Tumgik
Quote
your breath, your scent, your warm embrace; bequeath; none left, when love efface
#evenevilmenhavefeelings
0 notes
Text
Being good means.... what?
Nagbabasa ako habang nakabukas tv, kasi mag-isa ko sa bahay tapos duwag ako, It takes a Man and a Woman yung show. Napatigil ako nung dun na sa may epilogue, dun sa speech ng tatay ni Miggy, dun sa may tv. Dun sa being good than being the best.
Wala lang, naisip ko lang, ano nga ba talaga yung being good? Kung tutuusin, napaka-lawak naman talagang ussapin yung “good”, kasi iba-iba at naka-base yun sa perspective ng bawat isa. Pwedeng good sayo, sakanya hindi. Pwedeng good sakanila, pero sayo nakakayamot. Diba? Isipin mo. Sigurado ako sa tropa mo, o kaya naman sa pamilya mo, may mga panahon na ganyan. Okay lang na magtipid sa ganito kasi ganyan, pero sayo mas gusto mong gumastos sa ganito kesa sa ganyan. Kaya nakakabato lang isipin, ano ba talaga yung good?
Para sakin eto yan, ilusyon lang ang “being good”. Dapat ang tinuturo siguro sa atin ay “being human”. Kung tatagalugin, pagiging mabait/mabuti ay talo sa pagiging makatao. Well technically, opinyon ko lang naman to; based sa mga pinagdaanan at katarantaduhan ko. Pero hayaan mo na akong i-defend kung bakit para sa-akin ay mas importante ang pagiging makatao kesa sa di constant na opinyon ng madla sa being good.
Isipin mo nasa mundo ka na puno na ng zombies; cool nun, zombie apocalypse. Tapos konti nalang supplies niyo sa “camp” niyo. Kailangan may lumabas para maghanap ng supplies (advise ko lang, mas importante ang tubig at pagkain kesa sa mga baril; zombie apocalypse fan here), ikaw ang pipili ng mga taong lalabas at eto ang options mo: (btw ikaw bahala kung lahat sila papahanapin mo o kung ilan man sakanila) *Pulis, M, 33 yo *Teacher, M, 22 yo *Priest, M, 45 yo *Call center agent, F, 20 yo *Student A, F, 17 yo *Student B, M, 17 yo *Nurse, F, 24 yo *Resident Dr, M, 27 yo *Driver, M, 32 yo *Retired govt official, M, 69 *Ikaw, kung ano man gender at age mo
…sige isip ka.
Okay na? Siguro matalino ka, kaya alam mo na walang tamang sagot. Kasi sino ka ba para mamili at magdesisyon kung sino ang magbubuwis ng buhay para sa nakararami? Walang ganun, wag kang bida. Kahit kailan hindi naging mas importante ang isang buhay kesa sa nakararami. Pantay pantay, pare-pareho ang halaga ng buhay. Kung good ka, kung mabait, o mabuti, kailangan mong isipin ang nakakabuti, diba? Kung titignan natin sa kabilang point of view, maganda naman talaga kung yung mga malalakas at may alam ng lugar yung maghahanap ng supplies diba? Pero kung tutuusin, importante din na may malalakas na magstay para idefend yung camp. O pano na? Dalawang good. Hihingi ka ng discernment? Tapos? Pipili ka padin? Wala kang karapatan pumili, buset ka. Hahaha.
Pero malamang may mga makatao dyan, na mag vovolunteer, para sakin tanga yun, pero kailangan eh, minsan kailangan mong magpakatanga para mag survive ka sa buhay. Minsan kailangan mong maging tanga para maging matalino. Pero @*#*;“,@’, ano bang pinupunto ko dito? Simple lang. Pantay-pantay tayo dito, kaya being good means sht, if you’re not human enough to man up (or girl up🤔) and do sht. You, and nobody in this f@*# world has the right to decide for other people. Kayaaaaa, para sa mga mabubuting tao dyan na grabe mang-mata ng kapwa? Para sa mga matataas masyado at magagaling na napakabilis mag condemn ng mga tao? 🖕
Being good means sht. Pare-pareho lang tayong asshole. Kupal ako, kupal ka din. Di mo alam storya ko, baka kahit summary di mo alam, anong ineepal mo dyan? At para sa mga kapwa kong gago, na nadedepress at napapaluhod sa pressure at panghuhusga na ibang tao sa paligid, pahiram ko muna sainyo to 🖕; balik niyo nalang pagtapos niyo gamitin. Ang daling sabihin na wag kayong magpaapekto sa sinasabi ng iba; pero mahirap yun, alam ko, kasi kahit ako muntik na kong sumuko. Siguro iniisip mo, walang ibang nakakaintindi sayo, wala kang ibang kasama o kung ano man; mali ka, mali tayo. Eto kasi yan, di natin naiintindihan sarili natin, tapos madami pang umeepal aa paligid, so ganito gawin natin, ganito gawin mo, bitawan mo lahat. Sabay sabay. Tapos yung mga di mo kayang mawala, yun ang una mong pulutin, dun ka unang kumapit. Focus on the things that makes you human.
Uulitin ko, Focus on the things that makes you human; because in this world, being good means sht.
0 notes
Text
Prologue
Well, I'm an asshole. I just want to say it right off the bat. I just made this Tumblr para magkaron ako ng output sa mga iniisip, nararamdaman at napagdaanan ko. Nakakatawang isipin, dati sobrang damig nakikinig sakin. Dati ako pa ang nagbibigay ng sangkaterbang payo sa mga tao, deretso; tagos sa puso, pero totoo. Lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Grabe, ayaw na ayaw kong may mga nang-gago sa mga kaibigan ko. Bali ganito, sa unang post ko(kung post nga ba matatawag dito) mag disclaimer na agad ako. Kung inaakala mo na ang mababasa mo dito ay kagandahan ng buhay, makulay, masaya at nakakasaludo, umalis ka na. Mababadtrip ka lang. Diary of an evil man nga oh. Pero kung matalino ka, matuto ka sa mga ginawa kong pagkakamali sa buhay ko. Wag mo hayaang matulad ka sakin. At kung wala kang magawa, tara, samahan mo ko, kahit di tayo magkakilala, magkunwari ka nalangbna may pakielam ka. Tignan natin pareho kung saan hahantong itong buhay ko ngayon na pipilitin kong magsimula ulit. Pero sinasabi ko na talaga sayo, mababadtrip ka sa mga nagawa ko. Assuming na may magbabasa nga anaman nito maliban sakin diba?
0 notes