tjsan-blog
tjsan-blog
isang journal
26 posts
by JARIK (jey-rik) SAN Filipiniana. Anthology. Autobiographical.
Don't wanna be here? Send us removal request.
tjsan-blog · 10 years ago
Text
Strings
041516
Closure can be a little scary. You just end it there. You are no longer affected by your broken hearted song playlist. You are no longer having hopes that things will get better tomorrow. You accept that it is over and end it. You end it. Period.
Like my relationship with the others. My friends. My ex. Myself. I all end it. I am no longer affected by the guilt of my past. I am no longer having this idea that someday things will get better with these relationships. I all end it.
And by doing that, I free myself from these strings. It is the concept that people are interconnected with each other through with these invisible strings. It’s like a web. My goal is not to abruptly remove myself from this web, for it will create a massive disturbia with the people around me, but rather just slowly slip away so that they will never notice that I evaporate and disappear from this world. From my life.
It is a freedom. These strings keep pulling me back to the ground whenever I plan to leave. But now, I end it. A wonderful closure.
Although it can be painful at some time, like on how I let the hunger for intimacy be lost in me. I stop myself from having this wild dreams about romantic relationships and the like. It is letting the need within you famish. I tell myself whenever I’m falling to be with someone, “My future is no more. I will be leaving soon.” There is no point in building another relationship when you are about to leave, right?
Maybe this is a selfish act but I just want to rest now and let go. I’m too tired with all of this. The stings itself break from all the pressure from the very start and I’m just here cutting what is left.
I’m sorry. I’m really sorry.
1 note · View note
tjsan-blog · 10 years ago
Text
Asa
040915
Nakahihiya.  ‘Di ko napansin na may mali sa balarila ko. Minsan iniisip ko kung na sa tamang daan ba ‘ko. Pinagpipilitan ko lang nanaman ba ng sariliko sa isang bagay na hindi naman para sa akin o sadyang kailangan ko lang munamagtiyaga pasamantala hanggang matuto sa wakas? Matagal ko na ‘tong tanong sa aking sarili. Ang sabi nga ng guro ko sa Lit2 ay, “Writer’s are born, not made.” Kung ganoon nga, siguro nga pinagpipilitan ko lang ang sarili ko. O ‘di kaya inakala kong may kakayahanan akong magsulat at hanggang ngayon ay ‘di pa rin masyadong natatauhan. Paano kaya kung ‘di pala para sa akin ang pagsusulat? Paano kaya kung sa 4 na taon na ito, ang kakayahanan ko sa pagsusulat ay kasinungalingan.
Nakalulungkot. Kung hindi ito ang para sa akin, edi ano? Sino ako? Ano ang galing ko na puwede kong ipagmalaki? Aaminin ko, may mga pagkakataon talaga na naiinggit ako sa mga kaibigan kong mahusay magsulat, mapa-wikang Filipino man o Ingles. Wala akong ganoong kakayahanan. Siguro ang mayroon ako ay ang mayamang ideya na pangnobela, ngunit hanggang doon na lamang siguro ako. ‘Di ko kaya ibahagi ang ideyang ito sa iba. Pakiramdam ko ay may mali sa pagkakagawa sa aking utak pagdating sa pagkuwento at pagsulat ng bagay-bagay. Pakiramdam ko ay pipi ako.
Nakadudurog ng puso. Minahal ko ang pagsusulat. Pangarap ko ang makapagsulat ng mga nobela para sa daigdig. Ngunit siguro ang tanong ngayon para sa akin ay may mararating pa ba ang pagmamahal at pangarap na ito? Umaasa nanaman ba ako sa 1 bagay na kahit kailan ay ‘di ko makakamit?
Patawad.
1 note · View note
tjsan-blog · 10 years ago
Text
solace
n.
1. comfort in a time of sadness or distress 2. "Your Skype message is the first one that welcomes me and suddenly... the whole day isn't bad after all."
0 notes
tjsan-blog · 10 years ago
Note
Nice theme :D
Ngayon ko lang nabasa. T_T Omg. It's always an honor when it comes from you. XD
0 notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
I like semicolons. A period and a comma, but neither a stop nor a pause. Sentences with semicolons are like two independent people choosing to be with each other, but without label, for neither words nor conjunctions could ever explain the connection they have.
"What are we?"
"I don’t know. I guess we have the semicolon kind of relationship."
(×)
22 notes · View notes
tjsan-blog · 11 years ago
Photo
Tumblr media
Since FB does not support .gif format, I guess I'll just save this cute picture of my friend in here. (Don't worry, Tim, I'll delete this as soon as you see this prank.) Cheers!
2 notes · View notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
Ang French Frays. Bow.
122114
So last movie marathon tisis sleep over namin ngayong taon. Uuwi na kasi 'yong mga kagrupo ko sa kanila kanya-kanyang probinsiya. 'Yong iba, sa Baguio at Bicol lang pero mayroon naman medyo bongga, e sa Malaysia ang kanyang hometown. Kaya ayon, kailangang talaga i-push itong aktibidad na 'to kahit anong mangyari. Aja kung aja!
Eniwey, dahil magpapasko naman, napag-isipan ko na rin bumili ng mga regalo para sa tisis groupmates--slash--closest circle of friends ko sa eskwela. Wala naman akong masyadomg budget ngayon dahil nag-iipon nga ako para sa pangarap kong tablet (cross finger, nawa'y makamit na nga kita), kaya binili ko nalang 'yong mga fetishes nila tuwing kumakain. Trip ko na rin kung baga para sa kanila. Kilala ninyo naman ako e, prankster kung prankster.
So ito 'yong nabili ko sa kanila:
Candice - Isang bote ng Del Monte Tomato Ketchup. Siya 'yong kaibigan ko kasing laging naglilihi sa ketchup. Pramis. Kahit saan kami mapunta, kung alam niyang walang mahihingan ng ketchup e siya na mismo magbabaon. Minsan nga na-iisip kong itago ang ketchup niyang baon para malaman ilang segundo siyang makaka-survive. Hahaha. Peace Kan.
Erica - Isang bote ng Maggi Hot Chili na Toyo. Hindi lang dahil may toyo sa ulo si Eca, kung hindi dahil na rin katulad ni Kandis, naglilihi naman siya sa toyo at maaanghang na pagkain.
Idonnah - Malaking Knorr Pork Cubes na may libreng garapon. Plano ko talaga kasi strawberry syrup ng Hershey, kaso napaka-rare yata sa Pinas n'on kaya bumagsak ako sa isa sa mga life goals niya sa buhay--matutong magluto. Syempre supportive friend ako at gusto kong ma-master niya ang pork sinigang. Aba, plus pepe ganda points yata iyon sa Papa Niko niya.
Inezz - Isang jar ng bagoong na may libreng sandok ng kanin. Porenjer kasi itong lola ninyo. Baluktot pa nga mag-Filipino ngayon kaya plano ko patikimin ng bagoong. Tapos 'yong huling kain ko pa sa kanila napansin ko na isa sa kulang sa condo unit nila ay sandok ng kanin, kaya ito binili ko.
Worth it naman  ang trip kong regalo sa kanila dahil nahuli ko ang kiliti at hilig nila. O, ha! Napatunayan ko na may mas gaganda pa sa mga gift shop diyan sa mall. Mayroon kasi akong napuntahan na semi-Christmas party kanina. E palibasa dahil mayayaman ang karamihan, puro branded ang pinangreregalo. M&S dito, Uniqlo doon, aba, daig yata ng mga binili ko ang Toblerone na nilagyan lang ng pangalan. Joke. Hahaha.
Tapos, sa huli, habang nanonood kami ng Thai Horror na pinikula (Coming Soon) gumagawa kami ng tisis, niluto na rin namin yong isang kilong french fries na binili ko para sa lahat (sayang nga at 'yong mga kapatid ni Inezz (hi Aerika at Aean!) hindi natikman masyado). At dito ko na-isip ang isang magandang pilosopiya sa buhay.
Ang taong hindi makapaghintay, napapaso.
Ang sakit kasi sa dila--napaso ako. Ayon. Ang french frays. Bow.
0 notes
tjsan-blog · 11 years ago
Photo
Tumblr media
By Dani Malacalle.
11K notes · View notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
That Relationship
A Diamante Poem  111416
                       Love                   Rush, Real       Laughing, Crying, Returning Smiles, Kisses, Questions, Tears       Struggling, Weeping, Dying                   Cold, Bitter                        Pride
4 notes · View notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
Falling Star
Essay
The numbness inside that one feels after weeping is one of the things I am addicted right now. Although it will make you feel numb for the love from others, it can still make that pain in your heart finally sleep. After all, at this moment, it is not love that I want but just a break from all these things. Crying simply makes me feel anew, like the tears my eyes have shed cleanse my whole spirit.
Now I am feeling light and my body feels lifting toward the clouds. Gravity cannot stop me now. This intoxication is a numb happiness away from my problem, or what used to be my problem. I feel like a new person who has survived a great war now. Although this new peace cannot heal my shell shocked heart, at least the battle is over. None of us won in that war and what I value now is not victory but rest.
Sooner or later, the moment of losing this lightness will come back. Gravity will pull me and I will once again fall from the sky, fall away from my place in the dead stars.
And when I am about to hit the hard ground and die, I will close my eyes, smile, and say, "Finally."
111314
1 note · View note
tjsan-blog · 11 years ago
Text
Dear Timy,
111314
Dear Timy,
I know I am not in the position to tell you this. I just want to remind you that you should not hate God; especially when He is giving you a test. God gives the HARDEST TESTS/BATTLES to His strong soldiers and you're one of them, Timy. I also want to remind you that I lost James but I never hated God. NEVER IN A MILLION TIME. I know I don't know your pain, and my story is far from yours but learn to trust God especially in the most difficult moment of your life. I am forever and always here for you my dear cousin.  I LOVE YOU! :) Smile na.
♥ lots,
Ady
0 notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
Sa Ating Pagkakalayo
091514
Hindi natin sinasabi Na ang ating buhay Ay kasing lawak, Kasing habambuhay ng karagatan Hindi natin sinasabi Na ang ating kinabukasan Ay kasing tatag ng mga puno sa taglamig, Matitibay at matataas Lahat ng bagay ay may panahon. Natutuyo ang bulakak, Lumilipas ang tagsibol, At kahit tayo man ay ganito rin Sapagkat tayo ay tao lamang, Nagsasawa at naghahanap. Ngunit siguro ang pagmamahalang ito Ay higit sa atin, biyaya ng Maykapal. At sa pagdating ng oras na ito, Panahon ng paglisan at pagkakalayo, Ang nais ko, aking giliw, Ay alalahanin mo ako. Isipin mo ang mga bagay na ating ginawa Ang ating tawanan at paghahawak kamay, Ang ating luhaan at pagtatampuhan, Isipin mo ang ating pagmamahalan Isipino mo ang mga bagay Na hindi natin magagawa Isipin mo ang iyong pagiging immortal Sa tulang ito, ikaw ay laging maaalala Hindi natin sinasabi Na ang pagmamahalan natin Ay kasing bigat sa Maykapal Ngunit aking sinasabi na ito’y magpakailanman At sa aking pagwakas, nais kong iyong matandaan, Walang araw na lumipas, Na hindi kita naaalala, Narito pa rin ako, hinihintay, iniisip ikaw.
5 notes · View notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
Inc.
Sanaysay
Hindi ko na tatapusin ang sanaysay na ito dahil pagod na ‘ko. Sa ngayon gusto ko nalang siguro matulog ng matagaaaaal na matagaaaaal. May mga punto kaya na nakakapagod din mabuhay, pero siguro nga dala na rin ‘to ng kalungkutan na napakapamilyar sa aking puso. Nakakapagtaka nga at ‘di pa ito nasanay sa sakit na nararamdaman.
Gusto ko nang magpahinga. Hindi ko na bibilangin kung ilang oras pa ang itatagal ng aking magiging pagtulog dahil wala na akong masyadong pakialam sa mangyayari bukas. Ayokong isipin kasi pagod na ‘ko mag-isip. Wala muna na ‘kong planong makipagsalamuha sa ibang tao dahil masyado silang masaya para masabihan ng aking nararamdaman.
Takda na rin sa akin na may nagmamahal sa akin. Masarap kasama ang mga kaibigan at kung sakaling atakihin tayo ng Tsina, at nasa kalagitnaan ako ng Metro Manila, alam ko na ang una kong pupuntahan ay aking pamilya. Pero sa mga oras na ito, gusto ko nalang muna lumisan sa kanila at makalimot; hayaan muna ako makatulog ng mahimbing at hindi maistorbo. Hindi ako magpapaalam sa kanila dahil alam kong babalik pa ako.
Katulad sa pagsakay namin sa dyip kanina kung saan lahat ng aking mga barkada at patuloy sa pagtatawanan at pagkukwentuhan, wala silang kaide-ideya na habang ako ay nasa gitna, walang kibo at pagod, gusto kong sumigaw ng “para” at sabihin sa kanila na hindi ako dapat naririto. Gusto kong bumaba sa sinasakyan at tumakbo sa kawalan—sa kanya—kung saan ko naiwan ang aking pusong nawasak sa pagmamahal.
O ‘di naman kaya katulad sa mga nagbabasa ng sanaysay na ‘to, akala nila okey pa ang lahat, ngunit wala silang kaide-ideya na ang nagsulat nito ay pagod na at malapit nang
111114
0 notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
What happens when you stop loving someone?
Where does all that love go? Does it go away completely? Does it change into anger, into friendship, into something else? Or do we unconsciously use bitter emotions to mask the love into another thing so it’d be easier for our brains and bodies and hearts to process our survival without that person?
Is it still there? Is there anything left? Where does all the love go?
108 notes · View notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
Dear Johann
110814
Dear Johann, My little scarlet, starlet singing in the garden, My Moon-of-my-Life
  Hiiii~
Kamusta ang unang linggo ng pasukan?
Dear John(ny), kung nasaan ka man ngayon, gusto kong malaman mo na naniniwala ako sa lahat ng mga ginagawa mo. 2nd semester na at may Trigo at BioChem ka na. Walang mga kinalaman ‘to sa panitikan kaya hindi kita masyadong matuturuan pagdating dito. Naiinis nga ako at ‘di ako pinagpala sa mga ganitong asignatura. Kung sana edi matutyutoran na kita. Pero handa pa rin akong kulitin ‘yong mga guro mo na hatakin ang mga grades mo. Pero in a lighter side, alam ko naman na matalino kang estyudante, medyo mabilis lang ma-carried away ng mga iba’t ibang elemento sa paligid, pero matalino ka. Konting push lang ‘yan at sigurado akong keribels mo na ‘tong semester na ‘to.
Paano nga ulit makakasurbayb? Simple lang. Simulan natin sa prelims. Dapat mataas ito. Malaki kasi hatak nito at malaki rin ang tulong kung sakaling sumalpak ang mga grado sa midterms. Tapos ‘yong mga sagot sa exams mula sa mga cheat-mates sa library, madalas nakakatulong ito. Samahan mo pa ng perfect attendance concentration at will power, ay, aber, sigurado akong kaya mong higitan ang mga grado ko.
Anyway, ayun, alam mo naman siguro kung bakit ako nagsulat nito. (Clue: it starts with the number 8.) Wala akong pera pambili ng mga bulaklak, tsokolate, o stuff toy. Alam kong naiinitindihan mo ako kasi alam kong gipit ka rin ngayong pasukan. Tapos kailangan ko pa bumili ng mga libro para sa book signing ni Marie Lu, author of the Prodigy series PolGov at Rizal (oo, dalawa lang ang mga kailangan na libro sa 3rd year, wala na rin pati sa mga majors!) kaya ibibigay ko nalang sa’yo ‘tong my precious ko, (hindi yung isa, nabigay ko na sa’yo ‘yon, e. HAHAHAHA, JOKE.), kung hindi ‘yong simpleng kakayahan ko sa panitikan. Hayaan mo, babawi nalang ako next time.
By the way, nakapagdownload ako ng Born to Die album ni Lana Del Rey (finally) just last week. Alam mo naman na ang hilig ko talaga ay mga video games at animes (hindi hentai, ah!) Taylor Swift at operatic songs, kaya medyo nagtagal ako sa pagnamnam ng mga kanta. One day, isang araw, habang bad trip na bad trip ako sa LRT dahil sa pagiging oh-so-reliable ­nito, nagdesisyon akong pakinggan yung buong album. Tapos ko na kasi yung buong 1989 kakahintay pa lamang sa estayon ng 5th Avenue. (Oo, isang oras ako nakatayo doon. Punyeta talaga.)
And then there, ayun, tumogtog siya.
How I describe the Dark Paradise song: It was so depressing (to the tenth power, as in) that it made me feel so happy.
Imagine, sad song tapos matutuwa ka sa pagka-sad niya. There is really beauty in sadness, 'ka nga. Kaya hayaan mo akong maglagay ng mga ilang lyrics dito.
And there's no remedy For memory. Your face is like a melody, It won't leave my head. Your soul is haunting me And telling me That everything is fine, But I wish I was dead-- Dead like you.
Magsasalita na rin ako tungkol sa “unresolved conflict” nating dalawa. (Ano raw?) Minsan kasi parang wild Pokemon ang peg mo, bigla ka nalang lilitaw.
Wild Johann appeared.
Go Timothy!
What would Timothy do?
Fight > Talk
Timothy used Talk.
But it failed.
Wild Johann used natural, drop dead gorgeous charm Ignore.
It's super effective.
Wild Johann fled.
Minsan hindi kita pinapansin sa koridor kasi medyo awkward pa rin ang ambiance (wow, deep English!) sa ating dalawa. Nakaka-trauma kaya yung ginawa mo. Saksak puso, tulo ang dugo. Muntik na tuloy ako mapasali sa kulto ng mga “walang forever”, e buti nalang five-ever ­tayo, 'di ba? To be honest, nakaramdam ako ng galit sa’yo. In a third person point of view, walang hiya naman talaga ‘yong ginawa mo. Alam mo ‘yon, may kasintahan ka tapos bigla mo nalang iiwan sa ere ng walang dahilang iniiwan. ‘Di ba? May mga matching tweets ka pa tungkol sa ibang lalaki. Boom. Combo. Putangina talaga. Pero wala e. Mahal ko. Nagpag-isipan ko na ‘to ng matagal. As in. Mahal kita. Period. No erase. Kahit sino ka pa at kahit ano pa ang ginawa mo. Eber lasting pis and lab na ‘to. Kaya kahit sinasara mo pa rin ang pintuan mo e nandito pa rin ako with open arms (plus with matching kiss sabay hug).
Gusto ko rin sabihin sa’yo na namimiss ko na ang mga usapan natin. Alam mo na ba na patay na ‘yong paborito kong pusa? Medyo nakakapagtampo nga si Ming-Ming kasi kung kailan ko siya ibibili ng tig-o-otso pesos na fried chicken sa kanto e doon siya sumunod kay Mummy. Ayun, wala na tuloy akong kasama sa kwarto. Sumali nga rin pala ako sa NaNoWriMo ngayong buwan. Patawad kung hindi ako nakapagpaalam sa pag-gamit ng iyong pangalan para sa isang tauhan ko rito. Pero ‘wag kang mag-alala, bida siya. Hindi ko siya basta basta papatayin. Hahaha. Biro lang.
Just like what I said before, I’ll be your numbah wan fan in here. Kahit ano pang gusto mong gawin, (mapa-nursing, psych, dancer, kalbo, mahawk na kulot, photographer, porn star, sleeper, tweeter, blogger, water bender, o Pokemon master man ‘yan), kung may kailangan kang tulong kagaya ng mga financial moral support, copyreading sa tisis, clown sa birthday ng mga kapatid at pinsan mo, singer, macho dancer, aba, just call a lover, este friend, at nandito lang ako para sa’yo 24-7. Kung may hihilingin man akong isang bagay, e sana ‘wag ka nang masyadong pogi at sexy  umiwas sa akin na para bang may Ebola akong sakit. Sige ka, hahalikan kita diyan. It hurts you know. Galit ka pa rin sa akin. Sorry na, bae. Gaya nga sabi ni Albom, “Holding anger is a poison...It eats you from inside...We think that by hating someone we hurt them...But hatred is a curved blade...and the harm we do to others...we also do to ourselves.” Kaya, please, bati na tayo, ha? Wabyu Sweetie! :-) Libre nalang kita doon sa sa restawran sa MoA. Nakapaskil sa pinto nila “Halal. No Pork.” Doon tayo.
Anyway, baka medyo baduy na ‘ko rito basahin. Tatapusin ko nalang ang liham ko sa isang jowk para medyo light and mood:
Late kasi ako sa klase, tapos nagulat si sir Adversario sa biglaan kong pag-popped in sa upuan ko. Daig ko pa yata ang ninja kabote kasi talagang nanglaki ang mga mata niya.
SIYA: MR. SANTIAGO! AKO: (Isip bigla ng dahilan.) Sir, ang peste kasi ng LRT. SIYA: Mr. Santiago, hindi ka pa pinapanganak peste na ang LRT.
Antawa ko talaga.
Mahal na mahal kita fayb-ebeeer, JML Cazin-San~
Ingat ka. ‘Wag mangrereyp. <8
  Nagmamahal,
  Tim-Tam Pogi Your light of your life, fire of your loins, Your Sun-and-Star
1 note · View note
tjsan-blog · 11 years ago
Audio
Sorry I was so bored, and the song was stuck in my head for who knows how many days now, and i got no courage to put it in my own blog hahaha 
PS. Sorry, Tim. Hahaha
— Lois
0 notes
tjsan-blog · 11 years ago
Text
oh
excl
used to express a range of emotions including surprise, disappointment, or joy
I'm hurt.
1 note · View note