binuo mula sa mga salitang galing sa magulong isip at malungkot na gunita
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
The Science of Well-Being
Since I have all the time in the world by virtue of the ECQ, aside from signing up on an online dating app, I am taking the course The Science of Well-Being offered by Yale in Coursera.
I chose this course as an opportunity to allow introspection during this period. I know keeping sanity amidst this global pandemic is challenging so I am consciously taking active steps to keep my mental health in check. Moreover, I have always been interested about this course ever since I read an article that almost all student from Yale wanted to join this class every semester.
This online course is a breather from all the legal materials I am reading or trying to read during this ECQ. Folks, I hope you are all safe and have food in your fridge!
4 notes
·
View notes
Text
A struggle
slorny
sleepy and horny at the same damn time
153K notes
·
View notes
Text
Tuwing crunch time talaga ako nangangati... magsulat. Fuck.
0 notes
Text
Babalik na ulit ako sa’yo...
Hi! Ang tagal ko nawala. May nakapansin man o wala, hindi na ‘yon mahalaga. Basta magsusulat na ulit ako para sa sarili, para sa mga taong karapat-dapat na i-ukit sa memorya, at para sa mga pakikibakang magsisilbing paalala na nakakayanan ang lahat paunti-unti.
Quick recap lang tayo kung nasaan na ba ako ngayon haha
- sumablay na ako noong June hehe
- nag-aaral ulit ako ngayon
- i moved to Baguio City (from ST to Cordi real quick!)
- i miss elbi
- at dahan-dahan, natututunan ko na ang maging mas mabuti sa sarili
2 notes
·
View notes
Text
I binge-watched this TV series last night. My brain hurts after and it felt like it was on a loop but no regrets! I luv Jamal and Ruby! Plus it has really good soundtracks. AHHHHHHHH go check it out
1K notes
·
View notes
Text
Gusto ko lang din lumayo saglit. Palayo sa mga tao at responsibilidad ko sa mundo. Responsibilidad na makapagtapos. Responsibilidad na palaging i-compose ang sarili. Responsibilidad na hindi maging pabigat sa iba. Gusto ko lang uminom ng beer o kaya tequila, makipagkwentuhan sa taong may paki sa kalagayan ko, at umiyak.
Gusto kong umiyak nang hindi kailangan magpaliwanag kung bakit. Baka kasi hindi din ako makapagsalita gawa ng luha at sipon.
Sana pwede yun ‘no? Yung iiyak ka lang pero hindi kailangan mag-explain. Hindi ko na kailangan ng salita (dahil marami na ko nyan at malamang alam ko na yan). Yakap lang pwede na pero sana yung mahigpit at matagal.
2 notes
·
View notes
Text
PGT x Playgirls x Robin Padilla
*break muna sa writing challenge na nafail ko na day 3 pa lang ata haha*
Naisip ko, parang over-simplification yung pagtatanong ni Robin Padilla kung napilitan ba yung mga babae na suotin yung ganoong klaseng damit at ipakita yung ganoong klaseng "talent". Totoo ngang walang pumilit sa kanilang magperform sa PGT bagkus ay inimbitahan pa nga daw pero suriin nating mabuti yung mga naglalarong ideolohiya sa puntong ito.
Magandang tignan na kanino nga ba yung ‘power’ pagkakataong ito. Hindi ba may mas malaking mga institusyon na gumigipit sa mga kababaihan na tahakin ang landas ng mga ganitong uri ng trabaho? May iba ba talaga silang pagpipiliang trabaho na sasapat sa kanilang mga pangangailangan? Naisip ko lang na medyo gipit ang kababaihan pagdating sa uri ng mga trabahong inaalok sa kanila lalo na kung oras de peligro na at wala nang makain ang pamilya mo maging ikaw o kaya naman ay hindi nakatuntong sa paaralan. Katawan ang nagiging sagot sa kawalan ng trabahon. Kanino ba madalas ikabit ang prostitusyon?
Ngunit kung sa umpisa pa lamang, sariling dikta na ng kababaihan na ganitong tipo talaga ang tunguhin niya sa buhay, walang problema. Gusto ko lang suriin na hindi porket walang pumilit na magperform sila ay walang mas malaking kapangyarihan na nagtutulak sa kanila. Suriin kung yung mga uri ng trabaho na nilalatag sa harap nila ay hindi nilimitahan ng patriyarkal na lipunan.
1 note
·
View note
Text
Wala naman akong problema kung may jowa ka, ang problema ko lang roommate tayo tapos ang annoying ng boses mo kapag kausap mo jowa mo. Nagtthesis kasi ako tapos 29839283298392 times ko maririnig ‘yang ‘po’ at ‘opo’ mo. Naiirita ako. Jusko. May lobby naman tayo? May hallway? May labas ng dorm at doon kayo maghuntahan?
TANGINA, BAT BA NAIIBA BOSES NG MGA TAO KAPAG KAUSAP JOWA NILA? Science: Eh kasi mas attractive ang higher pitch na boses sa partners. Bwisit.
Naka-earphones na ako at nagpplay in maximum volume ng classical essentials playlist kaso naririnig ko pa rin siya betweeen intervals. Jusko. Tangina, alam ko liberal tong pagpopost ko ng rant imbes na sabihin sa kanya kaso wala talaga ako sa mood para sa confrontation.
Sana maubos load niyong dalawa.
2 notes
·
View notes
Text
Day 6 — What attracts you to someone?
Sa tuwing may magtatanong sa akin kung anong tipo ko, tatlong salita lang ang sinasagot ko.
Funny.
Mabango.
Smart.
Funny kasi iba yung kilig kapag napapatawa ka ng taong mahal mo parang mapapabuntong-hininga ka na lang sabay sabing “Tangina, ang sarap mo talagang mahalin.” Dati pa naman, malakas na yung dating sa akin ng mga taong funny kasi feeling ko ang intimate ng relationship kapag gets niyo na kung ano yung kiliti ng isa’t-isa. Ang sarap lang magmahal kapag alam mo yung timpla ng karelasyon mo, mas madali pagaanin loob ng isa’t-isa.
Mabango kasi partikular talaga ako sa amoy. Syempre, gusto ko naman siya yakapin at gusto ko magawa yun nang hindi ko kailangan maduwal. Basta mas dadali buhay naming pareho kung mabango kami. Hahaha.
Smart kasi gusto ko nakakausap ko siya nang matino, nang malaman, at nang may kwenta. Papasok din dito yung kung ano ba yung tipo ng pagiging funny niya kasi malaking usapin din yun. Hindi ko kailangan man maaappreciate ang rape jokes, sexist jokes, racist jokes, at iba pang kabobohang di ko alam ba’t nag-eexist pa rin hanggang ngayon. Ang laking hatak ng pagiging smart kasi binibigyan ko ng halaga yung kung ano bang matututunan ko sa magiging karelasyon ko. Gusto ko may mapulot ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Hindi book-smart, mas life-smart. Hahaha!
Hindi na ako masyado nagbabase sa pisikal na katangian, masyadong superficial at napakababaw na basehan para magmahal.
#day 6#day6#writing challenge#writing#spilled ink#thoughts#personal#prsnl#p#blog#filipino#pilipino#pinoy#funny#smart#mabango#hahaha
4 notes
·
View notes
Text
Day 5 — Bullet your day
1st class got cancelled
Instead of writing my thesis, I viewed workaway.info to check possible hosts in the future
Spent hours doing something not related to my thesis
Wrote only two pages for my thesis
Spaced out in my one and only class for today
Had coffee with friends
Ate a good lumpiang gulay
Went to my dorm’s open house
Joined Pinoy Henyo and lost (with a new friend)
Wrote this post
It seems a little boring in bullets but today is really a fun day!
1 note
·
View note
Text
Day 4 — Write 10 facts about yourself.
Failed na ako sa writing challenge na to. Hahaha. Pero sige ituloy na lang natin.
1. I like spaghetti sauce on pancakes.
2. I quit Twitter last year and I think its one of my best decisions in life (next to dumping my ex-boyfriend for good lol).
3. I am always willing to travel from Laguna to Baguio if I have the time and money because I love Baguio.
4. I am planning to go to law school after finishing my course program.
5. I am interested in indigenous culture.
6. I hate Facebook so much. I once deactivated my account for almost half a year but I had to go back because of school stuff.
7. Two of my goals in life is to find the best sisig and taste many different versions of pansit.
8. Whenever a person pisses me off I cut all means of communication and avoid that person at all cost.
9. My epitaph would be “Fuck, patriarchy!”
10. Babae. Palaban. Militante.
#writing challenge#day4#day 4#write#facts#writing#me#about me#sulat#personal#prsnl#filipino#tagalog#pilipino#facts about me#hi#hello
1 note
·
View note
Text
Day 3 —Talk about mainstream music.
Sa totoo lang, hindi ko magets yung hate sa mainstream music. Oo, kalakhan ng populasyon ang kumokonsumo sa mga ito. Oo, nakakarindi din talaga kapag paulit-ulit na naririnig dahil sa sobrang kasikatan pero hindi pwedeng itanggi na maraming mga kanta ang magaganda kahit mainstream sila. May issue talaga ako kapag usapin na ng paglalagay ng label kasabay ang pagdidikit ng mga negatibong aspeto sa mga bagay-bagay. Kapag ba ginusto na ng masa nagiging baduy na? Bakit? Kasi ayaw nating maidikit sa masa? Masyado namang elitista.
Hindi pwedeng angkinin ng indie ang mga dekalidad at magagandang kanta, gayon din ng mainstream. Ang hatiang ito ay pawang usapin lamang ng pera na kinakailangan para sa promotions, publicity, at record labels.
2 notes
·
View notes
Text
Day 2 —Where do you see your life in 10 years?
Day 2 pa lang, nagfail na ako. Hahaha. That says a lot about me and challenges, huh?
Siguro sa 2028, abogado na ako na may sariling law firm. Kami yung mga abogadong tumutugon sa hinaing ng mga indigenous people, mga bata, at mga kababaihan. Umaasa ako na hindi ako nagpakain sa sistema kaya linyado pa rin kahit papaano yung mga mithiin ko sa buhay. O mas mabuti, iba na yung sistema nun. Sana sa 2028, mas para sa masa na ang mga batas. Wala ng batas na may kinikilingan. Lehitimong restorative justice na ang pinapairal pagdating sa mga children in conflict with the laws (na siyang thesis ko ngayong undergrad, hehe).
Siguro may MA at PhD na din ako na tungkol sa indigenous at international studies. Malamang nag-aaral pa rin ako kasi iyon naman yung gusto ko talaga, patuloy na matuto ng mga kaalamanan sa mundo, sa buhay, at sa tao para makatulong na makatugon sa pangangailangan ng lipunan.
Sana masaya ako kung saan man ako mapadpad sa 2028. Sana marunong na akong magpatawad lalo na ang sarili kapag nagkakamali, marunong na akong tanggapin nang maluwag sa dibdib ang mga puna, at sana marunong na akong tumawid ng kalsada.
1 note
·
View note
Text
Day 1 - Describe your current relationship.
Ia-assume ko na ang hinihingi ng tanong na ito ay current romantic relationship, ok? Sa kabutihang-palad, wala akong jowa ngayon, isang taon na. Sa totoo lang, ayokong maging masama (kahit madalas masama talaga ako) pero ang saya nung napagtanto ko yung uri ng pag-ibig at pagtrato na deserve ko. Nagpapasalamat na lang ako na nauntog ako nang maaga at nilisan ang taong hindi nakakabuti sa pagkatao ko. Hindi ako nanghihinayang. Mas nanghihinayang ako na nawala yung phone ko last week, doon ko naranasan yung mixture ng galit at denial patungkol sa isang bagay pero hindi sa pagtatapos ng relasyon ko noong isang taon. Ganon talaga siguro kapag natauhan ka sa paraang katulad ng pagtama ng kumeta (o kubeta, alinman haha) sa’yo.
Matindi.
Masakit.
Pero sa huli, magpapasalamat ka sa kalawakan para sa kumeta/kubeta na pinadala nila kasi doon mo makikita kung ano yung pinapalampas mo dahil nakatali ka sa isang bulok na relasyon. Doon ka maliliwanagan kung paano ginagasgas ng tao ang salitang ‘patawad’ at doon mo mararamdaman lahat ng pagod.
Hindi ako nalulungkot dahil natapos na. Hindi ako nagagalit kasi nawala. Pero nanghihinayang ako sa oras ko. Kung inintidi at di ko pinalagpas yung mga red flags siguro naging mas mabuti para sa akin. Sorry, bobo pa ako nun sa kalakaran ng pakikipagrelasyon. Siguro ang positibong resulta lang ng lahat ay mas nakilala ko na ang sarili ko pagdating sa pagmamahal. Mas alam kung kailan bibitaw, kailan titigil, at kailan lalakad palayo nang hindi na muling lilingon pabalik.
Excited ako para sa sarili ko ngayong taon. Excited magmahal pero hindi nagmamadali.
Basta kids, maging firm sa paniniwala kung ano deserve mo bilang tao at karelasyon. Kung hindi maibigay ang mga ito, huwag matakot umalis. Hindi lang siya ang pwedeng magmahal sa’yo. Huwag matakot maglayag sa karagatan ng pagdududa nang mag-isa kaysa naman dumaong sa isang isla na puno ng hantik na kakain sa pagkatao mo. Isa pa, hindi excuse ang mental illness para mangterrorize ng karelasyon o ninoman. Hindi rin siya free pass kada may gagawing katarantaduhan. :)
1 note
·
View note
Text
I decided I will try to quit Instagram or at least try not to be so fucking active on that site so I am trying this 30-day writing challenge. In between my attempts to write my thesis and cure my ig withdrawal symptoms, I hope I can finish this one. This should be fun! Hehe.
30 Day Writing Challenge
Starting Sunday I’m going to do a 30 day writing challenge. This is what I’ll be writing about; if you’re interested you should join me!
Day 1 — Describe your current relationship. Day 2 —Where do you see your life in 10 years? Day 3 —Talk about mainstream music. Day 4 — Write 10 facts about yourself. Day 5 — Bullet your day Day 6 — What attracts you to someone? Day 7 —What sets you apart from the crowd? Day 8 —A band/musical artist whose music impacted your life. Day 9 —Someone you met randomly that’s made an impact on your life. Day 10 —What do you want to be remembered for? Day 11 —What was your first childhood pet? Describe it in detail. Day 12 —Discuss your favorite movie and why it’s so special to you. Day 13 —Write about your best friend (not significant other) and what makes them special. Day 14 —Describe a dark/turbulent moment in your life. Day 15 —How do you handle/deal with both success and failure? Day 16 —What is your biggest dream in life (what one great thing do you want to accomplish)? Day 17 — What WAS your biggest dream in life (you wanted to do as a kid but no longer can)? Day 18 —Write about 5 famous men you find attractive. Day 19 —Write a list of 25 things you want to do in your life. Day 20 —Write about the places you want to go to or move and what. Day 21 —What’s the most important thing to master in life? Day 22 —What are your spiritual beliefs? Day 23 —How have you changed in the past two years? Day 24 —Your views on cheating Day 25 —Tell the story of your first love and your first kiss. Day 26 —Write about your worst habit. Day 27 —Write a letter to your ex Day 28 —You read about yourself in your brother/sister, girlfriend/boyfriend’s diary. What did you read? Day 29 —Your views on drugs and alcohol. Day 30 —Epilogue: Write a letter to yourself.
826 notes
·
View notes
Photo
Baka pwedeng i-paskil ‘to sa kahabaan ng EDSA para naman mapagtanto ng kaibigan ko na hindi niya deserve maging second option ninoman. Para kada uuwi siya sa bahay nila, mababasa niya ‘to at baka sakaling tumagos sa kokote niya na, tangina, hindi mabuti yung kapag nasasaktan yung dati niyang karelasyon ay malaya itong bumalik sa kanya anumang oras na parang walang nangyari - na parang hindi siya iniwan. Pero ewan, baka ‘di ko naman talaga alam yung buong istorya. Baka may paliwanag naman talaga sa kung anong nangyayari sa kanila. Ok.
4K notes
·
View notes