Tumgik
#taas presyo
onenettvchannel · 9 months
Text
Price Surge of Filipino Dessert 'Suman' amidst nationwide Rice Price Ceiling
Tumblr media
(via ABS-CBN News / with the Exclusive Reports from Michael Joe Delizo)
ANTIPOLO, RIZAL -- In a significant developments, the beloved Pinoy dessert known as 'Suman' facing a price surge due to a nationwide rice price ceiling implemented by Philippine President named Ferdinand Romualdez "Bongbong" Marcos Jr. (PBBM) through Executive Order #39: Series of 2023. This move has sparked concerns among consumers and sellers alike, as Suman heavily relies on rice as its main ingredient.
Suman, a traditional Filipino delicacy is a sticky rice cake wrapped in banana leaves. It is a popular treat enjoyed by many Filipinos, especially during special occasions, festivities and even the annual Christmas season. The dessert holds cultural significance and is deeply rooted in Filipino culinary traditions.
Per reports between DWPM-AM's Radyo 630: Manila and ABS-CBN News, the rise in Suman prices can be attributed to the rice price ceiling set by the national government. The new Executive Order aims to stabilize the cost of rice and ensure its affordability for all citizens. However, this policy inadvertently affects the production and pricing of Suman, as it heavily relies on rice as a primary ingredient.
Local Suman producers and vendors are now faced with the challenge of maintaining the quality and quantity of their desserted products while adhering to the rice price ceiling. The increased cost of rice has led to higher production expenses, including the procurement of quality rice grains necessary for making Suman. As a result, Suman sellers are compelled to adjust their prices to sustain their businesses.
Consumers on the other hand, are expressing their concerns over the price increase. Many have voiced their disappointment, as Suman is not only a beloved dessert but also an integral part of Filipino culture. Some have questioned the impact of the rice price ceiling on the availability and affordability of this traditional treat.
The Department of Trade and Industry (DTI) has acknowledged the challenges faced by Suman producers and vendors. They are closely monitoring the situation and ensuring that the price adjustments remain within reasonable limits. Violators of the rice price ceiling may face penalties, as stated by the DTI.
As the price of Suman continues to rise, consumers are encouraged to support local producers and vendors who strive to maintain the quality and authenticity of this cherished dessert. The government, in collaboration with relevant agencies, is exploring measures to address the concerns raised by both sellers and consumers.
In conclusion, the price surge in Suman, a beloved Filipino dessert, is a direct consequence of the nationwide rice price ceiling implemented by PBBM. This policy, while aiming to stabilize rice prices, has inadvertently affected the production and pricing of Suman. As consumers and sellers navigate these changes, it is crucial to preserve the cultural significance of Suman and support local producers during these challenging times before the Holiday starts in late Fall 2023.
STOCK PHOTO COURTESY: Sweet Simple Vegan BACKGROUND PROVIDED BY: Tegna
EDITOR's NOTE: Miko Kubota (our Station Manager & President of OneNETtv Channel and Radyo Bandera Patrol #4 news reporter of OneNETnews) was fully contributed on this news report.
SOURCE: *https://sweetsimplevegan.com/suman-malagkit/ [Referenced Stock Photo for Representation via Sweet Simple Vegan news bureau] *https://pco.gov.ph/news_releases/pbbm-sets-price-ceilings-on-rice-nationwide/ [Referenced PR News Article via Presidential Communications Office] *https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2023/08aug/20230831-EO-39-FRM.pdf [Referenced Executive Order letter via Official Gazette] *https://juankakanin.wordpress.com/2014/10/27/suman-origin-and-benefits/ [Referenced Editorial News Article via Juan Kanin news bureau] *https://news.abs-cbn.com/spotlight/multimedia/video/09/12/23/presyo-ng-suman-tumaas-na-rin [Referenced News Item via ABS-CBN News] *https://news.abs-cbn.com/news/09/06/23/bakit-may-p60-kada-kilo-na-bigas-pa-rin-sa-kabila-ng-price-ceiling [Referenced News Article #1 via ABS-CBN News] *https://news.abs-cbn.com/business/09/01/23/violators-of-rice-price-ceiling-to-face-penalties-dti [Referenced News Article #2f via ABS-CBN News] and *https://en.wikipedia.org/wiki/Suman_(food)
-- OneNETnews Team
0 notes
mikidoink · 3 months
Text
Ako si Anneza, ang hilig ko ay mag document ng maraming karanasan gamit ang litrato. Mahilig ako maglibot at sumubok ng maraming bagong karanasan.
Kada taon, ang aking pamilya ay nagbabakasyon sa ibat ibang parte ng mundo. Noong Hulyo 2023, nagtungo ako sa Korea para sa aking kaarawan. Malaki ang aking pasasalamat sa aking pamilya dahil nadala nila ako sa lugar na hindi ko akalain na aking mapupuntahan. Sa airport palamang ay hindi ko na mapigilan ang mga ngiti sa aking mga labi.
Tumblr media Tumblr media
Paglapag ko sa aiport ng Korea, ako agad ay tumikim ng kanilang donut. Ang korea ay kilala sa makukulay at madisenyo na pagkain, kaya ako ay hindi na nagdalawang isip na bumili. Sumunod ay kumain naman ako ng “Samgyupsal”, kakaiba ang pagtimpla nila ng pagkain dito na kung saan ako ay nagkaroon ng isang masayang karanasan sa Korean cuisine.
Tumblr media Tumblr media
Upang hindi masayang ang aking araw, ako ay naglibot sa Myeongdong. Malapit lang dito ang aming tinutuluyan kaya sinadya na namin na puntahan agad. Ito ay isang lugar na kung saan punong puno ng maraming tindahan at streetfoods naman kapag kinagabihan. Sa bawat sulok ay maraming kainan ang nagaalok ng ibat-ibang uri ng pagkain. Tampok dito ang pagkain ng keso na mayroong condensed milk, lobster o ulang na mayroong ibat-ibang keso, at marami pang iba. Bilang isang bata na mahilig sa keso, ako ay nag enjoy ng sobra. Hindi ko mapigilang maglakad dahil sa nakakamangha nilang estraktura at paligid.
Tumblr media
Kinabukasan, ako naman ay bumisita sa Gyeongbokgung Palace upang masubukan ang kanilang “Hanbok” sa isang rental place kung saan ikaw ay maaari mamili ng iyong kulay ng damit, haba, at ibat-ibang mga accesories. Habang naglalakad ako sa malawak na hardin, nadama ko angpagpapahalaga sa kultura ng iba. Tila ba na ako’y isang prinsesa sa loob ng isang malaking kaharian. Isa ito sa experience na hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Ang renta sa hanbok ay nagdedepende sa iyong oras ng pagbalik. Ang pagsuot ng “Hanbok” ay hindi lamang karanasan, ito rin ay simbolo ng pagtangkilik ng kultura ng iba.
Tumblr media
Sumunod sa aming ginawa ay pumunta sa taas ng N Seoul Tower. Mula doon, tanaw ko ang buong lugar, sumakay rin kami ng malaking cable car papunta. Sa itaas ay maaari mong bisitahin ang love lock place na kung saan punong puno ng kadena o lock ang isang buong lugar. Ipinapakita dito ang pagmamahalan at isinusulat ang pangalan ng mahal natin sa buhay. Kinagabihan ay kumain kami sa tanyag na kainan, pinilahan namin ito sa loob ng 45 na minuto upang matikman. Sa murang presyo, ang lasa nito ay kalidad at masarap. Ito ang inirerekomenda ko pag ikaw ay pupunta sa Korea.
Tumblr media
Kinabukasan, ako naman ay tumungo sa Fortress Wall of Seoul. Ito ay ang mga bahay na nakikita o napapanood sa isang Korean na movie. Napakaganda ng mga bahay dito pero ang pagbista ay nililimitahan lamang dahil bawal magingay. Ako ay nabawalan dahil sa aking malakas na tawa, ako ay agad humingi ng paumahnhin. Sumunod ay pumunta ako sa Gangnam kung saan nakita ko ang statwa na sumisimbulo sa kanta na “Gangnam Style”, isa sa aking paborito noong ako ay bata pa lamang. Sinubukan ko rin ang mga pagkain sa kanilang 7/11 dahil ito at araw araw ginagawa at marami dito ang gusto kong masubukan. Isa sa tumatak sa aking isip ay ang kanilang cake. Pumunta rin ako isang malaking library, na itinawag na “Starfield Library”. Ito ay puno ng ibat-ibang libro at nasa gitna ito ng isang magarbong mall. Napakasaya sa pakiramdam ng makaranas ng maraming bagong experiences sa loob ng isang araw.
Tumblr media
Ika huli ay ang aking pagpunta sa Alpaca World. Ipinilit ko talaga ang aking pamilya na pumunta rito kahit ang byahe ay umaabot sa higit na 2 oras. Ang pagpapakain ng Alpaca ay isa sa aking bucket-list na hiling matupad. Ang pagpunta ko rito ay mas napadali sa pagbook ng tourguide sa klook, hindi kami nahirapan at mas napadali ang pagpunta rito. Liblib ang lugar at ito ay nasa lokasyon na kung saan ito ay nasa bundok. Mahirap makapunta dito kapag ikaw ay magisa lamang kaya mararapat na maghanap tayo ng tourguide. Pagtapos nito ay dumeretso kami sa Nami Island na kung saan makikita ang mararaming mga puno. Sumakay ako ng zipline papunta at ferry naman pabalik. Pagkayari ay sinubukan namin gumamit ng 4x4 bike train upang bumalik sa aming kinaroroonan ulit. Isa itong karanasan na gusto ko pang maulit sa aking buhay. Marami akong nakilala na ibat-ibang lahi, naging masaya ako ng lubos dahil dito.
Tumblr media
Sa huli, kami ay bumalik ng Myeongdong upang magpahinga. Sa bawat hakbang, napuno ako ng ibat-ibang karanasan. At ito ang bumubuo sa ibat-ibang parte ng aking sarili. Mula sa paglipad sa paliparan hanggang sa pabalik, naging buo ang aking kasiyahan. Sa pagtatapos ng aking lakbay, ako ay umaasa na muling makabalik sa isang lugar na kung saan natutunan kong sumubok ng maraming pagkain at activity. Hanggang sa muli.
4 notes · View notes
pag-alpas1994 · 1 year
Text
May pera na ako. Hahaha kaso pakiramdam ko naghihirap pa rin ako sa taas ng presyo ng bilihin. Ayaw ko ng ganito, makataya na nga lang sa lotto at baka maging milyonaryo🤣🤣🤣
4 notes · View notes
upismediacenter · 2 years
Text
Taas-pasahe sa Pampublikong Transportasyon, Umarangkada na noong Oktubre 3
Tumblr media
PAGTAAS NG PAMASAHE. Epektibo na noong Oktubre 3, 2022 ang pagtaas ng minimum na pamasahe sa mga pampublikong transportasyon tulad ng dyip, bus at taxi. Larawan mula sa GMA News
Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pamasahe sa Public Utility Vehicles (PUVs) noong Setyembre 20, 2022.
Ayon sa isang panayam kay LTFRB Chairperson Cheloy Gerafil, magiging permanente na ang pagtaas ng singil at hindi maaapektuhan ng pagtaas-baba ng presyo ng produktong petrolyo, na naglalaro ngayon sa ₱67 hanggang ₱86 kada litro. Dahil dito, magiging ₱12 na ang minimum na pamasahe sa mga tradisyunal na dyip, habang ₱14 naman para sa mga modern jeepney. ₱2 naman ang dagdag sa mga provincial at city buses, kaya’t magiging ₱11 hanggang ₱15 na ang minimum fare para rito. Tataas sa ₱35 hanggang ₱45 ang flagdown rate para sa mga taxi at Transport Network Vehicle (TNVS). Pinaalalahanan ni Gerafil ang mga operator at driver na bawal maningil ng taas-pasahe kung walang nakapaskil na bagong fare matrix sa loob ng sasakyan.
Apektado ng panukala ang mga dyip na balik-biyahe na sa loob ng UP Campus, kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes sa unibersidad noong Setyembre 5. Kabilang sa mga nagbalik na dyip ay ang mga biyaheng UP Ikot, UP Toki, Katipunan, Pantranco, Philcoa, at SM North Edsa. Inaasahan na makatutulong ang taas-pasahe upang mabawi ng mga drayber ang nawalang kita bunga ng dalawang taong pandemya.
Sa kabilang banda, malaking pasakit sa mga commuter ang nakaambang na taas-pasahe. Isa na dito si Kyle Garcia, isang UPIS Grade 12 student na tatlong beses sa isang linggo sumasakay ng dyip. Ayon kay Garcia, bagaman mas mabilis ang kanyang biyahe kung sasakay, mapipilitan siyang maglakad dahil sa taas ng presyo ng pamasahe.
“Naiintindihan ko kung tumaas ang presyo ng pamasahe para mas mataas ang kita ng mga jeepney drivers. Pero depende kung magkano na ang bagong presyo ng pamasahe, maaaring mas madalas na lang akong naglalakad. Ito ay dahil malapit ang mga pupuntahan ko, mas matagal ngunit mas mura na lumakad na lang.” Nang tanungin tungkol sa mga paraan kung paano mapapabuti ang serbisyong transportasyon sa UP at sa Metro Manila, sabi ni Kyle, “Sana ay [mas] patas [ang] pamasahe upang maging accessible ang pampublikong transportasyon para sa lahat.”
Nagpasalamat naman ang mga transport group sa LTFRB dahil sa naging tugon nito. Humingi naman sila ng pasensya sa mga commuter na maaapektuhan nito. “Malaki pong tulong ito na madagdagan ang aming kinikita,” sabi ni Liberty Deluna, miyembro ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), “Doon po sa aming commuters, humihingi kami ng pasensiya sa kanila dahil kami ay humingi na naman ulit ng panibagong fare increase at naaprubahan po ito.” Epektibo na ang fare hike mula noong Oktubre 3, 2022. //ni Andre Panopio
3 notes · View notes
Text
Hello my online diary!
There’s a loooooot going on in my life and I don’t know where to start. Hmm siguro lets start nalang sa dami ng problema para negative tas positive na sa dulo haha!
Ayun nga, si mama super nabaon sa utang :( it started kase may utang na talaga kaming malaki before pero nakakayanan bayaran because malakas naman tindahan. Nasa 1.5m yung utang before tas nakalahati naman na nila and continous paying naman ang kaso dumating yung inflation diba halos lahat nawindang na ang mahal ng presyo so yung tindahan namin naapektuhan. That time madami si mama bayarin, utang kay alex paluwagan dalawa ata tas may mga side trip utang na maliliit lang naman before.
Edi ayun nga nagkaroon ng changes, naapektuhan yung tindahan humina yung benta. That time dalawa pa kase yung tindahan namin and si mama nalang mag isa nagtitinda kase may work na ako e. Kumbaga di ko nadin kaya tumulong pa kase pagod din mentally isama pa na unstable ako kase mejj di ko dama yung work environment ko anyways sa next nalang yan haha. So yun nagkaroon ng problem di pa naman malaki pero nagstart na nga si mama umutang utang. Siguro around March 2023 ko din yun nalaman na mejj nasasanay na syang umutang kung kani kanino kase nabubuksan ko messenger nya before e and sobra sya magmakaawa na mangutang. Knowing mama di sya gaganon e. Tsaka sa isip ko non may pera kame kahit ano mangyari. And then yun nga nalaman namin na nalulubog pala kami unti unti. Right there and then binenta namin yung isang lupa para makaraos. Akala namin makakaraos na hindi pa pala :(
Napaka malihim kase ng mama ko, akala nya pag di nya sinabi mareresolve nya mag isa lahat pero no! Di nya kinaya. Little we didn’t know tuloy padin pala utang nya hanggang sa umabot na umutang nnaman kame ulit kay bente uno ng 1.5m ulit and thats another 5yrs to pay ni papa :(
Papa didn’t deserve all of this. Dapat nag eenjoy na sila now. Konting galaw nalang kase nagwwork na kame eh kaya na namin ang bills pero it didn’t work that way.
Now, we are doing the best we can to pay the debt of my mama. Grabe na iniyak ni mama sa mga utang nya balde balde na siguro yon. Nakakaawa oo pero nakakagigil din kase at the same time. Ang taas kase ni mama akala mo perfect. Sya yung example ng tita mong ang daming kuda pero wala naman napatunayan. I know its harsh pero kase tru. Mapanlait pa tsaka she only wants you kapag may pakinabang ka. She is not humble or alam mo yun mabait na mabait talaga. Basta hirap explain. On the other side sywmpre wala naman kame choice kundi intindihin nalang. Nangyari na e. What more can we do diba? Edi mag solution nalang.
So that’s what we are doing right now. We have side business nadin na fishball halo halo and mini tindahan na hoping lumago ( cross fingers) and gcash cash in cash out. Grabe tong pagsubok samin as family.
One good thing about it is mas pinapatibay neto yung pasensya, tinuturuan kame magpatawad sa pagkakamali and inuuwa nalang ang sitwasyon. I can say na we are holding together to fight this problem as family. We are more open yo how we will solve it, how to handle our finances and its quite working naman. From time to time we are still going back na bat kase umutang ka ng ganto ganyan but at the end of the day we still reminded na pera lang yan sige lang matatapos din natin yan lahat. Unti unti lang. kakayanin natin yan🙏
Lord, we might see the problem bigger and think that hope is so small to hold on but please always guide us that you are with us, please make us feel that u are with us in this journey. Its so painful and its breaking us all but we know you have much bigger plans with our family. Please make our problems go away and give us your comfort. In jesus name amen🙏🥹😭
0 notes
pannaginip · 4 months
Text
Tumblr media
ABS-CBN on Twitter @ABSCBNNews:
Baka kailanganin mo nang mag-adjust ng budget, Kapamilya dahil inaasahan ang taas-singil sa ilang utilities, pamasahe at government-mandated contributions sa bansa ngayong 2024. #PricePatrol
2024 Jan. 16
ID under the cut
Taas-singil 2024 as of Jan. 16 2024
Tubig
Maynilad - P7.87 / cubic meter
Manila Water - P6.41 / cubic meter
LPG
Aabot sa P3.45 / kg o P37.95 / 11-kg na tangke (Jan. 1 2024)
Mga produktong petrolyo
Ikalawang linggo ng maliliit na dagdag-presyo
Meralco
Jan bill - P0.08 / kwh (nasa P17 para sa 200 kwh na konsumo)
Iba pang inaasahang price hikes:
Pamasage sa MRT
P2.29 na pagtaas sa boarding fee
P0.21 na dagdag bawat km
Kontribusyon sa PhilHealth
Magiging 5% mula dating 4%
Kontribusyon sa Pag-IBIG
Magiging P200 mula dating P100 / buwan (may katumbas din na dagdag-kontribusyon ng employers)
1 note · View note
funbcanna · 1 year
Text
Naghahanap sa likod ng mabilis na lumalagong industriya ng mga video game
Tumblr media
Mabilis hanggang ngayon, ang industriya ng laro ng video ay umunlad sa isang pandaigdigang juggernaut, na tinatayang nagkakahalaga ng higit sa $ 300 bilyon, pag-access sa isang ulat ng firm ng mga propesyonal na serbisyo. Ito ay higit pa sa mga pamilihan para sa mga pelikula at pinagsama ng musika.
Sa Pilipinas, ang mga kita ng marketing marketing ay nagpakita ng paglaki ng paglaki noong 2020 kumpara sa mga nakaraang taon, kasama ang segment ng mobile games na ipinahayag upang magpatuloy sa paglaki sa susunod na limang taon hanggang sa $ 1.52 bilyon sa 2025.
Lloyd R. Si Manaloto, unang bise-presidente at pinuno ng corporate marketing at diskarte sa Smart Communications, Inc., sangkap na habang ang mga numero ay nagkakagulo, ang pagsulong ay medyo isang pag-unlad kamakailan.
“Noong 2013, ang paglalaro ay marami pa ring aktibidad na angkop na lugar. Hindi ito mainstream. Ngunit mabilis na pasulong sa 2021, nakikita namin ang mga malalaking tao, malaking premyo na panalo, at ito ay napakahalaga sa epekto ng mga esports sa ating kultura,” sinabi niya ang tirahan ng BusinessWorld Insights sa isang session na may temang, “ Ang umuusbong na Esports at Gaming Scene sa Pilipinas.”
Ayon kay Mr. Manaloto, mayroong halos 45 milyong aktibong mga manlalaro sa bansa ngayon, isang mabilis na pagtaas ng 12.9% taon sa taon mula noong 2017. Sa paligid ng 63% ng online na populasyon, bukod dito, manood ng nilalaman ng paglalaro, habang ang 33% na mga esports sa relo.
Ang mga Esports, kasama ang isang bilang ng iba pang mga kadahilanan, ay naglaro upang payagan ang paglago na ito, Irymarc “ Tryke ” Gutierrez, co-founder at punong executive officer ng gaming and e-sports talent agency na Tier One Entertainment, sinabi.
Ang pag-access ng mga mobile na laro, lalo na dahil sa mas mababang presyo ng pagpasok ng mga smartphone kumpara sa mga PC o console, ay pinalakas ang industriya ng mga video game sa mga bagong taas, pagbabago nito sa isang pangunahing libangan.
“Magagamit upang ipakita ang paglalaro sa ibang paraan sa pamamagitan ng streaming ay isang malaking pag-unlad din,” idinagdag niya.
“Naaalala ko ang paghahagis ng maraming mga laro ng Golden Plus noon. Ang pinaka-kami ay nasa paligid ng 25,000 kasabay na mga manonood para sa viewership ng Pilipinas. Ngunit ngayon, kasama ang mga Mobile Legends kapag nakikipagkumpitensya ang aming mga koponan, 260,000 katao ang nanonood sa online. Iyon lamang ang nagpapakita kung gaano karaming mga madla ang madla at industriya na lumago.”
Ang paglipat na ito mula sa isang angkop na libangan sa isang mas pangunahing anyo ng endtainment ay nabawasan din ang karamihan sa nakaraang gaganapin stigma na ginamit upang palibutan ang industriya. Darren Paul Vitug, komisyonado ng lokal na liga ng e-sports Ang pinuno ng komite ng Nationals at etika ng Philippine Esports Organization, ibinahagi kung paano ang stigma ng paglalaro bilang isang hindi produktibong libangan ay nagbabago habang mas maraming tao ang nauunawaan ito.
“Kapag sinabi ng mga tao na ang paglalaro ay isang hindi produktibong libangan, ang aksyon nila ay tumutukoy sa pagkagumon sa paglalaro at hindi paglalaro bawat se. Malinaw na pagkagumon at libangan ay mga polar oposites, o hindi bababa sa kanila. Iniisip pa rin ng mga tao na ang paglalaro sa kanyang sarili ay isang hindi produktibong libangan, sasabihin ko na sa pangkalahatan na kung paano iniisip ng mga tao ang mga bagay na hindi nila pamilyar. Kailangan nating maunawaan na ang pagiging produktibo sa isang libangan ay hindi ganap, at dahil ang isang libangan ay isang bagay na ginagawa mo upang makapagpahinga, upang mabulok, at magsaya, hindi talaga makatarungan para sa sinuman na sabihin sa ngalan ng isang tao na ang kanilang libangan ay hindi produktibo,” aniya.
1 note · View note
lolamoeksenaqueen · 2 years
Photo
Tumblr media
Magandang gabi mga baklang twoah! Pagkatapos ng maimtim na pagpupulong, pakak, napagdesisyunan na ng mga pawikan buksan para sa publiko ang ating barangay rally ngayong taon woot woot! Kaya bukas, it's our #EvansdaY2K! Oct 23, 9PM sa Green Door, Poblacion! Yes, Linggo ng pagkabuhay (ng Evansday hahaha) Kalampagin na ang mga selda, sabihan niyo na ang mga Kakosa natin sa labasan at looban dahil bukas ng gabi, babalik tayo sa Year 2000! Magtitipon na ang mga pawikan! Hey hey hey! Hindi katulad ng mga nagdaang #Evansday, optional na ang pagdadala ng bote ng alak bukas kasi may pa entrance tayo dahil ang taas ng presyo ng lahat ng bagay mga hayop ginusto niyo iyan. Eme! Pero para mairaos lang talaga ang riot ng mga bayot, e 'di go na! Ang hindi optional? Ang pagdadala ng regalo at foods! WAW! HAKHAKHAK Kaya huwag ka na lumabas tonight para full energy ka bukas. Magleave ka na sa Lunes. Magwawalwal tayo with Y2K hits tapos listening party tayo ng Midnights ni Mareng Taylor Swift pag ngenge na gusto mo iyown?! Dami natin paandar bukas nakwoah walang chenes! Happy birthday to your Barangay Queen, Mother Kepler and forever baklang kanal, Inahhhhhh Evanssssss. So excited salubungin ang birthday ko kasama kayong lahat mga sprak! Salamat love @niccolocosme para sa malupit na photoshoot, kay Mamshie @athenarosello for my hair and make up at syempre kay @_artjay para sa napakaangas na EvansdaY2K poster! Mahal na mahal ko kayo! 👽🐢💀🌈 https://www.instagram.com/p/CkBMpT9yIvb/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
kunganuano · 2 years
Text
Sukal
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung anong bagay ang pinaka ayaw mo sa buhay? Ngayong may edad na ako ay lalo kong napagtatanto na ang pinaka ayaw ko ay sukal. Kapag naiipon na ang sukal sa bahay ay sobrang naiirita ako at hindi mapakali. Pinalaki kasi kami ng aming mga magulang na maging simple lang. Bago bumili ng isang bagay ay mag-isip muna (pwera na lang kung pagkain). Kailangan ko ba talaga ito? May paglalagyan pa ba ako nito sa bahay? Mas okay ba na ibenta ko muna yung luma bago palitan ng bago? Ngayong pinili namin na tumira sa isang maliit na condo ay lalo pa akong nadisiplina dahil sa limitadong espasyo na mayroon kami. Kapag hindi na kailangan o gagamitin ay ipamigay na o di kaya’y ibenta. Lahat ng sira at kalat sa bahay ay itapon dahil walang paglalagyan. Sa isang banda, masaya din mamuhay ng simple at “minimalistic”. Kapag tayo ay lumisan sa mundo ay hindi din naman natin madadala ang mga bagay na binudol natin. Lalo na sa taas ng presyo ng bilihin ngayon, mas importante na mag-isip muna bago maglabas ng pera. Mantakin mo halos tatlong daan na ang isang lata ng Spam. Bad trip.
0 notes
uten12 · 2 years
Text
Hindi Malilimutan sa Boracay
Tumblr media
( Ang lahat ng mga larawan ay galing lahat sa internet) Ang boracay ay isa sa mga pasyalan na hindi ko kailan man malilimutan, bukod sa magandang mga tanawin nito ay madami rin itong hindi malilimutan at ka aliw aliw na kasaysayan, heograpiya, akomodasyon, pagkain, mga gawain, pasalubong at kultura. Isang araw ay bigla nagka yayaan ang aking pamilya na mamasyal sa boracay at hindi maaasahan na ganon lamang kabilis mag plano ang pamilya sa pag pasyal. Ang byahe ay matagal ngunit nakaka dagdag nang masayang mga ala ala, sa byahe ay kantahan at kwentuhan, sa eroplano naman ay ka aliw aliw dahil sa unang beses ko makasakay ng sasakyan na lumilipad. Inabot din kami ng isang linggo na nag babakasyon sa Boracay at hindi biro ang maghanap ng matutuluyan o hotel dahil sa rami rin ng mga turista sa boracay.
Tumblr media
Sa unang araw ay ang unang hinanap namin ay ang makakainan, ang mga pagkain ay hindi inaasahan ganon ang mga hitsura at hindi inaasahan ang kasarapan na unang beses na mararamdaman. Ang boracay ay puno ng masasarap na pagkain na na aayon sa presyo. Walang mas tutumbas na kasiyahan ang pag salo salo na kumain kasama ang mga mahal mo sa buhay.
Tumblr media
Maraming bangka ang makikita sa karagatan ng boracay at hindi lamang para sa turista ang mga bangka ngunit para rin sa kabuhayan ng mga naninirahan sa boracay at dahil sa ito rin ang kanilang kasaysayan Ang mga ati ay nabubuhay sa pangingisda at mga niyog, kamoting kahoy at sa mga patatas na pananim hangang 1940’s at 1950’s dito sa maliit at magandang isla. Sa mga panahong yon wala pang elektrisidad o ano pa mang mga kultura, at mga akritikto sa lugar. Hangang sa ito ay madiskubre ng mga manglalakbay at ni jens peter isang manunulat at ang isa nitong libro na isinulat ay ang kasaysayan ng boracay, ayon sa kanyang mga naisulat pinahiwatig dito ang kagandahan ng isla at tinawag nyang pinakamagandang isla sa buong asia.
Tumblr media
Ang heograpiya ng Boracay ay nabibilang sa kumpol ng isla sa Panay sa Kanlurang Visayas. Ito ay maliit lamang at korteng buto. Matatagpuan ang Boracay mga dalawandaang kilometro sa timog ng Maynila. Bahagi ito ng bayan ng Malay sa probinsiya ng Aklan. Binubuo ito ng tatlong barangay: Manoc-Manoc, ang Balabag, at Yapak. Ang Yapak ay nasa hilagang dulo ng isla, Balabag ay nasa gitna, at ang Manoc-Manoc naman ay nasa timog. Ang Boracay ay pinamamahalaan ng Department of Tourism (DOT) kasama ng gobyerno ng Aklan. Ang isla ay may habang pitong kilometro at laking 1083 ektarya. Ang sentro ng isla kung saan naninirahan ang mahigit kumulang 16000 katao, ay patag at makitid. Ang katimugan at hilagang bahagi ng isla ay mas malapad at maburol. Ang pinakamataas na parte ng isla ay ang Bundok Luho na may taas na isandaang metro at nasa hilagang-silangang bahagi ng isla.
Tumblr media
Ito ang inn na aming tinuluyan sa boracay. Isang maliwanag, mas malaking silid na may parehong naka-tile at sahig na gawa sa kahoy, perpekto para sa dobleng pagbabahagi, magagamit na alinman sa isang queen-size bed o dalawang solong kama. Ang mga kuwarto ay nilagyan ng aircon, cable telebisyon, hot shower, safety box at isang mini refrigerator. Ang Levantin ay ang tanyag na Hotel, Restaurant at Bar sa Bulabog Beach sa paraisong isla ng Boracay. Manatili sa isang nakakarelaks na kapaligiran sa mismong beach na may mahusay na pagkain at inuming musika sa bar at restawran.
Tumblr media Tumblr media
Maraming maaaring gawin upang sumaya sa boracay gaya na lamang ng banana boat ride, Explore white beach, Flying Foxes at Puka Beach, Island Hopping Adventures at maaari rin na puntahan ang Magic Island, Crocodile island at Crystal cove island at marami pang iba. Ang mga nabanggit na maaaring gawin para sumaya ay na experience ko na kasama ang aking pamilya at hinding hindi ko iyon malilimutan, ang isang pag sisisi ko lamang sa boracay ay ang hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na ma experience lahat ng mga aktibidad sa boracay.
Tumblr media
Dahil sa alam na ng karamihan na ang boracay ay isang lugar na hindi malilimutan, nag kalat na ang mga nag titinda ng souvenir at mas marami ang iyong pagpipilian na bibilhin. Ang souvenir ay isang gamit na magsisilbing ipa alala sa iyo ang mga masasayang ala ala mo sa isang lugar. Dahil sa ang boracay ay isang island at kilala ito sa beach, ang mga souvenir ay kadalasang mga maliliit na keychain na bangka at iba pa.
Tumblr media
Ang Kasaysayan ng Boracay na unang nanirahan sa Boracay sa Panay ay tinatawag na Negrito o Atis. Ang Panay noon ay tinatawag na "Land of the Atis" Ang mga Negrito na ito ay ang mga indeginuous people ng Pilipinas at sila ay nagsasaka at nangingisda sa Boracay sa loob ng maraming siglo.
1 note · View note
therumination · 2 years
Text
24 hrs in a day
It’s been a while since my last Blog.
Life Update? Maybe. lol.
Currently, meron akong 9 hr daily job (7 pm to 4 am shift, Mon-Fri) which is di ko ineexpect na magtatagal ako dahil ang previous work ko is night shift din at di kinaya ng katawan ko. Siguro rin sa current work ko, thankfully, di nila ine-encourage ang overtime kaya madaming time magpahinga at magbawi ng tulog.
I also started my mini business (char sa business hahaha more like extra work during weekends? lol). Thank you pala sa mga tumangkilik at sa mga nag re-repeat orders (u da best). Hindi siya madali, lalo na one-man team lang ako. Ako sa paghahanap ng suppliers. Ako sa pagkocompute ng price at expenses. Ako sa pagbebake. Ako sa pagmamanage ng page. Ako sa pagoorder ng mga mabibigat na ingredients. Ako sa paghuhugas ng pinaggamitan (pinaka ayoko to kasi pagod na ako after baking tapos magliligpit ka pa . minsan tinutulungan ako ng mother ko pero kasi nahihiya ako pero u da best maderrrrr). Ako sa pagkocommunicate sa costumer about the shipping/delivery. Nakakapagod siya sobra. Kaya minsan, mas pinipili kong magpahinga ng weekend (minsan busy sa daily work) kesa tumanggap ng order. Ang daming challenges, iyak and realization ang nabigay sakin ng extrang work na ito sa buhay ko:
Challenges:
1. Bumababa quality ng products na ginagawa ko dahil sa di ko macontrol yung paghahandle ng mga delivery riders. Ang hirap. Wala akong way to deliver. wala akong sariling motor/sasakyan to deliver my products. Pasensya na lang naiioffer ko sa mga nag order dahil di ko sya kontrolado.
2. Minsan, may mga natitirang ingredients. Ang hirap kasi di ako lagi nagaaccept ng orders. di ko kaya na all weekends eh magbebake ako.kaya minsan (luckily minsan lang) may nasasayang tlga.
3. Ang hirap pag yung customer konti lang inrorder tapos, may matitira sa niluto mo. Usually 6 pcs to12pcs ang nagagawa per recipe, if ang order ni client ay 4 pcs may sosobra tlaga. So ang nangyayare, tinatry ko mabena sya or, sa amin na lang which usually binabayaran ng kuya or ako ang nagbabayad.
4. Wrong items na darating sakin pag nagoorder ako ng supplies ko through Shoppee. Wala akong time i-return yung nabili ko. frustrating siya kasi mali binigay sakin pero wala akong magawa.
5. Ang hirap mag taas ng presyo. takot ka kasi baka di na sila magorder. pero wala kang magawa kasi nagmahal tlga ang mga resources mo.
Realizations:
1. I need better, bigger oven, para mas maraming magawa in one batch ng baking. Currently, one tray lang per salang ang nagagawa ko sa oven namin. And with that, if the baking time is 20 mins, imagine ilang oras ako magbebake sa dami ng orders. Minsan di na ako natutulog after shift ng friday just to finish all the orders. I want bigger oven pero wala na space samin. hays.
2. Customers have different preference when it comes to taste. 
3. Expect problems na maeencounter mo every batch ng orders. Laging walang smooth weekends for me.
4. If gusto mo siya maging main source ng income mo, you have to quit your daily job. But i can’t do that.
5.Nakakapagod.
--------------------
Eto na nga. kahit ang daming pagod sa life ng tita mo, di pa rin sya natututo. May another mini business akong inu-umpisahan na naman (oo na naman!). Konting push na lang at baka next year ma-launch ko na. Trivia,  did you know di pa uso or mainstream mga cafe noon, plano/gusto ko magkaroon ng sariling cafe dahil nga i want to offer my baked goodies since college pa and i love coffee. Nag attend pa ako ng seminar just to know the deep details about“coffees haha. Dahil di ko pa keri mag-cafe, so etong tita mo may naisip na naman pasukang ibang business. So let’s see anong magyayari pero excited ako kahit pagod na pagod na ako sa life let’s do this HAHAHA tignan natin if sapat ang 24 hrs sa isang araw LOL.
O sya, Till next life update :D
0 notes
hersheylee · 3 years
Text
Isang linggo sa Baguio!
Tumblr media
Pinagmulan ng larawan: https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
ANO NGA BA ANG BAGUIO?
Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Ayon sa aking pananaliksik,  Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak. Maraming maaaring pasyalan at pagkuhanan sa Baguio at ilan lamang ang mga lugar sa ibaba ang aking napasyalan kasama ng aking Pamilya. 
Tumblr media
Pinagmulan ng larawan: https://www.baguioheraldexpressonline.com/burnham-park-as-national-heritage-site-backed/
BURNHAM PARK
Sa lugar na ito ay maari kayong gumamit ng kanilang bisikleta at bangka upang malibot ang buong lawa sa naturang Park. Kasama ng aking Pamilya ay tunay nga na nakaramdam kami ng saya sa lugar na ito. Bukod sa magandang tanawin ay kumain din kami ng napakasarap na “strawberry taho”.Hilig ko rin ang pagkain ng mangga kaya hindi ko pinalampas ang pagkain nito. Ang isang hindi ko makakalimutang karanasan sa Parke na ito ay ang muntik ng pagkawala ng aking malay sa gitna ng pagkain ko ng mangga. Marahil ay hindi ako sanay sa klima ng Baguio kung kaya’t ganon ang reaksyon ng aking katawan. Dahil na rin sa aking pagmamadali ay hindi ako nakakain ng tamang almusal at hindi nakainom ng gamot. Subalit kahit man nangyari ang bagay na iyon ay hindi maalis sa’kin ang pagkahumaling sa unang lugar na aming pinasyalan. 
Tumblr media
Pinagmulan ng larawan:https://www.tripadvisor.com.ph/ShowUserReviews-g676743-d3946848-r202708306-Strawberry_Farm-La_Trinidad_Benguet_Province_Cordillera_Region_Luzon.html
STRAWBERRY FARM
Hilig ko na ang pagkain ng iba’t ibang klase ng prutas at isa sa pinakapaborito kong kinakain ay ang “strawberry” dahil na rin sa pagkahilig ko sa prutas na ito ay hindi ko napigilan ang pumitas ng mga matatamis na bunga ng strawberry kasama ang aking dalawang babaeng kapatid. Ang presyo ng isang kilo ng strawberry ay limang daan. Bagama’t maaring mataas ang bayad nito ngunit sulit naman sa lasa ng matatamis na minsa’y maasim na strawberries. Magandang gawin ang strawberry picking kasama ang iyong pamilya dahil maari itong maging bonding at pag-iiwanan ng masasayang ala-ala. 
Tumblr media
Pinagmulan ng larawan: https://danielsecotravels.com/mines-view-park-baguio-city/
MINES VIEW PARK
Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayroon ding mauupahang largabista kung nais makita  ang mga tanawin dito. Maganda at nakakawala ng mga isipin ang pagtitig sa lugar na ito. Sa katabi ng Mines View Park ay Wright Park naman kung saan ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing atraksiyon. May lugar sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng laawan kasama ang mga Igorot. Hindi pinaglagpas ang iba’t ibang magagandang lugar sa Baguio. 
Tumblr media
Pinagmulan ng larawan: https://www.trekearth.com/gallery/Asia/Philippines/Ilocos/Benguet/Baguio/photo1346195.htm
BOTANICAL GARDEN
Sa mga lugar na ito, makikita mo ang mga nakakamanghang  bundok at mga minahan, mga nag gagandahang bulaklak at ang mga taong masayang nakikipagkwentuhan,  karamihan ay mga magkakapamilya at magkakaibiganng namamasyal. Pwede ka din magpapicture sa mga aso at kabayo doon. Madami ding mabibiling souvenir dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamuti sa katawan. Kung ikaw naman ay biglang nagutom, ‘wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan dito na mapagbibilhan ng  mga masasarap na pagkain. Ito ang lugar kung saan hindi pinalampas ng aming Mama ang sandamakmak na pagkuha ng litrato, ngiti dito at ngiti doon. Nahumaling ako sa ganda ng mga bulaklak at iba’t ibang klase nito.
Tumblr media
Pinagmulan ng larawan: https://www.baguio.gov.ph/content/mansion
THE MANSION
Opisyal na tirahan ng Pangulo ng Filipinas ang Mansion House (Mán•syon Haws) kapag pumupunta ng Lungsod Baguio. Ang Mansion House ay isang makasaysayang gusali. Ito ay matatagpuan sa Leonard Wood Road, itaas lamang ng kilaláng Wright Park na may narerentahang mga kabayo para sakyan. Dinisenyo ito ni William Parsons na sumunod sa disenyo ng mga Español. May hiwalay na guest house sa malapit sa pangunahing gusali at naroon ang isang museo para sa mga memorabilya ng mga pangulo ng bansa. Ang lugar na ito ay tahimik at payapa. Maaari ka lamang kumuha ng litrato sa labas ngunit hindi maaring makapasok sa loob nito. Ang pinaka mansyon ay nasa gitna ng mga puno’t magagandang halaman. 
Tumblr media
pinagmulan ng larawan: https://danielsecotravels.com/baguio-cathedral/
BAGUIO CATHEDRAL
 Ayon sa aking pananaliksik, Ang Baguio Catholic Cathedral ay matatagpuan din sa puso ng Baguio City at isa sa pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Marami ding kwentong kababalaghan dito, may mga madre daw na nagpapakita tuwing madaling araw tsaka mga boses daw na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ayon na din sa aking pananaliksik, marami na daw namatay dun tsaka ginawang evacuation center ang Baguio City Cathedral 945. Ang Katedral ng Baguio o Katedral ng Ina ng Kalubagang-loob ay isang Romano Katolikong Katedral  na matatagpuan sa Cathedral Loop, malapit sa Daang Session sa Lungsod ng Baguio. Natatangi ito dahil sa kaniyang kulay rosas na panlabas na kayarian at isa sa mga pinaka-nakukuhanan-ng-litratong gusali sa Lungsod ng Baguio. Nagsilbi itong isang sentro ng paglikas noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas  noong ikalawang digmaang pandaigdig. Isa ito sa mga lugar na hindi namin kinalimutang punatahan, kahit saan man kami mapunta ay laging binibilin ng aming magulang na hindi dapat kalimutan ang pagdadasal. 
1 note · View note
kunganuano · 2 years
Text
Hirap ng buhay ano?
Ikaw ba’y nalolongkot? Walang makaosap? Kapos na naman ang budget? Huwag ng mangamba sapagkat hindi ka nagiisa. Milyon milyong Pilipino ang nakakaranas nito. Mahirap ang buhay sa panahon ngayon. Ang taas ng inflation. Yun dating pambili mo ng isang kilong bigas ay dalawang itlog na lang ang katumbas. At least may ulam ka na diba? Kanin na lang ang problema. Kapag kumain ka sa labas, hindi na uso ang unli rice. Pati asin at paminta na karaniwang makikita mo sa ibabaw ng mesa ay wala na din. Ang taas ng presyo ng bawang at sibuyas. Ang hindi na lang tumataas ay ang IQ ng mga namumuno sa bansa (awts!). Marahil ay naitatanong mo kung hanggang kailan kaya ito? Ganyan din ang tanong ko nung umabot na ng isang taon Ang Probinsyano sa TV pero hindi ba natapos din? Kapit lang. Kaya natin ‘to kabayan. #ornot
1 note · View note
migueljavido · 3 years
Text
Pagtaas ng mga presyo ng bilihin
Ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay isa sa nagiging problema ng mga tao ngayon . Ang bansang Pilipinas ay nagunguna sa mataas na antas ng inflation rate. Karamihan sa mga Pilipino ay “matinding naapektuhan” ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na naramdaman ng halos lahat. Dahil dito grabe ang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay. Ang mga produktong nagtaas ang presyo partikular ang bigas at matatamis na inumin, ilang brand ng sardinas at instant noodles. At dahil matindi ang epekto sa kanila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, dumidiskarte ang mga Pinoy.Ang ilang maliliit na negosyante, sari-saring paraan ang ginagawa upang maibsan ang bigat ng presyo ng mga bilihin. Tulad na lamang ng mga tindera ng sari- sari store na isa din sa mga naapektuhan nito. Kinailangan din nilang itaas ang presyo ng kanilang mga paninda upang makabenta kahit papano, hindi naman pwedeng panatilihin nila ang dating presyo sapagkat mayroong posibilidad na sila ay malugi. Malaki ang naging epekto nito sa kanilang hanapbuhay dahil karamihan sa mga mamimili ay naghahanap ng mga tindahan na kung saan merong mas murang paninda. Nagiging suliranin ng mga tindera ay kung paano nila mahihikayat ang mga mamili na sa kanila bumili. Ilan sa mga negosyante umaaray dahil sa taas ng preso ng mga pangunahing bilihin. Ang ibang mamimili naman ay todo tipid dahil sa mataas na ang presyo ng mga bilihin ngayon. Dahil sa inflation, mas dumadami ang insidenteng hoarding o ang pagtago ng kanilang mga produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Tumblr media
1 note · View note
weepingbearreview · 3 years
Text
Baguio City : Babalik balikan, Di Pagsasawaan
Tumblr media
                 Summer Capital of the Philippines, walang iba kung hindi ang Baguio City. Alam mo ba ang salitang Baguio ay nagsimula sa salitang Ibaloi  na “bagiw” na ang ibig sabihin ay “lumot” noong panahon ng Amerikano. Ang Baguio City ay isa sa paboritong pasyalan ng mga Pilipino pati na rin ng mga dayuhan lalo na kung panahon ng tag-init dahil sa klima nito na umaabot ng 19.3 digri Celsius at bumababa pa sa 10 digri Celsius sa mga buwan ng DIsyembre, Enero at Febrero.
Ang Baguio City ay matatagpuan 250 kilometro hilaga ng Maynila. Ito ay sakop ng probinsya ng Benguet. May sukat ito na 57.5 kilometro parisukat.  Mararating ang Baguio City sa pamamagitan ng 3 ruta. Ang una ay ang Quirino Hiway na mas kilala sa tawag na Naguillan Road sa hilaga, ang ikalawa ay sa Kennon Road na nasa Timog at ang ikatlo ay sa Marcos Highway sa kanluran. Bukod dito, maaari ring dumaan sa Halsema Highway ang mga taga Benguet at Mt. Province. Mararating din ang Baguio  City sa pamamagitan ng himpapawid gamit ang Paliparan ng Loakan na matatagpuan sa bandang timog ng lungsod.
 Paano mararating ang Baguio City
Tumblr media Tumblr media
                   Mararating ang Baguio City sa pamamagitan ng pagsakay sa mga pampublikong bus gaya ng Victory Liner o ang Joy Bus ng Genesis Company. Maari ring gumamit ng pribadong sasakyan tulad ng Van o kotse.
               Aking narating ang Baguio City sa ilan na ring pagkakataon gamit ang pribadong sasakyan. Sa tuwing kami ay pumunta ng Baguio karaniwan kaming umaalis dito sa Bataan ng ika-3 ng madaling araw at darating ng mga ika-7 ng umaga kung walang trapiko. Ang byahe ay halos tumatagal ng 4-6 na oras depende na rin sa lagay ng trapiko sa lungsod ng Baguio. Ang byahe papunta ng Baguio ay halos bumilis na kumpara noong mga nagdaang panahon dahil sa mga pagbabago sa ating kalsada. Nariyan ang SCTEX at TPLEX na lalong nagpagaan ng byahe.
               Kung nanaisin mo naman na sumakay ng mga pampublikong bus ito ay nagkakahalaga ng 500 piso hanggang 800 piso depende na rin sa uri ng sasakyan at pinagmulan mo.
 Saan ka maaaring mamalagi habang nasa Baguio City
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
                                             Maraming pagpipilian kung saan ka pwedeng mamalagi habang ikaw ay nasa Baguio City. Depende ito sa iyong badget na inilaan. Maari kang manataili sa isang hotel na ang presyo sa isang gabi ay mula 1,000 piso hanggang 5,000 piso kada tao. The Manor Hotel ang pinakasikat na hotel sa Baguio City na nasa Camp John Hay. Kung hindi naman sapat ang budget maari ka rin manatili sa mga pansamantalang bahay o yung tinataawag na transcient house na nagkakahalaga ng 400 piso pataas kada tao sa isang gabi. Maaari ka ring manatili sa sikat na Teachers Camp.
            Sa aking pagpunta sa Baguio naranasan kong manatili sa mga transcient house at sa Teachers Camp.
Mga Pook Pasyalan sa Baguio City
               Sa 2 araw na pamamalagi naming dito sa lungsod narito ang mga lugar na aming pinuntahan. Ang bawat lugar ay may kanya-kanyang angking ganda.
             Ang una naming dinaanan ay ang Lion’s Head, nagpahinga ng sandal at nagpakuha ng souvenir na litrato. SInundan ito ng pasasalamat sa ligtas na byahe at ito ay sa Baguio Cathedral. SInundan na aming pinuntahan ay ang Camp John Hay at dito kami kumain ng tanghalian. Masarap kumain sa mga ilalim ng puno ng pino. Sa hapon amin namang  pinuntahan  ang PMA at dito ko nakita ang mga kadete na talagang disiplinado sa kanilang gawain. Nagtapos ang unang araw ng aming pamamasyal sa Mines View Park .
            Sa ikalawang araw ay pinuntahan naming ang grotto ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Pagkatapos nito ay sinundan naming pinuntahan ang Bell Church na ang ganda ng pagkaka disenyo. Pangalawa sa huing distinasyon ay ang strawberry farm. Sa strawberry farm ay marami rin akong nabili ditong pasalubong. Burnham ang huli naming pinuntahan. Dito ay sumakay kami sa bangka. Nakakawiling mamasyal sa mga lugar na ito. Nakakapagod man sa pamamasyal pero nawawala ito kapag nakikita mo ang ganda ng lugar.
1.       Lion’S Head
Tumblr media
             Ito ay sikat na landmark na naghuhudyat na malapit na ang lunsod ng Baguio. Ito ay madaraanan kung gagamitin mo ang ruta ng Kennon Road paakyat ng lunsod. Ang istrakturang ito ay mula sa konspto ng bumubuo ng miyembero ng Lion’s Club ng Baguio noong taong 1972.
  2.       Baguio City Cathedral
Tumblr media
Isa ito sa lugar na hindi pinapalampas ang pagkakataon na mabisita habang nasa Baguio City. Ang misa rito ay nasa wikang English, Tagalog at Ilocano. Walumpong porsiento ng mga mamamayan ng Baguio City ay Katoliko. Sa aking pagdalo ng misa rito ang aking naaabutan na misa ay nasa wikang English o minsan naman ay nasa Ilocano.
 3.       Camp John Hay
Tumblr media
Isa ito sa masarap pasyalan. Malamig na simoy ng hangin ang aking nalalanghap dito. Dito ay maari ka ring maglakad lakad. Sa ilalim ng puno ng pino ay naranasan naming na dito kami kumain ng aming dalang pagkain matapos na ikutin ang parkeng ito.
 4.       Philippine Military Academy
Tumblr media
                                                           Sa Philippine Military Academy hinuhubog ang nag nagnais na manilbihan sa Hukbong Sandahan ng Pilipinas. Ito ay itinatag noong 1935. Ang PMA ay nakasunod sa United States Academy. Dito ko nakita ang mga kadete na tuwid na tuwid sa kanilang lakad habang nagmamartsa. Mapapansin din sa kanilang mga kilos ang kanilang pagiging disiplinado.
 5.       Mines View Park
Tumblr media
    Sa lugar na ito halos kitang kita mo ang buong paligid ng Baguio. Ang matarik na bangin, malamig na simoy ng hangin, magagandang halaman, ibat ibang pagkain na ibinebenta ang dagdag atraksyon dito. Nakakalibang mamasyal dito dahil sa makukulay na halaman at nakakatakaw pansin na mga pagkain. Sa tuwing pumunta ako dito hindi ko pinapalampas ang nilagang mais na may butter.
      Bukod dito, malapit din sa Mines View ang isang palengke na bilihan ng mga pasalubong.
  6.       Groto ng Lourdes
Tumblr media
Dito natin makikita  ang statwa ng Mahal na Birhen ng Loudes. Upang marating mo ito kailangan mong malampasan ang 252 na steps na hagdanan. Sa taas nito ay kailangan mong may magandang kondisyon ng katawan dahil kung hindi ito ay hindi  mo kakayaning umakyat.
Ang kauna-unahang punta ko dito ay halos bata pa ako na nasa 7 taon pa lamang ako kaya’t sayang saya ako na pabalik balik sa pag akyat.
  7.       Bell Church
Tumblr media
                Ang lugar na ito ay napakaganda rin na kitang kita ang arkitektura ng mga Taoist. Isa itong templo para sa mga katutubo na naririto sa Baguio City. Noong una akong nagpunta rito ay nasa 7 taon pa lamang ako kayat sayang saya rin ako sa pag akyat hanggang sa itaas na bahagi ng hagdan nito. Ang huli kong akyat lamang ay noong Disyembre 2020 at malaki na rin ang ikinaganda.
  8.       Strawberry Farms
Tumblr media
            Dito sa  strawberry farm sa La Trinidad ay masisiyahan ang mga mahihilig sa strawberry ice cream at strawberry taho sapagkat naririto ang maraming nagtitinda nito. Ang strawberry ice cream at taho ay isa sa mga paborito kong binibili rito.   Ito ay para rin sa may gusto na makapitas ng sariwang strawberry na maaari mo ring bilhin at maiuwi parang pasalubong.
 9.       Mamasyal sa Burnham Park
Tumblr media
  Ang parkeng ito ang isa sa masayang pasyalan sapagkat maari kang maglibang sa pamamgitan ng pag bibisekleta o pagbabangka. Nakakatuwnag balikan ang araw na ako ay nasa parkeng ito. Takot, kaba na may kasamang saya ang naranasan ko habang ako ay nasa bangka. Sobrang saya rin ang magbisekleta kasama ang kaibigan at pamilya.
 Pagkain
              Maraming natatanging pagkain ang makikita sa Baguio. Ilan na rito ang mga pagkain gawa sa strawberry na pangunahing produkto sa Baguio. Ang mga ito ay ang strawberry sorbetes, taho at alak. Bukod pa diyan naririyan ang kilalang etag para sa mga taga rito.
            Sa mga pagkaing ito, sa susunod na pagpunta ko hindi ko palalampasin na hindi ko matikman ang etag nila.
                              Strawberry Sorbetes
Tumblr media
                                                Strawberry sorbetes ang isa sa sikat na pagkain dito sa Baguio lalo na kung panahon ng tag-init. Saan mang pasyalan ay may makikita kang nagtitinda nito.
  Strawberry Taho
Tumblr media
Ang strawberry taho ay mabibili saan mang lugar sa Baguio City. Madalas na makikita ang mga nagtitinda nito sa mga sikast na parke gaya ng Burnham Park, Strawberry Farm at saan mang lugar.
Etag
Tumblr media
 Ito ay kilalang pagkain sa lugsod ng Baguio. Ito ay pinakuluang leeg ng baboy na pinipirito  ng lubog sa mantika. Paminta at bawang ng sangkap na ginagamit rito. Isinasawsaaaw ito sa suka o hot sauce.
 Strawberry Jam
Tumblr media
Isa ring itong sikat na produkto mula sa strawberry. Kadalasan itong binibili upang ipangpasalubong ng mga dumadayo dito.
  Kasaysayan
             Ating alamin ang pinagmulan ng Baguio.
           Ang sinaunang naninirahan sa lugar na kinatatayuan ng Baguio City ay ang mga Ibaloi at Kankana-ey na kabilang sa ilang pangkat ng katutubo. Noong panahon ng mga Kastila hindi nila pansin ang luagr na ito kayat ito ay nagsilbing pastulan ng mga baka at ibang alagang hayop.
                          Dahil sa klima nito, nahikayat ang mga Amerikano na gawin itong bakasyonan.    Taong 1901 ng inumpisahang gawin ang Kennon Road sa pamumuno ng mga Amerikano at sa tulong ng mga manggagawang Pilipino at mga Hapon, kanilang inukit ang daang ito sa pagitan ng mga bundok.
                            Idineklara itong “Summer Capital” ng Philippine Commission noong Hunyo 1, 1903. Noong 1904, naatasan ang sikat na arkitekto na si Daniel Burnham na gawan ng plano ang pagpapaunlad sa lungsod. Setyembre 1, 1909 ng ideklarang lungsod ang Baguio ng Philippine Assembly.
                           Ang Baguio City ay isa sa mga lungsod na binomba ng pwersa ng Imperyo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at madali nila itong nasakop.  Sa pagbalik ng mga Amerikano sa mga huling buwan ng digmaan, sa lungsod umatras ang karamihan ng mga sundalong Hapon sa Luzon kasama na si Hen. Tomoyuki Yamashita. Noong   Setyembre  3, 1909 ay pormal na isinuko ni Hen. Yamashita sa mga hukbong Amerikano at Pilipino ang mga natitirang puwersa ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay ginanap sa "Camp John Hay" na matatagpuan sa silangang bahagi ng lungsod.
  Pasalubong
                   Bago ako umuwi, hindi mawawala ang pasalubong ko sa aking mga kaibigan at kamag-anak. Ilan sa mga sikat na pasalubong mula sa Baguio ay ang Ube Jam na mula sa Good Shepherd, mga peanut brittle, souvenir na t-shirt, mga kumot na gawa ng mga katutubo , mga gulay gaya ng broccoli, cauliflower, carrot, yakon at marami pang iba. Ang sarap mamili ng pasalubong dahil sobrang mura ng mga gulay dito at sariwang sariwa pa.
Kultura
    Mayaman ang kultura ng lungsod, mula sa kanilang mga katutubong sayaw, awitin, pagdiriwang. Isa sa sikat at pinaghahandaan nilang pagdiriwang ay ang Pinagbenga. Ipinagdiriwang ang Pinagbenga sa buong buwan ng Pebrero na kung saan ipinagmamalaki ang kasaganaan ng mga bulaklak. Ang pagdiriwang na ito ay dinadayo ng mga turista.
 Konklusyon:
 Ang sarap mamasyal sa isang luagr na talaga naming mararamdaman mo ang lamig ng simoy ng hangin na talaga namang makaka alis ng stress. Malaki talaga ang nagagawa ng magandang kapaligiran sa damdamin at emosyon ng isang tao. Disiplina ang ating kailangan upang patuloy tayong bigyan ng magandang kapaligiran na makakatulong sa atin.
Sa pagpunta ko sa lugar na ito tunay na ang mga mamamayan ng Baguio ay may pagmammahal at pagmamalasakit sa kanilang kapaligiran dahil dito sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay.
Ang aking nakitang kaugalian at katangian  ng mga taga Baguio ay kahanga-kanga at mapapa sana all at WOW ka sa kanila.
Tumblr media
  https://www.google.com/search?q=where+to+stay+in+baguio&oq=where+to+stay+&aqs=chrome.4.69i57j0l9.7446j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.pinoyadventurista.com/2020/05/things-to-do-in-baguio-travel-guide-itinerary.html
http://anglungsodngbaguio.blogspot.com/2013/02/mga-produkto-ng-baguio.html
http://ellaxz.blogspot.com/2015/06/kasaysayan-ng-baguio.html
https://327471306460665032.weebly.com/home/baguioang-ipinagmamalaking-kultura-ng-lungsod
1 note · View note
furiousqueendragon · 3 years
Text
TAGAYTAY CITY, PHILIPPINES
Hindi maipagkakaila na napakaraming lugar ang maaring pasyalan sa Pilipinas, ngunit kung ang hanap mo ay napakagandang tanawin, malamig na klima at malapit lamang sa lungsod ng Manila halina’t pumunta sa Tagaytay. Ang lungsod ng Tagaytay ay tinagurian na 2nd Summer Capital ng bansa dahil sa katamtaman nitong klima. Ito ay isa sa mga lugar pang- turismo sa bansa, dinarayo ito nang mga turista mula sa iba’t ibang lugar. Ang tagaytay ay may layo nang 59 kilometro o 37 milya sa Manila.
Tumblr media
Ang pinaka dinarayo ng mga turista sa Tagaytay ay ang Taal Volcano. Ang Taal Volcano ay isang malaking kaldera na matatagpuan sa Taal lake sa Pilipinas. Ang bulkang ito ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas nakapag tala na din ito ng 34 na makasaysayang pagsabog. Ito ay may taas na 1,020 feet at may 47 craters, maliit man kung titignan ang bulkang ito ngunit napakamapanganib naman nito at kaya nitong makapaminsala ng napakaraming buhay. Ngunit sa kabila ng mga ito marami paring mga tao ang nag nanais na masilayan ang kakaibang ganda ng bulkang ito.  Ang pinaka inaabangan ng mga turista ay ang pag sikat ng araw sa parte ng Taal Volcano dahil talaga nga namang sobrang kabighabighani nito.
Tumblr media
Isa sa mga tinutuluyan ng turista ay ang Taal Vista Hotel Restaurants ito ay nakatayo na simula pa noong 1940. Ang lugar ay bukas sa lahat ng mga turista hindi lamang sa mga taong tumutuloy sa kanilang hotel kundi pati narin sa mga taong gustong kumain habang nakatingin sa napakagandan tanawin ng Taal Volcano.
Tumblr media
Kung ang nais mo naman ay uminom ng kape habang pinapanood ang pag sikat ng araw sa napakagandang tanawin ng Taal Volcano maari kang pumunta sa Bags of Beans isang kilalang coffee shop na nag titinda ng mainit na kapeng barako at maari mo itong ternohan ng beignets isang uri ng tinapay na talaga naming bagay sa lasa ng kapeng manit.
Tumblr media
Pag katapos ng nakaka-relax na umaga maari naman tayong pumunta sa Sky Ranch Tagaytay. Ang Sky Ranch Tagaytay ay may lawak na 5 hektarya.  Matatagpuan dito ang iba’t ibang rides, mga aktibidad na maaring salihan ng mga bata at mga matatanda, marami rin kainan sa loob nito kung saan maaring kumain ang mga mag kasintahan, mga mag kakaibigan o di naman kaya ang buong pamilya, kung ikaw naman ay nag titipid marami rin mga food stalls na nag titinda at pasok sa badyet ang presyo ng mga tinitinda at maari rin makapag horseback riding dito. At ang pinaka mahalaga kahit ikaw ay nasa theme park tanaw na tanaw mo parin ang napakagandang tanawin ng Taal Volcano.
Tumblr media
Ang isa pa sa pinag mamalaki ng Tagaytay bukod sa tanawin at pasyalan ay ang napakasarap na bulalo. Isa sa mga kilalang bulaluhan ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Mahogany Market. Ito a tila food court ngunit ang pangunahing tinitinda sa lugar na ito ay bulalo.
Tumblr media
Kung ikaw naman ay isang deboto ng Birheng Maria maari mong bisitahin ang Tierra de Maria. Hindi ganon kalaki ang lugar ngunit mayroon silang rebulto ng Birheng Maria na may taas na 50 ft.  Maari kang mag sulat ng mga kahilingan at dasal at maari mo ito idikit sa kanilang pader o di naman kaya ay maari mo itong ihulog sa kanilang kahon.
Tumblr media
Pagkatapos ng mahabang araw na pag lilibot maari namang mag relax sa Nature Wellness Village. Nag bukas ito noong 2001 dinarayo ito ng turista dahil sa napakagandang desenyo ng lugar, ang ilan sa mga kuwarto ay gawa sa nipa hut ang ilan naman ay gawa sa tent kaya naman habang ikaw ay minamasahe maari ka paring mamangha sa ganda ng Tagaytay.
Sa ating pag lalakbay maraming mga memoryang magagawa kasama ang ating pamilya, kaibigan o kahit ikaw lang mag isa. Sa ating bawat pag lalakbay ay may matutuklasan tayong mga bagay hindi lamang sa lugar na ating tinahak kundi pati narin sa ating sarili o di naman kaya sa ating mga kasama. At sa bawat pag lalakbay marami tayong matututunang aral na magagamit natin sa ating buhay.
1 note · View note