Tumgik
#mamamatay na ako
kagehiradaily · 3 months
Text
day eight - nui tuesday 🎬
this is sonething i made like. a month or two ago ... sorrye guys i ws too lazy to rack up something :(( next thesday ill do better.. i promise waaaah
HAPPY ONE WEEK OF KAGEHIRA DAILY 🔥🔥
anywyas as usual im eepy as fuxk.. its 20 mins till kidnight whixh isnt as bad as it seems but ive neen alweping laye lately (2 am 4 am)
byebye huuh i dont know what to put here..
13 notes · View notes
timogsilangan · 2 years
Text
in 2h itll be 24h since payat was confined and nobody has responded to me yet abt how hes doing im going to die of stress
2 notes · View notes
medpocketer · 9 months
Text
BAKIT BIGLANG ANG DAMI KONG GAGAWIN
0 notes
poleeeng · 1 month
Text
kala ko mamamatay na ako sa labor and delivery, pero grabe worth it! thank you, lord talaga sa napakapogi and bait na baby 🤍
74 notes · View notes
huminahon · 18 days
Text
Hindi ko pa rin natitikman yun burger ng Wendy's. Yun sa Zark's naman, tikim lang yun e kaya di ko maalala XD
Nadagdagan na item sa bucket list ko. Ilan kasi sa mga nasa bucket list ko is (1) makakain ng iba't ibang klaseng pansit sa buong Pilipinas, (2) makakain ng iba't ibang klaseng longganisa sa buong Pilipinas, tas since lahat din naman tayo mamamatay, ibabalik ko na sa list yung makatikim ng iba't ibang klaseng burger na available dito sa Pinas. Kung palarin malay natin maka-abot pa ako isa ibang parte ng Planet Earth para lang sa cravings and curiosity ko sa pagkain.
3 notes · View notes
eccemark · 25 days
Text
Umidlip ako kanina pagka-uwi ng bahay at shuta, nagising akong init na init, pawisan, at parang mamamatay na (ems). Madaling araw na rin kaya bigla akong napabalikwas, nag ayos ayos ng mga gamit sa kwarto, at naligo. Pagod na pagod ang katawang lupa ko kahit wala naman akong ginawa masyado ngayong araw. Ang totoong nakakapagpastress lang naman sakin e yung wala kang mapwestuhang matino dun sa school at sobrang init. Sana naman mag-improve ang school namin at bigyan kami ng faculty room, hindi yung pakalat-kalat lang kami sa buong campus. Next week may mga araw na pinapapasok na naman kami ng 8 am to 5 pm at sama sama na naman kaming lahat. Wala na namang mapwestuhan. Sinabi ko na ‘tong issue ko sa head teacher namin pero ang sinabi lang sakin ay ‘ganun talaga,' after non hindi na ko nagsalita tungkol sa topic na yan. Haaay. 
May 25, 2024 1:51pm
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 month
Text
May recent ambush interview for a position na mataas ang offer. Mataas nga relative sa usual, pero tingin ko pang-buong agency na 'yung trabaho. Pare-parehas lang underpaid ang mga role. Mabuti pa, magbusiness na lang talaga, lahat ng pagod mo, ikaw din ang magbebenefit (or lalong maiistress).
"Ambush", kasi antagal ko nang nag-apply doon, sabi 24-48 hours daw sasagot na pero wala naman. Bigla silang nabuhay after a month, tapos nagmamadali. 'Yung assessment, 'yun na talaga 'yung trabaho e, andaming hinihingi. Gusto kong sabihin, kahit writing assessment ngayon paid na 'no, e 'yan pa kaya na kulang na lang, magsulat na ng SOP kung paano itataguyod ang ops ng startup niyo (nanghihingi pa nga ng loom video kung paano mo ginawa 'yung bagay-bagay). Tapos may 2 pa raw interview pag pumasa ako dun, nyeh (ano ako, magiging director?).
On the other hand, mahirap din maging worker bee. Kahit akala ko less responsibilities na, hindi pa rin. For some reason, sobrang nagbebend over backwards 'yung mga manager sa clients at kami ngayon ang nagigipit. Kaya nga tayo hindi na sa ospital nagwowork para walang chance na may mamamatay dito sa ginagawa natin 'di ba, hindi ako naniniwalang may tunay na urgent dito—lahat pwedeng i-schedule. Alam nang overcapacity na, ipipilit pa, mag-OT na lang daw saka magpupull ng ibang resources para tumulong sa project.
Isang isyu pa 'yung walang bayad sa overtime, offset lang. Buti wala pang nagpapa-DOLE sa kanila ngayon. Sa totoo lang, nalaman ko lang na ganyan ang kalakaran noong napansin ko na laging may "absent" sa team (nalipat lang siya sa amin, pero galing sa ibang department). Hindi pala sya absent, may agreement palang nangyayari. Alam naman pala ng iba na bawal 'yung ganu'n pero ewan ko bakit walang nagsasalita. Ako, wala lang matibay na ebidensya kasi, or kung 'yung mga email namin ang ilalabas ko, e 'di nasiwalat na ako ang nagsumbong.
Naisip ko 'yung friend ko na ang sabi, hindi na niya iniisip kung mag-eenjoy sya, basta may trabaho, gagawin. Pero kasi naman, sa Bangko Sentral siya nagwowork.
3 notes · View notes
Text
Kanina may natutulog ako tapos nag fire alarm, hind ko narinig na drill lang pala kaya sabi ko "putangina mamatay na kung mamamatay" kaya di ako tumayo. Pag gising ko akala ko si satanas na sasalubong sakin kaya lumabas ako ng condo. Fire drill lang pala puta.
5 notes · View notes
daramdarararam · 3 months
Text
Akala ko talaga iiyak ako malala during Ed Sheeran concert, pero hindi pala. Sobrang saya, super ngiti ako the whole time, legit. Ang saya na ang sarap lang ng pakiramdam ko.
Yung buong longest relationship ko kasi, ikinubli ko, inilagay, iniincorporate ko with ed sheeran songs, specifically sa Multiply album. Ed Sheeran became part of our relationship. Kung merong OSTs story namin, ung buong Multiply album yun.
Sarap sa feeling i-reminisce ung buong journey namin together nung ex ko na yon. Hindi man naging maganda ung ending, pero hanggang ngayon baon ko ung great memories na hinding-hindi mananakaw sakin. I was just happy and thankful, I got to experience all my first with a person like him. I know hes happy with someone else, pero mas masaya ako that he already found that one, na kaya syang sabayan hihi. Yun ung napakatagal kong dasal, coz i felt guilty nung iniwanan ko sya, so i promise myself na pag di naging okay ung taong yon, its all on me. Wala na din naman ako balita sa kanya now, pero sa nakikita ko sa mga friends nya na friend ko sa fb so dun ko nalang sya nakikita okay naman na so, yun masaya na din akooo. Sobrang relieved💚
Ngayon kung magkakaron man ako ng bago, gusto ko experimental kami bwahhaha! Idk. Sobrang pahirap na ng pahirap at komplikado ang buhay, idadagdag ko pa ba ung komplikadong relasyon? Gusto ko sana chill chill nalang, super open, madaling kausap and kayang sabayan utak kong may ubo? when and where kaya sya susulpot? ... pero baka kasi nasa tabi ko na diko lang talaga pinapansin, pede ding nandon na pala kami, hindi ko lang binibigyan ng kulay,. bwhahaha. Di naman sa pagaano, para kasi talaga nareach ko na ung peak in terms of relationship. Parang wala ng hihigit pa don,.. like masaya na ako don. kung may dadating pa ipapabasa ko muna ito para aware sya, para gawan nya ng thrill bwhahaha! jk lang.
Di naman ibig sabihin pag naaalala natin ung tao e, need uli natin sila ibalik. Sadyang hindi mawawala ung feeling, it stays with you, in every bit of you hanggang sa mamamatay ka. Mas naalala ko nalang now is ung mga magaganda. Malaki ang pasasalamat ko, kung ano ako ngayon ay gawa din nya. Wala na akong maalalang masyadong bad from our past... Mapapakanta nalang with matching ngiti mula sa mata, gang sa puso sabay kanta,..
"Well, I will always love you for what is worth, we'll never fade like graffiti on the overpass. I know time may change the way you think of us. But I'll remember the way we were, you are the first full stop. Love that will never leave. Baby you will never be lost on me"
2 notes · View notes
jpehg · 3 months
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes · View notes
kce222 · 4 months
Text
Gusto ko lang mag-vent. Pakiramdam ko talaga nasa kulungan ako, hindi man lang makausad, hindi makalabas. Ang daming tanong, ang daming favor, ang daming advices na hindi ko naman kailangan. Kailan kaya ko mamamatay para matapos na lang lahat! San po ba talaga field ko lord nalulungkot, napapagod, nanghihina na ko sa nangyayari hahahahaha mga ka-batchmate ko kung hindi may family, successful naman sa career nila. Tas ako? Tangina kung san san ako dinadala ni life 💀 suko na ko shet hahahahahaha hindi ko alam kung may sense tong mga pinagsasabi ko today pero wala nang makakatalo sa nararamdaman ko ngayon, ang bigat bigat sa pakiramdam. Sobrang lungkot. Tangina gusto ko nalang maging potato para french fries. Yun lang. Sobrang lungkot ko na naman today tangina hindi naman ako umuunlad pagdating dito eh, halos araw-araw may kasama man o wala malungkot putah. Wala na ngang makakatalo pa. 😔
4 notes · View notes
jezawitha-z · 4 months
Text
"Sa mga nangyayari, dun ko narealize na parang ayoko nalang magkaroon ng sariling pamilya. Paano ko gustuhing magkaroon ng sariling pamilya kung yung pamilya natin magulo pa sa ngayon?"
Mga binitiwan kong salita habang naiiyak nung kausap ko si tatay. Dapat matutulog na ako since almost 1:30 na naman at gigising pa ng 7 mamaya. But I don't want to sleep with a heavy heart anymore. I need to release this.
Na postpone yung paglalaba na hindi ko matapos mabanlawan mga damit dahil tumawag si tatay. Nag uusap kami about sa mga kapatid ko. Nasstress na rin sya sa pagdidisiplina kaya hinahayaan nalang. Ako naman naiinis sa kanya dahil the more na hahayaan nalang, wala talaga mangyayari. So ending ako na naman makikipag usap sa mga kapatid ko. Ako na naman tatayong inay para mag disiplina? Wala eh.
Pag naiisip ko lahat ng responsibilidad ko, kusa nalang talaga tutulo luha ko. Tapos lahat ng naiisip kong kasiyahan, didedma ko na naman dahil mas inuuna ko sila. Mas kailangan ko silang unahin. Emotional support, financial and all.
Nagkasagutan kami ni tatay dahil di ko maiwasan na yung way of his parenting I know somehow di na mag wwork sa panahon ngayon. Ccompare na naman nya na kesho sila dati ganto ganyan. Mahirap din i explain kay tatay yung mental health as I'm really concerned with my sister sa ngayon. I was suic!d4L during my high school days kasi feeling ko walang ibang nakakaintindi sakin and there's no guidance from my parents. At ngayon, nakikita ko yung sarili ko sa kapatid ko and ayoko nalang mag isip ng masama pero alam ko may dahilan kung bakit ganyan sya ngayon; tahimik, halos ayaw makipag usap kay tatay, ayaw halos sumunod sa mga kuya or makipag usap. I know she's longing for love and unfortunately di nya naranasan sa pamamahay. That's what I'm trying to explain to my father pero nirerefuse nya mga sinasabi ko. 😭
I know he's also been through hard times, lalo na ngayon as a single father. Inamin nya din na ngayon di nya daw alam kung tatagal pa sya sa mundo dahil yung utak nya din daw naguguluhan na. This literally makes me cry and deep inside sobrang nakakalungkot nakakainis nakakagalit kung bakit kailangan maging ganito yung sitwasyon.
May nabasa ako dati na kung yang sitwasyon na yan nadudurog puso mong tingnan, that's your purpose. I mean literally sa kanila ko nalang bubuhos. I want them to experience life as well. Lagi ko sinasabi kay tatay magpahinga din pero isa sa mga matatanda to na kapag walang ginagawa mas nanghihina.
Ilang beses ng pinilit tumira sa city pero ang sagot "mamamatay ako ng maaga sa syudad. di ko ipagpapalit pagiging farmer ko sa syudad."
I admire his dedication as a farmer as we badly need farmers in this generation pero sana kahit magpahinga din mag dayoff ganyan mag libot, mamasyal. So kailangan ko na naman umuwi siguro para lang maipasyal siya. 🤦🏻‍♀️
Atleast after namin magsagutan ni tatay nakapag biruan pa kami so oks na yun. Tas sinundan ko ng "oh next week nalang ako magpapadala" at nag thank you nalang sya.
Anyways, ayoko lang talaga may mabigat na dinadamdam. Good health lang talaga pinagdadasal ko lagi para sa kanila at sakin narin.
Lilipas din tong paghihirap na 'to. One day, di na kailangan mamroblema financial, di na kailangan mag pagod ng sobra ni tatay, makakatapos din mga kapatid ko sa pag aaral, at hoping parin naman ako na magkaroon ng sariling pamilya. Nagagalit na naman kasi tatay ko kasi dahil ba daw sa kanya sa nangyari nila nanay kaya ganyan mindset ko na ayaw ko na mag asawa. Well, yes hhahaha eme
Good night. Now it's 1:55pm. Adjust ko nlng alarm ko para may enough sleep pa. 🥺
4 notes · View notes
virgilisspidey · 1 year
Text
Ayoko na magresearch mamamatay na ako sa kaba lord
9 notes · View notes
huminahon · 1 month
Text
convo with my wuv *non verbatim*
Me: *Told her about my day* Her: Wala ka ba talagang plano magpacheck up? Me: Wala pera e. Mamaya biglang sabihin na need ko magpa-confine. (oa lang) Her: Di naman hahaha. Diba may healthcard ka? Don sa affiliated nung healthcard ka magpapacheck up. Me: Ang lalayo. Ang init-init pa. Sa init ako mamamatay, hindi sa nosebleed. Her: Hays. Hahahahaha. Sige na nga wag ka na magpacheck up
~~
Dali kausap wuvwuv ko hahahaha thank you :*
3 notes · View notes
funsize-mermaid · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media
Goodmorning to my Apnea Training, ngayon lang ako gumamit ng app. Okay pala to na ttrack yung lahat ng breath hold attempts mo. Hahaha bat yung attempts ko hanggang 1min lang talaga. Seconds lang nagkakatalo. Yung una 1.01, then 1.03, 1.05 yung ngayon Kainis. Need ko pa i work out yung 1min30secs para makapasa ako sa certification 😅
While doing apnea training, need ko din imonitor yung heartbeat per min, so yan yung resting bpm ko. Tapos nung nag breath hold ako kanina nag 69 sya. Hihi nabasa ko sa internet may diver daw nakapag record ng 10beats per minute! Mas malala pa daw sa heartbeat ng comatose. Ang galing. Parang halos mamamatay na yun ah HAHAHA katakot din
Anyway, have a nice day sainyong lahat 👌🏼🤎
8 notes · View notes
papersparrows · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
I'm on day 7 na of being sick.
Akala ko talaga ilang days lang siya tapos gagaling na ko pagkastart nitong week. Initially it really was more like a flu pero yun nga malala din sakit ng tiyan ko like di siya normal so maybe I caught something else. I found out na mejj maraming nagkakasakit lately at nakakuha ng parang flu din or similar viral infection.
After mawala-wala ng lagnat ko at ng sakit ng tiyan ko, akala ko gagaling na ko pero lumala pa dahil nagkaroon naman ako ng parang tonsillitis tapos combo pa ng sinusitis ko. May chronic sinusitis talaga ako and nagiging inflamed talaga siya pag may sakit or kahit may weather change lang. Hindi siya yung basta lang na nacocongest ilong ko. Sobrang struggle ko talaga to since forever ago pa. Bihira lang ako magkaroon ng normal na headache, laging sinus headache which is sobrang sakit at di basta bastang nawawala minsan need ko pa mag v*mit para lang mawala siya. Kaya rin siguro naging sobrang dependent ko sa coffee. Ginagawa ko siyang pantaboy ng headaches. At di ko rin kayang mabuhay nang walang vicks inhaler.
This week super sakit ng ilong ko lalo na sa nose bridge tapos laging nagdudugo :( sanay naman ako na may dugo talaga minsan pag nagpupunas ako ng tissue galing sa loob pa ng nose bridge ko. Kaso mejj napapadalas na siya lalo na ngayong may sakit ako laging nagdudugo ilong ko di na ata normal yan hahaha. Daming complications nangyayari sakin tuwing may sakit dahil lang nasasabayan ng sinusitis. Yung dapat na parang flu lang nagiging tonsillitis din at mas malala pa. Last time ganito din nangyari sakin, siguro mga December 2021 yun. December 5 ako nagstart magkasakit. After a few days lumala siya at parang nagclose na throat ko juskooo akala ko may allergic reaction ako to something. Nung nakapag checkup na yun nga tonsillitis na malala hahaha. It took me about 2 MONTHS para mag fully recover. Ang tagal kong walang boses. Gurl lumabas ako with my friend mga last week of January nag milk tea kami somewhere malapit TAPOS NAKULONG AKO SA BANYO HAHAHAHA. Yung banyo pa naman nila nasa labas ng tea place nandun sa may eskinita nila sa gilid katabi ng parang back kitchen nila na wala namang tao. Walang bintana yung banyo at super duper liit. WALANG SIGNAL and ang malala wala pa kong boses!!!!!!! Di ako maka sigaw HAHAHAHAHAH umiyak na ko promise at paglabas ko nag hyperventilate ako. Sa awa ng Diyos nakalusot isang text ko sa sister ko na nasa bahay at minessage niya yung friend na kasama ko na natrap ako sa banyo HAHAHAHHAHA. Comedy bwisit. Tawang-tawa siya paglabas ko. Di naman ako claustrophobic talaga pero ibang level yun kala ko mamamatay na ko dun. May pusa pang meow nang meow sa bubong habang dinadabog ko pinto at tinatry kong sumigaw. Siya lang nakakarinig sakin at kaboses pa niya si Louie ko akala ko tuloy kinukuha na ko ng langit HAHAHA. So ayun may bago akong trauma 💟 Ayoko nang maulit yun :((((
Ngayon worried ako na baka ganon ulit mangyari dahil nga may concert kaming aattendan ng friends ko sa March. Desperate na kong gumaling kaya kahapon nagpa-Grab na ko ng sarili kong groceries. Namili ako ng kimchi, onion leeks, frozen dumplings, pasta at pesto sauce, and kung ano pang kailangan ko na wala kaming stock. Gumawa ako ng noodles (chicken noodles ng Lucky Me yung base ko) na may garlic, kimchi, tofu, eggs, dumplings, gochujang, at onion leeks, and maliban sa ang sarap niya nafifeel ko na gumagaan pakiramdam ko pag kinakain ko to. Anything na garlicky + spicy+ something fermented (either kimchi or gochujang or both hehe) ay malaking tulong siya sakin pag feeling ko magkakasakit ako. So pro tip I guess? I would drink salabat pero di ako mahilig sa luya. And then nagluto din ako ng chicken pesto pasta for dinner dahil nagrequest din sakin sister ko na magluto. I think konting kembot na lang magaling na ko (hope I don't jinx it!) so I'm trying my best to take care of myself.
Stay hydrated kayong lahat, eat your vegetables, at mag vitamins kayo pls!! 🫶
7 notes · View notes