im-your-evil
12 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
CHAPTER 9 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Makalipas ang ilan pang mga minuto, hindi parin bumababa si Stan kaya nagpasya na akong umuwi. Binilin ko nalang kay kuya guard ang jacket para maibigay niya. Baka nanggagago nanaman ang asungot na yon.
Pinara ko ang isang trycicle na papalapit pero tinanggihan lang ako kasi puno na yata. Biglang nag-traffic ulit sa labas ng store, panay overtake ng mga sasakyan at sa may gawi ko pa napapadaan. Umatras ako nang may papalapit na four wheels sa banda ko.
Pag-atras ko ay may naramdaman akong kamay na lumapat sa likod malapit sa bewang ko. Agad kong nilingon kung sino yon.
Isang lalaki na nakauniform.
"Uuwi ka na ate?"
Iniwas ko ang sarili mula sa hawak niya. Sinubukan kong ngumiti ng pilit para hindi ipahalata magmukhang natatakot ako o nawe-weirduhan.
Bigla bigla ba namang manghahawak, adik ba to?
"Hmm." pagtango ko.
Napasulyap ako sa likod niya at napagtantong kasama pala siya doon sa mga estudyanteng tumatambay sa may drive thru kanina. Tumaas ang kilay ko nang maalala yung ginawa nila sa babae kanina.
"Ikaw umuwi ka na rin, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo o kayo, umuwi na kayo." seryoso kong sinabi sakanya.
Napakamot siya ng ulo at sandaling nilingon ang mga kasama niya na halatang sumesenyas ng kung ano bago niya binalik ang tingin saakin.
"Ah... may, sasakyan kasi kami baka gusto mo lang sumabay, ihahatid ka namin pauwi... ate." medyo nag-aalangan ang boses niya.
Hay naku itong mga batang 'to talaga, kulang sa pangaral, nag-aaral naman sana pero tinulugan ata ang manners and respect. Tsk tsk.
Magsasalita na sana ako nang may biglang magsalita sa likod ko.
"Hindi na boy, umuwi na kayo." narinig ko si Stan na nasa tabi ko na pala.
Nabigla pa ako nang bigla niya akong akbayan. Napalingon ako sa kanya at bago pa makapag-react ay muli siyang nagsalita.
"Ako na ang maghahatid sa girlfriend ko."
Para akong nabingi sa sinabi niya at kinailangan ko pa siyang lingunin ulit para lang masiguro kung siya nga itong nagsalita.
Blanko lang ang ekspresyon niya. Binalik ko ang mga tingin sa binata sa aming harapan na mukhang takot na takot sakanya.
"Umuwi na kayo anong oras na. Alam ba ng mga magulang niyo na nag-o-over seating kayo?"
"Sorry po." nakayukong sagot ng lalaki.
"Ano kukunin ko pa ba ang plate number niyo?"
"Huwag po! Sorry po, napag-utusan lang nila ako-"
"Ano?! Bakit ka nila inuutusan? Ano ka nila utusan?! Nag-aaral ka para maging tuta ng mga yon?!" ngayo'y medyo agresibo na si Stan.
Napaawang ang bibig ko, hindi alam kung anong gagawin. Paalisin yung binata o pipigilan si Stan na mukhang ayaw magpaawat?
"Asan na yong mga kasama mo- hoy!" biglang naisigaw niya nang makitang tumatakas iyong kasama ng binata.
"Kuya sorry po!" huling sinabi ng binata tsaka kumaripas din ng takbo.
Susundan na sana ni Stan ngunit mariin kong pinigilan ang braso niya.
"Tama na Stan, huwag mo ng patulan yung mga bata."
Sa matalim na mata niya akong nilingon. Nanlaki ang mata ko at niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya.
Nag-iwas siya ng tingin at mahinang winaksi ang braso. Lumunok siya at dumiretso sa nakaparada niyang motor.
"Tara hatid kita." tipid niyang sabi na tila may pinipigilan pang sabihin.
Bumuntong hininga ako.
"Pe-" aangal sana ako pero nang muli siyang bumaling sa akin, tinikom ko nalang ang aking bibig.
Sinuot niya saakin ang helmet at binigay ulit ang jacket, kaya wala na akong ibang nagawa kundi umangkas na tsaka niya pinaharurot ang motor sa kalsada. At kahit na sa kabila ng traffic mabilis naman kaming nakarating sa amin.
Tanaw ko na ang bahay mula dito sa katapat na tindahan ni aleng Grace sa may crossing.
Inabot ko kay Stan ang helmet at jacket niya.
"Salamat." bulong ko na narinig niya naman.
Tumango siya.
Hindi muna ako umalis. Siya rin. Pinatay niya muna ang motor. Kumunot ang noo ko pero hindi makatingin sa kanya. Ewan. Nagulat siguro ako sa nangyari kanina kaya medyo naiilang ako. Hindi pa nakaktulong ang mga mariing titig niya saakin. Galit ba siya?
"Oy, galit ka ba? Kanina ka pa tahimik ah!" medyo nilakasan ko pa ang boses ko parang magmukhang normal lang.
Tumikhim ako at saglit siyang sinulyapan. Nakataas ang kilay niya saakin.
"Sinong hindi magagalit don?" sarkastiko niyang sagot.
"Wala naman silang ginawang masama ah. Okay lang yon, mga bata lang naman yon." nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero mukhang wrong move yata.
Mas lalo lang kasing naging mapanganib ang mga mata niya.
"Okay lang sayo kahit binabastos ka na?" kunot-noong tanong niya.
Napaawang ang bibig ko.
"Kahit bata iyong mga yon Adee, kanina ko pa sila napapansin. At inabangan ka pa talaga! At ano yon? Ihahatid ka pauwi... ng mga gagong yon?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.
"Hindi naman ako papayag eh! Tsaka seryoso galit ka?!" ako ngayon itong tumataas ang boses, hindi dahil sa galit ako pero gulat ako dahil sa concern niya.
"Hindi ako galit." naging mahinahon bigla ang tono ng boses niya.
"Hindi galit ka eh!" pagpilit ko.
Sinundot ko ang namumula niyang pisngi na agad niya ring iniwas.
"Hindi nga." deny niya at natatawa na ngayon.
Naningkit ang mga mata ko sakanya.
"Yieee protective yarn? So crush mo talaga ako?" panunukso ko.
Mahina siyang natawa at nag-iwas ng tingin.
"Wow lakas ng hangin dito ah. May bagyo ba?"
"Kunyare ka pa ha." mahina kong sinuntok ang braso niya.
Pilit niyang kinunot ang noo kahit obvious naman na natatawa rin.
"Pinagsasabi mo? Gutom lang yon noh. Libre mo ko..."
Bumaba siya sa motor at mahinang tinulak ang likod ko papunta sa may nagtitinda ng barbecue.
"Wow at ako pa talaga manlilibre ha!"
"Oh bakit, hinatid naman kita ah!"
Masama ko siyang tiningnan.
"Ang duga mo! Pahatid hatid ka pa tapos magpapabayad ka?"
"Magbabayad ka rin naman pag nag commute ah!" sagot niya saka nagsimula nang kumuha ng barbecue.
Iyon na din ang ginawa ko. Kumuha pa ako ng ilang piraso at pinabalot kay aleng Maria para pasalubong sa bahay mamaya.
Tahimik lang kaming kumakain. Halatang gutom ang asungot dahil sa dami ng kinuha niya. At siya rin naman nagbayad nong lahat ng kinain namin pati yong pasalubong ko kina mama. Umiling nalang ako at natawa sa kanya.
Papasok na sana ako matapos kong magpasalamat ngunit tinawag niya ako at tumawid narin papunta dito.
"Oh?"
"Pwedeng painom ng tubig?"
"Stan, may tindahan sa tapat. Pwede ka namang bumili ng tubig."
"Wala na akong pera." kinapa niya ang bulsa ng kaniyang pantalon.
Umirap ako. Dadamputin ko na sana ang wallet ko pero agad niyang pinigilan.
"Sige na, makiki-cr din ako eh."
"Ang kapal talaga... O siya pasok ka. Iwan mong mukha mo!"
Natawa siya don.
Pagpasok sa bahay ay naabutan naming nanunuod ng netflix ang kapatid kong si Abigail sa sala. Nagulat siya nang makita kung sino ang nasa likod ko.
"Ma!" agad siyang sumigaw.
"Hoy bunganga mo!" saway ko sakanya.
"Ma? Nandito si Stan makikigamit ng banyo " sambit ko.
"Sino?!" tanong niya na biglang sumungaw mula sa kusina.
"Si Stan." pag-ulit ko.
"Good evening po tita." magalang na bati ng asungot.
Nagtagal pa ang titig ni mama kay Stan bago niya napagtanto kung sino ito.
"Ay! Ito na ba iyong anak ni Alyssa?" tanong niya sa akin.
I rolled my eyes. Okay, kung hindi niyo pa alam, medyo naging magkababata rin kami nitong asungot na to. Naging magkumare ang mga mama namin sa isang organization dito sa barangay, magkabarangay lang din kasi kami. Pero matagal na yon, minsan nalang ding nagkakausap sina tita Alyssa at si mama dahil pareho ng busy sa trabaho. Pero palagi paring nagkakaimbitahan sa mga okasyon, hindi nga lang nakakapunta kasi busy.
"Opo, si Stan po." ngumisi ang asungot at magalang na nagmano kay mama.
"Oo, kay gwapong bata! Ang laki laki mo na!" hindi parin natanggal ang titig ni mama at mukhang manghang-mangha pa sakanya.
Umismid ako. "Ma!" saway ko.
"Mag-cr ka na nga, nandoon yung cr oh!" tinuro ko sakanya.
Tumango naman siya at pumasok na doon. Pinandilatan ko si mama na mukhang hindi pa makamove-on sa nakitang... unggoy.
Umirap ako at dumiretso na sa kwarto para magbihis. Nagsuot lang ako ng white t-shirt tsaka short bago lumabas para pumunta sa kusina.
Nangunot ang noo ko nang maabutan pa si Stan na nakasandal sa may sink hawak ang baso niya na mukhang hindi pa naiinuman dahil siguro sa pakikinig sa mga kinikwento ni mama.
Ilang minuto na silang nag-uusap ni mama. Baka gabihin pa to.
"Hindi ka pa ba uuwi?"
Alam ko medyo rude pero bahala na, bakit pa kasi siya nandito? Makikiinom ng tubig huh?
"Adee!" saway ni mama. "Hindi pa nga kami tapos mag-usap, tsaka masamang paalisin agad ang bisita, hay naku! Ihanda mo nalang iyong mesa at kakain na tayo."
Agad kong binalingan si Stan na bumelat lang saakin bago ininuman ang baso.
"Tsss." napailing na lang ako at sinunod ang utos ni mama.
Tumutulong-tulong pa ang asungot sa paglalagay ng kutsara.
"Tsss, akin na nga!" inagaw ko yon sakanya.
"Ang highblood mo." bulong niya saakin.
"Bat ka pa kasi nandito? Kunyare ka pang makiki-cr eh makikikain ka rin pala." bulong ko rin.
"Hindi ko naman sinabing makikikain ako, si tita ang nagyaya."
"Pwede ka naman kasing tumanggi."
"Masamang tumangi sa grasya Adee..." ngumisi siya at nauna pang umupo sa upuan. Muntik ko na siyang batukan kung wala lang sila mama.
Naging peaceful naman ang pagkain namin. Nagliligpit ako ng pinagkainan habang hindi parin natatapos ang kwentuhan nina mama at ng asungot. Naghuhugas si mama habang nagsasalita at nandoon din ang asungot para tumulong sa pagbabanlaw.
Napailing nalang ako at nilapag ang mga food pan sa sink bago tumabi kay Abi na nanunood ng movie sa sala. Naupo ako sa sofa. Isang sikat na movie ang palabas, tungkol sa isang pamilya na ang panganay nilang babae ay nakapangasawa ng isang Duke. Napanood ko na to, maganda naman kaso R18+ ito eh.
Napalingon ako kay Abi, seryoso lang siya habang nanood sa episode 1.
"Napanood mo na to?" tanong ko sakanya.
Umiling siya seryoso paring nakatutok sa screen.
"Hoy!" agad kong inagaw ang remote sa kanya.
"Ate!" galit niyang baling saakin.
"Bawal yon sayo!" sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Ay pwede naman, pero sa iPad mo nalang panoorin."
"Ano?! Ayoko nga akin na nga ang remote! Kailan ka pa nakialam sa mga pinapanuod ko dito-"
"Oh nag-aaway na naman kayo!" si mama na papunta saamin habang nakasunod lang sa likod niya si Stan at may dalang tupperware... ng pagkain?!
Napatingin ako sa kanya. Ngumisi lang ang asungot at tinaas pa ang tupperware na mukhang nang-aasar.
"Tama na nga yang away niyo, gabi gabi ko nalang ba kayong sasawayin ha? Nakakahiya pa at may bisita oh!" pagtukoy niya kay Stan.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh kasi ma, itong magaling niyong anak nanonood ng mga hindi pambatang palabas!" pagturo ko sa tv na tanging title nalang ng movie ang nakikita.
"Anong pakialam mo?!"
Napasulyap si Stan sa may screen. At nang mabasa ang title muli niyang binalik ang tingin saakin at ngayo'y nakangisi na. Tinaasan ko siya ng kilay.
May sinasabi pa ang kapatid ko na pinagpuputok ng butsi niya ngunit hindi ko na narinig dahil sa nagsimula na akong maasiwa sa mga titig ni Stan. Feeling ko tuloy hinuhusgahan niya na ako dahil lang sa napanood ko na yong movie. Gosh!
Tumikhim naman siya at nagpaalam na kay mama.
"O sige hijo, mag-iingat ka sa pagmamaneho ha. Adee ihatid mo na sa labas."
Napakamot nalang ako sa ulo at sinamahan na ang asungot palabas.
"Wow, nabusog siya." sarkastiko kong sambit habang pinapaandar niya ang motor.
He chuckled.
"Ang sarap ng ulam niyo, pwede bang magpaampon?" panunuya niya.
"Hindi pa umuuwi ang papa mo ah." puna niya.
"Mamaya pa yon, overtime yata sila ngayon."
Tumango siya at nagsuot ng helmet. Akala ko aasarin niya ako tungkol sa movie pero pagkatapos noon ay umalis narin siya. Nagbilin pa na babalik para ibalik ang tupperware, tsss if I know, makikikain lang ulit yon. Bahala nga siya.
Bago ako matulog ay nakatanggap pa ako ng text message mula sa kanya.
Stan:
Crew meeting bukas.
Ako:
I know duh
Stan:
Hahaha baka lang di mo alam, buti nga sinabihan kita eh.
Ako:
Alam ko nga......
Stan:
Minsan kasi hindi ka nagbabasa ng gc kaya di mo alam.
Umirap ako. Tama naman siya. Hindi talaga ako palabasa ng gc kasi minsan natatabunan na ang mga info lalo na at late ko nang nabubuksan ang messenger minsan. Pero ngayon Alam ko naman na may crew meeting bukas kasi sinabihan narin kami ng manager kanina.
Ako:
Alam ko ngaaaa. Bye
Stan:
Goodnight :)
Ako:
Night
Kumunot ang noo ko bago nilapag ang cellphone sa may side table para makatulog na.
0 notes
Text
CHAPTER 8 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Himala ang araw na ito para saakin.
Ewan ko, mukhang nakatulong sa mood ko ang pagkakatigil ng bangayan namin ni Stan. Pero alam kong ngayon lang to. The next days, I'm sure, he will pissed me off again.
What's new anyway? Tss.
Wala pang customer kaya sumaglit muna ako sa pagpupunas dito sa counter. Habang ginagawa ko 'yon ay naagaw ng pansin ko si Stan sa may lobby.
May inabot siyang stroller doon sa table ng customer na may humahagikhik na baby. Tumatawang nakatingin sakanya ang baby na parang gustong magpakarga dahil inaabot nito ang kamay kay Stan. Natutuwa namang nilagay nong mommy sa stroller ang bata. Pati mga costumer sa kabilang table ay napapangiti narin sa kanila. Nakita ko namang kinurot ni Stan ang pisngi ng bata na mas lalong nagpahagikhik dito.
Hindi ko namalayang nakangiti narin pala ako. Mukhang pati mga sanggol, nahuhumaling sa charms ng asungot na 'to. No wonder Leslie, mas bata siya saakin kaya siguro natamaan din siya kay Stan. Hays, this kids.
Napansin niya atang nakitingin ako kay napabaling siya sa counter. Huli na para mag-iwas ng tingin, kaya tumikhim ako at pilit na umismid. Sinuklian niya naman ako ng mga malalagkit niyang tingin at pilyong pagngisi.
Umirap ako sakanya at napabaling ang mga mata doon sa may fries station. Kanina ko pa iniiwasang lumingon sa gawing iyon dahil mas lalo lang akong natatakam sa fries. Pero hindi ko narin matiis kaya nagdesisyon na akong mag break. Tama lang naman ang oras na 'to para sa break.
"Ma'am pwede na po bang mag break?" tanong ko kay Ma'am Monique na naabutan kong tulala sa may gilid.
Bumuntong hininga siya at tumango.
"Kung hindi mo na kaya, makipagbreak kana." sa matamlay na boses niyang sagot.
"Po?"
She sighed. Malungkot siyang bumaling saakin. "Ang sabi ko, magbreak kana. Punch mo na ang break mo, may gagawin pa 'ko." nilabas niya na ang swipe.
Mabilisan ko namang inipunch ang burger and fries. Balik serious mode na kasi si Ma'am, baka magbago ang isip. Mukhang may pinagdadaanan pa naman. Di kaya, nagbreak na sila ng boyfriend niya? Baka nga! Naku, magpapakabait na talaga ako ngayon sa shift. Mahirap ng mapagbuntungan.
"Ma'am, ako din po magbibreak muna. Dumating narin kasi si Jerson." biglang sulpot ni Stan saamin.
Umirap ako. Asungot pa rin!
"Tama yan. Pag may pinalit na, makipagbreak ka na." hirit ulit ni Ma'am.
"Po?" si Stan naman ngayon ang nalito.
Agad akong umatras at sinenyasan siya sa likod ni Ma'am. Pumorma ako ng puso gamit ang mga kamay ko. Pinakita ko 'yon sakanya. Nakita kong lumaki ang mga mata niya ng makita 'yon. Agad ko namang binali na parang broken hearted sign. Baka kung ano pang isipin ng asungot nato.
Mukhang nakuha niya naman ang sinenyas ko.
"Oo nga po Ma'am." huli niyang sinabi na mistulang nakikisimpatya pa.
Bumuntong hininga lang si Ma'am Monique at inabot na sa amin ang resibo. Kawawa naman. Dumiretso muna ako sa likod para kumuha ng water bottle para sa drinks.
"Uy, Adee."
"Ano?" iritado kong baling kay Stan na di ko namalayang nakasunod din pala.
"Share naman tayo ng drinks oh, wala akong tubigan eh." pagmamakaawa niyang lapit saakin.
I raised my brow.
"Ayoko nga! Kasalanan ko bang wala kang tubigan?!"
"Ito naman kung makareact, parang kung ano talagang hiningi ko sayo ah. Sabay naman tayong magbibreak, kaya sige na, please..."
Pinagdikit niya pa ang dalawang palad at nagmakaawa. "...please, please."
Nilagpasan ko siya.
"Fine, whatever." sabi ko saka bumalik na sa harap para kumuha ng drinks.
"Adee..."
Biglang nanindig ang mga balahibo ko nang bumulong si Stan malapit sa aking tenga.
"What?" iritado kong siyang binalingan.
Natawa naman siya sa reaksyon ko.
"Ano?!" ulit kong nagagalit na.
Natatawa parin siya at umiling.
"Wala, wala."
Kumunot ang noo ko.
"Umayos ka kung ayaw mong masapak kita!" banta ko.
"Oops!" agad siyang umalis sa tabi ko at nauna ng pumunta sa party area.
I glare at him. Agad kong kinuha ang drinks namin at sumunod na sakanya.
Pagbukas ko ng sliding door, akala ko si Stan lang ang maabutan ko sa loob. Nandoon din pala si Leslie na nakaupo sa tabi ni Stan at iilang mga crew na tapos ng kumain at nag-uusap nalang.
"Hi Adee!" bati ni Leslie pagkapasok ko.
Tipid akong ngumiti. Napasulyap ako sa red plates niya na wala ng laman.
"Tapos ka na?" tanong ko habang nilalapag ang pagkain ko sa lamesa pati ang drinks sa harap namin.
Nakita kong napatingin si Leslie dito.
"Ah oo. Hmm... ang daming drinks ah, ice yan?" medyo natawa pa siya.
Alam ko ang tinutukoy niya, uso nga ang paglalagay ng maraming ice sa drinks namin para magmukhang marami.
Umiling ako.
"Dalawa yan, kay Stan ang isa."
"Oh!" medyo nagulat siya at agad na nabaling ang tingin kay Stan.
"Di mo naman sinabi na wala kang baso, pinahiram sana kita." sabi ni Leslie sabay marahang tapik sa balikat ni Stan na awkward lang na ngumingisi.
Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa.
My gosh! Dito pa naglalandian.
"Ah Les, akala ko opener ka, mid ka rin pala? Hindi kita nakita sa briefing kanina ah." pang-uusisa ko.
"Na-extend ako kasi masyadong rush kanina. Pero tapos na ang shift ko mamayang alas tres." paliwanag niya.
Tumango ako sa sinabi niya matapos kagatan ang burger. Napatingin ako sa relo para alamin ang oras.
"2:40 na pala Les oh." sabi ko.
Napasulyap din siya sa relo niya.
"Maaga pa naman." pagbabalewala niya.
Nilunok ko yong nginunguya ko. "Magtuturn-over ka pa diba?"
Tumango siya. "Mamaya pa naman."
"Ay mas okay pa rin pag maaga kang makapagturn-over, less hassle pag out mo."
Narinig kong bahagyang natawa si Stan. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo nga noh..." sambit ni Leslie na mukhang narealized din ang sinabi ko.
Tumayo siya. "Sige alis na ko."
Tumango ako.
"Bye Adee." bahagya siyang kumaway.
"Babye, ingat ka." ngiti ko sakanya.
"Bye Stan. ahm, next time pwede mong hiramin ang tumbler ko pag wala ka non." paalam niya kay Stan.
Tumango naman ang asungot. "Sige sure, thanks Les. Ingats!"
Sinundan ko ng tingin si Leslie palabas hanggang sa tuluyan na siyang nawala.
Narinig kong tumikhim ang asungot sa harapan ko. Agad ko siyang binalingan.
"I really can't believe that Leslie's into you! What the hell?! Anong nagustuhan niya sayo?"
Ngumisi siya.
"Selos ka lang eh." rinig kong bulong niya.
"Ano? Selos?!" umismid ako. "Akala mo naman magugustuhan kita?"
He just smirked. Napailing na lang ako.
"Grabe, ligawan mo kaya siya." suhestiyon ko na kinakunot naman ng noo niya.
"Bakit ko naman gagawin yon, hindi ko naman siya gusto. Hindi ko nga siya tipo."
"Eh ano palang mga type mo? Maganda naman si Leslie ah, mabait pa."
"Ikaw." tingin koy tanong niya.
"Ako? Type ko yung mga-"
"Hindi, ikaw. Ikaw yung tipo ko." seryosong niyang sabi.
Nagulat ako doon at hindi agad nakapagsalita.
Hanggang sa narinig ko siyang humalakhak.
"Type kong asarin!" tumawa pa siya lalo.
Matalim ko siyang tinitigan. Kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya.
"Minsan talaga iniisip ko kung kailan ka titino eh. Pero ngayon nakumpirma ko na, na wala ka na talagang pag-asang tumino! Asungot ka talaga!" nanggigigil kong sabi sa kanya at agad siyang binatukan sa ulo.
"Aray!"
Inirapan ko siya at tinuon nalang ang pansin sa pagkain.
"Pikon." sambit niya bago sinubo ang pagkain.
Matalim ko siyang tinitigan. Hindi niya naman ako tiningnan at ang mga mata ay nasa kung saan.
Umiling ako at binalik ang pansin sa pagkain.
"Pikon talaga." rinig kong ulit niya.
Binaba ko ang kutsara at buntong hininga siyang tiningnan.
"Huwag mo kong simulan." may diin kong banta sa kanya.
Ngumisi siya at nagkibit balikat.
Umirap ako at nagpatuloy na sa pagkain.
Wala kaming imik ng ilang sandali hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Minsan talaga iniisip ko na may gusto ka saakin." simula niya.
Parang umuusok na ang ilong ko sa galit habang nginunguya ang burger.
"Inaaway mo pa ako, kunyari ka pa. Aminin mo na kasi! Promise hindi ko ipagkakalat!"
Inangat niya pa ang kamay niya na mistulang nangangako.
Tumigil ako sa pagkain at nagtitimpi siyang tiningnan. Ngumuso siya at nag-peace sign na ngumisi saakin.
Sinubo niya ang isang kutsara ng pagkain at kahit medyo puno ang bibig ay hindi talaga mapigilan ng matabil niyang bunganga ang magsalita.
"Sabi na eh, duda talaga ako sa mga patingin-tingin mo."
Nilunok niya ang nginunguya para makapagsalita ng maayos. Pero bago niya pa mabigkas ang isang letra ay agad ko siyang sinuntok sa kaniyang balikat dahilan para mabulunan siya.
Padabog akong tumayo ako.
"Anong sabi mo?! May gusto ako sayo?! Aba mangarap ka!" sikmal ko.
Akmang susuntukin ko ulit siya nang mapansin kong nag-uugat na siya at nahihirapan na.
Naghanap siya ng tubig pero wala kami non. Ang nandito lang ay yong dala kong coke. Dumako ang tingin niya sa tubigan ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko pa naiinuman yon! At ayaw kong labi niya ang unang lumapat sa tubigan ko!
Kukunin niya sana ang tumbler pero agad kong kinuha at ininuman.
Nanlaki ang mga mata niya sa akin. Hindi makapaniwala na ininom ko pa ang coke na mas kailangan niya yon.
Sinusuntok niya na ang dibdib.
Konti lang ang iniinom ko at nilapag din sa harapan niya. Agad niya namang kinuha ang tumbler at ininom ang natirang coke.
Nakayuko siya habang kinakalma ang sarili. Nag-angat siya ng tingin diretso saakin. Naningkit ang mga mata niya at tinuro ako.
Napakurap kurap naman ako at bahagyang umatras.
"Papatayin mo ko!" pang-aakusa niya.
Umawang ang bibig ko at umismid sakanya.
"Kasalanan ko pa, ikaw nga tong kanina pa nanggagago saakin eh!"
Lumapit ako sa lamesa at niligpit ang pinagkainan.
"Crush pala ha? Ayan ang napapala ng karma." sabi ko sakanya.
Kumunot ang noo ko nang mahuli siya na inaasar pa ako gamit ang mga ekspresyon na ginagawa niya sa mukha.
"Tss."
Tinaasan ko siya ng kilay saka nagpasyang umalis. Hindi ko na talaga matagalan ang ka-weirduhan ng asungot na to.
"Kung tapos ka na ilagay mo nalang ang tumbler ko sa locker. At siguraduhin mong nahugasan na yan!" bilin ko bago tuluyang lumabas sa party area.
Narinig ko pa siyang magpasalamat pero binalewala ko na at agad dumiretso sa likod.
Nakaupo ako sa hagdanan para maghintay ng oras nang dumating siya dala ang tumbler ko. Winagayway niya yon sa akin. Umirap ako at tumingin nalang sa maliit na machine para makapag time-in. Narinig ko pa siyang tumatawa habang paakyat sa taas.
Asungot talaga.
Matapos mag time-in ay balik work mode nanaman ako. May hinabol akong order ng customer na naka-park sa labas kaya nagmadali akong lumabas at inabot ang mga orders.
Kumakaway ako sa paalis na kotse nang mapansin ang grupo ng estudyante na nakaupo sa may semento malapit sa daanan ng drive thru. Kumakain sila ng fries at nagtatawanan.
May nakita akong dumaan na isang babae at narinig kong sumipol ang iilan sa kanila. Mukhang natakot ang babae kaya mabilis siyang kumaripas ng takbo.
Lalapitan ko sana sila pero buti nalang at nandoon si kuyang guard at sinaway sila. Dali dali silang tumakbo kaya napanatag ang loob ko.
Tinawag ako ng manager kaya bumalik na ako sa loob at nagpatuloy sa shift ko. Gabi na nang matapos ako.
Habang nagmomop ako ng sahig, lumapit saakin si Stan.
Buntong hininga ko siyang tinaasan ng kilay.
"Ano nanamang kailangan mo saakin?"
"Pahiram ng mop." sabi niya at akmang kukunin ang mop pero agad kong iniwas sakanya.
"Ayoko nga! Kita mong hindi pa ako tapos."
He crossed his arms. Nagkibit balikat siya.
"After you then."
Ilang minuto pa bago ako natapos at binigay ko agad sakanya ang mop sa may lobby. Inirapan ko siya bago umalis.
"Ma'am out na po ako." paalam ko sa manager at tumango naman siya.
Saglit akong naglinis sa aming crew room bago umalis. Pagod na pagod akong bumaba at agad sumalampak sa mushroom chair. I opened my bag to search for my tickler but instead I found his jacket. Hindi ko pala nasauli kanina.
Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya. Nakita ko siyang nagmamadaling papasok sa loob. Agad ko siyang sinitsitan.
Lumingon naman siya saakin.
"Jacket mo!" sigaw ko kahit may mga customer sa harap.
Tumango lang siya at sinenyasan ako ng hintay bago siya tuluyang pumasok.
Tumango lang ako at nilagay ang jacket sa lamesa. Buntong hininga kong pinagmasdan ang jacket at agad naalala ang nangyari kanina.
He really saved me today. Samantalang ako, lagi ko nalang siyang sinusungitan.
Minsan na gu-guilty naman ako kapag palagi ko nalang siyang inaaway. Pero sa tuwing inaasar naman niya ako ulit, automatic naman na nag-iinit ang dugo ko sakanya.
Kaya ewan ko nalang kung may araw pa na magkakabati rin kami. Magkaroon ng himala at biglang maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pero parang malabo.
I really hate him! He's on the list of my least favorite person. Kaya malabo talaga.
0 notes
Text
CHAPTER 7 | CRASHING AT YOUR SERVICE
"What?" kunot-noo kong tanong.
Naabutan ko kasi siyang natatawa habang sinusuot ko ang binigay niyang helmet.
"Para kang mushroom." natatawa niyang sabi sa akin.
I glared at him.
Mas lalo lang siyang natawa. Sa mabilisang galaw ay hindi na ako nakapalag nang bigla niyang tinapat ang cellphone sa harap ko at kinuhanan ako ng picture. Pinakita niya ito saakin pagkatapos.
"Para akong tanga, i-delete mo yan!" utos ko.
Kukunin ko sana ang cellphone kaso agad niyang nailayo sa akin.
"Tss, ang cute mo kaya dito." sabi pa niya habang tinitingnan parin ang picture. "Para ka talagang mushroom."
Humalakhak pa siya.
"Ewan ko sayo. Tara na nga!"
Tumigil naman siya sa kakatawa at tinago na ang cellphone. Saglit niya akong pinasadahan ng tingin. Napansin ko siyang medyo sumeryoso. May kinuha siya sa bag.
Isang jacket.
Inabot niya sa akin yon.
"Anong gagawin ko dito?"
Hindi siya nagsalita, nginuso niya lang ang palda ko at pinaandar ang motor. Napatingin din ako dito at napagtanto ang gusto niyang gawin ko sa jacket. Above the knee kasi ang palda namin. Umaangat talaga kapag umuupo kami, lalo na siguro ngayon at mataas ang upuan ng motor ni niya. Napakagat labi nalang ako at hindi na umalma pa.
Medyo nag-aalangan pa ako kung saan hahawak sa pagsakay. I felt him stiffened when I placed my hands on his shoulder for support. Agad ko namang tinanggal at inayos nalang ang jacket sa aking kandungan.
"Okay na." sabi ko matapos ayusin ang sarili.
Bahagya niya akong nilingon. "Humawak ka." utos niya.
"Mahuhulog iyong jacket." agap ko dahil doon ako nakakapit ngayon.
"Iipit mo sa hita mo at humawak ka ng maayos sa akin. Baka mahulog ka." he commanded with a slight voice of concern.
Napakurap-kurap ako. Aangal sana, ngunit sa huli ay pinigilan ko nalang ang sariling umalma. I grasp a bit on the waist part of his polo shirt. Kaya lang napansin kong medyo hindi siya komportable.
"Put your hands on my shoulders instead."
Sinunod ko naman. Ngayon ay bahagya ng nakalapat ang mga kamay ko sa mga balikat niya. He sighed with bit of frustration.
"Hold tighter." utos niya ulit.
Sa inis ko ay mahina kong tinulak ang kanyang likod. "Ano ba, kanina ka pa ah! Ano bang problema mo sa pagkapit ko? Alangan naman yakapin kita para hindi ako mahulog?"
He shifted a bit to glance on me properly.
"Kung pwede ngang ganoon. Dahil bibilisan ko ang takbo nitong motor."
"Edi dahan-dahan lang!" iritado kong suhestiyon.
"Mali-late na nga tayo." paalala niya.
Napagtanto ko naman 'yon.
"Okay, okay." pagsang-ayon ko.
Mahigpit na akong kumapit sa mga balikat niya. Pwede naman kasing huwag na yumakap, para-paraan lang talaga ang asungot na 'to. Ayos na ata sakanya 'yon, kaya muli na niyang binalik ang tingin sa harap at pinaharurot ang motor sa kalsada.
Tumatama ang malamig na hangin sa mukha ko. Tanghaling tapat, ngunit sa bilis ng pagpapatakbo niya ay mukha parin akong nakatapat sa electric fan. At habang tumatagal ay unti-unting nahahalo sa hangin ang amoy ng pabango niya. Parang amoy baby. Baby powder o baby cologne ata to. Basta hindi masyadong matapang.
I tilted my head to the other side to avoid the intoxicating smell, but only to see his perfectly angled face. Bahagyang nakasalubong ang kilay na tila seryosong nakatingin sa daan. Napalunok ako at iniwas ang tingin doon. Iniwasan ko ring mag-isip ng kung ano.
The whole ride was smooth. Makalipas ang limang minuto ay nakarating na kami sa may gasoline station malapit sa store. Tinapik tapik ko ang likod niya.
"Dito nalang ako bababa." utas ko.
"Huh?"
Medyo nalito pa siya ngunit sinunod parin ang sinabi ko. Humina ang pagpapatakbo niya at huminto rin sa gilid. I jumped my butt out.
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.
"Maglalakad nalang ako papuntang store." paliwanag ko habang nahihirapang tanggalin ang pagkakabit nitong helmet.
"Akin na."
He motioned me to come closer.
Lumapit ako ngunit huli na ng mapansing sobrang lapit ko naman pala. Hindi siya nakatingin sa akin at diretso lang ang tingin sa baba ko. Ako naman itong napapalunok lang na nakatingin sa mga mata niya. At sa di ko malamang dahilan, parang bumagal ang takbo ng paligid. Tanging nakikita ko lang ay ang mapupungay niyang mga mata, matangos na ilong, at ang mapupula niyang mga labi na bahagyang nakaawang.
Namilog ang mata ko nang bigla siyang mag-angat ng tingin saakin. Agad akong natauhan at mabilis na iniwas ang tingin sakanya. Tumikhim ako.
"Tapos na." bulong niya.
Napansin ko namang maluwang na ang helmet kaya tinanggal ko na at binigay sa kanya. Umatras ako.
"Thanks." tipid akong ngumiti. Tipid rin siyang tumango.
"Uh, jacket mo."
Inabot ko sakanya ang jacket. Umiling siya at minuwestra na huwag ng ibigay.
"Pantakip mo sa ulo mo, mainit." malamig niyang sabi.
Humigpit ang hawak ko sa jacket.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Nilingon ko siya dahil baka may sasabihin pa o itatanong, ngunit wala naman. Pinaandar niya lang ang motor. Kaya nagsimula na rin akong maglakad at di na siya pinansin.
Malapit lang ang store. Isang tawiran nalang. Iyon nga lang, medyo nag-aalangan akong tumawid kasi nandito na ako sa may crossing lane. Kaliwa't kanan ang mga sasakyan.
Narinig kong may bumuntong-hininga sa gilid. Mariin ang titig ni Stan na tila naghihintay lang na humakbang ako. Sinusundan niya pala ako.
"Tawid na." he encouraged me.
Ngumuso ako at lumingon sa kaliwa't kanan. Umisang hakbang ako at medyo nagulat pa dahil sumasabay din ang motor ni Stan sa bawat hakbang ko. Tila hinaharangan ang mga sasakyan sa gilid ko.
Saglit kaming nagkatinginan, bago ako dali-daling tumawid habang siya ay sumasabay din. Nang ligtas na akong makatawid ay pinaharurot na niya ang motor papunta sa store.
Namalayan ko na lang na unti-unti na palang umaangat ang gilid ng labi ko.
Pagpasok ko sa store, mabangong amoy ng fries ang sumalubong sa aking ilong. Naabutan ko rin si Stan na nagpapapirma ng tickler kay kuya guard at hindi na ako nilingon. Agad siyang pumasok sa loob.
Ako naman ay habang nagpapapirma kay kuya, ang mga mata ay nakatuon sa nilulutong fries. Para akong nagki-crave at sobrang takam na takam habang hinahaluan na 'yon ng asin. At nang mapadaan ako sa fries station ay tinakpan ko ang ilong ko at kumaripas ng takbo paakyat.
Ang sarap pa naman ng fries ngayon. Nakakaiyak!
Naabutan ko si Stan na mag-isa lang sa crew room at nakatuon lang sa kanyang cellphone. Dumiretso naman ako sa cr. Pagkasabit ko ng aking bag sa hook, para akong may naramdamang umagos 'down there'. Saglit ko 'yong pinakiramdaman at umagos ulit. Namilog ang mata ko. Agad kong hinagilap ang cellphone para tingnan ang petsa ngayon. At nakompirmang datdatnan na 'ko.
"Fuck!"
Natataranta kong hinalungkat ang aking bag para maghanap ng napkin. Hindi ako nakapagbilang ng maayos basta ang alam ko lang ay this week ako dadatnan, at ngayong araw pa talaga.
"Shit."
Natulala ako saglit. Wala pa akong dalang extra. May naisip akong paraan, pero hindi ako sigurado kung makakaabot pa ako sa oras ng shift. Tiningnan ko sa cellphone ang oras, medyo maaga pa naman. Iyon nga lang, medyo malayo rin ang convenience store dito, nasa kabilang kanto pa. Matatagalan talaga kung ganito ako ka conscious maglalakad. Nararamdaman ko pang lumalakas na siya. Shit!
Pero no choice na ako. Kesa naman buong shift ko itong dadanasin. Nagdesisyon na akong lumabas. Kaya lang paglabas ko, nandoon na ang pinakagusto kong iwasan sa ganitong sitwasyon.
Si kuya Allen!
Nag-aayos siya ng gamit sa locker. Tumalikod ako at papasok sana ulit sa cr kaso naunahan na ako ng isang crew.
"Sandali!" kinatok ko pa. Pero hindi na nito binuksan. Shit.
"May problema ba?"
Napalingon ako sa tanong iyon ni Stan. Mabilis akong umiling.
"Wala." pagtanggi ko. Aalis na sana ngunit hinarangan niya ang dadaanan ko.
Unti-unti siyang lumapit saakin. Umaatras naman ako lalo na't nilapit niya pa ang mukha sa gilid ng tenga ko. Napalunok ako. Parang hindi ako makahinga sa sobrang lapit naming dalawa.
"May tagos ka." mahinang bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko.
Napasinghap ako sa gulat.
Shit!
Sa sobrang gulat ko ay bigla kong natampal ang bibig niya. Hindi ko alam kung malakas ba 'yon ngunit sa nakita kong pag-aray niya, ay baka napalakas ko nga ang sampal.
"Sinasabihan nga kita kasi baka hindi mo alam, buti nga binul-"
"Ssshhh..."
Agad kong tinakpan ang bibig niya. Napalingon-lingon ako sa paligid. Wala pa masyadong tao. Si kuya Allen at isang lalaking crew lang ang nandoon at mukha namang walang pakialam sa amin. Muli kong binalingan si Stan na kumurap-kurap lang. Tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig niya.
"Tsk, tumabi ka nga..." marahan ko siyang tinulak pagilid ngunit hindi man lang nagpatinag.
"Saan ka pupunta?"
I glared at him. "Pwede ba, tumabi ka nalang at huwag ka ng magtanong."
Akmang lalampasan ko na siya pero muli niyang hinarangan ang daan.
"Ako na." mahinahon niyang sabi.
Medyo kumunot pa ang noo ko no'ng una pero agad ding napagtanto ang sinabi niya. Napaawang nalang ang labi ko. Wala akong mabigkas na mga salita. Hindi ko alam kung sa hormones ba 'to o ano, para kasing may humaplos sa puso ko, na tila napawi ang pangamba ko dahil sa sinabi niya.
"Ako na ang bibili, dito ka lang." kinuha niya ang susi sa bag at agad na umalis.
Naiwan naman akong nakatayo parin at tulala. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyari.
Si Stan 'yon ah. Iyong taong hindi ko inaasahang makakatulong saakin ay siya palang magsasalba sa problema ko. Napapikit nalang ako at unti-unting kinalma ang sarili sa gilid ng comfort room.
"Are you okay?" tanong ni kuya Allen.
Wala sa sarili akong tumango at di na siya napagtuunan pa ng pansin. My mind was too preoccupied by the thought of Stan's action that I couldn't get myself to feel something towards kuya Allen's sudden concern.
Hindi pa naglilimang minuto ay nakatanggap na ako ng mensahe mula sa kanya sa messenger.
Stanley Craig Dela Torre:
which one?
Pagtukoy niya doon sa sinend niyang picture ng hygeine section sa convenience store na may nakadisplay na iba't-ibang klaseng pad.
I edited the picture by drawing a circle to the one that I usually use, and replied it back. Napasulyap ako sa oras at nakitang malapit ng mag start ang shift. Hindi pa siya nakakapagbihis ah. Nagsidatingan na rin 'yong iba pa naming mga kasama. Kinakabahan na ako at baka pati siya madamay pa sa pagkakalate.
I texted him.
Ako:
Where are you? Baka malate ka.
Hindi siya nagreply. Nakapagbihis na ang lahat. Nagtataka pa sila kung bakit ako hindi pa. Nanatili akong nakatayo sa gilid at maya-maya ang sulyap sa cellphone ko. Kinakabahan ako para sa kanya. Okay lang naman kasi saakin ang malate. Valid naman ang reason ko. Mas inaalala ko sya dahil... hindi niya naman ako responsibilidad, pero inako niya.
Bumuntong hininga na lamang ako. Nagsibabaan na ang mga kasama kong crew at naiwan nalang ako. Pumasok ako sa cr at nagpalit ng pangtaas.
"Adee?" narinig kong katok ni Stan sa labas.
Agad kong binuksan ang pinto. Hawak niya ang isang paper bag at inabot saakin. Tinanggap ko 'yon.
"Thank you." I sincerely smiled at him.
Medyo pawisan na siya at hinihingal pa, ngunit nakangiti siyang tumango.
"Bihis na, malilate na tayo."
Agad kong sinarado ang pinto. Binuksan ko ang paper bag para kunin ang laman. Akala ko napkin lang ang nandoon, ngunit laking gulat ko nalang ng makitang may isa pang nakita sa loob. Nag-angat ako ng tingin sa pinto na parang si Stan ang nandoon at hindi ako makapaniwala. Hindi ko rin naisip 'to at aaminin ko, nakakahiya... nakakahiyang siya pa ang nagkusang bumili ng disposable panty para saakin.
Kaya imbes na magbihis na, kinuha ko ang cellphone at mabilisang nagtipa ng mensahe para sakanya.
Ako:
Thank you. Really :)
Siya:
Welcome. Bihis na mushroom.
I chuckled to his reply. I glance to the door. Alam kong nasa labas pa siya.
"Thank you!" I shouted and smiled to myself.
0 notes
Text
CHAPTER 6 | CRASHING AT YOUR SERVICE
"Adee uuwi ka na?" tanong ni Julie, kaklase ko sa Sociology na subject namin.
Nag-aayos ako ng gamit sa bag kaya nilingon ko muna siya.
"Hmmm," napatingin ako sa relo at nakitang maaga pa naman.
Umiling ako.
"May duty ako mamaya pero maaga pa, bakit?" kuryoso kong tanong.
"Ay ganoon ba, ahm... wag nalang." medyo dismayado niyang sagot.
Tumalikod na siya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit nga?" ulit ko.
Napalinga-linga muna siya sa paligid na parang sinisigurado na walang makakakita bago siya dahan-dahang lumapit sa akin. Busy ang mga kaklase namin at nagsiuwian na yong iba.
"Magpapasama sana ako." medyo nahihiya niyang sinabi.
"Oh, saan?"
Iyon lang pala. Okay lang naman sa akin kasi masyado pang maaga para pumunta sa store. Kawawa naman at baka importante rin.
"Sa kabilang school sana." pabulong niyang sagot.
"Sa Vallemor College?"
Nahihiya siyang tumango. Tumagilid ang ulo ko at saglit na napaisip. Vallemor College? Skwelahan iyon ng mga kumukuha ng Marine ah. At sa pagkakaalam ko, mga lalaki ang nag-aaral doon.
Nanliit ang mata ko. "Parang alam ko na 'to..."
Bakas sa mukha niya ang kaba. Ngumisi ako.
"May jowa ka doon no?" tukso ko.
Namilog ang mga mata niya. Agad niyang hinawakan ang braso ko.
"Huwag mong sabihin sa mga classmates natin Adee, please." pagmamakaawa niya.
Hindi ko inasahan yon kaya medyo nagulat ako. Anong ibig niyang sabihin? Okay lang naman ah. Kung ikinakatakot niyang mahusgahan siya, hindi naman siguro. I mean, wala namang masama sa pagkakaroon ng boyfriend diba? Normal lang naman iyon sa edad namin. Iyong iba nga naiingit sa mga may jowa na.
Pero teka, medyo naguluhan ako sa pakiusap niya. Anong hindi ko sasabihin?
"Ah, na meron kang boyfriend o na meron kang boyfriend na taga Vallemor?"
"Na meron akong boyfriend na taga Vallemor."
"Huh?" mas naguluhan pa ako.
Hindi naman bawal ang magkaroon ng boyfriend sa ibang school diba? O, bawal na ba? Parang hindi naman ako na-inform na bawal ng magkamabutihan ang magkabilang school.
"Bawal pala yon?" inosente kong tanong.
Hilaw siyang ngumisi at yumuko na tila nahihiya.
"Hindi naman. Ayoko lang ng gulo, kasi diba, halos mga lalaki ang nandoon tapos baka sabihan akong malandi o ano." paliwanag niya.
Lito akong tumango at naintindihan naman ang rason niya. Mabagsik talaga ang mga marites sa panahon ngayon, ang bilis pa ng mga radar. Grabe kakatakot na nga minsan.
"Ah, akala ko naman bawal. Edi sige, secret nalang natin 'to." sang-ayon ko pero biglang may pumasok sa utak ko.
"Sandali lang, alam ba ng parents mo?"
She sighed. Bored siyang tumango.
"Oh? Okay."
Buti naman kung ganon.
"Ano, sasama ka ba?"
"Oo naman, tara." pagsang-ayon ko at sinabayan na siya palabas ng classroom.
Malapit lang ang Vallemor, nasa kabilang kanto lang, pero dahil mainit, sumakay kami sa tricycle at nakarating na sa tapat ng main gate nila. Dumiretso kami sa may hilera ng street foods sa gilid. Bumili din kami ng kwek-kwek, pumwesto kami sa malayo para doon nalang hintayin ang boyfriend niya. Marami ng mga studyante sa labas dahil lunchbreak na at hindi rin talaga nakatakas sa amin ang pasimpleng kantyawan ng mga lalaking bumibili sa katabing stall.
"Uy taga Southshire, hi mga miss!" kumaway ang iilan sa amin.
Umirap ako sa ibang direksyon. Kahit wala kaming gawin dito, halata parin dahil sa uniform. Pareho pa naming suot ang white blouse at earth green naming pencil skirt na above the knee. Kahit sino talaga mapapatingin sa banda namin lalo na't mukha talaga kaming may hinihintay.
Binalewala namin ang mga estudyante iyon kaya kalaunan ay tumigil din sila.
Napabaling naman ako kay Julie para magtanong. Kanina pa kasi 'to bumabagabag sa akin at hindi ko na mapigilan. Kaso baka ma offend ko siya
"Jul, ahm, kinakahiya mo ba ang boyfriend mo?" may pag-aalinlangan kong tanong.
Nagulat siya sa tanong ko at hindi agad nakasagot. Kalaunan ay bumuntong hininga siya at napayuko.
Nahiya rin ako sa tinanong. Sabi na eh, sana talaga hindi ko na tinanong.
"Hindi naman sa ganon Adee, medyo komplikado lang ang mga bagay bagay sa amin ngayon." sagot niya.
Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Deritso ang tingin niya sa harap at tila tuluyan ng natulala sa kawalan. Kahit hindi ko siya gaanong kilala, parang nararamdaman ko ang bigat ng dinadala niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit.
Hindi ako maalam tungkol sa pag-ibig kaya hindi ko rin tiyak kung makakatulong ba kung magbibigay ako ng payo kahit wala naman akong karanasan.
Nag-iwas ako ng tingin at pinili nalang na tumahimik.
Kung ano man iyong problema nila, nakikita ko naman na desidido si Julie na pag-usapan ang tungkol don. Kaya nga siya nandito ngayon. Sana lang maayos nila sa mabuting usapan.
"Palabas na naman daw siya eh. Ihahatid nalang kita sa sakayan diyan sa kanto. Pasensya na talaga ah." sabi niya.
Umiling ako. "Hindi na, malapit lang naman eh, at may bibilhin pa ako diyan sa may minimart."
"Atsaka, pasensya ka na sa natanong ko. Kung ano man iyang hindi niyo pagkakaunawaan, sana mapag-usapan niyo ng maayos." tipid akong ngumiti.
Ngumuso siya at tumango. Ngumiti siya at muling sumulyap sa cellphone niya. I also tried to glance on mine. I scanned through the notifications and saw messages from some telecom services. I was about to turn it off when a message suddenly popped up.
Stan sent you a message.
Napaawang ang labi ko. My mind went blank for a while, before I decided to open and read it.
Stan:
Got it. You can now open yours ;)
Oh, that. Akala ko kung ano. Well, uh, it's not that I am expecting something from his text.
I type in a reply,
Ako:
Ok thanks.
Sent. I sighed. He replied after a while.
Stan:
How cold.
"Tss." I mocked. "What else would I tell you?" I murmured.
"Huh?" si Julie.
Napalingon ako sa kanya.
"Huh?" nagtaka rin ako. "Ah, wala." ngumisi ako ng matanto na saglit akong nawala sa sarili.
Hindi na ako nag-reply kay Stan pagkatapos. Maya-maya'y dumating na ang boyfriend ni Julie. Though, he doesn't look happy to see his girlfriend. It's weird but, they seem distant with each other.
Nagpasya na akong tumungo sa kanto. Nagpresinta pa silang maghatid pero tinanggihan ko na. I felt like something was wrong that they needed an immediate time to talk about it.
Ngayon ay nag-aabang nalang ako ng tricycle dito sa may kanto. Gusto ko pa sanang dumaan doon sa sinasabi kong minimart, kaso, baka mawili ako masyado at malate pa.
"Manong, may dumadaan po bang tricycle dito 'pag ganitong oras?" tanong ko sa lalaking nagtitinda ng buko juice.
"Wala masyado eh, pero meron namang bus na kumukuha ng mga pasahero dito. Hintay ka lang, maya-maya dadating na 'yon." sagot niya at ngumiti.
Tumango naman ako.
Bumili na rin ako ng buko juice, pangtanggal sa uhaw. Pagkaharap ko sa kalsada ay muntik ko ng maibuga ang juice sa sobrang gulat. Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong kay Stan na nasa harap.
Humalukipkip siya at tinaas ang isang kilay sa akin. Mariin ang mga titig at mukhang seryoso, pero alam mong may tinatagong malademonyong mga ngiti. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakahilig sa kaniyang motor.
Namilog ang mga mata ko.
Humahakbang siya patungo sa akin at halos mapaatras ako sa pagkataranta. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya papalapit. Doon ko lang napansin ang suot niyang uniform. He is wearing a semi-fitted black slacks and a white fitted polo-shirt with a black and yellow epaulet on the shoulders, along with their necktie that has the logo of their school that says, Vallemor College.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik niya na parang siya dapat ang nagtatanong nito imbes ako.
Naningkit ang mga mata niya. I rolled my eyes.
"First you called me, then you texted me. Tapos ngayon..." he paused.
He wetted his lower lips and maintained an intense stare.
"... nandito ka sa school ko."
Mas lalong naningkit ang mga mata niya. I only looked at him with a bit of disgust.
"Sabihin mo lang Adee, kung, may crush ka nga sa akin."
He winked at me.
Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na napigilang paghahampasin ng dala kong libro. Ang asungot na 'to! Marunong din talagang mag-imbento ng mga salita eh.
Tumatawa pa siya habang paigtad na sinasangga ang braso sa mga hampas ko. Inilalayo ang sarili sa dala kong juice.
"Ang kapal mo!" sigaw ko pagkatapos.
"Oh, bakit ka kasi nandito?"
Natatawa pa rin niyang tanong habang maarteng pinapagpagan ang kaniyang uniform. Nagiinspeksyon ng dumi o ano, kahit wala naman.
"Huwag ka ngang masyadong pilingero, sinamahan ko lang ang kaklase ko!"
Napalinga-linga siya sa paligid na mukhang hinahanap ang sinasabi kong kaklase.
"Saan?"
Umirap ako. "Kanina pa kasi 'yon!"
Naningkit ang mga mata niya, ayaw pa atang maniwala.
"Whatever. I don't need to explain it to you. Hindi naman kita boyfriend!" I said flipping my hair.
He chuckled.
"Oh? Parang duda ako diyan sa classmate excuse mo ah. May boyfriend ka dito no?" he accusingly asked me.
"What the heck, Stan!" muntik ko na siyang mahampas ulit ng libro sa sobrang inis.
He snatched the book this time. "Easy, nagbibiro lang eh. Ang sabi pa naman nila, kapag napipikon, ibig sabihin totoo."
"Tumigil ka na nga, baka kung mapikon talaga ako, matapon ko na itong juice sayo!" banta ko.
Lumayo naman siya sa akin at bumalik sa kung saan nakaparada ang motor niya.
"Hoy ang libro ko!" susundan ko na sana kaso pinigilan niya 'ko.
"Huwag kang lumapit sa akin, ubusin mo muna 'yang juice mo!" pagtataboy niya.
Blangko ko siyang tiningnan.
"Ang arte mo!" inis kong sabi bago ininom ang juice, at tinapon ang cup sa basurahan.
"Happy?" sarkastiko kong baling sa kanya.
Natawa siya at tumango.
"Akin na ang libro ko."
"May duty ka?" kaswal niyang tanong nang maibigay na ang libro.
"Oo!" mataray kong sagot.
"Tara." anyaya niya at sumakay na sa motor.
Nakatayo ako sa gilid at pinagmamasdan siya habang pinapaandar ito.
I wont ever admit this to him in person but, he kinda looked hot, and I mean 'kinda', okay? Not so hot. And I don't like him period. He's totally not my type period, period. Gwapo naman siya, pero hindi naman ako iyong tipong sa itsura lang bumabase. Oo at sobrang gwapo ni kuya Allen, pero hindi ko naman siya nagustuhan nang dahil lang doon.
Kung hindi lang kasi asungot 'tong si Stan, eh baka, alam niyo na. You know, for me attitude comes first. Importante sa akin na ang taong magugustuhan ko ay may mabuting pag-uugali. Of course, I do understand the concept of every person's bad side and good side. But, you know, who would've want a lover that has an unacceptable attitude. I mean, it's the least that we could ask for a partner. Lagi nating pinangkakatwiran na, kahit hindi gwapo o maganda, basta mabait.
Mabait naman si Stan, I just don't like him. Again, he's not my type.
What the heck! Why do I feel like I'm criticizing him yet complimenting him at the same time?
"Sakay na."
Umatras ako at umiling. "Ayoko nga. Hindi ako sasakay sayo no!"
I saw his lips twitched, hiding a playful smile. "Hindi ka naman talaga sa akin sasakay."
I raised my brow.
"Sa motor Adee, sa motor ka sasakay." he said and chuckled.
What the!
"Bastos!"
"Wow! Teka lang naman po! Anong bastos? Hindi ka naman talaga sa akin sasakay ah, hindi naman ako motor. Ano ba iyang iniisip mo?"
Nakaawang ang labing tinuro ko ang sarili ko. Wow naman. Parang nakakahiya pa na naging berde ang utak ko?!
"Wala! Nakakahiya naman kasi sa pagiging inosente mo." sarkastiko kong sagot.
Kumunot ang noo niya na parang hindi maintindihan ang ibig kong sabihin.
"Ahm, gusto mo ba ng holy water?" tanong niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.
Kinuyom ko ang aking kamao at naiiling na tumalikod sakanya. Bumuntong-hininga ako bago nagsimulang maglakad palayo.
Nakakainis at nakakapikon na talaga! Wala na ba siyang ibang gagawin kundi guluhin lang ang bawat araw ko? Minsan hinihiling ko nalang na sana, kahit isang araw, isang araw lang, hindi ko siya makasalamuha.
"Sandali lang!" rinig kong pagtawag niya sa akin.
Binalewala ko 'yon.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na may humila sa palapulsuhan ko, dahilan upang mapalingon akong muli. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking sistema nang magtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang galing ako sa malayong pagtakbo. Ngunit bago pa ako tuluyang madapa ay agad kong binawi ang kamay ko.
"A-ano b-ba!" palag ko. Hindi ko siya magawang tingnan pagkatapos.
What the fuck was that?
Hindi siya sumagot kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya, hindi nga lang makadiretso sa mata. Pansin ko na bigla siyang natahimik. Naramdaman niya din kaya 'yon? I tried to look on his eyes but he looked away.
"Sorry." wala sa sarili niyang bigkas.
Wala sa sarili naman akong tumango.
"Ayos lang." awkward kong tugon.
Sandali kaming natahimik. Buti nalang at dumating na iyong sinasabing bus ni manong kanina. Huminto ito tapat namin. Nilingon ko siya.
"Alis na ako." paalam ko at pasimpleng tinuro ang bus.
Tumango naman siya. Tahimik parin at hindi rin makapagsalita.
"S-sorry, I mean, I didn't really mean to offend you." habol niya.
"Okay lang." sabi ko at tinalikuran siya para sumakay na.
Pagsakay ko ay isang upuan nalang ang bakante. Uupo na sana ako nang may pumasok na isang matanda.
"Nay, pasensya na po. Wala na po kasing bakante." sabi ng driver kay Nanay.
"Ganoon ba." Dahan-dahan itong tumalikod at akmang bababa na. Kawawa naman si Nanay. Tumingin ako sa labas at nakitang nandoon parin si Stan. Agad kong pinigilan ang driver.
"Kuya sandali lang, bababa po ako." sabi ko sa driver.
Dali-dali akong bumaba sa bus at nagtungo sa kinaroroonan ni Stan. Lumingon siya at bahagyang nagulat sa presensiya ko. Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang unti-unting lumalapit sa kanya.
"Ahm, wala kasing bakante sa bus. Kawawa naman si Nanay." sa maliit na boses kong paliwanag.
Tumango naman siya at tila naintindihan ang gusto kong iparating. Inabot niya sa akin ang isang itim na helmet. Tipid akong ngumiti ang tinanggap iyon.
0 notes
Text
CHAPTER 5 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at ini-off iyon. Tinakpan ko pa ng kumot ang mukha ko para sana bumalik sa pagtulog. Kaso agad kong naalalang may binuaya pala akong duty ngayong araw.
Wala sa sarili akong bumangon.
Sabado ngayon at wala sana akong duty, kaso buaya ako. Buaya ang tawag namin sa mga crew na nanghahakot pa ng duty sa ibang crew. Dont get us wrong, may mga crew naman kasing hindi nakaka-duty sa shift nila kasi may mga gagawin sa school na importante o di kaya, may lakad na importante. Minsan nagpapa-swap sila ng shift, pero kapag walang tumatanggap eh no choice sila at binibigay nalang sa mga willing, tulad ko. Buaya pa nga.
Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko na agad ang malakas na music mula sa speaker sa sala. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan doon ang kapatid kong nagti-tiktok sa may bandang ref.
"Si mama?" tanong ko habang kumukuha ng tinapay sa mesa.
Kumibit balikat lang siya, hindi man lang tumigil sa ginagawang moves.
Naupo ako at pinagmasdan siyang paulit ulit na nagre-renegade. Napailing ako at nilingon ang speaker sa sala. Kinuha ko ang sariling cellphone at inabala saglit ang sarili ko doon.
"Connected ka ba doon?"
Pagturo ko sa speaker.
"Oo."
"Tss nagti-tiktok lang naka speaker pa, i-disconnect mo, ako naman." utos ko.
Nagkamot siya ng ulo.
"Ate naman eh..." angal niya at nakasimangot na kinalikot ang cellphone para ma-disconnect.
Ngumisi ako at agad na pinalit iyong akin sa speaker. I played a song and set the playlist into shuffle mode. Random naman kasi ang mga kanta dito dahil kabibili ko lang nitong sd card at may downloaded songs nang kasama. May mga jeje songs pa nga siguro. Hindi ko na nagawang palitan o burahin kasi nawala na rin sa isipan ko.
Hinayaan ko lang iyong tumugtog habang naghahanda ako sa pagpasok sa trabaho.
Nagbibihis ako dito sa kwarto nang marinig ang isang lumang kanta. Usong-uso 'to noong highschool, theme song ng mga nagbabangayan na parang aso't-pusa.
'Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano
Ikaw parin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako
sinisipa't nasusugatan mo'
Habang nakikinig sa mga lyrics ng kanta, biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ng asungot na si Stan. Pati narin ang pagbabangayan naming dalawa.
Napakunot ang ulo ko sa naisip.
Naalala ko nanaman tuloy ang kakaibang naramdaman ko kahapon. Magdamag na nga akong hindi makatulog kasi maya't-maya kong naiisip iyon, dumagdag pa to.
'Ikaw parin walang iba
Ang gusto kong makasama'
Pinilig ko nalamang ang ulo ko para matigil na sa pag-iisip non. Naglalagay na ako ng kaunting bb cream nang marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sa sala iyon nakalagay kaya baka ang kapatid ko ang makabasa ng mensahe. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalagay ng make-up at hinintay nalamang siyang magsabi sa akin.
"Mama! May boyfriend na po si Ate!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lumihis tuloy ang pagkakalagay ko ng eyeliner.
"Shit!"
Sinubukan kong ayusin pero mas lalo lang na kumalat. Tsk! Dali-dali akong kumuha ng tissue at lumabas para tingnan kung ano iyong pinagsisigaw ng kapatid ko. Nadatnan ko siyang nakaupo na sa sofa at may tinitipa na sa cellphone ko.
"Hoy ano yan!"
Hinablot ko ang cellphone sa kamay niya. Nakangisi siyang nagtaas ng kilay sa akin. Kinabahan ako doon. I probably look pale right now. I glance at my phone to read the message.
Ano naman kaya to?
09*********:
Gudmorning maam Adelaide Silvestre. Si Bert po to ng Lazada. Tanong k lng p kng san bnda sa inyo? nsa basketbol kort napo kasi ako. :)
Ako:
pngalwang vahay fo sha rayt hehe ^-^
Agad ko siyang binalingan at napansing kanina pa pala siya nagpipigil ng tawa. She then burst out in laughter.
"Kinabahan amp!"
Hawak ang tiyan, ay halos maiyak na siya sa sobrang tawa. Dumampot ako ng isang throw pillow at hinambalos 'yon sakanya.
"Bwesit ka!"
"Aray!" natatawa niyang sinangga ang mga braso sa mga hampas ko.
"Anong pinagsasabi mong boyfriend?! Sa order ko yon!"
"Aray ate!" tumayo siya at lumayo saakin. "Eh bakit ka kinabahan?! Totoo no?! Halata naman sa reaksyon mo, mukang may tinatago ka nga!"
"Anong tinatago?!" iritado kong sagot.
"Oh! Tingnan mo yang pisngi mo, namumula na parang kamatis." pagturo niya sa mukha ko.
Napahawak ako sa pisngi ko. Mainit nga.
"Tigilan mo nga ako Abigail!"
Dumating si mama at inawat kami.
"Kasi si Abi ma, gumagawa ng kwento na may boyfriend daw ako." parang bata kong sumbong kay mama.
Sinundan ko pa patungo sa kusina para makakuha ng simpatya. Sumunod din ang kapatid ko na hindi ko pinagbibigyan ng daan upang makauna kay mama.
"Bakit wala ba? Ma, kinabahan siya kanina ibig sabihin totoo!" pagsumbong niya naman.
Sinamaan ko siya ng tingin. May araw din sa akin 'tong bubwit na 'to.
"Oh tama na 'yang away niyo. Adee, puntahan mo na iyong delivery boy sa labas at kanina pa pala kumakatok, wala daw sumasagot."
"Boyfriend niya 'yon ma." dagdag na pang-aasar ni Abi.
"Tumigil ka na." banta ko sa kanya.
Lumabas na ako para kunin ang inorder kong facebalm sa isang shop sa lazada. Sale kasi nong nakaraan kaya napabili na ako. Uso din yon ngayon eh. Last week pa ata 'to, nakalimutan ko lang na ngayon dadating.
Medyo nagulat pa ang delivery boy nong makita ako. Tinanong ko kung bakit at tinuro niya lang ang mata ko. Doon ko lang din naalala ang eyeliner ko kaya pinunasan ko muna ng hawak na tissue. Nakakahiya!
Pagkatapos pirmahan ang form ay nagpasalamat na ako kay kuya at tinitingnan na ang mga nakasulat sa package.
"Ay ma'am, pwede po pa-picture?"
Napaangat pa ako ng tingin kay kuya na medyo nahihiya pang pinakita ang kanyang cellphone. Agad ko namang nakuha kung para saan iyon kaya pumayag na ako.
Matapos non ay bumalik na ako sa loob para buksan ang package sa kwarto. Ginugupit ko na ang gilid nang may mapansin akong kakaiba sa pangalang nakasulat sa parcel.
"Oh shit!" napamura ako.
Hindi ko pangalan ang nakasulat, at ang mas nakakagulat pa ay pangalan ni Stan ang nandito!
Stanley Craig Dela Torre.
Saglit akong natulala. Iniisip ko kung anong gagawin. I tried to check the name of the item and it's the same to what I've ordered, as well as the sender. Iyong pangalan lang namin ang siguro, nagkapalit?
I also contacted the number of that delivery guy but he's out of reach already.
Last part, wala na akong choice kundi tawagan ang asungot na si Stan. I dialed his number. Habang hinihintay na sagutin niya ay napaisip rin ako kung bakit siya bumili ng facebalm.
Di kaya, ano siya? Parang imposible naman ata. O baka regalo para sa girlfriend, kay Leslie ba?
Ang tagal namang sumagot ng asungot na to. Nakailang tawag pa ako bago niya sinagot.
"Hello, himala napatawag ka. Anong meron?" bungad niya sa seryosong boses.
Napalingon pa ako ulit sa cellphone at baka hindi siya iyon. Ang seryoso naman kasi, parang hindi siya.
"Miss mo na 'ko?"
Umismid ako.
Binabawi ko na ang sinabi kong seryoso. Nakalimutan ko ata ang style niya na parang shunga.
"Miss mo mukha mo! Kung hindi lang to importante ay wala ka talagang ni isang tawag na matatanggap mula sa akin."
I heard him chuckled on the other line. Umirap ako.
"O bakit ka nga napatawag?"
"May dumating kasing package dito kanina, naalala kong may inorder pala ako last week..."
"Ah, so mangungutang ka ng pambayad?" sangit na tanong niya.
"Gusto mo bugbugin kita?!"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ang asungot na to, maisingit lang ang kalokohan.
"Anyway, yon na nga. Pangalan mo naman ang nakasulat dito. Umorder ka rin ba ng facebalm?"
"Oo, teka umorder ka rin?" tanong niya rin.
"Umorder ka?" tanong ko na medyo hindi pa makapaniwala.
"Oo, pero para sa ate ko 'yon. Si ate Gigi naaalala mo? Iyong nasa farm ngayon. Inutusan niya akong bilhin 'yon sa araw ng sale, wala kasing internet connection doon kaya ako na ang umorder. Kukunin niya lang pag nakabisita na sa bahay."
"Ah, okay." tumango-tango ako.
Naalala ko nga yong kinuwento niya sa amin dati. May ate siyang nakatira sa farm nila. Minsan ko na rin 'yong nakita sa store dati eh. Maganda. Kaya hindi ako makapaniwala na magkapatid sila ng asungot na to.
"Teka, nasayo ang parcel?"
"Oo nga, tatawagan ko nalang ulit ang delivery boy. Baka kung saan na napunta iyong akin."
"Nandito lang naman ako." bulong niya na hindi ko maintindihan.
"Ano?"
"Wala, basta kung may dumating na delivery, nandito lang naman ako sa bahay. Ako na ang bahala don."
"O'sige, di ko nalang muna bubuksan to. Tsaka nalang kapag dumating na 'yong para sa akin."
Saglit siyang natahimik sa kabilang linya.
"Hello? Hello?"
Kunot-noo kong tiningnan ang cellphone kasi baka nag end na ang call, pero andyan pa naman.
"Oy hello?!"
"Hmm?"
Biglang kumabog ang dibdib ko sa boses niya. It sounds like a morning voice of six am. Then I heard him yawned after.
"Kagigising mo lang? Inaantok ka pa siguro."
"Why? You wanna join me in bed?" he teased.
Ngumiwi ako.
"Join your face! Matulog ka na nga ulit, kulang ka ata sa tulog at mukhang nanaginip ka pa."
He chuckled sexily. Medyo kinilabutan ako doon. Ano ba naman 'to!
"May duty ka?" he asked casually.
I cleared my throat before answering.
"Ba't ka nagtatanong?"
"Bakit? Bawal na ba magtanong sa kapwa ko crew?" natatawa niyang sagot.
"Tss, why would you even asked for no particular reason. Will you just please stop bugging me?"
"Oh? But you called me first, aren't you the one who's bugging me?" he reminded.
"Importante naman ang itinawag ko! Tss, babay na nga, ibababa ko na 'to." medyo iritado ko ng sabi
"Okay then, thanks for waking me up."
Now, blurred images of him in bed starts bugging my innocent mind. Him under the white sheets, with boxers on. Wtf! Kadiri ka naman Adelaide! Ew! Stop it, stop stop!
"K bye," tipid kong paalam at pinatay na ang tawag.
Mariin akong napapikit at pilit na winaksi ang kaisipang iyon. Naapektuhan na ata ang utak ko sa kakapuyat. Mamaya matutulog na talaga ako ng maaga.
Tinawagan ko ulit ang number ng delivery boy, buti nalang at sumagot na siya ngayon. Nagsorry naman siya sa nangyari at ihahatid niya nalang sa address ni Stan ang parcel kasi mas malapit sa branch nila. Hindi ko na pinagalitan, naiintindihan ko naman at kilala ko din kasi si Stan. Pero sana lang huwag ng maulit pa sa iba. Paano kapag sa ibang tao ang napunta sa akin. Edi mas malaking problema 'yon, minus pa sa rating nila.
Nalate pa ako sa duty dahil inasikaso ko muna 'yon. Pahamak talaga ang pag-o-online shopping ko. Kailangan ko din sigurong mag lie low muna sa pamimili online. Bukod sa napapahamak ako gaya nito, nabubutas din ang pitaka ko. Parang gusto ko nalang maiyak sa tuwing binubuksan ko ang wallet na walang kalaman-laman.
Nang mag-break time ako, naisipan kong itext si Stan para ma-update siya sa napag-usapan namin nong delivery guy. Inuna ko munang magtext bago kumain.
Ako:
Oy, okay na. Ihahatid nalang daw sa address mo. Baka mamaya dadating yon.
I click send. Nagsimula na akong kumain at maya-maya'y nagreply din siya.
Stan:
Now you're texting me?
Umirap ako. Napakahangin din talaga ng asungot na to.
Ako:
Wag ka ngang masyadong feeling! I will even block your number after this, maghintay ka lang!
Stan:
galit na galit?
Ako:
Im not. Stop being so annoying
Stan:
What? Ano nanamang ginawa ko?
Ako:
Basta! Huwag ka nang magtanong, lagi ka namang nakakainis kahit wala kang gawin.
Stan:
Wow! You texted me to say that?
Ako:
Well I only texted you to update the parcel but you keep on annoying me.
Stan:
Ano? Paano nga? Ano nanaman sa tingin mong ginagawa ko?
Honestly, hindi ko rin alam. Basta nalang akong nainis sa kanya. Ewan ko rin kung bakit.
Ako:
Basta huwag ka ng magreply, text mo nalang ako kapag natanggap mo na.
Stan:
Bakit muna ako naging annoying?
Ako:
Ayan! stop asking bye!
Stan:
Wait, are you on your period?
What the! How can he be this worst!
Ako:
The fuck are you asking?!
Stan:
Meron ka ba ngayon? Tinotoyo ka nanaman kasi.
Ako:
What the! Wala ako ngayon! At ano namang kinalaman non?
Stan:
Di mo alam? Eh common denominator niyo yan ng mga babae.
Ako:
Ano? At wow ha! Sa dami ba ng babae mo kaya alam mo yan?
Stan:
Why? Jealous?
Ako:
Pagselosin mo yang mukha mo!
Stan:
Selos ka lang eh haha
Kumunot ang noo ko. Ano ba akala ng asungot na to sa sarili niya?
Ako:
Ewan ko sayo. Stop texting me.
Stan:
You texted me first.
Ako:
Edi huwag ka ng magreply!
Stan:
mahirap yon.
Ako:
Ano?
Stan:
Mahirap kang balewalain.
My eyes widened with his reply. Bigla nanamang kumabog ang dibdib ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Naramdaman ko din na biglang uminit ang pisngi ko.
What the heck is wrong with me?!
I type in a reply, but after a few seconds, I only end up staring at my phone. Tulala lang at walang maisip na reply.
I sighed and put down my phone. Hindi ko na siya ni-replyan.
"Asungot talaga." umiiling na sambit ko sa sarili.
2 notes
·
View notes
Text
CHAPTER 4 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Hindi na ako nahintay ni Leslie kagabi. Nasa cr pa ako noong magpaalam siya na uuwi. Naintindihan ko naman at baka tuluyan na nga siyang nainis sa akin. Kahit ako ba naman siguro maiinis din kung ganoong klase mang-intriga ang kasama ko. Hindi pa naman kami masyadong close tapos wagas na akong maki-chismis.
Kasalanan ni Stan 'to!
Kung hindi niya lang sana ako binigyan ng tip na may crush sa kanya si Leslie, edi sana hindi na ako na-curious! Hindi ko pa naman mapigilan ang kuryusidad ko minsan. Kung hindi lang ako nanghimasok, payapa sana ang duty ko!
Kaya naman, kahit hindi pa oras ng duty. Nakipagpalit ako sa isang kasamahan namin na opener ang shift. Kakausapin ko ulit si Leslie, just to make things clear. At masigurado na wala na siyang natitirang sama ng loob sa akin.
Maaga akong dumating kasi wala namang pasok. Nagbihis agad ako ng uniform namin at maya-maya ay naramdaman kong may umaakyat sa hagdan. Nakahanda na akong harapin kung sakaling si Leslie 'yon.
Akmang babatiin ko na siya ngunit nagulat ako na ang asungot na si Stan ang sumuwang sa entrance ng crew room.
"Anong ginagawa mo dito?!" agad kong naitanong sa gulat.
Namilog ang mata niya na halatang nagulat din sa presensya ko.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" balik niya sa akin.
"Ako ang unang nagtanong." suplada kong balik.
"Tss, syempre magtatrabaho ako. Ikaw ba, ang aga mo ah?" tanong niya habang nilalagay sa locker ang itim niyang jansport bag.
"May duty din ako." mataray kong sagot sakanya.
"Oh?" nagtatakang napalingon siya sa akin. "Himala, mamaya pa naman si Kuya Allen ah?"
Kinuha ko 'yong remote ng aircon at pinindot ang on. Saglit ko 'yong pinagmasdan na umandar bago siya sinagot.
"Bakit, si kuya Allen lang ba ang dahilan ng mga duty ko? Di ba pwedeng may gagawin lang ako mamaya?" depensa ko.
"Ano naman?"
"Hindi mo na kailangan malaman." sagot ko habang hinahanap ang cellphone sa bag.
Alangan naman sabihin ko sa kanya na hihingi ako ng tawad kay Leslie kasi nalaman ko na crush niya ang asungot nato? Hindi naman ako ganoon ka chismosa.
"Bakit naman?"
"Basta! Huwag ka na ngang madaming tanong diyan!"
Ang kulit.
Nahanap ko naman ang cellphone kaya naupo na ako. May ipapasa pa kasi akong file para sa school project namin. Natuon na ang pansin ko doon at tinantanan na ang pakikipag-usap kay Stan na asungot.
Nang muli siyang magsalita.
"Sige ka, baka isipin ko, na ako ang dahilan kung bakit ka nagpaswap- Aray!"
Napahiyaw siya sa sakit ng sumapol sa ulo niya ang tinapon kong phone case.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo kahit kailan!"
Halos malukot na ang mukha ko sa sobrang pagkairita sa kanya. Ang aga aga, bad trip na naman ako sa asungot na to.
Nakasimangot siyang nakatingin sa akin habang hinihimas ang ulo niya.
"Ba't ba kasi galit ka, eh nagtatanong lang naman ako."
Kinuha niya 'yong phone case sa sahig.
"Imbento ka kasi!" humalukipkip ako at sumandal sa backrest ng upuan.
"Joke lang kasi 'yon, masyado namang mainit ang ulo mo." tunog nagtatampo niyang sabi. May kinakapa siyang kung ano sa bag niya.
Teka, galit ba siya?
Ang pikon naman. Siya itong unang nang-asar tapos siya pa 'tong galit? Atsaka di naman masyadong masakit 'yong phone case na binato ko ah! Ang oa niya ha?
"Galit ka?" medyo kabado kong tanong.
Naupo na siya sa harap kong upuan at mariin akong tiningnan. Medyo naging uneasy ako sa mga titig niya.
"A-ano ba." nauutal kong saway.
Maya-maya'y mala-demonyo siyang ngumisi.
Inangat niya ang phone case ko. Sa kabilang kamay ay naroon ang cellphone na tinatanggalan niya na ngayon ng phone case. Nakita kong pinalit niya 'yong phone case ko sa cellphone niya.
"Hoy anong ginagawa mo?!" natataranta kong tinuro ang cellphone niya.
Tinapon niya sa harap ko ang sariling phone case. Kulay itim na kapareho no'ng sa akin ang design, puti nga lang 'yong akin. Kinuha ko 'yon.
Teka? Same model kami ng cellphone?
"Anong gagawin ko dito?"
Winagayway niya ang cellphone niya na may phone case ko.
He smirked.
"Nice. Thank you!"
Namilog ang mata ko nang mapagtanto ang ginawa niya.
"Anong nice at thank you? Akin na nga iyan!"
Tumayo ako at sinubukang abutin ang cellphone niya. Medyo mahaba ang mesa kaya nahihirapan ako. Walang kahirap hirap niya namang nilayo 'yon gamit ang isang braso habang sinasangga niya ang kabila sa mga hampas ko.
"Akin na sabi eh!"
Gigil na gigil na akong abutin 'yon ngunit patuloy niya pa ring nilalayo sa akin. Muntik pa akong sumaubsob sa kaniya kung hindi ko lang mabilis na naituko ang kamay sa mesa. Nang tumagal ay hinampas ko na lamang siya at tinantanan.
Naningkit ang mata ko.
Baka mamaya sinasadya niya iyon para mahawakan ako. Ew! I'd rather buy another one instead of picking up a fight with this asshole, tss.
Natawa lang siya.
"Grabe! Kung makahampas ka ha, hiram lang naman eh." natatawa niyang sabi habang hinihimas ang braso niya.
I glared at him.
"Tse! Sayo na yan noh, huwag mo nang ibalik at baka kung anong virus pa ang ma-transfer mo sa akin!" umirap ako.
Kumibit balikat siya.
"Okay, sabi mo eh." simpleng tugon niya.
"Talaga!" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
He chuckled.
"Talaga ha?" panigurado niya.
Sinimangutan ko siya at padarag na kinuha ang phone case niya sa mesa.
"Talaga!" confident kong sagot.
I put his phone case on my phone. Saglit niyang pinagmasdan iyon sa kamay ko. Nakitaan ko pa ng pagkatuwa sa kanyang ekspresyon.
Kumunot ang noo ko.
I continued my unfinished work and ignored him.
Dumating si Leslie ilang minuto matapos ang bangayan namin ng asungot na si Stan. Buti hindi niya naabutan iyon at baka kung ano pa ang maisip niya. Nagkausap na kami at pinatawad niya naman ako. Buti nalang at baka palagi akong gagapangin ng konsensiya ko. Ayaw ko pa naman ng may ibang kaaway dito sa store, bukod kay Stan na natural nang asungot.
"Basta. Huwag na huwag mong sasabihin ha." mariin niyang bilin.
"Ay oo naman Les! Ayoko na ng gulo at baka masira pa ang pagsasama natin dito sa store." I assured her.
Tumaas ang isang kilay niya at satisfied siyang ngumiti. Hilaw naman akong ngumisi at pumunta na kami sa kanya kanya naming station.
Ngayon ay nasa beverage station ako dahil doon naka-assign ang ka-swap ko. Seryoso na ako sa pag di-dispense ng sandamakmak na softdrinks nang umeksena nanaman ang asungot na si Stan sa ginagawa ko.
"Ano kailangan mo?" medyo iritado kong tanong habang nilalagyan ng ice ang mga cups.
May party kasi mamayang alas onse at pinapahanda na sa akin 'yong drinks.
"Ipapakuha na ang mga drinks. Wala pa ba?"
"Ikaw ba ang celebrant, at ikaw itong atat?"
"Ano? Inutusan lang ako uy! Ikaw na nga itong tinutulungan..." naiiling niyang sinabi.
I raised my brow. Himala naman nito.
Medyo nagduda pa ako kung pina-prank niya lang ako. Baka ako pa ang mapagalitan nito, kaya nagtanong ako kay Sir Vic kung totoo ba. He confirmed it and so I let him get some brown trays with drinks.
He even mocked at me bago niya kinuha ang mga drinks.
Asungot talaga!
At nang dalawang trays nalang ang natira ay sumama na ako sa paghatid, hawak ko iyong isang tray, si Stan naman sa isa. Maraming batang tumatakbo kaya nag-iingat kami. Nauna niyang nailapag 'yong kanya sa mesa.
Ilalapag ko na sana 'yong akin ngunit biglang may dumaang bata sa ilalim ng tray ko kaya mabilisan akong umilag. Paimpit akong napatili nang medyo na out balance ako.
Mabilis naman akong naalalayan ni Stan. Muntik na akong mapaatras nang makaramdam ng kakaibang elektrisidad mula sa pagkakahawak niya sa mga kamay kong nasa ilalim nitong tray, inalalayan niya kasi para hindi ko mabitawan.
Nagkatinginan kami. Napalunok na lamang ako sa paraan ng pagtitig niya.
"Akin na." masuyo niyang sabi.
Nag-iwas ako ng tingin at hinayaan siyang kunin 'yon. Pilit kong ibinaling ang atensiyon sa mga batang naglalaro ng parlor games sa gitna.
"Tapos na." sabi niya at inabot sa akin ang wala ng lamang tray.
"Okay," agad kong kinuha 'yon ng hindi siya tinitingnan.
"Thanks." mahina kong sabi at agad na lumabas sa party area. Hindi na siya hinintay.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko at doon ko napansing, sobrang bilis ng tibok no'n.
Ano 'to?!
Mariin akong pumikit at umiling para mawala iyon. Pagkarating ko sa station ay agad akong napainom ng tubig. Siguro pagod lang 'to... tama... pagod lang siguro ako. Nakailang baso na ako at muntik pa akong mabilaukan nang makitang papalapit nanaman siya sa akin.
Saglit na kumunot ang noo niya at tila nagtataka sa kinikilos ko. Nilapag niya sa despenser ng coke ang dala niyang bottle.
"Break please!"
Natauhan naman ako sa sigaw at palakpak niya. Ngumisi siya.
"Ba't natutulala ka diyan?" natatawa niyang tanong.
"H-ha?" lutang kong sagot.
Tumawa ulit siya. Napakurap-kurap ako. I felt my cheeks blush when the back of his palm suddenly touched my forehead. Namilog ang mga mata ko.
Teka naman sandali! Anong klaseng kababalaghan itong nangyayari sa akin?!
Na-engkanto ba ako?!
"Wala ka namang lagnat, pero bakit ka namumula?" medyo seryoso niya ng tanong.
Iniwas ko ang noo ko sa kanya at pinindot ang button para ma-dispense ang drinks. Hindi ko siya nilingon at tahimik lang na pinagmamasdan ang pag-agos ng inumin sa bottle. Nilagyan ko 'yon ng ice at binigay sa kanya ng hindi parin tumitingin sa mga mata niya.
"O-oh, u-umalis ka na." pinilit kong magtunog galit gaya ng normal kong pakikitungo sa kanya, pero imbes na iyon ang lumabas ay nautal pa ako.
Tang'na!
"Thank you."
Tumango lang ako at binaling ang tingin sa KVS. Kung sa normal na pagkakataon iyon, baka nairipan ko na siya. Pero kasi, bigla ko ding hindi maintindihan ang sarili ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Hanggang sa matapos ang shift ay hindi parin ako matantanan ng kaisipang iyon. Mas lalo lamang itong bumabagabag sa isip ko kapag pilit ko rin itong kinakalimutan. Matapos kong makapagbihis ay bumaba na ako sa crew room.
Saglit pa akong natigilan ng makita si Stan na kinakausap si Kuya Allen malapit sa entrance. Nagkakatuwaan silang tatlo ni kuyang guard. Dumiretso ako sa mushroom stool at nilabas ang tickler para mapapirmahan na sa pag out.
"Kuya, libre naman diyan."
Narinig kong panghihikayat ni Stan kay kuya Allen. Nagtawanan pa silang dalawa ngunit dumiretso parin sa counter pata umorder.
"Anong sayo Adee?"
Nagulat ako sa tanong ni kuya Allen. Hindi ko inaasahan iyon.
"Huh?" lutang kong sagot.
"Manlilibre ako. Anong sayo?"
"A-ah, huwag na, nakakahiya naman kuya."
"Sige na Adee, libre na oh!" singit ni Stan.
Agad ko siyang sinipat ng tingin at binalik ang mata sa naghihintay na si kuya Allen.
"Kahit ano nalang kuya." nahihiya kong sagot.
Napakamot si Stan sa kanyang ulo. Narinig ko pa ang sinabi niya.
"May kahit ano ba dito kuya? Parang wala naman sa menu board. Ang labo... "
Umirap ako sa ere at hinanap na lamang ang cellphone sa bag. Natigilan naman ako nang makita ang phone case niya na nasa cellphone ko na. Is this real? How did I let this happened?!
May tumapik sa balikat ko kaya lumingon ako. Unang nakita ko ay ang fries at sundae. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Stan ang may hawak no'n. Tinanggap ko naman.
"Thanks."
Napasulyap ako sa likod niya.
"Nasaan si Kuya Allen?" nagtatakang tanong ko dahil hindi na ito mahagilap.
"Umakyat na sa taas, di mo napansin?" sagot niya at umupo sa tabi ko.
Kinagatan niya ang cheeseburger at binalik sa akin ang tingin habang ngumunguya.
"Hindi."
Lumunok siya.
"Di bale na, nandito naman ako." maangas niyang sabi.
I chuckled while dipping the fries to the sundae.
"Ano namang gagawin ko sayo?!" natawa ako at napailing.
Asungot talaga ang isang to kahit kailan. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kanina. Pero medyo naging komportable na ako ngayon, kaya heto at balik nanaman kami sa pag-aasaran.
"Pahingi naman!" sigaw niya habang pilit na kumukuha ng fries kahit nilalayo ko na. Tumayo pa ako para lang talaga mailayo ang fries sa kanya.
"Ang damot!" reklamo niya.
"Oh talaga! Kaya bumili ka nalang ng sayo!" pang-aasar ko.
"Oy, sinong nagpalibre niyan?! Diba ako." giit niya.
"Oh bakit? Tinanong din naman ako ah!"
"Kahit ano ang sinabi mo, eh wala namang kahit ano sa menu, tsk."
"Oh sino bang nag-abot sa akin neto? Di ba ikaw, tapos ngayon babawiin mo? Ngi!"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Tsk, damot." napakamot siya sa ulo.
Natawa naman ako sa ekspresyon niya. Sinukbit niya ang bag sa balikat niya at tumayo na para lumabas. Dali-dali ko ring kinuha ang bag ko at agad siyang sinundan.
"Oy, ang pikon mo talaga!"
Napahinto siya sa harap ng statue ng fastfood kaya huminto rin ako.
"Pikon!"
Binalingan niya ako.
Inabot ko nalang iyong natitirang fries sa lalagyan.
"Oh, baka ikasama talaga ng loob mo 'pag hindi kita binigyan." medyo nagsisisi ngunit may bahid parin ng pagkatuwa sa boses ko.
"Tss." Nag-iwas siya ng tingin.
Inangat ko pa iyon sa harap niya. At iniwas niya naman ang mukha sa hawak ko.
"Oy ang sungit mo ah! Tanggapin mo na dali nangangawit na ang kamay ko oh!"
Ngumiwi siya. Bumuntong hininga ako at binaba ang fries na parang sumuko na sa pamimilit sa kanya.
Napayuko ako at nagsimula ng magsalita ng kung ano-ano.
"Sige pag di mo to tinanggap iisipin kong may crush ka sa akin. Though, alam ko naman talaga na crush mo ko. Hindi naman sa pagiging assuming pero, kung sabagay, matagal na rin naman tayong magkakilala kaya hindi rin maiiwasang magustuhan mo-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil bigla niya namang hinablot ang fries sa kamay ko.
Tumaas ang kilay ko at hilaw akong ngumisi sa kanya.
"Wow. Hindi ko alam kung saan ako mao-offend ha, sa malaman na hindi mo ako crush o sa pagiging assuming ko?"
Ngumisi siya saglit tapos biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Paano kung crush nga kita? Anong gagawin mo?" biglang tanong niya.
Namilog ang mga mata ko at... biglang humagalpak sa tawa.
"Oy!" natatawa ko siyang tinuro. "Nice joke ah!" pumapalakpak pa ako sa sobrang tawa.
Akala ko tatawa rin siya pero pagtingin ko sa kanya ay ganoon pa rin ka seryoso ang mukha niya.
"O-oy!" medyo kabado kung saway sa kanya.
"Tumigil ka nga! Huwag mo akong sinasangkot diyan sa kalokohan mo ah!" sabi ko sabay iwas ng tingin.
Hindi siya sumagot.
"Anong crush crush,-" muli ko siyang tiningnan at ganoon pa rin ka seryoso ang mukha niya.
Saglit akong napaisip bago siya tuluyang hinarap.
"Oy Stanley! Huwag ka ngang magbiro, wala kang maloloko dito!"
Sinapak ko siya at tuluyan na siyang bumigay sa tawa.
"Grabe, sana kinunan ko yung mukha mo. Sayang, epic pa naman." sabi niya habang naiiling na tumatawa.
I glared at him.
"Ewan ko sa iyong asungot ka!" galit kong sikmat sa kanya.
Inis ko siyang tinalikuran at iniwan doon.
Kahit kailan talaga ang asungot na iyon. Puro lang kalokohan ang nasa isip.
Hanggang sa bahay ay iniisip ko pa rin yon. Iritado akong napabalikwas ng bangon. Kanina pa ako nakauwi at matutulog na sana pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari.
Inis na inis ako sa hindi malamang dahilan.
"Huwag mo sabihing disappointed ka kasi hindi ka talaga niya crush?" tanong ko sa sarili.
Nangilabot ako sa sariling tanong.
"Ew! Huwag mo sabihing nag-assume ka talaga na crush ka niya?" tanong ko pa.
Ngumiwi ako at padarag na nahiga. Sa sobrang pagkairita sa nangyari ay mariin akong pumikit at pilit na inalis ang bumabagabag sa isip ko. Hanggang sa makatulog na ako sa gabing iyon.
1 note
·
View note
Text
CHAPTER 3 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Ang pinaka ayaw kong mangyari sa trabaho ay magkaroon ng bad record, big deal na para sa akin ang makapagsulat ng IR at ayaw ko ng maulit pa iyon!
Kaya sa sumunod kong duty ay iniwasan ko ng makipag-iringan kay Stan. Sa front counter ako naka assign kaya malaki ang tsansang makasagupa ko siya sa may lobby.
Kanina sa briefing ay pinilit kong huwag tumingin sa kanya kahit na nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Nakinig lang ako kay Ma'am dahil baka mairapan ko lang siya at magkapikunan nanaman kami. Baka masuspende pa ako kapag pinatulan ko ang pang-aasar niya. Ayoko na ng gulo.
Matiwasay naman ang unang oras ng duty ko. Kahit di ko masilayan si kuya Allen ay okay lang naman. Atleast magkasama kami. Atleast, siya ang mag bi-bread ng uulamin kong manok mamaya sa breaktime.
Nakakakilig kaya yon! Only crush touches my chics!
Pinigilan kong matawa sa naisip lalo na’t may customer na umoorder sa harap ko. Hindi naman ako masyadong lutang kaya nasaulo ko parin ang orders niya for take out. At habang nagbibilang ako ng change, biglang sumulpot ang asungot na si Stan sa gilid ng counter.
Ano nanamang kailangan nito?
Inabot ko sa customer ang sukli at resibo nito.
"Kindly proceed nalang po muna sa waiting area Ma'am, punta lang po kayo sa claiming area kapag now serving na ang number niyo. Salamat po!"
Paglingon ko sa gilid, nandoon parin si Stan.
"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong sakanya.
"At ngayon mo lang ako pinansin ha. Galit ka ba?"
Wala masyadong tao kaya hindi ko na siya maiwasan. Wala naman akong ibang gagawin at hindi ko pwedeng iwan ang counter.
"May araw bang hindi ako galit sayo?"
"Syempre meron. "
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Edi kapag wala tayong duty. Don't tell me iniisip mo parin ako kahit day off mo?" ngumisi siya.
"Oy Adee, iba na yan ha!" tukso pa niya.
Muntik ko na siyang tamaan nitong extrang termal sa harap ko kung hindi lang siya mabilis na nakailag. Ang kapal rin talaga ng mukha nito!
"Tanungin mo nga ang sarili mo kung bakit kita iisipin? Sa tingin mo gusto ko ang mga pagpapapansin mo?!"
Kumunot ang noo ko at halos umusok na ang ilong sa galit habang siya ay umalik-ik lang sa gilid.
Tuwang-tuwa pa sa galit ko. Parang sira.
"Bwesit ka talaga, umalis ka nga dito, isusumbong kita kay Ma'am!" binantaan ko siya.
"At bakit ka ba nandito? Diba sa lobby ka? Trip mo lang talagang sirain ang buong shift ko no?! Kairita ka!"
"Ang sungit mo kasi, magbebreak lang naman ako." sagot niya sabay tinuko ang mga siko sa counter top.
Inirapan ko siya.
"Ang dami pang satsat, magbebreak lang naman pala."
"Teka! Ikaw nga itong unang kumausap sa akin. Tahimik lang naman akong naghihintay kanina, eh ikaw lang naman ang maraming sinabi sa ating dalawa."
"Edi sana sinabi mo agad ang break mo." pinamewangan ko siya.
"Ngayon parang kasalanan ko pang kinausap mo'ko?" tinuro niya ang sarili.
Umawang ang labi ko, handa na sana siyang sagutin kaso biglang dumating si Ma'am Monique kaya natahimik na ako. Mahirap ng ma IR ulit. Inirapan ko nalang si Stan at pinindot ang kaniyang break.
"Asungot." bulong ko at inabot ang resibo sa kanya.
"Thanks Adelaide." sa malambing na boses niyang sinabi at pa-cute na ngumiti.
Sinimangutan ko siya.
Maganda ang pangalan ko, pero kapag siya ang bumanggit parang ayaw ko nalang angkinin. Lalo na kapag sa ganoong boses niya sinasabi. Nakakakilabot at nakakadiring pakinggan!
Binelatan ko si Stan at saktong paglabas ng dila ko ay biglang sumulpot si kuya Allen sa gilid. Shet nakita niya!
"Ah k-kuya, magbebreak ka po?"
Tumango siya.
Pasimple kong sinulyapan si Stan, papunta na siya sa party area. Ang asungot na 'yon talaga!
"One piece, no drinks Ad." ngumiti siya.
Tumango ako at kagat labing pinindot ang break niya. Nalito pa ako kung nasaan ang one piece dito sa sobrang kaba. Ang lapit niya kasi tapos feeling ko nakatingin siya sa akin. I'm probably blushing. Nakakahiya.
"Eto kuya oh." sa maliit na boses kong sabi at inabot sakanya ang resibo.
"Thanks Adee... "
Pinigilan kong ngumiti ng malaki kaya tumango lang ako. Pagkaalis niya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ang hirap talagang huminga kapag may crush.
"Adee, ako rin sana magbebreak." biglang singit ni Leslie sa tabi ko.
Kasama ko nga pala siya sa counter ngayon.
Biglang naningkit ang mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na minsang magbebreak si Leslie kapag nagbreak din si Stan. Kakausapin ko nga to mamaya. Baka sakaling matauhan siya.
Inabot ko ang resibo ng kaniyang break at umalis na siya.
Biglang nag rush noong alas tres ng hapon. Biyernes kasi at karamihan sa mga estudyante ay half day lang ang klase kaya dagsaan nanaman sila dito para kumain o di kaya'y tumambay kasama ang barkada. Seryosohan na kami dito sa counter dahil may hinahabol kaming oras.
Habang nagti-take ako ng order, bigla nanamang sumulpot sa gilid ang asungot na si Stan. Pansamantala kong binaling ang atensiyon sa kanya.
"Rice para sa senior." sabi niya at inabot sa akin ang fifty pesos.
Tinanggap ko naman 'yon at mabilisang pinindot sa POS ang dalawang rice. Binigay ko ang resibo sakanya at muling inasikaso ang customer sa harap.
Ilang minuto lang ang lumipas at nandito na naman siya sa gilid ng counter. Wala na masyadong pumipila kaya muli ko siyang binalingan.
"Ano?" tanong ko.
"Apat na rice para sa senior." sabi niya at inabot naman ngayon ang one hundred pesos.
Tinanggap ko ulit 'yon.
Habang pinipindot ko yon sa POS, napansin ko ang nakapilang grupo ng highschool students na panay ang kuha ng picture sa banda niya, o siya talaga ang kinukunan nila?
Nilingon ko naman siya na walang kamalay-malay at naghihintay lang nitong order.
Umiling ako. Kawawa naman ang mga nagkakagusto sa payatot na to.
Kumunot ang noo niya sa akin na parang nagtataka. Mas lalong nadedipina ang makakapal niyang kilay dahil don. Tinaasan ko muna siya ng kilay bago nilapag ang resibo sa counter top. Kinuha niya yon pero may pagtataka parin sa mukha nang umalis.
Agad kong binalik ang tingin sa mga estudyante. Nakapila na sa harapan ko ang babaeng kumukuha ng picture kanina.
"Hello Ma'am, may I take your order?" nakangiting bati ko sakanya.
"Ate, si kuya crew daw ang order niya." singit nong isa niyang kasama at nagtawanan sila.
"Naku ate huwag kang maniwala sakanila!" halos namula na siya sa hiya.
Hilaw akong ngumisi. Natawa nalang ako sa isipan ko.
Kung alam niyo lang girls. Huwag kayong papaakit sa asungot na kagaya niya. Papaiyakin lang kayo non!
Kinuha ko ang order nila at pagkaabot ko pa lang ng resibo ay todo tanong nanaman sila.
"Pero ate, ano po pangalan ni kuya? Ano pong Facebook niya?"
"May Instagram po ba siya?"
"Oh Twitter!"
Pang-iintriga nila sa akin habang hinihintay ang order. Sasagot na sana ako ngunit biglang tinawag ang order number nila kaya umalis din sila.
"Sinong mga yon? Kilala mo?" tanong ni Leslie.
Nilingon ko naman siya. Wala ng mga nakapila sa amin at nagpupunas nalang kami dito sa counter dahil malapit ng mag-out.
"Hindi naman. Mga taga NWest Academy, may crush ata sa lobby person natin."
Kumunot ang noo niya.
"Si Stan?"
"Oo." tango ko.
Nakita ko kung pano tumaas ang kilay niya at agad na dumako ang tingin doon sa mga estudyanteng nakaupo na ngayon sa mahabang mesa. Medyo natawa pa ako, buti nalang napigilan ko nang tumingin ulit siya sa akin.
Kakausapin ko talaga 'to mamaya pag out. Halatang may gusto rin siya kay Stan, at kailangan niyang matauhan.
Pero sandali!
Ano bang pakialam ko? Ano naman kung tuluyan na siyang mahulog sa asungot na 'yon?
Pero sige pa rin. Matalino pa naman itong si Leslie, sayang lang kung mapupunta siya sa isang asungot.
Para man lang matauhan siya.
Pagkatapos ng shift ay nagpaalam agad ako para makapagturn-over.
Sabaw na sabaw na talaga ako sa sobrang pagod. Napindot ko kasi 'yong icon ng burger kanina kahit wala namang umorder. Lutang na talaga ako kaya pinagalitan ako ng very slight ni Ma'am Monique. Ngayon ay babawi ako sa turn-over para di na ma bad shot.
"Ako nalang magmomop Les." sabi ko kay Leslie na may hawak nang walis.
"Okay." sang-ayon niya at sinimulan ng walisin ang sahig.
Pumunta ako sa likod para sana kumuha ng mop. Kaya lang walang ni isang mop ang nakasabit doon. Puro walis lang. Naisip ko sa kitchen, kaso bawal pala ang mop don sa counter.
Naramdaman kong may tao sa likod. Lumingon ako at agad na kumabog ang dibdib ko nang makitang si kuya Allen yon. May dala siyang mop, kaso di pwede pang counter.
"Out mo na rin Adee?" tanong niya sa akin ng maisabit niya ang mop sa holder.
Hindi ako makagalaw sa sobrang lapit niya. Naaamoy ko pa ang breader sa damit niya, pero bakit ang bango niya parin para sa akin?
"Magtuturn-over pa ako kuya." sabi ko habang nagkukunwaring may hinahanap sa sink.
"Ah, sige una na ako." paalam niya saka umakyat na sa hagdan.
Napapadyak nalang ako sa kilig. Nakita pa ng isa naming manager at tinawanan lang ako. Nag-peace sign ako sakanya at bumalik sa harap. Tapos na si Leslie sa pagwawalis, mop nalang ang kulang kaya nauna na siya sa taas dahil ako naman ang nakatoka sa mop.
Dumiretso ako sa lobby at hinanap si Stan. Nakita ko siyang nagmomop malapit sa cr. Nagtuturn-over din siguro.
"Psst, pahiram ng mop." sabi ko ng makarating sakanya. Natigil naman siya at nilingon ako.
"Stan ang pangalan ko." sabi niya at bumalik sa pagmomop.
Ano namang trip nito?
"Alam kong Stan ang pangalan mo, lutang ka ba?"
"Oh alam mo pala. Eh bakit mo ko sinisitsitan?" kunot noong tanong niya.
"Wow ang sensitive ha! Sorry na po Stanley!" sarkastiko kong sagot.
Agad niya akong sinamaan ng tingin. Sa tagal na naming nagbabangayan, alam ko na kung anong nakakapagpaasar sa kanya. Syempre kagaya ko, ayaw niya ring matawag sa kaniyang buong pangalan.
Ano ka ngayon ha? Quits!
"Manghihiram ka ba o mang-aasar lang?"
Namilog ang mata ko sa tanong niya. Walanghiya, binalik ba naman sa akin ang mga linya ko?
"Oh bakit, ano naman ngayon? Huwag ka ngang pikon! Asar talo ka pala eh!"
I crossed my arms.
"Ah... Gusto mo palang magkapikunan tayo ah." sabi niya, tila nahamon.
Binitiwan niya ang mop at sumandal siya sa pader ng cr, humalukipkip.
"Crush mo ko no?" maangas na tanong niya.
"Hoy! Anong klaseng tanong 'yan? Huwag ka ng mangarap na magugustuhan pa kita!"
"Bakit ka pupunta dito kung wala kang gusto sa akin? Kunyari pang nang-aasar."
Aba't binabaliktad pa ako ng asungot na to.
"Para kang tanga manghihiram ako ng mop! Alangan naman ang mop pa ang lumapit sa akin? Huwag ka ngang masyadong assuming!"
"Daming sinabi, napaka defensive pa. Huwag kang mag-alala, di ko ipagkakalat na crush mo ko." mayabang niyang sinabi.
Bwesit! Punong puno na talaga ako sa asungot na to. May araw ka rin sa akin.
"Nang-aasar ka na niyan? Tumigil ka nga, utak mo may ubo!" inirapan ko siya.
Agad kong kinuha ang mop at padabog na naglakad palayo sa kaniya.
"Teka hindi pa ako tapos!"
Hindi ko siya nilingon. Diretso lang lakad ko para malinisan na ang mop sa likod. Gusto ko na talagang umuwi at ayaw ko ng maabutan mamaya sa taas ang pagmumukha ni Stan, at baka masabunutan ko lang ang buhok niyang parang noodles na sabog.
Matapos kong magturnover ay umakyat na ako sa crew room. Naabutan ko pa si Leslie na may ginagawa sa kanyang cellphone. Naalala ko nanaman tuloy ang balak ko sa kanya.
"Sabay na tayong bumaba Les."
"Sige." tipid niyang sagot. Hindi parin natatanggal ang mga mata sa cellphone.
Kumunot ang noo ko dahil doon. At dahil natural akong maintriga, kinuha ko na ang bag ko sa locker at nagtungo sa cr. Nakasandal si Leslie malapit sa pintuan kaya pasimple ko namang sinilip ang ginagawa niya.
Nanlaki nalamang ang mata ko nang makita kong iniedit niya ang picture nilang dalawa ni Stan. Pinagtabi pa niya ang solo selfie nilang dalawa para magmukhang iisang picture lang sila.
"Crush mo si Stan?" hindi ko napigilang itanong.
Mukha naman siyang nakakita ng multo sa sobrang putla nang bumaling siya sa akin.
"Bakit ka sumisilip?!" medyo galit niyang tanong at napaatras pa.
"Anong nagustuhan mo sakanya?" tanong ko pa.
"Bakit ba? May crush karin naman kay Kuya Allen ah!"
"Magkaiba sila ni Kuya Allen okay, eh siya, sigurado ka bang seseryosohin ka niya?"
Kumunot ang noo niya.
"Crush lang naman eh, bat ka ba nakikialam?" iritado niyang sagot.
Natigilan ako doon.
Yeah right. Bakit ba kasi big deal 'to para sa akin? Ano namang pakialam ko diba?
Pero kasi, gusto ko lang naman talaga siyang tulungan. Ayaw ko lang namang umiyak siya dahil sa asungot na yon.
Ah bahala na nga kayo diyan!
"Grabe naman sa nakikialam, tutol ba yarn? Concern lang ako girl. Alam mo naman yan si Stan may pagka playboy standing. Pero support kita sis." tipid ko siyang nginitian at tumungo na sa locker.
"Talaga?" excited niyang tanong.
"Oh." tango ko ng hindi siya nililingon.
Kinuha ko ang aking bag para makapagbihis na sa CR.
"Pero Adee..." medyo kabado niyang sambit sa aking pangalan. Lumapit siya sa akin at umangkla sa isang braso ko.
"Huwag mong sabihin ha... Pag ito nalaman niya, magagalit talaga ako sayo. Kasi ibig sabihin sinabi mo na siya ang crush ko." ngumuso siya.
Ngumiwi ako at tinanggal ang braso ko sa pagkakabit niya.
"Bakit ko naman sasabihin? Hindi kami close noh! Atsaka kung ano man ang balak niyo sa isa't-isa, aba wala na akong pakialam diyan. Bahala na kayo, malalaki naman na kayo." sabi ko at sinarado ang locker para tumungo na sa cr.
"My gosh, bakit ba ako nagpapakastress sa kanila?" naitanong ko nalang sa sarili.
1 note
·
View note
Text
CHAPTER 2 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Kinabukasan ay maaga nanaman ako sa store. Wala kasi kaming pasok sa last subject kaya dumiretso na ako sa store para maki wifi na talaga. Hindi kasi ako nakagamit kahapon dahil sa asungot na si Stan.
Inabot ko kay kuyang guard ang tickler. Nagtanong narin ako.
"Kuya may copy ka po ng sched?"
"Oo bakit?"
"Ah, pwede pong patingin saglit?"
Nanliit ang mga mata niya. Parang naghihinala pa sa binabalak ko. Pero inabot niya parin sa akin.
"Oh, CE/Prep siya ngayon." sabi niya sabay turo sa schedule ni kuya Allen.
Nanlaki ang mata ko at medyo nahiya pa na alam niyang schedule ni kuya Allen ang sadya ko.
"Alam ko na iyan. Huwag kang mag-alala, safe ang secret mo sa akin." kumindat pa si kuyang guard kaya napatawa ako.
"Oy anong secret yan?!-"
"Ay tiyanak!" biglang sigaw ko.
Nagulat nalang ako na nasa tabi ko na pala itong asungot na si Stan. Tumaas ang kilay niya sa akin.
Mukhang kadarating niya lang. O baka narinig niya ang pinagsasabi namin dito?
Pero wala namang kaso sa akin iyon. Alam naman ng lahat, kalat na kalat pa nga sa mga crew na crush ko si kuya Allen, siya nalang siguro ang hindi nakakaalam. Ang manhid ba naman kasi.
"Kuya Allen? Eh hindi naman secret yon kuya guard." natatawang sabi nitong si Stan saka naupo sa katabing mushroom chair.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh halos maglaway ka nga lagi tuwing nakatingin sa kaniya. Kung aminin mo nalang, tutulangan pa kita!" mayabang na alok niya.
"Tumigil ka nga. Hindi ganoon kadali 'yon no." umirap ako.
"Anong hindi madali don? Eh aaminin mo lang naman, 'Kuya Allen, I crush you' oh tapos!"
"Anong tapos? Tanga ka ba?" iritado ko siyang binalingan.
Ngumisi lang siya at nagkibit balikat. Humalukipkip naman ako.
"Palibhasa, hindi ka maka-relate don. Wala naman kasing may crush sayo!"
He raised a brow and shifted on his seat.
"Excuse me?" kunyaring offended na tono niya.
"Kita mo ba yang OT sa counter?"
Napalingon ako doon at nakitang si Leslie ang tinutukoy niya. Siya lang naman ang nasa R01 ngayon.
"Oh! Dont tell me crush ka niyan?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumikhim siya at bahagyang lumapit sa akin.
"Well, hindi naman sa pagmamayabang pero..."
Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok bago muling nagsalita.
"Habulin ata to." turo niya sa sarili.
Ngumiwi ako at nandidiring lumayo sa kanya. Malala na talaga ang kahanginan ng lalaking to!
Binalik ko ang tingin kay Leslie na pasimple ngang sumusulyap kay Stan habang nagtatake ng order ni customer. Should I knock some senses on her? Bulag ba siya or something?
Umirap ako "Malala ka na."
Tumayo ako para makapasok na sa loob. Pero bago 'yon, narinig ko pa siyang may sinasabing kung ano.
"Selos ka lang eh." bulong niya.
Iritado akong ngumisi. "Pagselosin mo yang mukha mo!"
Kainis talaga siya kahit kailan. At kung hindi ko pa nakita si kuya Allen sa crew room ay baka buong shift akong iritado. Buti nalang nandito si kuya Allen.
Ngayon ko lang din naalala na OT pala ako sa drive thru. Iniisip ko palang, halos mangisay na ako sa kilig.
Teka paano kumalma?!
Ang ibig sabihin lang naman kasi non ay buong shift kaming magkasama ni kuya Allen sa likod.
Damn lucky girl! I can't wait!
Kaya naisipan kong maglagay ng kolorete sa mukha para presentable akong haharap sa kanya mamaya.
Naglagay ako ng kaunting lip tint sa labi pati sa pisngi ko. Buti nalang pala dala ko itong paborito kong shade. Shade na pagmumukhain ka paring fresh kahit naglalapot na. Hindi naman ako palaging naglalagay ng foundation pero dahil special ang duty ko ngayon, naglagay ako ng kaunti lang naman.
"Magpagamit ka naman ng salamin Adee!" singit ni Ate Chinky sa likod ko.
Kanina pa pala sila naghihintay. Sorry kayo girls, dahil ako ang nauna. Naglagay pa ako ng mascara bago tinantanan ang salamin. At dahil maaga pa, nag-selfie muna ako sa may locker habang hinihintay yong iba na matapos.
I tried different poses and angles. Pout, sticking out tongue, one eyed. Mahaba-haba pa ang oras kaya naisipan ko munang magpost sa fb. Pinili ko 'yong picture na mukha akong nakapikit kahit na ngumiti lang naman. Medyo singkit kasi ako kaya tuwing ngumingiti o tumatawa, nawawala ang mga mata ko. Naka-peace sign ako sa may bandang noo doon sa picture. I posted it with a caption.
Adelaide Jane Silvestre:
peace amidst the chaos <3 #shift
Wala pang limang minuto ay biglang nag-ring ang notification ng phone ko.
Stanley Craig DelaTorre commented on your photo. I opened it.
Stanley Craig DelaTorre:
baba na daw #shift
I rolled my eyes. Papansin talaga kahit kailan. I type in a reply.
Adelaide Jane Silvestre:
ay sumasapaw?! #extra
Stanley Craig Dela Torre:
u welkam. baba na dw u
Ano daw? Napaka jejemon din talaga.
Hindi na ako nagreply at inaya ko nalang ang mga kasama ko na bumaba.
Nandoon na si Ma'am Monique, si Stan ay nakasandal lang sa may pintuan ng managers office. Medyo nailang pa ako dahil nakatitig lang siya sa akin habang bumababa at medyo seryoso pa. Wala naman siyang sinabi kaya hinayaan ko nalang. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya.
And as usual, briefing muna bago in. Si kuya Allen ay nasa station niya na kanina pa. Pinauna siyang mag in kasi wala atang opener doon.
Pagkatapos ng briefing, kanya-kanya na kaming dumiretso sa mga stations. Pumasok muna ako sa office para kumuha ng batteries para sa headset. Pagkalabas ko ay nandoon na si Stan, malapit sa may back sink.
Mukhang may hinahanap sa mga racks.
"Anong hinahanap mo?" kuryoso kong tanong.
"Iyong trash liner, nakita mo?" sagot niya habang halos tumuwad na sa paghahanap.
Umiling naman ako. Tutulungan ko sana siya kaso tinawag na ako ng ka-turn over ko. Hinayaan ko nalang siya doon at nagsimula ng magbilang ng pera sa kaha. Sinuot ko rin iyong headset.
Maya-maya'y napansin kong dumating si Leslie.
"Anong hinahanap mo Stan?" sa maliit na boses niyang tanong kay Stan.
"Ah, iyong trash liner Les." kamot kamot ang ulo niyang sagot.
Hindi ko na pinansin yon dahil may biglang dumating na naka kotse para umorder.
"Hello Good Afternoon, this is Adee! May I take your order?" masigkalang bati ko.
Kaya lang, hindi ako makapag concentrate.
Medyo maingay kasi silang dalawa sa gilid ko. Nasa 1 meter lang ang distansya nitong DT counter sa sink kaya naririnig ko parin ang bulong-bulungan nila. Buti nalang at burger and fries lang ang order ng customer.
"Proceed nalang po tayo next window para sa bayad, salamat!"
Napapansin ko sila sa gilid ng mata ko. Nagawa pang magharutan ng dalawa. Hindi ko sila matingnan kasi inaasikaso ko pa ang bayad ng customer.
"Proceed nalang po next window para sa order Ma'am. Salamat po!"
Inabot ko ang sukli sa customer at sinarado na ang bintana. Saka ko binalingan ang dalawa na naghahagikhikan parin.
"Hindi mo ba nakita? Nasa likod lang ng quarantile eh."
Tumawa si Leslie at sinabayan pa ng malulutong na tawa ni Stan.
"Oo nga eh. Buti nalang tinulungan mo ko."
Hindi ko namalayang, masama na pala ang tingin ko sa kanila. Sabay pa silang napalingon sa gawi ko.
"Oh, hi Adee!!" bati ni Leslie at kumaway pa sa akin.
"DT ka pala ngayon, kaya pala hindi ka dumiretso sa front kanina."
I fake a smile on her. Tumango ako.
"Out mo na ba?" kalmado kong tanong sa kanya.
"Oo."
"Nakapag turn-over ka na?" dagdag kong tanong, hinuhuli siya.
"Ay, oo nga pala!" gulat siya na parang nakalimutan na talaga ang gagawin niya dapat kanina pa.
Ayan! Kaharutan mo kasi.
Haharot na nga lang, sa isang asungot pa. Lumingon ako kay Stan na nakangisi habang inaayos ang liner sa trash bin. Bumaling siya sa akin at mas lalo pang ngumisi.
Nang-aasar ba to. Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Babalik ka pa ba sa harap Les?" tanong niya kay Leslie.
"Oo." si Leslie na may hawak ng mop at balde ng tubig na may sabon.
"Tara, sabay na tayo."
Para kay Leslie yon pero sa akin nakatingin.
Inirapan ko siya. Humarap na sa monitor at hindi na sila muling kinausap. Naramdaman ko nalang na wala na sila dahil bigla ng tumahimik sa area ko.
"Spoon and fork please!" rinig kong sigaw ng mga crew sa harap.
"Thank you!" pag-acknowledged ko.
Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong gawin 'yon.
Hahakbang na sana ako pero agad ding napahinto nang makasabay ko si kuya Allen.
"Ah..." hindi ako makapagsalita.
"Spoon and fork?" tanong niya.
Napatango nalang ako.
"Ako nalang sana gagawa." nahihiya kong sabi.
"Hindi ako na. Walang maiiwan dito, baka mapagalitan ka pa." mala-anghel ang boses niyang sinabi iyon.
Namilog ang mga mata ko at naramdaman ko nalang na biglang uminit ang pisngi ko.
Totoo ba to?! Concern si crush sa akin! Kurutin niyo nga ako!
"Ah, o-okay kuya." nauutal kong sagot.
Umatras ako. Ngumiti siya at dumiretso na sa sink. Bumalik ako sa pwesto at pasimple na lamang siyang pinagmamasdan habang naghuhugas ng kutsara.
Ang hot talaga niya. Iyong tipong nag fe-flex ang mga muscles niya sa tuwing hinahagod ng sponge ang mga utensils.
Parang gusto ko na tuloy maging kutsara.
Ang tahimik namin dito sa likod. Tanging tunog lang ng mga utensils ang maririnig. At kung hindi pa ako nakasandal sa pader ay baka kanina pa ako nakahandusay sa sahig. Hindi ko na kaya, parang sobrang pagkakataon naman ang binigay ni destiny para sa amin. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Buti nga hindi pa natunaw si kuya Allen sa mga titig ko eh.
Umalis na siya para ihatid ang mga utensils sa harap. Naiwan naman akong tulala parin. Hindi makapaniwalang kinausap niya ako kanina at magkasama kami dito sa likod.
Sa sobrang ganda ng mood ko, kusa na akong tumulong sa pag wrap ng rice. Hindi pa naman bumabalik si kuya at wala pa namang customer.
Pa hum hum lang ako dito nang biglang may tumulak sa akin.
"Aray!"
Napahiyaw ako sa sakit nang tumama ang puson ko sa kanto ng counter top na pinagpatungan nitong malaking rice cooker.
"Oops, sorry..."
Agad kong binalingan kung sino iyon.
What the!
Ang asungot nanaman na si Stan. Galing din niyang tumayming sa mood ko eh. In contrast pa nga.
Good mood ako kanina pero ngayon, bad mood na. Pambihira talaga.
"Nanadya ka ba?!" nanggigigil ko siyang kinumpronta.
Tumama ba naman sa akin yong dala niyang malaking trash bin, eh ang lawak ng daan! Ano siya, bulag? Feeling ko talaga sinadya niya eh.
"Kaya nga nagsorry diba, kasi hindi sinasadya-"
"Sus, deny ka pa eh halata namang sinadya mo rin!"
"Aba't namimintang ka nanaman ha-"
"Hindi bintang yon kasi totoo naman."
"Bakit may pruweba ka-"
Natahimik kami nang biglang dumating si Ma'am Monique para umawat.
"Bakit ba kayo nagsisigawan?! Tama bang nag-aaway kayo sa oras ng trabaho?"
Pareho kaming umiling.
"Sorry po Ma'am." sabay naming sinabi.
"IR kayong dalawa sa akin mamaya. Now, go back to your stations."
Napakurap kurap naman ako.
What? IR?
Aangal pa sana ako pero umalis na si Ma'am. Kaya binaling ko nalang iyon kay Stan.
"Kasalan mo 'to."
"Bakit ako lang? Ikaw nga itong sumisigaw."
"Bakit, sino bang nananadya na tamaan ako?" depensa niya.
"Nagsorry na nga diba, atsaka hindi ko nga sabi sinadya yon."
Sasagot pa sana ako nang sawayin na kami ng iilan sa mga crew. Umirap nalang ako at nag walk-out pabalik sa aking station.
Wala ni isa sa aming umimik. Tahimik siyang nagtatali ng trash liners na may laman. Samantalang panay naman ang irap ko kahit hindi siya nakatingin. Buti nalang at may dumating na customer, atleast, na-divert ang attention ko.
Nawala narin yon sa isipan ko dahil sa mga sumunod na oras, sunod-sunod na ang pagdating ng mga customers. Alas kuwatro na kasi at uwian na ng mga estudyante. Malapit kasi itong store sa isang private school kaya dagsaan ang mga estudyante dito tuwing sasapit ang alas kuwatro ng hapon. May mga parents ding sinusundo ang mga anak nila at napapadaan muna sa drive thru bago umuwi.
Alas sais y media na kaming nag out. Agad akong nagbihis. Suot ang maong na pantalon at t-shirt na sinuotan ko rin ng blue na crop cardigan, dumiretso ako sa tapat ng office para ipasa kay ma'am ang IR.
Nandito rin ang asungot na si Stan. Nakasuot na siya ng navy blue na t-shirt, black jeans at converse shoes.
He keeps on smirking at me while I was already torturing him with my glares.
"Stop smirking, you're so creepy!"
And so he chuckled instead.
Nanlaki ang mga mata ko. What the heck!
"Naka-drugs ka ba?!"
Tumawa lang siya at siya na ang kumatok sa pinto.
Masama ang tingin ko sakanya. Kahit pa noong pinapangaralan kami ng manager, at hanggang makalabas na kami sa store.
Nakatayo ako sa labas at diretso ang tingin sa harap. Tinatamad akong mag-commute kaya hihintayin ko nalang si papa para makauwi. Samantalang dumiretso siya sa kung saan nakaparada ang motor niya. Narinig kong umandar ito.
"Ano, hatid na kita?" alok niya at huminto saglit sa harap ko.
Bumaling ako sa motor niya. Ibang kulay na naman. Mahilig talaga sa mga motor ang asungot na to. Last week ibang model din yon tapos ngayon iba naman.
"Ayoko nga. Baka-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad siyang sumabat.
"Di 'wag." sabi niya sabay pinaharurot ng pagpapatakbo ang kanyang motor.
Napakurap ako nang maiwan mag-isa. Masama kong binalingan ang dinaanan niyang highway.
"Kainis talaga kahit kailan." sambit ko sa sarili ko.
Kung ano-ano nalang ang mga pinagbubulong ko sa gilid ng store para lang maibsan ang pagkainis ko sa kanya.
Di rin naman nagtagal ay dumating na si papa at nakauwi rin ako sa gabing iyon.
1 note
·
View note
Text
CHAPTER 1 | CRASHING AT YOUR SERVICE
Tirik na tirik ang araw at mag-isa ako ngayong naglalakad sa may gas station malapit sa pinagtatrabahuan kong fastfood chain. Dito lang kasi ako binaba nong driver kanina at may ihahatid pa sya doon sa kabilang kanto. Hindi na ako nagreklamo dahil maaga pa naman ako ng 30 minutes sa shift ko.
"Hello kuya!" masiglang bati ko sa guard nang makarating ako sa store.
"Oh Adee, ang aga mo ah! Alas dose pa duty mo diba?" napatingin siya sa relo niya.
Naupo muna ako sa mushroom chair at nilagay ang bag ko sa mesa.
"Opo." tumango ako. "Pero makikiconnect po muna ako sa internet." medyo pabulong kong sagot na agad niya namang tinawanan.
"Uy ikaw ha, isusumbong kita sa manager mo." pabirong banta niya.
"As if." umirap ako at kinuha na ang cellphone sa bag para sana mag facebook.
"Oh asan na ang tickler mo?" tanong niya agad nang makitang hawak ko nanaman ang cellphone ko.
Agad kong binaba ang cellphone at hinalungkat ang bag para hanapin ang tickler.
"Teka lang po kalma, eto na po magsusulat pa." ipinakita ko sakanya ang maliit kong notebook na sinusulatan ng mga gamit na nasa bag namin.
Sinulatan ko agad yon.
"Oh tingnan mo magsusulat pa tsk tsk." naiiling niyang sabi.
"Grabe ka kuya, maaga pa naman." angal ko at pinagpatuloy na ang pagsusulat.
Matapos kong papirmahan iyon sakanya ay nagpaalam na akong umakyat sa crew room.
"Good afternoon service! Good afternoon ma'am!" masayang bati ko sa mga crew na nasa counter station at sa manager.
"Good afternoon!" bati naman nila.
We are always reminded to respect each other and to respect our workplace as well. And greetings is our another way of saying that we are 'happy to serve' the customers during our shift. Kaya kung ano man yang pinagdadaanan mo bago ang shift, hindi mo na dapat dalhin sa loob kapag on duty ka na.
"Good afternoon kitchen!" bati ko sa mga kitchen crew na busy masyado dahil puno ng red boxes ang monitor nila. Start na kasi ng rush hour dahil lunchtime na.
Tumunog ang timer ng fries kaya inangat ko muna 'yong basket at pinatay ang timer bago dumiretso.
Binati ko lang ang mga nadadaanang crew patungo sa hagdanan at nang nasa paanan na ay kumaripas na ako ng takbo pa itaas. Mistulang exercise na rin yon. Nasa second floor kasi ang aming crew room.
Pagkaakyat ko sa taas ay agad akong napahinto ng maamoy ang pamilyar na amoy ng pabango. Napalunok ako nang makita si kuya Allen na mag-isa lang dito.
Maaga rin siya ngayon... o lagi naman.
At nagsisimula na namang maging abnormal ang tibok ng puso ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilang mangiti.
Si Kuya Allen ay matagal ko ng crush dito sa store, pero sa mahigit isang taon ko na rito ay hindi ko parin magawang ipagtapat ang feelings ko sakanya. Nahihiya ako at medyo naiilang kasi mas matanda siya sa akin ng ilang taon. At feeling ko inappropriate 'yon sa trabaho. Kaya tinatago ko nalang. Kontento na rin kasi ako na makasama siya sa halos lahat ng shift.
Nakatalikod siya noong una, nakaharap sa locker pero agad ding napalingon nang mapansin ang presensya ko. Tipid siyang ngumiti sa akin.
"Hi Adee." normal niyang bati.
Ngumiti naman ako at akmang sasagot na sana, nang bigla akong mapatili sa pagkakatulak ng kung sino mang nasa likod.
Agad kong nilingon kung sino iyon. At nang makita ko na, ay madrama akong umirap.
"Aray ha!" sarkastiko kong bungad sakanya.
"Tss, paharang harang ka kasi." suplado niyang balik.
Nanlaki ang mata ko at mas lalong uminit ang dugo sa sinabi niya. Sinundan ko siya patungo sa locker.
"Pwede naman kasing mag excuse diba?!"
I heard him chuckled. He glanced at me.
"Kalma, puso mo." ngumisi pa siya.
At nagawa niya pang magbiro samantalang nanggagalaiti na ako dito sa sobrang pagkainis sa kanya.
Kahit kailan talaga, umeeksena itong si Stanley Craig sa mga shift ko.
Kung hindi mangungulit, mang-aasar naman o di kaya'y magpapapansin. Sobrang bored na ata sa buhay at ako ang nakitang target ng kabulastugan. Kainis talaga!
"Ako na muna sa cr." deklara niya at nauna na nga sa cr.
Aangal pa sana ako nang muling sumuwang ang ulo niya sa pinto sabay sabing,
"Thank me later." kumindat pa ang mokong. Napailing na lamang ako.
Huli na ng mapagtanto ko iyong sinabi niya. Kasi halos manigas ako nang mapansin kung gaano ako kalapit kay kuya Allen. Nakaupo na siya ngayon sa upuang malapit sa may cr, at nakatayo ako ngayon sa pintuan nito. Mga nasa 1 ruler nalang ata ang distansiya namin. Mas naamoy ko na ang pabango niya.
Hindi naman siya lumingon kaya malaya kong nakikita ang pinapanood niya sa kaniyang iPad. Anime ata. Ilang minuto din akong nakatayo lang doon at walang maintindihan sa palabas. Di bale na basta masilayan ko lang ang likod ni crush.
Maya-maya'y nakarinig ako ng mistulang ungol galing sa loob ng cr.
Teka?
Ang tagal naman nito ni Stan sa cr.
Di kaya...
"Hoy Stanley, anong ginagawa mo diyan!?" sigaw ko at kinalabog na ang pintuan.
Bumukas naman iyon at bumulagta sa harapan ko si Stanley na hindi pa nakakapag zipper ng pants. Agaran naman ang pag-angat ko ng tingin sa kanyang mukha na nakataas ang kilay at naghihintay lang sa ibubuntong ko.
"Anong ginagawa mo diyan sa loob?!"
"Nagbibihis?" he answered like stating the obvious.
"Eh bakit may umuungol?!"
Kumunot ang noo niya.
"Anong umuungol, wala naman."
"Ano pala iyong narinig ko?! Im sure ikaw yon at baka kung anong worldly things na ang ginagawa mo diyan! Deny ka pa, huli ka na boi! Kadiri ka talaga... " I said as I crossed my arms, akala niya ha.
Ngumiwi siya.
"Teka huwag ka ngang nambibintang!"
"Hindi ako nambibintang kasi totoo namang may ginagawa kang kamanyakan diyan."
"Bakit may pruweba ka ba?" depensa niya.
"Whatever." umirap na lamang ako.
Unti-unting naningkit ang mata niya. Kinilabutan ako sa mapanuksong ngiti niya sa akin ngayon.
"Oh baka naman... ikaw... itong gustong umungol. Kunyare ka pa, gusto mo sigurong paungulin kita?"
At sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay agad ko siyang nasapak.
"Walanghiya, bastos ka talaga! Umalis ka na nga diyan!" singhal ko.
Halos bugbugin ko na siya samantalang paigtad-igtad lang siya at natatawa pang lumabas sa cr.
"Kuya Allen help!" kunyaring paghingi niya ng tulong kay kuya Allen.
Natatawa lang na umiling si kuya Allen sakanya.
Buong puwersa ko pa siyang tinulak hanggang sa makapasok ako sa loob ng cr. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag na huwag mong subukang sumilip!" I warned him.
He only mocked at me.
"Ano namang sisilipin ko diyan?" sabi niya na dumako pa ang tingin sa dibdib ko. And in disbelieved, I forcefully throw the almost empty tissue and was now glaring at him to death.
"Bwesit ka talaga!" halos isigaw ko yon sakanya.
Padabog kong sinarado ang pinto.
Halos i-torture ko siya sa isip ko habang nagpapalit ng uniform namin na isang old red polo shirt na naka tucked-in sa itim na slacks. Sinuot ko ang itim kong flat shoes tapos sinuot sa bewang ang itim rin naming apron na may design na burger and fries. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumating na yong iba pa naming kasama sa shift.
Wala na si kuya Allen at ang asungot na si Stanley. Nauna na siguro sa baba.
Nag-antay kami saglit ng mga kasama kong babae sa taas bago sabay-sabay na bumaba para mag time-in.
Nakababa na nga ang asungot na si Stan. Parang tanga pa noong naabutan naming nag i-imaginary dribble malapit sa back sink. Inirapan ko siya at tahimik lang na naupo sa baitang ng hagdan. Napalunok pa ako sa kilig ng tumabi sa akin si kuya Allen.
Lutang ang isip ko habang hinihintay namin 'yong manager para sa briefing.
"Good Afternoon mid shift." bati ni Ma'am Monique sa amin.
"Ako ang magiging shift manager niyo samantalang si Sir Vic naman ang inyong counter manager. As usual rush hour, alam niyo na ang kaganapan pag ganitong oras. Lunch hour, gutom ang mga customer kaya malaki ang tendencies na mainit din ang ulo nila. Lalo na kapag mabagal ang service. Kaya run barbie run tayo mamaya okay. Always put in your mind our standards and just love your work. Because if we love our work... we'll strive to do better. Ayon lang, pasok na." pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumalik na ito sa harap.
Naunang mag time-in si kuya Allen. Uminit ang pisngi ko nang medyo tumama sa ilong ko ang braso niya. Ang bango. Hindi pa ako agad nakagalaw noong natapos siya.
Mabilis nga lang napalitan ng inis iyong kilig ko dahil sa asungot na si Stan. Ingudngud ba naman ako sa wall para OA na makapagtime-in. Ayaw ko na sanang patulan kaya lang, extrahirada pa itong tumingin-tingin sa mga papel na nakasabit. Natakpan tuloy ang machine.
"Umalis ka diyan pwede ba!" pilit ko siyang tinulak kaya medyo na-out balance pa ako.
Buti nalang hawak niya ang kamay ko.
Teka?! Anong hawak ang kamay?
"Ew!" agad kong binawi ang kamay ko.
Kadiri talaga 'to.
"Arte."
Hindi ko na siya pinatulan pa. Dumiretso na ako sa harap para simulan ang trabaho. Order Taker ako ngayon kaya boses ang labanan sa rush hour. Presence of mind din sa mga order na binabanggit ng customer.
"Tapos ka na Les?" tanong ko kay Leslie na nagbibilang ng kaha niya dito sa likod. Hihiramin ko sana 'yong calculator.
"Hindi pa wait lang." sagot niya.
Tumango naman ako at sinimulan naring bilangin ang mga coins ko. Nilista ko muna 'yon sa papel. Tama naman ang bilang kaya pumunta na ako sa harap para maipasok na itong kaha sa drawer.
"Hello po good afternoon, may I take your order?" iyon agad ang bungad ko sa customer kasabay ng mga ngiti kong abot tenga na.
Naging busy kami sa mga sumunod na oras. Nang tumuntong ang alas dos ng hapon, doon lang ako nakapag break kasi wala na masyadong tao at kaya naman kahit isang OT lang.
Sa party area ko naisipang kumain, kaya noong maabutan ko si Kuya Allen doon ay medyo bumagal ang hakbang ko papasok. Nagbreak din pala siya, pero mukhang tapos na. Ubos na kasi ang pagkain sa kaniyang red plate at nasa hawak na keypad ang buong atensyon. Mukhang may katext.
Halos malagutan ako ng hininga nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Pahirapan pa akong lumunok bago naupo sa kabilang mesa.
"Kain po kuya..." sa mahinang boses kong alok sakanya.
Tumango lang siya at ngumiti. I smiled back and started eating my meal silently.
"Sige Adee, balik na ako." paalam niya.
Tumango ako at tahimik siyang pinagmasdan palabas. Halos hindi ko pa masubo ang kanin nang makaalis na siya.
Bihira lang ang mga ganitong pagkakataon sa shift namin. Masyado kasi akong low-key at inaasa nalang sa destiny ang feelings ko para sakanya. Kaya may baon nanaman akong kilig para sa araw na 'to.
Mukha na nga akong tangang nakangiti dito. Ngunit naistorbo lang sa padabog na pagkasarado ng pintuan nitong party area.
My eyes immediately went daggers when it landed again, to none other done,
the most annoying person in my shift.
Stanley!
May dala siyang mga red plates at mukhang dito niya iba-bash out. May basurahan rin kasi dito at malapit lang siguro.
"Ba't nagdadabog ka?!"
Nakatalikod na siya sa akin at napalingon lang dahil sa tanong.
"Hindi naman dabog 'yon, kita mong may mga dala ako?"
"Ah galit ka? Ikaw na nga itong nakaistorbo!"
"Hindi ako galit. Atsaka..." humarap siya sa akin at humilig sa trash bin.
"...bakit ba lagi mo akong pinag-iinitan?" he was looking at me with a hint of amusement in his eyes.
"Crush mo ako no?" nakangising tanong niya.
"Gusto mo lang pansinin kita eh." dagdag niya pa.
My eyes widened with disgust. At talagang sinasagad ng asungot na to ang pasensya ko ah!
Inirapan ko siya at padabog na nagmartsa palabas. Wala akong panahong makipag-away sa isip batang ito.
"Uy silent means yes. Crush mo pala ako ha!" tukso niya.
Muli ko siyang binalingan.
"Crush mong mukha mo!" nanggagalaiti kong singhal na medyo narinig pa ng mga kumakain malapit sa party area.
I gave them an apologetic look. Dire-diretso akong lumabas, pero bago iyon ay narinig ko pa ang mumunting tawa ni Stan na mas lalong nagpahighblood sa akin.
Argh! Gusto ko ng umuwi!
.
.
.
(See pinned post for more details)
#teenfiction#fiction#story#love story#romance#writing#fastfood#french fries#burgers#sundae#aesthetic#crewmate#crew boys
1 note
·
View note
Text
STORY NAME: Crashing At Your Service
GENRE: Teen Fiction
COUNTRY: Philippines
LANGUAGE: Tagalog, English
STATUS: On-going
CHAPTER: —
MAIN CHARACTERS: Adelaide Silvestre, Stanley Dela Torre
RELEASE DATE: February 25, 2022
UPDATE SCHEDULE: Every Friday and Saturday
SYNOPSIS:
Stanley Craig Dela Torre is your normal affable, extroverted person. But no one knows he's a shy boy on the inside. He has a secret crush on one of the front station's service crew, and he enjoys annoying her to hide his true feelings.
Adelaide Jane Silvestre is a dedicated employee. She is a working student who makes every effort to help her parents. She's an excellent service crew that believes in herself more than anyone else. When it comes to love, she is rather strict, but she would be shaken when suddenly an annoying boy walked into her service.
Chapter 9
Chapter 8
Chapter 7
Chapter 6
Chapter 5
Chapter 4
Chapter 3
Chapter 2
Chapter 1

#fiction#teenfiction#fastfood#french fries#burgers#sundae#couple goals#story#service#crewmate#workmates#love story#romance#writing
3 notes
·
View notes
Text
To my favorite places 🖼️📚


1 note
·
View note