Tumgik
#nakatabi
skippysartq · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
gavlin · 9 months
Text
sobrang sponty ng araw na 'to??????
may nanglibre sa akin na nanay sa pila kasi madami siya free pass. firefly was the movie.
then yung nakatabi ko sa mallari, jinakol ako HAHAHAHAHAHAAHAH pota ang wild
#25
25 notes · View notes
jillianwarts · 1 month
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
can’t stop myself from posting today’s highlights (nope, walang connect yung photos maliban sa these were taken from last night’s shift)
✨ tinawag akong sexy nung facilities namin habang naglalakad ako (syempre as an uto-uto natuwa ako na nahiya kasi hello di alam ni ate pag humarap ako teletubbies na agad masusubaybayan niya. naka-yellow pa ko lala talaga ang atake)
✨ sobrang sipag ko mag-log sa myfitnesspal last week tapos ngayon para bang niloloko ko si self kasi di ko nilog yung 3 shots iced venti caramel macchiato sub oat ko plus yung 1 pc chicken at regular peach mango pie. (oo hindi bilang ang calories pag rto)
✨ ang daming pogi sa pila ng bus kanina. nakatabi ko pa yung isa. ey. gumagawa na lang ako ng fictional story sa utak ko na may maiinlove sakin na pogi sa bus (tapos serial killer siya tapos mamamatay lang din ako pero mabubuhay ako bago maembalsamo…. luh teh daming nangyare)
✨ balak angkinin nung hunghang kong lead yung ginawa kong payment request sabi ko bayaran niya ng 500. ayaw niya kaya naman dinelete ko yung file. hahahahahaahahah tanga ka ba ha bat ko bibigay ha lularz.
19 notes · View notes
taintedpiece · 5 months
Text
Jeepney Love Story ni Yeng Constantino #NoToJeepneyPhaseout
Everyday routine ng mga estudyante ang mag commute.
Bakit kailangan pa nilang alisin ang mga Jeepney? Alam niyo bang dito nagsisimula yung lovestory namin ni kuya na nakatabi ko sa jeep? (Delulu) Una ko palang siya nakita, namamangha na ako sa itsura niya. Nakaupo lang siya sa tabi ko na may dalang libro at laptop. Naka clean look at nursing uniform pa ito na yun ang nakakapag dagdag ng pogi points sakanya. Nag-abot si kuya ng pera sa akin at kinuha ko naman ito. "T-thank you po..." Biglang Natawa si kuya sa sinabi ko at tinuro si kuya driver "Bayad ko yan kay kuya, andito na kasi ako sa destinasyon ko" sabay bumaba na siya sa jeep habang ako naman ay napa facepalm sa hiya.
6 notes · View notes
souledead · 9 months
Text
In denial pa ko dati na keri lang di maka-receive ng flowers and letters pero yung bigay ng tatay ko 4 years ago nakatabi pa. Tho wala na ko naitabi, di ko naman malilimutan yung pinadalhan ako ng pagkalaking flowers sa office. Di ko nga malaman san ko ipapatong yun non. Tska yung bigay ng ex ko mag-iisang taon na naka-display pa rin sa kwarto ko (tho di na ko nauwi sa bahay). Kahit yung bigay naman ng jowa ko na flowers nung bday ko, yung ibang parts naka-display pa rin. Even letters, parang never akong naging in-denial na gusto kong nakakatanggap non. I remember the first time receiving it, araw-araw kong dala hahahaha. Kahit yung mga random letters na bigay ng jowa ko ngayon kapag pinapabaunan nya ko, lahat yun araw-araw ko ring dala. Tinabi ko na nga lang kasi baka mawala. Pero yun, I love the consistency of receiving it talaga. Tsaka its not about who gave it eh, it's about the joy that I felt when receiving them. Wala lang, magva-valentines na naman kasi eh HAHAHAHAHAHA
12 notes · View notes
jezawitha-z · 7 months
Text
🗓️ February 24-25, 2024
📍 Angeles City, Pampanga
👭 Ang Dalawang Misis Ann/e
I'm having a blast with dalawang misis Ann/e again and it's just an unforgettable one. Since hindi ko sila nakatabi matulog nung sleepover kuno last time sa previous post ko, ngayon naman sulit. As post birthday and anniversary celebration nila ni Ann, may kaunting handaan at dun nya na ako pinatuloy sa kanila after ng shift ko.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
I really just love these ghorls and blessed enough to have them! Alam mo yung parang ang tagal na naming magkakilala. Pero totoo nga yung sabi nila na wala talaga sa tagal ng friendship yan.
Super lagi ko tinitignan pictures na 'to kasi ang cute lang; and yes, nagbaon talaga kami ni Anne ng pang pajama party/Netflix and chill hahahahaha
Tumblr media Tumblr media
To match with our pajamas, I bought socks for us. Flexing my hairy binti as well coz I haven't shave for month, will do it within this week. Haha!
Overflowing happiness since hindi lang kaming tatlo sa kama kundi pati mga fur babies ni Ann. Sobrang sweet nila at talagang tatabi samin para matulog, yakap yakap na parang unan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
This is me and Chichi. Sobrang sweet nya dahil pag nakaupo ako, laging kakalabit sakin dahil magpapakarga. Nung sinabi ni Ann na free life nalang daw pala ni Chichi to dahil 13 yrs old na sya, naiyak ako, di ako prepared marinig yun at di rin ako ready kung mangyari na. Daig ko pa may ari sa pagiging emotional nung time na yun.
Well, I really wanted to have a pet. Nagka trauma trauma lang talaga dahil nakagat ako ng aso nung grade 4 ako tapos nakagat naman ng pusa last 2023. But I really really love them. Kapag may own space na talaga ako na pwede pets, I'll try my best to be a fur mom.
Tumblr media
Napaka inspiring naman talaga ng gift ni Anne sakin. Kaya ito daw pinili nya para sakin dahil may meaning hahahaha. Nakakatuwa lang na kaming tatlo may kanya kanya palang thoughtful gift to each other. Tapos si Ann naman, pinagtabi nya pala ako ng strawberry dahil galing sila Baguio last time and ginawa nalang din naming strawberry shake kahapon.
We helped Ann to prepare, doing the dishes, and cook para sa konteng handaan. Nakakapagod na hindi mo ramdam dahil at the same time masaya kayo together. Hayyyy more moments like these pa po.
Lastly, na-meet namin si Andrea with his bf kanina which is bagong member sa group nila at nagbibiruan kami na may dadagdag na naman na "Ann" Hahahaha. I'm looking forward to know her more at para maka bonding rin. Kapag nag post ako soon ng "with tatlong misis ann/e" yun na yun. Hahaha
Dayoff well spent. Good night.
10 notes · View notes
sukiui · 11 months
Text
Story time with today's ganap, i’m so kiliggg!!
Today's agenda: (November 7, 2023)
- Magpunta SM Val for Eye Check-up
- Mag-review sa Main Lib
So eto na nga, after exam sa LITE, nag-decide kami na pumunta ng SM Val para samahan ako for eye check-up then ayon na sumakay na kami e-jeep tapos te 😭 MAY POGI 😖 eh tangina kasi ni Carl di umusog sa dulo agad, tumayo lang sya so yung bakanteng upuan na nasa harapan ko yung inupuan ko. Tapos ayon nga, nakatabi ni Queenie tangina ang swerte HAHAHAHAHAHAHAHAH tapos di ko talaga maiwasang di mapatingin sa side nila, katapat na upuan sila tapos dulo tapos ayon ilang beses kami nagkaka-eye contact bhie kasi nga napapalingon ako sa gawi nila Queenie tapos eto pa, nung nasa Dambana na kami, may mga sumakay tapos may space pa sa upuan nila Queenie banda tapos sabi ni kuya singkit "dito po" tapos umusog sya sa tabi ni Queenie, pakshet sana all!! HAHAHAHAHAAHHA tapos eto pinakamalala sa lahat, di ko malilimutan. So nasa SM Val na kami tas bumaba na, then sabi ko kay Jamong, "magbaba-bye na ko sa jowa ko" which i'm referring to kuyang singkit tapos nung nakatapat na ko sa bintana ng e-jeep, si kuyang singkit is naka-side so if ever, sa peripheral vision nya lang ako makikita. Tas tangina eto na bold move ko, nagba-bye ako tapos na-feel nya siguro yon or nakita nya sa peripheral vision so tEH TANGINA LUMINGON SYA SAKIN NA NATATAWA AHAHAHAHAHAGAGAGAHAHSHEHDHSSHHAHAAHAHAHSHSHAHAHAH ang gago ko talaga 😭😭. Napansin nya ko tapos umalis na e-jeep. Gago napatili ako sa SM tapos yung mga bumaba rin don is nakatingin samin sa ingay ko. Di ko naman kasi mapigilan ngiti, bawal ba?! Pogi kaya sya so may karapatan syang saktan ako, KIMI! Pero ayon lang, ine-enjoy ko lang ang college life. Baka nga mamaya may jowa pala yon pero sabi ni Carl bisexual daw which is feel ko rin kasi nahalata ko pero di naman ako umaasa???? Na-attract lang kasi ang linis nya. Ang puti, naka-brace, naka-salamin, may airbuds tapos ang pogi pa at abg cute super kapag ngumiti!! Di ko nakita yung program nyaaaa sa id 😭 inuna ko kasi pagtitig sa face nya eh 🤭.
2 notes · View notes
kimhortons · 2 years
Text
smol tingz, big impacc.
share ko lang rin yung akin; kapag naaalala yung mga small details about sakin, like yung mga ayaw at gusto ko esp. sa pagkain dahil pg ako charot haha.
ang sweet nung mama ni J nung pinag luto niya ako ng itlog, niluto niya talaga yung dilaw kasi alam niya daw ayaw ko nung hilaw na dilaw. haha. sweet things done by my future MIL yie. tsaka pag ayaw niya ipagalaw sa mga anak niya yung pagkain na nakatabi para sakin. haha nakaka soft.
nung bumisita kami kila Chi nung New Year, pinag luto niya pa ako ng pesto pasta kasi favorite ko raw. tsaka naaalala niya raw ako tuwing makakakita siya ng pesto. haha. kahit nung hindi pa siya kasal dati nung nasa QC pa siya pinapapunta niya ako sakanila para ipagluto ng pesto.
nung okay pa kami ni papa, pag nagluluto yung ng adobong pusit at bistek, sasabihin niya "sinarapan ko luto ko kasi alam koong paborito mo yan e."
kapag binabanggit ni J na ayaw ko ng nilagang baboy kasi baka ang gusto ko sa nilaga, tsaka ayaw ko ng sinigang na hindi sobrang asim haha.
di ko rin malimutan yung tinawagan ako ni Mikee sa Facetime dahil naka deactivate lahat ng socmed ko. dahil nga madalas ako mag MIA kapag di ako okay emotionally talaga, sobrang naaapreciate ko talaga yung mga nagrereach out sakin kahit alam na nila na nagiging routine ko nga yung magtago.
ewan ko, pero gustong gusto ko kapag alam ng mga tao esp pag sa work na bestfriend ko si Marika, like hindi kumpleto kapag wala yung isa samin, kaya nung nakaraan ina-update ako nung kawork namin about kay Marika kahit di ko tinatanong haha. sakanya rin ako tinatanong nung dating bisor namin lol. tsaka kami lagi pinag papartner noon kapag may work assignment kami dito sa Bicol. kaya nung nag resign ako madalas na siya nalulungkot kasi wala na ko. huehue. para kaming soul sisters non e.
medyo big deal narin sakin na natatandaan ni tita (mama ni J) yung pangalan ng mga malalapit kong kaibigan—nagulat ako nung isang araw kala niya si Marika kausap ko haha. nagpunta na kasi dito yun. ayun kilala niya narin si Jasmine at Chi kasi madalas kong kavideo call. para ko narin tuloy siyang tunay na mama hehe.
actually marami pa, kaso baka di na ko matapos haha. as a softie person, yung mga simpleng bagay para sa iba talaga, malaki na impact sakin. hehe. tsaka lagi akong grateful, kahit hindi ko man sabihin kapag may ginawa kang mabuti sakin maliit man o malaki, big impact na yun.
kasali kayo dito. alam niyo na kung sino kayo, nahihiya na ko mag tag. haha. yung mga simpleng pag kamusta niyo sakin, yung mga nakasubaybay sa mga struggles at wins ko, pati nung time na ang gulo gulo ng buhay ko, yung mga simpleng effort na nagawa niyo for me, sobrang na-appreciate ko. kahit hindi man tayo close na close, kahit yung mga small interactions natin paminsan minsan big deal na yun sakin.
10 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years
Text
Bumisita kami sa ka-work ng parents ko dati. May malaki silang scented candle sa sala na nakasindi kaya pinoint out ng mga kamag-anak ko, "Mayroon sila oh," at sabi ko naman, " 'Yan ang gusto ko."
In response, naglabas ng bagong scented candle si Tita, at inilagay sa paper bag ng Bath & Body Works. Ayun, may naiuwi akong tunay na scented candle na malaki, may tatlong wick, at mabango.
Ang liliit kasi ng kandila dito sa bahay tapos hindi maamoy, siguro dahil maliit sila? Kaya ko nasabi na 'yon ang gusto ko kasi malaki at amoy na amoy kahit malayo ka sa kandila. Hindi ko naman alam na maglalabas sila ng bagong kandila, baka na-pressure sa akin ah.
Pag-uwi, nilagay ko sa dining table at binuksan lang (hindi ko sinindihan kasi walang pangsindi). Pagbalik ko next time, wala na sa lamesa, tinakpan at itinabi ng nanay ko. Mauubos ba 'yung amoy pag nakabukas? Hay nako. " 'Yan ang gusto ko," nakasindi at napapakinabangan, kaso dito, hindi na nga nakasindi, nakatabi pa. Anong silbi?
But then again, ayon nga sa nanay ko, "Akala mo gusto kong nandito ka?" "Kung ayaw mo[ng nasasabihan], sa iba ka [tumira]."
I decided na magsuffer kapalit ng pera, malaki pa rin matitipid pag hindi ako nagrent [sa ngayon]. Ipon muna, ipon, ipon, ipon.
10 notes · View notes
whenicarusfall · 1 year
Text
I ride a bus, and then may nakatabi ako na nasa 30's or 40's magkatabi kami all through out the ride, and then nagpapanic ako sa kidlat so I cannot stop myself to look at the window and maybe he thought I was looking at him, and then all throughout the ride I have a sleepy eyes kasi I am tired sa ginawa ko sa metro, and then a kilometer bago mag Perez, he took a picture of me without asking my consent and then sabi ko bakit mo ako pinicturan, I did nothing and then sabi niya wala ka namang ginawa bakit ka naguguilty, I have the right to defend myself kasi pinicturan ako at tatandaan niya raw mukha ko at sabi niya buti hindi mo tinuloy yung balak mong gawin, he assumed na may balak ako sa kanya, ang tanda niya na halos tatay ko na siya and the point na I am tired all throughout the ride and then pinagbantaan niya ako na lumayo ka baka ano magawa ko, he is kinda homophobic as if naman may gagawin ako sa kanya while he was sleeping and I am sleeping too natakot ako kasi wala namang akong ginawa as in, nanginginig ako at natakot ako baka ano gawin sakin tapos pinicturan ako tangina help. He accused me that I will do something on him but the fuck I will never do such thing he thinks inside the bus ride and I do not care about him. Nagpanic ako at nanginig on my way home because how could you threaten me, accused me, and took a photo of me. Nakakatrauma, hindi ako makakain after that incident.
4 notes · View notes
skippysartq · 1 year
Text
Tumblr media
Sasaya Jun 1st yr, Aoi Kirishima 2nd yr, Sasaya Asa 19
Katashi and Kumi Shirofuku 1st yr and Ohira Elisa 24 (2036)
Tumblr media
Haru Daichi 1st yr and Eichi Annaisha 3rd yr (2037)
Tumblr media
Kiboken Midori 2nd yr, Fumuko Tashigawa 3rd yr
Fugumi Toriko 12 - Midori's cousin (2036) Hitinari Ginjima-Akagi 1st yr (2039)
Tumblr media
Shun Kageyama of Shiratorizawa 2nd yr (2037) 
Ren Katou, 2nd (2037) #luciokatou
Tumblr media
Nori 2nd year and Kiyoshi Akakura 1st yr (2037)
Tumblr media
Gorogen Saito, Saro Nakashima and Hiro Kichikawa 1st yr (2037)
Tumblr media
Shimiza Denkinii - Libero and Nanako Giru 2nd yr (2036)
Tumblr media
The grandkids! Dasamu (born 2039) and Rina (born 2047) Miya Son and Daughter of Daia [daisuga] and Masa [sakuatsu]
Kimiko Shirabu (born 2053) Daughter of Setsuko Shirabu [semishira]
Shutsuko Oikawa (born 2055) Son of Uta [iwaoi] and Kuniko [ushiten]
Eiva (said as Ava) Kita (born 2055) Child of Oda-Joben Kita [osakita] and partner Laura Marshell
EVERY HQ OC CHIBIS PART 3/?
4 notes · View notes
candyidlehands0702 · 1 year
Text
Tumblr media
Babies ko,
Pajima - Yung mataba masungit selosa pero mabait parang si garfield na pusa ugali nya, napaka tamad at walang pake.
Robinot - payat kahit grabe kumain yan, napakakulit napakaingay, pero sobrang lambing , maka momma lagi nakasunod sakin nakatabi gang pagtulog.
Parehas sila anak ko, sa mga ex ko hhahaha , ung isa sa ex husband pajima , ung isa sa ex bf ko si robi name, kaya robinot ang pangalan ng baby ko,
Actually may nakakatawang kwento jan kay pajima , kasi sobrang love namin parehas yan ng x ko na turing namin talaga anak, kaya nung nakikipaghiwalay na ako sa kanya dahil nga sa paulit ulit na pambabae nya, wala na sya magawa para mapabago isip ko kaya nasabi nya nalang out of desperation
“ wag ka umalis pls. Nagmamakaawa ako sayo , paano na si pajima lalaki sya ng walang ama?”
After hearing it, kahit alam mo yung galit na galit ka na, pero muntikan ako matawa. Pero syempre nagawa kong pigilan habang umeexit dala dala ko si pajima na baby pa that time.
Both them save my life, mga time na wala ako kasama sa bahay tapos umaatake sakit ko sila ung humingi ng saklolo para sakin at the same time di sila umalis sa tabi ko.
Panong di sila magiging mas mahal ko kesa sa mga taong nagmahal sakin? Never nila ako pinagpalit o sinaktan.
Kung loyalty lang pag uusapan walang wala sa pursyento na binigay ng dalawa na toh sakin sa mga tao sa buhay ko. But it doesn’t mean I don’t trust anymore.
Alam ko lang at di na ako nagugulat kapag dumarating ang betrayal mula sa kanila. Sinet ko na sa mind ko yan para di na ganun kasakit
Tumblr media
Thank God for my furbabies They are my heart ❤️
Tumblr media
3 notes · View notes
jillianwarts · 8 days
Text
subok na subok pasensya ko sa mga lalake sa araw na to. walangya magsiupo sa bus yung mga nakatabi ko na para bang kasing laki ng globo sa moa ang mga bayag nila kung makapag-manspread. opkors di ako pumayag at umupo din akong para bang may bayag ako kaya tinikom nila mga legs nila. yung isa mega-dikit pa sa balikat ko yung kili kili may anghit naman. sprayan ko ngang alcohol. 👹
6 notes · View notes
whooolaanmo · 1 year
Text
Tumblr media
may budget pa!
Me : Love may kailangan pa ba tayo bilhin?
France : wala naman na Love bakit?
Me : may pera pa tayo, may gusto ka pa ba bilhin natin o kumain ulit tayo? o kahit ano.
France : yung reservation naman natin mamaya for dinner baka malimutan mo itabi, busog na busog na ako Love, coffee na lang siguro o ikot tayo hanap na pwede bilhin pang couple things ✨️.
Me : sa atin 2 ikaw makakalimutin 🤣😁, nakatabi lahat ang pera natin divided kung para saan ang paggamit 👌🏻 sige kape na lang, 🤣🤣 akala ko ba baduy pag naka couple couple na yan.
France : sorry! naman, kaya nga Love ikaw ang nag iingat ng pera natin dyan ka magaling, iced coffee sa akin frappe sayo? binabawi ko na di na baduy, cute na yung may mga pa couple things katulad kahapon, hindi naman tayo nagusap ng sapatos pero yon nga ang cute lang Love mas bet ko pati color ng chuck mo yung akin kasi pink yung sayo shady ng magenta pinky violet.
Me : yes frappe akin Love, 🤣🤣 kung same tayo sukat ng paa bibigay ko sayo Love kaso hindi.
dami pa usap nagkakape nag iikot gang mapadpad sa pabango bibili couple thing din daw yon haha 🤣🤣.
Mar. 31, 2023 04:21 pm
6 notes · View notes
dmncsvll · 3 months
Text
Tagsibol, mukhang muling nakahanap ng tugma ang makata.
Sa isang taong nakatabi na lamang ng bigla.
Ang tanging gusto ko lang nama'y maiangat ang dakila sa munting pag-awit at pag-indak.
Ngunit pinakita ng Dakila ang luwalhati na handa Niyang ipamahagi sa bawat isa sa atin.
Ngunit sa panahong iyon, ako mismo.
Nakita ko ang iyong pagluha, pagsuko, at pananabik na mayakap ka Niya sa tuwina. Ako'y naaliw sa napakagandang kwento ng pag-ibig na handa Niyang iparating.
Na sa simpleng paglapit mo ay handa ka Niyang hagkan at pahintuin ang pagtangis ng iyong pusong nabibigatan sa lahat ng iyong dala-dala.
Kahit wala lahat ng nangyari sa aking plano, parang ako'y nadala.
Sa pag-ibig niyong dalawa!
Napaluha sa tuwa na nakabalik ka sa piling Niya.
At inaasam-asam na makita kang muling
Umaawit, tumitindig, umiindak, at maging saksi.
Sa mga katulad mong magtatagumpay dahil sa paglapit nila sa ating Ama!
Maraming salamat sa iyong puso na mapagkumbaba!
Ako'y natuto sa'yo!
ᜇᜒᜌ᜔ᜊᜒᜈ᜔ ᜋᜓᜇ᜔ᜌ
1 note · View note
excerptofmythoughts · 4 months
Text
hindi man talaga 'yun 'yung exact na intensyon ko, hindi ko ineexpect na bubuo ng araw ko hahaha.
napagdesisyunan ko kahapon na pumunta muna sa place ni mama ngayon. sobrang lakas ng ulan kaya hindi agad ako nakauwi, nakasilong lang ako. tapos may matanda ako na nakatabi, umaanggi tapos nakaharap ako sa kaniya (nasa dulo ako ng tent) kaya ako 'yung nababasa. binuksan niya 'yung payong niya 🥹 (hindi sa pag-aassume pero ganon na nga) feeling ko para sa akin 'yon hahaha kasi hindi naman siya nababasa. tapos ayun may mga iilang reaksyon siya sa panahon tapos ako si usisera nakiki-react sa kaniya at kaunting kwento. sumagi sa isip na chikahin pa siya kasi baka matuwa siya sa akin tapos isabay ako ng silong sa payong niya hahaha (i'm sorry uwing-uwi na kasi ako 😭).
nagwagi naman ako??? sinabay niya ako sa payong nila ng asawa niya, tapos sobrang na-touch pa ako lalo kasi medyo mahina na sila kahit si lolo tapos inano niya na kami na lang magpayong. jusko ko kanda kaba-kaba talaga ako kasi hindi pantay at medyo baha (hanggang paa lang) 'yung daan. dahil sobrang grateful naman ako. ending inalalayan ko sila pareho sa pagtawid namin hahaha. worth it naman kasi finally nakausad ako tapos makakauwi na talaga ako hahaha. thanked them after (vise versa) tapos ingat-ingat ganyan. then i made it home.
nasa isip ko lang nung kasama ko sila--iba talaga ang comfort na naibibigay ng mga matatanda with their mere presence ano? i mean them in general even when they're just minding their own business. sobrang nakaka-warm pa ng puso kapag ayun 'yung ganon na maliit na bagay tinutulungan ka nila.
alala ko lang kasi usually sila talaga 'yung nag-lolook after sa mga kabataan talaga in every situation you could think of especially kung talagang ranas mo 'yung kalsada + commute. despite the hassle i went through today, sobdang warm ng puso ko ngayon.
0 notes