Tumgik
#puerto prinsesa
jasfhercallejo · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sabang Village is pleasantly situated in Bry. Cabayugan in Puerto Princesa, and is best known as the jumping-off point of the Puerto Princesa Underground River in St.Paul's Bay. While most tourists often leave Sabang immediately after the underground river tour, there's more to this quiet village. Adding up to its raw appeal is the bountiful Sabang Mangrove Forest hidden nearby.
Sabang Mangrove Forest is one of the eco-tourism destinations in Puerto Princesa. Like any other mangrove forests in the world, it plays an important role in our biodiversity; serving as nutrient-rich habitats and breeding grounds for a variety of birds, snakes, monkeys, reptiles, fish, crabs, and other marine organisms. Another importance of mangrove forest is its climate resilience, as the mangrove roots above the ground slow down water flows and encourage sediments deposits thereby helping prevent erosion. Their roots also filter pollutants in the coastal waters, and they protect coastal communities during typhoons by absorbing storm surges and flooding.
In order to further protect the Mangrove Forest, the Sabang Mangove Forest Paddle Boat Tour was founded to empower local communities, provide additional income to residents, foster environmental awareness, and provide sustainable tourism activity that minimizes negative impact to the environment.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After our Sabang Mangrove Tour, our boatman excitedly showed us how to get the famous Puerto Princesa delicacy called tamilok (woodworm). It's actually a species of salt water clam called Teredoi navalis, nicknamed naval shipworm because it makes its way to the wood. Tamilok in the Philippines thrive on mangroves, mostly found on dead submerged mangrove trees. Our boatmen split the rotten wood open, and carefully examined the creases of the wood to look for tamilok. Then, they cleaned it with saltwater before finally cleaning it with tap water. Tamilok is typically served like kinilaw (ceviche). It is cured in vinegar, salt, lime juice, and chili, then, you can swallow it whole.
Seeing the tamilok prepared raw from the opening of the deadwood to the cleaning and curing is truly a unique experience. They look weird, but trust me, they are delicious!
6 notes · View notes
Tumblr media
Title: Palawan, Ang Kayamanan ng Kaluran
Noong isa pa lamang akong batang musmos ay pinangarap ko na ang malibot ang buong mundo. Bagamat malayo pa ito sa katotohanan, masasabing nasimula ko na ito kahit papaano. Ang paglalabay sa Palawan ay ang isa sa hinding-hindi ko malilimutang paglalakbay. Dahil ito ay ang nagparanas saakin ng marami kung "First Time".
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pinaranas saakin ng paglalakbay na ito ang kaunaunahang beses kung paglipad sa himpapawid. Bagamat mukhang kalmado, ang aking puso ay talaga namang napakalakas ng pintig. Hindi maalis saaking isipan ang takot at pangamba, ngunit sa oras na makalipad ang eroplano ang aking takot ay natakpan ng pagkamangha. Pagkamangha sa ganda ng kalangitan na talaga namang isang tanawing di malilimutan.
Tumblr media Tumblr media
Noong makarating kami sa Palawan ay agad akong bumaba ng eroplano. Agad akong huminga ng malalim at nilasap ang hangin ng Palawan. Ako'y punong-puno ng pasasalamat dahil kami ay nakarating ng ligtas dito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa paglalakbay rin na ito ko unang naranasan ang isang "Paddle Boat Tour". Nung simula ako'y naiinip ngunit habang kami ay palalim ng palalim sa bakawan ito'y napawi. Ako'y namahang sa dami ng hayop na nakatira dito sabayan mo pa ng mga kwentong bayan na kinukwento ng 'tour guide" namin.
Tumblr media Tumblr media
Ang Paglalakbay na ito rin ang naghatid saakin ng kauna-unahang karanasan ko sa pag"zizip line". Katulad ng pagsakay sa eroplano ako'y kabado rin nung simula ngunit ito'y napawi ng kamangha-manghang tanawin. Sa paglalakbay rin naito ako kaunaunahang nag"snorkeling". Bagamat hindi marunong lumangoy sa dagat ay nakaraos naman dahil sa "life jacket".
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa ko pang "First Time" naranasan sa paglalakbay na ito ay ang "island hoping". kung saan kami ay lumibot maraming lugar katulad na lamang ng "Puerto Prinsesa Underground River" at sampung isla.
Tumblr media
Ngunit katulad ng lahat ng paglalakbay ang aming paglalakabay sa Palawan ay natapos din. Bagamat bitin sa limang araw na bakasyon, ang mga ala-alang ito ay palaging kikinang na parang ginto sa aking isipan. Kailama'y hinding-hindi malilimutan.
Courtesy: Madz Soriano
2 notes · View notes
Text
I wish i was a stranger.
I just want to share a piece of my cake here. Since tumblr is my diary even before. To start my story, i want to share my latest heartbreak. The biggest trauma that i went through and also the biggest blessings for me who made me who i am today.
I met him 4 years ago in our baranggay house to house campaign just a strangers, we crossed our path and i asked my co sk kagawad na what’s his name ganon, so i check him on Facebook and surprisingly we were friends, so i start visiting his profile and sort of checking background. Then after that it was january a year after, he sent me pm, telling abt how fantastic my photos are, lahat daw instagrammable, so i blush kasi galing yun sa crush ko.
Then ayun na nga, talking to each other na ganon umabot na ng taon , then some of my friends knew him na crush ko nga so inaasar asar na kami, pandemic started then our conversation also lasted for long hours, he sent me selfies, inviting me over somewhere and some sort of nakakakilig na stuff, until it was eve of his birthday, someone ask him kung ano ba real status namin, or ano ba yung winning rate ko daw, he reply 60% pwede 40% not sure, then after 12 midnight they ask him again, ano ba ko sa kanya, and that night collapsed when i hear him saying “ayoko syang paasahin kasi super genuine nyang tao and he deserve real, kaibigan lang kami… im going out with someone and she even coming tomorrow at my celebration” my world shattered in pieces and i cried out loud telling, i will make my self better regardless that things happened, still i deliver the cake that i ordered for him.
Year 2, Since his friends and i become one circle, so nagkikita kita pa din kame, then yung sweetness andon pa din, asar asar, usap usap, dala ng foods nung nag ka covid sya, going out, dala ng foods pag may sakit sya, inisip ko nalang baka talaga na corner lang sya sa tanong that night because he once told me “May mga tanong na di dapat tinatanong sa inuman” so i assume, baka na frame up lang sya. Nagtagal again to yung set up na ganto until year 3, so i ask God for signals, sabe ko pag pumunta sya sa birthday ko at nag effort sya it means sya na talaga, then to my surprise pumunta nga sya, again Hope builds again.
Year 4, while inaalagaan ko sya kasi may Annual Physical exam sya yet uminom sya at nalasing, inayos ko higaan nya, natulog ako sa sofa and ginising ko sya para makapag breakfast at umabot pa sa Exam nya, then i heard “makukuha pa ba ni pareng ganto mambabae, e inaalagaan sya ng sobra ni mare” then my sensitive self felt something poke my heart, un appreciated pala lahat ng ginawa ko. So after that, cold na replies ko sa kanya at medyo i distance myself and gone for a moment.
I rewarded my self with things, experience and place that i think i deprived my self to feel appreciated, loved and valued. Then bigla syang nag chat, begging me to please reply becuase he caught his father cheating, its my guilt and conscience worked so i reply, then parang walang nangyare, naging okay ulet kami. New year, i was there sa tropa namin then masaya, that night was magical.
After months of this year 4 of being insane to him, i ask him if he want to join to Puerto Prinsesa together with our friends, after he ask sino sino kasama i tell him abt the love triangle inside that circle sabay sabi nya “bakit kasi kailangan pang mag label if pwede nyo namang gawin lahat” then i realized, he is willing to settle for that kind of set up, until he’s benefited. So for the nth time, i distance my self. After months, i saw our friend at somewhere sabi ko “ui kamusta na, i miss you all” sabay sagot na ”di ka na kasi dumadalw samin e” kako ”pagkagaling mo at may set promise g ako” at kinabukasan may ganap nga, and yes he’s there.
Di ko sya pinapansin and whenever he ask me something i reply without the reason to start conversation tapos biglang nag aya mag baguio, discussion and bargaining started until i tell him, “antayin mo desisyon ko if sasama ako” he answered “sige sige, antayin ko” tapos biglang nagka seminar sila sa baguio and he said yes he will join, without taking considerations the plans that we had, so i confronted this with him, sabe ko with or without me, pupunta kapalang baguio, again i feel worthless that time.
He is far far far different from the way he treat me, to the way he talked to me over sa mga kwento nya sa mga kaibigan nya na ang lumalabas ako ang naghahabol where in fact, i distance myself for how many times, this time i decided to cut ties with him, i unfriended him, unfollowed or even replies with his imessage, chats and email. I don’t even get a simple sorry or apologize with him, but i guess its okay. Mas pinakita nya lang sakin how undeserving he is, he’s a trash.
And now, sya na tong naghahabol. Nag aadd, nag fa follow pero sa tingin ko, he deserve to witness my succes even without him from a far. I know karma is digital and everything has turnback time.
Thanks for the over 4 years of making me a dog, a clown or just your toy, you made me brave and you made me realize to love myself more, i cant afford to make any connections with you anymore, maybe if we crossed our path again, my last wish: treat me as a strangers.
Almost, but still im so done.
14 notes · View notes
kuyabonoforyou · 8 months
Text
DEVIN'S STORY
Dear Kuya Bono,
          May pagkakataon sa buhay ko, tatlo o apat na taon na ang nakararaan, naiihalintulad ko ang sarili ko sa puno ng Mangkono, dahil matibay ako.
          Pero akala ko lang pala yun. Dahil kapag nagsimula kang magbago, magpakabuti, lalambot din ang puso at buong pagkatao mo.
          Sabi ko din noon, sarado na ang mundo ko. Titigil na ako. Dito na lang ako, mamumuhay na parang isang punong kahoy na nakatayong magisa. Makikita mo, malalapitan mo, mapapakinabangan mo, puwede mong gawing kaibigan pero, dito lang ako. Gaya ng puno, hindi na ako aalis dito.
          Ako si Devin, dating Devin the Devil. Pero nagbago na ako. Napakalaki na ng pinagbago ko. Yung nakaraan ko, masusulasok ka sa kapangitan nito…pero itong buhay ko ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo, kaya sana pakinggan niyo ang aking kuwento.
PLAY>S1
DKB-2
          Yang intro na yan Kuya Bono ay kay tagal kong pinagisipan kaya palakpakan niyo naman. Mautak kasi ako pero hindi ako matalino. Hindi rin ako native na tagalog. Marunong lang akong magsalita pero hindi ako dalubhasa sa pagsusulat kaya alam kong marami kang makikitang sablay sa mga spelling ko. Pakitama at pakiayos na  lang Kuya Bono.
          Ayon sa mga source, isinilang ako sa San Jose, Occidental Mindoro. Subalit lumaki ako dito sa isang bayang nasasakupan ng Isla ng Palawan. Hindi ko na lang babanggitin ang lugar dahil, parang nagtatago pa rin ako.
          Pinalaki ako ng isang teacher na bakla kaya siya ang nakagisnan kong magulang. Noong Grade 4 na ako, inamin niya sa akin ang totoo na, hindi siya ang ama ko kundi, kaibigan lang niya dati ang Nanay ko na siya ring parang katulong niya. Nagkasama daw sila ng matagal sa Mindoro. Nabuntis sa pagkadalaga ang Nanay ko pero wala siyang kakayahang arugain ako kaya’t ang ending, pinaampon niya ako sa baklang teacher na itago na lang natin sa pangalang Papa Loy.
          Mula pa noong tumuntong ako sa elementarya, nakaranas na ako ng pambu-bully dahil kay Papa Loy. Hindi lang dahil sa isa nga siyang bakla kundi dahil, talagang maaskad ang kaniyang itsura. Hindi sa pamimintas dahil mali na pintasan ko siya kasi marami akong utang na loob sa kaniya, pero maraming bata noon ang natatakot sa mukha niya. Yung baklang Diego sa Bubbleng Gang, malayong mas maganda pa yun kesa kay Papa Loy. Liban sa maitim, pandak pero malaki ang katawan, mataba pa ang ilong, makapal ang bibig at matapang ang mga mata.
          Hindi ko itatanggi Kuya Bono na, kinasuklaman ko ng sobra ang mukha ni Papa Loy at ang buong pagkatao niya dahil, binaboy niya ako.
>>> 
          Una noong Grade 5 ako. Ginawa niya iyon habang tulog ako. Nagising akong sakmal-sakmal niya ang patotoy ko. Naglayas ako noon, naging palaboy ng tatlong araw.
          Nahanap niya ako at dahil nanghihina na ako noon sa gutom ay nagawa niya akong i-uwi. Nangako siya na hindi na niya uulitin ang ginawa niya.
          Pero totoo yun dahil noong First Year na ako sa High School, nabuksan pa rin niya ang pinto ng kuwarto ko at nagawa niyang ulitin ang kahayukan niya. Noon na ako naglayas ng tuluyan. Isinumpa kong hindi na ako babalik sa poder niya. Hindi ko pa rin alam noon kung paano ako mabubuhay pero sabi ko noon sa sarili ko, bahala na!
PLAY>S2
DKB-3
          Noong palaboy ako, hindi nawawala sa isip ko yung pag-aasam na sana,  makita ko ang Nanay ko. May pagkakataon kasi noon Kuya Bono na, ginusto ko ulit ang mag-aral. Nasa Puerto Prinsesa ako noon. Nakarating ako doon sa paglalakad at pasabit-sabi lang sa mga sasakyan. Malayo kasi ang pinanggalingan kong bayan.
          Iniisip ko noon, kung makikilala ko ang Nanay ko. Siya ang pupunta kay Papa Loy upang kunin ang card ko. Matalino kasi ako noon Kuya Bono. Mula Grade 1 hanggang Grade 4, ako ang First Honor. Tinutukan kasi ako ni Papa Loy na isa ngang teacher kaya’t naging bibo ako. Nagsimula lang akong tamarin mula noong ginawan ako ng masama ni Papa Loy. Inilayo ko ang sarili at loob ko sa kaniya mula noon.
>>> 
          Sa Puerto Prinsesa nahubog ang katatagan ko bilang isang tao. Noong una, kung saan-saan lang ako natutulog hanggang sa kupkupin ako ng ni Tatay Baldo na isang tindero ng isda sa palengke. Mabait siya pero hayup ang asawa at mga anak niya, lalo na ang panganay na si Kuya Mike. Si Kuya Mike ang unang taong nasaktan ko ng pisikal dahil hindi ko natiis ang kalupitan niya. Isang araw ay nilabanan ko siya pero may hawak akong tubo kaya, kahit malayong mas malaki siya at tumumba siya at duguan.
          Lumayas ulit ako noon. Bumalik sa lansangan hanggang sa may naawa ulit sa akin at kinupkop ako. Sa suma tutal Kuya Bono ay pitong tao ang sinamahan ko, pero napakaraming sumubok, karamihan sa kanila ay mga bakla pero ni isang bakla ay wala akong sinamahan dahil, masama ang tingin ko sa kanila. Alam ko na kasi kung ano ang motibo nila.
          Hindi kasi sa pagyayabang, pogi ako noon. Likas akong maputi at maganda ang partes ng mukha at katawan ko, at pati si Manoy ay may kalakihan din. Ayon kay Papa Loy, minana ko daw yun sa Tatay kong Aleman, kaya ako ay kalahating Pinoy, Kalating Aleman.
          Hindi ko pa alam kung ano ang Aleman noon at namali pa nga ako ng bigkas. Anemal po?
          “Hindi! Aleman…” Pagtatama ni Papa Loy.
          “Ano po ba yun?”
          “Ang Aleman ay tagalog ng German…..”
PLAY>S3
DKB-4
          Maliit pa ako’y nakikita ko na rin na iba ang itsura ko kumpara sa ibang bata. Kahit kasi itim din ang buhok ko ay matangos ang ilong ko at mapusyaw ang balat ko. Hindi rin ako tinuruan ni Papa Loy na magsalita ng Cuyonon. Tagalog ang salitang kinalakhan ko, tamang tagalog at malalalim pa dahil pinerpek ni Papa Loy noon ang pagtatagalog dahil siya nga ay Filipino Teacher na bisaya.
          Challenge daw noon sa kaniya bilang isang Bisaya ang pagtatagalog kaya siya kumuha ng kursong Teacher major in Filipino.
          Kaya maliit pa ako’y nakamulatan ko na ang tagalog at habang lumalaki ako ay nagkakaroon ng impresyon ang ibang tao na, laking Maynila ako. Kasi nga Cuyonon ang salita nila na hindi ko naiintindihan at ako naman ay tagalog.
>>> 
          Pero liban sa itsura at pananalita ay masipag din ako at magalang sa mga taong kagalang-galang. Pero ang kagalang-galang para sa akin ay hindi yung propesyunal ang dating. Malinis manamit, mayaman. Hindi. Ang kagalang-galang para sa akin noon ay kagaya nina Tatay Baldo na siyang unang umampon sa akin. Kahit simple lang siya, pangit din at laging mabaho, saludo ako sa kaniya dahil mabuti siyang taon. Ganon din si Tatay Roko, Nanay Pilar at Tita Anya na ilan sa mga kumukop din sa akin noon. Kahit mga simpleng tao lang sila, kagalang-galang at karespe-respeto sila para sa akin dahil mabubuti silang tao.
          Si Tita Anya ang huling kumukop sa akin. Nagtitinda rin siya dati ng sa palengke. Isa siyang tomboy pero namatay siya sa sakit na Breast Cancer.
          Matagal ko siyang nakasama pero hindi ko alam na may malala pala siyang sakit dahil, napakamasayahin niya. Ang daming tawanan, kulitan, asarana kapag nasa mood siya. Ang dami kong jokes na natutunan sa kaniya.
          Kahit nga nasa ospital siya noon bago siya mawala, nag-joke pa siya sa akin. Ang sabi niya;
          “Devin, ibibilin ko sa yo ang binilin sa akin ng taong umampon sa akin noon. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa…”
          Alam mo ba Devin, sinagot ko siya noon. Ang sabi ko;
          “Eh kanino po bang paa itong naka-kabit sa akin? Hindi ko ba sariling mga paa ito?”
          Nagtawanan pa kami noon kahit na alam kong nanghihina siya at nilabanatan lang niya ang sakit sa katawan niya.
          Hindi siya ma-drama Kuya Bono pero matindi kung magalit. Marami akong dinanas na sakit ng katawan kay Tita Anya pero, siya lang ang hindi ko nilayasan ng tuluyan. Nilayasan ko siya ng ilang beses pero, binabalik ko din. Hindi lang dahil hindi  niya ako hinahanap kundi, iba kasi siya Kuya Bono. Noon din kasi ay nagsisimula na akong maging mas mature at nauunawaan ko na na, kaya niya ako napagbubuhatan ng kamay dahil, kasalanan ko din. Kaya kapag hindi na ako galit, bumabalik ako sa kaniya.
          Sa madaling salita, kay Tita Anya ko naramdaman yung pagmamahal at pagpapahalaga. Nawala yung yabang o pride ko sa kaniya. Kaya kahit bugbugin niya ako noon, hindi ako lumalaban, lumalayas ako pero binabalikan ko siya at nagso-sorry pa ako na parang bata. Siya lang sa lahat ng umampon sa akin ang nilalayasan ko pero  binabalikan din, pero yun nga…siya naman ang nang-iwan sa akin.
PLAY>S4
DKB-5
          Matapos ang libing ni Tita Anya, umalis din ako dahil ang bahay niya ay pinag-interesan ng mga kapatid niya. 16 na ako noon at matikas na ang pangangatawan ko. Nakapasok na rin ako sa iba’t-ibang klaseng trabaho. Carwash, Gasoline Boy, Tindero, Pahinante at kung ano-ano pang trabaho. Hindi kasi ako makapasok sa mas disenteng trabaho dahil ni ID ay wala ako. Natanggal nga ako sa Gasoline Station dahil hinanapan ako ng kung ano anong dukumento.
>>> 
          Edad disi-otso Kuya Bono ay, nalulong ako sa isang babae. Siya Karlen. Ang babaeng masasabi kong una kong inibig. Pero hindi siya ang una kong girlfriend dahil kahit noong dose anyos pa lang ako ay nagka-GF na ako. Ganon din noong palaboy pa ako sa Puerto Princesa, kahit madungis ako noon ay may mga nagkakagustong babae sa akin. Suma tutal, mula noong dose anyos ako hanggang maging kami Karlen ay trese na babae muna ang dumaan sa buhay ko. Pero kay Karlen talaga ako nagseryoso dahil sa tingin ko noon ay nasa kaniya ang lahat ng kalidad ng babaeng gusto ko.
          Wala ding pamilya si Karlen. Isa siyang sales lady noon kaya’t inalok ko ang sarili ko para maging katuwang niya sa buhay. Nagsama kami sa isang paupahang kuwarto at dahil sa kagustuhan kong bigyan siya ng maginahawang buhay ay napasama ako sa masasamang elemento. Noon na ako natawag na Devin the Devil dahil, naging masama talaga ako.
>>> 
          19 na ako noong mapasabak kami sa isang krimen na naging dahilan para magtago kami ng ilang Lingo dahil wanted kami sa Pulis. Nung OK na, umuwi na ako pero hindi ko nagawang magsinungaling kay Karlen dahil mahal na mahal ko siya at alam kong dapat akong maging matapat sa kaniya. Nagalit siya noong malaman niyang involved ako ganon. Makaraan ng isang Lingo, inaya akong lumipat ni Karlen sa Coron pero ginuwardiyahan niya ako kaya hindi na ako nakagaya ng masama. Nagtrabaho ako pero barya barya ang kita, hanggang sa inaya na niya akong umuwi na lang sa kanila sa San Jose, Mindoro Occidental. Gustong-gusto ko naman dahil alam kong  tagaroon ang Nanay ko at hanggang  noon ay hindi pa rin nawawala yung pag-asam kong makita at makasama siya.
>>> 
          Hati ang pamilya ni Karlen sa pagturing nila sa amin. May mga gustong-gusto ako, meron din ayaw sa akin. Ang masaklap, Nanay ni Karlen ang numero unong ayaw sa akin dahil lang sa, wala akong tinapos at wala akong trabaho. Pero ang Papa ni Karlen, hindi nagsasalita at hindi rin nagpapakita ng maganda o pangit sa amin. Parang wala siyang pakealam.
          Malaki ang pamilya ni Karlen. Nakisiksik lang kami pero ayos lang sa akin yun kasi, sa langsangan nga dati nakakatulog ako. Sa bahay pa kayang may dingding at bubong?
          Masakit magsalita ang Nanay ni Karlen. Almusal namin noon ang bunganga niya pero tiniis ko dahil kay Karlen. Nagtrabaho na lang kami ni Karlen noon para magkaroon kami ng sarili naming pera at makapag-abot din ng ambag sa Mama niya. Gusto ko ding mag-ipon noon dahil kahit 19 pa lang ako ay gusto ko na talagang magkaanak kami ni Karlen, pero lingid sa kaalaman ko ay nagpi-pills pala si Karlen. Nagalit ako sa kaniya noong malaman ko iyon. Nagaway kami pero dahil mahal na mahal ko siya ay walang siyang sinasabi na hindi ko tinatanggap o inuunawa.
          Tapos biglang sumulpot si Terrence na matagal na daw may gusto kay Karlen. Pitong taon  ang tanda ni Terrence kay Karlen. Isa siyang Mining Engineer nagtatrabaho sa Africa. Wala siyang itsura pero sa pustura pa lang, makikita mo agad na mapera siya.
>>> 
          Tiwala naman ako kay Karlen noon na hindi niya ako ipagpapalit kay Terrence kahit na construction boy lang ako noon. Kaya lang ang Nanay ni Karlen, kahit nakaharap ako ay sinasabi niya kay Karlen na, si Terrence daw ang asawahin nito dahil mabibigyan daw siya ng buhay na maalwan at masagana.
          Sumasama ang loob ko noon. Napabilang ang Mama ni Karlen sa mga taong kinasusuklaman ko. Kung puwede ko nga lang siyang  bugbugin noon, ginawa ko na.
          Pero natuwa ako kay Karlen noong sabihin niyang;
          “Umuwi ka kasi sa inyo. Kunin mo ang birth certificate mo, lahat ng papeles mo…para makapagpakasal tayo…”
>>> 
          Nag-ipon ako ng pera Kuya Bono para makauwi kay Papa Loy at nang makuha ko ang mga documento ko. Pero ang paguwi ko palang iyon ay magdudulot lang sa akin ng dahilan upang muli ay magiging animal na naman ako.
PLAY>S5
DKB-6
          Sinasadya kong huwag idetalye ang mga nagawa kong masama Kuya Bono dahil, hangga’t maari talaga ay ayaw ko nang maalala kahit na, matagal ko na ring nahingan ng kapatawaran.
Kung iyong iba, ipinagyayabang pa ang katapangan at kahalangan ng kaluluwa nila, ako hindi. Dahil bawat isang masamang nagawa ko ay sumasampal sa akin ngayon ng katotohanang wala akong kuwentang tao.
>>> 
          So noong paguwi ko kay Papa Loy, nataon pang birthday pala niya, marami siyang bisita na karamihan ay mga baklang kagaya niya….at akala niya’t umuwi ako para isurpresa siya. Sinalubong ako ng yakap pero tinulak ko siya at dahil sa liit niya’y tumalipon lang siya.
          Yung mga kaibigan niyang nagmamalasakit sa kaniya ay nagalit sa akin. Tinangka pa akong sampalin nung isa pero suntok kong malakas ang dumapo sa mukha niya. Napakinit ng dugo ko noon sa mga bakla ko Kuya Bono. Noong palaboy ako, napakarami nilang lumapit sa akin at inaalok na kung ano-ano, pero kung ano-anong katarantaduhan lang din ang ginagawa ko sa kanila para lang layuan ako.
          Andiyan yung duraan ko sila sa mukha. Sabuyan ng tubig, tapunan ng sigarilyo saka sisigawan ko pa ng mura.
>>> 
          Ibinigay ni Papa Loy ang mga kailangan ko. Nakakatuwang pati kopya ng Birth Certificate ng Nanay ko ay meron pala siya at dahil doon ay mas naging kampante ako na mahahanap ko ang Nanay ko. Umalis din ako noon kahit disoras na ng gabi. Sa Puerto Princesa ay sinaglit kong dalawin ang mga naging kaibigan ko kasabay ng pagiingat siyempre dahil wanted ako.
          Makaraan ng dalwang araw, nagbiyahe na ako papuntang El Nido, El Nido  to Coron at nung sumunod na araw, Coron to San Jose, Mindoro Occidental naman.
Pero pagdating ko sa bahay nina Karlen. Nagliyab ako sa galit. Gusto kong saktan ang lahat ng taong nadatnan ko. Gusto kong sunugin ang bahay nila dahil sa balita nilang, wala na si Karlen. Sumama na kay Terrence.
>>>> 
          Nakapaghanda ang mga lalaking kamag-anak ni Karlen. Tabi-tabi sila noon na parang sa action movie na handang sagupain ako. Hindi ko sila nilabanan hindi dahil sa takot akong malamug sa  bugbog kundi mas pinili kong tumakbo papunta sa bahay nina Terrence. Gusto kong makausap si Karlen.
          Mabait ang magulang ni Terrence. Kahit galit na galit ako’t nagsisigaw ay pinapasok nila ako at ang sabi pa ng Mama niya ay kahit halughugin ko daw ang buong bahay nila ay hindi ko makikita sina Terrence at Karlen dahil, nagpunta daw ang mga ito sa Maynila.
>>> 
          Bahagi ng, boring kong buhay ngayon Kuya Bono ay ang panonood ng kung ano-ano sa YouTube at pati ang Dragon Balls na pambata ay pinapanood ko. At naaalala ko kung gaano ako ka-galit noong sumama si Karlen kay Terrence. Nai-imagine ko na yung galit ko noon ay parang kay San Goku kapag nagsu-super Sayan siya.
>>> 
          Yung panganay na kapatid ni Terrence lang ang nagawan ko ng masama noon dahil mayabang siya. Hindi na ako nagkaroon ng balita kung nabuhay pa siya dahil, tumakas na rin ako at napadpad ulit kung saan-saan.
          Kalibo, Aklan. Roxas City, Ilo-ilo at Cebu. Sa Cebu ako nagtagal at lubusang naging isang Anemal. Halang ang kaluluwa, hindi takot mamatay.
          Bakit ba eh, wala naman akong dahilan para mabuhay?
PLAY>S6
DKB-7        
          Isa akong anemal noon pero nagmahal ako ng sobra at tunay kay Karlen. Tinarantado naman niya ako kaya’t naging diskumpiyado ako sa lahat ng babae. Maraming babae ang sumawsaw sa buhay ko pero walang relasyon at emosyon. Halos lahat sila ay naging parausan lang at ganon din naman ako sa kanila. Hindi ako nanligaw kagaya ng panliligaw na ginagawa ko kay Karlen. Lahat ng babaeng nakasama ko sa Iloilo at Cebu, sila ang lumapit. Yung iba nga, pinakitaan ko pa ng masamang ugali pero hindi nadala. Nagsumiksik pa rin.
          Isa si Claire sa mga babaeng iyon. Si Claire ay nakababatang kapatid ng kasamahan ko sa grupo na si Yoyong. Dati rin siya miyembro ng grupo pero, pinatigil siya ni Yoyong dahil, delikado at mahal nito ang kapatid niya kaya ayaw niyang  mapahamak ulit ito. Si Yoyong ang kanang kamay ng amo namin. Si Claire naman ay single Mom at maliit pa noon ang anak nito. Mahal na mahal din ni Yoyong ang pamangkin niya, anak ni Claire.
          Natural na maganda at seksi si Claire, yun nga lang, mabangis siyang babae, puro mura ang maririnig mo kapag nagsalita. Napaka-casual ng diskarte niya sa akin isang gabi noon sa hideout. Wala si Yoyong noon. Ang sabi niya;
          “Oy Devin, gusto mo ba akong maka-sex?” Wala ako sa mood nung gabing iyon kaya’t hindi ko siya pinansin. Nilayasan ko siya at pinahabulan niya ako ng mura.
          Pero makaraan ng dalawang gabi, nasa rooftop ako. Magisang nakaupo sa bakal na upuan, hindi ko namalayang dumating siya at kaagad na lang umupo sa kandungan ko. Bagong ligo siya at napakabango. Noon unang may naganap sa amin ni Claire…at nasundan pa ng nasundan sa tuwing may magandang pagkakataon hanggang sa hindi ko namamalayang nahuhulog na ako kay Claire. Naniwala na akong mahal ko na siya noong minsang sumama siya sa trabaho, trabaho ang tawag namin sa gawain namin. May nangyaring masama kay Claire, nahulog siya sa get-away motorcycle na minamaneho ng Kuya niya habang tumatakas kami. Muntikan siyang masagasaan ng kasunod na Van at noon ay sobra ang naging pagaalala ko kay Claire. Mabuti na lang at mga galos lang ang tinamo niya.
          Gusto kong kausapin si Yoyong na huwag na niyang isinasamasi Claire sa mga trabaho namin, pero hindi ko ginawa dahil ayokong isipin nilang may pakealam na ako kay Claire. Mabuti na lang at kusang naisipan ni Yoyong na pagbawalan na ang kapatid niyang sumama sa amin at pinayagan naman siya ng boss namin kahit na, marami daw utang si Claire sa aming amo.
          Lingid sa kaalaman ko Kuya Bono ay, pareho lang pala kami ni Claire ng nararamdaman. Kahit hindi na siya kasama sa mga trabaho namin ay lagi pa rin siyang nagpupunta sa hideout para makita ako. Hindi siya nakatiis isang gabi, kinausap niya ako at sinabi niyang mahal na niya ako.
          “Lasing ka ba? Di ka naman mukhang nakainom ah…” Sagot ko pero sa halip na sumagot at bigla siyang lumapit at siniil ako ng  halik sa labi ko pero mabilis ko siyang itinulak;
          “Hindi kita mahal. May anak ka na. Hindi kagaya mo ang babaeng mamahalin ko….” Ito ang nasabi ko bago ko siya iniwan. Inasahan kong pauulanan ako ng mura ni Claire habang papalayo ako pero wala akong narinig mula sa kaniya. Ang narinig ko’y masamang balita tungkol sa kaniya makaraan ng isang araw. Naglaslas siya ng pulso at tinakbo sa ospital. Ang hindi ko maintindihan, kasabay ng balitang iyon ay ang masamang titig sa akin ng karamihan sa mga kasamahan ko. Si Kuya Torax na isa sa pinakamatanda, binulungan ako.
          “Delikado ka kay Yoyong bata, kung mahal mo ang buhay mo. Tumakas ka na habang may pagkakataon pa….”
          Matagal ko nang napapansin na sa lahat ng kasamahan ko ay si Kuya Torax ang pinakamabait. Natatandaan ko ngang nakita ko siya noon na lumabas ng simbahan kasama ang asawa at dalawang anak niya sa itsura niya noon ay wala tiyak makakapagsabing masama ang hanap-buhay niya.
          Sa lahat din ng mga dati kong kasamahan, nakakatulog lang ako sa iisang kuwarto kung si Kuya Torax ang kasama ko, dahil may pakiramdam ako na hindi niya ako ta-traydurin.
          Sa madaling salita, may tiwala ako kay Kuya Torax kaya ko pinakinggan ang payo niya. Umalis nga ako ng Cebu. Naisip kong kailangan kong isalba ang sarili ko dahil, hindi ko pa nahahanap ang Nanay ko.
PLAY>S7
DKB-8
          May dalawang teen-ager kaming kasama sa grupo, isang dose anyos at isang kinse anyos, pero hindi sila sumasama sa trabaho. Kadalasan ay mga spy lang sila, utusan. Pero sa mga tumatrabaho talaga, ako ang pinakabata.
          Tinatawag na nila akong Devin the Devil noon pero kumpara sa kahayupan ni Yoyong, sisiw lang ako. Pero hindi ako tumakas sa grupo dahil takot ako kay Yoyong at mga kasamahan naming kadikit niya kundi, ayoko lang mag-obliga na makipagrelasyon kay Claire. Ayoko ding mapahamak muna dahil hindi ko pa nakikita ang aking Ina.
          Nasusukat ko na ang sarili ko noon Kuya Bono eh. Sa mga sakit ng katawan, mapagtiis ako. Ilang beses na akong nabugbog, nabaril na rin ako minsan sa tagiliran pero lahat ng alaala ng mga sakit sa katawan ko, nakakalimutan ko. Pero yung sakit sa damdamin, doon ako mahina. Doon ako  naduduwag.
          Maganda, seksi at magaling sa kama si Claire…pero wala akong tiwala sa kaniya. Noon pa lang kasi Kuya Bono ay nai-imagine ko na na, kung kailan tapat at mahal na mahal ko na siya ay saka naman siya makakatagpo ng iba at gaya ni Karlen ay, iiwan lang din niya ako ng basta-basta.
PLAY>S8
DKB-9
          Umalis ako ng Cebu, bumalik ako ng San Jose, Occidental Mindoro taong 2016 na noon upang mag-focus na sa paghahanap sa Nanay ko. Hindi kalakihan ang bayan ng San Jose kaya’t tiwala ako noon na kung pagtutuunan ko talaga ng panahon ay mahahanap ko ang Nanay ko.
          May sapat na pera ako noon, sa totoo lang marami. Cash na naipon lang ng naipon sa bag kong de susi. Ni minsan kasi ay hindi ako nagbukas ng bank account at minsan lang ako napasok sa loob ng isang banko, hindi upang magdeposit o magwitdraw kundi upang magmanman lang kung sino ang magwi-withdraw ng malaki na siya naming  bibiktimahin paglabas niya ng banko.
          Sa San Jose ay umupa ako ng kuwarto sa halos dulo na ng Zamora Street na nasasakupan ng Barangay 6 na siyang nakalagay na address ng Nanay ko sa birth certificate ko. Pero dati ko nang alam sa kuwento ni Papa Loy noon na sa isang apartment lang sila nakatira noon ng Nanay ko pero doon ko pa rin sinadyang manirahan dahil ang alam kong marami doon ang nakakakilala sa Nanay ko. Tama ako, may ilan akong nakausap at kilala nila ang Nanay ko pero matagal na panahon na raw nila itong hindi nakikita.
Sa San Jose ay sinikap kong mamuhay ng normal at payapa at hindi na gagawa ng masama. Pumasok akong security guard kahit wala akong karanasan.
Nagkaroon pa nga ako ng matalik na kaibigan Kuya Bono na nakilala ko sa Solid Convenient Store na siya kung madalas pagbilhan ng mga kailangan ko. Siya si Leon na minsan kasing nalimutan kong magdala ng wallet at kinulang ang pera sa bulsa ng pantalon ko ay, kusa niyang dinagdagan ng pera ko. Mas bata ng maraming taon sa akin si Leon. Tingin ko’y 18 lang siya noon while ako ay lagpas trenta anyos na.
          Muli kaming nagkatagpo ni Leo sa Solid at nagkabatian ulit at noong pangatlong pagkakataon ay kinausap na niya ako. Nagtanong kung saan ako nakatira, hanggang sa inaya pa niya ako sa tinitirhan niyang apartment para daw makapagkuwentuhan kami. Ewan ko kung bakit nagtiwala naman ako bigla sa isang estranghero. Sumama ako at sa kaniyang apartment, pagbukas pa lang ng pinto ay mabubungaran ang crib ng isang sanggol na noon ay tulog. Anak daw niya ito.
          Pinagmasdan ko ang mukha ng baby at parang may humaplos sa puso ko, ewan ko kung ano yun. Basta nainggit ako bigla kay Leo. Nagluto siya noon at hindi niya ako pinayagang umalis kaagad. Tikman ko daw ang luto niya para makatikim ako ng Kapampangan Recipe. Taga Pampanga kasi siya at ang Live In Partner niyang si Joyce ang taga Mindoro, pero wala si Joyce noon dahil kapa-flight lang daw nito upang maging Domestic Helper sa Hong Kong. Sa kuwento ni Leo, para lang daw silang limang taon. 18 pa lang si Leo noon at bago lang siya sa San Jose, wala pa daw siyang gaanong kaibigan at hindi rin siya close pamilya o mga kamag-anak ni Joyce dahil, tutol ang mga ito sa relasyon nilang dalawa.
>>> 
          Sa unang dalawang taon ko sa San Jose Kuya Bono ay walang babaeng na-link sa akin. Kapag nagiinit ang katawan ko, pupunta lang ako sa bahay aliwan. Iinom, maglalabas ng babae para lang mapawi ng init ng katawan, pero ni totoo kong pangalan ay hindi ko masabi sa babaeng kasama ko.
          Hanggang sa natapos ang kontrata ni Joyce sa Hong Kong, umuwi siya at noon ay tinawagan ako ni Leo dahil nagluto daw sila ng marami. Nagpunta naman ako at noon nga ay nakita ko na sa personal si Joyce. Naroon din ang matalik na kaibigan ni Joyce na si Lilibeth na taga bayan ng Calintaan. May itsura si Lilibeth, medyo mataba nga lang at kulang sa height pero, kaagad kong napansin na mabait siya at sa apartment nina Leo ay parang hindi siya bisita dahil halos siya lahat ang gumagawa.
          Ipinakilala ako ni Leo kina Joyce at Lilibeth, pero sa sinserong titig ni Lilibeth noon ay nako-konsensiya ako dahil una pa lang ay nagsinungaling na ako. Marco kasi ang pakilala kong pangalan kay Leo noon pa man. Iyon ang pangalang madalas kong gamitin Kuya Bono sa mga taong hindi ako personal na kakilala. Noong hapon na at kinailangan nang umuwi ni Lilibeth sa kanila, hinatid ko pa siya sa sakayan. Sabi ko noon sa sarili ko, darating ang araw ay ipapakilala din ako sa kanila ang totoong pagkatao ko.
          Hindi ako  naniniwala sa anghel Kuya Bono pero kung iniisip ko ngayon, parang may gumagabay sa akin noon para makilala ko si Lilibeth sapagkat dahil sa kaniya, sa kanila ng kaibigan niyang si Mariella ay natagpuan ko ang aking Ina na noon ay nakatira sa bayan ng Santa Cruz. Kasal ito sa isang magsasaka, may lima akong kapatid sa aking Ina at ang panganay ay isang baklang doctor sa UAE, pero siyempre may panganay ako kasi ako ang unang sinilang ng aking Ina.
          Hindi naman masama ang ugali ng asawa ni Nanay.Inunuwa ko na lang siya na, mabubulabog daw ang barangay nila kapag nalaman nilang may anak ang Nanay ko sa ibang lalaki kaya’t nakisaup ito na huwag akong magtagal o mamalagi sa kanilang lugar.
          Maligaya akong makita at makasama ang Nanay ko, pero hindi ako nagkuwento ng marami sa kaniya tungkol kay Papa Loy, lalo na ang tungkol sa pangmomolestiya sa akin ng kaibigan niya.
>>> 
          Tinanaw kong utang na loob kina Lilibeth at Mariella ang pagkakatunton ko sa aking Ina at dahil doon Kuya Bono ay nagpasiya akong ligawan si Lililbeth dahil nalaman kong wala naman siyang boyfriend sa edad niyang 27 noon. Mas matanda ako sa kaniya ng tatlong taon pero bago pa ako tuluyang makapanligaw ay inunahan ako ni Lilibeth. Mula kasi noong magpasiya akong ligawan siya ay halos tatlong beses sa isang Lingo ako nagpupunta sa bahay nila, kahit may kalayuan ito.
          Isang araw ng Lingo nasa ilalim kami ng puno sa likod ng bahay nila ay, tinapat ako ni Lilibeth.
          “Marco, may balak ka bang ligawan ako. Masyado ka yatang napapadalas dito at kung ano ano pa ang dala mo sa tuwing dumaratingka….” Noon Kuya Bono ay gusto ko nang ipakilala kay Lilibeth ang totoong pagkatao ko kasi, nakakakonsensiya na tinatawag niya ako sa pekeng pangalan ko, pero hindi ko itinuloy dahil  noong muli siyang magsalita ay;
          “Kung may balak kang ligawan ako Marco, huwag mo nang ituloy kasi…baka hindi ako ang babaeng kailangan mo sa buhay mo. Wala na akong ovaries, hindi ako mabubuntis kaya hindi kita mabibigyan ng anak kung sakali….”
          Nabigla ako sa pagtatapat na ito ni Lilibeth pero bigla siyang tumawa.
          “Napaka-assuming ko yata Marco, inisip ko pang gusto mo akong ligawan eh pangit ko naman…” Sabi niya. Ngumiti lang din ako kahit na ang totoo ay nalungkot ako, kasi gusto kong magkaroon siyempre ng mga anak. Nagawa ko pa ring magsinungaling sa kaniya.
          “Dahil sa inyo ni Mariella, nahanap ko ang Nanay ko Beth. Masama bang makipagkaibigan sa’yo?”
          “Eh bakit kasi, kay Mariella hindi ka naman nagpupunta eh siya nga ang totoong nakakakilala sa Nanay mo…”
          “Malayo siya eh…” Sabi ko na lang ulit. Ang nakababtang kapatid ni Mariella Kuya Bono ay inaanak sa binyag ng Nanay ko, kaya nila ito kilala.
          Hindi ko sinadyang iwasan si Lilibeth pagkatapos non kundi, kinailangan ko na lang ding umalis ng San Jose dahil bumalik na ako dito Palawan….at dito ay nagpasiya akong gugulin ang natitira ko pang mga panahon.
PLAY>S9
DKB-10
          Sa San Jose, isang araw sa Mall na kasama ko sina Leo, Joyce at ang anak nila ay may baklang tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako pero sinikap kong huwag magpahalata kina Leo kasi, ibang pangalan ang itinawag sa akin ng baklang iyon. Nasulyapan ko siya at kilala ko siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Papa Loy.
          Ang ginawa ko ay humiwalay ako kina Leo. Sinabi kong may titingnan lang ako pero sinundan ako ni Ramulo, ang baklang kaibigan ni Papa Loy.
           Noong nasa medyo tagong lugar ako at huminto ako upang sitahin siya. Ang lakas kasi ng boses niya.
          “Ano bang kailangan mo damuho kang bakla ka?” Singhal ko sa kaniya. Pero ang sagot niya ay;
          “Wala akong kailangan sayo Devin, ikaw ang may kailangan sa akin!”
>>> 
          Sa mabilis at maiksing kuwento ni Ramulo. Nakapag-asawa daw ng lalaking amerikano si Papa Loy. Namura ko si Ramulo noon dahil akala ko jina-jamming niya ako. Sinabi rin niyang nakapagpatayo si Papa Loy ng bahay sa labas ng siyudad noong teacher pa siya dito, bago siya sumama sa Amerikano sa America…at ang bahay na iyon ay pamana niya sa akin. Sa akin daw nakapangalan ang property.
          Noong una, mayabang pa ako. Sabi ko, hindi ko kailangan ang kahit anong galing kay Papa Loy, pero nakapagisip-isip din ako. Isa, kuwento pa ni Ramulo ay ipinagkatiwala daw ni Papa Loy ang bahay sa isang kaibigan nilang bakla din, si Magno na noon ay kaaway na ni Ramulo. Sabi pa niya;
          “Umuwi ka na dun Devin dahil binaboy lang ni Magno ang bahay mo!”
>>> 
          Makaraan ng mahigit isang buwan pa bago ako  umuwi dito at nagustuhan ko dito. Walang ala-ala ng kabataan ko dito kasi, lahat ng bangungot ko’y nangyari sa bahay na inuupahan lang noon ni Papa Loy sa Puerto Princesa.
          Maganda dito. Baryo. Payapa. Maraming puno. Tahimik at maganda naman ang maliit na bungalow na pinatayo ni Papa Loy, pero tingin ko’y kulang sa bintana. Nanghihinayang ako sa preskong hangin na hindi naman masyadong nakakapasok sa loob ng bahay, kaya nagpatayo ako ng bahay kubo sa likod.
Kumpleto din sa gamit ang bungalow pero nakapaglagay pala si Magno ng ilang gamit niya na tinangay din niya noong palayasin ko siya.
          Malawak ang lote nitong bahay, lalo na dito sa bandang likod kung saan kami nagtayo ng kubo na yari sa kawayan. Katulong ko si Lolo Arno sa paggawa ng kubo noon, sa kaniya ko rin nabili ang mga kugon na ginawa naming bubong. Mula noon ay naging kaibigan ko na si Lolo Arno. 65 years na siya pero napakalakas pa niya. Nalilibang ako kapag kausap ko siya dahil marami siyang nasasabing bago sa pandinig ko. Marami din siyang paminhiin na pinaniniwalaan.
>>> 
Maganda ang kubong aming ginawa. May kuwarto, banyo at maliit na kusina. Dito ako naglalagi, madalang akong matulog sa diyan sa bungalow. Dito ako nanonood ng TV, YouTube at nakikinig sa mga kuwento sa channel mo Kuya Bono.
          Dito na rin ako kumakain at nagluluto ng pagkain ko.
>>> 
          Si Analyn ay tindera ng gulay at isda. Siya ay nagbabahay-bahay. Sila ni Lolo Arno ang dalawang taong unang nakaalam ng totoong pangalan ko.
Si Analyn ay dalagang Ina…at nakilala ko siya noong pangalawang araw ko pa lang dito dahil bumili ako ng gulay at isda sa kaniya.
          Agad kong nagandahan ang kasimplehan niya. Ang kaniyang inosenteng ngiti at malamlam na mata. Hindi ko nga naiwasan tanungin kaagad ang pangalan niya.
          Mula noon, araw-araw na akong bumibili sa kaniya…at sa pagusad pa ng mga araw ay natitiyak kong, nahuhulog na ako sa kaniya.
PLAY>S10
DKB-11
          Si Lolo Arno ang unang nakaalam ng tungkol sa lihim kong paghanga kay Analyn. Napansin kasi niyang lagi kong bukambibig si Analyn, hanggang sa tinanong na niya ako kung  gusto ko si Analyn. Umamin ako ngunit ang sabi niyay;
          “Napaguwapo mong lalaki Devin. Humanap ka na lang ng iba dahil baka mapahamak ka lang….”
>>> 
          Ayon pa kay Lolo Arno, hawak daw ng isang maimpluwensiyang tao dito sa Palawan si Analyn. Ang taong iyon ang ama ng kaniyang anak. Ipinagtaka ko ang sinabing ito ni Lolo Arno, bakit kako naglalako siya ng gulay at isda kung may mayamang tao palang may hawak sa kaniya. Ang sagot niya’y, hindi na raw tumatanggap si Analyn ng kahit ano mula sa taong iyon at kaya daw niyang buhayin ang kaniyang anak sa malinis na paraan. Ang sumunod kong tanong kay Lolo Arno ay, gaano kadelikado ang taong yun? Ang kuwento niya’y, may lalaki na daw na nagtangkang ilayo sina Analyn at anak nito dito sa Palawan, ang lalaking iyon ay kasintahan ni Analyn pero hindi ito nagtagumpay na mailayo si Analyn at hanggang ngayon ang lalaking  iyon ay hindi pa rin natatagpuan.
          Hindi na kailangang ipaliwanag ni Lolo Arno ang tungkol sa pagkawala ng boyfriend ni Analyn. Alam ko na iyon at nauunawaan ko din si Lolo Arno kung bakit, minungkahi niyang, humanap na lang ako  ng  iba.
>>> 
          Nasimulan ko na ang magbagong-buhay Kuya Bono. May nasimulan na rin akong maliit na negosyo na hindi ko na lang babanggitin dahil nasa Highway ito at maaari akong matunton dahil doon.
          Kaya kong ipaglaban si Analyn kung gusto niya. Hindi ako  natatakot kung ang pagibig ko sa kaniya ang dahilan para masabak ulit ako sa delikadong buhay. Kaya lang, sa tagal ng panahon niya akong suki, sadyang malayo ang loob niya sa akin at kahit ilang beses ko siyang sinabihan na huwag niya akong sine-ser ay sir pa rin siya ng sir.
          Marami na rin akong kaibigan dito liban sa mga tauhan ko sa aking negosyo. Kung mapapahamak ulit ako dahil kay Analyn, masisira lang ulit ang buhay ko.
          Kaya lang, noong matino na ang buhay ko, ramdam ko ang pangangailangan ng katuwang sa buhay at siya, si Analyn ang pinakagusto ko sana. Kaya lang, anong gagawin ko? Malayo ang loob niya sa akin. Minsan nga, may mga tanong ako na hindi niya sinasagot. Hanggang sa napansin ko pang sinasadya na niyang bilisan ang lakad niya kapag nasa tapat na siya ng bahay ko. Minsan ay hindi ko na rin siya nakikita at ang hula ko’y sa ibang kalsada na siya dumadaan para lang maiwasan ako.
          Nakilala ko ang sarili ko bilang matapang, mala-anemal at akala ko hindi na ulit ako makakadami ng sakit mula noong masaktan ako ni Karlen, pero nasaktan pa rin ako at nalungkot dahil hindi ako gusto ni Analyn.
          May mga pagkakataong parang nasisira ulit ang katinuan ko at iniisip kong daanin sa puwersa si Analyn. Madali ko lang magagawa yun kung gusto ko kahit na magkalintik-lintik ulit ang buhay ko. Pero may nangyaring hindi ko inaasahan.
          Naisipan kong gumawa ng facebook gamit ang totoong pangalan ko, pero litrato ng puno ng Mangkono ang nilagay kong profile picture at wala nang ibang litrato dun kundi yun lang. Ang punong kahoy na yun ay nakatayo sa bandang likod nitong kubo ko. Ayon kay Lolo Arno, ang Mangkono daw ang pinakamatibay na puno dito sa Pilipinas. Tinagurian daw itong baka na puno. Noong una, gusto kong ipaputol yan pero tumanggi si Lolo Arno kaya’t hanggang ngayon ay nariyan siya’t kahit anong lakas nga ng bagyo ay hindi tumutumba.
          Para siyang ako, sabi ko nga noon. Sabi ko lang pero hindi naman talaga dahil simula noong magbagong-buhay ako ay ramdam ko na ang panghihina ng loob ko. Naduwag na nga akong gumawa ng hakbang para mapasa-akin si Analyn…
          Hanggang sa isang pamilya na tao nga ang nag-send ng message sa akin sa facebook ko na dalawang araw ko pang noong nagagawa.
          Siya si Kuya Torax, kasamahan ko sa raket noon sa Cebu. Nireplayan ko at nagkausap kami. May dala siyang good news at bad news para sa akin.
          Ang bad news. Wala na pala si Claire, napuruhan daw noong ma-raid ang hideout at ang Kuya niyang si Yoyong ay nasakote ng pulis.
          At ang good news ay, may anak ako kay Claire.
          >>>
          At ang bata ay kaadag kong nakita sa litratong pinadala ni Kuya Torax, mistiso ding kagaya ko….at ang bata ay nasa pangangalaga ni Kuya Torax.
          Ang tanong niya sa akin noon ay;
          “Gusto mo bang alagaan tong anak mo, o sa amin na lang?”
PLAY>S11
DKB-12
          So may isa akong anak? Hindi. Mali. Dalawa, dahil noong nasa Cebu ako, sa bahay ni Kuya Torax ay may bago ding request message at galing iyon sa babaeng nanakit sa akin, si Karlen at sinabi niyang, anak ko ang panganay niya.
          Kaya lang ay nasa Africa sila ng asawa niyang si Terrence. Makikipagkita daw sa akin si Karlen kasama ang anak naming 11 years old na noon kapag umuwi sila dito sa Pilipinas.
>>> 
          Si Claude, itong anak namin ni Claire ay magta-tatlong taong gulang na noon pero napakalikot. Kaya ko naman sigurong alagaan siya pero, may negosyo din akong inaasikaso. Iyon yung punto ng buhay ko noon na kailangang-kailangan ko ng kasama sa buhay. Pero naisipan kong kumuha na lang ng yaya dito.
          Dala ko si Claude noong bumalik kami dito sa Palawan pero, naisipan kong dumaan sa San Jose, Occidental Mindoro. Nag-stay kami ng tatlong araw sa bahay ni Leo. Oo Kuya Bono, may sarili na silang bahay noon sa isang subdivision. Maliit lang pero maganda a nasa abroad ulit noon ang asawa niya.
          Si Leo ang nag-suggest sa akin Kuya Bono na, subukan kong ligawan si           Lilibeth, tutal may anak naman na ako dahil si Lilibeth nga ay wala nang kakayahang magbuntis.
          Dinalaw namin si Lilibeth sa kanila. Kasama ko si Leo, at ang dalawang bata. Anak niya at anak ko, at labis ang gulat at tuwa ni Lilibeth na makita ako ulit. Hindi ako nagpatumpik-tumpik Kuya Bono, sinabi ko sa kaniya na kailangan ko siya sa buhay ko. Tinanong ko din kaagad siya;
          “Gusto mo bang magpakasal sa akin at maging asawa ko?”
          Hindi siya nakasagot kaagad. Nagulat siya tapos napaluha. Hindi raw siya makapaniwala.
          Binigyan ko siya ng sapat ng panahon para magisip Kuya Bono…MATAPOS ko ring ipagtapat sa kaniya ang totoo kong pagkatao at madilim kong nakaraan. Natanggap naman niya ako at makaraan ng tatlong buwan, pumayag din siya…kaya’t naglakbay nanaman kami papuntang Mindoro upang masimulan ang pagaasikaso sa aming kasal  ni Lilibeth, sa tulong at paggabay din siyempre ng aking Ina.
PLAY>S12
DKB-13
          Sa ngayon Kuya Bono ay masaya at matiwasay kaming namumuhay ng simple dito sa Palawan. Inilapit din ako ng asawa ko sa Diyos kaya’t masasabi kong papunta na talaga ako sa tunay na pagbabago, pati nga ang anak ko kay Karlen ay natanggap ko na rin kahit na siya ay, alanganin, malambot o…binabae.
          Last year ay umuwi sina Papa Loy at ang asawa niya. Sinikap ko namang maging maayos ang pakikiharap ko sa kaniya at nagawa ko din siyang pasalamatan sa lahat ng nagawa at naibigay niya sa akin…at kahit hindi siya nanghingi ng tawad sa nagawa niya sa akin noon ay pinatawad ko na rin siya, dahil obligasyon ko iyon bilang isang nagpapakabuting anak ng Diyos ang magpatawad….at sana, kahit wala akong sawa sa paghingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko, hangad ko pa rin na sana isang araw, maramdaman ko rin na napatawad na talaga ako.
          Hanggang dito na lang Kuya Bono at sana palarin ding mabasa mo ang kuwentong ito ng buhay ko.
          Umaasa,
Devin
Tumblr media
0 notes
eiuk · 10 months
Text
Tumblr media
Puerto Prinsesa, in Palawan in the Philippines, was badly hit by Typhoon Rai/Odette in December 2021. Fishing boats were washed away or destroyed in the storm. Many households are dependent on fishing for their livelihood and daily food.
The 4 tribal churches in the area have continued to meet every Sunday. So many people have lost their Bibles in the typhoon, so they were very grateful when ERRP (EI in the Philippines) could provide more than 300 Bibles to them. This also includes Poimen Bibles for the Pastors.
The people in Palawan continue to walk in the Lord even with the many challenges that they are experiencing.
Ten families requested help with acquiring fishing boats. One fishing boat will be shared amongst 8 families. ERRP was able to assist with 3 boats and we are raising funds for 7 more boats.
- A fishing boat costs about 50,000 Philippine Pesos.
- One boat will help feed 8 families and create a livelihood for them.
0 notes
shesharesomething · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hoping this 4 day vacation was relaxing but I think this trip was more of learning how to cope with others wherein patience was really tested and deep understanding was highly needed. No joke this was sorta fun and exciting with all the planned destinations. Truly, I am amazed of the beauty of God's creation, from the beaches to the cave, to each island and rock formations. The food here was fresh and savory. The locals here was really kind, accommodating and jolly.
I enjoy walking around the city of Puerto Prinsesa. Visited the Plaza Cuartel, a histroric place here. Strolled around baywalk and enjoyed sweetcorn. We also ate at Guni-Guni, a hostel/restobar; they serve the best fried chicken, beef quesdilla and frozen margarita. I also love our nipahut airbnb.
On the second day, we had the Honda Bay tour. It is my first time to try snorkeling and it was fun. I enjoyed the fishes and the feeling of doing this new thing. I am looking forward to my next snorkeling. I certainly know this is not my last one.
After so many years, I was able to witness a beautiful sand bar at Luli's Island. I was also able to experience paddle diving :) I was so exhausted swimming. Only few people were in the island and we are so thankful for this experience.
We went to Cowrie Island, such a beautiful one. Sand was so fine, the nipa huts were so clean and cozy. Food served by the tour was so delicious. I enjoy the cool breeze of the sea, the trees nearby created some shed while you sat by the sand the enjoy the best view.
On our third day, we went to the one of the Seven Wonders of the World. - The Palawan Underground River. It was breathtaking. The rock formation around the cave was so beautiful. The cave was stunning, the stalagmites and stalactites, the minerals formed were so amazing.
The view of the West Philippine sea was so fascinating.
On our second accomodation, we really enjoyed the pool in the middle of the woods. The cute design of the bedroom, the aesthetic features of the house, such beautiful planted flowers around the place.
For our lunch, we will try the famous Ka Lui's Seafood Restaurant. :)
0 notes
johnczyro · 1 year
Text
Tumblr media
And now this is my great and loving dad. we have arrive in puerto Prinsesa this time, my dad took me and my mom on one of the most memorable moments of our lives. dad is such a hard working man and he cares not just for us but also to his family, he will do anything to keep me and my mom from anything he know we can be in negative situation. Dad have been great father to me since i was born he took care of me when i was just a little child, but he had to work in abroad to be able to give me and my mom a better life, me and my mom had to call him everyday when he's off to work. Ever since my dad moved to korea we never got the same bond again after he got back home, i mean he still got time for us but he still have to work for us to be able for us to survive this cruel world.
0 notes
ricambiauto · 2 years
Photo
Tumblr media
HONDA CIVIC L'undicesima generazione della giapponese è soltanto ibrida, per ridurre i consumi, ma senza che questo pregiudichi il dinamismo. Più moderno e minimalista lo stile di Cesare Nebbia. #kawasaki #yamaha #bmw #suzuki #motorcycle #italy #officina #mannol #meccanico #moto #car #cars #supercar #supercars #carswithoutlimits #ducati #ktm #grau #bikelife #civic #motocross #vtec #bike #motos #motorbike #motogp #hondacivic #s2000 #repost #motolife (at Honda Bay,Puerto Prinsesa) https://www.instagram.com/p/Ch14jjTsb4x/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
mjantido · 2 years
Photo
Tumblr media
Baywalk, Puerto Prinsesa https://www.instagram.com/p/ChrGy7MhM4z/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
waxswhys · 2 years
Photo
Tumblr media
Emotional after finally having the time to finish what seemed to be the longest book I have ever read. 6 months din kitang minahal. Pawis-pawis pa. Life changing. Had to internalize each chapter as it felt like it gave what I needed at the each moment @jordan.b.peterson Brought this book to Boracay, Zambales, Batangas, La Union, Tagaytay, Legazpi, Puerto Prinsesa, El Nido and Port Barton tas iiwan lang ako? Gagawin ko ngayon? Hirap mag move on shuta. Reto n’yo ko sa ibang libro. Any recos? #spottheniknikbites #wxyz (at Holiday Suites Port Barton) https://www.instagram.com/p/Ceh6pEzvM32/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
vulnerablerainbow · 4 years
Text
Tumblr media
📍 Puerto Princesa Bay, Palawan, Ph
0 notes
jasfhercallejo · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hello Puerto Prinsesa!
Adventurers and beach bums flock to the towering karst cliffs of El Nido, and divers and nature lovers are drawn to the lakes of Coron. But long before they made a mark on Palawan’s tourism map, Puerto Prinsesa was already giving tourists of all types a little taste of what the province has to offer.
The last time I went to Palawan was in 2016, I was a first year law student travelling alone because I needed some time and space to get away from the expectations, the conversations, the noise, the media, and the pressure. My law school experience isn't exactly how I imagined it, and I wasn't really your perfect stellar student, but I somehow managed. Today marks my first year as a lawyer, and looking back, honestly I wouldn't change a thing.
When in Puerto Prinsesa, I would totally recommend visiting Badjao Seafood Restaurant. This restaurant foremost concretizes the warmth unique to Filipino dining through its interior centered on wooden materials and a food selection that highlights local seafood dishes. Best believe that you can sail through the sea even while statically perched on your seat when you dine here. A must try!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
First stop — Kinabuch!
This place was recommended by some of our friends, and a few of the locals upon our arrival in our airbnb. Talk about the power of word of mouth. This laidback place is an open-air restaurant with a large parking space centrally located in downtown Puerto Princesa. Few huts are scattered outside, and the whole area is surprisingly well-lit. The food is good and definitely filling, and our cocktails are freshly made.
I have a firm feeling that this trip is going to be epic!
7 notes · View notes
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ginintuang Ala-ala sa Kayamanan ng Kaluran, Palawan
Noong ika-anim ng umaga ng ika-dalawangpu’t walo ng Hunyo ako’y unang nakalanghap ng hangin mula sa Palawan. Sa pag-apak ko pa lamang sa lupa nito’y agad akong namangha. Kahit nasa kalagitna kami ng bayan ng Puerto Prinsesa ay kapansin-pansin parin ang kakaibang “aura” sa paligid. Pagkarating na pagkarating namin, kami ay agad dumaretsyo sa isang tanyag na local na kainan. Syempre katulad ng aasahan mo sa isang lugar na napapaligiran ng dagat, karamihan sa pagkain dito ay lamang dagat. Kapansin-pansin ang pagiging sariwa ng lahat ng mga sangkap na siyang lalong nagpasarap sa mga pagkain. Pagkatapos kumain kami ay sunod na pumunta sa resort kung saan kami ay nagpahinga. Sa loob ng limang araw na pananatili sa Palawan kami ay maraming ginawa mga aktibidad at pinuntahang mga lugar. Kasama na rito ang pag"island hoping" na siyang nagdala saamin sa isang “hidden beach” na sobrang ganda sa kadahilanang wala masyadong nakakapuntang tao dito. Sulit na sulit talaga ang kalahating oras na paglaot at dalawang oras na "hiking" upang ito ay marating. Bukod dito ay nilibot din naming ang isang bakawan na talaga namang mamamangha ka. Sa paglibot na ito ay nakainkwentro kami ng anim na “sea snakes”, sa kabila ng takot ay nagawa pa itong kunan ng larawan ng aking pamangkin. Sunod naming ginawa ang pag-“zizip line” na siya namang napakasaya. Pakiramdam ko nga’y ako’y tinubuan ng isang pares ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid habang ito’y nagaganap. Pinuntahan din naming ang isa sa “Seven Wonders of Nature” at iyon ay ang Puerto Prinsesa Underground River. Bagamat mabaho sa loob kamangha-mangha naman ang mga hugis pormasyon ng mga bato na makikita rito. Ginamit din naming ang pagkakataon na ito upang makihalubilo sa isang etnikong grupo sa Palawan. Ipinakita saamin ng mga katutubo ang ilan sa kanilang ikinabubuhay kagaya ng pangangaso at paggawa ng insenso. Bagamat hindi naiitindihan ang kanilang mga sinasabi tila ba’y may kuneksyon kami sa mga ito na kaya kahit simpleng senyas ay naiintidihan namin. Bago naming tuluyang lisanin ang lugar ng mga katutubo ipinahawak saamin ng mga ito ang kanilang alagang ahas. Kami ay kumaway sa isa’t isa bilang tanda ng pagpapaalam sa kanila. Pumunta rin kami sa isang wildlife preservation center sa Palawan. Ang lugar na ito ay parang isang normal na “zoo” lamang. Ngunit kapansin-pansin ang isang bagay na kailan ma’y di ko pa nakikita sa ibang “zoo” at yun ang ang napakalaking kalansay ng buwaya sa entrada ng lugar. Dito ko rin unang naranasang humawak ng isang buhay na buwaya. Ako’y namangha dahil nung simula akala ko’y napakatigas at magaspang ng mga balat ng mga ito. Ngunit nung aking mahawakan ang mga ito, napagtanto ko na napakakinis at malambot pala ng mga balat nito. Noong araw ng aming pag-uwi kami ay nagkaroon ng mga kaibigang “foreigner” na isa palang “vlogger” syempre kami ay tuwang-tuwa noong kami ay maisama sa kanyang “vlog”. Bagamat maikli lamang ang bakasyong ito sulit na sulit naman dahil isa ito karanasang hinding-hindi ko malilimutan. Ang mga ala-ala ko dito ay patuloy na kikinang na parang ginto saaking isipan.
1 note · View note
thatnotionoflove · 7 years
Text
One of Puerto Prinsesa’s most popular tourist destinations.
Baker’s Hill, Puerto Prinsesa, Palawan One of Puerto Prinsesa's most popular tourist destinations.
1 note · View note
cauldrondawn · 6 years
Text
@ self, ugh stupid
1 note · View note
greenpensouth · 3 years
Photo
Tumblr media
(November 9, 2018) "Basking" Under early morning sun. (Puerto Princesa, Philippines) * * [Nikon #D3300, AF-P #Nikkor 18-55mm f/3.5-5.6G DX VR, f/5.6, 1/320s, 55mm, ISO 100] * * Testing the monochrom rendering engine of the new Nikon NX Studio with NEF files from pre-Covid Palawan, Philippines. * * #Nikon #NXStudio #Cats #Sunrise #Morning #MorningGlow #Coastal #catsofinstagram #monochrome #blackandwhite (at Honda Bay,Puerto Prinsesa) https://www.instagram.com/p/COmlye3Fqgn/?igshid=3z0aod4pteoc
1 note · View note