#istorya
Explore tagged Tumblr posts
Text
The world' is in chaos.
Watching these horror stories is somewhat refreshing....
E.g #aswang #tiyanak #antinganting #babaylan #mangagamot #bathala
#aswang#tiyanak#wakwak#bathala#babaylan#manggagamot#antinganting#medalyon#bertud#horror#story#stories#istorya#original stories#YouTube#Pintados#SineHelmo#Sir Xeth
0 notes
Text
ისტორია
დასასრულის დასაწყისი
შესავალი:
ცხოვრება უცნაური და მოულოდნელ ისიუპრიზებითაა სავსე.
ის გვაყენებს ცდუნების, ტკივილის, სირთულეების წინაშე,
მაგრამ ამავ დროულად გვაძლევს ძალას.
რომ გავუმკლავდეთ სირთულეებსა და გამოწვევებს.
ეს არის რეალური ისტორია, რომელიც იწყება პატარა ბავშვით.
რომელსაც არაფერი აკლდა, მაგრამ შინაგანად სიყვარულის ნაკლებობას განიცდიდა.
მთელი ცხოვრების განმავლობაში. მაგრამ მხოლოდ ტკივილი ხვდებოდა.
ყოველთვის და იმედ გაცრუება.
ეს არის ამბავი დამალვისა და გვიან აღმოჩენის
ტანჯვისა და ახალი იმედის შესახებ.
1 note
·
View note
Text
(photos are from angelfire and reddit)




Parehas nga Baguio ngem sabali nga panawen...Agrugin nga sumikat ti western folk, rock and country music idi through 99.9fm DZWR radio station isunga agkawara ti folk house ditoy syudad, isun ti pinaka-nightlife. Artistahin ang dating met ah piman dagijy live bands idi sunga nainla-inlab kami, nyahaha.
Habang bumaybayag, mabannog kamin nga taga palpalakpak laeng. Along with everyone else, kayat mi metten nga makibingay ti spot light tapnu dakami met ti starring ken dakami met ti sikat.
Eksakto, agrugin nga umado ti kareoke ken sing-along bars sunga eventually, nagsi-alis ti tattao ti ayuyang, man-manon ti mapan agfolk house. Kasdiay nga kasdiay enggana inot-inot nga napukawen dagijy folk singers.
Idi awan dan santo mi narealize nga dagijy local artists idi ket profession da piman diyay. Kumbaga, isuda ti mainstays ta isu ti linya da, habang dakami ket bugso ng damdamin laeng. Tadta, uray kayat min nga sublian ti panawen, awanen ta naiddepen jy local music industry ti Baguio. Napukaw ti moral support (nga mostly ket isu ti financial source da) sunga syempre, naiddep.
Fast forward mid-millenium years, nagrugi manen nga agbwelo ti local bands translating american country to native dialects. Nag click met piman uray kaskas-ano kaso han nga masustain jy momentum na. One reason siguro ket han nga naformalize ken han nga na capitalize nga usto dagijy projects da ta ada gamin issue ti piracy - copied melody lang dagijy albums nga na translate ti vernacular. Ada dagijy rimmuar nga originals and mind you, bigatin met ah piman ti compositions da ngem as fate would have it, panawenen ti globalization (as far as music is concerned) ta nalatak en ti internet sunga agparigat nga maki compete dagijy local artists versus the whole wide world .
Neweis, personal nga panagbuyak lang met ketdi diyay. Adu siguro ti dynamics na nu talaga nga i-analyze. Ngem until then, hamman lay istorya to...
0 notes
Text
ang tanan nga istorya nga ungo si wemmbu kay para sa ako <3 <- gabuang-buang
#mine.txt#ambot lang ngano daghan kaayo kog storya nga ungo si wemmbu; mao ra na ang nahitabo lol#nagsugod siya sa wemmbu tulpa pag s5 kay naghimo ko ug au nga giungoan niya si zam#dayon sige nalang ko ug himo ug lain-lain nga mga au nga ungo siya nga halos trope na siya sa akong huna-huna lol
7 notes
·
View notes
Text
Click, Click, Click: Sa Likod ng Lente
Ni Arwen Chanliongco | Nobyembre 9, 2024
Laging masigla ang komunidad ng UPIS. Tuwing may okasyon, aktibong nakikilahok ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang. Mapapalibutan ka ng malakas na daldalan, at hindi mo matatanggal ang iyong mata mula sa makaagaw-pansing mga pangyayari sa harap. Ngunit kung saglit nating ibabaling ang ating atensyon, makikita natin siyang laging naroon, nagmamadaling kuhanan ang kaganapan mula sa lahat ng anggulo upang mapanatili ito sa ating alaala.
Si Rey Reyes, o Kuya Rey, ang litratista ng UPIS Media Center (MC) para sa taong 2024-2025, at siya ang tinatawag nila tuwing kailangan nila ng litrato.
Malaking libangan ang pagkuha ng litrato para sa kaniya sa labas ng paaralan, at marami na siyang karanasan sa larangan ng potograpiya bago pa man siya maging bahagi ng MC. Ito ang dahilan kung bakit siya itinalagang retratista. Ayon kay Kuya Rey, nagsisilbing motibasyon niya ang kaniyang mga kaklase. “Knowing that my peers enjoy my photos, it really drives me to take more,” ani niya.
Pinagtatagpi-tagpi ng sinulid ang istorya, at hinahabi ito sa isang kabuuang magkakaugnay. Sa ganitong paraan, hindi malayo o magkaiba ang ginagampanan nito pati ng mga larawan ni Kuya Rey. Kung mayroon mang butas sa artikulo ng balita, tinatahi ito ng mga litratong nakakatulong sa pag-unawa ng mga mambabasa dulot ng pagbibigay nito ng konteksto. At dahil biswal lamang itong hindi hinahadlangan ng wika, nagbibigay-daan ito para lalong kumonekta ang balita sa iba’t ibang tao.
Paboritong kuha ni Kuya Rey sa ngayon ang kuha niya sa kamakailan lamang na UPIS Pep Rally 2024, na inilathala sa opisyal na Facebook page ng Ang Aninag Online. Umaayon ang sinulid sa hugis na tinatahi ito; hindi ito bumabaluktot. Katulad nito, responsibilidad ng mga peryodista na huwag pilipitin ang katotohanan ng mga nangyari, o kaya takpan ito. Para kay Kuya Rey, ipinapahayag ng kaniyang mga larawan ang diwa ng mga paksa niya. “I really wanted to take a photo of Pep Squad that showed who they were, so that’s why I was really happy with the timing, lighting, framing, everything,” pahayag niya.
Para sa mga hinahangad maging retratista kagaya niya, payo niyang huwag agarang ipagpalagay na madali ito, dahil lamang mukha itong simple. “It’s kind of challenging, so do your best,” hikayat ni Kuya Rey. Hangga’t maaari, sinusubukan rin niyang kumuha ng maraming mga litrato—pagkatapos niya ito pagpipilian ng mga nagustuhan niya. Epektibo ang ganitong paraan upang masiguro na mayroon kang magandang kuha, at nakakatulong ito sa pagsasanay sa paggamit ng kamera. “For Pep Rally, you could base it off the music, like every beat, every shot,” dagdag niya.
Naging hamon din ang time management para kay Kuya Rey noong simula. Sa Grado 12, mas maluwag daw ang kanilang iskedyul, ngunit minsan, hindi mo mahuhulaan ang bigat at dami ng ipapagawa sa iyo. “Sometimes, they’re gonna give you no work for this day, then the next, they’re gonna give you so much, and the deadline will be immediately the day after,” kwento niya, kaya suhestyon niyang gawin kaagad at isulat ang mga gawain upang hindi matambakan o hindi ito makalimutan. Tunay na hindi maaaring makaligtaan ito sa potograpiya, na pinapahalagahan ang pagiging napapanahon ng mga litrato.
Limitado si Kuya Rey sa mga events na saklaw niya sapagkat pahayagang pampaaralan ang MC, kaya kailangan nakaangkla ang gawa niya sa mga paksang malapit sa UPIS. Sa hinaharap, nais niyang kuhanan ng litrato ang mga isyu sa labas ng UP. Ibinahagi niya rin ang kaniyang layuning maging cinematographer at magtrabaho sa paggawa ng mga pelikula sa hinaharap. Kagaya ng film na kailangang bigyan ng panahon para maproseso at makabuo ng malinaw na litrato, naging malaking tulong din ang oras niya sa MC bilang pagsasanay. Bunga nito, nagustuhan niya ang mga asignaturang Filipino Drama at Film Appreciation.
Ilan sa mga hinahangaan niyang direktor si James Cameron, kilala para sa pagsulat ng Titanic (1997) at ang seryeng Avatar (2009), pati si Wes Anderson, na tanyag dahil sa kaniyang namumukod-tanging estilong makikita sa The Grand Budapest Hotel (2014) at The Royal Tenenbaums (2001). Sa animasyon naman, nabanggit niya na paborito niya sa mga gawa ni Hayao Miyazaki ang Princess Mononoke (1997).
Laganap ang mga larawan sa panahon ngayon, kaya hindi natin naiisip ang trabahong kinakailangan sa pagkuha nito. Subalit nananatili itong bahagi ng pundasyon ng peryodismo dahil nadodokumento nito ang mga pangyayari sa paraang hindi nagagawa ng pagsulat; sa kawalan ng photojournalism, maaaring matastas ang tela ng pamamahayag. Pahalagahan natin ang mga tao tulad ni Kuya Rey na walang humpay na nagtatrabaho sa likod ng mga eksena upang mailahad ang mga kwento natin nang wasto, at hindi kadalasang nabibigyan ng plataporma ang mga personal na salaysay.
Mahahanap ang mga litrato ni Kuya Rey para sa Ang Aninag dito: UPIS Media Center: Ang Aninag Online. (2024, November 7). View the Media Center's coverage of the 2024 Pep Rally (October 29) at the UPIS Gymnasium here! [Image attached] [Status update]. Facebook.
UPIS Media Center: Ang Aninag Online. (2024, November 12). Batch 2025 of the Business and Entrepreneurship (BE) Track carried out their Business Week last November 5-8, 2024. Check out the Media Center's coverage below! [Image attached] [Status update]. Facebook.
2 notes
·
View notes
Text
ganda pala nitong it didn't start with you, shuta para akong tini-therapy hehe. nasa chapter 5 na ako, yung four unconscious themes. napareflect ako ng very light sa mga kaganapan ng buhay ko at ng relationship ko sa parents ko.
one time nung nakipag sagutan ako sa mga kainuman ni papa nung nadun pa ako, narinig ko sabi nung isa "ganyan na ganyan ugali ng nanay niya." related sa unang theme. kuhang kuha ko ugali ng nanay ko, wala siyang kasundo sa mga kapitbahay namin, parang lagi pa siya kinakatakutan kasi nga masungit. later ko nalang din narealize 'to, nung nawala siya saka ko nakita yung sarili ko sakanya na—ay manang mana pala talaga ako sakanya. pati yung pag handle niya ng finances parang nakuha ko rin. some of it gusto kong i-unlearn. kaya parang takot rin ako mawalan ng kaibigan kasi wala ni isang kaibigan o katrabaho na dati kong nakikita kahit nung bata pa ako ang nag punta nung burol niya. kako ayaw ko mangyari sakin yung ganun.
yung sa pangalawa—pag cut off sa parent, since kay papa ako mas nag cut ng ties, iniisip ko kung may pagkakataon ba na naisipan or tinry niya rin i-cut off magulang niya, pero hindi e. okay naman relationship nila. sabi kasi dito, madalas nagmumula 'to sa family history, tulad nga nung laging post about breaking the cycle. so anyway, feeling ko sa nanay ko parin 'to. pagkaka alala ko kasi teenager palang siya nung umalis din siya sakanila, daddy issues din hehe. hindi ko na alam yung buong istorya basta naalala ko lang, pinag takpan siya ng kuya niya para maka alis na siya agad. kaya gets ko na nun kung bakit feeling ko neglected kami kahit siya naman yung kasama namin sa bahay, puro kasi siya trabaho noon.
wala lang gets ko naman na before bakit ganito, bakit ganyan. pero mas nabibigyan na ng meaning ngayon saken yung mga bagay. hinahanap ko yung daddy issues e haha although, andun narin yung hindi kami lumaki ng may tatay na nakagabay sa amin, kaya hindi rin kami magkasundo e. mas malaking part parin talaga yung nurturing ng isang ina, kaya siguro sa chapter na yun mas more on about sa mother. hmm, ang hirap pala talaga mag heal ano? hehe.
6 notes
·
View notes
Text
August 2, 2024
"Agosto 2 kita" kasabay ng pagsapit ng ikalawa ng agosto ang pag-amin ng aking nararamdaman sa babaeng pumukaw ng aking saradong puso. Akala ko hindi na muling titibok itong puso ko sapagkat ako'y sumumpa na hindi na muling iibig dahil sa takot na muling masaktan at matrato ng mali.
Mali ako.
Iba ka. Iba ka at sobrang espesyal mo. Napakaganda mo. Hindi ko aakalin na matatagpuan ko ang babaeng pinapangarap ko. Napakapalad ko dahil nakilala kita. Kahit sobrang bilis ng pangyayari, hindi ako nagsisisi na inamin at sinabi ko sayo. Mas lalong hindi ko inaasahan na ganun din ang nararamdaman mo sakin at higit pa sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko alam kung paano nangyari pero ramdam ko ang totoo at sinsiridad mo. Akala ko hindi ko na muli itong mararamdaman pero binuhay mo ang matagal nang natutulog kong puso. Salamat dumating ka. Salamat nandyan ka na. Gaya ng sinabi ko, ayoko ng mabigat na relasyon. Gusto ko ako ang pahinga mo sa nakakapagod na mundo, gusto ko masasandalan mo sa tuwing ika'y nalulungkot at nag iisa, ako ang magiging karamay mo sa bawat sandali ng iyong buhay. Pangako, ibibigay ko sayo ang lahat lalo na ang kasiyahan at labis na pagmamahal ko. Ikaw palagi ang magiging laman ng panalangin ko. Palagi parin kitang hihilingin sa Ama. Sana ikaw na. Sana ikaw na.
Reese, mahal na mahal kita. Binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo. Pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga. Pinakita mo sa akin kung paano magmahal ng totoo. Binuksan mo ang mga mata ko. At tinulungan mo pa ako sa mga dalahin ko sa buhay. Nahihiya ako sayo, ang laki na agad ng epekto mo sa buhay ko pero ako wala pang maipagmamalaki sayo. Sa ngayon, ang magagawa ko lang ay isulat ang yugto natin para balang araw may babalik balikan akong mga binitawan kong salita na mag papaalala sa akin kung paano kita minahal at kung paano kita mamahalin. Bawat yugto ng sulat ay tungkol sa atin. Balang araw, sabay natin itong babasahin kung paano nagsimula ang istorya natin.
- Joel






2 notes
·
View notes
Text
Lakbay sanaysay
Mykel Antoni M. Sambillo G11 - C1 - STEM
Una ay siguradong muling mag-kikita
Pumunta kami sa BGC taguig, kung saan nandoon ang aking tito na galing America, bagaman isang beses lang kaming nag-kita nung araw na yon, ay sigurado kaming mag papamilya na makikita pa namen sya, hindi lang noon.
Sa aming paglalakbay sa lungsod, isa sa mga pinakamahalagang bahagi ang pagtikim ng masasarap at kakaibang pagkain na handog ng siyudad. Hindi lang ito simpleng kainan; ito ay isang paglalakbay ng kalamnan at panlasa. Mula sa mga klasikong kainan hanggang sa mga modernong restawran, ang lungsod ay sagana sa masasarap na pagkain na nagmumula sa iba't ibang kultura at tradisyon. Ang bawat kagat ay parang isang pahina ng istorya, nagpapakilala sa amin sa iba't ibang panig ng mundo. Talagang nakakatuwa at nakakatakam ang mga pagkaing matatagpuan dito, na patunay ng yaman at kagandahan ng kultura ng aming lungsod.

Ang lugar ay napakaganda, isang nakakapanibagong pakiramdam. Itsura pa lamang ay alam mo ng gugustuhin mong tumira dito.
Sa aming paglalakad, nadiskubre namin ang mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na nagpapahiwatig ng mayamang kasaysayan ng aming lungsod. Bawat kanto at bawat eskinita ay nagtatago ng mga kuwento at alaala na nagbibigay buhay sa aming paglalakbay.

Doon nga ay nag-kita kami ng aking tito na si Tito Ian, kumain kami sa labas, kung saan parang 'bonding' na rin namin iyon, bagaman noon lang namin sya naka samang kumain, ay masaya at kapani-panibaong pakiramdam pa din iyon.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalaga sa akin ay ang panahon na aming ibinahagi habang kumakain kami kasama ang aming tito. Sa hapag-kainan, mas pinatatag ang aming samahan habang nagkukuwentuhan kami at nagtatawanan. Ang pagkikita namin ay hindi lamang tungkol sa pag-uwi ng aming tito mula sa ibang bansa, ngunit tungkol din ito sa pagkakataon na muling magsama-sama at magbahagi ng mga espesyal na sandali.

Doon nga ay pumunta kami sa iba't ibang lugar sa BGC, isa na sa pinuntahan namin ang SM na malapit, kung saan ay naka-usap at nakatawanan namin sya. Hirap man kami mag-usap nung una ay nalagpasan namin iyon nung pahuli at sa huli ay marami kaming napag kwentuhan.
Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang simpleng paglalakad sa lungsod, ito ay isang paglalakbay ng puso at damdamin. Sa bawat hakbang na aming tinahak, mas lumalim ang aming pagkakaunawaan at pagmamahalan bilang pamilya. At sa mga araw na susunod, kahit pa malayo na ang aming tito, mananatili ang mga alaala ng aming pagkikita na nagpapalakas sa aming puso at nagbibigay saysay sa aming buhay.

Hindi kami tumigil at patuloy kaming nag-ikot kasama ang aking tito sa iba't ibang parte ng lugar, kung saan kami ay kumukuha ng mga larawan para aming matitingnan sa hinaharap.
Sa pagdating ng panahon na kailangan na naming magpaalam sa aming lungsod, mayroon kaming bitbit na mga alaala at mga puso na puno ng pasasalamat. Ang aming paglalakbay ay hindi lamang isang simpleng pag-libot sa lungsod, ito ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan, mga espesyal na sandali, at higit sa lahat, pagmamahal para sa isa't isa.

2 notes
·
View notes
Text

ANG ISTORYA NATING DALAWA NA HINDI PWEDENG IKWENTO SA IBA
Mas mainam pang isekreto,
Kaysa malaman ng ibang tao
Mas okay pang ilihim,
Kaysa sa iba ay sabihin
Hindi nila maiintindihan
Hindi rin nila tayo iintindihin
Agad lang tayong huhusgahan
Nang di alam ang tunay na dahilan
5 notes
·
View notes
Text
It's been raining in Manila.

ang tagal ko ng wala sa hometown ko. mag tatatlong taon na, minsan pag umuuwi ako ng Manila. natatakot na ako dahil unti-unti na akong na un familiarized dito. mabilis mag bago ang itsura ng Manila. parang hindi makasabay ang panahon dito. kung ano binagal minsan ng oras ganoon kabilis ang ikot dito.
Manila is where my heart is, kung ano ang iningay ng umaga dito ay siya rin ikinakulay ng gabi. marami ka mapupulot na kwento dito. kakaiba, malalim at puno ng nakakamangha na istorya. sa araw-araw mo na pag lalakad o pag byahe dito. imposibleng hindi ka makakuha ng kwento. imposibleng walang kwentong Manila. bawat sulok nito ay kakapulutan ng kung ano (tulad ng basura hehe jk). madumi man ang hangin. marami man ang masasamang loob at maraming di rin ka aya-ayang lugar. ang Manila ang sentro ng lahat ultimo sa kalakaran noong una pang panahon.
LRT at MRT, isa rin ito sa mga nag dudugtong sa pusod ng Metro Manila. sino nga ba ang hindi nakasakay dito? na hindi naiisip minsan ang buhay nya ay parang isang pelikula o para siyang nasa isang music video. lalo na pag nakasaksak na ang earphones sa mag kabilang tenga. napaka sentimental ng lugar na ito. marami na nga ang nag pakamatay dito. medyo nakakatakot nga lang lol. pero ang mga tren na ito ang naging sandalan ng mga tao na nag tratrabaho/estudyante ng Manila. although minsan nakaka-badtrip lang kapag mahina ang aircon at siksikan. minsan pa nga ay nasisiraan sa kalagitnaan ng byahe. pero ang laking ginhawa nito lalo na sa malupit na traffic.
ang mga streets ng Manila ay hindi pare-pareho. may delikado, safe, masaya at malungkot. masarap mag lakad sa Manila. mapa umaga man o gabi. marami ka mapupuntahan na pwede mo lang lakarin hindi mo na kailangan bumyahe ng marami pang sasakyan. kahit siguro bente lang pera mo ay mabubuhay ka na dito. lahat ng cravings mo mabilis mo lang makakain dahil napaka dali lang puntahan ng mga kainan at pasyalan dito. nandito rin ang mga nag lalakihan na mga Malls. hinding hindi ka mababagot sa Manila.
kapag umuulan naman sa Manila. nakakatakot dahil asahan mo na ang mabilisan na pag baha saan man sulok ng lugar. lagpas tuhod minsan naman ay hanggang bewang. sa loob at labas ng bahay yan. wala kang ligtas sa baha sa Manila. talaga naman nakakaawa ang mga pauwi ng kanilang mga bahay galing trabaho kapag naabutan ng ulan.
isa din sa mamimiss mo sa Manila ay ang mga marites. mga walking CCTV. mga matang nakatitig na akala mo kung makatingin ay buklat na buklat na ang pagkatao. mas alam pa nila yung istorya mo kesa sa sarili mo. pero ang magandang dulot naman nito ay walang masyadong nagiging biktima ng mga massacre dito. dahil makarinig man sila agad ng konting sigaw ay tiyak mapapabukas na ng mga bintana yan. ang iba ay lalabas at mag uusisa talaga hanggang sa tatawag na ng barangay.
iba ang energy ng mga taga Manila. masaya sila kasama, akala mo walang bukas kung mag walwal. akala mo walang mga problema na iniinda. Bold ang mga Manilenyo, transparent sila sa mga buhay nila. Happy go lucky at creative. dito naka imbento ng pisonet,corn dog at kung ano-ano pa. madali mag business sa Manila. walang permit yung iba lol. kaya kahit tignan mong ganyan lang sila mga naka-iphone yan, isama mo na yung mga snatcher at holdaper sa diskarte lol.
"Simply no place like Manila" mula sa kanta ng Hotdog. totoo talaga walang katulad. para nga daw babae ang Manila, binabalik-balikan. parang babae ang manila. sa kakumplikado nito lol jk. marami rin na ngangarap ang tumira dito. at isa na rin ako doon sa gustong bumalik pag dating ng araw.
3 notes
·
View notes
Text
I was 15 when I took a leap of faith to enter a writing platform. I wasn't sure whether I'll be able to have the opportunity but it was Miss Emily who assured me that she will helped me.
“A Guide For Self-love” paved the way for me and my writing journey. I wrote it at 15 without expecting anything. I did it solely for the purpose of fulfilling my childhood dream. It was a dream that was too precious for the younger me, a dream that lingered within my heart and my mind, and a dream that somehow turned into a reality. My first book had the opportunity to have it's own audio book version. I am grateful for Beijing Zhongmeng Network Technology Co. for the agreement that I signed and for choosing my book. Now that I am 19 and the journey isn't always sunshine and rainbows but I am blessed and beyond thankful for every accomplishment I had through my writings.
Thank you so so much to my FI family. To my editor Miss Emily, thank you. Thank you for encouraging me to keep on writing the chapters until it's done, for the words of encouragement, for your patience, and for your assistance.
To Mr. Hayden, Miss Valerie, and to my current editor thank you! To Miss Rosalie and Miss Ash, thank you. Thank you for providing me with opportunities to work with other platforms and for the advices you gave. Nel, thank for being a friend, for treating me like I am your older sibling, for being so kind to me through every requests, through every exchange of conversations we had, and for creating the book covers. To RM for creating the some of the book covers, salamat talaga. To Kuya Z, thank you for being the epitome of a walking green flag and for being such a wonderful person that inspired me to create one of my ML based on you and your character. He was loved by my readers.
To my Mama, Ma thank you. Thank you for lending me your ears everytime I share you updates, for appreciating what I do, and for always supporting me in everything that I do. Your words helped me a lot especially during the turbulent times when it was hard to stay afloat. You're always been one of my source of strength in life. To Tito Jon, thank you for giving me your time and for listening during moments when I felt excited to share informations about what I am doing.
To my beta readers, you guys are the best. There's too many of you and I couldn't always reply to every comments you sent but rest assured that your comments made me happy. Thank you for your interests, your engagements, and for appreciating my works. It inspired me to keep on going and to do better! ❤️
And most of all to God. Lord, thank you. Madamo gd nga salamat! I am really grateful to you for giving me the blessings. Sa mga tinion nga naga-istorya ako sa imo, imo gd ako ginapamatian. I owe everything to you. My faith in you is what I will always carry.
With love,
Cassandra
2 notes
·
View notes
Text
993 days ft. ERE by juan karlos
Napakinggang niyo na ba yung bagong kanta ni JK? Simula kasi noong nagsusulat na siya ng masasakit na kanta, hindi na muli ako nakinig sa kanyang musika. Pero itong bagong kanta niya ay trending sa tiktok.
May trending sa tiktok kung saan ilalagay mo ang picture niyo ng partner mo tapos ito yung background music. Kasama ang screenshot ng unang araw kung kailan opisyal na naging kayo.
Hindi naman yan ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Sa katunayan meron pala itong "single edition" bilang mahilig makiuso, nagbackread ako kung kailan yung araw na sinabi niyang "itigil na natin 'to."
Ngunit, nabasa ko rin yung kaganapan bago pa magwakas ang lahat.
Tatlong bilyon, ikaw lamang ang aking gusto
Pasensya na kung ngayon ako'y 'di para sa'yo
Sa loob ng siyam na raan siyamnapu't tatlo, sa tuwing ibinabahagi ko ang istorya kung paano kami nagwakas, sa iisa lang ito nakasentro, ayun ay kung sa anong naramdaman kong sakit. Doon sa kung paano ganon na lang sa kanya kadali na bitawan ako pero nang muli ko nabasa ang lahat...nagulat ako para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Siguro kung mababasa ito ng mga kaibigan ko ngayon baka sabihin nila na ako naman pala ang may kasalanan.
Sa tatlong taon na ilang bilyon ko siyang tinanong kung mahal niya ba ako, isa lang lagi sagot niya. Oo. Lahat ng klase ng oo. Pero nung isang beses na nagtanong siya, ang sinabi ko ay, hindi. Una sinabi ko yun ng pabiro, pero nagdalawang isip ako kung biro pa ba talaga yun?
Ngayon naiintindihan ko na. Ngayong lang ika-siyam na raan siyamnapu't tatlong araw.
Maaaring huling sulat ko na rin ito para sa kanya.
Pasensya na noong tayo'y lumilipad ako pala yung unang umiwan sa'yo.
2 notes
·
View notes
Text
ANG MAHIWAGANG PARAISO NG MARIVELES
Noong ika-24 ng Pebrero, ako at ang aking pamilya ay nagdesisyon na libutin ang bawat sulok ng lungsod ng Bataan. Mula Dinalupihan, kami ay bumiyahe patungong Hermosa, Orani, hanggang sa dulo ng Mariveles, Bataan. Sa lahat ng lugar na pinuntahan namin, sa Mariveles ako tunay na nabighani. Tingin ko’y kukulangin ang mga salitang kasingkahulugan ng “maganda” upang mailarawan ang bayan na ito. Nakakapigil-hininga ang mga tanawin at nakakagaan sa pakiramdam ang sariwang hangin na iyong malalanghap. Ikaw ay tunay na mahiwaga, Mariveles!
Ang Mariveles ay isang isla na matatagpuan sa makasaysayang lalawigan ng Bataan. Hitik na hitik ang lungsod na ito sa kasaysayan, kultura, magagandang tanawin, nakakatakam na mga pagkain tulad ng dilis, at syempre ang asul na asul nitong karagatan. Hindi lamang iyan ngunit kilala rin ang bayan ng Mariveles bilang isa sa mga lungsod na nangunguna pagdating sa produksyon at industriyalisasyon. Higit pa riyan, dahil sa mayaman na karagatan ng Mariveles, pangingisda rin ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayang nakatira dito.
Balik tayo sa istorya kung paano ako tuluyang napa-ibig ng isla ng Mariveles. Noong kami ay papunta pa lamang sa Mariveles, hindi naman ako masyadong nasasabik na makita ang lungsod na ito. Marahil ay dala ito ng init ng panahon at pagod sa pagbiyahe sapagkat napakalayo ng Mariveles mula sa Dinalupihan na aking bayan. Gayunpaman, nanatili akong gising sa biyahe upang panoorin ang tanawin mula sa labas ng kotse. Ngunit lahat ng alinsangan at pagod sa aking katawan ay nabalewala bigla nang aking matanaw ang naggagandahang isla ng Mariveles at ang mayamang karagatan nito. Hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong nangyari ngunit akin pa ring naaalala kung paanong napanganga na lang ako sa aking mga nakikita at napasabi na lang ng “wow”. Pinaghalong mangha at kapayapaan ang aking nadama. Unang apak ko pa lang paglabas ng aming sasakyan, pakiramdam ko ay bigla akong napadpad sa tagpuan ng mga librong nababasa ko. Grabe! Buong akala ko ay probinsyang-probinsya nang maituturing ang Dinalupihan ngunit hindi pala. Sa Mariveles ko pala makikita at mararamdaman ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Kahit pa punong-puno ng mga barko at pabrika ang lungsod na ito, iba pa rin talaga ang pakiramdam! Natatandaan kong pumasok pa sa isip ko na “Paano kaya kung sa pagtanda ko ay dito na lang ako tumira?” Sobra-sobra na siguro ‘tong aking mga nababahagi at OA na kung tutuusin pero masisisi mo ba talaga ako? Sinong hindi mabibighani sa hiwagang taglay ng Mariveles? Ah basta– para sa akin, maituturing na itong paraiso.
Sa huli, akin lang masasabi na grabe, ‘no? Ang galing talaga ng Panginoon. S’ya talaga ang idolo ko pagdating sa sining. Tignan n’yo naman yung bayan ng Mariveles– perpekto na perpekto ang bawat hagod ng kulay ng kapaligiran. Kitang-kita naman sa litrato ko kung gaano ako katuwa pag-apak ko sa lungsod na ito. Tunay ngang ika’y mahiwaga, Mariveles. Hanggang sa muli nating pagkikita!
2 notes
·
View notes
Text
FEATURE: Atin Siyang Salubungin: “Prinsipe Bahaghari” ng Teatrong Mulat
“May mga umaawit na gumamela? Mga nagsasalitang ahas at pusa? Lumilipad na papet? Niloloko mo ba ako kaibigan?” Aba’y hindi! Natunghayan namin mismo ang mahiwagang pagtatanghal ng ating mga kaibigan mula sa Teatrong Mulat ng Pilipinas.
Anong pagtatanghal? Syempre, ano pa ba kundi ang Prinsipe Bahaghari! Nais mo ba silang makilala?
SAAN TAYO PATUNGO?
Hango sa klasikal na kwentong pambata na “The Little Prince” ni Antoine de Sainte-Exupery, ang kwento ng ating munting prinsipe ay muling binigyang-buhay ng Teatro Mulat. Sa halip na sa disyerto ng Sahara, dadalhin tayo ni Prinsipe Bahaghari sa Pilipinas upang pagmasdan ang mga hardin ng gumamela. Sino bang hindi masasabik na umawit kasama ang bagong kaibigang si Kwentista, ang mga tala, hari, at nilalang na namamalagi sa ating bayan?
Itinampok sa “Prinsipe Bahaghari” ang pagmamahal ng prinsipe sa kaniyang gumamela matapos maglakbay sa iba’t ibang mundo, at kilalanin ang iba’t ibang mga hari. May kabagalan man ang ilang bahagi ng dula, gaya ng pakikisalamuha sa mga hari, sila nama’y bumalik kasama ang mga tagpong nakakapagpabagabag! Paano nga ba umusbong ang produksyon ng gayong istorya at pagtatanghal?
ANG ATING MGA GABAY
Taong 2019 nang unang tinahak ng Teatrong Mulat ang unang mga hakbang sa pagbuo ng dula na isinulat ni Vladimeir Gonzales, sa ilalim ng direksyon ni Aina Ramolete at ng producer at assistant director na si Prop. Amihan Bonifacio-Ramolete. Kalaunan, ito ay nakalipad sa kauna-unahang pagkakataon sa online dulaan noong pandemya. At ngayong taon, muling sumabak sa paglalakbay si Prinsipe Bahaghari, at natunghayan na natin siya sa pisikal na entablado. Tunay na nga ito, kaibigan!
NGUNIT SINO NGA BA ANG TEATRONG MULAT?
Bilang pinakaunang Teatro Papet Museo sa bansa, ibinibida ng Teatrong Mulat ng Pilipinas ang mga sining, alamat, at kwentong-bayan mula sa iba’t ibang lugar sa Asya. Kinikilala din ang kanilang galing sa paglahok sa samot-saring paligsahan sa buong mundo. Batid niyo bang ginawaran din bilang National Artist noong 2018 ang founder nito na si Amelia Lapeña-Bonifacio? Bukod pa rito, madalas din silang makikita sa mga gawaing pampamayanan kasama ang mga organisasyong tulad ng HELP Learning Center Foundation at UNICEF.
Alam mo ba na bukod sa Prinsipe Bahaghari, marami na ring isinagawang programa ang Teatrong Mulat sa mga nagdaang taon! Ang ilan sa mga ito ay ang “Dalawang Bayani” (1996) at “Ang Pagong at ang Tsonggo” (1977).
MGA BAGONG KAIBIGAN
Pinaliligiran ng sining at musika ang mundo ng Prinsipe Bahaghari. Bilang mga pangunahing tauhan, sa mga papet ibinuhos ng produksyon ang kanilang galing at kakayanang pansining—mula sa pagkulay at pagguhit, paglalaro ng mga ilaw, hanggang sa pagsulat ng mga dayalogo’t awit. Kaya naman, ating kilalanin ang ilan sa mga tao sa likod ng dula!
Tinampok sa dula ang mga tauhang puppeteers. Una na rito si Prinsipe Bahaghari, na siyang pinagalaw nina Arvy Dimaculangan, Jeremy Bravo, at Sig Pecho. Binuhay naman nina Shenn Apilado, Karlo Erfe, at Harvey Rebaya Sallador ang karakter na si Kuwentista. Para sa mga hayop, ang Pusa ay pinagalaw nina Mary Allen Asuncion, Ravelyn Emerald Dar Juan, at Cian Jes Avendaño, at si Mary Allen Asuncion naman sa Ahas. Hindi rin magpapahuli si Ravelyn Emerald Dar Juan sa pagbibigay-buhay sa tauhang si Gumamela.
Para naman sa grupong sining-biswal, pinangunahan ito ni Aina Ramolete, ang direktor at isang alumni ng UPIS. Isa rin siya sa mga mangguguhit at pangkalahatang production designer ng dula. Nilikha naman ni Clariz Caingat ang mga tauhan sa istorya, at binuhay ni Napoleon B. Rivera Jr. ang mga bidang papet. Si Steven Tansiongco naman ang nagsilbing graphics and video designer, habang si Gabo Tolentino ang tumayo bilang lights designer.
Sandali, mayroon pa! Hindi rin malilimutan ang mga sumulat at bumuo ng nakatutuwang awit na sina Arvy Dimaculangan, ang music and sound designer na galing ding UPIS, at si Jessamae Gabon, ang music composer. Naging boses ng batang prinsipe si Kherwind Zane Duron, habang isinatinig naman ni Ron Capinding ang Kuwentista. Ngunit, tandaan: marami pang mahuhusay na kaibigang sa likod nitong tanghalan!
Kung nais niyo pang tangkilikin ang kanilang mga proyekto, may publikasyon inilimbag ang Teatro ukol sa kanilang proseso ng pagbuo ng dula! Naku, hindi niyo ito nanaising palampasin! Ayon sa playwright, inaanyayahan nila tayong basahin ang kanilang librong pinamagatang “Ang Paglalakbay ni Prinsipe Bahaghari,” sa Philippine Writers Series ng UP Press at Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Matatagpuan ang kanilang teatro sa Amelia-Lapeña Bonifacio Theatre sa Quezon City at maaari niyo ring bisitahin ang kanilang social media sa Instagram (@mulatpuppets) at Facebook (Teatrong Mulat ng Pilipinas).
MGA TALANG NAGNININGNING
Naramdaman sa buong dula ang kahalagahan ng mga relasyong ito at ang pagkakabuklod natin sa isa’t isa. Sa katotohanan, unang nagkaroon ng anyo ang istorya mula sa kakilala ni Gonzales na kapwa-manlilikha sa UP, at kamag-anak din pala ng isa sa kaniyang mga unofficial mentor sa sining ng dulaan.
Makikita din ang temang ito sa direksyon ni Direk Aina. Ninais niyang gawing isang pagbibigay-pugay sa ating mga mahal sa buhay ang dula. Halimbawa nito ang kaniyang lola na nagbigay ng inspirasyon para sa tauhang si Kwentista, gayundin ang kaniyang kaibigang si Edel, na isa nang talang kumikislap sa kalangitan. Bukod dito, handog din ng direktor ang kwento sa ating mga hindi malilimutang panahon ng kabataan na nananalaytay pa rin sa ating mga puso at diwa.
HALINA’T SIMULA NA NATIN ANG ATING PAGLAKBAY!
Pagdating sa mismong dula, aba, pakiramdam namin ay bumalik kami sa aming pagkabata! Hindi ito dahil sinasabi naming pambata lang ang mga papet! Kundi dahil tunay na kahanga-hanga ang mga larawan at tagpo ng mismong palabas.
Maliit ang entablado ng Teatrong Mulat, gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa mga ipinamalas na sining biswal at set design. Ang mismong tanghalan ay binubuo ng iba’t ibang hugis at istruktura na yari sa mga piraso ng katsa at kahoy. Gamit ang projector, inilapat ang mga larawan, salita, shadow puppets, at iba pang special effects na ipinakita sa teatro. Sa bandang gitna, may makikitang bilugang butas na naging sentro sa mga eksenang itinanghal. Gayundin, hindi nagmistulang maliit ang espasyo at nagawa nilang pagalawin ang mga papet habang sila’y nagbibiruan at nagsasayawan sa entablado. Ang lahat ng mga elementong ito ay nagbunga sa isang nakamamanghang pagtatanghal.
MGA PAPET NA LIKHA, NAKATUTUWA!
Ay, ang mga papet! Ang ating mga bida, hindi lang sa kwento kundi sa buong dula! Gawa sa rattan ang mga papet at kadalasa’y braso, ulo, at binti lamang ang gumagalaw na parte ng kanilang katawan. At isa pa, hindi sila nakapirmi lang sa isang pwesto! Sa isang papet, tatlong papetir ang nagmamando upang maging malaya ang ating mga kaibigan sa paggamit ng buong entablado. Kaya kahit hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanilang mukha, punong-puno pa rin ng buhay ang mga papet. Isa sa mga paborito namin ay ang Pusa dahil tunay ngang malapusa kung gumalaw ito mula sa paglalakad hanggang sa pagkamot sa sariling katawan gamit ang mga paa, hindi mo mapipigilan ang sariling mapatili sa tuwa!
Nakuha naman ang loob ng mga manonood mula sa pagsasatinig sa mga tauhan pati na ng mga orihinal na kantang pinatugtog sa dula. Ubod ng husay! Talagang bibilib ka sa mga madamdaming boses sa kanilang pagpapahayag ng mga linya ng mga karakter! Kahit na medyo makaluma ang estilo ng kanilang dayalogo, hahalakhak ka pa rin sa binibitawan nilang mga biro—lalo na sa mga biro ng Kuwentista! Masigasig ang kaniyang paglalahad ng mga kwento at punong-puno ito ng karakter. Ganoon din ang ating munting prinsipe! Tiyak na ika’y maaaliw sa usapan at kalokohang namagitan sa kanilang dalawa. Mula umpisa hanggang dulo, mapupukaw ang iyong atensyon sa magandang interaksyon ng dalawang pangunahing tauhan.
At kung ito’y kulang pa, tiyak na mapapasabay ka naman sa mga awit at alindog ng mga haring nakilala ni Prinsipe Bahaghari!
ANG KANILANG MGA KWENTO
Syempre, hindi magpapahuli ang mismong kwento ni Prinsipe Bahaghari. Ang kwento ng buong dula ay punong-puno ng emosyon, tulad ng pagmamahal at pangungulila, at mas pinaangat ito ng huling tagpo nang pinaalala nila sa atin na kailangan natin magparaya at huwag ibaon ang sarili sa dalamhati. Makikita sa mga papet ang kalinga ng bawat tao sa likod ng produksyon dahil nais nilang iparamdam, ika nga ng prinsipe, na binabago tayo ayon sa pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa huli, ang inyong samahan at oras na ginugugol para sa isa’t isa ang nagpapabukod-tangi sa inyo mula sa iba.
Pinalalim pa ito ng paggunita at dedikasyon sa wakas ng pagtatanghal—“Para Kay Edel.” Ramdam mo na ibinuhos ng Teatrong Mulat ang kanilang pagmamahal at taos-pusong pagsisikap para lamang ihandog ang dula sa isang kaibigang wala na sa ating piling. Naging malamlam man ang pagpapatuloy, hinangad nilang maipakilala sa mga tao ang mahal na kaibigan, na tulad ni Prinsipe Bahaghari, maraming naituro at binago sa kanila. Gaya nga sa dula, sila’y tumitingala sa mga bituwin sa kalangitan, hinihiling na sana’y nakauwi at nakakapagpahinga na ang kanilang kaibigan.
SA MULING PAGKIKITA, KAIBIGAN!
Masasabi naming binago kami ng Teatro sa ipinamalas nilang talento at sa paghandog sa amin ng aliw at pagmamahal. Talagang nanaisin mong balikan ang mga tinahak na mga planeta at kamustahin ang mga kaibigang nabuo sa kwento ng batang prinsipe! Kaya, mga kaibigan, kayo’y aming iniimbitahan na kamustahin ang mga makata at manlilikha ng Teatrong Mulat! Hindi-hinding niyo ito pagsisisihan. Hanggang sa susunod na paglipad, paalam! // nina Zaeda Wadi at Eda White
4 notes
·
View notes
Text
saturday. june 8
team building namin bukas, nag rsvp ako pero i'm fully decided na hindi na pumunta since naka cph ako sa monday, hindi ko na kailangan mag panggap na may sakit at umabsent haha. pupunta kasi dito mga pinsan ko, sinasama nila ako mag Sorsogon. kaya di nalang ako aattend ng team building, wala rin ako sa mood makipag plastikan dun bukas, monday to friday na nga ako nakikisama e. tama na yun haha.
i'm sure a lot of my teammates especially sa cluster namin would prefer na wala ako dun. i dunno pero feel ko lang na ayaw nila saken kasi never naman din nila ako sinasama pag may mga sariling ganap sila with other teammates. lalo na yung boss ko, madalas sinasabihan ako nun na kesyo "sayang di ka namin nadaanan" "i forgot to invite you" "dapat pala sinabihan ka nila ganito ganyan" at kung ano ano pang excuse, pero di naman ako shunga para di magets na wala naman talaga silang balak i-include ako at nagpapaka nice lang sila pag naka harap ako sakanila.
sa maikling panahon pa nga lang nun na nakakasama ko sila on our first 3 mos siguro, kabisado ko na mga galawan nila. alam ko na kung paano nila pag usapan yung mga taong hindi nila gusto. tsaka sila zha—especially her. who i thought na magiging new work bestie ko. hindi ko na kayang pagkatiwalaan ulit, sila ni jc. kasi kabisado ko narin sila. kahit sabihin nilang kilala ko na sila, yung trust issues ko hindi na kaya, may mga ilang paulit ulit lang na di pagkaka intindihan, i don't trust them na hindi mag shishare sa iba na pwedeng ikasira ko na naman sa mata ng iba.
kaya tinatry ko nalang talaga magkaron ng sariling mundo sa work, ayaw ko na maki grupo grupo kahit isang team kami sa account namin, makiki sabay nalang pag breaktime pero mas prefer ko na mag isa nalang. sa dami kasi ng issueng nag daan, na lagi nalang ako nasasali, nag iba yung mga tao saken. before naman hindi sila ganon kaiwas saken, ngayon kasi ramdam na ramdam ko sa tingin pa lang e. hehe
akala ko nung nag start ako dito magiging okay na, masaya na. pero parang wala rin naman pinagbago. makes me think na ako talaga yung toxic, parang everywhere i go ako yung problem. siguro hindi talaga ako binuilt ni rold para maging people person haha. tanggap ko na nga yung hindi ako bida e, na laging ako yung villain kahit sa sariling istorya ko. ayaw ko ng main character, gusto ko ako yung kontra bida. yung tulad sa mga teleserye na laging ako yung pang gigigilan ngmga viewers, ganon haha.
nakakalungkot na wala akong makasundo, o walang makagets ng ugali ko dito. kaya minsan lagi ko sinasabi kay J na gusto ko na umuwi ng Manila pero maiisip ko na naman pag umuwi ako, ganun din, malungkot parin pag sa bahay ulit ako umuwi. kailangan ko na naman indahin yung mga bagay na ginive up at nilet go ko doon na nagpa decide sakin na mag stay dito.
nakakalungkot mag isa, pero kung ito yung makakapag bigay sakin ng peace, sasanayin ko nalang ulit yung sarili ko. tulad nga ng sinasabi ni J sakin lagi; "okay lang yan. kaya mo yan, ikaw pa."
5 notes
·
View notes
Text
I. Panimula
A. May akda: Edgardo M. Reyes
- Si Edgardo M. Reyes ay isinilang noong Setyembre 20, 1936 at pumanaw noong Mayo 15, 2012. Siya ay isa sa mga tinaguriang Haligi ng Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Nasulat niya ang mga bahagi na ito: Laro sa Baga, Sa mga Kuko ng Liwanag, at Ligaw na Bulaklak.Si Edgardo ay isa ring screenwriter, nobelista, at kuwentista.
- Ang Maynila: Sa Kuko ng Liwanag ay tungkol sa paghihirap at katotohanan sa Maynila. Pinapakita ang mga korupsyon ng mga mataas sa nobela na ito.
B. Pamagat: “Sa mga Kuko ng Liwanag”
- Sa nobela na ito, pinapakita ang pangyayari sa Maynila sa baba ng liwanag na inaasahan ng mga tao. Human trafficking, prostitutyon, korupsyon, madami pang kabalaghan, at paghirap ng mga tao na nagtatrabaho.
- Sa pamagat ng nobela, ang kuko ay tungkol sa paghihirap at pangit na bahagi ng Maynila. Ang liwanag naman ay tungkol sa inaasahan ng mga probinsyano at tao para sa Maynila. Ito ay dahil sa kahirapan ng mga tao.
II. Katawan
Tauhan, pagpapakilala, at paglalarawan
- Julio: Galing sa probinsyano na pumunta sa Maynila para hanapin ang kanyang sinta.
- Ligaya: Babae na pumunta sa Maynila at naging biktima ng human trafficking.
Tunggalian ng Pangunahing Tauhan:
Sila dalawa ay naghihirap at ang unang pumunta sa Maynila ay si Ligaya. Pagkatapos yan, pumunta na din sa Maynila si Julio dahil hindi na siya nagkaka liham galing kay Ligaya. Pero sa huli, hindi din sila nagka kapayapaan.
Iba pang Tauhan
- Mrs. Cruz: Human trafficker na linokohan si Ligaya tungkol sa mga peke na oportunidad
- Ah Tek: Isang Intsik na bumili at nag patay kay Ligaya bago siya namatay kay Julio.
- Mr. Balajadia: Ang kapatas ng construction site kung saan ng tatrabaho si Julio. Makasarili siya at hindi nag papa patas sa kanyang empliyado.
- Atong: Isang kaibigan ni Julio na nang tulong na masanay siya sa buhay ng Maynila.
- Pol: Naging gabay at mabuting kaibigan kay Julio.
Panahon:
- Ito ay naganap sa 1970s
Lugar:
- Maynila
Banghay:
Simula: Si Julio ay dumating sa Maynila
Kasukdulan: Na hanap na ni Julio si Ligaya at gumawa sila ng plano na tumakas
Wakas: Namatay si Ligaya at pinatay ni Julio si Ah Tek. Hindi pinakita ang huli pero parang namatay din si Julio.
Tema/Damdamin:
-Pinapakita ng nobela ang kahirapan ng mga tao sa mundo. Bumibigay siya ng pakiramdam na mapanglaw at malungkot dahil nakikita natin ang nararanasan ng mga tao parehas kay Julio. Hindi masyado na papansin ng mga tao kung gaano kahirap maging isang probinsyano lalo na pag nasa mas mababa kang uri sa lipunan.
Kabuuang mensahe ng Nobela
Bisang kaisipan: Ito ay isang magandang nobela dahil na kukuha niya ang pakiramdam ng isang tao pag nahihirapan. Ito ay isang klaseng trahedyang na hindi mo agad matatanggal sa isip mo pagkatapos mo ibasa ang nobela. Maganda ang pagka sulat ni Edgardo M. Reyes sa nobela na ito.
Bisang pandamdamin: Maganda ang epekto ng nobela sa damdamin. Dahil sa klaseng istorya na pinapakita ng nobela. Galit, lungkot, at pakikiramay ang naramdaman sa istorya na ito.
Bisang pangkaasalan: Ang natutunan ko sa istorya na ito ay tungkol sa pagasa at kasamaan. Dahil sa nag yari, si Ligaya ay naniwala kay Mrs. Cruz, siya ay nahulog sa isang impyerno ng human trafficking. Ito ay isang halimbawa na dapat natin ma alala. Wag tayo maniwala kahit kanino pag hindi natin kilala.
Teoryang Pampanitikan:
Teoryang Realismo: Sa istorya na ito, ipinakita ang katutuhanan ng buhay. Hindi lahat ay palagi may masayang pagtatapos. Kay Ligaya, siya ay namatay. Habang si Julio ay baka namatay din o napunta sa prisinto. Ito ay isang example ng Teoryang Realismo. Palagi natin kailangan ma kita ang katutuhanan imbis masakit.
Teoryang Humanismo: Ang focus ng teorya na ito ay tungkol sa tao. Nakikita natin na kaya ang tao na gumawa ng kanyang sariling desisyon. Inisip ni Julio na hanapin si Ligaya at ginawa niya ang kanyang desisyon. Ito ang focus ng Teoryang Humanismo. Tungkol sa tao. Nakikita din natin ‘to nung nakita ni Julio ang callboy.
Konklusyon: Madami tayong matutunan sa istorya na ito. Tungkol sa kasamaan, pag asa, at ang mga teorya na ipinakita saatin. Dahil napanood ko ang pelikula ng nobela na ito, madami akong masasabi. Tungkol kay Julio at Ligaya. Sila ay isang nakakalungkot na katauhan. Dahil sa sobrang desperado ni Julio na hanapin si Ligaya, siya ay naka patay ng tao. Si Ligaya naman, sa gusto mang tulong sa pamilya niya, siya ay nahulog sa impyerno ng human trafficking.
Rekomendasyon: Maganda ang pelikula na ito. Para sa isang pelikula na galing sa sobrang luma na kapanahunan, ito ay isa sa isang uri na pelikula. Rekomend ko na panoorin ito dahil madami ka matutunan.
0 notes