A community of writers dedicated in promoting Filipino literature.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
You foresee things undeniably well that words roll out of your tongue like weather reports without stutter or dead air announcing how much water would sky cry how many stupid people would slip and the possibility of rain fall
you can also see how angry the sun is how drastic would its rage be how much of it we would all feel also the strength of typhoons how long it would visit the country and how cold will its embrace be apparently you know how high the waters are and when it is at its lowest and in floods you know how strong is its current and how high could it get
You know so many things especially about the weather however you do not know how the sun’s heat drains people down how the typhoons swallows everything that is important how people are trapped in their own roofs when the waters are too high how memories confined in things we keep drowned in the flood how our pets strive to survive and to see us for one last time
You foresee things undeniably well that words roll out of your tongue like weather reports without stutter or dead air However you have not kept an open mind of all the things that could die you weren’t aware of any casualties and sadly I was one there’s a storm in me that I cannot tame which has drowned all my valuable things and even my being it has left me nothing but broken bones and I didn’t know this is how rain tastes like so I did not get the chance to try saving myself or even feel the need to do so so maybe you not knowing would feel better than watching and waiting for the late warnings and apologies you did not have the courage to tell me
/ chance of rain [m.l.n]
22 notes
·
View notes
Text
Naaalala mo pa kaya ako?
Naaalala mo pa ba yung mga panahong kasama mo ako,
Na minsan sa buhay mo,
naging masaya ka pag-ibig na dala ko. Naaalala mo pa kaya ako?
Naaalala mo pa ba kung paano ka sumuko at kung gaano kasakit para sa atin ito.
Kung paano naging madilim ang pamamaalam mo,
at kung paano mo binitawan ang mga kamay ko,
kasabay ng pag-ibig na masaya nating binuo.
Kung gaano ka katapang na iwan ang lahat ng meron tayo. Sa mga oras na ito, naiisip mo rin kaya ako?
Alam kong imposible pero umaasa pa rin ako,
na baka kahit minsan sumasagi pa rin ako sa isip mo. Sana masaya ka na sa bagong buhay mo.
Pipilitin kong maging masaya para sayo.
Susubukan ko,
kahit hindi na ikaw ang dahilan ng kasiyahang ito.
Pipilitin kong gumising sa umaga na hindi ko na hahanapin ang presensya mo.
Pipilitin kong tanggapin na hindi na ikaw ang makakasama ko.
Pipilitin kong tanggapin na hindi itinadhana ang ikaw at ako.
Pipilitin kong tanggapin na wala ng tayo. Mag-iingat ka. Sana kasabay ng paglaho ng eroplano sa ulap ay ang nararamdaman ko para sa'yo.
Sana kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang sakit na idinulot mo.
Sana kasabay ng pagtapos kong isulat ito ay ang tuluyan kong paglimot sa'yo. “Mag-iingat ka,
Paalam"
Monique C
10 notes
·
View notes
Text
Sabi nila, “Ano nga ba ang pag-ibig?” Ang pag-ibig na kay hirap isatinig Simple lamang ang kanilang tinatanong Na sa dulo'y mayroong tandang pananong
Pag-ibig ba yung nagmamahal ka pa din? Sa taong ‘di ka naman kayang mahalin Ito ba yung masaya ka sa piling n'ya, Sa kabila ng sakit na nadarama?
Pag-ibig ba yaong hanggang tanaw ka lang Pero napupunan ang pusong may patlang Na kahit malayo siya sa piling mo Ramdam namang ang puso'y malapit sa'yo
Pag-ibig ba yaong wala namang kayo, Pero ang pagmamahal ay ramdam niyo? Sa bawat pag-uusap niyong dalawa Nararamdama'y di maikakaila
Ito ba yung handa kang magsakripisyo, At ibigay ang puso ng buong-buo Maligtas lamang s'ya sa nakaraan n'ya At ikaw ang maging bagong mahal niya
Dahil alam mong nasasaktan na siya Kaya’t handa ka ring masaktan gaya n'ya Pag-ibig at sakit sayo'y iisa na Saya at lungkot ay ‘di na mapag-iba
Sumisigaw kang mahal na mahal mo s'ya Sabay ng sigaw ng pusong ayoko na Oo nga at mahal na mahal pa din s'ya Pero puso naman ay nagdurugo na
Paglaya ba sa puso'y pag-ibig pa din? Paglaya dahil utak na ang susundin Paglaya sa lahat ng mga nadama Paglaya sa pag-ibig mo sakaniya
Ang pagsuko ba ay pagmamahal pa din? Na ang dating kayo ay ikaw na lamang Na ang dating tayo ay ako na lamang Maituturing ba ‘tong pag-ibig pa din?
Ang sabi dating, “Mahal na mahal kita” Na ngayo'y di na kita kilala Ang dating, “Ipagtatanggol kita sa kan'ya” Ay naging, “Ayoko na, bahala ka na”
Ano nga ba talaga itong pag-ibig? Anumang pilit ay 'di maisatinig Kahit matalinong tao'y nalilinlang Kahit ang may alam ay naguguluhan
Tila naguguluhan pa sa pag-ibig Ang pusong 'to na nawalan na ng himig Marahil namanhid na sa mga sakit At sumuko na sa pwede pang ipilit
Kung kaya’t ang tanong na hindi masagot Sabi nila, “Ano nga ba ang pag-ibig?” Ito ay mananatiling walang sagot Hanggang sa puso ko'y mabuhay ang himig
Pag-ibig ; Red
12 notes
·
View notes
Text
Pinagdudugtong tayo ng mga salitang hindi nahahabi sa bawat tula. Tayo ang mga espasyo sa pagitan ng mga salita. Tayo ang pilit tinatapos ng tuldok, kahit bitin pa ang istorya. Tayo ang mga nasaloob ng panaknong - pilit isinasantabi sapagkat akala nati’y tayo’y mga nakalaylay na konsepto lamang. Tayo ang mga panghalip sa bawat kuwento - hindi mapangalanan, hindi maangkin. Tayo ang bawat binuburang saknong, mga sikreto sa bawat taludtod, ang binabago ng bawat pagbayo sa bawat piyesa. Tayo ang may sariling salita sa bawat nararamdaman na tayo lamang ang may kakayanang sumayaw sa bawat indak ng taludtod. Tayo lamang ang magkasama sa lilim ng pag-iisa, sa pangungulila ng malamig na kuwarto kung saan ang bawat halik ay tintang bumabakat sa balat. Tayo ang pagtatalik ng pluma sa papel, ang hindi marinig na kasaysayang tinatakluban ng bawat kumot. Tayo ang pagtula sa ilalim ng unan - walang makakarinig ngunit bitbit hanggang sa panaginip. Tayo ang walang katapusang pagkumpas ng mga alaala - pilit binubuo ang bawat imahe gamit ang salita sapagkat walang mga larawang makakapagpatunay sa ating mapupusok na pakikipagsapalaran sa sikretong yugto ng ating aklat. Tayo ang piyesang hindi mapangalanan, na inaalay sa kung kaninong aninong hanggang ngayo’y naglalaro pa rin sa dilim ng bawat sulok ng aking gunita.
-8:52 ng gabi; Zakk Habitan
15 notes
·
View notes
Text
I heard your voice echoing in sunlight through my head, And I’ve been so uninspired lately – not uninspired in a gray waves through the sky kind of way But where the waves hold a slight teal tint as they carry me Through time and whisper that change is coming, that change is okay. And it’s not entirely fair that I feel compelled to start every sentence in the middle, Or that every story I tell doesn’t seem to end, but instead just trails off And twists through my fingers as I try to grasp it but end up simply watching it float out the window As I start to see a fan spinning on the ceiling I then remember that I’m not home, Or telling myself I’ll be better when I’m home but realizing I’m already there, And all I can do is just fall asleep. If only you or I knew what was happening inside, In the world – what we dreamt about or how we’re always mindlessly Throwing ourselves away or shooting expensive thoughts into an open conversation, Hoping someone will pick up exactly what it is we need although we never let anyone know. And I’ve been so uninspired lately – but in a way where my thoughts just can’t seem To speak fast enough or are trying so hard to go slower. So I shoot up from rest, Still half stuck in a fantasy, and I’m spilling out all over the bed, With no one or no sounds to stitch me back up to how I was before, But I’m not afraid and I’m not ashamed to have someone knock and think, I said “come in,” Then enter to see notebooks and pens scattered across the floor with nothing on them But exclamation points and cross hatches through the question marks. Because I’ve been breathing again, breathing into something, And I’m trying to make this mayhem form into something like the orchestra before a performance Behaving wildly out of key with everyone in separate corners before we all come back To meet each other once again and provide ourselves with that half a second of silence Before the sun rises over the crowd.
// And I’ve been so uninspired lately; Frey
16 notes
·
View notes
Text
Three Haiku of Hiatus
STOP Shattered to fragments. From this never-ending pain. I need a long break.
WAIT My heart is waiting to recover from the wounds created by you.
LET GO I am now stronger and my heart’s healed, love’s faded. Forgo and let go.
/lostvirtuoso
29 notes
·
View notes
Text
Tayong mga Pilipino, ang hilig natin maniwala sa mga bagay na mahirap paniwalaan. Kaya nga siguro nauso ‘yung “Laban Piliipinas, Puso”, kahit minsan, wala tayong kalaban-laban. Marami pang ganito sa kasaysayan.
Ang pagkamatay ni Rizal, ginawan natin ng rebulto.
Ang pagkatalo natin sa Bataan, tinayuan natin ng Dambana ng Kagitingan.
Ang pagkasira ng Corregidor, hinayaan nating sira, at ginawa pa nating pook-pasyalan.
Pero mahal, paano naman ako? Ano and itatayo kong dambana o rebulto ngayong alam kong talo na tayo?
Kapag dumating ba ang huling pagkakataong masasaktan mo ako, magtatayo ba ako ng malaking pusong may bitak sa gitna? Kapag ba iniwan mo ako ng walang dahilan, magtatayo ba ako ng isang tandang pananong para sa mga panahong hindi mo alam kung paano kumakalam ang aking buong katawan sa lungkot? Kapag ba sinaktan mo ako, magtatayo ba ako ng martilyo na ang sarap ihampas sa pagkatao mo dahil baka sakaling maramdaman mo rin ang sakit na nararanasan ko?
Pero wag kang mag-alala, maniniwala pa rin ako. Pilit ko tong pipilitin kahit alam kong bitbit ko na ang kaakibat nitong pagkatalo. Ang puso ko ang magiging rebulto ni Rizal, na mananatiling nakataas, sa pag-asang makikita mo itong nag-iintay pa rin sa’yo.
Ang puso ko ang magiging Dambana ng Kagitingan, na patuloy sa pagtunog kasabay ang saliw at ritmo ng pagtibok nito.
Ang pagkatao ko ang magiging Corregidor, at hindi ako natatakot na iwanan itong masukal at wasak, dahil ito ‘yung anyong minsang minahal mo.
Lagi kong bibisitahin ang lahat ng ito Aalamin ko kung sino ang ikaw kung sino ang ako at kung paano nga ba naging ikaw at ako magpapakalunod ako sa mga maling alaala ng tayo.
Congrats, mahal, dahil natalo tayo at ang hirap maniwala na pinagtagpo lamang tayo pero hindi itinadhana.
/Talo
11 notes
·
View notes
Quote
Somehow my hatred ate me alive from the thought of loving you so much. It came in to my view that I hate you so much, far from the last line that I’ve loved you more than my own self. I hate you, but you’re still the reason why I write. You are the reason why my mind is eating me alive to write whenever the midnight strikes.
skylar
13 notes
·
View notes
Text
I took an oath to fight regardless of and despite of what I fought through a hundred battles from left to right in seek for tranquility also for our solidarity to give ourselves more time to be alone together
Through every war, no one bothered asking if I was alive however they seek answers to when would it end their voices not even laced with an inch of concern instead in union they echoed ‘get through it’ as I whisper to myself ‘this too shall pass’
You have killed me with a rainfall of bullets I was thirsty of the things you have promised You have starved me with the love I deserve I have jogged a hundred miles in search for the beating heart of yours that I never had
I took an oath to fight regardless of and despite of what however everyone have their own downfalls even heroes fail to save the day and I, I grew tired tired to keep up with the fast phases of this relationship
I may have failed to save this love but at least I have brought home this broken heart that you have abducted my loss of will to fight does not equate to my loss of nationalism I believe in the essence of loving and also of unconditional love yet maybe ours is not even close to the idea of both
/ fall short [m.l.n]
19 notes
·
View notes
Text
I came to you and asked, “What’s wrong?“ But you looked down and said nothing, so I turned myself to look at the mirror; I saw a restless face, full cheeks but without bloom, a gaze without any hint of hope, red lips but eyes in gloom. I feel troubled, you don’t call me beautiful anymore. You don’t call me beautiful anymore as though the syllables have vanished in your vocabulary as though the definition has been deleted from your memory as though you’re silently proclaiming I no longer have the beauty. They call me pretty. They say I’m lovely. But what anyone else has to say doesn’t matter. You know why? Because you don’t call me beautiful anymore.
- karen-ruth
42 notes
·
View notes
Text
Nakahiligan kong magtali ng kapirasong sinulid sa daliri para madali kong maalala ang mga bagay-bagay. Makakalimutin kasi ako.
Halimbawa, magtatali ako ng sinulid sa hintuturo ko para maalala kong may gagawin ako bukas. Magtatali ako ng dalawa at papakahigpitan ko ito para maramdaman ko ang maiiwan nitong bakas. Oo na, isa itong ka-cornyhan, kasi sa kapirasong sinulid ako nagpapakapantas, pero hindi ko ito maitatanggi. Ito ang totoo. Sa sinulid ko naalala ang mga bagay sa mundo.
Pero alam mo, mahal, noong naging tayo, hindi ko na kinailangan na magtali pa ng mga ‘to. Kasi lahat na lang naaalala ko. Merong tayo. Sa lahat ng ginagawa ko, mayroong ikaw, at natutuwa akong naipaparamdam ko sa’yo ang aking bawat galaw, na hindi ko akalaing sa’yo ko mararanasan na sa bawat paglubog natin sa buhay ay siya rin ang paglitaw. Mahal, wala akong ibang inasam, kun’di ako at ikaw. Tayo.
Sabagay, kailan mo pa nga ba ako naalala. Wala ako sa’yo. Pauulit-ulitin ko to hanggang sa mahibang ako na hinding-hindi mo ako maaalala.
Wala. ako. sa’yo.
Kung may halaga ako, siguro nandiyan ka’t isisigaw ng malakas ang pangalan ko pero;
Wala. ako. sa’yo.
Oo, ako nga itong si tanga na pilit kang inaalala, pero pagdating sa’yo, kailangan mo pa ng paalala.
Wala. ako. sayo.
Sino nga ba naman ako? Ikaw ang aking buwan pero para sa’yo, isa lang ako sa mga nasisinagan mo. Ikaw ang aking dagat pero para sa’yo, isa lang ako sa mga pampang na nadadampian mo. Ikaw ang aking mahal, pero isa lang ako sa mga nag-iintay ng pagmamahal mo. Nakailang tali na ako ng sinulid, pero wala ni anino mo. Nagpakabata pa nga ako at tinali ko ito sa mga kamay kong tila nakagapos na kasi baka nga naman dumating ka pero nagkamali ako. Nakagapos lang itong parang puso ko.
Hanggang sa mapagtanto ko na, kung anong tinalino ko, pagdating sayo, siya kong kinatanga. Sa pagitan pala ng dalawang sinulid na nakatali sa kamay mo, ay hindi nakabase sa kapal, sukat, o sa beses ng paikot, kun’di sa kung alin ang mas mahalaga.
At oo, mahal, nasasaktan ako. Kasi kahit baliktarin ko ang mundo, at magtali ako ng sinulid para ipaalala sa sarili ko na para sa’kin din ang sinulid mo, Mali pa rin ako. At wala akong mapapala. Oo nga’t may sinulid ka sa daliri, pero nagtatali ka para sa iba.
— Sinulid [by k.v.]
23 notes
·
View notes
Text
Pumatak na ng alas diez Oras ay nakakainip Ito na naman ang pag-iisip Kung anu-anong nakakapraning at nakakabaliw Nagugulumihanan na ako’y iyong iiwan Kinakain ng pusong umaasa na ‘di mawawalan Nalulunod, nababalisa at muling napapaisip Kung ika’y mababalik sa aking panaginip Sa dilim ay ‘di makatulog Nakatitig sa kisame Oras ay ‘di pansin sa palalim na gabi Pagpatak ng alas dose Sadyang natauhan Luminaw ang isip Ngunit puso’y muling nagugulumihanan Sa pagdating ng mensaheng 'di inaasahang Sa isang mensaheng kay liwanag Na nagbibigay pag-asa habang Munti ng nagdarasal na ako’y ‘di pinaasa Unti-unting binasa na nadama’y Parang pinapaasa Bigat sa puso ay nadagdag Sa mensaheng aking nadatnan Pag-asang nabuo’y biglaang nabiyak Naririnig ang huni ng pag-iyak Mensaheng akala’y may buhat na galak Pagdududa at pag-iisip ng masama ang agad na naging balak Nakatulog ng 'di pansin Sa pagod at iyak ay naging alipin Nabulag at nagising sa liwanag Ng pag-asang 'di maintidihang saya ang aking natamasa Pusong nabiyak ay napuno ng galak Mga masasamang balak ay 'di na natulak Sa munting mensahe ng aking minamahal Nabuo ang tiwala; Tinigilang maging hangal
/ kwentong hating-gabi (r.r.)
20 notes
·
View notes
Text
Ang una kong halik ay kamakailan lang. Tila hindi ko nga alam kung paano ito sisimulan. May pangamba na baka magkamali. Hindi ko alam kung dapat bang ipikit ang mga mata dahil bastos raw ang tumitig. Hindi ko alam kung saan ba dapat dumampi ang mga kamay - kung sa likod ng batok, sa baywang, sa binti, dahil ayokong masabihan ng bastos. Hindi ko alam kung dapat bang nakatikom ang mga bibig o kakaunting bumubukas dahil sabi ng aking mga magulang noong ako ay bata pa ay marumi raw ang laway. Ngunit hindi nila naituro sa akin na ang paghahalikan pala ay isang sikretong wika sa pagitan ng dalawang taong nagtatagpo sa iisang salita - halik. Na dito pala ay hindi lang mga labi kundi ay ang ating mga mundo ang nagsasalpukan. Na dapat ko palang hawakan ka ng mahigpit dahil baka tangayin ka ng pag-agos ng panahon. At hindi ko pala kailangang ipikit ang aking mga mata dahil natutunan kong dapat itanim ang lahat ng mabubuting bagay sa alaala - ang pagkakataong itong magkasama ang kalawakan nating dalawa, kung saan sa mundong gumuguho ang lahat ay tayong dalawa lang ang buo, sa paminsan minsang pagkakataong dumarampi ang ulan sa kalupaan. Ngunit, tulad ng mga patak ng ulan, ikaw din ay tumitila at nawawala. Mapanganib ngang pangalanan ang bawat bagyo dahil hindi dapat hinihintay at inaangkin ang mga mapaminsala. Hindi ba sinabi sa iyong huwag magtiwala sa mga estrangherong nagbibigay ng direksyon dahil baka sakaling hindi ka na makarating dahil nakinig ka sa mga taong hindi pamilyar sa sarili mong lupain.
At iniisip kita sa pagitan ng mga salita’t tula. Sa katabing blangkong upuan habang nanunuod ng sine o kapag kumakain sa kung saan. Iniisip kita sa puwang sa aking kama at sa naiwan mong amoy sa mga punda. Nagmumulto pa rin ang mga alaala mo sinta. Iniisip kita sa mga taong nagsisiksikan sa tren o sa espasyo ng kalsada sa katahimikan ng gabi na sana ay makasalubong kita. Naiisip kita sa ingay ng mga humaharurot na sasakyan na baka sakali ay nasa biyahe kang pabalik sa akin. Iniisip kita sa tuwing sumisikat ang umaga, sino kaya ang iyong katabi? Iniisip kita, sa mga tauhan sa libro at pelikula, nagbabakasakaling baka naroon ang kuwento nating dalawa.
Ang kuwento nating dalawa. Pinagdudugtong tayo ng mga salitang hindi nahahabi sa bawat tula. Tayo ang mga espasyo sa pagitan ng mga salita. Tayo ang pilit tinatapos ng tuldok, kahit bitin pa ang istorya. Tayo ang mga nasaloob ng panaknong - pilit isinasantabi sapagkat akala nati’y tayo’y mga nakalaylay na konsepto lamang. Tayo ang mga panghalip sa bawat kuwento - hindi mapangalanan, hindi maangkin. Tayo ang bawat binuburang saknong, mga sikreto sa bawat taludtod, ang binabago ng bawat pagbayo sa bawat piyesa. Tayo ang may sariling salita sa bawat nararamdaman na tayo lamang ang may kakayanang sumayaw sa bawat indak ng taludtod. Tayo lamang ang magkasama sa lilim ng pag-iisa, sa pangungulila ng malamig na kuwarto kung saan ang bawat halik ay tintang bumabakat sa balat. Tayo ang pagtatalik ng pluma sa papel, ang hindi marinig na kasaysayang tinatakluban ng bawat kumot. Tayo ang pagtula sa ilalim ng unan - walang makakarinig ngunit bitbit hanggang sa panaginip. Tayo ang walang katapusang pagkumpas ng mga alaala - pilit binubuo ang bawat imahe gamit ang salita sapagkat walang mga larawang makakapagpatunay sa ating mapupusok na pakikipagsapalaran sa sikretong yugto ng ating aklat. Tayo ang piyesang hindi mapangalanan, na inaalay sa kung kaninong aninong hanggang ngayo’y naglalaro pa rin sa dilim ng bawat sulok ng aking gunita.
Sa bawat kuwento ay may kama. Kamang bulwagan ng mga umuugoy na laman. Kamang entablado ng pagpipista ng kasalanan. At sa bawat kuwento, may tupis na tinatanggal. Tinatanggal tulad ng pagpaligo ng dugo sa isang bagong silang. Pagmasdan ang kahubdan, ang kuwaderno ng isang libo’t isang pamamaalam. At sa bawat kuwento, may amoy ng balat, ng malisya, ng panandaliang pagtakas. Hithitin ang buga patungo sa alaala. At sa bawat kuwento ay may pinto. Pintong pinturado ng pangambang baka hindi na makita. Pintong nakagawian na ang samu’t saring mukhang hindi na muling bumalik. Pintong saksi sa bawat paglisan bago sumikat ang umaga. At sa bawat kuwento ay may lumilisan at may nakakaalala. Ang pag-alala sa lumisan. Ang paglisan ng pag-alaala. Nahulog ka sa bawat labing dumampi. Napagod ka sa pag-indak sa mga larawang kumukupas. Sa bawat kuwento, mayroong isang ikaw at isang ako na bumubuo ng mga pangako. Sa bawat kuwento, may umpisa at hangganan. Sa bawat kuwento, may pamamaalam. Siguro nga'y hindi tayo nagkulang sa paglalagay ng mga babala. Ng mga paalalang huwag tatawid sapagkat nakamamatay kung hindi ka sigurado sa iyong pupuntahan. Na hindi pinapangako ang kaligtasan. Na hindi parating masaya ang pagtatapos ng bawat libro. Na siguro, sa ibang kalawakan, sa ibang anyo, sa ibang konteksto ng ating kasaysayan, siguro tayo'y masaya. Siguro sa mundong ito, hindi nabuhay ang mga anito upang ipagdiwang tayong dalawa. Hindi naman puro kuwento ng nasalanta ang meron sa bawat unos, diba? Kahit papaano ay masasabi kong nagmahal ako, sinta.
-Liham ng Pangungulila; Zakk Habitan
8 notes
·
View notes
Text
Isang tagay pa Para sa lahat ng alaala Isang tagay pa Para sa unang araw na tayo ay nagkita Isang tagay pa Para sa araw na sinabi mo sa akin Na mahal mo din ako,sinta Isang tagay pa para sa bawat mahal kita, miss na kita at mag-iingat ka Isang tagay pa, Para sa lahat ng pangarap nating dalawa Isang tagay pa Para sa pangako na habang buhay magsasama Isang tagay pa Para sa lahat ng problema na hinarap natin nang magkasama Isang tagay pa Para sa gabi na tumawag ka at sinabi mo na di mo na kaya Isang tagay pa Para sa gabi na sinabi mo na ayaw mo na Isang tagay pa Para sa lahat ng pangako mo sinta Isang tagay pa Para sa bawat mahal kita na di ko na masasabi sa ‘yo dahil wala ka na Isang tagay pa Para sa sakit Isang tagay pa Para sa lahat ng pait Isang tagay pa Para sa ‘yo sinta Isang tagay pa At isa pa . . . At isa pa . . . Hanggang sa makalimutan na kita Isang tagay pa, Hanggang sa matanggap ko na wala na talaga.. Isa pa.. Isa pa.. Huling tagay na.. Pero bakit mahal parin kita?
/ZD
85 notes
·
View notes
Video
youtube
Desaps; Zakk Habitan
13 notes
·
View notes
Text
You walked out of my life, one day and nothing has been the same since I have been living for years with the feeling of reality that something is missing I am always in short and in need of repair In your leaving, it is as if the 12 pairs of the ribs I have were all floating with no attachments that your goodbye made them lose all the courage they didn’t have to save my longing heart leaving it with no will left to beat that my lungs had no enough space to inhale the echoes of your footsteps in your leaving that my skull broke in half my brain was left swollen and is in reminiscing of the times lost and ones spent
With not much understanding of all the reasons you never told us and all the questions you left unanswered I tried to hold you down but as I do, it is as if my phalanges are not in function that I cannot grab you, tight enough to pull you back I tried to chase you too but apparently even the strongest bone in the human body cannot void you from leaving
I walk in life in search for my orthopedic surgeon to replace what I have lost and put in place everything I did not have in hope that the cadaver bones I would receive would fill in the gaps of the ligaments you have abandoned
/ broken bones [m.l.n]
46 notes
·
View notes
Text
Isang tanong: Mahal mo pa ba?
Kahit namumula na ang mga mata dahil sa kakahintay sa kaniya hindi ka makatulog sa gabi sapagkat alam mong may iba siyang kasama ibang katabi sa kama ibang kasabay gumising sa umaga at hindi siya sayo at hindi ka sa kaniya sapagkat walang nagmamay-ari sa inyong dalawa ang pinakamalapit na puwedeng makuha mo sa salitang “relasyon” ay kapag magkasama kayo sa kwarto mga katawang nagpaparaos ng init ng laman nagpapanggap na magkakilala, magkaibigan, magka-ibigan, nasa pagitan ng pahiram at akin ka nalang ngunit ang unang mahulog sa inyong laro ay siya ang talo
Mahal mo pa ba?
Kahit ang tanging pinanghahawakan nalang ay ang tagal ng pagsasama kahit nalulunod ka na sa pag-iisa hindi na singtamis at init ang tinitimplang kape ng pagsinta natabunan na ng lamig at pait ang bawat dampi, tinatanong ang sarili kung anong nangyari sa dating mga pangako, na tatanggapin ko ang lahat ng pagkakamali sa iyong katawan, ang mga dagdag na bilbil sa tiyan, o mga sugat sa balat, ang mga kamalian ng kahapon, iintindihin, hanggang ang mundo natin ay maging iisa na sa mundong gumuguho ang lahat tayo lang ang buo, at ikaw lang ang permanente, ngunit bakit mo sinasabi sa akin na kailangan mo nang umalis, sinta?
Mahal mo pa ba?
Sa kaniyang pag-alis, nakiusap kang ikandado’t isara ang bawat pinto, baliin ang iyong mga buto para hindi ka na makapaghabol pa, nakiusap ka na ipakilala sa iyo ang bagong nagpapasaya sa kaniya kung bakit siya mas masaya sa kaniya kung paano siya naging masaya sa kaniya habang ikaw ngayo'y nagluluksa kung bakit mas pinili niyang ipagpatuloy ang buhay kasama niya at iiwan ka ng nag-iisa sinabi mong padalhan ka ng mga letrato nilang dalawa sa mga lugar na pinlano niyong puntahan dalawa hanggang tuluyan nang sumakit ang mga sugat at matabunan ang magagandang alaala, dahil sinta, ikaw lang ang magandang alaalang nangyari sa kaniya, at sinabi na ang lahat ng magagandang alaala ay nagtatapos ngunit masyado bang maganda ang alaalang ito para magtapos pa sa ngayon?
Mahal mo pa ba?
Kahit pinilit mo nang ipagsiksikan ang iyong sarili sa damit na hindi kumportable na pakinggan at panuorin ang mga pelikula’t kanta kahit hindi mo naman nagugustuhan para sana'y makasakay sa mundo niya hanggang maging pamilyar ang musika ng kaniyang boses, ang sayaw ng yakap, lasa ng halik, hanggang maging pangkaraniwan ang pagpapakumbaba ng sarili, ang tanggapin ang lahat ng mali, ang akuin ang kasalanan sa bawat away ang makalimutan ang halaga ng sarili habang paulit ulit na sinasabing mahal kita, mahal kita, mahal kita, mahal kita, hanggang mawalan ng halaga ang salitang mahal kita tulad ng pagkawala ng halaga mo sa kaniya, ang halaga ng mga yakap para mapanatili siyang mainit sa lamig, ang tawag sa gabi para mayroon siyang kasama, ang pagtakbo kahit pa sa malayo para lang mapuntahan siya at mapadamang may nag-aaruga sa kaniya
Mahal mo pa ba? Mahal mo pa ba? Sumagot ka! Mahal mo pa ba? Bakit hindi kayo sumagot. Mahal mo pa ba?!
Mahal, naaalala pa rin kita sa lamig ng gabi, at totoo ngang nagpaparamdam ang mga multo sa pag-iisa
Ang kalamidad na ating nilikha ay may katumbas na alak at yosi para ipagdiwang ang panandalian nating dalawa
Sapagkat sa muling pagbulong ng multo ng “mahal mo pa ba?” ay sasagot ako ng “oo, mahal ko pa, ngunit panahon nang mas mahalin ko naman ang sarili ko, sinta.”
-Mahal mo pa ba?; Zakk Habitan
23 notes
·
View notes