Ambivert | Nyctophilia Lisztomaniac | Carcoleptic A.walking.contradiction.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
So...
I’m having thoughts in posting stuff again. But this time, a more sensible blog posts.
A blog about self love. About self care. How I motivate myself. My do’s and don’t’s.
Probably to share my “hacks”, and help people my age in letting them know that they are not alone.
But in reality, it’s just really for me.
Something that I can read over and over.
Whenever I get lost.
1 note
·
View note
Text
Day 5
It was the 4th Musikamalayan in our school.
Apat na taon. Apat na taon na din kaming umaattend ng mga kaibigan ko.
Excited akong makarinig ng mga bagong kanta na isinulat ng mga estudyante na kahit busy at stressed sa pag-aaral, nandoon pa rin yung passion sa pag gawa ng kanta.
Sabay kaming pumunta ni Louie sa school. Everytime na tumatapak ako pabalik sa alma mater namin, ang weird sa feeling. Hindi ko alam kung sa maganda o sa hindi magandang paraan, pero basta. Weird.
Pinuntahan namin si Mhon sa gym kung saan ginanap yung event. At tsaka sabay sabay na pumunta sa Saucy. Nakahanda ang mahabang speech ko sa “bakit-hindi-ko-na-kailangang-mag-perform-this-time” issue, pero fortunately pinangunahan na ako ni Mhon na “Okay na, hindi mo na kailangan umakyat sa stage.” Ayos! Ito ang unang Musikamalayan na ma-eenjoy ko lang manood.
Dumating din sila Ate Shie na last Musikamalayan ko pa yata nakita. Marami din naman akong nakitang familiar faces, pero mostly hindi na ako pamilyar. Dalawang taon pa lang simula nang mawala kami sa school, pero ang dami na agad bago.
So matagal tagal din kaming nag hintay bago magsimula ang program. Hindi ko rin alam bakit nga ba maaga kaming pinapunta ni MhonV. Ah. Kasi dapat pala magpa-practice kami para sa kanta ni Cy. Pero dahil hindi nga tuloy, maaga pa din kaming napapunta dahil hindi ako informed.
Nagsimula yung event. Okay naman overall. It was fun watching, lalo na’t katabi ko si Ate Shie at marami kaming pinaglalaban sa mga nakikita namin sa stage. Ang nakakahiyang part is, ang dami kong daldal hanggang sa dulo ng program nang biglang lumingon yung nasa harap ko nang “Hi, kayo po si Ate Japs? Japs Concepcion? Yung kumanta po ng Mas Mabuti Pa? Hello po!” As in sobrang, SHET, HELP. Nakakahiya, nakakapanliit. Nakakasira ng image na wala namang image. Kapatid at bestfriend pala sila ng friend ng friend ko (gets?). Pero sobrang bait nila. Dinaan ko na lang sa ngiti, nagbabakasakaling wala silang narinig sa mga dada ko since malakas naman yung speakers ng program.
Honestly, I expected more sa entries for this year. But I’m happy with the results. Masaya ako na nakapanood ako ngayong taon. Sana sa susunod ulit.
0 notes
Text
Day 4
A week before ako mag-leave, nag hanap ako ng pwede kong pagkaabalahang seminars or workshop or kung ano man. Bukod sa naka-line up na gawain ko sa bahay, gusto ko sana na may mapuntahan akong workshop/seminar na may matututunan akong bago.
Naghanap sa google: “Workshops and Seminars for January 2018″.
Maraming lumabas. May Personality Development, Stock Market, Starting with Bitcoin, etc. May mga nagustuhan akong seminar kagaya nang soap making, t-shirt printing, floral arrangement, nude sketching, at iba pang craft. Pero panay February or September pa ang schedule. Negats.
Hanggang sa may nakita akong seminar na pwedeng pag-aralan at maging actual family business in the future: Wedding and Debut Planning and Coordination Seminar. January 24, 9-4pm. Ortigas. Ayos.
Humingi ako ng advice sa nanay ko para masigurong hindi masasayang ang registration fee na ibabayad ko. Nagustuhan din naman niya yung idea kaya nag-decide siyang samahan din ako. Dalawa kaming umattend ng seminar, at hinatid kami ni Kuya.
Isa kami sa pinaka maagang dumating. 30 minutes bago ang simula ay nakapasok na kami sa venue at nag register. All girls ang umattend ng seminar, at ako ang pinakabata. Meron naman ding mukhang bata. Pero siguro ang sinundan ko ay 28 na.
On time nagsimula ang seminar. Nagkaron ng introduction sa seatmate at ipapakilala kami ng seatmate namin sa lahat. 42 years old ang naka-pair ko, pero mukha siyang bata. May farm daw sila sa Bukidnon at iniisip na gawing event venue yung lugar nila. Natapos ang activity at natuloy na sa lecture.
Okay din, marami akong natutunan. Medyo mas nag-expect nga lang ako ng mas organized at detailed na lecture. But since they have a 2nd and 3rd module which costs 15K and 30K, malamang sa malamang ay patikim lang ang binayaran ko sa Module 1. Hindi na rin masama dahil nakakuha ako ng handout para sa basic program ng Wedding and initial prices ng suppliers. Bandang hapon nagkaron kami ng Human Bingo game. Lahat yata sila tumakbo sakin para pirmahan yung box na “Youngest in the group”, at dahil pabibo kami, nakakuha kami ng libreng pamaypay at keychain. Then lecture, lecture, lecture, certificate.
I feel refreshed. Feeling ko bumalik ako ng college. Nakakamiss pala yung na-aaral at interactive yung klase. Samantalang nung nag-aaral pa ako, excited na akong maka-graduate at magtrabaho. Pero ano na ngayon.
Madalas talaga na-aappreciate lang natin ang isang bagay kapag tapos na o wala na sa atin.
0 notes
Text
Day 1/11
First day of first leave.
Mahigit isang taon na akong hindi nag-leleave sa trabaho. Six times a week na pasok, isang beses na day off sa isang linggo. Hindi man sobrang bigat ng workload namin as photographer, iba pa din yung stress at pagod sa trabaho.
Isang taong mahigit, haharap ka sa iba’t ibang klase ng tao. Iba’t ibang klase ng parents, iba’t ibang klase ng baby. May mga araw na may gusto akong asikasuhin pero hindi pwede dahil sa mahabang proseso ng pag-file ng leave. O di kaya under staff. Kaya nang pumasok ang 2018, sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko ‘to. Kailangan kong magpahinga.
Kaya lesson number one for day one?
“Mahal ko ang trabaho ko, pero mas mahal ko ang sarili ko.”
... kagaya nang linya ni Bela Padilla sa upcoming movie niya. (Timing nga naman na nilabas ang teaser ng Meet Me in St. Gallen”.)
Most of the time, isinusubsob natin ang sarili natin sa trabaho for different reasons: kumita ng pera para makaipon, may problema sa bahay, gustong makalimot, aiming for promotion, earning experience, for good record etc. Pero ang nakakalimutan natin ang sarili natin. Siguro nga ngtatrabaho din tayo sa pansariling dahilan. Para may pang gastos. Para mag-grow. Para magkaroon ng purpose sa society. Pero hindi lang din siguro healthy na umikot na ang buhay mo sa trabaho, lalong lalo na kung hindi ka naman mahal ng kumpanya--- este trabaho mo.
Why miss the opportunity to learn other things, meet other people, spend time with your family, kung ang return lang naman sa’yo ng trabaho mo ay stress at sama ng loob? (Nasasabi ko ang mga bagay na ito ngayon, pero matapos ang 11 days ay subsob ulit ako sa trabaho, HAHA) But hey, at least I tried. Sinubukan kong kunin ang mga araw na dapat naman talaga ay sakin. Na hindi hawak ng trabaho. Na makapag-plano sa kung ano ang gusto kong gawin.
Kaya sa unang araw ng leave ko, natutunan kong mahalin ang sarili ko. Pumunta kami ng nanay ko sa malapit na parlor sa amin, nagpagupit, nagpalinis ng kuko. Nag bath scrub pag uwi. Nagbabad ng clay mask sa mukha. Nanood nang ‘Friends’ habang kumakain ng fruit salad. Kahit ano na makapagpapasaya sa akin na mararamdaman ko ang pahinga.
Na maramdaman ko ulit yung halaga ko. Ng AKO. Yung ako lang.
Ng Ako, pagkain, at pahinga.
0 notes
Text
I was raised to think that humans are supposed to be friends with people of the same sex. Tropahan lang ng babae, tropahan lang ng lalaki. Na kung babae ka at nakipagkaibigan ka sa lalaki, malandi ka. Bakla ka naman kung lalaki kang nakikipag kaibigan sa babae. Kagaya ng isang linya sa pelikula “men and women can't be friends“... daw.
But today, one of my male best friends is celebrating his birthday, and there are no right amount of words to express how thankful I am to have him as my friend, as a brother. We had are tough times, yes. Pero kahit na ilang buwan kaming hindi magkita o magkausap, alam ko sa sarili ko at panatag ako na I’ll always have a friend in him. Ang taong nagpapasensya kapag nagp-PMS ako. Ang taong mang-iinis sa pag-eenglish ko. Ang composer na willing akong maging interpreter niya (kung gusto lang naman niya, HAHA). Ang taong mag-aarrange ng mga kantang isinulat at isusulat ko. Ang taong pinanganak sa mundo para makagawa ng pangalan at makapag-contribute sa industriya ng musika. Maligayang kaarawan sa’yo, Mhonver. Sorry dahil alam kong hindi tayo masyadong nakakapag usap nitong taon na ‘to, pero susubukan kong bumawi sa third song na balak mo.
Cheers to more years! 🍻



0 notes
Photo

Dear Self,
I know you’ve been busy for the past months; a year actually. Your life revolves around work and house chores right after graduating. And the only time that you can give your self is when you tuck yourself in bed, have your fingerprint scanned by your phone, and talk to people you don’t know.
You feel empty, I know. But the fact that you can still interact with the people around you, giving them advice and sharing your thoughts in life... don’t you think you’re just over thinking? It’s mentally, physically and emotionally tiring, yes. But you’re brave. You’re tough. You are generous enough to not let your tiredness hinder you from making others feel that everything will be okay. That they’re not alone.
I know the most days you feel alone. At the end of the day, you’ll lock yourself in your room and lay down in bed realizing that you feel empty, alone and depressed. But that’s all right. It might be here for a while, but I promise you, you’ll pick up yourself. You’ll get up one day, feeling ecstatic of waking up realizing you’re self-contained.
Go on. Drown yourself to sleep today. And tomorrow, you better get your ass moving.
0 notes
Video
tumblr
Sa kabila ng mahabang araw, Sa kabila ng nakakaubos na usapan, Sa kabila ng pagod at gutom na kalamnan, Nakaw na oras pa rin ang hahantungan.
Nakaw na oras para matahimik na saglit. Nakaw na oras para isipin ang tama at mali Nakaw na oras para mahalin ang sarili.
0 notes
Text

“Bakit nga ba tayo naghihintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan? Kahit na wala naman tayong pinanghahawakan?
Kung tunay na pinapahalagahan natin ng oras, bakit natin tinataya ang taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, segundo sa tao o bagay na hindi natin alam kung kailan darating at kung saan?”
“Meron akong pinanghahawakan.”
“Ano? Gut feeling? Kontrata? Ano?”
“Salita.”
0 notes
Text
Hinanap ko ang rosas sa pagitan ng mga pahina, katulad nang kung paano ko hinanap kung saan nagsimula ang ‘tayo’ sa iyong mga salita.
Naalala ko kung paano mo ako pinakilig nung araw na binili mo ang mapupulang bulaklak. Kung paano mo sinabing uuwi ka na, pero bumalik ka na may dala-dalang supresa. Naaalala ko, katulad nang kung paano mo sinabi sa akin ang katagang ‘gusto kita’.
Inuwi ko ang mga bulaklak, kumuha nang tatlo sa dosena, at inipit sa kwadernong asul. Itinago ko, katulad nang kung paano ko itinago ang mga sulat mong ipinadala. Iningatang hindi mawala. Iningatang hindi masira, para pagdating ng panahon ay may babalikan akong magagandang alaala.
Lumipas ang araw, linggo, buwan, at nabulok ang mga rosas. Nabulok ang mga bulaklak at nabalewala. Parang ang pagsasama natin, nabalewala nang malaman kong sa puso mo hindi pala ako ang una at nag-iisa.
Nakalimutan ko ang mga natuyong talulot na-inipit ko sa kwaderno. Pero bakit ganoon? Hindi ko malimutan ang masasayang alaala, gayun din ang hindi maganda. Kaya nang minsan kitang maisip, hindi ko namalayang nakabaling pala ang aking mga mata sa kwadernong asul. Ngayon ko lang naalala.
Hinanap ko ang rosas sa pagitan ng mga pahina, katulad nang kung paano ko hinahanap ang sarili ko ngayon, sa kung saan ulit ako mag sisimula.
0 notes
Text
A-uno
...nanaman.
Tapos na ang buwan, at magkakaroon ng panibagong simula.
Parang kailan lang nang magsimula ang usap natin ‘nung nakaraang katapusan.
Puro kalokohan nga lang yata ang ating napag-usapan.
Pero bakit ganoon ang dulo, pareho tayong luhaan?
0 notes
Text
“Bakit ganon halos lahat ng horror film? Puro na lang babaeng nakaputi tas mahaba ang buhok yung multo.”
"Sige tara gawa ng horror film na kalbo yung multo.”
0 notes
Text

"Ayoko na.”
"Bakit?”
"Toxic na masyado.”
"Ang alin?”
"Ito. Kung anong meron tayo. Ikaw sa akin, at ako sa’yo. Toxic tayo sa isa’t isa.”
“Paano kung gusto kong malason?”
“Kahit na nakakasama na?”
“Kung toxic ka sa buhay ko, mas gugustuhin kong malason kahit ikamatay ko.”
0 notes
Text
Charlie

Gentle as your tone Charming as your name. Growing like your feathers And on my side you stayed.
My lips are on your soul Whispering a new song And slowly you were leaning To my collar bones
And now I start to cry
Let’s go back in time If only I can do it Wish we had more time I prayed that you could make it. But now it’s all goodbye I wish that I was on it. Oh Charlie, let’s go back in time.
2 notes
·
View notes
Text
“Liliwanag din ang buwan, Ang araw ay aking pagmamasdan. Liliit din ang kalawakan, At lalawak ang isipan.”
0 notes
Photo

You are a part of me. You shaped me. You never let go of that hope and trust, and a little pixie dust (just said it ‘cos it rhymed, HA).
I am truly grateful that I met you. I knew there’s something special in you. You have that talent, the capability to understand and push us to what we can do. I admit, I had my moment(s) of overthinking. Questioning why you do things your way. But now, right after I stepped my left foot out of our home, everything flashed right before my eyes. You were never that person who would want us to fail. In fact, you are the only strength that we have. Behind those words sharp as torn, I knew there’s a rose waiting. A good intention to make us better. To make us outstand. To save us from judgments. Just like how Harry was protected by Snape.
You are in fact one of the best person that I’ve met in the work place. The reason why it’s hard for me to let go of our family. Of you. I don’t want to leave (our team), and most of all I don’t want you to leave (the company). But we have our own reasons, and God knows why all of these are happening. Probably something wonderful is waiting for us. I know, and I’m sure it’ll be for the best.
So now that we’re going our separate ways, I’d like to remind you of the greatest advice you gave me on that Wednesday night...
“Pray.”
0 notes
Quote
She could shut out the whole world, including herself.
Alice Sebold, The Lovely Bones
Get the FREE Kindle Reading App
(via books-n-quotes)
1K notes
·
View notes
Quote
… And then it’ll hit you.
It’ll hit you when you’re shopping for paper towels and it’ll hit you when you’re loading your car with groceries. You’ll sit in your car and you’ll think about who you were last week and the week before that and so on until you finally get to who you were ten years ago,
and you’ll run your fingers through your hair. It’ll hit you.
It’ll hit you when you’re pulling into your driveway and it’ll hit you when you put the can of beans into the pantry.
You’ll look around your kitchen and glance out the mini window above the sink to see the grass outside.
It’ll hit you.
It’ll hit you that this is your life and you aren’t the person you were. You aren’t screaming into your pillow at 1am hoping it’ll help the pain. You aren’t staring in the mirror picking out every flaw. You aren’t holding your stomach as you cry, trying to muffle the sobs.
Instead, you’re shopping for new curtains and trying to figure out what pillows go best with your couch,
because this is your life now, and it’ll hit you.
You made it.
E. Grin (via written-in-pen)
8K notes
·
View notes