meoowzedong-blog
meoowzedong-blog
Meow!
8 posts
Marxist-Leninist-Maoist and Feminist. Cat person but has two dogs. Fitness freak. Averagely frustrated in everything.
Don't wanna be here? Send us removal request.
meoowzedong-blog · 12 years ago
Text
I’m not the girl of a thousand words to lure you. As much as possible, I like to keep things simply, precise. Because I like to be understood.
But what can I do? That's you. 
I can’t and I won't even try to force you into my beliefs, but if things turn out so dramatic and pointless, I will try to make sense out of you. If you want so much to live in the shadows, if that’s what keeps you going, then go on. But you should also consider living in the light. Because it's never hard to be understood, by others and yourself—once you really wanted to. 
0 notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Text
Wow. 
Do you want to know something? Remember what people say that you'll never forget your "first love" ? Well, I never thought I'll feel this and  I never thought I'll remember. Now here I am, writing about you.
It's kind of funny because I never did this when we broke up. I know the feelings were real. I cried, I said horrible things and I know I loved you so much, but none of those shitty things ever made me to express my loss in words. Especially of this kind, which the world can know.
Six years. Six years it has been. And I know I have moved on. But honestly, I never got the chance to reflect about what happened. Never had the slightest understanding for why we needed to up too soon. Well, did you?
I remember when we used to talk about the things around us. It was countless hours on the phone, texts and even here on the internet. I remember when we shared almost the same interests. I remember our first date, our first kiss. Actually, It was a lot of firsts. And so much, I didn't know that was the last.
I remember all the feelings we shared. We laugh at the best jokes, booed on the worsts. We terribly hated seeing one of us angry or sad. And of course, how can I dare forget? We were both in love. As if forever was written on our sleeves.
But as we grow up, we realized so many things. We weren't in the perfect moment. We were too young for the challenges. Too young for love and commitments. I suppose that tore us apart. 
At this point, I am not any bitter anymore. In fact, in case you read this, I want to thank you. Thank you for teaching me how to love, because of this, you made me realize that I could give back more. Not only to other men, but to the rest of the world as well.
So to end my letter for you, all of this must rest in peace. Finally. I have created my own world, you have created yours as well. And I'm quite sure that in these worlds we created, no path directs us to be together again. However If there is, the connection is only minimal. Friends, to put it clearly.
However, on the personal side, I think that me writing about you is suicide. This might be read by some people I know, may be read by the man that I truly love now,but I don't know. Either way, I'm sure they have felt this, too.
Well, I'm not sure. I'm just clearing my head.
0 notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Then drop it. </3
26 notes · View notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Ignoring food: it's never easy.
32 notes · View notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Text
You meant nothing to me, the first time we met. We greeted, talked, and became friends. Still, all that meant nothing.
But now, I don’t know. what magic did you do? Suddenly you’re everywhere. And my days aren’t complete, without seeing you.
Now I am infatuated Completely drowned into your spell. I was supposed to hate you. Maybe I do… But no, I’m infatuated by you.
5 notes · View notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Text
Fitness Girls (part 2)
ito yung karugtong nung sinulat kong Fitness Girls. Sa sobrang haba, baka tamarin kayo eh. Haha, kaya hinati ko nalang. Enjoy! :)
  Uso rin ang pagandahan ng mga toiletries. Hindi sa usapin ng tuwalya o pang-alis ng libag, kung sa mga ginagamit na produkto para sa kanilang buhok at pangangatawan. Bagamat mahal ang registration sa Fitness First, hindi pa rin lahat ng mga miyembro nito ay mayayaman. Tulad namin ni mama, ang dala-dala lamang namin sa tuwing kami'y maliligo na ay Cream Silk at isang bareta ng Likas papaya. Ngunit ang ibang kababaihan, lalo na yung mga may edad na ay kung anu-anong pampaganda ang dinadala. Mayroon silang body scrubs tulad ng mga nauusong salt scrubs at Asian Secrets. Mayroong mga hair spa treatments na tuwing sasabak sa sauna ay parang nagpa-hot oil din ang pakiramdam. Kung anu-ano rin ang kanilang pinapahid sa balat. Liban sa lotion, may ilan sa mga kababaihan ang nagdadala ng raw honey upang imasahe sa sarili. Hindi rin nawawala ang pinakamamahal na make-up kit na tuwing lalabas ka na sa gym ay feeling fresh and fabulous ka na, at puwede ng gumimik at maki-party.
Bukod sa usaping pagandahan, nalaman ko na ang isa pa rin sa pinakaprimeryang paksang pinag-uusapan ng mga kababaihan sa loob ng sauna ay ang kanilang buhay may-asawa, buhay ina at sideline worker ng kanilang pamilya. Napansin ko na halu-halo ang lumalabas na emosyon sa tuwing ikinukuwento nila ang kani-kanilang mga mister. Yung iba sa kanila, sobrang in love at sobrang kuntento sa kanilang buhay may asawa, samantalang mayroon na ding nabuburyo at animo'y gusto ng kumabit sa ibang lalaki, ngunit napipigilan lamang dahil sa mga relihiyosong paniniwala at dahil nag-aalala sa mga magiging future ng kanilang mga anak oras na sila'y mawala o magloko.
At tulad ng nabanggit ko kanina, madalas din ang usapang bisnes sa loob ng locker room. Kung tutuusin, pinagbabawal ng institusyon ang ilegal na pagbebenta sa loob ng Fitness First. Pero dahil paminsan-minsan lamang nadadalaw ang mga babaeng administrator sa loob ng locker room, malaya ding nakakapagbenta ng kanilang mga goods ang mga businesswomen doon. Sari-sari din ang kanilang mga binebenta: pagkain, gym apparel, lingerie at pati mga beauty products. Tulad na lamang nung huling beses kong sumama sa nanay ko nitong dumaan na Linggo, pilit na iniiwasan ni mama yung nagbebenta sa kaniya ng pekeng Adidas na T-shirt. Napagsabihan ko tuloy si mama na, "bakit mo pa tinataguan, puwede ka namang humindi." Palibhasa kasi bumili si mama noon ng jogging pants sa parehong nagbebenta, kaya siguro'y akala na kakagat muli si mama sa mga bentahe nito. Ganumpaman, bumili pa rin kami ng mani sa isa pang babae na nagbebenta sa loob ng locker room, hindi naman kalugian kasi masarap naman at marami, pantawid gutom mula dun sa strenous na pag-eehersisyo.
Itong mga kuwento na aking binanggit ay ekstensyon lamang sa mga karanasan na mayroon ang mga kababaihan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sinasalamin nito ang kanilang katayuan sa lipunan na kanilang ginagalawan na may bahid ng patriyarkal na sistema. Ito ang paksa na pinili kong kilatisin dahil kung iisipin, bakit nga ba sila sumasali sa mga fitness institutions na tulad ng Fitness First ang mga kababaihan sa unang banda? Malamang gusto nilang makapag-awas ng timbang at magpaganda ng hubog ng kanilang mga katawan at isipan, ngunit doon lamang ba natin siya maaaring tignan?
Kung ibabatay natin sa mga nagaganap sa loob ng Fitness First ang mga sitwasyon ng mga kababaihan, mapagtatanto natin na hindi lamang sa simpleng pagkuha ng healthy lifestyle ang kanilang payak na layunin. Isa rin itong venue sa pagpapalaganap ng mga isteriyotipikal na persepsyon natin sa mga kababaihan. Sa pamamagitan ng pagpapayat, na-oobjectify ang kanilang uri dahil nagbibigay ang mga institusyon tulad ng Fitness First katuwang ang media ng isang “ideyal” na persepsyon ukol sa kagandahan. Dahil dito kailangan pa ng mga kababaihan (at pati kalalakihan) na mag-enroll at bumili ng kung anu-anong pampaganda upang marating nito ang ninanais na itsura.
Para naman sa mga ina o mga businesswomen, nagsisilbi din itong ekstensyon ng kanilang trabaho dahil suma-sideline ang mga ito. Ang Fitness First ay binuo upang i-pamper ng mga miyembro nito ang kanilang mga sarili, ngunit sa loob nito’y nagaganap ang sinasabing multiple burden, dahil liban sa reproduktibong gawain ng mga kababaihan sa kanilang tahanan, nagbebenta pa rin sila ng kani-kanilang mga produkto upang makahanap ng dagdag kita para sa ikabubuhay nila o ng kanilang mga pamilya, kahit pa mayroon itong malaking multa at pati banta ng suspensyon.
Pinapakita rin ng kanilang mga kuwento kung paano sila nasusubordinate sa mga kalalakihan. Lumalabas na parang yung mga kababaihang may gusto kay Kuya Allan na sila pa ang gumagawa ng kung anu-anong bagay at kalokohan para lamang mapansin sila nito. Ipinapakita rin na sa kababaihan nakasalalay pagkapanatag ng kanilang pamilya. Hindi sila pupuwedeng humiwalay sa kanilang mga pamulya dahil may mga institusyon din na maaaring dustahin ang kanilang pagkababae, tulad ng simbahan o kaya’y ang mismo nilang pamilya.
Sa totoo lang natutuwa ako dahil sa pagsama ko kay mama sa gym ay nalalaman ko ang mga sabu’t saring mga kuwento na nararanasan ng mga kababaihan. Marahil lumalabas na napangahas at napaka-pakialamera kong babae dahil pinupuna ko ang ilan sa mga ginagawa ng mga fitness girls sa loob ng gym, ngunit nakakalungkot kasi ring isipin na sa halip na maging venue ang mga fitness institutions na ito bilang mga porma ng pagtakas ng mga kababaihan mula sa mga dikta ng lipunan, ay nagsisilbi rin itong ekstensyon ng kanilang isteriyotipikal na gawain—sa porma man ng ekonomiko o panlipunang aspeto.
Hindi naman masama ang mag-gym, magpaganda ng katawan at kung anu-ano pa, ngunit dapat hindi natin ito ginagawa upang makapag-please ng mga tao na nasa paligid natin o para sundin ang dikta ng lipunan na ating ginagalawan. Dapat ito’y maging isang venue kung saan malayang naeehersisyo lalung-lalo na ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatan, hindi lamang sa pangkalusugan, kundi pati sa iba pang aspeto nhg kanilang pamumuhay.
0 notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Text
Fitness Girls (part 1)
This was the paper I made for one of my major classes, I just thought that it would be cool to share it as well here in Tumblr para naman hindi laging pictures yung nakapost. Haha, enjoy! 
Sa ngayon, magsasampung buwan na mula nung sumali yung nanay ko sa Fitness First. Magmula noong nakapag-issue siya ng credit card mula sa kaniyang bangko, minabuti niyang pagsamantalahan ang oportunidad upang "pasarapin" ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagpapaganda at pagpapagaan ng katawan at ng isipan.
May mga pagkakataon na puwede ako o kaya ang mga kapatid ko na sumama sa aming ina. Tuwing Biyernes kasi, dinadaos ng Fitness First ang family day. Sa araw na ito, pinapayagan ng administrasyon na pasamahin ng mga miyembro ng Fitness First ang mga kamag-anak o kaibigan nila nang sa gayon ay sama-sama silang makakapag-bonding at sabay nilang maaabot ang isang healthy lifestyle.
Para sa akin, isa itong napakagandang promo. May kamahalan ang singil ng mga ganitong klase na fitness center. Akalain mo, humigit kumulang na dalawang libo rin ang dumadagdag sa utang mo sa bangko? Kaya siguro marapat lamang na magkaroon ng kahit isang araw sa linggo na malilibre ang mga kamag-anak sa mga services ng Fitness First. Kung sa bagay, sino ba naman ang ayaw ng isang healthy na pamumuhay, hindi ba?
Kaya sa sampung buwan na pagji-gym ng nanay ko, hindi ko pinalipas yung ganitong pagkakataon. Lalo na nung unang semestre ko sa UP, suwerte ako na wala akong klase tuwing Biyernes kaya lagi ako nakakasama.
Sa bawat pagpasok namin ng aking ina sa gym, mapapansin kaagad kung anong kasarian ang mayorya ng mga miyembro, mga kababaihan. Iilan lamang ang makikitang kalalakihan lalo na sa oras ng hapon, dumadagsa lamang sila pagkagat ng dilim, kadalasa'y nakabihis opisina pa rin. Ganumpaman, ang mga kababaihan sa halo-halo sa edad at hugis ng katawan. May mga tinedyer na tulad ko na marahil ay sinama rin ng kanilang mga magulang. May mga atletang kababaihan na nagbubuhat ng mga nagbibigatang barbel o kayang bilisang tumatakbo sa mga treadmill upang palakasin ang kanilang stamina para sa susunod na fun run o fitness activities. May mga ina at mga lola na nagpapaturo sa kanilang mga personal trainer upang makapaglagas ng mga ekses na taba sa alinmang parte ng kanilang katawan sa mas mabilis na paraan. At mayroon ding mga kababaihan na nakaupo lamang sa lounging area, nakikipagchismisan, nagtsi-"cheat-eating," nagbebenta ng kani-kanilang beauty products o kaya'y nag-aagawan sa dadalawang computer unit na may libreng internet connection upang ipamahagi sa buong mundo na nagji-gym sila via social networking sites, tulad ng Facebook at Twitter. Ganito lagi ang scenario na naabutan namin sa tuwing papasok kami sa Fitness First.
Ngunit nagbabago ito tuwing sasapit ang alas singko y medya ng hapon. Sa oras na ito kasi, dinadaos ang pinakamatinding weightloss exercise na tinatawag na Body Combat. Ito ay isang uri ng group exercise activity kung saan mahigit pitong daan na kalorihiya ang nababawas sa iyong katawan. Ang Body Combat ay isang mixed martial arts training kung saan ang iba't ibang combat skills ay puwedeng matutunan. Halimbawa na rito ay ang Muay Thai, Taichi at pati Boxing na pinakapaborito ko. Nauubos ang mga taong nasa lounging at cardio area upang dumalo sa group exercise na ito. Ngunit ang kapansin-pansin sa loob ng group exercise room, ay panay babae rin ang mga lumalahok, karamihan sa kanila ay matatagpuan sa harapan, malapit sa nagtuturo na si Allan.
Liban sa pagpapayat, marami din ang lumilitaw na dahilan kung bakit laging dagsa ang klase ni Kuya Allan. Isa kasi siya sa pinakamagagaling na instruktor sa buong Fitness First. Seryoso siya pagdating kaniyang klase. Kumbaga exercise kung exercise, papayat kung papayat. Halatang halata naman kasi sa pisika niya yung ibig sabihin ng healthy lifestyle. Naglalakihan mga masel ng katawan, may matagalang stamina, at may pokus ang isipan na kahit sinuman ay gugustuhing makuha. Ngunit dahil rin sa mga karakteristiks na ito ni Kuya Allan, malakas ang dating niya sa mga kababaihan, na marahil isa rin sa dahilan kung bakit puro kababaihan ang nasa harapan ng kaniyang klase. Napatunayan namin ito ni mama noong isang beses makausap namin ang ilan sa mga babaeng fan na fan ni Kuya Allan at sa mismong klase kung saan ang mga "fangirls" na ito ay nabibigay at hinahandaan siya ng mga masasarap at nagmamahalang pagkain o regalo.
 Liban sa kuwentong pag-ibig at sex appeal, iba rin ang kuwentong masasagap sa oras na papanik na sa locker room upang makapagligo at makapag-alis ng lamig sa katawan sa sauna. Kahit hindi ko sinasadyang makinig sa mga pinag-uusapan ng mga kababaihan, sari-saring istoriya at karanasan ang napatunayan ko na sumasalamin sa mga ugali at gawain ng isang regular na babae. Halimbawa na rito ay yung mga tulad kong obsessive compulsive o concious sa pangangatawan. Sa loob kasi ng banyo, malaya ang mga kababaihan nai-expose ang kanilang mga dibdib (pare-parehas nga naman kasing mga babae), na kung itatago man natin o hindi, nareresulta sa pagiging insecure ng ilang kababaihan sa kanilang mga pangangatawan. May mga babaeng pinagpala ng malulusog na hinaharap, mayroon ding mga pinagkaitan at animo'y kasinglaki lamang ng kamatis.
  Itutuloy :) 
0 notes
meoowzedong-blog · 12 years ago
Text
LIFE IN PLASTIC, IT'S FANTASTIC!
Ito nga pala yung isa sa mga nauna kong literary piece na pinasa sa PUP The Catalyst. Sa kasamaang palad, sa paglipat ko sa UP ay 'di ko na nakitang ipublish. Sa gusto kong mabasa ninyo ito, marapat na i-share ko na rin sa Tumblr, mas malawak naman ang audience dito HAHA! (hopefully)
  LIFE IN PLASTIC, IT'S FANTASTIC!
Ni Angel Aquino, 2011
Naranasan mo na bang magka-Barbie? Siguro bilang isang babae, imposibleng hindi.
Si Barbie ay isang babae, tulad mo. Matangkad, balinkinitan, maayos sa sarili, at higit sa lahat…maganda. Sa kanyang mala-diyosang katangian hindi nakapagtataka na naging tanyag si Barbie sa mundong ito.
Malaki ang naging papel sa akin ni Barbie sa aking pagkabata at sa aking pagkababae. Sa katunayan, halos hindi ko na matandaan kung ilang manika ang dumaan sa aking mga palad—mapa-Barbie pa yan, Bratz o paper dolls. Halos magkandaugaga ako sa pag-iyak at paghingi ng pera sa aking mga magulang, mabili lang ang susunod na collection ni Barbie.
Akala ko ang pagkakaroon ko ng Barbie doll ay para lamang sa aking personal na kasiyahan at kakontentuhan. Pero lingid sa aking kaalaman, may iba pa palang layunin ang manikang ito sa aking buhay. Maliban sa pagiging isa sa mga malalapit kong kalaro’t kaibigan, nagsilbi din itong modelo para sa akin. Nagkaroon ako ng persepsyon na maging katulad niya. Nagbabakasaling mas maging ganap ang aking pagkababae kung gagayahin ko siya, at mas matatanggap ako ng lipunang ginagalawan ko.
Nagbuhos talaga ako ng matinding effort para maging kawangis niya. Pinagkagastusan ko ito. Binili ko ang mga damit, sapatos at bag na sumasabay sa uso para hindi ako maparatangang walang taste, baduy, jologs at kung ano pa mang katawagan na hindi ko na binalak pang alamin. Bumuo din ako ng sarili kong make-up kit para kung sakaling oily na yung mukha ko, makakapagre-touch ako. Buwan-buwan, kailangan may ipon akong pera. Para kung sakaling gusto kong magpa-parlor, magpa-manicure, pedicure at kung ano-ano pang “cure” na puwedeng i-apply sa aking mukha at katawan ay magagawa ko. Maliban pa roon ay kailangan din magkaroon ng kaunting pagbabago sa pang-araw-araw kong pamumuhay. Tulad na lamang sa pag-kain. Kailangan may control ako sa paglamon, kailangan makuha ko yung 36-19-34 na vital stats ni Barbie (hindi yung standards na inilabas ni Jay ng Kamikazee sa isa nitong kanta), kahit alam kong napaka imposible nitong marating dahil sa bone structure kong mala-maton. At pati na rin sa aking pagkilos at pananalita. Yung tipong kailangan may “poise” ako, kasi ayun nga naman ang pinaka-unang tatak ng isang babae…ang maging mahinhin. Dapat din hindi ako barubal magsalita, hindi nag-mumura. Dapat magalang ako at mag mukhang smarte sa harapan ng maraming tao. Halos lahat ng katangian ng babae na maganda at kaaya-aya sa paningin ng tao ay ginawa ko na.
Laking pasasalamat ko naman na nagbunga ang lahat ng pagtatiyaga ko. Maraming nakapansin sa aking transpormasyon at karamihan pa nga’y nagulat. Nakakakuha ako ng maraming papuri hindi lamang mula sa aking mga kamag-anak, kundi pati na rin sa mga kakilala’t kaibigan. Isipin mo, mula sa isang “manang” na babae na wala man lang makapansin sa bagong hikaw na hugis puso at kumikinang-kinang, naging isang ala- 3rd runner up beauty queen na trending sa facebook at guestings sa iba’t-ibang TV shows. Sino nga naman ba ang hindi magugulat? Kapag napapadaan ako, mas karespe-respeto na akong tignan. Dumami ang aking mga kaibigan, taga-hanga, mangingibig. Masaya dahil pakiramdam ko, kagalang-galang at mas “angat” ako sa iba.
Ngunit hindi pala lahat ng epekto sa akin ni Barbie ay nakakabuti. May mga pagkakataon na naiinsulto ang aking pagkababae. Kapag may kasama akong lalaki, gusto nitong binubuhat ang aking mga “bagahe,” kahit alam ko naman na kayang-kaya ko itong dalhin. Kapag ako ay mamamasahe, nilalagyan nila ng negatibong dahilan ang hindi pagsakay ko sa mga nakakatipid na ordinary bus at jeep, na sa katunayan ay umiiwas lang ako sa disgrasya. Minsan, inaasar na rin ako kung kumakain pa daw ba ako ng matino, dahil hindi ako magkanda-ugaga sa kakatanong kung “Tumataba na ba ako?” Bukod sa mga insulto, lingid sa aking kaalaman na ako rin pala ay nababastos na sa aking lipunan. Hindi man ito ganap, pero nararamdaman ko. Kapag naglalakad ako sa anumang kalye, hindi maiwasan na may lalaki o mga lalaking sumisitsit at paulit-ulit napapatingin sa akin. Nakakabahala siyang isipin, dahil sa halip na masaya at malaya akong nakakagalaw sa aking komunidad, nag-iiwan ito ng pangamba. Napagtanto ko tuloy na mali pala aking persepsyon. Napag-alamanan ko nalang na mas nagiging komplikado pala ang aking buhay. Sa aking pagdadalaga, unti-unti kong nararamdaman na hindi ako sumasaya.
Pumiglas ako sa mahigpit na kapit ni Barbie. Tinigilan ko na ang aking paghanga ay panggagaya sa kanya, tinigilan ko na ang pagbili ng mga manika. Lumipad ako papalayo sa pagkataong akala ko’y magbibigay kalayaan sa akin. Nasaan nga ba ang kalayaan kung ika’y pinaglalaruan ng pagkakataon? inaaksaya ang pera para sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan, mga bagay na hindi naman talaga nakakatulong. Nililinlang ka nila sa akala mong mas magpapaganda ng iyong pagkatao gamit ang mga instrumentong nabibili ng kahit na sino. Nasaan nga ba ang kalayaan kung ikaw ay paulit-ulit na inaabuso, na kahit may mga batas na poprotekta sa iyong pagkababae ay hindi ka parin makatakas sa pananamantala ng iba? May mga narereyp paring mga babae at mga pisikal na nasasaktan. May mga illegal at sapilitang napapadala sa ibang bansa para maging “performer” o taga-bigay aliw sa mga dayuhan dahil sa kasagsagan ng kahirapan na tinatamasa nila sa ating bansa. Nasaan na nga ba ang kalayaan kung pati ang lipunan na iyong ginagawalan ay dinidiktahan ka? Nagpepresenta sila nga mga “modelong” huhubog sa iyong pagkatao kahit hindi mo man gustuhin ay pilit mo paring isasabuhay para sa kapakanan ng mga tao sa iyong paligid. Kinukulong ka ng iyong sarili at halos hindi mo makuhang tumaliwas mula sa kinasanayan dahil iisipin mo ang magiging reaksyon ng madla mula sa iyong mga ginagawa. Dito sa lipunan na ating kinalakihan, tila ang kalayaan na ating inaasam-asam ay isang mapanlinlang na kaganapan.
Kaya ganoon nalamang ang aking panghinayang. Sa isang simpleng laruan na tulad ni Barbie ay nagagawan nila ito ng maling representasyon sa lipunan. Ang dating simpleng manika na iyong kalaro sa tuwing nalulumbay ka ang siyang naging sukatan ng iyong kagandahan. Ang dating kaibigan, ay ngayo’y isang malupit na kalaban sa pagkamit ng kalayaan ng mga kababaihan.
Mapanlinlang ka, Barbie. Buti at tinigil ko na ang pangongolekta sa iyo.
Tumblr media
1 note · View note