Tumgik
#araw ng kasarinlan
robotshowtunes · 6 days
Text
Tumblr media
Maligayang Araw ng Kasarinlán! Happy Philippine Independence Day!
Sa dagat at bundok, (In the sea and the mountain,) Sa simoy at sa langit mong bughaw, (In the breeze and your blue skies,) May dilag ang tula (There is splendor in poetry) At awit sa paglayang minamahal. (And the song of beloved liberation.)
14 notes · View notes
pannaginip · 5 days
Text
Tumblr media
AlterMidya on Twitter @altermidya:
Ngayong June 12, nagprotesta ang mga progresibong grupo sa US Embassy sa Manila para ipanawagan ang pagwawakas sa panghihimasok ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Bakit itinuturing nila bilang pinakamalaking 'banta sa kalayaan' ng Pilipinas ang Estados Unidos? Panoorin!
2024 Jun. 12
Vid in Tagalog, no subs
9 notes · View notes
guest-1-2-3 · 1 year
Text
HAPPY PHILIPPINES INDEPENDENCE DAY GUYS
MALIGAYANG ARAW NG KASARINLAN
today is the day we RAISED OUR FLAG and SANG OUR NATIONAL ANTHEM and DECLARED OUR INDEPENDENCE
3 notes · View notes
kainbubog · 6 days
Text
Tumblr media
Sa manlulupig ‘di ka pasisiil 🇵🇭
Maligayang Araw ng Kasarinlan, Pilipinas kong Mahal!
3 notes · View notes
ishaanley · 1 year
Text
Buhay ko'y iniaalay
Sa aking lupang tinubuaan,
Sagisag ng kasarinlan
Nitong araw ng kapayapaan.
3 notes · View notes
angsuga · 2 days
Text
Maligayang Araw ng Kalayaan!
“Aming ligaya na ‘pag may mang-aapiAng mamatay nang dahil sa ‘yo.” Ngayong ika-12 ng Hunyo ay ang pagdiriwang ng ika-126 na taon ng Araw ng Kalayaan. Ito’y isang makasaysayang pagdiriwang na ang layunin ay alalahanin ang paglaya ng bansang Pilipinas mula sa mga dayuhang humadlang sa ating sariling kasarinlan. Kung kaya’t ating bigyang pugay ang mga bayani at kapwa Pilipino na nakipaglaban para…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
Text
12JUN2024, WED
🇵🇭⚖️🤍
Ngayon ay Araw ng Kasarinlan
Mithii’y tunay na malayang bayan
Ngunit malayo pa tayo doon
Di malinaw kung saan paroroon
Pilipino, ikaw ba’y masaya?
Ito ang resulta ng iyong pasya
Ika’y nagdunung-dunungan
Paulit-ulit, walang natutunan
Ilang siglo na ang lumipas
Sila’t sila pa rin ang kumukumpas
Kanser ng lipunan tagos hanggang buto
O kailan ba tayo matututo?
1 note · View note
mterao4blog · 1 month
Text
Tumblr media
Si Jose Corazon de Jesus, na kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang kilalang makata mula sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Amerikano. Ipinanganak siya noong Nobyembre 22, 1896, sa Santa Cruz, Maynila, at pumanaw noong Mayo 26, 1932. Tinaguriang "Pambansang Makata ng Pilipinas," kilala siya sa kanyang mga tula na tumatalakay sa mga isyu ng kanyang panahon, tulad ng kahirapan, pag-ibig, at nasyonalismo.
Kilala si Huseng Batute sa kanyang makabagong estilo ng pagsusulat, kung saan ginamit niya ang mga kolokyal na salita at mga karanasang pang-araw-araw ng mga Pilipino upang ipahayag ang kanilang mga damdamin at karanasan. Ilan sa kanyang mga pinakakilalang tula ay "Bayan Ko" at "Ang Tondo Man May Langit Din."
Bilang isa sa mga pangunahing manunulat ng kanyang panahon, tumulong si Jose Corazon de Jesus na itaguyod ang kamalayang pambansa at pagsulong ng wikang Filipino bilang isang midyum ng ekspresyon at komunikasyon. Ang kanyang mga tula ay nagdulot ng inspirasyon at pagpapalakas ng damdamin sa mga Pilipino sa panahon ng kanilang pakikibaka para sa kalayaan at kasarinlan.
0 notes
sumalungat-sa-agaus · 7 months
Text
youtube
Sᴀ Kɪɴᴀʙᴜᴋᴀsᴀɴɢ Mᴀᴘᴀɢᴛᴀᴋsɪʟ, Lᴜᴘᴀ ɴᴀ Lᴀᴍᴀɴɢ ᴀɴɢ Hɪɴᴅɪ Mᴀᴋᴀᴋᴀʟɪᴍᴏᴛ
"Heneral Luna" ni Jerrold Tarog Entry blg. 02 ‖ Nob. 24, 2023 ★★★★½
BABALA: Naglalaman ang blog na ito ng duguan, giyera, at kamatayan.
  Pinagbibidahan ni John Arcilla bilang ang titular na tauhan na si Antonio Luna na pinamunuan ang Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas noong mga una na yugto ng Digmaang Pilipino–Amerikano, isang pelikula noong 2015 ang "Heneral Luna" na idinirek ni Jerrold Tarog at ginawa ng Artikulo Uno Production na pinangaralan na "Highest Grossing Historical Film of All Time" ng 2016 Box Office Entertainment Awards.
Tumblr media
  Bukod sa kritikal na pagbubunyi na natanggap nito mula sa mga kritiko at mga mananalaysay, pinupuri rin ng maraming mga Pilipino ang pelikula hindi lamang dahil sa marilag na sinematograpiya, makasaysayang-tumpak na pagsulat, at mahusay na pag-arte mula sa cast na taglay nito, kundi dahil na rin sa mga taos-pusong mensahe na madalas na makikita sa kabuuan ng pelikula.
  Ang tula na isinulat ng mismong Heneral, na unang binigkas ni Joven �� ang binata na periyodista na nagnanais italata ang mga pangyayari sa giyera sa pamamagitan ng eksklusibo na panayam tungkol sa mga plano at hangarin ng Heneral — at pangalawang binigkas nilang dalawa sa pamaraang naka-juxtaposition, ang isa sa mga mensahe na ito.
  Sa unang pagbanggit ng tula, puma-pan ang kamara sa isang shot ng Heneral na nakaupo sa tuktok ng isang burol, hawak-hawak ang lucky charm na siyang binigay ng kaniyang ina sa nakaraang eksena, "Ang taong may damdamin ay hindi alipin." Sumaarmonisa sa background music ang pagbibigkas ni Joven ng tula ng Heneral, ang kaniyang boses mahinahon at mapayapa, habang naghahanda ang Pangulong Emilio Aguinaldo at ang kaniyang mga kawal na magtungo sa isang lugar na hindi isiniwalat. Sa susunod na eksena, ating malalaman na sinasalaysay ni Joven sa Heneral ang sariling tula nito, sabay tugon, "Hindi ko na maalala kung kailan ko isinulat ang tulang 'yan."
Tumblr media
  Ani ng tula:
Nagwakas na ang magagandang araw ng mga rosas. Nagsimula na ang busilak ng mga gabi ng ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan. Ang lupang tinubuan, ang asul na kalangitan, lunting kaparangan, isang lupain ng sining at damdamin. Hindi magtatagal, para sa pag-ibig sa Inang Bayan. Waring dala ang isang lihim na mensahe, dinagit tayo ng isang nakakubling kamay at itinapon na parang mga dahon sa gitna ng sigwa. Hindi magtatagal, at magiging nagaalimpuyong mga alabok na lamang tayo.
  Ang pagtatanaw sa hinaharap at paghuhula sa kung ano man ang magiging taglay nito ang puso na mensahe ng tula na ito. Sa pansimula na mga linya na, "Nagwakas na ang magagandang araw ng mga rosas. Nagsimula na ang busilak ng mga gabi ng ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan," makikita ang paghuhula ng Heneral sa panandalian ng kapayapaan sa ating bansa, na lubos lamang sinusuportahan ng pagtatapos na linya na, "Hindi magtatagal, at magiging nagaalimpuyong mga alabok na lamang tayo," na siyang naglalarawan sa kaguluhan at hidwaan na magiging dahilan sa pagbagsak ng ating bansa.
  Lubos na pinapakita kung paano matagal na na tinanggap ng Heneral ang kinalabasan na ito sa pamamaraan ng pagbigkas nito sa pelikula, na para bang sumisimbolo ang mapayapang kapaligiran nina Joven at ng Heneral sa matiwasay na pagtanggap ng Heneral na malabo ng matatalo pa nila ang pwersang Amerikano sa digmaan.
Tumblr media
  Ngunit sa susunod na pagbanggit ng tula ng Heneral, mapapansin mo na nag-iba na ang unang berso nito. Mula sa paglalarawan ng isang kinabukasan na mawalang-asa at magulo, pinalitan ito ng isang talata na puno ng at umaapaw sa pag-asa at determinasyon.
  Ani ng bersyon na ito:
Hinahangad ng Pilipinas ang kasarinlan, at pananatilihin kong buhay ang adhikain ng aking bayan hanggang sa katapusan. Masmagandang mamatay sa digmaan kaysa tanggapin ang pamumuno ng dayuhan. Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-unlad, managinip tayo hanggang sa kamatayan. Hindi magtatagal, para sa pag-ibig sa Inang Bayan. Waring dalang isang lihim na mensahe, dinagit tayo ng isang nakakubling kamay at itinapon na parang mga dahon sa gitna ng sigwa. Hindi magtatagal, tayo'y magiging nagaalimpuyong alabok na lamang.
  Subalit sa katotohanan na pinagtaksilan ng kapwa niyang mga mamamayan ang Heneral, sa halip na sumuko, lalo lamang itong nag-udyok sa kaniya upang ipaglaban ang kaniyang minamahal na bayan. Sa kabila ng mga karumal dumal na bagay na ginawa sa kaniyang katawan, patuloy na nabubuhay ang kaniyang kaluluwa at lumiliyab ng apoy na hindi kayang kalabanin kahit ang kaniyang sariling galit noong nabubuhay pa siya. Sabi pa ng linya na, "Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-unlad, managinip tayo hanggang sa kamatayan," at ang pamamagitan ng sabayang pagkabigkas nito nina Joven at ng Heneral, na parang pinaparating na, "mawalang-asa man ang ating sitwasyon ngayon, malaki man ang pagkakataon na kaguluhan parin ang ating aabutin sa kinabukasan, may pag-asa pa rin tayong umahon sa kamay ng ating mga kabataan." Sa ganitong diwa, masasabi na sumisimbolo ang pangalawang pagsasalaysay ng tula sa tiyaga, pagpupursige, at ang ugali ng mga Pilipino na patuloy na nakikipaglaban para sa pangalan ng Inang Bayan sa kabila ng lahat ng pagdurusa, na siyang patuloy parin natin nakikita sa pamamagitan ng mga mapayapang pag-aalsa at mga pagpo-protesta ng mga mamamayan sa panahon ngayon.
  Dadating din ang panahon na makakalimot ang susunod na mga henerasyon sa mga trahediyang naganap sa ngalan ng Pilipinas. Siguro isang daang siglo mula ngayon, walang makakaalala sa pangalang "Heneral Antonio Luna." Hindi alintana, mula sa lupang ating tinubuan na nagtataglay ng mayaman subalit duguang kasaysayan, muling liliyab ang apoy ng ating pagmamahal para sa Inang Bayan.
Tumblr media
Sanggunian:
Artikulo Uno Productions. (2015). ‘Heneral Luna’: Film Review.jpg. The Hollywood Reporter. https://www.hollywoodreporter.com/movies/movie-reviews/heneral-luna-film-review-831202/
Tarog, J. (2015, Hulyo 12). HENERAL LUNA Official Trailer. YouTube. https://youtu.be/I_T1ykhy3Fg?si=ejtPzrnQ-wZolEuS
TBA Studios (2020, Agosto 28). Heneral Luna (2015) | Full Movie | Jerrold Tarog | John Arcilla | Mon Confiado | Arron Villaflor. YouTube. https://youtu.be/SYWo6FoVacY?si=IWkv8lbwfF5TubMN
1 note · View note
halkonensis · 1 year
Text
TAYO ANG MARTILYONG PUPUKPOK SA HULING PAKO NG ATAUL NG IMPERYALISMO!¹:
Maikling pagninilay hinggil sa araw ng "kasarinlan" at libro ng mga Macabeo²
"Ang takdang panahon ni Matatias ay dumating. Ngunit bago siya namatay, sinabi niya sa kanyang mga anak, 'Laganap ngayon ang karahasan at paghihirap. Mga mapagmataas ang nasa kapangyarihan at tayo'y hinamak. Kayo, mga anak, ay dapat maging matapat sa Kautusan at kung kinakailangan ay handang ibuwis ang buhay para sa tipan ng Diyos sa ating mga ninuno.'" (1 Mac. 2:49-50 MBBTAG-DC)
Tumblr media
Larawan: "Machabeusze" (Ang Mga Macabeo) ni Wojciech Kornelli Stattler (1830-1842)
Sa paggunita ng pagpahayag ng kasarinlan ng bansa, kailangan nating tingnan ang ating paligid. Nakalantad ang katototohanang HINDI TUNAY ang kalayaan. Binabalot pa rin tayo ng halimaw ng imperyalismo ng US at Tsina sa aspektong pang-ekonomiya, pampolitika, pangkultura, pangmilitar, at pang-ugnayang panlabas.
Ang paring si Matatias, ang anak niyang si Judas Macabeo at ang salinlahi nila ay nagtanggol laban sa pananakop ng mga haring Griyego, pagpaslang sa mga ina at bata, at pambubusabos sa kultura at relihiyong Judio, kahit sa kasukdulang pagtangan ng armas at pagbubuwis ng buhay. Hinarap ng mga banal na Macabeong martir ang pang-uusig, pagpapahirap at pagpaslang upang itaguyod ang kalooban ng Diyos at ang pagtitipan Niya sa mamamayan ng Israel.
Kailangang halawan ang kanilang buhay sa harap ng pang-aapi at pandarahas, lalo na sa hanay ng Kristiyanong kabataan. Sa pagtangan ng parehong papel bilang pag-asa ng bayan at tagasunod ni Cristo, dapat nating sabay na siyasatin at suriin ang kalagayan ng lipunan sa lenteng maka-Diyos at maka-mamamayan.
Nananatili ang kahirapan at kagutuman sapagkat dinadambong ng ganid na mga imperyalista ang ating yaman. Gamit ang papet na AFP-PNP at ang pamahalaan, laganap ang mga paglabag sa karapatang pantao lalo na sa hanay ng mga lumalaban sa kanilang pananakop.
Hindi malilimutan ang ginawang pagkubkob sa UCCP Haran, Davao City ng mga paramilitar na suportado ng AFP-PNP noong 2020. Nagbakwit ang mga Lumad sa UCCP Haran dahil sa militarisasyon ng Pantaron Range, na pinadadambong ng pamahalaan sa mga lokal at dayong kompanya ng mina. Hanggang sa kasalukuyan naman, naka-freeze pa rin ang bank account ng Rural Missionaries of the Philippines, mga misyonaryong nakikidepensa sa laban ng mamamayan sa kanayunan, dahil sa di-umanong pagpopondo sa NPA, ayon sa Anti-Money Laundering Council, bagay na pinabulaanan ng mga misyonaryo.
Sa larang ng ekonomiya, patuloy pa rin ang pag-iral ang mga export processing zone (EPZ) sa bansa, kung saan ineempleyo ang mga manggagawang Pilipino kapalit ang napakababang sahod sa mga pagawaang pagmamay-ari ng dayuhan na may tiba-tibang tubo—manipestasyon ng neoliberalismo sa bansa.
Maraming malalapat mula sa kasaysayan ng ating kaligtasan patungo sa patuloy nating pakikibaka para sa ganap na kasarinlan. Ang pinakasigurado rito ay takda na ang lahat--makakamit din natin ang ganap na buhay at kalayaan.
Wika nga ni Cristo sa kaniyang alagad nang magtanong sila hinggil sa pagpapasuko niya sa kayamanan ng lalaking lumapit sa kaniya, "Ngunit maraming nauuna ang mahuhuli, at maraming nahuhuli ang nauuna." (Mc. 10:31) May pangako si Cristo sa mga pinayuyuko ng imperyalismo, at ito ang pangako ng kaligtasan! At kung babalikan natin ang kasaysayan ng mga Macabeo, maigting silang nakibaka laban sa pagpaslang ng mga dayuhang mananakop at pambubusabos sa kultura. Sa harap ng ganitong kalagayan, kahit ang Banal na Kasulatan ay binibigyang-katuwiran ang ating kasalukuyang laban!
Samakatuwid, mandato sa ating mga Kristiyano na magbuklod sa mamamayang nilalabanan ang mga atake ng imperyalismo sa ating bayan. Dadalhin natin ang pangako ni Jesus na buhay na masaganang lubos (Jn. 10:10) sa pakikiisa sa mga laban ng mamamayan kasabay ng paghahatid ng Mabuting Balita.
MGA TALA [1] Hindi sigurado ang pinagmulan ng pangalang "Macabeo", ngunit isa sa mga namamayaning kahulugan ay "martilyo". [2] Ang Mga Libro ng Mga Macabeo (1 Macabeo at 2 Macabeo) ay librong Deuterocanonical. Ibig sabihin, kasama lamang siya sa canon o opisyal na mga libro ng Biblia ng Simbahang Katoliko buhat ng Konseho ng Trent noong ika-16 siglo, matapos ang kilusang Repormasyon na nagpasiklab ng pag-usbong ng Protestantismo. Gayunpaman, kalakhan sa mga simbahang Protestante ay kinikilala ang halaga ng Mga Libro ng mga Macabeo bilang librong apocryphal ng Lumang Tipan.
0 notes
Text
Tumblr media
Day of Freedom 🇵🇭🏳️‍🌈🫡
Independence Day (Filipino: Araw ng Kasarinlan; also Araw ng Kalayaan, lit. "Day of Freedom") is an annual national holiday in the Philippines observed on 12 June, commemorating the Philippine Declaration of Independence from Spain on 12 June 1898. It is the country's National Day.
#𝟻millionviews #5millionsubscribers #5millionlikes
1 note · View note
matthewcandrade · 1 year
Text
TULA PARA KAY RIZAL
Ang Bantayog ng ating Inang Bayan
Nakatuon sa gawing Silangan,
Hindi kailanman Malilimutan
Si Doktor Jose Rizal ay kinilala
At dinakila na bayani ng ating bansa
At tayong mga Pilipinong Mamamayan.
Si Jose Rizal ang nagpamulat sa ating mga isipan,
Upang tayo ay magising sa katotohanan,
Sa tawag ng hustisya at kalayaan.
Huwag sana nating kalilimutan,
na tayo ay isa nang malayang bansa
At mga isinilang na anak ng ating bayan.
Si Rizal ang naging huwaran.
Siya rin ang ating naging gabay.
Upang bumungad ang liwanag ng Kasarinlan
At magkaroon ng Pag-asa ang Sambayanan.
Si Rizal at iba pang bayani ng ating lahi
Ang nagbigay-kulay ng ating kasaysayan.
Ang kanilang kabayanihan ay naging huwaran
Ng bawat kabataan bilang tunay na pag-asa ng bayan.
Si Rizal ay inihambing sa sinag ng araw.
Upang siya ay manatili sa ating puso't isipan.
Mga ala-ala ay ipinamana sa ating mga pananaw.
Magpakailanman ay hindi magpaparam
At hindi malulusaw.
Kaysarap Mabuhay sa Sariling bayan.
Ngunit kung walang kalayaan ay may kalungkutan
Pagbuo ng himagsikan ang magtatanggol
Upang ipaglaban ang ang kaapihan at pagdurusa ng bayan.
Sa hudyat ng pagkakaisa ng mga mamamayan,
Ang kalayaan ay muling makakamtan.
Maraming Salamat Doktor Jose Rizal at sa mga dakilang bayani ng bayan.
Mananatiling bukas na aklat ang ating kasaysayan.
Para ipagpatuloy na imulat ang mga kabataan na panatilihing makamtan ang sagisag ng kalayaan.
Dahil ang mga kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan.
1 note · View note
sarahain · 2 years
Text
Tumblr media
Metro Manila, Philippines
June 12, 2022- Ika-124 Araw ng Kalayaan Tunay nga ba ang ating pagiging malaya?
Idinaos ko ang pagpagunita ng Araw ng Kalayaan sa Bantayog ng mga Bayani kasama ang mga taong hindi ko inaasahang makilala. Ang mga taong ito ay kasapi ng isang progresibong organisasyong makamasa. Isa rin ang organisasyon sa pilit na binubusalan at hinahamak ng estado.
Sa pag-iikot ko sa bantayog, namutawi sa aking isipan, matagal-tagal pa bago makakamtan ang tunay na kalayaan ng mga Pilipino. Mangyayari lamang iyon sa tulong ng mga nakakapit-bisig na masa. Hindi rin mawala sa isip ko ang iba, na silang kusang tinatakwil ang kanilang pagiging malaya at nagpapakulong sa ideyang may pag-asa sa mula sa kamay ng isang laki sa layaw at mandarambong.
Napagtanto ko rin na maling gawaing katatawanan ang pinagdaanan ng mga bayaning ito. Lubos akong humihingi ng tawad.
Nakatakot ang mga susunod na araw, tila malapit nang maubos ang natitirang pag-asa sa ng mga masang api. Ganoon pa man, naniniwala ako na mas aalab pagtataguyod sa demokrasyang nasimulan ng mga tao pinaparangalan ng bantayog. Mas aalab pa ang pagkakaisa para sa tunay na kasarinlan.
Nalalapit na ang pag-upo ng anak ng diktador sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Kasabay nito ang pagbabalik ng pamilya niya sa Malacañang na nangangahugang mapapadali para sa kanila pagkamkam at pagmanipula ng estado.
Ngunit marami ang mulat sa katotohanan, lalo na ang mga kabataan. Hindi nagtatapos sa pag-upo ni Jr. ang laban. Bagkus, ang laban ng masa ay nagsisimula pa lamang. Pinanday ito ng nina Leni-Kiko. Patuloy itong papalakasin ng nakakaisang hangaring makalaya mula sa tanikala ng kasakiman at kasingalingan.
1 note · View note
kny-tai · 2 years
Text
Tumblr media
“Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.”
(Tranquil shores are only for those who boldly oppose raging waves during storms.)
Lualhati Bautista • Dekada ‘70
Araw ng Kalayaan 🇵🇭
82 notes · View notes
saving-empress-ac · 3 years
Text
Tumblr media
Maligayang Araw ng Kasarinlan, Mahal kong Bayan.
Naging malaya ba talaga tayo?🤧🤷
"At sa pagising ng bagong umaga'y patuloy ko pa ring ilalagay ang aking kanang kamay sa kaliwang dibdib at magiting at buong puso kong aawitin ang Lupang Hinirang. Hindi ko man kabisado ang mga salita sa Panatang Makabayan ngunit patuloy kitang iibigin, Pilipinas."
3 notes · View notes
xxsaphira-chanxx · 4 years
Text
Tumblr media
Happy Independence Day to my country!
Just some friends practicing Tinikling together :3
95 notes · View notes