Tumgik
#kaguluhan
ricisidro · 1 year
Photo
Tumblr media
#Fauda (#chaos, #kaguluhan) #Netflix, thriller centred on the 🇮🇱 #Israeli - 🇵🇸 #Palestine conflict, disputes between #Mossad & IDF on one hand and #Hamas & #Hezbollah on the other. https://www.instagram.com/p/CoWv1tgr-HA/?igshid=NGJjMDIxMWI=
3 notes · View notes
mqfx · 2 years
Text
glad everyone agrees I write characters accurately bc there are times when I'm like. is this their voice in my ear or am I projecting. sometimes unfortunately it is both
3 notes · View notes
annexca · 3 months
Text
#174
Kung ang kaluluwa't puso'y nagsasalita
Walang sikreto ang 'di mabubunyag
Pagtatago ay hindi opsyon
Sa katotohanan ay magsasaya
Mundo'y sa damdamin ay mapupuno
Pagmamahal ay unti-unting sasabog
Sakit at galit ay mananaig
Sabay wawasakin ang mundo
Kung ang kaluluwa't puso'y nagsasalita
Kailangang mamili sa dalawa
Kalayaan o kaguluhan,
Ano nga bang mas lamang?
- KUNG ANG KALULUWA'T PUSO'Y NAGSASALITA
Tumblr media
10 notes · View notes
ninthsuperbia · 9 days
Text
Entry 1
Buti pa sila Percy may book series, movie, TV series tsaka musical samantalang kaming mga half-blood sa mga third world country, napag-iwanan, napabayaan at nakalimutan na. Sila Percy kahit papa'no afford mag-summer camp, mag-quest.
Putcha, buti nga sila may camp. Pinakamalapit yata na maihahambing ko sa Camp Half-Blood dito sa Pinas ay 'Real Half-Bloods PH' group sa Facebook. Ta's doon 'di mo pa sure kung totoong half blood ba talaga mga kasama mo. Ang pagkakaiba nila Percy sa aming mga half-blood dito, sila talagang mga anak ng mga diyos at diyosa. Dito sa amin malayong malayo na't pagkanunonunoan na namin ang mga diyos at diyosang dumayo't bumisita sa ilang siglong lumipas.
Ang isa pang pagkakaiba namin sa mga half-blood sa Amerika, hindi namin gaano napapansin ang mga halimaw rito. Hindi siguro sa hindi napapansin. May mga halimaw rin naman dito sa Pinas na iilang tao lang talaga nakakakita. 'Yung iba nararanasan 'yung dalang kaguluhan ng mga 'to pero hindi alam ang totoong pinanggagalingan. Hindi rin namin afford na mag-layas at mag-lamyerda sa isang quest kasi una sa lahat, wala nga kaming camp.
Wala naman sa'ming nagkaroon ng opportunity na mag-train at maging kasinggaling nina Percy't Annabeth. 'Di namin kayang iwanan ang mga ginagampanan naming mga tungkulin para pumatay ng mga halimaw na kami lang naman nakakakita.
Kung tutuusin, may mga mas malalaking halimaw na araw-araw hinaharap ng parehong half-blood at karaniwang mamamayan dito sa Pilipinas---korupsyon, inflation, poor governance, traffic, poverty, climate crisis, transportation crisis. Walang magagawa mga espada nila kung ganito 'yung mga halimaw na kaharap nila.
3 notes · View notes
xxpangitsijosesxx · 5 months
Text
Change: Ang Malupit na Reyalidad ng Pagkakapantay-pantay ng Kapangyarihan
Tumblr media
(Babala: Ang vlog na ito ay naglalaman ng adiksyon sa droga at alak, karahasan, sekswal na tema)
Nag-aalok ng masusing pagmumulat ang kanta sa masalimuot na reyalidad ng buhay sa komunidad, kung saan ang karahasan, kahirapan, at pangarap ng pagbabago partikular sa isyu ng police brutality sa Amerika ang kanta ni Jermaine Cole na "Change". Sa huling banda ng katha, makikita ang detalyadong larawan ng mga pangyayari ukol sa isyung panlipunan laganap hanggang ngayon.
I reminisce back to a time where ni**as threw they hands All of a sudden ni**as pop a trunk and then we scram Finger on trigger make a little ni**a understand What it's like to finally be the mother****kin' man Eyes wide that's from the power that the coward feels Ni**as die over b***hes disrespecting dollar bills Bloodshed that turned the city to a battlefield I call it poison, you call it real (pop, pop, pop, pop) That's how you feel?
Pistols be poppin' and ni**as drop in a heartbeat Scattered like roaches, a body laid on the concrete Body laid on the concrete Look, somebody laid on the concrete No time for that, ain't no lookin' back, cause I'm running too I made it home, I woke up and turned on the morning news Overcame with a feeling I can't explain 'Cause that was my ni**a James that was slain, he was 22 (Last night at around) He was 22 (22 year old black male, suspect, poor)
We're gathered here today (I swear to God) To mourn the life of James McMillan Jr (I swear to God, ni**a, I'mma kill them ni**as man) A tragedy, another tragedy in the black community (I promise you bro) We got to do better, people 22 years old, this boy was too young (I promise you bro, I'mma kill them ni**as bro) Our condolences go to his family, our prayers (I'mma kill them ni**as myself) We know he's in a better place But this has got to end, ladies and gentleman We've got to come together, this is, this is, beyond words Now I'd like to open this ceremony with a verse from
Sa kabuuan ng kanta binabanggit nito ang takot at desperasyon na maaaring nararamdaman ng mga indibidwal kapag nakaharap sa posibilidad ng paghaharap sa mga otoridad. Gayundin, nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan sa sistema ng hustisya, gaya ng makikita sa mga linyang "But the only real change come from inside" at "It's either that or they be fearing they gon' go to Hell," na naglalarawan ng kawalan ng tiwala sa mga panlabas na sistema para sa hustisya o pagpapatawad.
Bukod dito, nilalim ng kantang ito ang epekto ng karahasan sa mga komunidad, na may mga sanggunian sa mga libingan, tanikala, at mga lalaking umiiyak.  Dagdag pa roon, nagpapahayag ng mabigat na realidad at malupit na bunga ng karahasan mula sa pulisya ang imahe ng mga bangkay na nakahandusay sa semento at ang kaguluhan. Gayundin, malinaw ang paglalarawan ng marahas na kalikasan ng mga pagtatagpo ang mga linyang "Pistols be poppin' and ni**as drop in a heartbeat” at “Bloodshed that turned the city to a battlefield."
Nagbibigay ng personal at emosyonal na dimensyon sa isyu ang pagbanggit sa isang partikular na indibidwal, si James McMillan Jr., at ang sumunod na seremonya ng pagdadalamhati sa kantang ito. Inilalarawan ang trahedya bilang bahagi ng mas malawak na padrino sa loob ng komunidad ng mga maitim na tao, na nagbibigay diin sa sistemikong kalikasan ng karahasan mula sa pulisya.
Hinahawakan ng mga liriko ang mga tema ng panlipunang kawalan ng katarungan, diskriminasyong pampamayanan, at mga laban na kinakaharap ng mga indibidwal na nagsusumikap na malampasan ang kanilang kalagayan. Ang linyang " I reminisce back to a time where ni**as threw they hands " kung saan naglalarawan ito ng pangungulila para sa mas simpleng panahon kung saan nilulutas ang mga alitan sa ibang paraan, na kabaligtaran ng kasalukuyang reyalidad ng mas mataas na antas ng karahasan at pangangailangan na magtanggol sa sarili.
youtube
2 notes · View notes
xxpangitsigianxx · 5 months
Text
One Piece: Pagnais ng Hustisya
Tumblr media
Sa mundong puno ng kaguluhan at pakikipaglaban, isang anime ang patuloy na nagbibigay inspirasyon at aral sa mga manonood sa buong mundo, One Piece. Isa ito sa pinakapopular na anime series na hindi lamang nagbibigay saya at aliw kundi pati na rin naglalaman ng mga aral na maaaring magbigay inspirasyon sa lipunan, lalo na sa ating bansang Pilipinas na patuloy natin nilalabanan ang problema ng katiwalian.
Hindi lamang simpleng kwento ng pakikipagsapalaran at paghahanap ng kayamanan ang laman ng One Piece. Mayroon din itong malalim na paglalarawan sa halaga ng pagkakaibigan, katapangan, at pagiging tapat sa mga prinsipyo. Sa pamamagitan ng mga tauhan tulad ni Monkey D. Luffy at kanyang mga kasamahan sa Straw Hat Pirates, ipinapakita ng anime na ito ang halaga ng pagtutulong at pagtitiwala sa isa't isa upang malampasan lahat ng mga pagsubok upang mahanap ang One Piece.
Sa bansang ito, patuloy pa rin nahaharap ng Pilipinas ang mga isyu ng katiwalian sa pamahalaan at lipunan. Ang paghahanap ng One Piece ng bansa, na maaaring tukuyin bilang isang lipunan na malaya sa katiwalian at puno ng katarungan, ang patuloy na hahangarin ng mga mamamayan. Gayunpaman, tulad ng pakikipagsapalaran ng mga Straw Hats, hindi ito magiging madali.
Maaaring maging inspirasyon ang One Piece sa ating pakikipaglaban sa katiwalian sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa isa't isa, pagiging tapat sa mga prinsipyo, at patuloy na pagtanggap ng hamon ng buhay, maaari nating marating ang landas tungo sa isang mas maayos at mas makatarungan na lipunan.
Upang ibuod, Tulad sa anime na One Piece maraming beses gumamit ang gobyerno ng pagkatiwalian upang makamit nila ang kanilang mga gusto. Ngunit, ang ating pagtitiwala sa isa't isa, pagsasama-sama, at patuloy na pakikipaglaban para sa katarungan ang mga importanteng halaga na maaari nating pagbatayan sa pagtahak ng landas tungo sa hinahangad nating pagbabago.
2 notes · View notes
alonzolovebot · 6 months
Text
Hindi ako madali magpatawad.
Marami akong mga bagay na hindi agad nadadaan sa madalian ng "kalimutan mo na lang", o kaya sa "hayaan mo na."
Tumblr media
Minsan kasi iniisip ko, kung idadaan ang mga iilang bagay sa pagkukunwari para lang sa kapakanan ng patuloy na pagdaloy ng mga panahon, ano ang magiging saysay ng mga paumahin at pag-intindi sa iilan? Hindi ako mabilis makalimot ng mga araw, pero may iilang pagkakataon din na may pangyayaring halos hapyaw na lang ang daan sa isip ko. Dati noong kinder ako, hanggang Grade 6, hindi ko pinatawad ang 'yung kaklase kong inagaw 'yung nag-iisang orange juice sa canteen. O kaya, noong 8 years old ako, nakalimutan ng kaibigan ko 'yung paborito kong episode sa Barbie, hindi ko siya kinausap ng dalawang linggo.
Mahirap pala talaga kapag labag sa kalooban mo, ano?
Minsan, kapag maaga ako nagigising at wala naman akong kailangang gawin na importante, makikita mo ang nagmu-munimuni sa labas ng bahay namin habang iniinom ko 'yung mainit na timpladong Milo. Binabalikan ang iilan, o kaya tinitimbang ang mga mangyayari sa kinabukasan. May iilang pagsisisi, pagkabigo sa kahapon o pangamba kung anong mangyayari kapag nagising na naman ako - hindi naman talaga makatarungan ang paghatol ng mundo sa mangyayari sa ating lahat. Siguro kung maglilista lang ako ng mga esperyensya na nabigo ako, hindi sapat 'yung isang yellow pad na back to back na ginagamit ko ngayong college.
Pakiramdam ko kapag tatanungin mo ako kung isulat ko na lang na patalata ang mga hinaing ko, baka mag-trauma dump ako katulad ng palagi kong ginagawa sa mga English essays ko tapos nagiging 100 'yung grade ko. Parang ayaw kong malaman mo na iniiyakan ko 'yung mga maliliit na bagay na kung tutuusin ay hindi naman na dapat dinadala pa hanggang next week, next month, next year. Ayaw ko ng mga bagay na hindi ko nakakapa 'yung mga susunod na kalalabasan ng mga kaganapan. Feeling ko, hinahayaan ko 'yung sarili ko na mag-develop ng anxiety, kaya hindi ako basta-basta nagpapaumanhin.
Pero alam mo?
Malaki ang kasalanan sa akin ng daigdig ng pangamba. Kung may hindi man ako dapat gawaran ng anumang uri ng kapatawaran, ang buong mundo ang masasabi ko. Mabilis ako magalit, mainis, minsan hindi ko na alam kung may kakayahan pa ba akong intindihin ang ibang tao kapag nagagawa nila 'yung mga iilang bagay kasi, bakit? Bakit nila nagawa 'yun? Hindi ba nila kaya isipin 'yung magiging epekto sa makakatanggap ng mga sakdal nila? Ang komplikado.
Pero kapag naiisip kita, kapag naririnig ko pangalan mo na ako ang unang lumilingon kahit maingay 'yung bawat dulo ng kinatatayuan ko, kaya ko naman patawarin ang mundo dahil mayroon itong ikaw. Biglaan, gumagaan 'yung mga dalahin na para bang wala akong pinagdaanang unos sa buhay - ang pakiramdam na halos hindi ko alam kung ano ang tekstura at tunog ng ulan dahil palagi namang maaraw kung nasaan tayong dalawa.
Walang katiyakan, pero may kasiguraduhan. May pag-aalinlangan, pero may kompiyansa.
Hindi ako madali magpatawad. Ayaw ko ng mga ulan. Pero kung lalabas man tayo at sasabihin mo sa akin na nakalimutan mo magdala ng payong at kailangan natin mabasa sa kalsada ng Taft? "Okay lang, tara! Ligo tayo!" Pinapatawad ko ang ulap kung uulan man ng araw na 'yun, dahil narinig ko naman ang bawat yapak mo papunta sa akin para hilahin ako sa silungan. Kaya ko naman pala magbago.
Hindi pa rin madali magpatawad, pero kung kasali ka sa mga rason kung bakit ko kailangan magpaumanhin, tinatanggap ko ang mga pagkaligaw sa mga daanang hindi ko kabisado - alam ko namang dadalhin ako palagi ng mga paa ko kung saan ka nakatayo.
Nagpatawad. Pinapatawad. Magpapatawad.
Ikaw ang aking paboritong uri ng kapayapaan na hindi ako mapapagod makasalubong ang mga kaguluhan na handog ng karamihan. Pinapatawad ko na Alonzo, pinapatawad ko na ang mundo dahil hatid nito sa akin ay ikaw.
2 notes · View notes
i-walkbyfaith · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media
Noon pa man hanggang ngayon, nasanay na akong tumingala at pagmasdan ang liwanag sa kalangitan.
Kung pwede nga lang na ako ay tumambay sa isang parang at nakahiga at titigan lang ang liwanag na nag niningning sa gitna ng kadiliman.
Payapa.
May kapayapaan sa piling Niya. Sa presensya Niya ay kapaypaan, sa gitna ng kaguluhan, kapaguran at kadiliman.
O Hesus, Prinsipe ng Kapayapaan. Hindi Ka nagbabago. Hindi kailanman nang iiwan. Ikaw ay sapat na.
9 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
Kaguluhan sa Team
Masyado na raw late ang announcement na walang pasok bukas. Naka-set na 'yung mga meeting namin at deliverables. May presentation nga ako na kailangan ma-approve by tomorrow para ma-meet ko 'yung project deadline sa Tuesday. So nag-message ako sa bossing kung tuloy ba kami bukas. Hindi niya ako nireplyan. Probably naghihintay din ng announcement.
A few minutes later, may announcement nang lumabas: Tuloy ang pasok bukas at ang holiday namin ay sa Lunes na lang ii-implement. Pero may mga umalma, kasi 'yung mga client na naka-base dito eh magha-holiday naman daw tapos kung kailan expected nila na may work, saka naman kami naka-holiday. Nagkaroon ng pagtatalo about labor code, 30% additional pay, at kung anu-ano.
Nakakakaba pala 'no. May pag-thank you at good evening sila pero halatang passive-aggressive.
5 notes · View notes
danicalunaaaa · 11 months
Text
Tumblr media
Minsan kahit gaano kagulo yung buhay mo, may mga tao parin na ipaparamdam sa'yo na handa kang samahan sa gitna ng kaguluhan. 🥹🤍
4 notes · View notes
upismediacenter · 1 year
Text
OPINION: SoberANYARE?: Ang Patuloy na Alitan sa West Philippine Sea
Tumblr media
Photo credit: Sulat Nadera at Anna Dalet
Hindi na bagong isyu ang kaguluhan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina hinggil sa West Philippine Sea (WPS). Maraming taon na ang nakalipas ngunit nabubuhay pa rin ang banta sa kabuhayan at kaligtasan ng ating mga lokal na mangingisda. Kaya kasabay ng mga bagong insidente ng karahasan nitong nakaraang buwan, bakit hindi kinikilala at pinapakinggan ang hinaing ng mga Pilipino? At bakit hindi magawa-gawang ipaglaban ng gobyerno ang ating soberanya?
Kamakailan lang nitong Pebrero 6, ibinalita ang pagtutok ng isang China Coast Guard (CCG) na barko ng military-grade laser sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa Ayungin Shoal. Kasabay nito ay pinalayas ng iba pang Tsinong barko ang mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng karagatan kung saan sila kadalasang nangingisda. Kinumpirma ang pangyayari sa isang seminar na pinangunahan ng People’s Development Institute kung saan ibinahagi ng grupo ng mangingisda ang kanilang mga saloobin sa naganap na pagpapaalis. Bago ang nasabing insidente, ilang pag-uusap pa ang naganap upang talakayin ang isyu ng hidwaan sa WPS sa pamamagitan ng bilateral talks nang maiwasan ang paggamit ng pwersa’t pagbabanta. Gayunpaman, pagkatapos lamang ng isang buwan, muling nasaksihan ang pangha-harass ng mga naglalakihang barko ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino. Ilang insidente na rin ng pangha-harass ang ginawa noon gaya ng paggamit ng water cannon noong 2014, pagkumpiska sa mga huling isda noong 2018, at pagtaboy sa isang team ng ABS-CBN news noong 2021. Sa napakatagal na panahong nabubuhay ang isyu, bakit imbes na maayos ay tila lumalala lamang ang kalagayan nito?
Sa madaling salita, ito ay dahil sa kawalan ng aksyon at tugon ng pamahalaan sa isyu. Kung susuriin ang nagdaang administrasyong Duterte, minsan na nating narinig ang mga argumentong “wala tayong laban” at “ayaw natin makipag-away sa Tsina dahil sa dulo, tayo rin ang talo” pero hindi ito sapat na mga rason sapagkat makatuwiran ang paglaban sa kanilang pang-aapi. Ayon kay dating Associate Justice Antonio Carpio sa isang ANC interview, ang paggamit ng laser at iba pang armas ng Tsina ay lumalabag sa dati pang nakatakdang batas ng UN Charter na nagbabawal sa paggamit ng pwersa upang mamahala sa maritime issues. Iyon pa lamang ay sapat na rason upang ipaglaban ang karapatan ng bansa sa WPS pero sa matagal na panahong namamahala ang administrasyong Duterte ay mas pinili nilang manahimik at maging pasibo.
Kung babalikan, dalawang taon matapos maupo sa pwesto ay pinirmahan ni dating pangulo Benigno Aquino III ang Administrative Order No. 29 kung saan nakasaad dito na ang kanlurang bahagi at ang nakapaloob sa EEZ (Exclusive Economic Zone) ng Pilipinas ay papangalanang West Philippine Sea kasama na dito ang karagatan na nakapalibot sa Kalayaan Group of Island at Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Ginamit ang pagpapalit ng pangalan ng WPS upang mas lalong maigiit ang ating soberanya at masanay ang mga tao na gamitin ang terminong ito. Subalit, ayon sa isang Filipino Political Scientist na si Rommel Banlaoi, mananatiling mahina at hindi kikilalanin ng ibang bansa ang terminong West Philippine Sea hangga’t walang napapasa na Maritime Law ang Pilipinas. Kaya matapos pirmahan ang Administrative Order ay ilang insidente pa rin ng pang-aapi ang lumipas hanggang sa sumunod na taon ay nagsampa na ng arbitral case ang Pilipinas laban sa Tsina.
Ilang taon din ang itinagal ng mga hearings at trials upang maipresenta ang mga argumento ng dalawang bansa, ngunit kailanman ay hindi dumalo sa mga ito ang Tsina. Iginigiit nilang sakop ng South China Sea ang West Philippine Sea dahil sa itinutulak nilang “nine-dash-line” na ayon sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ay walang legal na basehan. Nilalabag din nito ang kasunduan sa ilalim ng United Nations Convention of the Laws of the Sea (UNCLOS) na ang 200 nautical miles na karagatan mula sa dalampasigan ng isang bansa ang bumubuo sa EEZ nito. Noong 2016, pinarangalan ng International Arbitral Tribunal ang Pilipinas sa arbitration case laban sa Tsina kung saan nangingibabaw ang desisyon ng kaso pabor sa ating bansa.
Kitang-kita na maraming ipinatupad na kasunduan upang suportahan ang karapatan ng Pilipinas sa WPS, pero bakit nahihirapan pa rin ang mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan? Isang dahilan na madalas gamitin ay ang posibilidad na magsimula ng giyera kung lalaban pabalik ang Pilipinas, ngunit mas makakabuti ba na hayaan na lamang ang Tsina na patuloy na gambalahin ang mga Pilipino kahit na tayo ang nasa tama? Mas makakaiwas ba ang Pilipinas sa giyera kung simula’t sapul ay dahas na ang ipinapakita sa atin ng kabilang panig? Binigyang-diin ni Carpio na kung susundin ng kasalukuyan at susunod pang mga administrasyon ang pamamaraan ng nagdaang administrasyon, mas lalo lang mahihikayat ang Tsina na ipagpatuloy ang pangha-harass dahil nakikita nilang hindi naman aaksyon ang gobyerno upang depensahan ang kanilang mga kababayan.
Isa lamang ang alitan sa West Philippine Sea sa mga malalaking isyu na dapat ay binibigyang pansin at prayoridad ng administrasyon, ngunit ipinipikit nila ang kanilang mga mata sa hinaing ng mga mangingisdang Pilipino. Kung ang mismong mga eksperto ng international law na ang naglalahad na maaari nating ipaglaban ang ating karapatan at soberanya, mas lalo na dapat ang sarili nating gobyerno. Kinakailangan nilang ipaalala sa Tsina na ang mga kasunduang naitatag ay may saysay at nasaksihan ito ng buong mundo. Makatarungan lang na tumindig sila laban sa pang-aapi na natatanggap ng mga Pilipino dahil kung patuloy na hahayaan ng gobyerno ang panggigipit at karahasan na ginagawa ng Tsina, lalong malalagay sa peligro ang mga karapatan at kabuhayan ng bawat mamamayan. //nina Jessiemae Cadiz, Kiel Beldia, at Kairyn Cruz
Mga Sanggunian:
Administrative Order No. 29, s. 2012 | GOVPH. (2012, September 5). Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/2012/09/05/administrative-order-no-29-s-2012/
Bolledo, J. (2021, August 13). At least 3 Chinese vessels spotted in West Ph sea in August – US expert. Rappler. https://www.rappler.com/nation/chinese-vessels-spotted-west-philippine-sea-august-2021/
DS Law. (n.d.). Philippines vs. China: What you need to know about the territory dispute. https://www.duranschulze.com/philippines-vs-china-what-you-need-to-know-about-the-territory-dispute/#:~:text=The%20conflict%20between%20China%20and,have%20claimed%20as%20their%20own
Fernandez, D. (2023, February 14). Ph protests Chinese Coast Guard's harassment using laser. Inquirer.net. https://globalnation.inquirer.net/210958/ph-protests-chinese-coast-guards-harassment-using-laser
Jackson, A., & France-Presse, A. (2022, October 5). In photos: Filipinos fishing on the frontline of the west philippine sea. GMA News Online. Retrieved March 2, 2023, from https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/847077/filipinos-fishing-on-the-frontline-of-the-west-philippine-sea/story/
Lee-Brago, P. (2022, September 5). 'Philippines should proceed with West Philippine Sea exploration without China'. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2022/09/05/2207482/philippines-should-proceed-west-philippine-sea-exploration-without-china
Mangosing, F., & Santos, T. G. (2023, February 20). DFA chief: China harassment a 'daily situation' for ph. Inquirer.net. https://globalnation.inquirer.net/211222/dfa-chief-china-harassment-a-daily-situation-for-ph
Rappler. (2019, June 12). Timeline: Skirmishes, standoffs, harassment in West Philippine Sea. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/232906-timeline-skirmishes-standoffs-harassment-west-philippine-sea/
Sanchez, R. (2016, July 12). Timeline: The Philippines-China maritime dispute. Rappler. https://www.rappler.com/world/139392-timeline-west-philippine-sea-dispute/
Santos, M. (2016, July 13). Key points of arbitral tribunal’s verdict on PH-China dispute | Global News. INQUIRER.net.  https://globalnation.inquirer.net/140947/key-points-arbitral-tribunal-decision-verdict-award-philippines-china-maritime-dispute-unclos-arbitration-spratly-islands-scarborough
Tomacruz, S. (2021, July 15). Duterte and the West Philippine Sea: A strategy of failed compromises. RAPPLER. Retrieved March 2, 2023, from https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/duterte-west-philippine-sea-strategy-failed-comprises/
Tomacruz, S. (2023, March 1). After Duterte, Marcos plays catch up in fight for West Philippine Sea. RAPPLER.  From  https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/ferdinand-marcos-jr-plays-catch-up-fight-west-philippine-sea-after-duterte-administration/
Rappler. (2012, September 12). ‘West PH Sea’ now official: so what? https://www.rappler.com/nation/12277-west-ph-sea-now-official-so-what
4 notes · View notes
trizzha · 1 year
Text
Pagsulong ng Kamalayang Pangkaisipan: Pagpapalaganap ng Mental Health Awareness sa Kabataan
Mga kabataan, hindi ba't puno ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan ang mundo? Sa gitna ng mga hamon at pressure mula sa paaralan, pamilya, at lipunan, mahalagang bigyan natin ng diin ang isang paksa na talaga namang magsisilbing pananggalang sa ating pag-asa at kaligtasan - ang Mental Health Awareness. Bilang isang kabataan na tulad mo, ako'y nagpapahayag ng malalim na paniniwala sa kahalagahan nito. Samahan mo akong alamin ang ilang mga katotohanan ukol sa mental health at kung paano ito maaring makaapekto sa buhay natin!
Sa kabila ng mga patuloy na pagbabago sa ating lipunan, isang bagay na hindi nagbabago ay ang realidad na ang kalusugan ng ating kaisipan ay bahagi ng kabuuan ng ating kalusugang pangkatawan. Gayunpaman, hindi gaanong nabibigyan ng pansin ang usapin ng mental health, lalo na sa mga kabataan. Ang pag-unlad ng kamalayang pangkaisipan at ang pagpapalaganap ng mental health awareness ay kinakailangan sa ating lipunan.
Una, isang katotohanan na kailangan nating maunawaan ay ang dami ng mga kabataan na nakakaranas ng mga sakit sa pag-iisip tulad ng anxiety at depression. Ayon sa World Health Organization (WHO), higit sa 10% ng mga kabataan sa buong mundo ang apektado ng mga ito. Napakahalaga na malaman natin na hindi tayo nag-iisa sa mga pinagdadaanan nating mga labis na damdamin. Ang pagkakaroon ng kamalayang ito ay makapangyarihang sandata upang harapin at labanan ang anumang mga hamon sa ating isipan.
Pangalawa, ang mental health ay may malaking epekto sa ating pangkalahatang kalusugan at kabutihan. Hindi lamang ito tungkol sa mga pagkabahala at pag-aalala; ito ay may direktang kaugnayan sa ating pisikal na kalagayan. Ang pagkakaroon ng malusog na isipan ay makapagpapabuti sa ating sistema ng resistensya, pagtulog, at pati na rin sa ating kakayahan na mag-focus at matuto. Sa madaling salita, ang pag-aalaga sa ating mental health ay isang pundasyon upang mabuo natin ang pinakamahusay na bersyon ng ating sarili.
Ngayon, sa isang napakahalagang punto ng ating blog, gusto kong bigyang-diin na ang mental health ay dapat na maging isang usapin na hindi lamang para sa mga propesyonal. Tayo, bilang mga kabataan ay may malaking papel sa pagbabago ng kaisipan ng lipunan. Sa pagpapalaganap ng kamalayang ito sa ating mga kaibigan, pamilya at mga kapwa kabataan, nagbibigay tayo ng puwersang makaapekto sa kanilang buhay. Maaaring maging inspirasyon tayo sa pagbabago at pag-unlad ng iba pang mga sektor ng lipunan.
Sa pamamagitan ng social media, maaari tayong maging mga tagapagsalita at tagapagpalaganap ng mental health awareness. Maaring magbahagi tayo ng mga pagsusuri, artikulo, at personal na karanasan upang maipakita ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ating kaisipan. Malaki ang impluwensya ng social media sa kabataan ngayon, kaya't gamitin natin ito bilang isang plataporma upang magbahagi ng mga impormasyon na maaaring magdulot ng pagbabago at suporta.
Sa dulo ng aking blog, nais kong mag-iwan ng isang tanong para sa mga mambabasa: "Ano ang mga hakbang na maaari mong gawin bilang isang kabataan upang palawakin ang kamalayang pangkaisipan at itaguyod ang mental health awareness sa ating komunidad?" Gamitin ang mga nalalaman natin at ang ating mga kakayahan upang mag-ambag sa isang malusog na kaisipan para sa lahat. Samahan natin ang isa't isa upang malabanan ang mga stigma at magbigay ng suporta sa mga nangangailangan!
2 notes · View notes
hindiakotanga · 1 year
Text
Sana lahat ng tao makatagpo ung isang taong makakaintindi sa kanya, sa atin, sa mundong ito na puro katanungan at kaguluhan. Ung taong mag-aalis ng “What Ifs” natin.
2 notes · View notes
arabellarinoa · 2 years
Text
Ang Reynang Matapat
Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa katalinuhan, katapatan, at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Intsik, at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga-Kutang-Bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinaguutos ng Reyna ay pinarurusahan. Kabilang sa patakarang mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kaniyang mga tauhan. Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng KutangBato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato. Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinagalaw ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Mahigpit na ipinagbilin ni Reyna Sima sa kaniyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.
2 notes · View notes
pontificiaphl · 2 years
Photo
Tumblr media
PRUSISYON SA KABAYANAN NG ANTIPOLO Sining Vexel ni Jan Matitu Tinipon ni Charles Matthew Guillen
Sa landas niya ring buhay, kami ay 'yong sinasamahan, sa iyong muling paglalakbay sa kabayanan kami Ina sa iyo ay sasama.
Dalawang taong napaham, pag-ikot mo sa iyong sintang bayan, mga Antipoleño'y ikaw lagi ang pintuho, takbuhan sa karamdaman, sakuna, at kagipitan.
Iyong mga deboto, palagian ang pag-ahon, makasilay lamang sa iyo. Kahit na malayo ang Antipolo, sila'y laging nandirito dahilan sa pagmamahal sa iyo.
Mga manlalakbay ikaw ang takbuhan, gabay mo sa kanila'y nananangan. Kaguluhan sa bawat bayan, ngalan mo ang palagiang sinasambit at takbuhan.
MAHAL NA BIRHEN NG KAPAYAPAAN AT MABUTING PAGLALAKBAY, Ang Mapaghimalang BIRHEN NG ANTIPOLO, Ang Ina naming mga Pilipino, Ipanalangin Mo kami!
1 note · View note
nekonekochan · 17 days
Text
Tumblr media
‭Gawa 21:27-40 ASND‬
[27] Nang matatapos na ang ikapitong araw ng kanilang paglilinis, may mga Judiong mula sa lalawigan ng Asia na nakakita kay Pablo sa templo. Sinulsulan nila ang lahat ng tao roon sa templo na hulihin si Pablo. [28] Sumigaw sila, “Mga kababayan kong mga Israelita, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ang nagtuturo laban sa Kautusan at sa templong ito kahit saan siya pumunta. Hindi lang iyan, dinala pa niya rito sa templo ang mga hindi Judio, kaya dinudungisan niya ang sagradong lugar na ito!” [29] (Sinabi nila ito dahil nakita nila si Trofimus na taga-Efeso na sumama kay Pablo roon sa Jerusalem, at ang akala nilaʼy dinala siya ni Pablo sa templo). [30] Kaya nagkagulo ang mga tao sa buong Jerusalem, at sumugod sila sa templo para hulihin si Pablo. Pagkahuli nila sa kanya, kinaladkad nila siya palabas at isinara agad nila ang pintuan ng templo. [31] Papatayin na sana nila si Pablo pero may nakapagsabi sa kumander ng mga sundalong Romano na nagkakagulo sa buong Jerusalem. [32] Kaya nagsama agad ang kumander ng mga kapitan at mga sundalo, at pinuntahan nila ang mga taong nagkakagulo. Pagkakita ng mga tao sa kumander at sa mga sundalo, itinigil nila ang pagbugbog kay Pablo. [33] Pinuntahan ng kumander si Pablo at ipinahuli, at iniutos na gapusin siya ng dalawang kadena. Pagkatapos, tinanong ng kumander ang mga tao, “Sino ba talaga ang taong ito at ano ang kanyang ginawa?” [34] Pero iba-iba ang mga sagot na kanyang narinig, at dahil sa sobrang kaguluhan ng mga tao hindi nalaman ng kumander kung ano talaga ang nangyari. Kaya inutusan niya ang mga sundalo na dalhin si Pablo sa kampo. [35] Pagdating nila sa hagdanan ng kampo, binuhat na lang nila si Pablo dahil sa kaguluhan ng mga tao [36] na humahabol at sumisigaw ng, “Patayin siya!” [37] Nang dalhin na si Pablo sa loob ng kampo ng mga sundalo, sinabi niya sa kumander, “May sasabihin sana ako sa iyo.” Sumagot ang kumander, “Marunong ka palang magsalita ng Griego? [38] Ang akala koʼy ikaw ang lalaking taga-Egipto na kailan lang ay nanguna sa pagrerebelde sa pamahalaan. Dinala niya sa disyerto ang 4,000 lalaking matatapang at pawang armado.” [39] Sumagot si Pablo, “Akoʼy isang Judiong taga-Tarsus na sakop ng Cilicia. Ang Tarsus ay hindi ordinaryong lungsod lang. Kung maaari, payagan ninyo akong magsalita sa mga tao.” [40] Pinayagan siya ng kumander, kaya tumayo si Pablo sa hagdanan at sumenyas sa mga tao na may sasabihin siya. Nang tumahimik na sila, nagsalita siya sa wikang Hebreo.
https://bible.com/bible/1264/act.21.27-40.ASND
‭Gawa 22:1-2 ASND‬
[1] “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan muna ninyo ang sasabihin ko bilang pagtatanggol sa aking sarili!” [2] Nang marinig ng mga tao na nagsalita siya sa wikang Hebreo, lalo silang tumahimik. At nagpatuloy si Pablo sa pagsasalita:
https://bible.com/bible/1264/act.22.1-2.ASND
0 notes