Tumgik
#TulaKo
Text
Sariwain Natin
Tumblr media
Sa labi ba nami'y may gatas pa?
Mga alaala noo'y hinihiling na matira,
Nagkaedad man, naging binata't dalaga,
Iba pa rin kung iyong maaala-ala.
Natatandaan mo ba ang santan na kwintas?
Na sa kapitbahay niyo'y pinitas-pitas.
Natatandaan mo rin ba nang magtago ka sa butas?
Tagu-taguan na para bang wala nang bukas.
Bilog-bilog bilugan, assignment assignment suntukan,
Ay taya! Sigaw mo sabay dapa.
Hindi ba ang saya maging bata,
Sa totoong mundo'y hindi ka sasagupa?
Kabataang Pilipino, ‘di ba't hindi naman masama,
Na ating pagkabata'y manatiling sariwa?
Kaysa naman kaisipa'y sakupin ng mundo,
Mundong sa ulirat nati'y siyang tutuliro.
1 note · View note
dead-bedlam · 7 years
Photo
Tumblr media
Baliktad na basa #4
reverse poetry
Ang pagtago mo’y kay sakit
Sa mga pangakong kay higpit
Hinahanap sa bawat araw na namimis
Ang tawa mong kay tamis
16 notes · View notes
extinctgoodness · 12 years
Conversation
"Tanggap ko na"
Hindi ko sinadya,
Ngunit iyon ata ang itinakda,
Pag-ibig na kay ligaya,
Sayo ko lang natamasa,
Lihim man kung ituring,
Pagka't puso mo'y sa iba nahumaling,
Mananatili pa rin,
Pasakit man ang kasapitin,
Pagka't tanggap ko ng hindi ka magiging akin.
-untilforevelast
0 notes
gliemorous-blog · 14 years
Text
Hawak lang.
Kasi, sa buong araw ikaw parin ang gustong matanaw
Tititigan ka hanggang sa ikaw ay malusaw
At sa 'ting pag-tanda pag-gagawa ka ng lugaw
Habang kabilugan ng buwan ako'y iyong isasayaw
Kamay mo lang ang gustong ka-hawak
Tayo'y lalakad sa mundong napaka lawak
Kahit tayo'y madaan sa lubak
Ikaw lang ang sa puso ko'y nakatatak.
0 notes
dead-bedlam · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Baliktad na basa #3
reverse poetry
sa bawat ngiti ,sa bawat ganti ngunit nakabantay si pagsisi binigay mo'y di mapapantayangsakit kahit pinakita ko'y isang malasakit
15 notes · View notes
Text
Ako
September 28 2018
Minsan sumagi sa aking isip
Hindi naman na sa ako'y naiinip
Sadya lamang na sa pagninilay ko
Naitanong, "Ano nga ba ang bumubuo sa pagiging ako?"
Katawan, ulo, mata, ilong at tenga?
O baka naman bahay, lupa,kotse at pera?
Ano nga ba ang bubuo o bumubuo sa pagiging ako?
Sa sarili'y tatanungin kahit na nalilito
Sa gitna ng tahimik na pagninilay
Sa akin ay may lihim na sumilay
Ang maliit at bilog na mukha ni bunso
Kaya ngayon akin nang napagtanto
Panginoon, pamilya, kaibigan
Pagmamahal, respeto at pagtutulungan
Hindi mga materyal na bagay kung hindi ang mga ito
Ang bumubuo sa pagiging ako
0 notes
dead-bedlam · 7 years
Photo
Tumblr media
DAGAT
Sa bawat pagsimoy nang hangin .
Ika’y bumagabag saking paningin.
Sa tuwing ang tubig mo’y papalapit.
Ramdam ko ang sigaw ng aking balat nakay-init.
2 notes · View notes