag-isa kong pagkatao, sa pangit kong ugali, may isang taong minahal ako ng buong-buo. Nasabi ko sa aking sarili, kahit hindi ko kayang aminin sa iyo, kung lahat ng tao ay nagmamahal ng ganito, mas masaya siguro ang mundo.
Sa kaarawan ko nang ika'y ibinigay. Sa kaarawan ko din nung kami ay nagdarasal sa sementeryo para sa iyong kwarenta dias.
Minsan tumutunganga. Bakit ikaw? Bakit ako? Bakit tayo? Ano'ng aral ang nais nilang matutunan ko? Wala, walang aral ang buhay. Maaari ko namang matutunan lahat nang magkasama tayo. Bakit.
Minsan umiiyak. Dalawang oras sa jeepney, walang magawa kundi maalala ka, na sana magkasama tayo, na sana nasa motorsiklo mo akap akap ang likod mo, habang tumatawa ka sa mga paulit ulit kong kanta.
Minsan nagtataka. Kung sino ba ako bago ka makilala, kung sino ba ako nung tayo'y magkasama, kung sino ba ako ngayon na wala ka na. Hindi ko na sila kilala.
Habang buhay, isinumpa akong may mabigat na bangin sa puso na hindi ko ginusto. Hindi ko matatanggap na ang buhay ay ganito. Ayokong makalimutan na ikaw at ako ay pinagtagpo, para lang mapaghiwalay sa saktong isang taon.
11 notes · View notes
elfilibusterismo · 6 months
Text
Ang himala sa pelikula ni Bernal ay hindi ang "himala" na kinikilala ng Simbahan matapos nitong suriin ang mga pangyayari, at ang bisa ng pagsuspinde sa mga batas ng kalikasan ay opisyal na tanggapin ng mga may-kapangyarihan. Ang sinasagasa ni Bernal dito ay ang kombensiyonal na paniniwala ng mga deboto sa mga iniaaral ng Simbahan. "Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao, tayo ang gumagawa ng himala!" Sa kapanahunan ng diktadurang Marcos, may politikal na implikasyon ang mga salita ng dalagang sa simula'y nagsabing pinagpakitaan siya ng Birhen. Tulad ng ginawa niya sa Manila by Night, ipinakita niya sa Himala ang kabilang mukha ng realidad na hangad ipatanggap ng mga naghahari sa lipunan. Ang mga tao ang gumuguhit ng kanilang tadhana, hindi ang isang taong umaangkin sa kapangyarihang babago sa lipunan. Ang putok na pumugto sa buhay ng babaeng natutong magsabi ng "totoo" ay simbolikong pagpapasabog sa realidad na gustong ipatanggap ng Bagong Lipunan sa mga mamamayang Pilipino.
— Bienvenido Lumbera, Ang Pelikula sa Lipunang Filipino, Ang Lipunang Filipino sa Pelikula
15 notes · View notes
karagatantalabuwan · 8 months
Text
Tumblr media
Bilib ako sa’yo. Sa kabila ng mga bagay na naranasan at pinagdaraanan mo, nagagawa mo pa rin ang maglakad at mag-patuloy dito sa mundo. Kahit na kabi-kabilang unos ang harapin, nagagawa mo pa ring sumabay sa kumpas ng hangin. Hindi naging hadlang sa’yo ang bigat ng ‘yong bagahe o ang layo ng b’yahe. Kaya mong harapin ang daloy ng unang araw ng linggo. Dala mo ang pag-asa hanggang sa araw ng Sabado. Hindi ka nagda-dalawang isip na hamakin ang araw-araw – umuusad kahit na minsan ang umaga’y mapanglaw. Sumasabay sa agos ng buhay, kahit saan ka man nito matangay. Bilib ako sa’yo, mahal. Dahil kahit hindi na minsan patas sa’yo ang mundo, hindi ka pa rin sumusuko. Hawak mo sa’yong mga kamay ang apoy ng paniniwala. Nakatutok sa langit ang ‘yong mga mata – hindi nakalilimot na i-apak ang mga paa sa lupa. At sa kabila ng ‘yong paglaban, ituring mo akong tahanan. Tahanang uuwian sa tuwing kailangan mo ng pahinga – sandalan at takbuhan sa tuwing gusto mong maging mahina. Itatago ka sa likod ng mga yakap at pagkalinga. Alalahanin mo na kahit nasanay ka sa pag-iisa – hindi ka na mag-iisa.
4 notes · View notes
residentpatriot · 10 months
Text
Bakit Inaangkin ng Tsina ang Buong Karagatan ng West Philippine Sea
Ang West Philippine Sea ay ang karagatan na pinag-aagawan ng ilang mga bansa sa Timog Silangang Asya. Pero bakit inaangkin din ng Tsina ang buong karagatan ng West Philippine Sea? Batay ito umano sa kanilang paniniwala na kanila ang buong karagatan nuon pa mang sinaunang panahon. Ibinasura ng UNCLOS ang pang-aangkin na ito ng Tsina nuong 2016. Ang arbitration award ay pinal at may bisa sa…
Tumblr media
View On WordPress
3 notes · View notes
iishcredible · 8 months
Text
as a mom strict ako sa mga food na pinapakain sa 7month old baby ko (at oo madami ako pinagbabawal) , dahil bukod sa baby pa sya eee i’m trying to help my baby, me and sa mga future na magaalaga sakanya.. Promise magiging thankful na lang kayo sa future na di mapili sa food at di mahilig sa sweets ang anak ko.. but for now please let me do my thing para mangyari yun. Wag nyo muna iintroduce sa bata yung di pa kaya ng chan nya, yung makakapagtrigger ng allergies nya at mga matatamis ( oily food, candy, jusko gulay pero nasa sardinas) PLEAAASE LANG!!! pinagkatiwal ko sainyo yung anak ko kaya UTANG NA LOOB wag muna yung di pa pwede. darating din naman yung right time at age para jan pero slow down lang po tayo.
note lang di ako nagkukulang. lage ko sinisigurado na may nakaprepare na food sya if not meron syang alternative na food.. for snacks meron din sya para pag natakam or nagutom si baby ee meron syang makakain. iba iba tayo ng paniniwala pero please respect me as HER MOTHER. iba yung way na pagpapalaki ko sa anak ko. at sa panahon ngayon need ko maging extra careful lalo nagiisa lang yan.
4 notes · View notes
thatoldbooksmell25 · 2 years
Text
"…hindi nag aaral ang isang tao para lamang makakuha ng malaking pag kakakitaan. Nag aaral ka para matuto at para maliwanagan ang iyong isip sa maga bagay at paniniwala na nag papaliit at nag kukulong sa iyo"
16 notes · View notes
pmlbrbbb-blog · 9 months
Text
Ang dami ng nagbago at magbabago.
Hello tumblr! Kamusta ka? Ang tagal kong nawala. Nabisita pero hindi na permanente. Kapag natanda pala talaga naiiba na ang mga iniisip. Sana maibalik ko ulit ang childish-like personality ko noon.
Ang hirap pala tumanda. Hindi na nakafocus sa kung ano anong bagay kung hindi malalaking bagay na talaga. Alam ko na kung bakit ganito sila, napakadaming iniisip. Alam ko na bakit laging nasa labas yung tito ko na nakatulala lang at nag iisip. Kaya pala masyado na silang seryoso. Totoong buhay na pala talaga, hindi na bata na pupwede pang mapagbigyan sa kung ano ang gusto. May mga taong nawawala at mawawala sa buhay mo. Mga pangarap, paniniwala at kung ano ano pa ang magbabago.
Ang hiling ko lang sa sarili ko ay sana hindi ako mawala sa realidad na ito.
5 notes · View notes
angkoleds · 9 months
Text
Ang Krus at ang Perlas
Tumblr media
Sa magulong kasaysayan ng Pilipinas, may iilang pangyayari na kumakatawan sa mga napakabigat na alaala ng hindi pantay na paghati ng kapangyarihan sa pagitan ng sagradong at sekular na sektor. Isa sa mga ganitong pangyayari ang pagpatay kay Gobernador-Heneral Bustamante ng mga tagasunod ng Arsobispo, isang makasaysayang pangyayari na nagbibigay liwanag sa nananatiling impluwensiya ng simbahan sa Pilipinas. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang hindi makarapatang panghihimasok ng simbahan sa gobyerno sa iba’t ibang mga kontemporaryong isyu, lalo na sa mga desisyon ng pamahalaan kaugnay sa aborsyon, SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression), at iba pang mga batas.
Bilang konteksto para sa pagpatay kay Gobernador-Heneral Bustamante, nagmula ang lahat sa pag-aaksaya ng pondo mula sa royal treasury ng mga fraile at opisyal ng simbahan. Umabot hanggang sa pangangalaga sa mga kriminal sa loob ng santuwaryo ng simbahan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, gumawa ito ng alitan sa pagitan ng katarungan ng sibil at ng kapangyarihan ng simbahan. Lalo pang nagbigay init sa apoy ng pag-aalsa ang pagtatangkang panagutin ang simbahan sa pamamagitan ng pagkakapiit ni Gobernador-Heneral Bustamante sa arsobispo at sa mga kriminal na kaniyang kasama. Nauwi ito sa kaniyang pagpatay sa kamay ng makapangyarihang samahan ng mga galit fraile, mangangalakal, opisyal ng simbahan, at mamamayang nais pakawalan ang kanilang arsobispo.
Pagkatapos ko tingnan ang pintura, ang kaayusan nito ang una kong napansin. Maraming tao na nakakalat sa buong lugar, at ipinapakita nito ang kaguluhang kalagayan ng palasyo. Sa gitna nitong lahat, ang mga opisyal ng simbahan at ang Gobernador-Heneral ang mga pangunahing paksa ng pintura. Maaaring magmukhang magulo sa simula, ngunit sa pagtuon sa gitna, makikita mo ang Gobernador-Heneral na walang awang sinaksak ng maraming beses ng matalim na sandata ng kasamahan ng mamamayan at opisyal ng simbahan. Perpektong sumasalamin ang sandaling ito sa pagbagsak ng pinakamakapangyarihang posisyon sa bansa sa kamay ng mga tagasunod ng simbahan at mga karaniwang mamamayan. Sa kabuuan, sa tingin kong isa itong napakagulo, at kontrobersyal na pintura, na nakilala bilang isang obra-maestra ni Felix Resurreccion Hidalgo.
Malakas na naririnig sa kasalukuyan ang mga sigaw ng nakaraan. Kumikilos sa simbahan na nagpapatuloy na nagtataglay ng impluwensya sa mga desisyon ng pamahalaan sa Pilipinas. Nagpapakita ng patuloy na laban sa pagitan ng doktrina ng relihiyon at ng pagsusulong ng mas mabuklurang, progresibong lipunan ang posisyon ng simbahan sa mga mahahalagang isyu tulad ng aborsyon at batas ng SOGIE.
Aborsyon:
Isang halimbawa ng pagsalansang ng simbahan sa kasaysayan laban sa interbensiyon ng pamahalaan ang kasalukuyang pagsalungat sa mga patakaran hinggil sa aborsyon gaya ng nasaksihan natin sa paglabag sa katarungang sibil noong panahon ni Gobernador-Heneral Bustamante. Nagpapakita ang impluwensiya ng simbahan bilang isang malaking bahagi sa pagpigil sa pag-usbong ng mga karapatan sa reproduksiyon, na patuloy na nagmula sa prinsipyong relihiyoso (Chen, 2022).
Batas ng SOGIE:
Tulad ng mga alitan sa nakalipas na pagitan ng sagradong at sekular na kapangyarihan, naramdaman rin ang impluwensiya ng simbahan sa pagsalansang laban sa pagsasabatas ng mga nararapat na batas ng SOGIE. Patuloy na nakakaranas ng hindi pagkakasundo ang mga usaping may kinalaman sa oryentasyong sexual, pagkakakilanlan sa kasarian, at ekspresyon, kung saan nagpapakita ng impluwensya ang simbahan dito sa pagpigil sa pamahalaan mula sa pagtahak ng makatarungan at progresibong mga hakbang tungo sa pantay-pantay na karapatan para sa lahat ng mamamayan (De Guzman, 2023).
Naglilingkod na isang makahulugang talinghaga sa kasaysayan ang pagpatay kay Gobernador Bustamante, na naglilinaw sa patuloy na impluwensiya ng mga paniniwala ng simbahan sa gobyernong Pilipinas. Sa pagtukoy sa mga pagkakatulad sa kasalukuyang isyu tulad ng aborsyon at batas ng SOGIE, lumilitaw na patuloy na naglalakbay sa ating kasalukuyan ang mga epekto ng mga pangyayaring nagdaan. Nagbibigay inspirasyon sa atin ang mga pangyayaring ito na magkaroon ng masusing pagninilay-nilay sa magulong ugnayan ng simbahan at estado, sa layuning itaguyod ang isang lipunan na mas makatarungan sa panghinaharap. Sa pagtataglay ng bansa sa mga komplikadong dinamika na ito, sana magiging gabay natin ngayon ang mga aral mula sa kasaysayan sa pag-aayos ng magulong ugnayan ng simbahan at estado sa paghahangad ng isang mas makatarungan at inklusibong hinaharap.
Mga Sanggunian:
Chen, H. (2022, July 19). Abortion’s illegal in the Catholic majority Philippines, so more than a million women a year turn to other options. CNN. https://edition.cnn.com/2022/07/18/asia/philippines-abortion-ban-debate-women-rights-roe-wade-intl-hnk-dst/index.html
De Guzman, C. (2023, June 30). Southeast Asia’s most Gay-Friendly country still has no law against LGBT discrimination. TIME. https://time.com/6290762/philippines-pride-lgbt-discrimination-sogie-equality-bill/
2 notes · View notes
hashirun · 2 years
Text
Andito na naman yung pinsan ng tatay ko na may kwestyonableng values, kung ano-ano na naman pinagsasabi. Things like "responsibilidad ng anak ang magulang" and "okay na grumadweyt ng high school tapos mag buy and sell na lang" and "di naman kailangang umasenso sa buhay" and "di baleng maghirap basta nakatulong ka sa mga kamag-anak mo" like wtf are you talking about, sa tatay ko pa talaga nya naisipang ipagmayabang yang mga baluktot nyang paniniwala. Buti na lang si Papa kahit may mga tagilid din syang paniniwala, nandun yung pagpapahalaga nya sa edukasyon at pagsisikap sa buhay. Kaya nga yung priority nya habang lumalaki kami yung mapag-aral kami lahat at makapagpundar sya ng mga ari-arian. I grew up thinking we had nothing kasi sobrang frugal talaga ng lifestyle namin nun. Iniiyak pa naming magkakapatid na mag-Jollibee kami after namin magsimba every Sunday.
So ayun na nga, buti naman nire-rebutt ni Papa yung mga sinasabi ng pinsan nya. Pinapaliwanag nya na importante pa din na nakapag-aral kasi magagamit mo yun para makahanap ng magandang trabaho and ( na-impress din ako sa part na to: ) para mahasa ka makipag-usap sa mga tao kahit ano pang katayuan nila sa buhay. Magkakaroon ka raw ng lakas ng loob makipag-negotiate sa mga tao. In fairness kay Papa haha. At bilang nagsikap si Papa makapagpundar ng mga ari-arian alam ko tinamaan sya sa sinabi ng pinsan nya na di naman kailangan umasenso sa buhay, kaya sumagot sya na maganda din na meron para meron kang maiiwan sa mga anak mo.
Sobrang shady talaga ng tito ko na to kaya di ko masyadong pinapansin pag pumupunta dito eh. Sya pa yung tipo na tatanungin ka "Bat di ka pag nag-aasawa" putik na yan. Dahil dyan dito lang ako sa kwarto di ako lumalabas.
15 notes · View notes
sinethewrld · 10 months
Text
Simulan ang Kapistahan
Isang pagsusuri ng Midsommar (2019)
Tumblr media
Madalas na naiisip ng karamihan na hindi tayo mauuto sa pagsali ng isang kulto. Ngunit, gaano ba talaga tayo katibay laban sa sikolohikal na manipulasyon? Dito natin masisilip sa pelikula na “Midsommar” ang trahedya ng isang babae naging biktima nito nang pinagsamantalahan siya ng isang kulto sa pagitan ng kaniyang paghihinagpis. 
Sinusundan ng pelikula na ito ang magkasintahan na sina Dani at Christian at kanilang mga kaibigan na nagbabakasyon sa Sweden para makipaglahok sa mid-summer festival sa isang nayon sa sulok ng bukid. Kamakailan lamang nagpapagaling si Dani mula sa pagkamatay ng kaniyang buong pamilya, kaya’t hinikayat siyang sumali sa paglilibang na ito. Nakikitang kaakit-akit at masaya ang mga ritwal at tradisyon ng nayon, ngunit unti-unting gumuho ang imaheng ito para maihayag ang mas malagim at nakakakilabot na katotohanan.
Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikulang ito ang napakamarilag na sinematograpiya nito. Nakakaakit ang pagkuha ng direktor, na si Ari Aster, ang kagandahan ng kabukiran at kalikasan ng Sweden at sa pag-baluktot niya ng mga tanawin nito. Masasabi ko na nabilanggo ang atensyon ko sa mga nakakakilabot na ritwal na pinakita na lalong dumagdag sa karimlan ng palabas. Noong pinanuod ko ito, napatago ako sa aking mga unan nang umabot sa mga eksena kung saan pinapalabas ang mga madugong tradisyon na nagsasalamin pala sa aktuwal na mga rituwal ng Pagansimo. Bukod doon, naging tanyag din sa akin ang emosyonal at sikolohikal na perspektibo ng pelikula sa dyanrang horror. Nilinaw rito ang pagkakagiba ng mga relasyon sa epekto ng pighati, kaya’t nakapupukaw ito ng mga damdamin.
Tumblr media
Higit pa rito, pumukaw naman sa aking atensyon ang kultural na mga simbolismo, tradisyon, at mga rituwal ng mga Suweko (Swede). Repleksiyon ang kultong Harga ng pelikula sa mga Nordikong paniniwala at sa Paganismong tradisyon. Sa pagtingin ko, isang tanyag na halimbawa nito ang bahagi kung saan pinakita ang oso bilang analohiya ng katatagan at kagalingan. Sinasabi sa mitolohiya ng mga Nordiko na nagbibigay balanse sa sandaigdigan ang oso. Maiuugnay ito sa situwasyon ni Dani na nagdadalamhati sa kaniyang pagkaulila at sa umaalog na relasyon nila ng kaniyang kasintahan. Sa kasukdulang eksena, pinakita na nakabaluki na ngiti si Dani nang pinasok si Christian sa isang bangkay ng oso at sinunog sa loob ng kubo. Sa puntong ito, nakahanap ng pagtatanggap at kapayapaan si Dani nang nawala ang kaniyang toxic at makasarili na kasintahan. Higit pa diyan, naging mahalaga para sa kanya ang paghanap niya ng lugar sa isang komunidad na nakikiramay sa kaniyang pagluluksa. Dito ko napagtanto na mabibihag ang isang tao kapag udyakan sila sa oras ng sikolohikal o emosyonal na kahinaan. 
Tumblr media Tumblr media
Bagama’t hindi totoo ang kultong Harga, tiyak na maihahambing parin natin sa realidad ang mga sunod-sunurang kaganapan sa “Midsommar”. Sa Pilipinas, isang kamakailan lamang na isyu ang pag-aresto ng lider ng kulto Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jey Rence Quilario, aliyas "Senior Agila", sa krimen ng human trafficking, solemnisasiyon ng child marriage, at child abuse. Katulad sa palabas, may iilang pamamaraan ang SBSI upang manipulahin at kontrolin ang mga miyembro nito. Binebenta nila ang konsepto ng mapag-isang pamilya habang nangaabuso at gumagawa ng iba pa na malubhang krimen. Sa katotohanan, walang mahika o mahiwagang puwersa ang nakakabihag ng sarili sa isang kulto, kung hindi ang mga masama na impluwensiya sa emosyonal na pagkatao.  
Gusto kong tapusin ang blog entry na ito sa isang kasabihan ni Grady Hendrix na nagsasabing “What people will do to themselves is so much worse than what other people will do to them.”
Mga Sanggunian:
Ramos, M. (2023, October 2). 4 members of Surigao ‘cult’ to testify vs leader | Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1839485/4-members-of-surigao-cult-to-testify-vs-leader
Roles Of Bears In Norse Mythology: An Insight For Enthusiasts. (2019, October 31). Uniwelry. https://uniwelry.com/blogs/viking/roles-of-bears-in-norse-mythology-an-insight-for-enthusiasts#:~:text=The%20Preferred%20Disguise%20Of%20Gods,seen%20and%20the%20unseen%20world.
2 notes · View notes
Text
Tumblr media
this is the vvv abridged version of one of the lesbian yaoi poems i wrote named nang paniniwala nang paniniwala. it's kinda shaping up to have another couple verses possibly, spread across at least sixty anime screens like the first poem//piece i did in this series (aka "to be lesbian yaoi in a world of cishet yuri", which can be read in an annotated thread on the birbsite).
&like, i have at least four other poems alongsixr these two that i wanna include in this chapbook & do similarly, so idk if this chapbook will be anything less than 300 pages at this point lmaooooooooo
at least i'll definitely find a use for some of the 3000+ anime//manhua//yuri screens i've saved over the last couple years fhdkkxnckdlslslhfjdjd
4 notes · View notes
arial-narrow-140 · 2 years
Text
Napag usapan kanina ang SOGIESC, may mga naglabas ng Biblia. Tapos forda say ng HINDI AKO PAPAYAG at 2 lang daw ang gender, sabay say ng mahal ko kayo.
Weee? Ijajudge mo na mapupunta sa impyerno tapos mahal mo? Sisigaw ka ng respeto.pero hindi mo kaya irespeto ang paniniwala ng iba?
Madaling maging maka-diyos, mahirap maging makatao.
9 notes · View notes
thebaronmunchausen · 2 years
Note
hello 👋 what is one thing na pinapahalagahan mo pero tingin mo tinitake for granted lang ng mga tao sa paligid mo?
sa totoo lang wala akong maisip. ang abstract. or nag o-overthink lang ako. hindi rin ako sociable na tao, dumadaan ang isang buong araw na ang nakakausap ko lang ay yung driver ng jeep kapag nagbabayad ako ng pamasahe o kaya yung tindera sa karinderya kaya napakaliit ng mga mga pagkakataon na ma-take for granted ako or ang mga bagay na pinapahalagahan ko.
may paniniwala ako na natural ang pagiging mabuti ng tao, at gumagawa lang ito ng mali kapag hinihingi ng pagkakataon. except mga marcos. hindi mga tao yun. dagdag mo na rin si inday sarah. may conscious effort ako na ingatan ang paniniwala na ito, umiiwas ako sa mga balita o impormasyon na hindi ko naman talaga kailangan o may posibilidad na ikagalit ko o kainisan. hindi naman talaga sa iwas. bawas lang. parang... isang panget na balita lang sa isang araw. at laging may appreciation sa mga pinaka payak na pagpapakita ng kabutihan. at ang kapalit, laging may ilan na pagsasamantalahan ito. ex hindi na magbabayad ng utang, hindi magbabalik ng gamit, minsan nga kahit simpleng pagsabi ng sorry wala na. kasi iniisip nila na mataas naman ang threshold ko sa mga ganitong bagay kaya akala nila ok lang.
kung tutuusin wala naman akong nakukuha dito. pero gusto kong isipin na binababa nito ang loob ko. gusto ko rin isipin na binibigyan ako nito ng palagay na loob sa mga bagay bagay. ex kaya kong lumabas ng dis oras ng gabi at maglakad kahit sa mga kalyeng wala masyadong ilaw kasi iniisip ko na mabuti ang mga tao dito kaya hindi sila gagawa ng masama sakin, tho debatable siguro kung saan ang punta ko. pero ang punto, hindi ako aligaga, at kung sakali mang may hindi magandang mangyayari, mas mahinahon akong makakapag-isip kung anong susunod na gagawin.
hindi ko na alam kung sinasagot ko pa ang TA mo o kung may saysay pa ang pinagsasabi ko dito. kung papaiksiin, pinapahalagahan ko kung ano mang kabutihan meron ako. kung magpagsamantala ang mga tao sa paligid, ex gobyerno, hindi dapat ito dahilan para maging mapagsamantala din.
10 notes · View notes
radanriel15 · 1 year
Text
one last ride.
Siguro sapat na yung nakakamatay at zombie na oras.
Tulog kayo at kami ay gising sa oras ng alas dos ng madaling araw.
Tinitingnan sila para obserbahan kung paano nila ubusin ang yosi at kwento sa loob ng kinse minuto.
Iba iba. Kanya kanya. Magkaka iba ng edad, kasarian, edukasyon, social life, lugar, paniniwala, trip, relihiyon, kandidato, problema at gustong gawin sa buhay.
Hindi biro ang trabahong ito.
Makati City, Philippines | 2023
Tumblr media
5 notes · View notes