Tumgik
#sakripisyo
akonaman · 4 months
Text
im tired of ppl arround me telling me:
"not to resign"
"sayang"
"kung ako sayo manghihinayang ako"
"hala pinaghirapan mo yan pahalagahan mo"
not knowing how the hell im just surviving everyday and how draining na minsan gusto mo ng mamatay sa stress.di man lang sumagi sa isip nila yung hirap at sakripisyo ko para magtiis. Ayoko ng iba ang nagdedecide para sakin pero i think i don't even have a choice. Tangina mo life ang unfair mo.
8 notes · View notes
lihimlihamtinta · 6 months
Text
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Hanggang sa maisipan mong lumingon
Hanggang sa ang pagitan ay tawirin mo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Kapag muli mong naalala ang ating sakripisyo
Kapag ninais mo nang lagyan ng kaduktong
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Dahil ikaw pa rin ang natatanaw na destinasyon
Dahil tayo pa rin hiling sa huling bersikulo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
13 notes · View notes
kimhortons · 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Daraga, Albay.
— not sure if nakwento ko na ba 'to dito, but finally, after 5 years. nakapag Daraga Church na din kami. sobrang ganda talaga ng view dito, and it's giving vintage vibes. sabi ko nga noon, pag kinasal kami, gusto ko dito kaya gusto ko talaga mapuntahan namin 'to para makita yung loob. kasi sobrang ganda niya na sa labas. may ikakasal pa nga ata nung pumunta kami dun kasi nag reready sila at may mga bulaklak sa aisle. di ko lang masyado mafeel kung dun ko ba talaga gusto if ever dumating na yung pagkakataon. hehe.
— we went here after ng appointment namin sa UST hospital, tinry ko kasi gamitin yung HMO ko. nirequest nila ako ng 2D echo at labtest for blood chem, pero hindi nagawa kasi di naman ako nakapag fasting. so nag hanap nalang kami sa ibang hospital kung saan meron accredited.
— before maghanap, we decided na mag punta nga muna ng Daraga Church, and after that kumain kami sa favorite resto namin—Biggs. first time din namin natry 'tong fries nila na may mayo herb na dip. sobrang sarap pala. parang kini-crave ko tuloy ngayon haha. dunno know how many times i've already told this, but isa rin talagang malaking part ng relationship namin 'tong resto na 'to, kasi dito kami pinaka unang nag date nung first time namin magmeet hehe.
— after kumain, nagpatuloy na kami sa paghahanap ng accredited hospital na may 2D echo, pero kailangan pala ng diagnosis ng request letter from the attending physician, e hindi naman kami maka kuha kasi emergency doctor yung unang tumingin sakin, at hindi rin siya accredited ng HMO. kaya nag decide nalang kami na babalik nalang kinabukasan para sa blood chem nalang.
— nag grocery nalang kami ng pang handa ko sa birthday celebration at swimming namin kinabukasan. tumambay muna kami sa Serenitea at nag budget muna haha. wala kaming matinong picture together that day, kaya yan nalang na normal expressions ng pagmumukha namin haha. si OA at si Nonchalant eme haha.
— anyway, fast forward and update sa pagpapa check up ko, nakapag pa blood chem na ako nung sunday and found out na mataas na pala yung sugar ko. so nairefer na rin ako sa IM doctor, tried to go back there nung friday para makapag pa interpret na ng lab test ko, pero di na ko nakatuloy dahil sumaglit lang ako sa work, almost 2 hours na akong nag hintay, kaso may procedure daw yung doctor. kaya nag decide akong babalik nalang.
— sabi naman ng pinsan ni J na doctor, kaya pa naman daw madaan sa strict diet. kaya nag hahanap din sana ako ng mga meal plan dito sa Albay katulad ng mga nasa Manila kaso wala akong mahanap. nasa lahi kasi talaga namin ang diabetes, buti nalang din at meron kaming HMO malaking tulong talaga 'to para maisaayos din ang kalusugan.
— dun ko nga rin narealize, na sobrang mahal pala talaga magpadoctor. grabe pala yung sakripisyo ni mommy noon para mapagamot ako nung nag karon ako ng sakit sa baga. ang mamahal pa naman ng mga lab test. kaya kako sobrang naguguilty ako na wala akong nagawa nung nagkasakit siya. hindi man lang ako nakabawi. i should've known better. pero huli na ang lahat.
— kaya din siguro feeling ko binibigyan ako ng signs para maging aware sa kalusugan ko at para hindi ko na maexperience yung hirap at sakit na dinanas ng mom ko.
8 notes · View notes
group-4filipino · 20 days
Text
“Paghahanap ng Liwanag sa Kabila ng Pagdurusa”
Tumblr media
Mula sa ginawa naming pagsusuri at sarili naming opinyon, ang matandang babae ay nagtataglay ng tunggaliang tao laban sa sarili. Siya ay isang simbolo ng pagsusumikap at sakripisyo. Sa kabila ng kanyang maayos na kasuotan, ang kanyang pamumuhay ay puno ng pagdurusa, na maaaring nagpapahayag ng mga personal na pagsubok at sakripisyo na kanyang dinaranas. Ang kanyang tunggalian laban sa sarili ay makikita sa kanyang pag-aalaga sa iba, kahit na siya mismo ay tila walang sapat na kapakinabangan.
Pagkaawa at Pagkukusa: Ang matandang babae ay ipinapakita na nagbibigay ng pamaypay sa iba na tila kanyang mga anak, na nagpapakita ng kanyang pagkabahala sa kanilang kalagayan. Ang pagkakaroon ng pamaypay na yari sa hiyas na kawayan ay maaaring simbolo ng kanyang pinipilit na pagkakakilanlan at dignidad, sa kabila ng kahirapan.
Kung isasalamin namin ito sa aming buhay, kung saan ay naisip naming ipakita ang lakas sa kabila ng ating mga pagsusubok. Katulad ng matandang babae, kailangan din nating magpatuloy, kahit sa harap ng mga pagsubok, upang ipakita sa mundo na tayo ay hindi lamang mga biktima ng ating kalagayan, kundi mga mandirigmang patuloy na nakikibaka sa mga hamon ng buhay. Katulad na lamang ng ulan, kahit pa gaano ka lakas ang ulan titila pa rin ito at kinabukasan sisilaw pa rin ang araw, ang araw na magsisilbing liwanag sa dilim ng buhay.
Sa konklusyon, ang matandang babae ay simbolo ng pagtitiis at sakripisyo. Sa kabila ng kanyang maayos na anyo, puno ng paghihirap ang kanyang buhay. Ang kanyang pag-aalaga sa iba, kahit kapos siya, ay nagpapakita ng malalim niyang malasakit. Ang kanyang dignidad ay makikita sa pamaypay na yari sa kawayan, na nagpapahiwatig ng kanyang pagsusumikap sa kabila ng kahirapan. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, huwag mong kakalimutan ang iyong sarili. Mahalaga ang pag-aalaga sa mga taong mahal mo ngunit dapat din nating iprayoridad ang ating emosyon at kalusugan. Walang ibang makakatulong o nakakaila sa iyo ng buong-buo kundi ang iyong sarili. Mag laan ka ng oras sa sarili mong pag-unlad.
2 notes · View notes
criizz · 4 months
Text
minsan wala kang choice kundi i-motivate sarili mo, pero laban lang, balang araw magtha-thank you ka rin sa mga sakripisyo na ginagawa mo ngayon.
5 notes · View notes
wittykahitcorny · 6 months
Text
Nasirang plano x Nasirang araw
Plano ko magpa dentist today kaya nagpa schedule ako kahapon. Kagabi, nagchat friend ko at nag aaya na mag KTV. Pinagbigyan ko naman, nag pa reschedule ako sa dentist.
Ang usapan namin ay 11am. Dumating ako mga 11:08am. Late na yun kung tutuusin. Pero wala pa rin pala sila. Naglibot muna ko. Tas nakaramdam na ko ng gutom kasi mag 12nn wala pa rin sila. Tumawag yung isa at sinabi na nasa bahay pa siya at di pa nakakaalis. Yung isa naman hinihintay pa raw yung isang kasama. Ok lang namang ma late pero sana naman sabihan niyo ako agad. Nagchat pa ko at nag ask bago mag 11 kung nasan na yung isa pero wala namang nagreply.
Dahil gutom na ko ay napag isipan ko na lang na umuwi at kumain sa bahay. Ang init din ng panahon, aksaya sa gas kaya tinamad na akong bunalik. Dumating sila past 1pm na.
Pinababalik nila ko pero wala na ko sa mood. Tingin ko di rin magiging maganda ang sitwasyon at awkward kaya nag stay na lang ako sa bahay. Kaso lumala pa rin kasi habang magkachat kami ay kung ano ano rin ang nasabi ko.
Pinakancel ko pa yung appointment ko at ako pa namili ng place tapos ako pala yung di makakasama. Irespeto naman natin ang oras ng bawat isa. Kagaya ko, nag sakripisyo ako ng lakad ko para matuloy yung lakad na to.
2 notes · View notes
upismediacenter · 9 months
Text
OPINION: ‘DI BA HOLIDAY NGAYON?: Ang Hamon ng Holiday Economics sa Kinabukasan ng Pilipinas
Tumblr media
Photo credit: Julia Intrepido
Inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong ika-16 ng Nobyembre 2022 ang Proklamasyon 90 na binabago ang mga petsa ng tatlong opisyal na holiday para sa 2023. Dito, inanunsyo ni Marcos ang Enero 2 bilang karagdagang special non-working day. Mula Abril 9 naman, na pumapailalim sa isang araw ng Linggo nitong 2023, inilipat ang taunang paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Abril 10, isang Lunes. Ang taunang petsa ng Bonifacio Day ay Nobyembre 30 na pumapailalim sa isang Huwebes, ngunit ngayong 2023, ginunita ito noong Nobyembre 27, ang pinakamalapit na Lunes sa orihinal na araw nito. Sa paggamit ng “prinsipyo ng holiday economics” nagdagdag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang karagdagang espesyal na araw na walang pasok at inilipat ang dalawang holiday sa Lunes upang makabuo ng mas mahabang katapusan ng linggo. “There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the county,” ayon kay Marcos Jr.
Hindi kay Marcos Jr. nagpasimula ang biglaang paglilipat ng mga araw ng pistang opisyal. Taong 2007, termino ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, isinabatas ang Republic Act 9492. Ipinakikilala ng proklamasyong ito ang konsepto ng movable holidays. Nakasaad dito na kung ang pagdiriwang ay papatak nang Miyerkules, iuurong ang obserbasyon nito sa pinakamalapit na Lunes sa araw ng holiday. Kung sa Linggo naman ito papatak, ang kasunod na araw ang ituturing bilang holiday. Mayroon pang isang talaan sa website ng Official Gazette na nagpapakita ng listahan ng mga regular holiday ng bansa; at kataka-taka dahil tila hindi itinuturing na mahahalagang araw ang Rizal Day, Bonifacio Day, maging ang Araw ng Kagitingan. Bakit ang Lunes na pinakamalapit sa mga petsang ito ang itinuturing na holiday, hindi ang mismong araw na nangyari ang mga makasaysayang kaganapang ito? Sa paglipat ba ng mga opisyal na petsa ay nagagampanan ang esensya ng pagdedeklara nito bilang opisyal na holiday sa simula’t sapul? Maliit na usapin lamang ba ito, na basta’t maisipan ng pangulo na gusto niya ng long weekend, magpapasa na siya ng batas para baguhin ang tamang araw ng pagdiriwang ng isang holiday?
Hindi ang ekonomiya ng isang bansa ang kaniyang esensya. Lahat naman tayo ay naghahangad ng maunlad na Pilipinas—abot-kaya ang mga bilihin, mababa ang presyo ng langis, malaya mula sa mga kadena ng kahirapan. Ngunit ang ekonomiya lang ba ang marapat ikonsidera sa bawat desisyong pinipili ng pangulo? Sa aming opinyon, ang kasaysayan ng isang bansa ay ang kaniyang kaluluwa. Ang daan-daang taon na lumipas, ang libo-libong kuwento, ang ‘di-mabilang na sakripisyo ng ating mga bayani ay hindi karapat-dapat limutin para lang bigyang-daan ang isang araw na mas malaki ang kikitain ng mga malalaking kumpanya. Sabi nga ni Jose Rizal, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Paanong makauusad itong bayan kung hindi niya kinikilala ang mga taong nakipaglaban para sa kaniya? Lalong nagiging malabo ang kinabukasan—darating ang araw na dahil sa batas na ito, makakapagliwaliw nga tayo sa SM kasama ang ating pamilya, ngunit hindi na makikilala ng ating mga anak ang mga bayani ng ating lahi gaya ni Andres Bonifacio. Alam man nilang araw ng kapanganakan niya ang Nobyembre 30 dahil nakasulat sa teksbuk at itinuro ng kanilang titser, ngunit mababatid nating hindi nila ito gugunitahin, sapagkat taun-taong magbabago ang araw ng selebrasyon para sa holiday na ito. Ngayong taon, noong Nobyembre 27 ipinagdiwang ang kaarawan ni Bonifacio; ngunit sa susunod na taon, Nobyembre 25 ang ituturing bilang araw ng paggunita. Hindi ba’t talagang nakakalito? Natiyak naman na ng mga historyador ang araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ngunit nag-iiba taun-taon ang araw ng selebrasyon. Hindi ba sapat ang paggalang natin sa bayaning ito upang gunitahin nang maayos, sa mismong araw lamang, ang kaniyang kaarawan?
Tunay na nakakapagpabagabag ang mga problemang madudulot ng holiday economics sa ating bayan. Sa bawat pagkonsidera at pagpapauna natin sa ekonomikong kalagayan ng bansa ay siya namang pagbagsak ng pansariling pagkakakilala ng mga mamamayan sa kasaysayan. Malaking papel ito sa pagpapanatili ng pagkakakilanlan natin sa ating sariling kultura at upang maitaguyod ang pagkakaisa sa mga Pilipino. Ang pagtalakay sa koneksyon sa pagitan ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay magbibigay-daan sa atin na maalala at mailapat ang kasaysayan sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang kawalan ng sapat na pakialam at koneksyon sa mga nangyari sa ating nakaraan ay maaaring magbubunga ng historical amnesia.
Ang historical amnesia ay ang sadyang pagpapatuloy ng maling salasay sa kasaysayan. Ito ay isang sitwasyon kung saan maaaring mabaliktad ang dalawang panig—ang nang-alipusta ang nagiging mabuting bida at ang mga naalipusta ang naging masamang kalaban. Dahil sa amnesia na ito, nauudlot ang pangangalap at pagkaalam ng mga tao ng kabuuang impormasyon ukol sa kasaysayan, sapagkat mas nananatiling litaw at buhay ay ang salaysay na konvinyent para sa mga taong may makasariling political agenda. Ang kasaysayan ay dapat na isang kaalaman at isang salaysay na taglay ng lahat. Ang kamalayan ukol sa ating sariling kasaysayan ay makakatulong upang makita ang mga epekto at sanhi ng mga pagkabigo sa lipunan at matuto mula rito.
Nang tanungin ang dalawa sa mga teen housemates ng reality TV show na Pinoy Big Brother (PBB) kung paano kinikilala ng mga Espanyol ang tatlong Pilipinong pari noong 1872 na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, sa pagkuha ng pahiwatig mula sa mga unang pangalan ng mga pari, isang housemate ang sumigaw ng, “Marjo!” Nang lumabas na mali ang kaniyang sagot, ang karibal niya ay mabilis na sumagot naman ng “MaJoHa!” Matapos ang inisyal na pagtawa, unti-unti, mapapaisip ka: Ano na nga ba ang mga tinuturo sa mga kabataan ngayon? Bakit ang simpleng pangalan ng mga taong bahagi ng ating kasaysayan tulad ng GomBurZa ay hindi na alam ng iba? Makikita rin sa mga naging tugon ng mga PBB housemates sa iba pang mga katanungan na may kaugnayan sa kasaysayan na nangangailangang mapabuti ang sistema at kalidad ng edukasyon, lalo na sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Pilipinas. Gayunpaman, ang PBB episode na ito ay isa lamang sa maraming indikasyon ng learning crisis sa bansa. Ang pagsasanay sa mga estudyante na aralin ang sarili nating kultura at kasaysayan ay higit pa sa pagsasaulo lamang ng mga pangalan, petsa, at lugar ng mga naratibong nakakaapekto sa kasalukuyang panahon. Ang mga digital tools, gaya ng social media, ay maaaring makatulong sa pagkuha ng atensyon at interes ng kabataan, upang maengganyo silang pag-aralan ang mga kaganapan noong unang panahon. Marapat nating gawin ang lahat ng paraan, upang mapanatiling relevant at hindi tuluyang mawaksi ang kahalagahan ng kasaysayan mula sa ating sistemang pang-edukasyon.
Matatandaan din ang usapin ng World War II comfort women na matapos ng 70 taon lamang lumitaw at napatunayan dahil sa takot ng mga babaeng biktima na magsalita sa gitna ng isang mundong pinamumunuan ng kalalakihan—sino ba naman ang makikinig sa kanila? Ang simbolo ng katapangang ipinakita ng mga babaeng isinatinig ang kanilang mga napiping boses upang ikwento ang malalagim na kaganapan noong panahon ng digmaan ay umantig sa damdamin ng mga Pilipino. Ang matapang na pagsasabi ng totoo ng mga babaeng ito ay ultimong nagbigay-daan sa pagtataguyod ng mga sining ng paggunita sa kanila, gaya ng dulang Nana Rosa at isang estatwang pinangalanang “Filipina Comfort Women.” Ngunit noong 2018, palihim na inalis ang monumentong nagsilbing alaala ng kanilang masidhing pagtitiis. Pero bakit? Bago alisin ang estatwa, kinontak di-umano ng Japanese Embassy ang gobyerno upang ipahayag ang kanilang concern—marahil ay dahil sa pag-aalalang baka masira ang kanilang reputasyon at relasyon sa bansa sapagkat patuloy na ipinapaalala ng rebulto ang kanilang mga kalupitan noong digmaan. Ang labanang ito ay markado sa bawat nasyon at hindi kailanman mabubura sa kasaysayan, kaya’t hindi magandang simbolo na pumayag ang pamahalaang ipaalis ang kaisa-isang bagay na, paglipas man ng maraming taon, mananatiling nakatayo bilang paalala. Hindi man tuwirang inamin ng Dating Pangulong Duterte ang kaniyang bahagi sa desisyong ito, ang mismong pagsang-ayon niya na ayos lamang na mahugasan ang dugong nasa kamay ng mga Hapon sapagkat nagbayad naman na sila ng milyones ay tanda na handa ang mga pinuno nitong bansa na ipagkanulo ang taumbayan kapalit ng pera.
Ang kalaunang pagkalimot ng taumbayan sa mga bayaning nag-alay ng buhay ay sumasalamin sa kawalan ng respeto ng gobyernong hinahayaang mabaluktot ang kasaysayan ng nasyong ito.
Dagdag pa rito, dahil sa proklamasyong ipinatupad ni Arroyo, mas napadali ang pag-aamyenda ni Marcos Jr. tungo sa pagbubura ng isang napakahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa: ang EDSA Revolution. Inilabas ng Palasyo ang Proklamasyon Blg. 368 na nagsasaad ng opisyal na national holidays, non-working days, at special non-working days para sa susunod na taon. Nabanggit dito ang selebrasyon ng Chinese New Year (Pebrero 10), All Souls’ Day (Nobyembre 2), Feast of the Immaculate Conception of Mary (Disyembre 8), ngunit wala ang komemorasyon sa ika-38 sanang anibersaryo ng EDSA Revolution. Ang ibinigay na paliwanag ng Administrasyong Marcos sa pag-aalis ng EDSA Revolution Anniversary bilang isang holiday ay papatak ang Pebrero 25, 2024 sa araw ng Linggo. Wala raw saysay, ni sosyo-ekonomikong dulot, kung idedeklara pa ito bilang isang special non-working holiday. Rest day naman daw ito ng mga manggagawa, sabi nila. Tama naman sila. Ngunit sapat ba itong dahilan upang tuluyang alisin ito sa listahan ng mga holiday? Hindi patas sa mga bayani noong Martial Law kung aalisin ang inilaang paggugunita sa araw na tuluyang napaalis sa puwesto ang diktador na nagpahirap sa bayan sa loob ng tatlong dekada. Hindi makatarungan kung ating lilimutin ang pagmamartsa ng taumbayan patungo sa sinag ng kasarinlan.
Ang ipinatupad na ito ni Marcos Jr. ay isang halimbawa ng mga taong may sariling adyenda kaya’t ipinipilit na manipulahin ang naratibo ng kasaysayan. Hindi ba’t ito rin ang pilosopiya sa usapin na ang palaging narerekord lang sa mga libro ay ang mga nagtagumpay sa digmaan? Ang mga ibinibida lang ay ang mga makapangyarihan, ngunit hindi nakikita ang pinagdaanan ng mga ordinaryong tao, sapagkat hindi katala-tala ang kanilang pangalan sa mga pahina. Tanda ang kagahaman ng isang tao upang pabanguhin ang kaniyang imahen at baliktarin ang kasaysayan kahit na taliwas ito sa naratibo ng kasaysayan. Ano ang kahihinatnan ng bayan kung ang kaniyang kasaysayan ay binubuo lamang ng mga salaysay na nagbebenipisyo sa mga taong pinaiiral ang kani-kanilang pansariling interes? Ano na ang magiging identidad ng Pilipinas kung tinatabunan at hindi binibigyang importansya ng mga taong nakaupo ang kasaysayan nito? Tila hindi sapat ang buhay na inialay ng mga bayaning sina Andres Bonifacio, Jose Rizal, ng mga nag-aklas noong Batas Militar para sila’y mabigyan ng isang araw ng paggunita at pagpupugay. Tila hindi sapat ang dumanak na dugo’t pawis sa lupain nitong bayan. Sa isang proklamasyon lamang, mawawaksi ang lahat ng sakripisyong nagtaguyod sa bansang Pilipinas at ang nasyonalimong dapat sanang mataglay ng mga Pilipino ay patuloy lang din na lalabnaw.
Kapwa magkaiba ang pagsasaalang-alang sa ekonomiya at pagpapahalaga sa kasaysayan ngunit kapwa ring may mahalagang ugnayan ang dalawa. Hindi kailanman dapat magtunggali ang dalawang ito sapagkat pareho nitong binubuo ang Pilipinas. Kung ngayong hindi pa burado ang lahat ng alaala, ngunit madali nang piringan at utuin ang mga mamamayan—paano pa sa hinaharap, kapag nasunog na ng mga maysala ang lahat ng mga ebidensyang nagtuturo at nagpapanagot sa kanila? Hahayaan lang ba natin ang mga taong may pansariling adyenda na gawin ang anumang konvinyent para sa kanila, kahit na ito ay magdudulot ng pasakit sa taumbayan? May obligasyon tayo bilang mga mamamayanng na panatilihing buhay ang kasaysayan sa pamamagitan ng pag-alala lalo na sa panahong itong ang mga pinagkatiwalaang magpatakbo ng lipunan ay kumikilos upang burahin ang mga bahaging hindi pumpabor sa kanilang pansariling interes. Nagpapatayo tayo ng mga monumento at isinusunod pa ang pangalan sa mga kilalang tao upang alalahanin at bigyan sila ng pagpupugay, ngunit hindi naman natin ito pinag-uukulan ng pansin, kaya’t kalaunan ay nakakalimutan. Marapat nating pakatandaan: walang Pilipinas kung wala ang mga Pilipinong lumaban at bumitbit nitong bayan patungong kalayaan. Ngayon, nasa ating mga kamay ang kapangyarihang ipagpatuloy ang pakikipaglaban upang maisalin ang mga kwento ng bayan hanggang sa susunod pang mga panahon. // nina Sophia Dormiendo at Wynelle Llaguno
MGA SANGGUNIAN:
Aurelio, J., Subingsubing, K., & Corrales, N. (2023, Oktubre 14). Bongbong Marcos removes Edsa People Power anniv from list of holidays. INQUIRER.NET. https://newsinfo.inquirer.net/1845454/marcos-removes-edsa-from-list-of-holidays
Chi, C. (2023, Setyembre 11). DepEd denies political pressure behind removal of 'Marcos dictatorship' in curriculum. Philstar. https://www.philstar.com/headlines/2023/09/11/2295541/deped-denies-political-pressure-behind-removal-marcos-dictatorship-curriculum
Chua, X. (2019, January 1). Day of collective shame: When the comfort woman statue was removed. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/680016/day-of-collective-shame-when-the-comfort-woman-statue-was-removed/story/
Forgeard, V. (2023, Agosto 2). The Fabric of Society: How Holidays Shape and Define Cultures. Brilliantio. https://brilliantio.com/why-are-holidays-important-to-a-culture/?fbclid=IwAR2L_CPXLedkOawfRc0H_4-KEpPMiyNGqztQfieRZuZXRCo_WxHXmxPMh_M#:~:text=They%20serve%20as%20a%20platform,social%20values%20and%20historical%20events
Pag-iwayan, J. (2022, April 19). Why we should be alarmed with #MaJoHa. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/04/18/why-we-should-be-alarmed-with-majoha/#google_vignette
Proclamation No. 368 | Declaring The Regular Holidays And Special (Non-working) Days For The Year 2024. (2023). https://www.officialgazette.gov.ph/2023/10/11/proclamation-no-368-s-2023/
Republic Act. No. 9492 | An Act Rationalizing The Celebration Of National Holidays Amending For The Purpose Section 26, Chapter 7, Book 1 Of Executive Order No. 292, As Amended, Otherwise Known As The Administrative Code Of 1987. (2007). https://www.officialgazette.gov.ph/2007/07/24/republic-act-no-9492/
Sarao, Z. (2023, Oktubre 13). February 25, Edsa People Power Anniversary, not a holiday in 2024. INQUIRER.NET. https://newsinfo.inquirer.net/1845243/february-25-edsa-people-power-anniversary-no-longer-a-holiday-in-2024/
70 years on, the “comfort women” speaking out so the truth won’t die. (2015, September 2). Amnesty International. https://www.amnesty.org/en/latest/campaigns/2015/09/70-years-on-comfort-women-speak-out-so-the-truth-wont-die/
3 notes · View notes
kiskisur · 1 year
Note
may sakripisyo talaga.
Tumblr media
also look how fucking sexy this man is!? like sir!? ughh daddy is daddying hard!!!😩😩💙💙
maybe I really should write a smut of him.. (Ion know who he is)
3 notes · View notes
singkitnaiyakin · 10 months
Text
Di ako magandang girlfriend , dimoko mararampa sa mga tropa mo . pero di kayang tumbasan ng ganda lang yung lahat ng sakripisyo na kayang kaya kong gawin para sayo
2 notes · View notes
lovedyanine · 11 months
Text
what was your greatest fear and how did you conquer it?
fear is nature as a human and im human. it is natural emotion especially if we have no idea on the things we have to do. as i have read the question, i dig in my heart and ask "ano nga ba?"
i have a lot of fears and i don't know which one i fear the most. takot ako na walang patunguhan lahat ng sakripisyo na ginagawa ko. i fear that all the thinngs i've work hard for, became nonsense. i have a lot of what ifs that turn into fear. paano kung hindi ko maabot ang mga pangarap ko? at paano naman kung maabot ko nga, mag-isa naman ako? what if i gave my best pero not enough pa rin?
i learned to faced and conquered some of my fears before. why?how? it is because wala naman akong choice kundi tanggapin, harapin kahit mahirap.
as i write this, i realized that maybe my greatest fear is to do everything, giving my best tapos maubusan ako ng oras. nag aaral ako, nagbi-business, nagpapakapagod,nangangarap pero what if i run out of time? paano kung yung gusto kong pag alayan ng lahat, umalis dahil ubos na ang oras nila? paano naman kung ako yung kinulang sa oras?
i think that was my greatest fear and i dont think i can conquer it.
'to have a goal and dreams not fulfilled :['
2 notes · View notes
anggenow · 2 years
Text
Tumblr media
Yey 3 years na kami. So hindi ko alam kung paano, pero umabot naman, chariz! Thank you sa mga sakripisyo, pasensya, at aruga. Happy anniv po sir!
10 notes · View notes
akonaman · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media
ang sarap ng egg sandwich at ang pangit ko magpicture --
it was a good day out of all the bad days i could always count. errday na lang ako sinasabihan ng mga ahente ko na bdtrip ako or lagi ako nakabusangot. eh kase very true naman eh. kulang lang naman ako sa tulog eh and alam ko naman na it was my fault kase diba nga ginusto ko to. Haha.
there is no excuse kapag nanay kana. wala ka pwedeng idahilan kase ibabato nila lagi sayo ginusto mo yan. lahat ng feelings mo na lang hindi valid. gaya kanina i just want to vent out abt all the things i have to do tapos sinabihan ba naman ako ng sarili kong jowa na di daw ako effective kaya ibigay ko na lang sa iba. nakakamotivate talaga dzai.
i just want some validation na pwede ako mapagod minsan. na valid naman yung pagod ko sa lahat ng pag wowork hard ko at pagiging nanay ko. and many ppl won't understand that.
moments like this would want me to hug my mom.
like mahalin niyo mga nanay niyo. di niyo alam gaano kalalim mga sakripisyo nila para satin. and you will never understand until you become one.
ma iloveyou. talaga
4 notes · View notes
bothermenotpls · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Last year was a hiatus for a reason I haven’t shared yet. There were countless of happenings and some of which made a huge impact on me. Societal works were the biggest, perhaps, If I happen to find the mood I’ll share one day. For now, one of some is here.
I was given a chance last year to be part of Colegio De San Juan De Letran’s faculty, one of the oldest learning institution here in the country. I teach National Service Training Program emphasizing our government’s stracture and political system, highlight is kamulatan sa mga pangyayari sa bayan. Students of mine were mostly at second year college level. Funny as it may be, my student and I fall close the same age bracket.
Pero mahirap pala magturo. Totoong sakripisyo at maliit ang sweldo kumpara sa pagod at pawis kaya’t saludo ako sa lahat ng mga Guro. Saludo ako sa mga Guro na may malasakit sa mga bata para matuto at mamulat sa mga isyu ng bayan.
Mahirap ang mag turo sa mga bata lalo na sa mga iilan na pasan ang dagok ng buhay. Para sa iba, anhin mo nga naman ang pagkabihasa at malasakit kung sa panahon ngayon ang importante lamang ay ang mabuhay at ang trabaho.
Pero sa sandaling panahon ko, sana ay may mga naibahagi akong madadala nilang aral sa buhay.
March 03, 2023
17 notes · View notes
tokwattoge · 1 year
Text
5:20 AM 09.25.23
Good morning!
Early bird ang ina today. Onting sakripisyo lang kasi brownout na mamaya. 9 AM off na ako. Tinanghali na nga, 5 AM dapat ang start ko, pero di ako nagising on time. Buti kamo naalimpungatan ako kanina. Hindi ko makita yung phone ko so kinumbinsi ko ang sarili ko na bumangon at sa laptop na agad mag log in. Ang motto today ay onting sakripisyo lang. Hahaha sana productive kayo ngayong Monday!
5 notes · View notes
presillasresse · 1 year
Text
"TULA PARA KAY LOLA"
Naalalan mo paba ang nakaraan lola?
Lubos na pagmamahal ang iyong nilaan
hatid sundo sa paaralan,
Kulang na saya na iyong pinunan,
Masayang magkukwentuhan,
Hanggang maka uwi sa tahanan.
Luto moy aking hinahanap-hanap,
Simple man pero ngunit para sakin ay ito na'y masarap.
Ako iyo'y pinagpupuyatan,
Lagnat ay gumaling lang,
Ikaw ay laging nandiyan.
Iola
Apat na letra,
Isang salita,
pero sa buhay ko Siya ay mahalaga.
Oh! Aking mahal na lola
Salamat sa pag-aaruga,
Salamat sa pag ganap mo bilang aking Ina,
Salamat sa lahat mo'ng ginawa.
Sa aking paglalakbay,
Isa Ka narin sa aking gabay.
Pasensiya minsan matigas ulo ko, at hindi nakikinig sa iyo.
Mga problemang nagdaraan,
nandiyan Ka para Ito ay lutasan.
Sa lahat ng aking pangangailangan, narito Ka para ako'y tulungan.
Salamat sa lahat mo'ng paghihirap para sa akin, Hindi Ka tumitigil sa pag- alaga sa akin.
Ako'y babawi sayo, lahat ng sakripisyo mo"y susuklian ko.
Salamat sa lahat lola, at mahal na mahal kita.
5 notes · View notes
walaumalistulog · 1 year
Text
Tumblr media
Si Bobby, stepfather ko na sumakabilang-buhay na, ay isang dating tsuper. Biyahe ni Bobby nun ay Blumentritt-Balut. Taena, akala ko same lang ‘yun ng Pateros, kasi hello??? Balut??? As a Best in HeKaSi.
Minsan, kasama niya ako sa biyahe. Panahong walang-wala kami—swerte na kung makakain kami sa SM San Lazaro ng Jollibee. Ako ‘yung nagsusukli at naglalagay ng bayad sa kahera. Natutuwa pa ako nung kapag nakakakuha kami ng new banknote (yaong kasalukuyang banknote ngayon) kasi ang visually appealing. Talagang hindi namin siya gagastahin, dahil gusto namin ‘yung design ng bagong pera.
Ramdam mo na minumura ka na sa isip ng mga pasahero kasi nagpupuno ka pa ng jeep, pero may male-late na pala. Pero wala, eh. Naranasan ko rin na masiraan si Bobby ng jeep habang bumabiyahe. No choice—lipat ng jeep. Hindi ko alam gagawin ko. Kung samahan ko si Bobby? Binigyan pa ako ng P20, at sabi: “bili ka muna anak ng sundae sa 7-11.” Eto pa, alam ko rin ang pakiramdam na magpa-gasolina, lalo sa alanganing oras. Sa kaalaman ng lahat, palitan ang dalawang tsuper sa isang jeep—isa ay pang-umaga, at isa ay panggabi. Madalas, nauubos ng panggabi ang krudo at dahil gabi na, hindi na nakakapagpakrudo kaya kinabukasan ng umaga, doon magpapagas—kung kailan male-late ka na!
After ng biyahe, magbibilang ako ng kikitain. Porsyentuhan, boundary sa operator, ₱500. Sa kanya na ‘yung wampayb. Hahalikan niya ako sa pisngi, bubulong—“salamat kuya sa pagsama. Kain tayo Jollibee bukas.”
At ayun, kakain kami sa Jollibee. Isang araw na kami naman ang pasahero ng jeep, kami naman ang mag-aabot ng bayad, at kami naman ang bubuhay sa tsuper. Dahil alam namin ang hirap at sakripisyo sa pag-ikot ng manibela na bubuhay sa apat na sikmura namin.
Sa bawat pagsakay ko ng jeep, bitbit ko ang alaala ni Bobby. Ngayong malayo na rin ang narating ko, sa bawat bayad na binigay sa akin ni Bobby, hindi ko man lang siya nabigyan ng sukli.
Ngayong malayo na ako, wala akong panukli sa buong salapi ng pagmamahal at sakripisyo. Keep the change, ika nga.
Sa tabi lang po, Manong Bobby.
Para po. Para po sa’yo ‘to, Papa.
5 notes · View notes