Tumgik
#ang sakit nun ah
crooked-rookie · 9 months
Text
imagine being deteriorated in all aspects of your being because you're irrevocably in love with someone (couldn't be me)
5 notes · View notes
axxxexxxne · 5 months
Text
To My Only Sister
Mother's Day 2024 --
I saw you sa likod ng bahay. You parked your car sa likod and I suddenly got this sharp pain on my chest. Ang sakit. I came back inside right away and continued watching my anime to comfort me. I was watching them, I was laughing, but my mind was like "Ah.. so she can't even stand seeing my face now. She had to park sa likod just to avoid me." And I felt like shit.
I also felt bad for Mommy, Daddy, and Alden na naiipit satin. Especially Alden. He broke down lang nung isang araw cause he clearly was traumatized about our last argument. He said he kept replaying that scenario in his head a million times, trying to figure out if he could have said something else or done something else, but he never came up with anything.
We have always been opposites. Sa ulam na gusto. Sa boys. Sa ugali. We were never touchy feely. We never hold hands or hug each other when we're together. Kahit sa words hindi tayo malambing.
Pero I'm always happy pag magkakasama tayong tatlo. Kapag pinagtutulungan natin si Alden daganan sa kama. The game nights. Luto ng kwek kwek na matigas. Netflix marathons.
Kaya siguro ang sakit sakit nung dumating si James.
Binibring up ko na naman 'to kasi honestly I am still not okay from it. I honestly felt betrayed. I really thought na once you graduated, makakatulong ka na sa bahay. I actually told my boss na may possibility na mag quit na ko sa work around that time cause I wanted to go back to school. Kasi alam ko tapos ka na mag aral. Na ah, may sasalo na ng responsibilities ko kahit papano.
Pero wala pala.
The time you spent at home became less and less. There were weeks na uuwi ka ng bahay just to lock yourself in your room then Friday comes and you'll be spending it with James hanggang Sunday. I was upset. And also jealous. Super jealous.
Sana may freedom din ako like you. Sana pwede din akong magjowa without thinking about my responsibilities sa bahay. Na kung may maiaabot ba ko kay Mommy pag nangungutang sya. Or may pambayad ba ko ng bills.
I was so upset. And I tried telling this to Mommy pero what did she tell me? She told me "Ganun talaga. Ate ka. Intindihin mo nalang." WHAT KIND OF BULLSHIT WAS THAT?!
Ganun talaga...
Ate ka.
Kaya ikaw ang umintindi.
So I bit my tongue. Swallowed all these feelings and tried to be happy for me.
I am happy for you.
ButI was upset. And jealous.
Then fast forward na tayo sa ngayon.
The night before the parent's arrival, nasa video chat tayo. I was tired that day cause of work and I just needed someone to talk to. Ako lang mag isa nun sa bahay kasi nasa galaan na naman si Alden. Then Mommy asked me about Alden's baking, and nasa kalagitnaan na naman ako ng kwento when she interrupted me to joke about your nose.
To you, to other people, wala lang yun. She was making a joke e. But to me, it was so upsetting. I was super upset.
Kasi I felt like, once again, nobody's listening to me.
Binaba ko yung tawag kasi I was so upset that I started crying. And that's all I did that night. Cry. I felt so alone.
Kaya nung dumating ka sa bahay kinabukasan, naglilinis palang kami. I was still not okay about last night. You raised your voice and even walked out the two times I've voiced out my concerns of you not listening to me when I talk or interrupting you while I'm talking so I said to myself, okay Ayra just try to make it through this day. Just keep quiet and don't say anything because if you say anything magagalit na naman sya.
Then you said "Galit ka ba? Kung galit ka aalis na lang ako."
NA, TO BE HONEST??? SOBRANG NAKAKAIRITA PAKINGGAN. SOBRANG NAKAKAIRITA TALAGA.
Then I tried to hold it together para di nalang tayo mag usap. Kaya sabi ko sayo Masanay ka na ganito na ko. KASI NGA AYOKO NA MAKIPAG AWAY. KASI YOU ALWAYS GET MAD EVERY TIME I SAY SOMETHING.
Then you said "Okay aalis na lang ko."
That's when I fucking snapped.
Hindi mo man lang sabihin na "Okay, anong nangyari. Bakit ka ganyan?"
WHY IS YOUR SOLUTION TO FUCKING EVERYTHING IS RAISE YOUR VOICE AND WALK AWAY?!!!???
Then when I told you that I feel like you don't listen to me YOU FUCKING SAID NA IF YOU WANT SOMEONE TO LISTEN TO YOU, GO TO A THERAPIST?!
Ang sakit nun, Angela. Ang sakit sakit nun sakin.
Kasi here I was, pouring my feelings out to you, hoping you could comfort me and say "Ate, I'm sorry, I'll try harder to listen to you.", but instead YOU TOLD ME TO GO TO A THERAPIST. It was a fucking slap in the face.
It's like you saying to me na "NOPE. I DON'T CARE ABOUT WHAT YOU FEEL. GO PAY A STRANGER TO FIX YOURSELF."
Then you had a meltdown.
So great.
I found it super hypocritical of you to tell me to be honest with my feelings, to be open to you, and when I was, you shut me down, screamed at me and walked away.
Kapag namang ganito na may cold war tayo lagi ako yung unang nag approach.
This time I won't do it. No. Not this time.
Cause I'm still hoping that maybe you can finally listen to me. That maybe you can finally hear me when I'm not saying anything.
You've always been headstrong so hindi ko alam anong mangyayari saatin. Bahala na si Lord.
Miss na kita Chuy. But you've hurt me. Ang sakit. Ang sakit sakit.
I know I've hurt you too. I'm sorry.
I have to write this all here kasi kanina pa masakit yung dibdib ko. Feeling ko maatake na ko sa puso.
0 notes
04diacudiamat12 · 5 months
Text
Tumblr media
The pain from the past
By:Diana Cudiamat
PROLOGUE
“Ria, bilis na malalate na tayo oh” malakas na pagsigaw ni ate May mula sa labas. “Eto na po, palabas na”
Pagkatapos kong kunin ang bag ko ay lumabas na ako. “Oh ano wala ka ng nakalimutan?”tanong ni ate.”Wal--- nakalimutan ko yung selpon ko,sagllit lang ate” patawa tawa at patakbo akong pumasok sa bahay. “Bilisan mong kunin,late na tayo. Isabay mo naring kunin ang suklay dahil pati pagsuklay ay naklimutan mong gawin” narinig ko pang tumawa si ate bago ako tuluyang nakapasok sa loob ng bahay.
“Ano ba kasi ginawa mo kagabe at late kang gumising?”tanong ni ate habang nagmamaneho ng sasakyan. Si ate May ang kapatid ng pinakamatalik kong kaibigan, siya rin ang kasama ko sa bahay simula nung nakauwi ako galing Germany “May mga kinailangan lang tapusin ate’’ sagot ko naman habang nagsscroll sa facebook.
Eksakto namang dumaan ang isang larawan, larawan ng nakaraan. ‘Namimiss na nakita’ bangit ko sa aking isipan. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Gusto mo ba siyang bisitahin?” tanong ni ate. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin siya sa aking cellphone, tumango ako at pilit na ngumiti.
Pagkatapos naming magsimba ay napagdesisyon muna naming bumili ng isang kumpol na rosas, ang kanyang paboritong bulaklak. Paktapos bumili ay nagtungo kami sa isang lugar upang bisitahin ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. “Okay ka lang ba?” tanong ni ate. “Oo ate” sagot ko. Tumango siya at nagtagal ang katahimikan. Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ni ate, hudyat na may tumatawag. Nagpaalam siya sakin para sagutin ang tawag. Tumango ako at naglakad naman na siya palayo sakin.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagsimulang humakbang ang aking mga paa. Nang makarating ay agad na lumabo ang aking mga mata. Mata niyang naniningkit pag tumatawa, hagikhik niyang nakakahawa at ngiti niyang nakakapagtunaw.’Namimiss na kita’
1
Palabas na ako ng gate ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki kasama ang tatlo pang lalaki. Matangkad, malaki ang pangangatawan, moreno,matangos ang ilong,malalim ang mata at bagay na bagay ang kanyang gupit na buzz cut. Agad agad akong tumakbo para sundan siya. “Shaun!” tawag ko sa kanya ngunit hindi niya narinig kaya nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang iskinita na may kalayuan na sa paaralan. May kinuha ang dalawang kasama ni Shaun sa kani-kanilang bag. Isang kaha ng sigarilyo at bote ng alak. “Hoy, hoy ano yan aber?” sigaw ko sa kanila habang palapit ako. Narinig kong nagpabuntong hininga silang lahat “ikaw nanaman? saad ni Kael, isa sa kasama ni Shaun. Bilugan ang kanyang mukha,malalim ang mata, matangos ang ilong, may kahabaan ang kanyang buhok, at mestizo “Ano naman kung ako nanaman? kayo a dinadamay niyo pa si Shaun sa mga kalokohan niyo” Tinignan ko si Shaun ng masama kaya naman kinuha nya ang sigarlyong nasa bunganga niya at tinapon iyon sabay apak. Hinarap ni Shaun ang mga kasama niya “Sa susunod nalang mga gar” naglakad na siya patungo sakin at umakbay ng makalapit. Tinignan ko ng masama ang mga lalaki “wala ng susunod” sabay tumalikod.
“Ikaw ah, kung ano ano pinaggagawa mo. Lagot kayo pag nahuli kayo ni Tito Eddie” sabay pingot ko sa kanyang tenga. Agad naman syang lumayo sakin.
“Ang sakit nun ah, hindi naman kami mahuhuli kung hindi ka magsusumbong” sagot niya habang tumatawa sabay akbay ulit sakin.
“Ulitin mo pa at isusumbong na talaga kita” saad ko at umirap nalang siya sabay tawa. Baliw talaga ‘to wala namang nakakatawa pero tumatawa. Hayst!
Tawanan, kulitan at takbuhan ng kaklase ang umaalingawngaw sa loob ng silid paaralan. “Ria, pinapatawag ka sa guidance office” si Allyson ang class president. Kinabahan ako bigla, ito ang unang beses na pinatawag ako sa guidance office. Wala akong matandaang ginawa ko na maaaring rason para ipatawag ako. “Bakit daw?” tanong ko. “Hindi ko alam eh”. Tumayo na ako sa aking upuan at lumabas ng classroom at naglakad papunta sa guidance office. Habang naglalakad ay inaalala ko ang mga nangyari at hinahanap ko ang rason kung bakit ako pinatawag. Nadoble pa ang kabang naramdaman ko ng nasa tapat na ako ng opisina. Kumatok ako bago pumasaok.
Pagkapasok ko sa opisina ay agad na bumungad sakin ang matandang babae na nakasuot ng reading glass, kahit matanda na ay umaangat parin ang kanyang ganda. Maputi,matangos ang ilong at mahaba ang kanyang buhok na may kulay puti.
“Good Morning, Ma’am” ngumiti ako at bumati “umupo ka hija” habang patuloy parin siya sa kanyang binabasa,umupo ako sa katapat na upuan. Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinababa niya ang libro at humarap sakin. “Nabalitaan ko sobrang close kayo ni Shaun Javi” tumango ako “nais ko malaman kung bakit hindi siya pumasok ng isang linggo, may alam ka ba kung bakit hindi siya nakakapasok? Nabalitaan ko ring bumaba ang kanyang mga grado. Sayang naman kung mapapabayaan yun, siya pa naman ang nangunguna” Nagulat ako sa narinig, isang linggong hindi pumasok si Shaun? panong nangyare yun eh sabay kaming pumapasok sa school at bumababa ang marka?paano. “Paano pong nagyari yun eh sabay po kaming pumapasok at umuuwi po?” “Kung ganun maaari mo bang itanong kung bakit hindi sya pumapapsok sa klase niya?” “Opo Ma’am, kakausapin ko po siya” “Salamat hija” “Opo,mauuna na po ako Ma’am”.
Paglabas ko ng opisina ay tinignan ko ang relo ko, sampung minuto pa bago magsimula ulit ang klase. Naglakad na ako papunta sa klase ng mapadaan ako sa building kung saan hindi masyadong pinupuntahan dahil under renovation at yun ang pinakadulong gusali. Pinili kong dumaan dito para mas mabilis akong makarating sa classroom. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may mahagip ang mata ko si Kael na tumalon sa gate sinundan pa iyon ng isang lalaki at si Shaun iyon, hindi ako pwedeng magkamali. Tumatakas sila? Hayst! Susundan ko sana sila ng makita ko kung anong oras na, dalawang minute nalang magsisismula na ang klase, hindi ako pwedeng malate dahil kami ang unang magrereport. Tumakbo na ako papuntang klase at mamayang uwian ko nalang kakausapin si Shaun. Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa classroom nila Shaun, nagbabakasakaling pumasok siya. Hinintay ko siya sa labas ng classroom pero wala paring lumalabas hanggang sa kinausap ako ng isang kaklase niya. “Si Shaun ba hinahanap mo? hindi siya pumasok sa klase eh” sinasabi ko na nga ba at nagcutting nanaman siya. Humanda siya sakin mamaya. “Ah ganun ba? sige salamat ha” ngumiti at tumango siya, ako naman ay naglakad na paalis.
2
“Shaun! kausapin mo ako” pinilit ko siyang pinapaharap sakin. Nandito kami ngayon sa gym, alas singko na ng hapon kaya wala na ganung tao. Nakita ko siyang naglalaro magisa kaya sinubukan kong kunin ang pagkakataon para kausapin siya. Pinagpatuloy niya ang paglalaro na para bang wala siyang narinig kaya naman lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap niya.
“Ano bang kailangan mo Ria?”naramdaman ko ang inis sa kanyang tono ngunit ng mapansing nabigla ako ay agad ulit siyang nagsalita “pasensya na,masyado akong naging abala sa ibang bagay at hindi na ako nakakasabay sayo” mahinahon nyang saad na apara bang alam na alam niya ang rason kung bakit ako narito.
“Bakit ka pumasok ng isang linggo sa klase?alam ba ito ni tito?”tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako kahit wala namang nakakaiyak, dahil siguro ito ang unang beses na pinagtalunan namin ang ganitong bagay. Nang makita niya akong naluluha ay hinagis niya ang bolang hawak sa gilid ng gym.
Ito palang ang unang pagkakataon na magkakaproblema si Shaun na tungkol sa mga grado niya. Ang mga grado niya ay hindi na sigurado pa kung makakapasa lalo pa at graduating student’s kami. Alam kong napakahalaga kay Shaun ang mapasali sa latin honor pero hindi ko alam kung makakasali pa siya.
“Tulad ng sinabi ko, mas may importante akong pinagkakaabalahan” wala akong makitang bakas ng anumang emosyon ng binanggit nya ang mga salitang iyon.
“Mas mahalaga sa pangarap mong makasali sa latin? Hindi ko maintindihan Shaun ano bang ibang bagay ang pinagkakaabalahan mo at kaya mong ipagpaliban yung isa sa mga pangarap mo? Alam ko kung gaano kaimportante sayo ang mga grado mo at alam ko kung gaano mo kagustong maging top 1,pero bakit nagkaganito?anong nangyayare Shaun?hindi ka naman ganito dati ah! O baka naman tinuloy tuloy mo pa lalo ang pagbibisyo mo?” naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha kaya agad ko iyong pinunasan, nakaramdam din ako ng konting pagsisisi sa huling salitang binanggit ko ngunit hindi ko alam kung paano ko babawiin.
“Isa lang yun sa pangarap ko Ria hindi ang buong pangarap ko, kailangan kong isakripsiyo ang isa sa mga pangarap ko para matupad ko ang mas malaking pangarap ko. Tingin mo ba? Susukuan ko ang pangarap ko ng walang dahilan? Kilala mo ako Ria hinding-hindi ako basta basta sumusuko sa mga bagay” sa pagkakataong ito tuluyan na nga niyang hindi naitago ako pagkainis, muli siyang humarap sakin “At ano naman ngayon kung nagbibisyo ako?ano naman sa’yo iyon?” Nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata ngunit agad niya iyong pinawi. “Ano naman sakin yon? Shaun nag-aalala ako sayo, mali ba yon? Pasensya na ha kung masyado akong nag-aalala sayo at sa pangarap mo, hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla kang nagkaganyan eh, kasi hindi mo naman pinaintindi” hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong kumawala saking mga mata.
“Pasensya na Ria, kailangan ko ng umalis tsaka nalang tayo mag-usap. Umuwi kana” sinubukan pa niyang aluin ako ngunit umiwas ako. Bumuntong hininga siya at yumuko tsaka tuluyang naglakad paalis. Nakatulala lang ako pagkatapos ng nangyari, mahigit sampung taon kaming magkasama pero ito ang unang beses na nangyari ito.
Kanina pa siya nakaalis pero nakatitig parin ako sa pintong nilabasan ni Shaun.
Nasasaktan ako sa mga narinig, hindi siya si Shaun na kilala ko simula pagkabata. Nagbago na siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagdesisyon na akong umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong pumasok sa kwarto, pagkatapos kong ilapag ang mga gamit ko sa study table ko ay nahiga na ako, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Nagising ako dahil sa tawanang naririnig mula sa labas ng bahay kaya naman napagpasyahan ko nang bumangon, tumingin ako sa orasan na nasa study table ko, alas otso na pala ng gabi. Sumilip ako sa labas at nakita kong nagiinuman sina Papa,tiyo Eddie at iba pang kasama.
Pumasok na rin ako agad at dumiretso sa kusina para kumain. Biglang pumasok sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Shaun. Pinili ko nalang ipagsawalang bahala at nagdesisyong maligo pagkatapos kumain.
3
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok, dumaan ako sa bahay nila Shaun para sana magsabay kami kaso nauna na raw siyang pumasok. Nakikita ko siya sa loob ng campus pero pagdating sa hapon ay hindi ko siya nakakasabay sa paguwi dahil nauuna siyang umuwi. May mga pagkatataon na mas maaga uwian ko kaya agad akong dumidiretso sa silid nila para sana hintayin pero hindi ko parin siya maabutan. Sa mga sumunod na araw ay mas naging abala ako dahil sa pagpapasa ng mga requirements para sa graduation, ganun rin si Shaun. Kapag may libreng oras naman ay inilalaan ko iyon sa pagpapahinga.
Lumipas pa ang mga araw, Sabado ng umaga ay napagpasyahan kong puntahan si Shaun sa kanilang bahay ng hapon. “Tito, Si Shaun po?” tanong ko ng makasalubong ko sa labas ng bahay ang papa ni Shaun na nagwawalis. Nang mapansin niya ako ay humarap siya sakin at binati. Si Tiyo Eddie nalang ang naging kasama ni Shaun, siyam na taon na ang nakakalipas simula ng pumanaw ang mama ni Shaun sa cancer. Ang nakatatandang babaeng kapatid naman niya ay nasa Germany at nagtratrabaho bilang nurse.
“Kakaalis niya lang anak, may pupuntahan daw” nakangiti paring saad ni Tiyo “sinabi po ba niya kung saan siya pupunta?” umiling si tito “hindi eh, sundan mo nalang sigurado akong hindi pa nakakalayo iyon” ngumiti ako at nagpaalam.
Tinakbo ko ang daan hanggang sa makarating ako sa parking area ng tricycle. Nakita ko ang sinakyan niya na medyo nakalayo na. Sumakay ako ng tricycle at sinai ko sa mamang drayber na sundan niya ang sasakyang kakaalis lang. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero pakiramdam ko may tinatago siya sakin. Hindi ako nagpakita sa kanya ng hanggang sa makababa ng tricycle. Nakita ko siyang papasok sa isang bahay, hindi ko alam kung kaninong bahay iyon dahil iyon ang unang pagkakataong pumunta ako sa lugar na ito. Malayo ito sa lugar namin at hindi rin naman ako pala gala kaya hindi ako pamilyar sa lugar. Bago pa man siya pumasok ay may sumalubong sa kanya ang isang magandang babae,maiksi ang buhok, matangos ang ilong, singkit ang kanyang mata at mestiza. Hindi ko maintindihan ang sakit na naramdaman ko ngunit pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Lumapit pa ako sa bahay, saradong sarado kaya wala akong makita sa loob, pero may maliit na butas sa bintana kaya rinig na rinig ko ang tawanan “ “masaya ako para sayo Shaun” narinig ko pang banggit ng boses lalaki. Ilang minuto pa ang lumipas ay napagpasyahan kong umalis nalang.
Umuwi ako sa bahay, pagkatapos ko magbihis ay nagdesisyon ko na kausapin si Tito Eddie tungkol kay Shaun.
Nang matapat ako sa gate ay agad akong bumati ng makita si tito na nasa labas ng bahay at nagpapahinga “Magandang araw, Tito Ed”
“Ikaw pala Ria, pasok ka, wala si Shaun umalis may pupuntahan daw” agad na tumayo si tito ng makita ako. Pumasok ako “ang totoo po kayo po ang pinunta ko rito” nagulat si tito ngunit bakas sa kanya ang tuwa. “Aba naman,namimiss mo pala ako ah hahaha” saad ni tito habang tumatawa “umupo ka at ikukuha kita ng merienda”.
“Yung pinakamasarap na merienda po tito!”pahabol ko pa, narinig ko naman ang malakas na tawa ni tito bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay.
Nang maihanda ni tito ang merienda sa mesa ay umupo na siya sa katapat na upuan ko. “Anong chika natin Ria?”. Bumuntong hininga ako bago nagsalita “Kasi po tito si Shaun po, hindi ko po siya matiempuhan sa campus tapos po yung grades niya po ay bumababa. Sinusubukan ko pong kausapin siya pero po hindi ko po siya makausap ng diretso dahil laging abala, hindi ko po na alam kung anong gagawin ko” bumuntong hininga rin si Tito at naging mas seryoso bago nagsalita “Ang totoo niyan Ria, hindi ko alam na ganun ang sitwasyon. Ayoko siyang pakialaman sa mga desisyon niya hindi dahil sa wala akong pakialam kundi dahil gusto kong maging maramdaman niya na malaya siya. Buong buhay niya puro aral at trabaho nalang siya, gusto kong gawin niya ang mga bagay na gusto niya ng walang pagaalala sa kung ano ang sasabihin ko. Alam kong mahalaga sa kanya ang grumaduate ng may latin at alam kong kakayanin niya parin iyon” nakita kong may namuong luha sa mata ni tito ngunit agad niya iyong pinigilan, sumandal siya sa sandalan ng upuan, tumingala at pumikit pikit, kahit ako naiiyak saksi ako sa mga pinagdaanan ni Shaun simula bata kaya ganun nalang ang gulat ko ng mabalitaan ko ang tungkol sa pagbaba ng grado niya. Ganun pa man, alam ko na babawi siya. Marami pa kaming napag-usapan ni tito hindi lang tungkol kay Shaun kundi pati narin sa plano ko pagkatapos ng graduation.
4
Lumipas ang ilang linggo ay napansin kong bumabalik ang dating Shaun, hindi ko alam kung paano, dumating nalang ang isang araw na parang walang naging problema. Sabay ulit kaming pumasok sa campus, sabay kakain at sabay ring uuwi. Bumabawi narin siya sa mga subjects at naging masayahin pa siya lalo. Walang paglagyanan ang tuwa ko ng mabalitaan kong siya ang nagtotop, ako naman ang sumunod sa kanya. Sobrang nakakataba ng puso! Sana hindi matapos ang kasiyahang nararamdaman ko. Tama ang naging desisyon ko magtiwala at maniwala sa kanya na makakabawi siya.
Tatlong buwan nalang at gragraduate na kami. Pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Lungkot dahil magpapaalam na kami bilang magaaral, sa mga parte ng campus na kung saan nakabuo ng magagandang ala-ala at saya dahil ilang buwan na lang makakatanggap na kami ng diploma.
Nakaupo ako sa waiting area sa labas ng campus dahil hinihintay ko si Shaun, bilin niya sakin na maghintay nalang sa labas dahil may kukunin pa raw siya.
“Ria! Ria!” napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Kael na tumatakbo papunta sakin. Habol ang hiningang pumameywang sa harap ko bago nagsalita. “Si Sh-shaun, di-dinala s-sa h-hospital” putol-putol na saad ni Kael dahil sa paghabol ng kanyang hininga. “Ano?bakit anong nangyare? Saang hospital?” sa gulat at taas ng boses ko ay napatingin sakin lahat ng tao sa labas. “Sa Region Hospital siya dinala” sagot ni Kael, sa taranta ka ko ay hindi ko na alam kung anong uunahin kong gawin, tatawagin ko si tito or magtawag ng sasakyan. Agad namang pumarada ang isang kotse at bumusina, tinignan ko iyon at si Jerry na isa ring kaibigan nila Kael at Shaun. Agad akong sumakay sa sasakyan habang dinadial ang numero ni tito. Halo halo ang nararamdaman ko kaba, takot, sakit at naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang nagyayare.
Nang makapasok ko sa hospital ay agad at ang pagdating naman ni Tito. Nasa loob pa ng ER si Shaun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay tito dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Umiiyak si tito sa tabi ko, pinapatahan ko siya kahit na mas malala pa ang iyak ko, kasama namin si papa at mama na naghihintay. Sina Kael at Jerry ay umuwi na dahil may kailangan muna silang tapusin, babalik nalang daw sila mamaya.
Pagtapos ng ilang oras ay inilabas na si Shaun sa ER,may mga tubong nakasalpak sa kanya at nilipat sa isang pribadong silid. Todo iyak ako, ang sakit sakit. Kinausap naman ng doctor si Tito. Umalis ako saglit at tinawagan ko si ate May para ibalita ang nangyari, nagpaalam siyang magleave sa kanyang trabaho para makauwi, pinayagan rin siya ng boss niya dahil ilang taon narin siyang hindi nakakapagleave. Pagkatapos ng usapan naming ni ate May ay lumabas ako para bumili ng tubig para samin ni tito .Umuwi narin sina papa at mama dahil walang magaasikaso sa bahay. Nang makabili ay bumalik ako sa silid ni Shaun. Nakita ko si tito na nakaupo sa tabi ni Shaun at hawak ang kamay nito. Mugto ang kanyang mata, lumapit ako at hinagod ko ang kanyang likuran. “Anong sabi ng doctor, tito?” tanong ko. Huminga ng malalim si tito,magsasalita na siya ngunit naunahan siya ng iya kaya naman pati ako ay naiyak dahil pakiramdam ko hindi maganda ang maririnig ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak ay naglakas loob sabihin ni tito ang sitwasyon ni Shaun. “Hydrocephalus, Hydrocephalus ang sakit ni Shaun” saad ni tito, muli nanamang siyang napaiyak matapos niyang sabihin iyon, napatulala ako sa narinig, paano?paano siya nagkaroon ng ganun? “Excessive increase of fluid on the brain, nagiging dahilan ng paglaki ng mga ventrcles at rason naman ng pressure sa utak. Pwede naman daw madaan sa mga threpaies pero walang kasiguraduhan kung magiging successful” hindi tinatanggap ng utak ko ang nalalaman. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Naguguluhan, nasasaktan,at natatakot ako.
Lumipas ang dalawang araw simula ng malaman ko ang katotohanan, hindi ako pumasok sa campus dahil pinili kong bantayan si Shaun,nagpaalam ako sa mga instructors ko at pinayagan naman nila ako, sinabi kong hahabol nalang ako sa mga gawain. Pagod na pagod na si tito, walang tulog at kain kaya pinauwi ko muna para kahit papaano ay makapagpahinga. Bukas pa makakauwi si ate May.
Simula ng dinala siya sa hospital ay hindi pa siya nagigising. Hinawakan ko ang kamay ni Shaun “Bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit pinili mong ilihim samin?sakin?pakiramdam ko tuloy napakawala kong kwentang kaibigan dahil hindi ko alam na hindi ka pala okay, na may dinadamdam ka pala” tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Yung mga araw na hindi siya pumasok ay ang ang mga araw na naadmit siya sa hospital.
“Yung mga araw na nakikita mo kaming nagcucutting class dumidiretso kami sa hospital para magpacheck up si Shaun. Yung akala mong sigarilyo? Gamot yun ni Shaun. Yung minsan mo siyang sinundan na may pinuntahang bahay? Bahay yun ng doctor ni Shaun, yung nakita mong babae? Yun ang doctor ni Shaun. Nagugulat ako sa nalalaman ko, hindi ko matanggap na sa mga panahong pinagdudahan ko siya ay ang mga araw na pinipili niyang lumaban. Ang tanga tanga ko, wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa kaibigan ko.
“Paano mo nalaman?Bakit hindi niya sinabi sakin?samin? Kaibigan niya ako!Pamilya niya kami!” hindi ko napigilan ang taas ng boses ko sa sunod sunod na tanong ko sa kanya.
“Nalaman ko lang din nung una ko siyang makitang may hawak na parang sigarilyo, hindi ko pa siya nakitang humawak ng ganun kaya nagtaka ako, ayaw pa niyang sabihin sakin pero pinilit ko. Pagkatapos niya sabihin iyon ay nakiusap siyang wag ko raw sasabihin kahit kanino, kahit sa’yo at sa papa niya. Ayaw niya kayong mahirapan at magalala kaya pinili niyang ilihim ang lahat. Pasensya na Ria, hindi ko nasabi sa iyo dahil nangako ako kay Shaun” tuluyan ng umiyak si Kael, naiintindihan ko siya per—ooo hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit!
5
Palapit ng palapit na ang araw ng graduation pero patagal naman ng patagal ang pags-stay ni Shaun sa hospital. Nakauwi na si ate May at siya ang nagbabantay kay Shaun. Hindi parin tuluyang nagigising si Shaun. Dumadalaw ako sa kanya pagkatapos ng mga practice naming sa graduation. Dalawang buwan na na ang nakakalipas, halata na ang pagbabago sa kanyang katawan,payat at lalong lumalim ang kanyang mata.
“Congratulations, proud na proud kami sayo!” si ate May nang makapasok ako sa kwarto ni Shaun, sumunod namang bumati si Tito Eddie. Kahit sobrang tamis ng mga ngiting iginawad nila sakin ay hindi maitago ang lungkot na nararamdaman.
“Thank you ate at Tito” saad ko ngumiti ako pero sumabay ang traydor kong mata” lumapit ako agad sa tabi ni Shaun at hinawakan ko ang kanyang kamay” Hindi dapat tayo nandito sa kwartong ‘to,dapat nasa bahay tayo nagcecelebrate, nagtatawanan, nagkakantahan at kumakain ng maraming putahe” hindi ko napigilang umiyak. Narinig ko ang mga hikbi ng mga taong nasa paligid ko “Ikaw dapat yung nagsalita sa stage at sa harap ng maraming tao dahil ang galing galing mo at wala kang katulad, proud na proud ako sayo Shaun. Thank you for everything.Bumangon kana jan, please! Regalo mo nasa sakin ‘to. Gumising kana!” mas lalo pang lumakas ang iyak ko at naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Shaun na hawak ko.
“Shaun!Shaun! naririnig mo ba ako?” pinaalam ko sa kanila na naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Shaun. Agad naman silang nagtawag ng doctor. Napatayo ako sa saya at niyakap ko siya pero agad ding naglaho ang saying naramdaman ko ng biglang tumunog ang monitor. Tumingin ako sa monitor at siya namang dumiretso ang guhit sa monitor. “Hindi!Hindi!Shaun gumising ka please!Parang awa mo na gumising ka!” Sobrang takot ang nararamdaman ko, hinila ako paalis sa tabi ni Shaun at siya namang pagdating ng mga doctor. Unti-unting nanlabo ang mata ko at nawalan ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto puro puti may sala set at tv sa tapat ko, nasa tabi ko si mama” Si Shaun?nasan siya?” tanong ko,mugto ang mat ani mama at hindi siya makatingin sakin ng diretso. “Ma!nasaan si Shaun?”
“Ria, anak kumalma ka!” nakikiusap na saad ni mama. “Eh, nasaan nga si Shaun? Ma!” naramdaman ko ulit ang hapdi sa aking mata.
“Wala na siya, anak” agad akong nanlumo sa narinig. Hindi! Hindi! Pakiramdam ko ay wala ng luhang lalabas dahil ubos na ubos na ako”
Makalipas ang tatlong linggo ay ilinibing na si Shaun. Nagpaiwan ako dahil gusto kong mapag-isa. Gustong kong kausapin si Shaun kahit alam ko na hindi niya ako sasagutin. Hawak ko ang isang frame na may larawan niya at umupo ako sa harap niya.
“Wala akong nakitang bakas na sakit nung nabubuhay ka pa, napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko naramdaman na may pinagdadaanan ka. Napakawalang kwenta ko dahil hindi ko man lang napintas yung iniinda mong sakit!” namuo ulit ang mga luha at sunod sunod na pumatak.
“Pangako ko sayo Shaun, na kahit wala kana tutuparin ko ang mga pangako ko sayo. Aabutin ko mga panagarap nating dalawa! Mahal kita, mahal na mahal kita!”
EPILOGUE
Pakatapos ng ilang taon ay hindi parin nawawala ang sakit ng nakaraan. Para akong nawalan ng paningin simula ng Nawala ka pero kinaya ko kasi gusto kong tuparin ang mga pangako ko saiyo. Gusto kong maging tapat sayo hanggang sa huling hininga ko.
Nilapag ko ang kumpol na rosas sa kanyang puntod “ Natupad ko ang pangarap natin Shaun, tinupad ko ang pangako ko sa iyo na tutuparin ko ang pangarap mo” pinunasan ko ang luhang namuo sa mga mata ko.
“Ria” tawag ni ate May, katatapos niya lang kausapin ang tawag sa cellphone. Tumingin ako at ngumiti “tara na?” tanong sakin ni ate May. Tumayo ako ay nagpagpag. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan “babalik ako,babalikan kita Shaun!”at tuluyan nang humakbang ang aking mga paa paalis sa kanyang puntod.
“Masaya na si Shaun dahil kasama na niya si mama” saad ni ate May habang nagmamaneho ng sasakyan. “Kaya tigilan mo na ang kasisisi sa sarili mo, dahil hindi mo wala ka namang kasalanan sa nangyari”napatingin ako sa kanya at napabuntong hininga dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko parin lubusang matanggap ang nangyari, siguro nga, walaa kong literal na kasalanan pero pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan dahil hindi ko siya nadamayan sa naranasan niya.
“Salamat, Ate”huinawakan ko ang kamay ni ate May na nakahawak pa sa manibela.
Nang makarating sa bahay ay sumalubong samin ang cute na cute na bata,tumakbo siya papunta samin habang sumasabay ang pag-alog ng kanyang pisngi. “Momma!” sigaw niya at nakahanda na ang kanyang mga kamay para yumakap sakin. “Hello,my baby” niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Kamusta ang cute na baby?” tanong ko sa kanya pagkatapos halikan, humagigik lang ang bata tsaka siya humarap sa tunay na ina. “Mommy!” sabay yakap kay ate May.
NT: inspired from true to life story
1 note · View note
yourshiningastr · 10 months
Text
CHAPTER 14
"Hmmm.." I watched how Benedict ceases his forehead and flexes his shoulder a bit while snuggling on my pillow.
He looked so cute sleeping on my bed, I should take a picture to use for blackmail.
hehe.
I thought he would already wake up but I heard him snore again. I rolled my eyes in disbelief. It's almost 7 AM and yet he's still sleeping. May pasok pa kami.
I am already dressed and he's still in a deep slumber.
Kanina ko pa siya ginigising pero tinatabig niya lang ang kamay ko. Plano ko na nga siyang buhusan nang malamig na tubig but he is sleeping in my bed so I didnt. Kapapalit ko lang ng bed sheet at mahirap magpatuyo nun, lalo na ang comforter.
I just sighed and shrugged my shoulders as I decided to not wake him up anymore. I'm sure may hang over pa siya kaya mas magandang magpahinga nalang siya. Orientation palang din naman at wala pang proper class, puro hanapan palang ng clubs ngayon kaya pwede siya umabsent.
Pinagluto ko nalang siya ng breakfast. I prefer a heavy meal for him and left a letter saka ako umalis na.
It was 7:28 AM when I reach the school, buti nalang at hindi traffic, though maaga naman ako.
I saw Yna leaning on her Kia Picanto car while crossing his arms on her chest. When she saw my car, she suddenly stood up like she was really waiting for me.
Hindi pa ako nito nahintay makababa man lang ay naglakad na ito papunta sa kotse ko. Ano na namang gusto nito?
"What? Gutom ka na naman sa chismis?" I asked as I got out of my car. She frowned at me and gaze inside my car na parang may hinahanap.
"Sinong hinahanap mo?" She looks at me and arch her brow
"Where's your guy?"
My guy? Benedict?
Stupid! may iba ba akong lalaki?
I just shrugged my shoulders at her and closed my car door.
"Why are you looking for him?" I open my bag and put my keys in there.
"Why? Are you jealous?"
Seriously?
"Where is he nga, bakit hindi kayo magkasabay? Wait, don't tell me magkaaway pa din kayo? Oh my God! Hindi ka nag sorry? Ang taas ng pride mo girl ah." I just shook my head to her.
"I did."
I showed my ID to the guard as we got to the entrance of our school.
"You did? Wow! You must be really like him then." I look at her with furrowed brow
"Anong connect?"
"Or you must be really guilty then? Haha! Ah wait, so if you apologize na pala, then bakit hindi pa din kayo okay? Oh my God! Hindi niya tinanggap? Ay girl mas mataas pala pride niya." Napapailing nalang ako sa mga sinasabi niya.
"Ang daldal mo." I smile at someone who greets me and walks to the cafeteria, Yna was just following and kept on talking.
"Baka naman kasi hindi enough yung sorry lang girl. Baka sobrang sakit ng sinabi mo. You know may alam ako kung paano niya matatanggap sorry mo. I'm sure lalambot puso nun, alam mo kung ano?' Hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa cafeteria.
"Have sex with him." Mabilis naman ako napahinto nang bigla itong parang demonyong bumulong sakin.
"What the hell?!" She smirks at me.
"I'm so genius, right?"
Ngingisi ngisi pa itong umupo habang ako ay naiiling na umupo sa harap nito. Wala pang tao sa cafeteria dahil maaga pa at siguro ay nasa mga club room sila ngayon.
"Sino ba kasing nagsabi sayong hindi kami okay?" Binuksan ko ang tumbler ko at uminom ng Ginger Tea.
"Oh so bati na pala kayo.. Bakit kasi hindi mo sinabi, pa suspense ka pa diyan." I rolls my eyes
"Bakit kasi nag conclude ka agad."
"Eh paano hindi mo siya kasama, eh para siyang lintang nakadikit lagi sayo. Tsk."
Yeah, I also find him clingy. Kung nasaan ako ay andoon din siya. Parang ayaw ako mawala sa paningin nito.
"Hindi ba pwedeng nasa unit ko at natutulog? Or di kaya ay nalate?" Wala sa sarili kong sabi.
"Late ka diyan. Sa ugali nung Andrey na yun, I'm sure aagahan gumising nun para makasabay ka-- wait what?!"
I arch my brow at her when she suddenly stops and looks at me with a wide eye.
"Did you just say that he is sleeping in your unit?"
Ako naman ang nanlalaki ang mga mata ngayon nang marealize kung ano ang nasabi ko.
"What the hell! Did you guys have sex?!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Yna dahil palakas na ito ng palakas.
"No, of course not."
Hinila ko ito paupo dahil para itong tangang nakatayo at gulat na nakatingin sakin ang nang aakusa niyang mga mata.
"Then why is he in your unit? Oh my God. So that's why bati na kayo, because you guys did it na. Hindi na pala kita need turuan eh, ako pala dapat nagpapaturo sayo. #HopeAll" She teasingly said.
"Stop concluding Yna, walang nangyari samin. We just.. Just kiss."
Panandaliang natahimik ang buong paligid kaya inangat ko ang tingin ko kay Yna.
I furrowed my brow as I saw her wide eyes turning into a smile then she suddenly took her handkerchief and acted like she was wiping her nonexistent tears.
"Oh My God! Congrats! I'm so proud of you!" She suddenly hugged me so tight that I could barely breathe.
"Yna, ano ba. I can't breathe." Napahinga naman ako nang maluwag nang bitawan ako nito.
"Tell me, tell me more! Bilis."
Akmang tatayo na ako ngunit mabilis niya akong nahila kaya napaupo uli ako. Napahawak pa ako sa balakang ko dahil sa malakas na pagtama nito sa bangko.
"Kapag hindi mo sinabi sakin kay Andrey ako lalapit at magtatanong sige!" Banta nito sakin.
"As if he remembers." I heard her gasp.
"Ay wow may amnesiang ganap."
"He was drunk, like really drunk. So I doubt that he will remember what happened earlier." Sumandal ako sa upuan at nirelax ang sarili.
"Wait, earlier?" Yna then leans on me
"Yeah, it was 4 AM when he knocked on my door." Yna raised her brow at me
"And he knows your unit."
"We're neighbors, that's why." Bigla na naman itong napatayo at tinakpan ang bibig sa gulat.
Ang oa. I thought she already knew.
"OMG! Malandi ka!" She hit my shoulder.
"Wala kang sinasabi sakin. I thought he was just fetching you or something pero magkapitbahay pala kayo? Ayan ah, mamaya bahay bahayan na gawin niyo ah." She keeps on nudging my shoulder to tease me.
"So.. ano pang nangyari?" She then leaned on me again to urge me to speak. I just sigh.
"That's it, he kissed me and he was saying things and kept on apologizing as if he had done something bad to me. I don't even understand. " I furrowed my brows as I speak
"Maybe he was just drunk talking" Yna shrugged.
"Yeah, I also think so.."
I thought Yna's interrogation was already done but she leans on me again.
"So... how was the kiss? Is he good?"
Pakiramdam ko ay namula naman ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. 
I don't know if it's good because I don't have anything to compare. That was my first kiss. But with the loud throbbing inside my chest just thinking of it makes me nod my head.
"Oh my God!" She squeals and starts hitting my arm. 
I am inside the Youth Org room. We are having a meeting about the replacement of the officers.
I accepted Ate Roxan's proposal. He is right I know what it takes to be a leader, and I just have the courage to serve it. The peer members are putting their trust in me, especially him so it would be a shame if I don't believe in myself when in fact a lot of people have confidence in me.
"I'm glad you accepted it, I know you will do well. Panatag akong nasa mabuting kamay ang Youth." I smile at Ate Alisson. Ate Roxan then went on me and hugged me.
"I'm proud of you, keep going but no pressure pa din ah. Just do you." I nodded at her and bid goodbye to them.
It's already lunchtime and I am planning to eat outside the school because I am craving some Japanese food.
I took my phone out of my bag to message Benedict to ask him if he had already eaten and that he should just rest and not go to school because we don't have any class the whole day naman. But before I could send it, I saw him leaning on the wall near the club room at mukhang malalim ang iniisip.
I bit my lip and stopped for a moment to admire him. 
He is just wearing black jeans pants and a simple plain white shirt partnered with a Denim jacket.
His hair was messy but it looks like it was styled. His left hands were inside his jacket while his right hands were on his lips and, I suddenly wished that it was my lips that were touching it.
"Matunaw naman, Rae." I almost jumped as I heard Ate Alisson on my back. She smirked at me and tapped my shoulder.
"Mukhang kanina pa yan naghihintay." She points at Benedict with her lips. Then she went close to me and lean
"Mas maganda yan titigan kapag malapitan." She winked at me and waved her Goodbye.
Napasinok naman ako bigla nang makitang nakaayos na ito nang tayo at nakatingin sakin nang lumingon ako dito.
Hindi ako ready sa way nang tingin nito, masyadong deep..
Nakakapanibago.
"Hey, you're here." He nonchalantly looks at me
"Yeah. Ako na." He took my bag and I let him carry it.
"Are you okay? Do you have a hangover? You shouldn't go here, you should just rest." He then tilted his head and looked at me with confused eyes.
"Why?" He just shook his head at kumunot ang noo na parang may malalim na iniisip.
Did I do something wrong again? Should I say sorry? But why? What for?
"Are we... okay?" He stopped walking and turned his gaze at me. He bit his lips with furrowed brows and lightly shook his head.
"Yes, kumain ka na ba?" Umiling naman ako dito at tumango ito.
"Let's go to the cafeteria then."
"I- uhm.." Tumigil ito sa paglalakad at tinignan ako habang nakataas ang isang kilay nito.
"I was actually planning to eat at Tsukiji Restau."
Bahagya naman itong natigilan at inangat ang tingin sa taas na parang nagiisip kung saan yun.
"Sa Makati?" I bit my lip and nodded.
"But we could just eat here, medyo malayo nga yun." Mahina kong sabi.
"Nah, let's go." He went to me and held my hand.
"Did you bring your car with you?" I slowly nodded dahil ang focus ko ay nasa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"Iwan nalang muna natin then balikan nalang pagkakain. Sakin ka na sumakay."
Tumango ako uli dito na parang batang sunod sunuran sa mga sinasabi niya. Hindi ko na nga masundan honestly kung ano ano yun, basta tango nalang ako nang tango.
"So you want to eat Japanese food?" I nodded
"Gwapo ba ako?" I nodded.
"Nag kiss ba tayo?" I nodded again. But I suddenly stopped as I realized what he just asked.
I looked at him with a wide eye and I saw his smirking face. I also didn't realize that we were inside his car already.
"So we kissed. Akala ko panaginip lang yun." He whispered pero tama lang para marinig ko.
"Ano pang ginawa ko. Tell me, may nangyari ba satin?" I sigh and throw him some lazy stares.
"Wala." Napanganga naman ito at parang disappointed ang mukha.
"Ay weh? Bakit?" I hit his arms at tatawa tawa naman ito sakin.
"So?" He arched his brow at me and started his engine.
"So what?" Inis kong tanong
"Ano pang nangyari? Bilis na kasi, wala akong maalala. Sa susunod hindi na talaga ako iinom para maalala ko pag magkikiss tayo."
Gulat ko naman itong binalingan at nakitang hawak na naman nito ang labi niya.
"There's no next time." I crossed my arms on my chest and I saw him pout his lips.
Nang makarating kami a restaurant ay patuloy pa din ito sa pagtatanong kung ano ang nangyari. Parang si Yna, ang daldal.
"You were clinging to me like a Koala. You were also crying and whimpering like a baby–"
"Baby, as in... your baby?" I rolled my eyes at him.
Natigil naman siya sa pang aasar nang nagsimula na ako mag-order. I just ordered their special mixed sashimi and Oolong Japanese Cold tea.
"What's yours?" I asked Benedict, who is now furrowing his brow.
"Tangina, Libo? Ayaw mo ba mag instant ramen nalang? Ako magluluto for you." I chuckled and lightly pinch his cheeks.
Parehas naman kaming nagulat at mabilis kong inalis ang kamay ko sa pisingi niya.
"I-it's fine, it's my treat. Go on, just uh order." I slightly cough and nervously drink my water.
He then cleared his throat and ordered the food he saw the cheapest, I sigh. And I order him the Ohmi Wagyu Sirloin steak.
"So, what uh– else happened?" I placed my glass of water at the table and anxiously looked at him.
"We uhm.. kissed." I silently said
"And how did I end up in your bed?" I suddenly recall what happened earlier.
We were kissing and I almost thought that we were really going to do it as he sucked and kissed my neck, but I felt him stop. I thought he's gonna cry again but to my surprise, I heard him snoring.
I had a hard time suppressing my laugh. He was also very heavy so I just let him lay down on the floor and pulled his arms to get into my room. Tagaktak ang pawis ko when I successfully tucked him into my bed. Pakiramdam ko ay nag gym ako sa bigat niya.
"Fuck, nakakahiya."
Benedict bowed down his head and covered his face with his hands in humiliation. I laugh and start teasing him.
Akala mo ikaw lang ang pwede mang asar ah. Smirked.
"Rae?" I shifted my gaze to my side and saw Kuya Tim.
"Kuya Tim!" I beamed and stood in my seat to hug him.
"You're here!" I was smiling ear to ear as I looked at Kuya Tim again.
Wala pa din nagbago siya pa din ang mukhang pinaka seryoso sa magkakapatid.
Kuya Tim is the third son of Vasco, he's the neutral of all of them. At laging may sariling mundo. I heard that he is already in the process of becoming a Prosecutor.
"Yeah, Jacksion is also here. He's working here part-time. You know how much he loves cooking right? I heard you met already, he's been talking about it nonstop. He missed you." I just roll my eyes at him and lightly nudge his chest. 
Jacksion dream is to become a chef, at first hindi pa ako naniniwala kasi akala ko ay mas gusto niya na mambabae nalang pero mukhang seryoso naman siya sa pangarap niya na yun seeing that he is really working hard for it. 
Ganito talaga ang mga Vasco, kahit sobrang yaman nila ay pinaghihirapan pa din nilang makuha ang gusto at pangarap nila. I wonder, ganun din kaya sila sa babaeng gusto nila?
I suddenly remember that I am with Benedict. I bit my lower lip as I saw how he looked so betrayed at our table. Probably because I suddenly left him there and went to Kuya Tim.
"Oh uhm.. This is Benedict nga pala Kuya Tim." Benedict stood and they shook their hands together.
"A friend?"
Kuya Tim asked me with an amused tone while raising his brow at me. I then looked at Benedict who was now looking away and pouting. I don't know what to say so I just nodded.
"Are you with someone?" Kuya Tim then nodded his head.
"Yes, I actually left her there when I saw you. She must be mad, anyway it's nice meeting you again. Rae." He kissed my cheeks and tapped my shoulder before he leaned.
"Just don't let your friend be seen with Jacksion though, he might get jealous." I saw how Benedict furrowed his brow and pierce me with his cold eyes.
"Sino yun?" Benedict asked as Kuya Tim left.
"He's Kuya Timotheo. You know Vasco right? He is one of the sons." He then nodded his head.
"And Jacksion..? Is he your boyfriend then?" I gasped and look at him
"NO!. They are brothers. Jacksion is the youngest son of the Vasco."
Dumating na ang inorder namin at natakam naman ako bigla sa mga pagkain.
"Gusto ka niya?" Umiling iling naman ako dito.
"No, they were just teasing us. Jackson is just a friend to me. Nothing more and nothing less. Let's eat na hmmm?" He scoffed
"Are you jealous?"
"NO! Mayayaman lang yun, pero sure naman akong mas gwapo ako sa mga yun." Pagdedepensa nito.
"Good, you shouldn't be. My love shouldn't make you feel jealous."
Wala sa sarili kong sabi habang takam na takam na tinitignan ang mga sashimi sa harap ko.
Pero muli naman ako napabaling dito nang mabulunan ito. Mabili akong tumayo at dinaluhan siya saka hinimas ang likod nito para kumalma.
"You okay? Dahan dahan lang kasi sa pag inom ng tubig." He is still coughing and I am worriedly tapping his back. He then took my hands and held them.
"You love me? Tell me that I didn't just mishear that." 
0 notes
sikretoh · 2 years
Text
Ganun na lang talaga siguro no? Hindi ko naman ginusto makagastos ng malaki ah! Di ko ginusto mahospital at magka complication si baby. Bakit ko naman gugustuhin yun?
Mula hospital ganito na pinaparamdam niya. Porket ba wala akong ambag sa hospital bills? Totoo naman na wala akong maiambag pero dapat ganito na ako tatruhin?
Ang sasakit ng mga salita niya sakin, parang di ako asawa.
Una ung kinakausap ko sya na okay na ako sa dalawang anak, sabi niya yung pangatlo niya daw panganay ulit niya. So may balak syang mag anak pa sa iba? Tama ba na yun sabihin nya sakin knowing wala pa akong 24hrs nakapanganak.
Second yung mga nirerequest ko na food while staying sa hospital. Mejo gets ko pa un kasi nga ang laki ng gastos sa bills tas mag demand pa ako ng mga food gaya ng mcdo. Petty yun ou, pero ung pati reseta na gamot sakin ni doc sabihin niya na wag nko magtake nun kasi di nman kelangan. Pati ung sasakyan na pauwi, magmotor nlng daw ako pauwi para tipid pamasahe, kulang na nga lang ngumiwi ako sa sakit kasi di pa makaupo maayos dahil may tahi ako eh. Kaya ending ako nag rent ako din nagbayad. Buti n lng tlga kahit papano may pera pa ako that time. Dun pa nga lang tinitipid niya na ako.
Third, yung sa bahay na. Nag ask lng nman ako kung mag lilista ng mga bibilihin sa grocery, sagot ba nman sakin kung may maipang babayad ba ako, ou sya nag gogrocery. Yun na nga lang ambag niya sa bahay eh. Lahat nman ng bills sa house sakin nman. Pati pamalengke ng ulam.
Kaya naman namin wala grocery basta complete needs ng mga bata.
Buti pa mga ninang ng anak niya may pa regalo sya sa birthday, ako na asawa tas anniversary pa nmin ngaun ni hindi binati man lang. Umalis ng wala paalam. Sana alam niyang puyat ako kakabantay kay baby. Hindi naman sya bumabangon pag naiyak ung bata eh.
2nd year plng nmin mag asawa ganito na sya. Konting consideration at support sana kasi nag rerecover pko. Hindi biro ung napagdaanan ko nung pinanganak ko si Krosz. Nakaka trauma yun. Ngaun pati sa kanya nagdedevelop na din ako ng trauma.
0 notes
funsize-mermaid · 2 years
Text
Story time!
Meron akong guy bestfriend nung high school na super duper close ko. As in legit close. Kahit parents ko tinatanong ako kung di ba kami mag jowa. Sabi ko hindi kasi yung naging gf nya, tropa ko. Okay naman kami lahat haha goods kame all throughout ng highschool days namin.
Nung highschool, nag swear kami na same school kami ng college. So we did. We both went to UST. IT sya, ako Entrepreneurship. Magkaiba kaming sched pero once a week every may PE kami, same kami ng uwian, so susunduin nya ako sa dance studio sa QPAV para sabay umuwi. Akala pa ng blockmates ko noon mag jowa kame. 😂
And theeeen my debut came nung 2015, obviously sya ang escort ko. BUT.. on the day ng debut ko, no hi or hellos, walang paramdam and all. On the spot, naghanap ako ng kapalit kong escort, syempre yung iba naming tropa na lalaki nalang kasi sila yung andun. After my debut he never talked to me kahit message ako nang message sakanya. I also found out na umalis sya sa UST, and transferred somewhere tapos nabalitaan ko sa mga tropa namin na nagka failing grades sya or parang na BI na ewan ganon. Na lost ata somewhere in college. So hinayaan ko nalang, inaantay ko sya mag reach out. Until grumaduate ako, wala. Di sya nag reach out sakin to explain things.
Nagka work na ko. Tapos yung isang tropa namin na kapitbahay ko, pumasa sa Chemist Licensure Exam, so nagpaparty sa bahay. Guess what, nagmessage sya sakin after 4(?) years para lang tanungin saan yung subdivision namin. Bat di nya tinanong yung tropa namin, eh dun sya pupunta di naman samin 🙄 tho di naman ako galit pero talagang na hurt ako sa “ghosting” ganaps nya. Tapos nalasing ako that night tapos nung pauwi na kami syempre hinatid nila ako sa bahay, kasi nga malapit lang. Habang naglalakad kame sabi ko “Hoy bakit ka bigla di nagparamdam. Sakit nun ah..” tapos di ko na maalala iba kong sinabi HAHA ang naalala ko nalang medyo naiiyak na ko. Pero di nya sinagot kung bakit talaga sya nawala.
After that night, naging okay kami. Pero di padin kami bumalik as bestfriends. Pero medyo may usap usap na. Pero di naman kami madalas din maghangout. Then pandemic happened, then lumuwag this year. Nagkita kami, nanuod kaming Doctor Strange in the Multiverse of Madness, tatlo kami kasama yung isa pa naming tropa. Dun medyo bumalik yung closeness after non until now.
TAPOS, kagabi. Napanaginipan ko sya. We were so happy sa panaginip ko. Kilig ako. Jowa momentszszxs talaga kami mga bhie huhu ang saya ng gising ko and akala ko totoo lahat. Pagkagising ko nachat ako sa girl bestfriend kong nasa Ireland (magkakaklase kami nung highschool) kahit tulog pa sya kwento ako sakanya. Tapos sabe nya feel nya matagal ko nang gusto yung guy pero dahil sa girl code indenial ako ng feelings. Pero takot ako bhie. Kapag nag confess ako, it’s a make or break situation. Kung it’s a tie edi masaya, pero kung hindi, for sure awkward and baka di na ulit kami maging close 😭 kaloka. Di ko na din talaga sure sa sarili ko bhie. Ayun lang goodbye and goodnight salamat sa pagbabasa HAHAHA
16 notes · View notes
camzy · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
sharing my weight loss journey <33
sorry for the low quality of my first pic since hinalungkat ko lang sya sa convo namin ni jainnie kasi yung old phone ko sira na so it cannot be recovered but I inserted some pics of my before pics and after
anyway, I started working out and nagdiet nung nagstart yung lockdown kasabay ko din boyfie ko nung nagwoworkout magkavid call lang kami so i was motivated kasi may kasabay and may taga discipline. Idk pero motivated din ako nung time na yun kasi nga si mama always akong sinasabihan na magdiet daw ako kasi college nako pero parang di daw tama yung weight ko para sa age ko something like that. I also remembered pa nga nung shs dun ako masyado nasad as in everyday na pagkauwi ni mama she’s always saying na im fat that i should diet na nga ganun and then parang pag nakain kami naawkward ako kasi feeling ko binabantayan kilos ko hahaha tapos minsan naiiyak nalang ako kasi ang sakit kahit na nasa kainan kami lagi ako sinasabihan untian mo lang kumain ah ganon tapos pag may family gathering even though andun lahat ng mga tito and titas lagi padin ako sinasbihan ni mama na ang taba ko ganun and nasasaktan ako don kasi parang napapahiya ako pero nagopen naman sakin si mama and she’s saying na sinasabi nya lang sakin yun para daw maging inspiration ko parang ayun daw yung gawin kong motivation pero as for me kasi sensitive akong tao so parang nasasaktan talaga ako sa mga ganung approach pero anyway ang haba na back to my weight loss journey na talaga
So ayun na nga everyday akong nagwoworkout and sempre yung rice ko hindi na same sa kinakain ko dati nag less rice ako parang halos half rice lang tapos everyday home workout lang, I followed chloe thing, pamela reif and many more.. so for the first 2 months parang ineenjoy ko pa kasi di ko pa naman napapansin kung may pagbabago ba ganun kasi sempre wala lang di pa rin naman talaga makikita yung changes nun kasi sa mga ganyan consistency is the key talaga dapat wag maatat na may magbago agad kasi unti unti yan. Btw nung nagstart ako magworkout yung kilo ko is mga 65-67 kilos ganun but now nagrange ako sa 53-54 depende if busog or kagising lang whahaha
Im super happy kasi diba nga i started parang march or april and then mga September i posted a pic of me kasi nga nagtagaytay kami nila papa and OMG IM SO FLUTTERED!! kasi sobrang daming nakakaappreciate sakin and ang daming nagcocomment na ang payat mo na, sexy mo na ganun and my hearttt 😭❤️ I really can’t imagine na magagawa ko yun sobrang saya ko kasi as in sobrang daming nakakaappreciate sakin and I can say na worth it lahat, worth it lahat ng pagod ko and pagdidisiplina ko sa sarili ko. Super thanks din sempre kay yam kasi he’s always there to motivate me and also give me some advices and all. If kaya ko mainsert mga comments ng mga schoolmates, classmates, friends and also my relatives here i will post it nalang hihi kasi kinikilig talaga ako kasi for the first time parang napansin naman ako naappreciate ako so super happy ko talaga!! and the whole day and in the followings days sobrang saya ng puso ko kasi kahit may nakakakita sakin sa personal they always say na ang sexy at ang payat ko na 🥺 that line na ang tagal ko ng gustong marinig and finally naachieve ko na
so people out there STOP BODY SHAMING! because we never know kung ano ang walk of life ng ibang tao maybe they are stress or something because some words that can be said can affect the mental health ng taong binobody shame, we can be whatever we want <3 but instead support other people nalang and compliment them cuz base on my experience a compliment means more it can affect people in a positive way and that’s good, complimenting other people won’t hurt so yeah do the good things nalang hihi
7 notes · View notes
127neos · 2 years
Text
nct shorts #2
"butterfly" 🔞
genre: rated 18+ for momol !!
Tumblr media Tumblr media
"sama ka?!" andito kami ngayon sa may tambayan dahil break namin.
"saan!?"
"wala kain lang kami after school mamaya"
"i can't, gagawin na namin ni yuta yung school project namin sakanila mamaya" pagdadahilan ko.
"sus! mga dahilanan mo ang sabihin mo nalang gusto mo lang makasama si yuta kase matagal ka ng may gusto d'yan" pangaasar sakin ni haechan.
"tanga!" hinampas ko ang braso niya dahilan para mapainda siya sa sakit.
"aray!"
"hindi kasi ganun para kang baliw baka mamaya may makarinig pa sa'yo dito puro naman kasinungalingan nalabas sa bibig mo"
"oh sige, explain mo nga bakit si yuta kinuha mong partner sa pagkadami dami nating mga kaklase, yung basagulero, babaero, at pala absent pa na lalaki sa klase natin ang pinili mo?!" "sinabi sa akin ni miss yun pinakisuyo sa akin si yuta since last year na niya as a senior and graduating na rin daw yung tao kaya need niya na makapaghabol, kaya humingi na si miss ng tulong sa akin para tulungan si yuta sa acads niya" "sige! i'll take nalang one of your nonsense na mga dahilan to hide the fact na may gust ka talaga kay yuta"
inirapan ko na lamang si haechan nang sabihin niya iyon, i mean hindi naman sa may gusto ako kay yuta pero aaminin ko sobrang lakas rin naman kase ng datingan niya, i even heard na he smokes sa may likuran ng gymnasium after ng basketball practice nila. he's so hot for that but i don't like boys who smoke pero kung siya lang rin naman ang bubuga ng usok sa may mukha ko, sure why not haha.
after class namin inintay ko si yuta sa may malapit sa may gate, kasama niya mga tropa niya na sa tingin ko kakatapos lang rin ng basketball practice nila since bitbit niya ang gym bag niya at pawisan rin siya. what a sight.
"ah wait mo nalang ako d'yan, kunin ko lang yung sasakyan" sabi niya sa akin at tsaka ibinato sa akin ang gym bag niya para aking bitbitin. naghintay ako ng mga 5 minutes bago marinig ang busina ng isang bmw na itim sa aking harapan, ibinaba ni yuta ang bintana ng kanyang kotse at tsaka ako tinawag.
"get in! let's go"
dali dali akong tumakbo papasok sa may likod sa may passenger seat, nakita kong bumaba si yuta mula sa driver's seat at binuksan niya para sa akin ang pintuan papasok sa passenger seat sa may likuran.
"iwan mo nalang d'yan yung bag ko" tsaka ko inilapag yung bag niya sa may likuran, papasok na sana ako at uupo na nang biglang isara ni yuta ang pintuan. he had his right hand pinning me at his car door while he slowly went near me.
"dun ka sa may harap" initiating na umupo ako sa may shotgun seat.
nanlaki ang aking mga mata at lumunok na lamang ako bago pumunta sa may kabilang side ng kotse para buksan ang pintuan patungo sa may shotgun seat. umupo ako at halatang kinakabahan ako ngunit hindi ko na lamang pinahalata kay yuta. nang makabalik na siya sa may driver's seat agad na rin naman siyang nagdrive papunta sa bahay nila. tahimik lang ako buong byahe at siya naman kitang kita ko na focus na focus siya sa pagmamaneho. "so, ano nga ba ulit yung gagawin natin for the project?" pagbabasag niya ng katahimikan sa pagitan namin. "uhmm.. gagawa tayo ng drawing dun sa anatomy of the human body, medyo malaki need natin na drawing since need na naka canvas pala siya pero don't worry ako na bahala dun sa pagdadrawing ang coloring"
"eh ako, ano gagawin ko?" pagtataka ni yuta. "pwede naman ikaw nalang dun sa explanation natin, need mo lang gumawa ng 500-word essay kung bakit ganung model napili natin and ano yung connect niya sa lesson natin"
"ang hirap naman nun" pagrereklamo niya. "tutulungan naman kita eh" "ok sige"
nang makarating na kami sa bahay nila sinalubong kami ng kanilang kasambahay nila na sa tingin ko kakatapos lang maglinis. "nay kaklase ko po, gawa lang kami project sa taas" "sige 'tuy"
mabait yung kasambahay nila nginitian niya ako bago kami umakyat ni yuta sa kwarto niya. nginitian ko naman pabalik si manang bilang sign ng paggalang. nang marating ko ang kwarto ni yuta kitang kita ko na sobrang kalat ng loob nito halatang burara sa gamit.
"hindi ka ba naglilinis ng kwarto mo?!"
"hindi, obvious ba?"
"sabi ko nga"
nang mapansin niyang walang masyadong mapagpupwestuhan hinawi niya lahat ng mga kalat na nasa sahig at itinabi ito sa isang gilid ng kwarto niya para medyo maluwag kami doon. umupo na lamang ako sa may paanan ng kama niya at tahimik lang na nagmasid sa paligid ng kwarto niya. napansin ko na may naka display na family picture sa may study table niya, nilapitan ko ito at tinignan ko. dalawa pala silang magkapatid at kamukhang kamukha ni yuta ang papa niya samantalang yung nakakatanda naman niyang kapatid ay mas kamukha ng mama niya.
"asa states na si papa, yung kapatid ko naman kasama niya dun samantalang ako naiwan dito kasama mama ko" nakita kong nakalabas na pala si yuta sa may cr at dahan dahan siyang lumapit sa gawi ko. kinuha niya yung picture frame na yun at ibinagsak nang patalikod sa may desk niya. nagulat ako sa ginawa niya dahil seryosong seryoso ang mukha niya at nakatitig lamang siya sa akin.
"s-sorry hindi ko naman sinasadyang tignan ito" hindi naman mukhang galit si yuta pero dahil sa aura niya nakakaintimidate siya tignan at kinabahan rin ako kaya naman bumalik na ako sa pagkakaupo sa may kama.
sinet up ko na rin yung canvas na pagdadrawingan ko at pati yung laptop ko para sa gagamitin namin mamaya sa paghahanap ng gayahan nung idadrawing ko. sabi sa amin ng prof namin free naman daw kami gumamit ng paggagayahan at kahit anong template ang magamit namin basta dapat unique yung model namin at kailangan rin connect ito sa topic namin. naghanap ako nang naghanap nang mga model sa google at pwedeng paggayahan ngunit puro common na ang nakikita ko. saglit akong nagpahinga while massaging my temples.
samantalang si yuta naman andun lang sa may kama niya nakahiga habang nagcecellphone. napakamot na lamang ako ng ulo at napasapo sa noo ko.
"gusto mo ba makakita ng butterfly?!" rinig kong bulong sa akin ni yuta mula sa aking likuran, that whisper sent shivers down my spine at tila ba nanlamig buong katawan ko nang marinig ko ang malalim na boses nito. nasa may baba lang rin kase ako ng kama niya samantalang siya ay dumungaw sa may edge ng bed niya at bumulong sa akin, konti na lamang ang agwat ng mukha namin sa isa't isa nagulat ako kaya naman napalayo ako sakanya.
"ano namang butterfly 'yan?" pagtataka ko.
he signaled me to sit dun sa may edge ng bed niya. kanina pa pala niya suot yung jersey niya at agad niya itong hinubad sa harapan ko sabay bato sa akin nung jersey niya, infairness ang bango parin nito kahit napawisan na. napatakip na lamang ako ng mga mata ko nang gawin niya iyon gamit ang kanyang jersey.
"ano ba yan mr. nakamoto, hindi kasi ako nakikipagbiruan"
"i thought you wanted to see a butterfly?, i wanna show you my butterfly tattoo kase" dahan dahan kong inalis ang jersey niya na pinantakip ko sa may mata ko. nakita ko ang kanyang abs na nakabalandra sa harapan ko pat rin yung butterfly tattoo niya at yung isa pa niyang tattoo at ang kanyang navel piercing, nakapwesto ang dalawa niyang tattoo along his v-line sa magkabilang side nito at nang maka glimpse ako sa katawan niya agad ko namang iniwas ang tingin ko.
"nice tattoo siguro" sabi ko habang nakaiwas ng tingin sa katawan niya. natatawa na lamang si yuta sa ginawa ko.
"i'll let you trace it" nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon at agad akong pinawisan dahil sa nerbyos.
Tumblr media Tumblr media
"h-huh?!" pagtataka ko.
"i can be your model nalang since nakita ko kanina ka pa nahihirapan humanap ng model for your drawing eh" nilingon mo na siya at nakita mong mukha namang seryoso si yuta sa mga sinasabi niya. you went near his side and you slowly shifted your gaze sa kanyang tattoo. you gulped before you slowly traced the butterfly tattoo near his v-line it mesmerized you kase ngayon ka lang nakakita ng ganun kagandang butterfly tattoo from a guy and the details of it was very precise and unique, yuta felt every bit of your touch on his skin. "ahh~~" he hissed under his breath which made you flustered. you got snapped back to reality and quickly got up and went to the balcony of his room. you needed some fresh air because the air inside there was too heated and suffocating for you.
yuta followed you sa may balcony, syempre shirtless parin siya and to your surprise he has a cigarette on his hands. he lit it up and started to smoke, naka dungaw lang rin siya sa may railings ng balcony katulad mo and you can feel from your peripheral vision na he was looking at you while you avert your gaze sa may view dun sa balcony nila. "alam mo nakakasunog kaya ng baga 'yang paninigarilyo" you said since hate na hate mo ang mga taong naninigarilyo and it is very unhealthy rin na makasagap ng usok mula sa mga naninigarilyo. yuta heard it and he quickly went near you nagulat ka and the next thing you knew you were locking eyes with him with a cigarette on his lips. he inhaled one last smoke of his cigar before he threw it on the ground, you felt his lips on yours and he was kissing you passionately, his hands on your nape while he gently tucked in one of your hair that was on your face. sa sobrang gulat mo sa ginawa niya napapikit ka nalang and when he pulled away from the kiss he then blew the last smoke of his cigarette on your face. you felt his hot breath on your face and you slowly opened your eyes to meet his. fuck! nakamoto yuta why do you need to be this hot?! never in your life na inakala mo ay mahahalikan ka ng isang nakamoto yuta, magsisinungaling ka sa sarili mo kung sasabihin mo na hindi mo naenjoy ang nangyari. may gusto ka rin kase kay yuta, nagsisinungaling ka lang sa sarili mo sa tuwing sinasabi mo na hindi mo siya gusto dahil na rin sa bad reputation niya pero you like bad boys, right?! so... and also the reason why napapayag kang kunin si yuta for this project is solely because bukod sa gusto mo siyang tulungan, may gusto ka nga rin sakanya and i may sound like a fool pero willing akong gawing ang kahit ano para sakanya. "hate boys who smoke all you want but i know you'll never ever resist it when it comes to me" this time you were the one who had your lips on his, you put your hands around his neck to deepen the kiss. he lifted you up and you felt his hands under your skirt, he sat on his bed while you were on top of him sitting on his lap. he was caressing your thighs and you let out a soft moan near his ears which automatically turned him on.
"fuck! i didn't know you were this good"
11 notes · View notes
patrioutte · 3 years
Text
THIS IS SUPPOSE TO BE A MANGA BUT I TURN IT INTO A NOVEL SO I CAN UPDATE EASILY :D
TAGLISH FOR NOW I CAN'T WRITE ENGLISH FLUENTLY :>
TITLE:THAT TIME I REINCARNATED AS A GIRL(NOVEL)
Written By:PATRIOUTTE
GENRE:ACTION,FANTASY ISEKAI AND COMEDY
SYNOPSIS:Exterminate a power that only few possess ,A power that is based on the user's emotion Siegfred A senior student in St.Archangel Academy in New Odenburg City,to avenge his parents that were killed by the demons he needed to be reincarnated as the daughter of the king to find out the truth for how the demons take over the world.
CHAPTER:01
REINCARNATION
Issue #01
The Beast within
Ako ay lasing na at medyo umiikot ang paningin ko...basta ang tanging alam ko ay napakaliwanag ng gabi na iyon,ganito pala feeling kapag binusted ni crush...grabe ang sakit tagos sa puso "umiyak ng napakalakas"......
Waiter:EHEM! Sir lasing na po yata kayo pwede po ba lumabas na po kayo,restaurant po o ito hindi po ito bar! "Smiles"...
Hindi ko alam ano pinagsasabi ng waiter dahil nga medyo umiikot paningin ko...
Ahh medyo masusuka na ako....(sabi ko sa isip ko)....at yun di ko na napigil sinukahan ko na nga ang waiter
Waiter:"pumipitik-pitik ang pisngi" G@go to ah sinukahan pa ako(sabi ng waiter sa isip nito)
At yun pinalabas ako sa restaurant..sino ba naman kase di papalabasin nun pero swerte parin ako di na ako siningil sa bayad XD
A..Ara..aray ansakit parin ng ulo,mukhang dito na ako matutulog sa daa.....
MAY ISTUDYANTENG GRABE KUMARIPAS NG TAKBO NA DUMAAN DAHIL HINAHABOL ITO NG NAPAKALAKING DEMON
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko"kinusot ang mata",dahil dun sa nakita ko nawala bigla ang pagkalasing ko
Sinundan ko ito ng palihim para di ako mapansin ng demon,nalaman ko na ang demon na iyon ay parang isang cheeta na may halong itsura ng cyclops at may malaking ngipin na napakatulis sa chest nito,nasa taas ng isang tindahan ng donut ang demon habang hinahabol nito ang istudyante...pero bigla nalang tumalon ang demon mula sa ibabaw ng tindahan at bumagsak ito sa lupa.....grabe ito ay sobrang nakakatakot...basag ang salamin...warak ang daan
Kumakaripas parin ng takbo ang istudyante...pero di niya namamalayan na nahulog na pala ang kaniyang cellphone,bigla ito na natisod sa isang bato...
B..Bakit ako hindi pa ako handang mamatay!! (Sigaw ng istudyante)
PAK !!!
Lumagapok na nga ang mukha ng istudyante,at bigla nalang nito naalala na nahulog ang kaniyang dala-dala na cellphone..
Parang awa niyo na!!!!!!!!,ayaw ko pang mamatay na di nabubura ang browser history ko!!!!!!! (Umiiyak na sigaw ng istudyante)
Tulungan niyo ako.......(lumingon sa likod ang istudyante na para bang hindi pa nito gusto mamatay)
Bumwelo ang demon....
SWOOOSSH
Sumugod ito ng pasulong...wasak ang mga daan at wasak ang tindahan na nasa likod nito..
Ito na ba talaga ang aking katapusan....p..pero sana may isang tao na may puso para iligtas ako(sabi ng estudyante sa kaniyang sarili)
Papalapit na ang demon...ngunit huling sumigaw ng saklolo ang istudyante na nagbabasakali na may butihin na puso na magliligtas sa kaniya.....
Tila ba naantig ang aking damdamin sa sigaw ng estudyante,bumalik sa aking memorya ang masalimuot ko na nakaraan at pinuno nito ng galit ang aking puso,kung saan na nagdahilan ito upang maactivate ko ang aking taglay na kapangyarihan.....
E..Extermination Activate!!!!!!!!
EXTERMINATE 70%
Papatayin na dapat ng demon ang istudyante ng may naramdaman itong nakakatakot at napakalakas na kapangyarihang na ng gagaling sa isang ring istudyante sa kaniyang likoran...
Kayong mga Demon..Di kayo nababagay dito sa Overworld...Uubusin ko kaya lahat!!!(pasigaw at puno na galit)
Nagalit ang Demon at sinugod ang istudyante sa likoran ..
Raaaawwr!!!
Bumwelo ang estudyante ,at humanda para suntukin ang papalapit na demon!!
PAK!!!!
Sinuntok ng napalakas ng estudyante ang demon sa chest nito ...sa sobrang lakas ng suntok ay napatalsik ang estudyante sa harapan at gumawa ito ng napakalakas na shockwave, nawasak ng napakaliit ang demon dahil sa shockwave mula sa suntok ..tumalsik ang pipiraso na katawan ng demon at bumuhos ang dugo nito sa itsura ng studyante....
Papalit ang istudyante sa aking harapan na may malaking ngiti sa mukh....ahh dumidilim na ang paningin ko baka ito ang epekto sa akin ng Exterminat.....
Student:"gulp" who are you!(patanong na sigaw),m..my hero!
I...I a..am...
Pak!!!
Natumba na ako...
\• --------•\ PATRIOUTTE /•-------- •/
ISSUE 01 FOR NOW I WILL ULPOAD ISSUE 02 SOON (/=3=/)
#writer#isekai #myownstory
#novel
3 notes · View notes
oikaw-ugh · 4 years
Text
Chapter 8: Meeting
Nagloloko si Tumblr. Ayaw ma-edit ng pics kaya update under the cut kasi ang haba :(((
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Akala ko ba registrar lang?" Maktol ni Shirabu ngayon na naglalakad sila paakyat sa second floor ng SHS campus.
Si Tendou parang tatakbo bilang gobernador. Kada liko, may kinakamusta, namimigay pa ang mokong ng cellophane. Kung para saan 'yun? 'Di ko rin alam. Smh.
Si Shirabu naman, sa sobrang talas ng bangs tingin, natatakot lumapit mga juniors niya sa kaniya.
Pero may kasama ang dalawa. Nakasuot ito ng itim na jacket at blue na ballcap. Pero ang weird kasi green ang buhok?
SiNo kAyA YuuUUUnnN? DefIenEtLy n0000Ot SeMi EitA!
"Lakas ng disguise ko," naks. Ang proud ni Semi.
"Gago. Binabantayan ka lang ng bangs ni Shirabu," comment ni Tendou na nagdulot kung bakit nasakal siya ni Shirabu. Kinky.
Choke me like u love me but u h8 me
"Sino ba bibisitahin natin?" Inis na sabi ni Shirabu ngayon na nasa second floor na sila.
"Si Taichi, pare," sabi ni Shirabu.
"sI tAiChI, pAre," sabi ni Tendou.
"Sino ba niloloko mo," Sabi ni Shirabu tiyaka nag roll eyes.
"Alam ko iniisip niyo. Hindi si Y/N, okay?" Sabi ni Semi.
"Wala naman kaming sinasabi. Masyadong defensive, Sir," pagbibiro ni Tendou. Napaikot ng mata si Semi. Feeling ko may bayag na mahahampas itong diploma ko. Sabi ng isip niya.
"Y/N, we talked about this."
Napalingon si Semi and the gang sa kaliwang banda ng corridor at namilog ang kanilang mga mata sapagkat nakita nila si Y/N na kausap si Ushijima.
"Si Ushijima, oh," may mga mata kami Tendou, "USHI-"
"Gago, 'wag," putol ni Shirabu bago siniko tiyan ni Tendou, "Mukhang seryoso pinag-uusapan, eh."
Pero hindi pumasok sa tenga ni Semi ang mga boses ng mga kasama niya. Sa halip, na kay Y/N ang kaniyang mga tingin. Nakayuko si Y/N, 'di man niya makita nang maayos ang mukha ni Y/N pero alam niya ang nararamdaman ng ex niya.
Nahihiya ito. Ito ba ang sinabi niyang gusto niyang magkaroon ng position ulit sa club niya?
"Kuya, busy po kasi-"
"But nag-commit ka,” Ushijima hissed like acid towards Y/N, melting her resolve in the process (wow, english).
“Kuya, I’ve been trying to contact Semi Eita talaga pero he’s busy-”
“I don’t need your reasons,” putol ni Ushijima, “Competence ang mantra ng Royal Eagles, alam mo ‘yan. Now, if you can’t keep up, then maybe you shouldn’t have joined the Royal Eagles,” realtalk ni Ushijima and is2g maririnig mo ang ‘OOOOOOH’ sa paligid ni Y/N. Joke.
“Gago, sakit nun, men,” comment ni Tendou habang nakaakbay kay Shirabu.
“Ang talas talaga ng dila ni Ushijima,” asik ni Shirabu. Luh. Tapos siya, hindi? Lol
Hindi nakinig si Semi. Instead, naglakad siya papalapit kay Ushijima. ‘Di sila masyadong close noon nung senior high pa siya dahil hindi naman taga Journalism Club si Semi at nag-usap lang sila minsan nung may event sa school. Pero sa hindi malamang dahilan, nanggagaliti ang baby guitarist natin.
Us2 niya pong sumabog at magsabi ng masasamang words. Bakit? Simple. Si Y/N.
Walang. Pwedeng. Manakit. Sa. Baby. Girl. Niya.
Ex pala.
Ushijima sensed Semi’s presence immediately, of course. Lumingon siya sa direksyon ni Semi at medyo namilog ang mga mata nang nakita si Semi na naglalakad papalapit sa kaniya.
“Semi,” Ushijima greeted, “Napabisita ka sa school, pare?”
Mama mo, Pare. “Ah, yes, Ushi, pare, had commitments, eh.” tinignan ni Semi si Y/N.
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Y/N ngayon. Masaya ba siya? Kasi natigil sa pagsasalita si Kuya Ushijima sa kaniya nang masama? O nahihiya? Kasi nadatnan pa talaga siya ni Semi na pinapagalitan.
Teka- ano bang pake ni Y/N sa iisipin ni Semi? Tama! Bakit siya mahihiya? Inikot ni Y/N ang mga mata niya bago tumayo nang tuwid para i-regain ang confidence niya.
Mapapahiya pero with attitude pa rin ✨
“Ano ba commitments mo?” Tanong ni Ushijima.
“Si Y/N-”
“REGISTRAR,” nilakasan ni Semi ang boses niya para matabunan ang boses ni Tendou. Tinignan ni Semi si Tendou at pinanlakihan ng mata.
“Anyways, registrar, Pare. Pinaayos ko diploma ko. Semen nalagay imbes na Semi,” explain ni Semi.
Wow, too much information ka, Sir?-
“And also...” Semi faced Y/N once again, “To tell Y/N na papayag na ako magpa-interview.
Umangat ang mga balikat ni Y/N at nawala ang maldita face niya. Gusto niyang ngumiti pero imbes na ‘yun ang gawin niya, nalaglag ang panga niya. Medyo nag-stutter pa ang gaga.
“U-U-Um...pero...” joke lang, ‘di ganyan.
“Payag...ka?” patanong na sagot ni Y/N habang nakatingin sa lalaking minsan niya nang minahal. Charot.
Semi smirked boyishly, “Oo, naman,” sabi niya at tinanggal ang ballcap para guluhin ang buhok tapos sinuot din ulit. Mala fuckboy ang galawan-
“Bakit hindi, Ms. Y/N?” sabi niya ulit.
Tangina. Sabi ni Y/N sa isip niya, Tangina mo talagang scotch brite ka.
Masterlist
Chapter 7 • Chapter 9
A/N: ABFHBDHF ANG HIRAP GAWING CRACKKKKK gusto ko sana pure crack din ‘to, eh kaso lilihis talaga. Nagiging angsty minsan :(
TAGLIST
@kawaiinishii  @flavostella02  @leinnah @churochuu @toripersonalacc @a-nonnie-mousse @ellapurineko @mellowknightcolorfarm @writing2live
40 notes · View notes
honoredsage · 3 years
Text
Quarantine (Part 89)
Day 623 ng quarantine.
Sa mga sandali na tinatype ko ‘to, mayroong nang naitalang 2,831,807 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 838 ang mga bagong naitalang kaso. 48,361 na ang mga namatay at 2,766,816 ang mga gumaling.
Pinakamainit na balita ngayong linggo ang bagong variant ng COVID, ang Omicron variant. Sa pagkakatanda ko unang nakita sa South Africa at unting-unti nang nadidiskubre pa sa ibang bansa. Nagbabala na ang WHO sa maaaring dalang panganib ng bagong variant. Balita pa rito sa Pilipinas na baka ibalik ang face shield. Awit.
Pero sa totoo lang, ngayong linggo, medyo wala akong pakialam sa bagong variant.
BABALA: Puro ka-dramahan na lang sa personal kong buhay ang mga susunod. Malamang may Taglish pa o purong Ingles na maganap. Baka magkaroon din ng hindi kaaya-ayang lenggwahe.
Ayun, noong Miyerkules nagpost ako rito ng mga parang status messages ng circa-2010s Facebook na parang tanga. Pero ganon lang talaga kasakit yung naramdaman ko nun eh.
Tatlong araw na simula nung Huwebes na may parte ng araw na umiiyak ako nang malala. Ugly cry talaga. Yung tipong may pangiwi-ngiwi pa. Pero tangina lang kasi, ang lungkot at sakit lang talaga. Sabi ko sa sarili ko siguro naman mahihinto na yung streak ngayong araw, pero hindi na ako sigurado. Kasi ramdam ko na naman yung sa may lalamunan na sensation at yung pagbilis ng heartbeat ngayong tina-type ko rito yung mga inaalala ko.
Niyaya ko yung babaeng I've slowly grew to like for mga over 2 years na ata, kung tama ang math ko na kumain ng lunch. Syempre pandemic, kaya huli naman din kami nagkita nang matino at nakakain ay before pa nun.
Excited na ako para dun sa araw na yun. Iniisip ko rin kasi actually na umamin na ng medyo pa-lowkey nung araw na yun. Pero mga 1 or 2 days ata before yun, naparanoid na ako kasi may nabasa na akong online na pinost nya, eh nung napagusapan namin na maglu-lunch kami nabanggit nya rin na may ikukwento sya.
Ayun. Tamang hinala. Actually pinangunahan ko na agad sya na "crush" ko sya (wala lang ako maisip na salita bukod sa crush na hindi masyadong madrama that time) pero di nya ata narinig nang maayos (o sinadya nyang di pansinin idk) kasi naka-face mask ako saka nasa labas kami. Tapos I asked her na kung ano ba yung malupet nyang ikukwento.
Then ayun. It hit me. She just told me she was seeing someone. Gago pare, ramdam kong kumirot talaga yung dibdib ko nun. Napasabi na lang ako ng "nice". Napansin nya ata na ang non-chalant nung response ko at sinabi nya yun. Doon ko na lang sinabi na paano ba yung tamang reaction eh gusto ko sya. Ayun, dun lang nagkalinawan. Comedy pa tong part na to kasi saktong tumatawid kami neto eh hindi ko napansin na red light at sinundan ko lang yung nasa harapan ko na tumawid. Kaya mga 30 seconds atang nasa magkabilang side kami ng kalsada.
Pagkatapos nun, noong kumakain na kami, catch up naman sa ibang mga bagay. Pero ayun, napapunta uli sa feelings yung napagusapan. Na-disclose ko nang matagal na akong may gusto sa kanya, pero sobrang dahan-dahan naman yun. Hindi pala sya nagkaroon ng idea na may gusto ako sa kanya, kahit sa side ko naman sobrang obvious na sa mga messages ko at ang kulang na lang ay direkta kong sabihin (narrator: at yun nga ang kulang).
Base sa pagkakuwento nya kung paano sila nagkakilala nung lalaki, I kept asking myself na "What could've been if I told earlier?". Parang nung naririnig ko yung kwento nya, I was reminded how much time i had with her and how many opportunities I had. Hindsight is a bitch. Sa totoo lang ayoko na rin lang kasing magtanong pa tungkol sa kanila kasi at that exact moment pakiramdam ko mas masasaktan lang ako.
Ayun, pagkakain namin bumalik na kami sa office. Tanda ko yung dalawang tanong nya sa akin nun pabalik kami.
"So yung mga messages mo pala nun, hindi biro yun?" "Hindi"
Tangina hindi talaga haha
"So simula nung magwork ako rito?" "Anong mag-work ka rito? Ah, na gusto kita? Oo."
*insert always has been meme*
Ayun, masaya naman ako para sa kanya. Tangina, ang precious nung ngiti nya nung kumakain kami. Na-miss ko yun. Kita mo rin sa mata yung saya nya eh. I'm glad na she's knowing na she's worth so much.
Pero ayun nga, sobrang lungkot ko para sa sarili ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ba ako malungkot? Siguro andun yung pakiramdam ng "What if?" saka "Man, that should've been me." I'm not saying na may chance ako sa kanya. She disclosed din naman nung bago kami tumawid na "It's platonic bro." Pero alam ko naman na nung simula naman talaga, friends lang naman talaga kami eh. Ako naman tong engot na nagka-feelings. Pero andun lang yung wondering na may mag-iba kaya kung naka-amin ako. Di ko alam kung selfish, pero may kirot lang din kapag iniisip ko na sana ako yung nagpapasaya sa kanya sa ganong paraan.
Siguro isa pa kung bakit ako nalulungkot ay yung pakiramdam na hindi ko alam kung anong gagawin ko. Saan ba ako lulugar? I just don't want her to think na all those good things I've done to her before was because I wanted her to like me. I mean, it would have been nice. Pero on my side, it was more of I just wanted to show that I care for her and that she's worth of that care. And besides, first and foremost, friends naman kami and friends do care for each other.
I guess I'm just not ready to face the truth yet. I don't know the specifics actually when she told na she's seeing someone. Sabi ko nga kanina, I didn't want to ask for more details about it. I don't know if exclusive na ba sila or she's open to seeing someone else pa, syempre specifically me. Pero ayun nga, I'm scared to know the truth at this moment. As a pessimist (I guess rightfully so), with these kinds of things, parang lose-lose situation. If she's exclusive with the guy, wala na. If they're not yet exclusive, pero she's not still open to give me a chance, wala rin.
I don't know man. At this point, bukod sa malungkot, hindi ko alam ang gagawin ko. I guess it's nice na I was finally able to tell her what I feel after all this time.
Syempre best case scenario for me is for her to give me a chance. I hope she does, even if it's highly unlikely. Whatever she does with the information na I like her, nasa kanya na naman yun. I'll respect whatever her decision is naman, kahit masakit if hindi pabor sakin. Though at this time, I still don't have the strength to ask her directly about this, so nganga muna tayo.
Man, it's funny I didn't realize how much she meant to me. I knew that I liked her more than as a friend, but being faced with this truth and imagining and realizing that I lost my chance (if there was any) of being more than a friend to her, tangina ang sakit pala haha. And the other side of realizing na there was no chance in the first place? Tangina masakit din eh.
At the end of the day, again, I still don't know what to do. Looking back, I've dealt with this similar feeling naman before. Though I must say, this must have been probably the most hurt I've been. Or nasa top 3, ganern. *insert humor as coping mechanism*.
They say life goes on, which is true. How I just wish I don't always get left behind.
Muli, dasal ko na sana ay matapos na ito sa pinakamadaling panahon.
2 notes · View notes
erroreena · 3 years
Text
Solar eclipse
Iwinawagayway ni Araw ang kaniyang mga bisig habang inaabangan ang oras ng kaniyang tuluyang pagbangon. Nagliligpit naman ng gamit si Buwan bilang patapos na ang kaniyang oras. 
Sa isang syudad na puno ng building, may isang kwadradong bintana roon kung saan masisilip natin ang isang Lalaki na halos mabura na ang kaniyang mata dahil sa paulit-ulit na pagkusot nito. Nagtimpla siya ng isang tasang kape at sinadyang patunugin ang kutsarita nang magising siya sa ingay nito. Sumilip siya sa bintana. At sa segundong iyon, hindi pa dapat lalabas si Araw, sapagkat naghahanda pa lang siya kagaya ni Lalaki. Nagkatinginan sila. 
Bilang bago si Araw sa responsibilidad nang tagapagsabi na umaga na, nakaramdam siya ng matinding init sa kaniyang loob.
“Tama ba ‘tong nakikita ko? Isang lalaki na sumulyap sa akin?! Sandali! Hindi pa ako handa... Magtatago muna ba ‘ko?”, hirit ni Araw.
Nag-ring ang alarm clock ni Lalaki at pinihit niya ‘to nang manahimik. Sa pangatlong pagkakataon, naunahan niya ‘to. Hirap siyang makatulog kahit na pagod na pagod sa trabaho. Sa buong linggo ng pagtatrabaho, tila hindi dinadapuan ng konsepto ng pahinga ang kaniyang katawan. 
Nagmadali si Araw na lumabas at iangat ang sarili nang makita siya ni Lalaki. Napansin niya ang pagyuko ni Lalaki habang nakatingin sa cellphone. Sinubukan niyang pakinggang ang sinasabi nito. 
“Oh, good morning! How are you?” pabulong na sabi ni Lalaki.
Lalong sumiklab ang bawat bisig ni Araw. Nais na lang niyang yapusin nang mahigpit si Lalaki. 
“Oo, masaya ako. Masaya ako na nagkita tayo sa unang paglabas ko. Masaya ako na kinakausap mo ako. Ikaw, kumusta ka?”
Ibinulsa ni Lalaki ang cellphone at hinila ang kurtina. 
“Hoy! Hindi mo pa ako sinasagot!”, pagmamaktol ni Araw. 
Sinundan ni Araw ng tingin si Lalaki, pero ni hindi niya magawang tingalain si Araw. Dumukot ito ng shades mula sakaniyang bulsa at agad na sinuot. 
Habang inaabangan si Lalaki, sari-sari ang pamumuri ang naririnig ni Araw mula sa mga nilalang sa ibaba. 
“Ang ganda naman ng umagang ito!” Di mabilang na “Good morning” din ang naririnig niya sa kung sinu-sino pero iisa lang ang nais niya. 
Madalas makipag-away si Araw kay Buwan. Minana nila sa kanilang mga ninuno ang oras ng kanilang paglitaw sa mundo kaya ang kasunduang ito ay nakataga na rin sa bato.
“Pambihira ka naman, Araw. Oras ko na. Di ba’t night shift ako. Kaya mamaya ka na,” hinaing ni Buwan.
“Wala akong pakialam sa shift-shift na ‘yan! Kung gusto kong sumikat, sisikat pa rin ako.” sigaw ni Araw. 
Hindi nagsalita si Buwan habang nakikipagtitigan siya kay Araw. Unti-unting naramdaman ni Araw ang hiya. Naalala niya na ang mga tao ay kailangan din ng gabi. Walang lugar ang pagiging makasarili niya. 
Palagi na siyang hinihintay ni Araw. Imbis na siya ang hintayin, ibinibaba niya ang sarili niya, “Eh ano kung ako ang Araw? Kaya ko rin ang ginagawa ng mga nilalang na tulad nila. Naririnig ko pa nga ang biro na ‘willing to wait po!’ Aba’y siyempre, ako rin.”
Inaabangan niya ang pagdating ni Lalaki. Madalas daw itong nakatungo habang nagmamadaling makipagsiksikan sa eskinita at underpass papunta sa opisina. Marahil ay lugmok sa kalungkutan o pagod sa trabaho kaya hindi na siya makitaan ng anumang bahid ng sigla. Kaya buong-buo ang ngiti ni Araw para naman mahawa si Lalaki sa saya niya. Pero sa bawat linggo na lumalabas si Araw ay ni hindi man lang siya pinapansin si Lalaki. Titingala lamang siya kapag napapansin niya ang ambon, ang ulan --- tsaka niya ilalabas ang payong. 
“Magseselos ba ako sa ulan? Sa kaibigan kong maitim na ulap? Bakit hindi niya magawang iangat ang kaniyang ulo upang harapin ako? Maliwanag naman ako ah? Mas gusto ba niya ang dilim?”
Kaydami nang nagtangkang humalina kay Araw. May iba’t ibang harana para sa kaniya. Kakaibang pag-asa raw ang taglay niya sabi ng maraming mga nilalang sa lupa. Palagi na lang biyaya ang tingin sa kaniya. 
“Sana umaraw na para matuyo kaagad ‘tong labada ko”, ani ni Marites. 
“Di bale, bukas ay may bagong araw at makakabawi ako ulit,” sabi ni Ramon. 
“Hangga’t may araw ay may good vibes,” sambit ni Yasmin.  
Kung sinu-sino ang naririnig ni Araw ngunit ang tinig lamang ni Lalaki ang kaniyang hinahanap.
“Sige, kung hindi man magpakita ng anumang senyales ng pagdating, tatanggapin ko na lang.” nangingilid na ang luha ni Araw na agad din namang natutuloy.
“Aba! Anong iniiyak-iyak mo? Alam mo namang triple ang sakit sa iyo kapag iiyak ka. Agad na ngang natutuyo, naiipon pa lalo sa loob,” hirit ni Maitim na Ulap.
“Ginusto ko bang maging ganito? Isang sumpa ang maging Araw!” Tinalikuran ni Araw ang Maitim na Ulap. 
Tinulak ni Araw ang kaniyang kaibigan na si Maitim na Ulap. Nag-udyok ito nang isang katakot-takot na pag-ulan, malakas na pag-ihip ng hangin. 
Natulala ang Araw sa gulong ginawa niya. Agad niyang hinanap si Lalaki. May isang maliit na itim na payong kung saan nagsisiksikan ang dalawang tao. Nakilala niya si Lalaki kahit hindi niya makita ang mukha ito na natatakpan ng payong. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng isang tao -- tila binabalot ng pangakong hindi ito bibitawan gaano man kalakas ang ulan.  Pinanood niya ang pakikipagsapalaran ni Lalaki sa ulan at paglusong baha na dala ng Maitim na Ulap na binubuhos ang sama ng loob ng kaniyang kaibigang si Araw. 
Nanlamig si Araw at halos maghandusay sa lapag sa panghihina nito. Nang mapansin ng Maitim na Ulap ang pamumutla ng kaniyang kaibigan, inakay niya ito. 
Sabi nila, wala ka raw maikukubli sa araw pero nagawa pa rin ikubli ni Lalaki ang katotohanan sa ‘di malamang paraan. 
Dinamdam ni Araw ito sapagkat ang alam niya at kita niya ang lahat ng nangyayari sa mundo hanggang sa kasuluk-sulukan nito. Siya ang nagbibigay ng liwanag pero habang napupuno ng mga kongkretong matatayog na kahon sa syudad, may mga eksenang, hindi na niya nasasagap. Nahaharangan na ng semento ang kaniyang paningin.
Narinig ng Buwan ang kaguluhan. Nadatnan niyang nakahandusay na si Araw. Nahabag siya sa lagay nito. Hindi dapat malaman ng mga nilalang sa ibaba na nanghihina siya nang dahil sa isang Lalaking nakasilong sa maliit na payong. Anumang pagtatalo nila noon ay naintindihan na niya kung bakit nagpupumilit si Araw na akuin pati ang gabi. “Ang Araw na gusto akuin ang night shift,” buntong hininga ni Buwan. 
“Kailangan ka pa nila. Tumayo ka muna diyan,” engganyo ni Maitim na Ulap. Inabot niya ang kaniyang kamay at muling sumikat si Araw. 
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Naisalba ng Araw ang mga tao mula sa anumang peligro na dulot nang biglaang pagbuhos ng ulan. Halos lahat nang mga tao ay nakatingala sa langit, at nagsambit ng munting dasal. 
“Salamat naman sa Diyos at umaraw na ulit!” hiyaw ni Marites. 
Sa pagsikat ni Araw, tiniklop na ng lalaki ang payong. Nakatalikod ang kasama niya kaya hindi man lang mamkukhaan ni Araw ito. Kay liwanag niya ngunit hindi man lang niya maaninag ang mukha ng taong kasama ni Lalaki. Wala na sigurong mas bibigat sa kaniyang loob sa puntong iyon. Niyakap nang mahigpit ni Lalaki ang taong ‘yun. Nang iaangat na nito ang ulo niya, umasa si Araw na ito na ang pagkakataong magkatinginan na silang muli. 
“Magpapasalamat ka rin ba gaya nila Marites at kung sino pang nilalang na sabik na sabik sa aking pagdating?”
Sa huli, inangat lang pala niya ang ulo niya upang harapin ang taong iyon at halikan ang labi nito. 
Kasama ni Araw sina Maitim na Ulap at Buwan sa panonood ng eksenang ito. Hindi nila mawari kung paano matutulungan ang kaibigan.
Marahil ito na ang araw na dapat na siyang magpaalam. Handa na siyang pakawalan ang lalaking yun. 
Baka magpapaalam na lang daw siya, maghihintay na lang hanggang sa mag- alas singko. Ngunit muli siyang kumabig, hindi siya lulubog hangga’t hindi buo ang desisyon niya. 
Napansin ni Buwan na pilit na iniaabot ni Araw ang mga sinag nito kay Lalaki, wari’y nagmamakaawang abutin ito sa una at huling pagkakataon. Ngunit di na matiis ni Buwan na makita ang kaniyang kaibigan na muling magpakababa para sa Lalaking ito kaya minabuti niyang pagtakpan ang kahibangang ito. 
“Magpahinga ka muna, ako na lang ngayon. Akin na ‘yan.”
“Ang alin?” pagtataka ni Araw.
“Ang iyong sama ng loob.”
“Ha? Para saan?”
“Wala ng tanong-tanong.”
Bilang tiwala siya sa kaniyang kaibigang Buwan, iniabot ni Araw ang sakit na tanging si Buwan lang ang nakakakita. 
“Pito’t kalahating minuto sa oras ng mga tao pero pitong dekada sa panahon natin.” 
“Sandali... kung pitong dekada sa panahon natin, ibig sabihin lang nun ay kailangan ko nang magpaalam nang tuluyan? Teka! Teka!” pagmamakaawa ni Araw.”
“Wala nang pero, pero...”
At tumigil ang mundo sa mga mata ni Araw. Tumayo si Buwan sa harapan niya upang hindi na niya masulyapan si Lalaki. 
“Tama na ‘yang kahibangan mo, Araw at magpahinga ka na lang.”
Kusa na lang niyang ipinikit ang kaniyang mata. Wala na siyang magawa. Wala na siyang maramdaman.
Narinig niya ang paghangos ni Maitim na Ulap. 
“Mabuti na lang at napakiusapan ko ang kapalit mo, Araw. Pasensya na iha at naistorbo ka namin. Ikaw na ang papalit kay Araw. Pagkat, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya naming pagtakpan ang kahinaan ng aming kaibigan.” habilin ni Maitim na Ulap. 
Sa muling pagsikat ng bagong araw, sabay na tumingin si Lalaki at ang kaniyang karelasyon. 
“Napakaganda ng araw, pero mas pipiliin pa rin kitang pagmasdan sa bawat araw ng buhay ko.” sabi ni Lalaki.
Pagsambit ng huling salita, sabay na umiling si Maitim na Ulap at Buwan. 
“Tama ang desisyon natin.” pagmamalaki ni Buwan.
Muling umeksena si Maitim na Ulap kaya’t bumuhos ang ulan. Nagtaka si Buwan at sumilip siya ibaba at nanlaki ang mga mata nito at nagbuntung-hininga. Maya-maya lamang ay nagtapat na si Maitim na Ulap.
Alam mo bang wala ng ibang hinintay si Lalaki kundi ang ulan dahil ito ang pagkakataon niya para makipagkita sa kaniyang karelasyon? Sa ilalim ng maliit na payong na yan, ipinagkakasya niya ang kanilang mga katawan para may dahilan siya na makasama ito -- habang nakatalukbong at nakakapagtago. Walang makakakita sa kanila. Alam ni Lalaki na hangga’t sumisikat ang araw ay bukas na bukas din ang mga mata ng mga tao. Mayroong manghuhusga sa kanilang relasyon. 
At sa pagbuhos ng ulan, muling binuksan ni Lalaki ang maliit na payong. Niyakap niya ang kaniyang karelasyon at hindi ininda ang pagkabasa ng kanilang damit. Inipit nila sa gitna ng kanilang mga dibdib ang maiksing tungkod ng payong.
 “Tama ang desisyon natin.” bulong ni Maitim na Ulap. 
Alas-sais na ng gabi at tuluyan ng tumungtong si Buwan sa trono.
5 notes · View notes
aleksadnezz · 3 years
Photo
Tumblr media
Huling Sandali | Young K
Pairing: Young K x Reader
Language: Filipino
Genre: Angst
Tumingin ako sa palad ko na nakapatong sa kandungan ko, unti-unti kong binuskan ‘to upang makita ang pawis na naipon dahil sa kaba na kanina ko pa pinipigilan. Nakasakay ako ngayon sa van ng grupo namin para magpahatid sa coffee shop. Kakatapos lang ng band practice namin kaya pinauna ko na ang iba sa condo at nag dahilan lang na may bibilhin pero ang totoo makikipag kita ako sa girlfriend ko. Parehas kaming busy dalawa kaya nawawalan na kami ng oras para magkita.
Pinahinto ko ang van sa kanto malapit sa coffee shop at nagpaalam na magbobok na lang ako pauwi. Inayos ko ang jacket na suot ko at sinuot ko na rin ang cap na dala ko tsaka lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad ako papunta sa coffee shop napansin ko ang isang babae na nakatayo mapalapit sa entrance, nilalaro ang kamay niya. Napansin niya na may papalapit sa gawi niya kaya inangat niya ang ulo niya. Nagkatinginan kaming dalawa at biglang lumiwanag ang mukha niya, tumakbo siya saakin at niyakap ako, mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko na tila ba gusto niya marinig ang tibok ng puso ko. Nakapatong ang baba ko sa ulo niya habang naka balot ang mga braso ko sa maliit niyang katawan. Matagal kaming nanatilili sa ganong posisyon, walang nagsasalita at purong tunog lang ng mga dumadaang mga sasakyan ang ingay.
Kumawala ako sa yakap para makita ang mukha niya. Napansin kong namayat siya dahil lumiit ang pisngi niya pero nangingibabaw parin ang magandang ngiti niya.
“Titig na titig ah, miss mo ako noh?” Sabi niya saakin saka ngumisi. Oo na miss kita, at mamimiss ko yang ngiti mo kasabay nang pagngiti ng mga mata mo.
“Syempre ang tagal natin ‘di nagkita, busy ka kasi lagi sa studies mo.” Pagbibiro ko.
“Hoy ang kapal mo! Ikaw pa nga nagsabi saakin na mag-aral ako ng Mabuti.” Hinampas niya ako ng mahina sa braso saka tumawa.
“Biro lang, baka sa sobrang tutok mo pag aaral nakakalimutan mo na kumain?” Tumingin ako ng diretso sa kanya pero ‘di niya ako tinignan.
“Kumakain naman ako pag naaalala ko.” Hindi ako nagsalita kaya tiningala niya ako saka ngumuso.
“Ang kulit mo talaga, sabi ko sayo kahit ‘di ako magtext sayo lagi mo tatandaang kumain.” Ginulo ko ang buhok niya, inalis naman niya ito agad at inayos ulit saka ako tinignan ng masama.
“Tara sa loob?” Yaya ko sa kanya.
“uhh brian…”
“Hmm?”
“Sa iba na lang tayo kumain, tsaka medyo madami kasing tao sa loob” sabi niya. Tumingin ako sa coffee shop, ‘di naman ganon kadami ang tao sa loob dahil pagabi na. Nag advance reservation na din ako kahapon kung sakali. Siguro concern lang siya na baka may makakita saakin o sa aming dalawa. Hindi din naman kamahalan ang mga presyo rito, minsan pag alam niyang mahal ang presyo ng mga kinakainan namin lagi niyang pinipilit na hati kami ng bayad pero ‘di ako pumapayag.
Napapansin ko na iniiwasan niyang maging pabigat sa ibang tao kaya sa tuwing magkasama kami lagi kong pinaparamdam sa kanya na wala siya dapat ikabahala. Mukha namang ‘di lang niya talaga gusto ang lugar kaya pumayag na lang ako.
Hindi ko alam kung saan niya gusto pumunta at hindi ko rin kabisado ang mga lugar dito kaya hinayaan ko na lang siya mauna sa paglalakad.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para i-cancel ang reservation ko sa coffee shop. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya.  Inangat niya ang kaliwang kamay niya saakin, pahiwatig niya na abutin ko kaya kinuha ko ang kamay niya na naka angat.
"Kamusta work mo?" Panimula niya.
"Medyo busy, lalo na may pinaghahandaan kaming mga events." Sagot ko. Sobrang bihira na lang talaga kami nakakapag usap kaya wala kaming update sa isa't isa.
"Bri baka pinapagod mo sarili mo ah?" Mas lalo ko hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.
"Hindi po." Pero ang totoo 'di ko na alam kung pano ko ibabalance ang trabaho at ang personal na buhay ko.
"Ikaw kamusta studies mo?"
"Ayos lang naman medyo busy din kasi malapit na exam week namin." Sagot niya. Habang naglalakad kami nagkukwento siya tungkol sa mga ganap nila sa uni niya, sa mga blockmates niya at sa thesis nila na paulit ulit pinapa-revised ng prof nila.
Habang naglalakad kami may nadaanan kaming 7/11 kaya bumili kami ng pagkain. Nakarating kami sa may baywalk at umupo sa bench na malapit dito. Naka harap kami ngayon sa dagat at tanaw na tanaw ang pag angat ng buwan. May ibang mga tao rin na nakatambay dito kaya kampante ako.
Ngayon lang ulit ako nakalabas ng ganito, kadalasan hanggang condo at studio lang napupuntahan namin. Siniko niya ang braso ko para mabalik ako sa realidad. Hindi ko napansin na nakatulala lang ako sa sa pagkain na inaabot niya sakin.
"Thank you.” Sabi ko at inabot ang pagkain.
"Okay ka lang?? Baka pagod kana niyaya pa kita dito.. gusto mo bilisan na lang nati-"
"Okay lang, may iniisip lang ako. Sorry.." Pagpuputol ko sa kanya.
"Gusto mo pag usapan?" Tinignan ko siya at nginitian niya ako. Isa sa milyong bagay kung bakit ko siya nagustuhan. Sobrang maintindihin niyang tao, ilang beses ko na siya nabigo pero nandito parin siya sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan sa kabila ng mga pagkukulang ko at siya mismo ang pumupuna non. Importante siya sa buhay ko pero higit na mas deserve niya lahat ng pagmamahal sa mundo at hindi ang pagmamahal na kaya ko lang ibigay.
Kumakain kami habang kinukukwento ko sa kanya ang ganap sa trabaho ko at yung pressure ng management saamin bilang artist. Hindi ko na binanggit yung iba kagaya ng pagiging makontrolin ng management lalo na sa personal naming buhay. Ayoko dumagdag sa mga bagay na pinoproblema niya.
Tahimik lang siya habang nakikinig saakin. Hindi ko napansin na unti unti nang dumidilim ang paligid dahilan para mas umangat pa ang liwanag ng buwan. Huminto ako sa pagsasalita at tumingin sakanya. Diretso lang ang tingin niya sa buwan, kahit kalahati lang ng mukha niya ang kita ko, masasabi ko na siya parin ang pinakamagangdang babae para saakin. Ang magagandang mga mata niya na kumikinang dahil sa buwan, ang itim at mahahabang pilik mata niya, ang matangos niyang ilong, ang kulay rosas na mga pisngi niya at ang pinaka gustong parte ko, ang malalambot niyang labi.
Saulong saulo ko na ang mukha niya kahit pumikit pa ako, para bang nakaimprinta na ang imahe niya sa isip ko, pero sa mga oras na ‘to kung pwede lang sa pag pikit ng mga mata ko, wala na siya sa isip ko. Gusto kong kalimutan lahat para hindi ako nahihirapan ng ganito.
Walang umiimik saaming dalawa at ang hampas lang ng tubig sa baywalk ang ingay na bumabalot sa tenga namin. Huminga ako ng malalim saka inabot ang kamay na nakapatong sa kandungan niya. Hinawakan ko ang kamay niya pero hindi ko na hinigpitan ‘to, pabalik-balik ko hinagod ang hinlalaki ko sa likod ng maliit niyang kamay. Lumapit siya ng kaunti saakin saka nilagay ang ulo niya sa balikat ko. Matagal kaming nanatili sa ganung posisyon at hindi parin siya nagsasalita. Ngayon lang siya naging ganito kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Sobra akong natatakot sa kung anong pwedeng mangyari samin pagkatapos nito, ang alam ko lang para saaming dalawa ‘tong ginagawa ko.
“Y/N..” Tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya kumibo kaya siinilip ko ang mukha niya at nakita kong parehas nakapikit ang mga mata niya. Tinawag ko ullit ang pangalan niya pero ngayon nagsalita na siya.
“Alam ko bri..” Sambit niya kaya napalunok ako. “Hayaan mo muna akong sulitin ‘tong oras na ‘to” Dagdag pa niya. Ramdam ko ang sakit sa tono ng pananalita niya. Gusto ko siyang yakapin pero ‘di ko kaya parang naubos lahat ng lakas ko. Gusto kong tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman niya pero ako mismo ang may gawa nun.
Naramdaman kong may basang tumulo sa damit ko, kahit alam kong hindi yon patak ng ulan pero tumingala parin ako sa langit. Pumikit ako dahil alam kong may nagbabadyang bumagsak din. Kinalas niya ang kamay naming magkahawak tsaka pinunasan ang luha niya. Hinarap ko siya saakin at hinawakan ko ang pisngi niya para ako naman ang magpunas sa mga luha niya. Ang sakit na makita siyang ganito. Ang sakit na makitang umiiyak siya dahil sakin.
Inipon ko ang natitrang lakas ko para sabihin sakanya lahat ng gusto kong sabihin. Gusto ko sabihin sa kanya kung gano ko siya minahal at kung mas gaano ko siya kamahal kaysa sa sarili ko. Gusto ko sabihin kung gaano siya kaimportante sa buhay ko kaya ko ‘to ginagawa.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “I’m sorry y/n..” Para bang napaos ako at wala ng lumalabas na boses saakin. Gusto ko man ipaliwanag lahat sa kanya pero parang nawalan ako ng lakas.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ibinaba ‘to, sobrang maingat niyang binitawan ang kamay ko. Naka tungo parin ako habang pinagmamasdan ang kamay ko.
“Para sa ikabubuti naman nating dalawa ‘to diba?” Rinig ko na kahit nahihirapan siya pinilit parin niya na magsalita. Inangat ko ang ulo ko para makita siya. Para bang unti-unting hinahati ang puso ko nang magtama ang aming mga mata. Umiwas ako ng tingin tsaka tumango, hindi ko siya kayang tignang nasasaktan, alam kong mas mahihirapan akong pakawalan siya.
Tumayo siya pero nanatili akong nakaupo at naka yuko. “Gumagabi na uuwi na ako.” Sambit niya kaya tinignan ko na siya. Inaayos niya ang damit niya na nagusot, nilabas din niya ang salamin niya para punasan ang luha na nagbabadyang bumagsak muli.
“Ihahatid na kita sainy-“ Tumayo na ako para kunin ang phone ko para magbook ng sasakyan pero pinigilan niya ako.
“Di mo na ako kailangan ihatid.” Hindi ko siya masisisi pero ‘di ko parin tanggap na ganito kami matatapos. Hindi ako makapagsalita dahil baka bigla kong bawiin lahat. Pero nandito na kami sa huli, nasaktan ko na siya, hindi ko na pwede pang bawiin yon.
Hindi ko na maririnig ang boses niyang malumanay pag tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko na mahahawakan ang kamay niya. Hindi ko na siya pwede yakapin kung kelan ko gusto at mas lalong hindi ko na mararamdaman ang malambot niyang labi. Tapos na kami at ito lang ang kaya kong iwan sa kanya.
Hinigit ko siya para kayapin, hindi siya lumayo at mas lalo pa niyang binaon ang ulo niya sa dibdib ko. “Kahit isang yakap lang.” Sambit ko. Hindi siya nagsalita at ipinulupot lang braso niya sa bewang ko.
Hindi ko na ulit siya mahahawakan ng ganito kaya gusto ko sulitin itong huling sandali na kasama siya.
5 notes · View notes
fuzzylumpkins · 4 years
Text
I GIVE UP. (a secret open letter)
Hi. I know youre a morning person, and you're always busy everyday. especially on a Monday, and i really dont wanna rain on your parade, but given the situation, i just know na hindi ko na kaya patagalin pa to ng ilang araw, or iset aside nanaman. So im sorry if your first day of the week and your day itself starts off with this letter.
I also know na you dont really read my long messages and youre probably thinking, "Hay, ito nanaman si Mara and mga long letters nya." But im asking you to please read all of these. Alam ko pag gising mo you will shrug this off, and it's okay. who would want a buzzkill to start their day with, diba? Hehe but again, please. Please take time to read this and understand where this is all coming from. You can always save these messages to your vault and read it later kung nasa mood ka na, or if me time ka na. But please dont disregard this letter.
Anyway,
It's exactly 2:15 in the morning. I havent slept since i messaged you last night/kanina. I had to stop crying, and collect myself entriely, para kalmado ako (kanina kalmado actually ako. You just got scared na magstorm off ako, and turned off your phone. Pero thankfully, kalmado ako nun. And i guess thats a really good thing, kasi di na ako galit. But i guess that's also a sign na pagod na ako talaga.
So yeah, i needed to collect myself, hindi na ako umiiyak as i am writing this (but i probably will cry at the end or maybe even in the middle of writing of this letter! hehe) Nag relax muna ako from my last message sayo, doing nothing, because I needed to calm myself even more, kasi I wanted to write this letter, na yun nga, kalmado, that way, mas sure ako sa mga sasabihin ko, and sa magiging decisions ko.
Love, im giving up. This time it's for real. Ayaw ko na talaga. Alam ko ilang beses mo na narinig sakin yan. And i end up eating my words, as soon as you talk to me, throw me nice words, treat me with kindness. parang bigla nalang, "nabibihag" mo nanaman ako. Pero ayaw ko na love. Suko na ako. Surrender na ako. Matigas ka talaga. 😢 hehe And honestly, hindi ko na mafeel yung worth ko sayo. I feel useless, and i feel like im worth nothing to you because of these feelings, na matagal ko na nararamdaman, but i always choose to ignore. Kasi in denial ako. These are the red flags i'd like to let you know.
You never gave me any compromise.
Thats one thing i wanted to hear from you, never mo naman ginawan ng paraan. Parang tinatawanan mo lang yung hurt na nararamdaman ko. Never mo ginawan ng solusyon.
You dont give me an assurance.
Wala akong peace of mind. Im sorry pero, wala na akong trust. You lost my trust, i cant trust you, i wont trust you — kasi never mo naman ako pinafeel good, and never mo naman ako binigyan ng assurance na never mo na gagawin sakin na mahurt ako. Parang feeling ko never mo gnawa yun, kasi ikaw mismo sa sarili mo hindi mo masigurado na kaya mo.
I gave you a second chance , but you never valued that second chance.
Tandang tanda ko pa how you hurt me that night na nakita ko yung unang time na finollow mo yang nur aypha na yan. We talked about it sa Biton. You said sorry you cried. —- hindi ko akalain na ung cool guy lawrence would feel so guilty that day, and cry, and lunok his pride and say sorry to me. Sobra kong happy that moment kasi akala ko sobrang love mo ako. September 21 yun. DO YOU KNOW WHY DECEMBER 23 KO PA ULIT NA NALAMAN NA NEVER MO PALA INUNFOLLOW? Because i dont check you, i dont check your account because i trusted you. Sobra ko lang katrust sayo. Ganun ako kaconfident sa love mo sakin. Pero that december night na nalaman ko yun, it was my gut telling me na something’s up. And ever since then, HINDI NA AKO NATAHIMIK. Hindi ko akalain na yung time na akala ko ok ka, na nagsorry ka, na binigyan kita ng second chance, hindi ko akalain na in that span, may pa like like ka pa ng LAHAT ng pictures nya. As in every upload. Alam mo yung nasa isip ko? Isahan mo lang gilike lahat yun. Tapos nakita nya, na “uy may flood likes ako from an ex..” and thats already enough reason to start a conversation between you two. :”( or hindi ko alam kung lahat ba ng stories nya, gina reactan mo, kasi pala react ka sa stories. Dun mo nga ako una nakausap diba? Thats your conversation starter, and that fucking kills me. Yung thoughts na yun never ako pinatahimik. KAYA GSTO KO LANG NAMAN MAWALA SYA SA ACCT MO KSI HINDI KO NA ALAM ANO NA GINAGAWA MO. Hindi ko na alam ano na ginagawa nyo privately.
Kasi you have intentions. You had intentions when you kept liking her photos. Kasi MAY PINAGDAANAN na tayo na issue sakanya, but you still secretly kept liking her pictures. Up until your birthday, sya nasa isip mo while ako i was doing my best effort to make you feel happy. To surprise you. Lahat. Kaya pala when i asked you to come to mabini to get my bigger surprise, parang “ugh” ka pa na ano ba to. bat kelangan pa mag pnta pnta. Then until new year of 2021, kung d ko pa nahuli nung jan 7, nakalike ka pa and updated ka masyado sknya.
So hindi mo mwala sakin yun magisip ako ng , ah baka sa instagram stories ito naga landian itong dalawa. Thats why i dont have my peace of mind. Thats why i want you to remove her. Pero hndi mo magawa, hindi mo kaya.
You never adjusted even for a bit. Para sakin. 
Para sa tao na dapat sana mas iniisip mo kung mahal mo tlaga.
Sobra kong selos kasi bakit ako, yung kinulang na sa oras sa buhay mo, yung pinipilit mag habol ng oras na nawala, bakit ako yung wala sa social media mo? Bakit ako hindi mo malagay jan, na yan lang yung isang way na makabawi tayo sa lost times natin. Bakit sila, mas nakikita mo yung everyday ig stories nila, yung personal life nila, mas ginapili mo na yun makita kesa updated ka sa simple things in my life na sana nakikita mo, nahahabol mo. Ung mga interests ko na sana alam mo. Yung mga interests mo na sana alam ko, na sana nadidiscover ko pa ngyon na nagahabol ako ng nawala na panahon? Na bawat ig story mo nakikita ko na “uy mahilig talaga si lawrence/mara ng ganto.” Or whatever. Pero wala e. Ung simple joys ko na ganun, you stripped that away from me Because you CHOSE to keep them instead. You chose them and still choose them to this day over me.
Di ko talaga alam bakit? Kasi
You blame me?
Blame me for fucking what?! Tangina. Lagi mo reason “o, ngayon alam mo na feeling ng di pinapakinggan?” Putang ina naman you pnly felt that for 2-3 days na nag matigas ako to not block an ex. Compare mo sa 2-3 months na nagmamatigas ka hindi ako pagbigyan. Fuck. That. Hurts.
And yung blame na yan, kung hindi mo yan maalis sa isip mo, even if i said sorry, even if pinagsisihan ko na, even if i did everything to change that, wala pa rin, then i think that’s also a reason na istop nalang din ito. Kasi yun yung gusto mo na justification sa actions mo, that one single thing na hindi ko naman pinalala, pero yun pa rin yung ginagamimt mo na dahilan to justify your actions, then  i really think it’s time to stop na rin. Oo na, kasalanan ko nalang.
Love the very same reason bakit ayaw mo nagafollow sakin sila, o finafollow ko sila, THATS THE VERY SAME REASON BAKIT AKO NAGA PA BLOCK DIN SAYO. Kung ano yung pakiramdam mo ganun din yung akin. Pero bakit never mo kaya gawin for me yun? Yun yung hndi ko magets. Kung snasabi mo “wala dn man ako gnagawa” WELL GUESS WHAT? WALA DN AKO GINAGAWA, yet i blocked them para wala ka na maisip, THATS ME GIVING YOU YOUR PEACE OF MIND . Para matahimik isip mo and ma feel confident ka about me. E ikw nga MAY GINAGAWA NA.
Di ko talaga alam. Sabi nila it comes with age. Meron mga lalake na maaga nasstop yang stage na ganyan, meron din never na talaga. I dont care if you admire those tiktok type girls, lahat ng mga “wow” for guys. Pero pede nyo naman iappreciate yun without engaging anything with them. Pde mo naman daanan lng without clicking the heart button, or without reacting.
Pero un sa ex mo, tapos hindi pa malabong magkita kayo. Naku, no no na yun. Hindi ako magiging katulad ng asawa natin na nalulusutan natin.
But anyway,
that’s it. Surrender na ako. Masyado na talagang mababa yung tingin ko na worth ko sayo. Masyado na din mababa tingin ko sa sarili ko na naga makaawa ako sa SIMPLENG bagay na hindi mabigay sakin ng tao na nagasabi na mahal ako.
have your freedom, hindi naman kita prisoner. Baka isipin mo sobra pa ako sa asawa mo. Si R nga d naga ganto ganyan, si mara oa, HINDI NAMAN ASAWA. Well maybe because maybe i know you more? I know what youre capable of. You cheat pn ur wife with me, and she doesnt know that. So alam ko na, sya asawa mo kaya mo lokohin, ako pa kaya na kabit mo LANG. If youre gonna b with me, just stay loyal, and be honest. That's all i ask.
Yun lang.
I give up.
💔
💔
💔
Dont worry it’s not you who’s giving up. It’s me. I’ve given up. I’ve given up on hope and love na pjnipilit ko na meron tayo.
Kasi ang dami pa natin pagdadaanan, pero kung ganitong bagay lang hindi mo kaya macompromise for me, then might as well stop this. Pano nlng sa next challenges ? Iwan nlng ako sa ere kasi wala akong support system. So ayoko na dumating sa point na kawawa na ako masyado love. hehe
------------------------------------------------------
Sometimes it takes an experience na masasaktan ka, or may mawawala sayo, for you to realize the value of something. “You never know what you got til it’s gone” kasi you take it for granted.
If youre gonna be with me, be with me all in. Make me feel secured. Give me that trust, kasi yun yung building block ng lahat ng relationships. I told you my deal. D na ako babalik sayo unless you remove that person in your life (na obvious na d mo magawa) Actually, simula ngyon ayaw ko na rin mag-asa. Kasi the more na tumatagal, mas sobrang sakit on my part. Kasi “bakit hindi maaksyonan agad?” Bakit kelangan pa patagalin.
The more you take time, the more it hurts. The more theyre in your life, tapos ako wala? The more it hurts. The more you keep them, the more you dont value my worth.
--------------------------------------------------------
I dont want to leave by giving each other wounds. Ayoko na dn matapos ito na puro away nalang. Thats why im giving up. Para wala na ako gnaisip na akin ka, na love mo ako kc i end up getting hurt.
PS: If youre gonna change, dont change for me. Change for yourself. I do believe people change. Yun yung kelangan ko linawin. If you are changing for me, then chances are baka bumalik ka lang sa dati mong ugali, or dati mong ginagawa, because ayaw mong magbago for yourself. If youre gonna change, that has to be for u. Kelangan nasayo yung “narealize ko how much i value my relationship, ayaw ko masira ulit to. Im not gonna give anyone a chance to ruin my relationship.” Because you know the value of this once in a lifetime love story. But if youre changing because naku, “baka magalit si Mara.” Then iba din yun. iba yung reason why youre changing. You might just go back to the way you were. I do believe that ppl can change. Yun lang minsan ang sad dun, it takes a painful experience, para matuto tayo ng leksyon.
Also, i just wanna ask you to not feel AWA towards me. Kasi hindi tama na anjan ka nlang kasi makaawa na ako. Leave that “awa” to me. Kasi ako honestly? Awang awa na ako sa sarili ko for stooping so low sa mga ginagawa ko. Awang awa na ako na i go through hell just to save and value this relationship.
Awang awa na ako na ang dami kong niririsk and pinagdadaanan only to come “home” to a relationship that cant show me my worth.
Parang hindi na tama yung pinagdadaanan ko , tapos ako yung simpleng bagay na hinihingi ko, d mabigay sakin. Unfair na yun. D na ko willing mapagod for nothing.
Pack up na ako, love. Youre only showing me na you dont wanna make it work anymore, and ako nlang yung lumalaban. And I dont think thats fair. but thats ok.
Im sorry, im gone from now on. I give up.
As for your obligations and responsibilities, this current problem/issue im dealing with — my pregnancy. Dont worry anymore na. Ayoko rin n nagastay ka lang kasi naawa ka sakin, or kasi you feel bad na naka take part ka sa pinagdadaanan ko ngayon. Wag ganun. 
Wag mo nalang din ifeel na obligtion mo to. It’s not. Thankful ako anjan ka when i found out and helped me how to deal with it. So wala kna to feel guilty about. Know that im thankful. Sabi mo nga love diba 🥲 Strong girl ako, matapang ako.🥲 I just no longer want you involved in this. I’ll be on my own from now on.
Im not asking u to call na pala, kasi baka isipin mo ang toxic ko na kausap na umiiyak. Hehe
Goodbye. Sorry this has to come to this. Thank you sa lahat. Mahal na mahal kita, always. 😢
Mar 01, 2021/ 05:37am
5 notes · View notes
127neos · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
✧・゚: *✧・゚:* 04 ✧・゚: *✧・゚:*
JOHNNY SUH SHORT FIC
"welcome ma'am/sir to joh's coffee what can i get for you both?!"
"oh one iced americano for her and a choco frappuccino for me, venti size, that's all."
"one iced americano and choco frappe coming right up!" sabay abot ng binata sa customer ng isang coaster pager (yung nagvivibrate kapag ikaw na yung iseserve)
masayang pinagmasdan ng binata ang dalawang magkasintahan na tumuloy sa kanyang coffee shop. ilang months palang simula nang magbukas ang dream coffee shop ni johnny ay tila ba naging patok na ito, bukod kase sa masarap ang timpla ng kanyang mga kape ay gwapo rin ang nagseserve nito mismo. hindi napigilang magbalik tanaw ni johnny noong mga panahong dumaan siya sa hirap para lamang makamit niya kung anong meron siya ngayon.
- 5 years ago -
"John, magbreak na tayo hindi ko na kaya ito" sambit ng dalaga.
"no, please Y/N! wag mo gawin sa akin ito! kung pagod ka pwede naman tayong magpahinga muna, sabihan mo lang ako i can give you some space if you want to, just please don't leave me again!" pagmamakaawa ng binata.
"i'm so sorry john, i love you pero masyado nang masakit para sa part ko ito, i need you to let go of me na kase alam ko pati ikaw naapektuhan sa mga nangyayari sa atin."
"that's bullshit! kahit gaano pa ako maapektuhan niyan never kitang susukuan Y/N! alam mo kung baket?! kase mahal na mahal kita and sayo ko lang ipinangako na ikaw yung una at huling babae na mamahalin at papakasalan ko pagdating ng panahon."
"pero mukhang malabo na mangyari yun ngayon, hindi ko kaya na makita kang nagdurusa at nasasaktan nang dahil sa mga kagagawan ko, mahal na mahal kita John pero i can't bear to see you face all of the consequences just because of my stupid mistakes, maybe i'm just too good for you, maybe i'm not the girl that was destined for you and i believe na one day mahahanap mo rin yung babae na talagang itinadhana para sa iyo yung tipo na hindi ka masasaktan dahil sa pagmamahal mo sakanya, i'm sorry i broke my promise na sabay nating itatayo yung dream coffee shop mo, i'm sorry kung wala na ako sa tabi mo kapag nangyari yun"
"paano kung ikaw yung babae na talagang itinadhana sa akin? paano kung ayoko na maghanap pa ng iba dahil nahanap ko na talaga? paano kung sabihin ko sayo na never na ako ulit magmamahal ng iba dahil sayo lang ako natutong magmahal ng ganito?"
"i'm really sorry John, i hope you understand me this decision is for the best of both of us, i love you so much John tuloy mo parin yung pangarap mo even without me by your side because you deserve that, gooodbye." marahang hinalikan ng dalaga ang noo ng binata habang natulo ang mga luha nito sa magkabilang pisngi, sobrang sakit para sakanya ang hiwalayan at palayain ang taong minahal niya sa loob ng tatlong taon ngunit hindi niya matiis na makitang nasasaktan ito sa bawat desisyon na kanyang ginagawa dahil si John mismo ang sumasalo sa lahat ng mga kinahihinatnan ng kanyang mga ginagawa kaya mabuti na lamang na palayain niya na ito.
sa isang iglap ay nawala na ang dalaga sa paningin ng binata. pagkatapos nito makipaghiwalay kay Johnny ay nagpursigi siya na pumuntang ibang bansa at magtrabaho dun bilang isang barista, 2 taon siya nagtrabaho dun hanggang sa nakapag-ipon na siya ng pera na sapat para makapagpatayo siya ng sarili niyang coffee shop na matagal niya ng pangarap. dati ay ipinangako pa sakanya ng dating nobya na sabay silang magaalis ng ribbon para sa opening ng kanyang coffee shop ngunit mag isa na lamang niyang nagawa iyon dahil wala na ang babaeng nagpangako sa kanya nun.
tila ba parang sariwa pa rin ang sakit na naramdaman niya sa tuwing naalala niya ang mga bagay na iyon, ramdam pa rin niya ang sakit na naidulot nito sa kanya. walang araw na hindi inisip ni Johnny ang kalagayan ng dating nobya.
"kumain na kaya siya?!"
"sana nasa mabuting kalagayan siya ngayon at sana masaya siya"
"hindi ko na yata kayang magmahal pa ng iba kung hindi ikaw yun"
"kung papapiliin ako, ikaw parin ang pipiliin ko"
"mahal na mahal kita Y/N walang araw na hindi ka sumagi sa isipan ko, palagi paring nakatatak yung pangalan mo sa isip at puso ko"
Johnny was snapped back to reality nang marinig niya ang pagsasalita ng isang customer.
"uhmm, excuse me yung order po namin?!"
"oh sorry, one iced americano and choco frappe for customer no.77, here's your order ma'am/sir thank you and come again"
"nakakapagod pala mag-take ng mga orders, hayzt!" napagdesisyunan muna ni johnny magpahinga saglit at lumabas para bumili ng kanyang pwedeng meryendahin, ipinagkatiwala niya muna yung shop sa mga tauhan niya roon. nagtungo siya sa jollibee para bumili ng burger at fries pang-meryenda na rin niya. habang na-order ang binata ay napansin niyang may umiiyak na bata sa gilid ng counter. knowing johnny meron siyang soft spot sa mga bata since dati ay gustong gusto niya na talaga magka-anak at maging isang ama.
"hi, what's your name!?"
" a-amber po" patuloy pa rin sa paghikbi ang batang babae sa gilid ng counter.
"hi amber, uhmm,,, why are you crying?!" tanong ng binata sa batang babae.
"my mommy doesn't want to buy me kase the jolly toy na i want eh" sambit ng bata.
"if i buy you the toy ba you won't cry na!?" tanong ng binata.
"yes i promise po" she gestured a "cross my heart" to johnny after saying that.
"ok sige wait kalang dyan ah i will order muna"
"ok po"
"may i take your order sir!?"
"miss isa ngang burger with fries, yung drinks medium lang na iced tea and also samahan mo na rin ng kiddie meal yung may laruan na pang babae sana"
"ok po sir, anong choice of toy nalang po para sa kiddie meal!?"
"amber which toy do you want!?"
"i want the doll one po" tugon ni amber.
"sige, miss I'll get the doll one yung color pink"
"that would be all po ba!?"
"yes, thank you."
after 20 mins dumating na rin ang order ni johnny at ibinigay na nito ang ipinangakong laruan sa batang babae.
"here amber, take this since you promised me na you won't cry na, sige babye amber pakabait ka ah! "
"sige babye po! thank you po!" pagpapasalamat ng batang babae, bakas sa mga mata nito ang saya at galak kitang kita rin ang pagporma ng kurba sa kanyang mga labi kasabay ang paglitaw ng mga maliliit na dimples nito sa magkabilang pisngi dahil nabigyan ito ng kanyang ninanais na laruan.
pagkatapos mag meryenda ni johnny ay agad na rin itong bumalik sa shop. kasalukuyang nasa counter siya isinusuot ang apron hudyat na babalik na siya sa pagtatrabaho. ilang minuto lang ay narinig niya ang isang pamilyar na boses sa may counter, nakatalikod siya dahil may inaasikaso siyang mga orders kaya di niya ito nakita kaagad. pamilyar na pamilyar sakanya ang boses na ito dahil ito ang boses na matagal niya nang hinihintay na marinig muli sa loob ng limang taon na pagkakawalay rito. boses na nagbabalik ng mga sakit ng nakaraan. at sa mga oras an iyon tila kaba na lamang ang kanyang naramdaman.
"can i have one venti caramel macchiato" sambit ng dalaga.
hindi parin siya nagbabago, ayun parin yung lagi niyang inoorder. naalala ko tuwing pumupunta kame sa kanyang paboritong coffee shop ayun ang lagi niyang inoorder kaya nakakabisado ko na rin ito. lagi ko rin siyang dinadalhan nito sa tuwing naiistress siya sa kanyang mga gawain sa school.
hindi alam ni johnny kung haharapin niya ba ito dahil pinangunahan siya ng kanyang kaba pero dahil nasa trabaho siya ay nagipon siya ng madaming lakas ng loob at tapang para humarap sa counter area.
"one venti caramel macchi---" hindi pa tapos magsalita si johnny ay naputol na siya ng dalaga sa kanyang sasabihin.
"uy john! long time no see ah! tagal na simula nung huli tayong nagkita by the way eto na ba yung shop mo?! infairness ang ganda nung place" natulala nalang si john sa sinambit ng babae.
"ah oo eto na nga yun haha, ikaw kamusta ka naman matagal na rin nga simula nung hindi tayo nagkita biruin mo 5 years na haha" halata sa kanyang pagsasalita ang kaba at nerbyos na kanyang nararamdaman sa bawat oras na iyon.
"anong 5 years, hindi lang nga ata 5 years yun eh, huli kong kita sayo nun ay graduating na tayo siguro 1 sem nalang gagraduate na tayo nun dun tayo huling nagkita"
litong lito na si johnny nung mga oras na iyon. hindi ba niya naalala na bago kame grumaduate ay nakipaghiwalay na siya sa akin? hindi ba niya naalala yung bawat masasakit na salita na kanyang binitawan sa akin nung araw na iyon na halos muntik ko nang hindi siputin yung graduation namen noon nang dahil sa kanya. siguro, baka nga. siguro baka kinalimutan niya na ako pagkatapos mangyari ang lahat ng iyon. siguro pati yung mga masasakit na alaala naming dalawa ay ibinaon niya na. siguro nga mabuti nalang kung ganun ang nangyari.
"mommy! look daddy doesn't want to give me the toy oh!" singhal ng isang batang babae na tila ba naging pamilyar rin ang boses nito kay johnny.
"anak mo?!" tanong niya sa babae.
"ah oo si amber"
"ah ganun ba, ang cute cute niya pala, may pinagmanahan haha" pagbibiro mo.
"nako! hindi rin mas naging kamukha nga ng kanyang tatay kesa sa akin"
"sige follow up ko nalang yung order niyo" mariin mong sagot.
"sige sige"
pagkalipas ng 10 minuto naihanda mona ang order nito at ibinigay mo na rin.
"one venti caramel macchiato for customer no. 22"
"uy john salamat talaga ah! next time libre mo naman kame rito haha joke lang sige mauna na kame eto kasing si amber nagaaya na umuwi eh masakit na rin daw ang paa niya kakalakad"
"sige ingat rin kayo!" tipid mong sagot.
nginitian mo na lamang ito at ang kanyang asawa na sa tingin mo ay mabuti namang tao. si amber naman ay bitbit nito dahil pagod na nga rin at mukhang nakatulog na rin sa kamay ng kanyang ama. di mo napigilang makaramdam ng kirot sa puso mo.
kitang kita ng dalawang mata mo ang babaeng pinangakuan mo ng panghabang buhay na ngayo'y kasa-kasama na ang kanyang magiging panghabang buhay pati na rin ang isang supling nila. dapat ay kayong dalawa iyon ngunit sa kasamaang palad ay sa ibang tao na siya nakahanap ng pagmamahal na kaya mo rin namang ibigay sa kanya, yung tipong kaya mo ring suklian ngunit sobrang labo na mangyari nito.
pasado maga-alas dose na nang matapos ang trabaho sa shop kaya nagsara kana rin. tinawagan mo ang matalik mong kaibigan na si yuta para makipagkwentuhan dahil alam mo na sa gantong oras ay hindi parin ito natutulog. niyaya mo siya uminom sa may rooftop niyo.
"grabe pre di ko talaga inakala na may anak na agad si Y/N"
"ako rin naman pre, di ko nga alam gagawin ko kanina sa may shop kung tatakbo ba ako palabas o iiwasan ko siya, pero kase ang weird lang talaga na hindi niya naalala yung nangyari sa amin 5 years ago bago siya umalis papuntang states i mean kung ako rin naman yung siguro makakalimutan ko rin naman yun pero kase iba pare eh, parang ang dami pa niyang nakalimutan hindi lang yung time na yun"
"alam mo pre parang eto na yata ang tamang panahon para malaman mo ito"
"ano? ano ba dapat kong malaman?, yuta pare wag na wag mo ako ginogoyo ah! umayos ka"
"hindi pre makinig ka muna sa sasabihin ko, tungkol toh kay Y/N."
"oh ano yung tungkol sakanya?!" halatang kinakabahan ka na sa mga sasabihin ni yuta pero hindi mo ito ipinahalata.
"si Y/N kase nabalitaan ko sa mga kaibigan niya dati noong nasa states pa daw siya, nainvolved daw siya sa isang aksidente, nabangga yung kotse na minamaneho niya at nagtamo siya ng malalaking sugat sa ulo at mga braso pati na rin sa iba pang parte ng kanyang katawan. na-coma siya for almost 3 months tas noong nakamulat na siya sinuri siya ng doktor at ayun nga nagkaroon siya ng amnesia, ang tangi lamang niyang naalala ay yung pangalan niya at ang pamilya niya wala ng iba. ilang taon rin siyang nakarecover at unti unting nagbalik yung ibang part ng memory niya doon niya rin nakilala yung asawa niya at yun nga nagkaanak sila. pero siguro hindi niya na talaga maalala yung panahon na yun dahil masakit rin siguro yung naidulot nito sa kanya, sabi rin ng doktor na wag niyang pilitin na alalahanin lahat ng mga bagay na nawala sa memorya niya dahil mas lalo pa daw itong makakapag cause ng malaking problema sa utak niya."
hindi makapaniwala si johnny sa lahat ng kanyang narinig, akala niya ay lasing lang si yuta pero halatang seryoso ito sa pagkekwento. kung hindi niya siguro ito niyaya na makipagkwentuhan at makipag-inuman sakanya ay hindi niya malalaman ang lahat ng ito. hindi niya malalaman ang hirap na dinanas ng kanyang dating nobya sa loob ng ilang taon na pagkaka-coma nito at ang pagkakaroon ng amnesia. hindi niya mapigilang sisihin ang kanyang sarili sa lahat ng nangyari na iyon ngunit wala na siyang magagawa pa dahil nangyari na ito. ang tangi na lamang niyang magagawa ay maging masaya para sa dating nobya na noon rin naging dahilan ng kanyang kasiyahan.
13 notes · View notes
makakalimutin · 5 years
Text
Alam mo natutuwa ako sa sarili ko kasi normal na yung sleeping routine ko. Nakakatulog na ako ng 9 or 10pm tas automatic magigising na ako ng 7:30am.
Pero ngayong 3am nagising ako, nananaginip ako na sumisipsip ako ng jellyace stick /frostee ba tawag dun, basta yung hindi pa malamig. Tapos nagcrave ako bigla sa softdrinks. So isipin mo yon, madaling araw umiinom ka ng Mirinda. Sarap. Gumuguhit sa lalamunan.
Ngayon lang ulit ako nagigising ng ganitong oras. Bakit kaya?
Tapos hindi na ulit ako makatulog. Nabasa ko yung chat niya. Ah. Mas malamig pa sa binubugang hangin ng electric fan dito. Ah. Okay.
At dito na ako muling napaisip ng malalim.
1
May mga araw na natetempt ako manigarilyo. Di ko alam. Wala naman sa mga tao sa paligid ko ang nagyoyosi na. Masyado na ba akong bored sa buhay? Hindi ko alam. Habang tinitingnan ko yung mga nagyoyosi, iniisip ko, gumagaan nga ba talaga ang pakiramdam nila? What's in it for me? Does it really give sparks?
Syempre hindi. Everytime na matetempt ako ay iisipin ko ang mama ko. One of my vivid memories of her, ay nagyoyosi siya sa taas. Well siguro impluwensiya ng napangasawa niya. Magpapa-impluwensiya din ba ako katulad niya? Lagi ako sinasabihan ng tita ko na, nagiging kagaya ka na ng nanay mo. I don't want to, pero mukhang doon din pala ang patungo ko. She had that chance before na maging successful sa buhay (she was way smarter and more intelligent than me). But she missed that chance. Mas lalo siya nalubog. Dahil saan? Sa pag-ibig? Di ko alam. Pero baka yun nga. Well at least she had me, and my two siblings. I'm not really asking questions about my mother. Baka pag nagyosi ako ay mamatay din ako ng maaga (high prone pa naman ako sa lung cancer).
Yung pagkakataon na yun na nasayang ay ayokong mangyari ulit sa akin. Inuumpisahan ko nang buuin ang aking imahe. Ayoko nang lumubog.
2
He asked me, "Date ba ito?"
I said, "No."
Sa nakalipas na isang taon, haha, ang dami ko nang naging lalaki.
Paano ko ba ieexplain to. Marami akong nakikilalang mga tao. Nakakameetup. Eh ang purpose ko lang naman, mag expand ang social circle. Kaso madalas sa mga nakikilala ko, may intensyon na ipursue ako, ganern, jowain ba. Haha.
So ang dating eh, marami akong pinapaasang lalaki hahahahaha nakakahiya kaya. Kasi pag sinabi na tara labas tayo, punta sa ganito o ganun, aba 'date' na pala ang tawag don, eh para sa akin hindi 'date' ang tawag dun. Hangout yun tol. Hangout.
So namimisinterpret nila ako madalas na lumalandi, pero yung totoo, platonic lang talaga ang trip ko.
Kaya everytime na may aamin sakin, sasabihin ko na hindi pa ako nakakamoveon ganito ganyan, etc. Tinataboy ko hahahaha.
Sabi nga sakin ng kaibigan ko, "Naiimpluwensyahan ka na talaga ni Taylor Swift. Hindi ka na napirmi sa lalaki."
Eh ako naman, I'm just being friendly and sociable, pero bakit iba ang interpretation ng iba?
3
Bawat salitang binibitaw mo, bawat galaw mo, nagmamarka sa akin sa matagal na panahon.
Gusto niya akong bilhan ng balabal, pero tumanggi ako.
Sinabi ko na hindi kasi ako gumagamit nun, sayang lang kung ibibili sakin tas ipapamigay ko din sa iba. Hindi siya effective against sa lamig kasi, lamigin talaga ako.
So syempre ang magiging dating nun is, maarte ako. Ungrateful. Okay okay. But now I realize, there's more to that.
Napagtanto ko na ma-pride na ako masyado hahahaha. Na ayaw ko nang tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. Okay salamat sa burger, etc.
Naninibugho ako pag nalalaman ko yung mga pinagbibibili niya puro ganito ganyan, luho ng jowa. Yung tipong ah dapat bumawi ka din sakin ngayon. Tapos ano matatanggap ko? Balabal lang? Uhuh nope.
Pride ko na rin siguro kaya iniisip ko, sus, kaya kitang bilhan ng sampung balabal. Don't me.
Mas ok nang wala akong makuha mula sa kanya at all, kesa yan lang.
Tsaka isa pa, pag tinanggap ko yun, magkaka-withdrawal symptoms na naman ako. Tapos kung makikita ko yung balabal na yon, it will kill me slowly. Arte ano.
"Stop scrubing salt on my wounds."
Pero hindi mo alam mas grabe yung sakit na nararamdaman ko pag masaya ka. Sa iba. Di mo alam kung ilang beses na ako nadudurog pag nakikita kong ginagawa mo sa kanya yung mga pagkukulang mo sakin noon.
Teka lang. Hinayaan kita ah, wala kang narinig na kahit ano mula sakin, pero bakit ngayon nalulungkot ka kapag masaya ako sa iba? Ikaw ba naiisip mo ba ako everytime na masaya ka? Syempre hindi. Ni minsan ba hinanap ko yung lugar ko sa buhay mo? Syempre hindi.
"I'm nowhere to be found."
Sana nga eh, kaso hindi, lagi kang nandyan sa utak ko. Everytime I'm doing something, lagi ko iniisip, sana nakikita mo to. Everytime na nagpupunta ako sa ganitong lugar, iniisip ko sana kasama ka dito.
Wala ka na pero yung bakas na iniwan mo, nandyan pa rin. Hindi na ko nagbabanggit ng kahit ano na tungkol sayo, pero bakit nakikita ka pa rin nila sakin?
Para kang multo.
We're living separate lives, pero bakit parang parallel pa rin?
Ayun, di naman kita tinataboy na katulad nung ginagawa mo sakin. Pero at least, please, be happy for me.
Paano pa ako maniniwala sa mga sinasabi mo kung yung simpleng "Babayaran kita mamaya" eh hindi mo pa magawa?
-
Ilang taon na rin ang nakalilipas.
From that moment I have to 'revamp' myself.
Kailangan ko baguhin ang lahat-lahat, para makaahon.
Kailangan kong hanapin ang sagot sa tanong na, "Why am I not enough?"
Kailangan ko maging salbahe ng konti towards you.
Kailangan ko maging mayabang, ungrateful, maarte.
Kailangan ko maging malandi sa kung sino sino para isipin mong naglalaro na lang ako pagdating sa relationship.
Kailangan ko burahin lahat ng bagay na nagustuhan mo sakin.
Kailangan kong mag iba, para wala ka nang pagsisisihan at wala ka nang lilingunin sa nakaraan. Kasi wala na ako doon.
If I bleed, you'll be the last to know.
5 notes · View notes