Tumgik
#teleserye
dimagapi · 1 year
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
158 notes · View notes
lilgoofybean · 2 years
Text
being in love is the faces narda custodio makes everytime regina vanguardia calls her "best friend".
11 notes · View notes
aliyukupin · 2 years
Text
Kung nakukulangan kayo sa DARLENTINA, may pinoy series na GL.
Try niyo THE RICH MAN'S DAUGHTER. Nasa youtube lang ang episodes.
14 notes · View notes
Text
Maria Clara at Ibarra: Isang Obra
You’ve done it again, GMA. KUDOS. Lemme just say this. I am one full-blooded Kapamilya. But when I was younger, I remember watching and being obsessed with Mulawin, Majika, and especially the original 2006 Encantadia. Feeling ko forte talaga ng GMA ang “Telefantasya” genre. And now, another timely gem has been created. Isang napakagandang proyekto, GMA. Ngayon na lamang muli napakapanood ng serye na likha ninyo, and I’m really glad I did. 🫶🏻
Why I LOVE this teleserye??! Ang paksa ng drama ay napapanahon at edukasyonal para sa ating lahat. Liban sa kilig at mga nakakatuwang hirit, parang isang pagbabalik-tanaw at pagpapaalala sa mga nakalipas na panahon. Also, casting was SPOT ON!!! Barbie was perfect for the role, Klay (sobrang kaaliw! #feminism #notooppression besh). The perfect representation of what a Pinoy youth should be now. Crisostomo Ibarra giving me extra oppa vibez. Sa pagkakatanda ko super crush ko na before si Dennis Trillo sa Majika pero omg, tinatangi ko po kayo ginoo (ipagpatawad mo, Ate Jen hihi). The super talented Julie Ann as Maria Clara was surprising for me. ‘Twas actually unbeknownst to me that she can act like this. I’m amazed! I know she sings, she dances, and she can act too? (sige ipinapaubaya ko na talaga si Rayver ahahaha). Sa totoo lang, nahihirapan na ko pag nakikita ko silang umiiyak ni Barbie. I’m like, unli luha lang mga amiga? 🙌🏼 Also, I am now understanding why David Licauco has everyone in his clutches. (yung kaibigan ko, pipilahan ka talaga eh. see you soon kapag makakapaglamierda kami jan sa maynila hahaha). Fidel, isa kang tunay at tapat na amigo. Talk about character development, right? 🥲
Padre Salvi, Padre Damaso, pinakulo niyo po ang aking dugo, pinabilis ninyo ang tibok ng aking puso sa inis at galit. It’s my first time seeing Juancho Triviño as an actor. I know I knew him from somewhere, so ayun hubby nga pala siya ni Joyce Pring. He fits the role of PS to a tee! The amount of hate and disgust for the character just showed his effective acting. Of course, you would expect greatness with the likes of Mr. Tirso Cruz III, but I must say these younger actors leveled up too.
Andrea Torres as Sisa?! Speechless. 👏🏻 Dasurv ng award at recognition sa binigay niya dito. And, it is always a delight to see Rocco Nacino. The perfect Elias. Mahilig talaga ako sa chinito maputi ganyan pero for some reason, I crush you po.🫶🏻 (pasintabi rin kay mareng Mel wew?).
All in all, sobrang naaliw at napasaya ako ng kwentong ito. Sana ay makalikha pa po kayo ng mga proyektong katulad nito. Dinggin niyo kami! ✊🏼😉 Viva Las Filipinas!! 🇵🇭 Sana nga ay tuluyan na tayong makalaya. 🙏🏼
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
6 notes · View notes
Text
“It’s just like Probinsyano”
- my mom after watching four seasons of Game of Thrones
7 notes · View notes
cjbolan · 2 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
No this is not the Emily Windsnap movie...but I wish it was!!! If they film how Emily’s parents met, it’d look just like this show.
Clips from Dyesebel (2014).
Quotes from The Tail of Emily Windsnap (2003).
7 notes · View notes
magka-ibigan · 2 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Why didn’t you tell me? ...Eduardo, if I told you, would it change anything?
2 notes · View notes
shade713 · 2 years
Text
Asian Drama Starter Pack
Korea: What’s Wrong With Secretary Kim?
China: The Flame’s Daughter
Japan: From 5 to 9
Philippines: Ikaw Lamang
Taiwan: Meteor Garden
Thailand: Until We Meet Again
These are my personal choices for anyone that would like to start watching Asian dramas
6 notes · View notes
meowyjean · 1 month
Text
art prompt: bato ni darna as a steven universe character
0 notes
thedarrelljames · 8 months
Text
Tumblr media
LAST 5 EPISODES OF THE TV SERIES ON GMA7...
𝗧𝗥𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗦𝗣𝗢𝗧𝗜𝗙𝗬! MAGING SINO KA MAN, the teleserye theme...
SPOTIFY NOW! https://spotify.link/zfaQCNor0Cb
For all otherplatforms: https://song.link/DarrellJamesMagingSinoKaMan
𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗞𝗔 𝗠𝗔𝗡 (𝗔𝗖𝗢𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖 𝗠𝗜𝗫)
vocals by Darrell James
words and music by Reynaldo Valera Guardiano
produced by James Darrell Coligado Laxamana
record production by E-C Mix Records Productions
copyright 2020, E-C Mix Records Productions
copyright 1979, license and published by Vicor Music Corporation
Search and follow me on Spotify now for more music.
https://open.spotify.com/artist/0bJcUaOYnixMlHYBXDKChA
𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞 𝗢𝗨𝗧 𝗠𝗬 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗢𝗪!
𝗧𝗮𝗽 𝘁𝗵𝗲 𝗹𝗶𝗻𝗸 𝗻𝗼𝘄: http://Find.JamesDarrell.com
or https://artist.link/DarrellJames
.
#YouTubeArtist #Artist #Musician #Singer #Songwriter #Producer #Actor #Model #Endorser #DarrellJames #Hey #Stream #Play #Acoustic #PopArtist #Spotify #SpotifyPlaylist #NewMusic #NewMusicFriday #OPMHits #MagingSinoKaMan #DarrellJamesMagingSinoKaMan #MagingSinoKaManTheme #Theme #Trending #TrendingSongs #TrendingNow #Hit
0 notes
livingformyotp · 1 year
Text
honestly, wala naman akong issue if Pangako Sayo wants to give the viewers the "people should be able to forgive" message... if it was done right. Like, for example, in The Incredibles when we saw Syndrome remember the night of meeting Mr. Incredible and it was distorted? Syndrome was just one step away from being the villain he turned out to be, it wasn't anybody's fault but his. It should've been like that with Pangako Sayo.
Kasi theyre making it seem like Amor Powers is overreacting, every character here is acting like what she went through is not horrible trauma that can understandably be a reason for the 20 years of grudge she holds for the Buenavistas. It's bullshit, all of it. It's cliché, boring, annoying, dissapointing; nothing about this show is good and it's kinda sad. Even good characters aren't treated right kasi they end up going back into the mold of overused characters in Filipino teleseryes. David, for example, is a character I was rooting for, everything was fine until he also turned out to be a coward.
0 notes
dimagapi · 2 years
Text
Teleseryes, leitmotifs, and my obsession with things happening in the background
Ngayong taon lang ulit ako nagsimulang sumubaybay sa teleserye. Dalawa ang pinapanood ko ngayon: Darna at Maria Clara at Ibarra. Darna has a leitmotif for Valentina, and Maria Clara at Ibarra appears to have one for Padre Salvi—posibleng para sa iba pa, pero distracted pa ako sa ibang details until I just few episodes ago. Ang malinaw sa akin sa ngayon ay gusto kong marinig ang full recording ng themes nila. Napapaisip tuloy ako kung may mga inilalabas bang OST para sa mga teleserye (bukod sa theme songs mismo).
Sa Darna, mukhang si Valentina lang ang meron. Si Darna mismo, meron dapat, kaso ang inconsistent sila e; 'yung opening theme ba dapat ang leitmotif niya, or 'yung Patuloy Lang ang Lipad? I prefer the former as a leitmotif, though, kasi mas pang-superhero talaga 'yun.
Malamang sa malamang, mas pinag-iisipan ko pa itong Darna kaysa mismong si  /ˈdʒeɪ ˈɑːr ˈbiː/, but, eh. Gusto ko lang sabihing dapat may Custodio household leitmotif; pwedeng gamitin 'yung BGM noong unang bumisita si Regina sa bahay ng mga Custodio. And while we're at it, why not have leitmotifs for Narda and Regina? Mainam siguro kung malapit-lapit sa theme music ng alter ego nila, pero distinct enough to be considered a different piece. Meanwhile, gusto kong malaman kung may letmotifs din ang ibang characters sa MCI. Meron naman yata, hindi ko lang napansin pa. I'll check kung mayroon sina Ibarra, Maria Clara, at Damaso. Aabangan ko rin kung mayroon si Elias. Ang sigurado ko lang ay mayroon si Padre Salvi and it's so recognizable. I checked kung shared ba 'yung music na 'yon kay Padre Damaso (making it a prayle letimotif instead), pero mukhang hindi naman. Kung hindi ako nagkakamali, sa episode 10 ng MCI nagsimula ang paggamit sa Salvi letimotif, nang magkita sina Ibarra at Salvi. Another instance na ginamit ito ay sa episode 23 noong "nangumpisal" si Klay kay Salvi. I admit, late kong napansin na may leitmotif si Salvi, sa episode 37 na nang biglang dumalaw si Salvi habang nag-uusap sina Maria Clara at Ibarra tungkol sa gagawing pagtitipon; I believe dito rin pinakamatagal tumugtog ang Salvi letmotif. Kapag nainip ako, babalikan ko ang previous episodes ng MCI to check kung may iba pang leitmotif, at aabangan ko rin kung magkakaroon si Elias. As of writing, hindi ko pa napanood ang episode na base sa Elias at Salome.
Anyway, hindi talaga ako musically inclined. Malimit lang mag-fixate sa details. Kaya gudlak na lang sa akin sa pag-spot sa mga recurring pieces.
29 notes · View notes
darkyozora · 2 years
Text
Gonna miss KathNiel (again)
Looks like "2 Good 2 Be True" will be air it's last episode on Netflix tonight and tomorrow on iWantTFC
0 notes
hana-no-seiiki · 1 year
Note
how they act around reader! you know the usual, how horny they get and how the reader is potentially uncomfortable because not even they can handle the harems hormones.
MIDNIGHT DARLING HEAD-CANNONS (Unang Yugto / First Part)
YANDERE COLLEGE BASED OCS x READER
Hoo boy we have a lot of characters to go through and I haven’t even named all of them so *cracks knuckles* Let’s go with my favorite children for now.
warnings: dead dove do not eat territory here. yandere themes (lotsa violence). please don’t read this if you have a wild imagination like me oh god im aboutta faint at darling’s section. cannibalism. knife play. necrophillia. a transphobic society.
[previous ask for more context]
[next part] - yandere! faculty
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Let’s start with our boy Justin Del Rosario [Yan Jock]
He’s incredibly sweet and caring. At least when you two were dating. The type to always check in on you. Always makes sure you’re hydrated and keeping up with your self-care routines.
As if popular! reader isn’t completely meticulous when it comes to their image.
Looks like a bad boy but is an actual sweetheart. Your relationship started off as a transaction of sorts. Being the softie he is though he developed feelings. Quick. The masochist.
Is a whole ass push-over when it comes to you.
Now post break-up Justin is a bit of a freak.
Like I said in my previous post of his experience as your boyfriend, he has gone through shit.
Suddenly his grades are perfect. People are actually tolerating if not appreciating his presence.
He’s becoming a threat to your place as the ruler of the campus.
But unlike you his fans aren’t declined atrocious yet.
How does Popular! Reader feel about him? Not much really. Their whole relationship was a transaction to them. I can’t emphasize how much of an apathetic bitch I wrote reader to be ya’ll I’m sorry. But in order for their harem to thrive they gotta turn a blind eye.
In terms of Horni Levels it’s uh - not so bad. Once he lost his virginity to you (yes you took his virginity) he found it to be the best stress relief and got addicted. But he’s also super respectful of your boundaries.
That was when you were originally dating though. He’d probably pound you to oblivion if you ever got back together. Pent up horni does that.
Actually, that event might not even need them getting back together. I won’t be surprised if current Justin just takes you even with his relationship with Darling.
For your favorite, Darling De Leon [yan good girl] . . .
⚠️THIS IS THE PART WHERE IT’S DEFINITELY DEAD DOVE DO NOT EAT.
Hella shy around you. You almost didn’t know she existed if it weren’t for her consistent placement as second. At least before Isabel came and Justin’s grades shot up.
She has a pretty shit past.
Has always been a little scared of you.
Extremely possessive. She had always been overshadowed by her siblings, and her time abroad without you had really shattered her self confidence. Although she’s deathly afraid her past actions would be revealed, she’s more scared of losing you to someone else.
She thought that by agreeing to date Justin, you’d think of him as disgusting for moving on so fast.
Definitely enjoyed her time on your lap a little too much.
Which brings me to Horni Levels.
If you think Justin is bad. Darling is just the worst out of all the yanderes. She’s the kinkiest one too. She has been saving herself for you, waiting for the time you corrupt her. Hoping that by that time, every obstacle has been removed.
The type to have you fuck her atop the corpses of her rivals kind of kinky. The type to fantasize about you using a knife and inserting in every way possible inside her type of kinky. The type of kinky to fuck your dead body or eat any and every part of you to fully make you two as one.
She’ll own you, dead or alive, one way or another.
How popular! reader feels about her is again, indifference. Maybe a little horni for her soft aesthetic and cute demeanor. Definitely plans to gobble her up once Justin is done playing pretend.
A character that hasn’t been mentioned yet is Isabel Labrador [yan! nerd]
Isabel used to go by the name Isaiah. She used to be pretty alright with being assigned male at birth until popular! reader suddenly announced one day that she’s more horni towards women.
She got disowned for transitioning, and like Darling, disappeared from your life for quite a bit that you forgot about her.
Similar to many of the harem members, she’s very pliant to your whims. She does many of the assignments and projects that aren’t worth your time or would lead to you lacking sleep.
Not like the professors assign you much.
A bit of a whiny brat. Used to be hella spoiled when she was younger so she’s a lot more outspoken when it comes to your sexual escapades. This leads to you beating her up the most out of everyone in the harem.
Popular! Reader is the only one who knows she’s a trans and is surprisingly very respectful about that part about her.
The two of you are mostly amicable.
Horni Levels: Pretty normal for a young adult. Loves to tease you by showing more skin sometimes. Though she always covers up when anyone else is in the picture.
Her hella religious upbringing made her pretty conservative about sex and all that but it’s often balls to the wall when they see you. Literally. Never knew she was into pegging til you took her one day.
How popular! reader feels about her? Mostly a means to an end. She’s the least careful when it comes to her simpery. It gets tiring having to discipline her every time but the angry sex makes up for it.
This one will be short since I plan on him and the rest to be minor characters. Nobody knows how Ricardo Peralta [yan! president] became the President with how much he hates your ass.
People who voted for him were probably like. ‘If a person who doesn’t even want [Y/N] became president. We won’t have a threat.’
Jokes on them he has more notes on you than the entire student body combined.
Boy is the Candace to your Phineas/Ferb. His entire mission is to bust your ass. (and for you to bust a nut in his-)
You don’t even know he exists.
LAST BUT NOT LEAST LET’S TALK ABOUT YOU.
It was almost as if you were made to be the apple of everyone’s eye. Not one person in campus could remember a time where they didn’t know you.
No, it was more like they didn’t want to. Why imagine a terrible era such as that?
A lot of the students from the college are spoiled brats that absolutely adored how cut throat you were. How you weren’t afraid to put them in their place unlike those push-overs they usually meet. Some were just drawn to your charisma and confidence.
Or well, just general fuckability.
People think you’re also rich but you just get a lot of stuff from the students with money.
Your birthday is a bloodbath and a half. You started celebrating it alone so that people wouldn’t see your reactions to the gifts. Both because you wanted to keep them guessing and ‘cause the person whose gift is liked will probably get murdered.
You have to routinely check for cameras or tracking devices.
It takes you every bit of your self control not to just twerk in front of the camera if not give it the finger by fucking someone who you know is innocent right in front of it. They don’t even get to see you properly in the angle.
You strategically use pussy as both a punishment and incentive.
It’s super effective!
It’s super effective.
You often use pussy to discipline or incentivize your harem. It’s super effective. At least, considering you haven’t been kidnapped and/or killed yet.
You’re a bit of a sadist.
Yeah you’re a bit of a sadist.
Popular! Reader uses pussy a lot to keep everyone in check. You’re used to giving your body away to get what you want that you’ve become numb to it.
No one is normal in this College. Not even you.
You don’t even know he exists.
1K notes · View notes
pinoytiktok · 8 months
Text
(support the original tiktok: @/solidoktv!
i also wanted to mention that they have really high quality tiktoks with not a lot of likes/followers so go give them your support :>)
119 notes · View notes
cayenneexe · 4 months
Text
came back from watching Lisa Frankenstein and I just want to say...
charbee vibes??
17 notes · View notes