Tumgik
#bagon taon
superkaloykohan · 5 years
Video
youtube
NEW YEAR PROBLEMS
Nagstripes ka embes na magpolka dots.
Buong buhay ka nang talon ng talon sa bagong taon pero wala eh pandak ka pa rin eh! https://youtu.be/3KHJw5iKajQ
Thank you for being part of my 2019! #HappyNewYear
#NewYearProblems #PinoyTraditions #BagongTaon
0 notes
phgq · 4 years
Text
MRT-3 conducts test runs on overhauled train at 50 kph  
#PHnews: MRT-3 conducts test runs on overhauled train at 50 kph  
 MANILA – The Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) on Thursday conducted test runs on its first newly overhauled train at an increased operating speed of 50 kph.
In a video blog, Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Hope Libiran said the train, composed of three cars, was overhauled by MRT-3’s maintenance provider, Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (Sumitomo).
“As part of the massive rehab and maintenance of Sumitomo mula sa bansang Hapon, ay nakakapag-overhaul na rin po tayo ng mga bagon na matagal nang napabayaan at ngayong inaayos natin sa ilalim ng administrasyong Duterte (from Japan, we can now overhaul train cars that have long been neglected and now, we’re repairing them under the Duterte administration),” Libiran said.
MRT-3 Director for Operations Michael Capati said aside from three newly overhauled train cars, the MRT-3 also plans to overhaul the remaining 72 cars by July 2021.
“Remember, yung mga nakaraang taon natin, panay ang sira ng tren natin. Ngayon, isa sa mga ginagawa ng Sumitomo ngayon is to rehabilitate and do general overhaul ng mga tren natin (in the past years, our trains broke down plenty of times. Now, one of the things Sumitomo is doing is to rehabilitate and do a general overhaul of our trains),” Capati said.
He said the MRT-3 management wants its trains to travel at 50 kph by November.
“Nag-increase na tayo ng 30 to 40 kph last October. Ngayon po magsi-simulate tayo, using the train, sa 50 kph na po na tina-target natin by November (We have already increased our train operating speed to 30 kph to 40 kph in October. Now, we’re using this train to simulate a 50 kph operating speed, which we’re hoping to implement by November),” Capati said.
He said the improved train speed was made possible by the overhaul of train cars and the rail replacements that were completed last month.
 Capati said MRT-3 also increased the number of its trains running daily to a maximum of 22.
“Maganda ang maintenance program natin and at the same time, yun din po yung epekto ng pagkakagawa ng ating riles. (Our maintenance program is doing well and at the same time, this is the effect of our rail replacements),” he said.
In September, the MRT-3 raised the train operating speed to 40 kph, reducing the average waiting time of passengers from nine minutes to seven minutes. (PNA)
***
References:
* Philippine News Agency. "MRT-3 conducts test runs on overhauled train at 50 kph  ." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1120153 (accessed October 30, 2020 at 03:24AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "MRT-3 conducts test runs on overhauled train at 50 kph  ." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1120153 (archived).
0 notes
jomarsjournal-blog · 4 years
Photo
Tumblr media
3. hello, stranger. Stressful mag-biyahe sa Metro Manila dahil sa traffic. Kung wala naman talagang importanteng lakad, hindi naman ako pupunta sa long lost civilization ng Makati. Christmas season, inaya ako ng kaibigan ko para ipakilala ang jowa niya, at the same time, para makita ko ang Ayala lights. Unfortunately, umulan ng malakas kaya 'yung pailaw ng Starbucks na lang ang napanood ko. Pinalipas ko rin ang rush hour dahil ayaw ko makipagsiksikan sa maraming tao. (Trivia: Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang Ayala lights sa buong buhay ko.) Noong lumalim na ang gabi, at saka ako nagpaalam at nagtanong sa kaibigan ko kung papaano mag-commute papuntang Shaw Boulevard. Hindi ako mahilig mag-Grab at mag-taxi dahil mare-require ako makipag-usap sa driver o kaya maging alerto para sa mga toxic gas na pampatulog kung sakaling gusto ako kuhanan ng internal organs. Mas prefer ko ring mag-bus tapos emote-emote habang tinitignan ang mga building at street lights. Medyo amazed pa ako sa bus station / system ng Makati noon dahil mahilig ako sumunod sa mga rules. Hindi ako masaya kapag sumusuway ako sa batas at lalong hindi ako masaya kapag ginugulangan ako ng ibang tao dahil hindi sila sumusunod sa batas. Kahit na nababasa ang pantalon at sapatos ko, naghintay ako sa bus station. Dumating ang bus na may sign pa-Fairview at iba pang plaka na halos takpan na 'yung buong windshield ng bus — mata na lang ng driver 'yung makikita. Tinanong ko pa 'yung kundoktor kung pwede bumaba sa Shaw Boulevard dahil sigurista ako at ayaw ko mag-alay lakad noon. Pagsakay ko ng bus, sakto may vacant seat sa likuran kaso hindi window seat. So hindi ko magagawa ang emote-emote sa bintana habang tinitignan ang mga building at street lights. Pagtakbo ng bus, one-fourth lang ng mga building ang nakikita ko. Ang option ko na lang e panoorin ang palabas sa TV ng bus na usually ay teledrama o talk ni Boy Abunda. Noong papasok na kami ng EDSA, nagtanong 'yung katabi ko na nasa window seat kung nasa Cubao na kami kahit na sinabi ng kundoktor na nasa Ayala kami. Hindi ko na pinansin 'yung kamang-mangan niya dahil feel na feel kong magbida-bida kapag may mga nagtatanong sa'kin. Mukha rin siyang inosente at walang alam sa Maynila kaya sinabi ko "Malayo pa, pero sa Cubao din ako bababa. Sasabihan kita kapag malapit na." Ang pabidang 'to, kahit sa Shaw Boulevard lang dapat bababa, dumiretso ng Cubao. Hindi ko na rin matandaan kung anu-ano ang mga tinanong ko pero galing daw siya sa bazaar sa World Trade Center (at alam ko rin 'yung bazaar na ‘yon — Noel Bazaar) Kaya 'yung pagpapabibo ko, level 9999. Wala ring traffic noong mga panahong iyon dahil mag-12am na ata nang makarating kami ng Cubao. Pagbaba namin ng Farmers, napansin ko siyang naghahanap ng street signs kaya tinanong ko na kung saan ba siya pupunta. Sabi niya, may kikitain siyang kaibigan sa Marikina at sinabihan lang siyang susunduin siya kapag nasa Cubao na. Naglevel up to level 10000 ang pagbibida ko at sinabi kong 'hatid na kita sa Gateway' dahil mas madali maghanapan kung specific na lugar ang meeting place nila. Habang naglalakad papuntang Gateway, doon ko na-realize na kaya ko palang lakasan ang loob ko na makipag-usap sa mga strangers at makipagkilala. Ito yata ‘yung trigger na nagsimula akong lumandi (pero charot lang ‘yan). Nalaman ko rin na taga-Cavite siya at doon rin siya nagtatrabaho. Makikipagkita lang siya sa kaklase niya noong college na taga-Marikina. So, naisip ko, kung kakaibiganin ko pa, malayo kasi taga-Pampanga ako. Sapat na siguro 'yung matulungan ko na lang siya. Paghatid ko sa Gateway, sinabi ko na maupo siya doon sa Coffee Bean para doon siya ipick up ng kaibigan niya. Nagpasalamat siya at mukhang gulat dahil siguro hindi niya inaasahang may tutulong sa kanya. Ang dami naming pinag-usapan about life, about Metro Manila, about magnanakaw, about the space between us.. isa lang ang hindi ko naitanong, 'Anong pangalan mo?' Sabi nila, you will meet he same person twice in a lifetime. Kung sinuman nagpauso nito, hindi ko alam kung papaano niya ito napatunayan. Hindi rin naman ako umaasa na makakakasabay ko siya ulit sa bus o masasalubong ko siya sa daan. Kahit na ulitin ko 'yung mga eksaktong ginawa ko noong araw na iyon sa mga susunod na taon, napakababa ng chance na makikita ko siya ulit. Marami tayong nakakasakay at nakakasalubong na strangers araw-araw. Minsan matatandaan natin mukha nila, minsan makakalimutan na lang. 'Yung iba makikila natin at magiging parte ng buhay natin, 'yung iba hindi. Hindi man lahat ng tao e magiging parte ng buhay natin, let's be nice and always be ready to help lalo na kung may maingalangan ng tulong natin — given na alam nating kaya natin ang sarili natin at alam natin ang ginagawa natin. May mapagsamantala rin kasing tao kaya maging alerto rin at the same time. Matutong magtanong-tanong muna para i-validate kung kailangan talaga nila ng tulong. Sa taong nakasabay ko noon, November 24, 2017, kung mabasa mo man 'to "Hello. Salamat sa pagdaan sa buhay ko for a short period of time. May impact na ‘yun sa buhay ko kaya ko 'to naisulat.” At para naman sa mga estudyanteng nabunggo ko sa LRT 1 lalo na sa Central Station, sinasadya ko ‘yon. Pababain n’yo muna kami bago kayo sumakay ng train, mga hayp kayo. Hampasin ko kayo ng bagon e.
0 notes
humanidades121 · 5 years
Photo
Tumblr media
Moondrop No. 16 | Cornelio Gutierrez Jr. 
Destinasyon: InTrAmurOs | Isang Lakbay Sanaysay
“Eto pala ang Maynila.”
Sadyang nakatatak na ang mga katagang iyan sa tuwing humahanga tayo sa ganda ng Maynila. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit ay dahil sa pagiging urbanisado nito, at dahil tinaguriang kabisera ng bansang Pilipinas ang Lungsod ng Maynila. Nagmula ang salitang “Maynila” sa dalawang salita: “may” na ang kahulugan ay mayroon at “nilad” na isang uri ng halaman na sagana ang tubo sa baybayin ng Ilog Pasig at Lawa ng Maynila. Di naglaon, pinaikli ang ‘Maynila’ bilang ‘Manila’, ngunit madalas pa ring ginagamit ang Maynila sa kasalukuyan.Kung mapapansin, madalas na nakikita ng mga tao, lalo na ang mga taga-probinsya, na ang Maynila ang siyang sentro ng kalalakan at kaunlaran.  Bilang karagdagan, marami ring natatagong kasaysayan at kultura ang lugar na ito, na masisilayan sa iba’t ibang mga estrukturang nakatayo.
“Tara, gala tayo.”
Ika-23 ng Oktubre, sa ngayong taon, sa pagpatak ng 9:51 ng umaga, may biglang nagmensahe sa akin, inaaya akong sumama upang pumunta sa Intramuros at makita ulit ang ganda nito matapos ang isang taong hindi ko pagpunta roon. Biglaan, pero ayon nga sa isang kataga, mas natutuloy ang isang lakad kapag biglaan.  Kinakailangang naroon na kami sa kitaan bago mag-alas dos ng hapon. Kaya inasikaso ko na kaagad ang sarili ko. Naligo’t nagbihis. Inalis ang laman ng aking bag at inilagay ko lamang ang mga bagay na sa tingin kong kakailanganin ko pagpunta, ilan sa mga ito ay ang damit pamalit, notebook at mga panulat, kamera, at tubig. Hindi ko rin kinalimutang magdala ng pera para sa aking pamasahe at kung sakali mang gutumin ako.
“OTW na ko”
Bilang sentro ng iba’t ibang aspeto, maraming uri ng transportasyon ang maaaring gamitin upang pumunta sa Maynila. Mula sa amin, sumakay akong jeep papuntang 5th Avenue. Pagdating sa 5th Avenue, sumakay akong LRT patungong Baclaran at bumaba ako sa istasyon ng Central, na siyang pinakamalapit sa aming pupuntahan. Medyo natagalan sa pag-antay ng jeep, ngunit mabilis naman ang naging biyahe. Hindi rin masyadong siksikan sa loob ng LRT, na minsan lang mangyari sa LRT-1, ngunit sandaling huminto ang bagon na aming sinasakyan sa kalagitnaan ng biyahe. Kabuuan, maayos naman ang naging biyahe ko. Umabot ng halos isang oras, na dapat ay maaaring abutin lamang ng kalahati oras o mas mababa pa. Patunay na may problema sa sistema ng transportasyon ng bansa, at unti-unti tayong nasasanay sa ganitong sitwasyon.
“Dito na kami, saan na kayo?”
Tumblr media
Nakatungtong na ang mga paa ko sa Maynila. Saktong ala-una ako nakarating sa Central. Pagbaba ko ng istasyon, naglakad ako nang kaunti at naaninag ko kaagad ang City Hall ng Maynila. Hinahanap ko ang mga kasama ko dahil naroon na raw sila sa kitaan. Habang naglalakad, natanaw ko ang ganda ng likod ng monumento ni Andres Bonifacio, dito makikita at mararanasan ang sinasabing ‘free wifi’ na pinasimulan ng kasalukuyang mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Nakarating ko na SM Manila, na kung saan natanaw ko na ang isa sa mga kasama ko sa araw na iyon. Napagdesisyunan naming na bumalik sa likod ng monumento upang hintayin ang iba pa naming kasama. Nabuo ang grupo bago pumatak ang alas-dos, tumungo sandali sa SM upang bumili at kumain bago ang paglalakbay naming sa loob ng Intramuros.
Tumblr media
“Ang ganda!”
Tunay na nakakamangha ang estruktura ng bawat gusali sa loob ng Intramuros, makaluma na parang ibabalik tayo sa nakaraan. Nadaan naming ang Manila High School, ang palimbagan ng Manila Bulletin gayundin ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Ngunit ang unang naging destinasyon naming sa araw na iyon ay isang tindahan ng mga antigo at iba pang mga bagay na ang pangalan ay “Silahis Center” ,at matatagpuan sa Calle Real del Palacio (Gen. Luna). Hindi ko alam na mabibighani ako sa ganda nito. Masisilayan dito ang mga artepakto’t mga sining, na may parte o kahalagahan sa kasaysayan ng ating bansa. Napakaraming mga bagay ang mga makikita rito, tulad ng mga kubyertos at mga gamit pangkusina na ginagamit noon, mga pang-disenyo sa loob ng tahanan at mga alahas at kasuotan. Ngunit karamihan talaga na makikita sa loob ay ang mga pinta ng iba’t ibang pintor, aakalain mo na para kang nasa museo ng sining. Bago kami lumabas sa tindahang iyon, nagpakuha kami sa isang pintor na nagpipinta sa mga oras na iyon.
Tumblr media
At natutunan ko na ang salitang “silahis” ay hindi lamang nangangahulugang ‘bakla’, ngunit maaring mangahulugan din pala ito bilang ‘sinag ng araw’.
Tumblr media Tumblr media
“Doon naman tayo pumunta.”
Diniretso namin ang daanan at tinungo naman namin ang San Agustin Church, kung saan nagkuhaan lamang kami ng litrato. Sarado ang simbahan at may bayad ang pagpasok sa museong katabi nito. Kaya naisipan naming na pumunta na sa Manila Cathedral. Hindi ko alam, pero dinala ako ng aking mga paa sa luhuran at nagdasal na taimtin. Tahimik. Ngunit sadyang hindi pa rin naaalis sa akin ang pagkamangha sa arkitektura ng Cathedral. Isa sa mga masisilayan sa loob nito ang sikat na iskulturang ‘Pieta’, gawa ni Michelangelo, na kung saan pinapakita si Virgin Mary na buhat ang bangkay ni Hesus pagkatapos ipako sa krus.
Tumblr media
“Punta na tayo, baka magsarado na.”
Bandang alas-kuwarto, dali-dali kaming pumunta sa Fort Santiago, dahil sa takot na magsarado na ito ng alas-singko at hindi na namin maabutan. Ngunit sa awa ng Diyos, naabutan naming ito at bukas pa hanggang alas-siyente ng gabi. Pagpasok ay inuna naming ang Dambana ni Rizal, dahil mas maaga raw ito nagsasarado kaysa sa ibang pwedeng pasyalan. Napansin naming na nawala na ang ‘mga huling yapak ni Rizal’ at pinalitan ang daanan ng mga ladrilyo. Ganoon pa rin ang ayos sa loob ng Dambana tulad ng isang taon. Naglalaman pa rin ito ng mga inpormasyon sa buhay ni Rizal, ngunit hindi ko matukoy kung bago o hindi ang braille system na makikita sa loob. Ang braille system ay isang sistema ng pagsulat ng mga naka-umbok na tuldok, ito ay para sa mga bulag na binabasa nila sa pamamagitan ng paghipo sa mga tuldok. Pagtapos sa Dambana ni Rizal, nilibot naming ang mga pwedeng malibot sa loob ng Fort Santiago tulad ng Rajah Sulayman Theater at Ruins of American Barracks. Makikita sa mga ito ang kasiraan at kalumaan ng esruktura, ngunit makikita rin dito ang naging kontribusyon nila sa kayamanan ng kasaysayan ng ating bansa.
Tumblr media
“Uwi na ako, papagalitan na ako.”
Alas-sais ng gabi. Tinungo ulit naming ang dinaanan naming kanina. Tuluyan naming iniwan ang Intramuros, ngunit mananatili pa rin ang ganda nito kailanman. Dumiretso kami sa likod ng monumento ni Bonifacio, doon ay lumisan na ang dalawa sa mga kasama namin, habang kami ay nagpahinga muna panandalian sa haba ng nilakad namin.
Tumblr media
“Tara.”
Napagkasuduan namin na pumunta sa SM Manila. Kakain o iikot, hindi naman alam kung bakit, pero tinahak namin ang daan papunta. Habang nasa loob, may nakaisip na pumunta kami sa World of Fun(WOF), wala kaming sapat na pera para maglustay sa roon, pero umaasa lang kami na may makita kaming token at magamit namin sa paglaro. Pagkarating sa arcade, nakita namin ang mga pakalat-kalat na ticket. Dahil dito, naisipan nalang namin na mamulot ng mga ticket at ipapalit sa kung ano man ang pwedeng ipalit sa bilang ng ticket. Naglaro na rin kami sandali para madagdagan ang bilang ng ticket, dahilan upang mas marami ring maipalit. Nagresulta naman ang lahat at nakatanggap kami ng maraming mga kendi sa isang paper bag. Dumiretso kami sa MCDO para magkalaman-tiyan kami bago umuwi, hindi naman napansin na sa haba ng usapan namin ay inabot na kami ng halos isang oras sa loob. Nakikita na namin na nagsasara na ang ibang tindahan sa loob ng mall. Nagmadali kami dahil sa pangambang hindi na namin abutan ang LRT. At bago kami umuwi sa aming mga tahanan at maghiwa-hiwalay ng destinasyon, nagpaalam kami sa isa’t isa at nagpaabot ng mga salitang pasasalamat para sa mga naganap ng araw na iyon.
Tumblr media
“Paalam.”
Bilang panapos, napakaraming magagandang lugar ang makikita sa Maynila, at isa na rito ang lugar ng Intramuros. Nagtatago ang ganda nito at nagkukubli ito ng mga kultura na malaki ang naging parte sa kasaysayan sa ating bansa. Makikita na ang bansang Pilipinas ay mayaman pagdating sa kultura at sining. Kinakailangan ng mga tao na maengayong pumunta sa mga ganitong lugar, upang mas magkaroon sila ng malalim na pananaw at kaalaman patungkol sa kayamanan at kaunlaran ng bansa natin sa iba’ ibang aspeto tulad ng sining. Tunay na nakakapagod libutin ang loob ng Intramuros at hindi sapat ang isang araw upang maikot ang kabuuan nito, ngunit sulit at worth it ito dahil sa kagandahan ng lugar at sa maraming pandagdag kaalaman na matututunan sa loob nito. At gusto ko lang magpasalamat sa mga taong nakasama ko sa paglalakbay na ito. Alam kong lahat tayo ay masayang umuwi at may baong mga panibagong kaalaman at alaala na maaaring baunin natin sa paglalakbay natin sa mundong ginagalawan natin ngayon.
0 notes
jeanbayaton · 4 years
Text
Wikang umuunlad isinulat ni Jean Bayaton
Marami ng mga Pilipino ang naglalahad ng kanilang sariling opinyon tungkol sa pagbibigay halaga ng paggamit ng wikang Filipino simula pa lamang sa paaralan. Ang kabataan ang sinasabihan na pag - asa ng bayan simula pa lamang sa panahon ni Rizal dahil sila ang sandata o susi sa pananatili ng kultura ng ating bansa at ang pananatili ng ating wika. Sa ibinigay na bidyo na pinapanood sa amin, inilahad ng isang gurong nagngangalang Gng. Villanueva ang kaniyang saloobin sa pagpaigting ng paggamit ng wikang Filipino sa paaralan. Batay sa kaniyang saloobin o opinyon tungkol sa pagbibigay halaga ng wikang Filipino, ako ay sumasang - ayon ngunit hindi lubos.
Sumasang - ayon ako dahil tama siya sa bahagi na kulang pa tayo sa kaalaman sa wikang ito, naiisip natin na kapag mahaba na ang ating sinulat ay masasabi na nating pangungusap ito, may mga salita na akala natin ay wikang Filipino ngunit ang katotohanan ay ito ay nasa konteksto ng wikang Espanyol. Kahit na ang wikang Filipino ay ginagamit natin araw - araw, hindi pa rin maiiwasan ang paghihirap sa asignaturang ito, ito ay kadahilanan ng limtadong kaalaman natin sa bokabularyo, hindi natin alam kung may salin sa wikang Filipino ang isang salita, at nasanay tayo na may kasamang paggamit ng wikang Ingles sa araw - araw nating pakikipagkomunika sa iba’t - ibang tao. Hindi ako lubos na sumang - ayon sa sinabi niyang kadahilanan ng sanhi ng paghihirap ng mga mag - aaral sa wikang Filipino dahil hindi lamang sa text messaging, internet, o paglaganap ng jejemon ang naging sanhi ng ating paghihirap sa asignaturang ito. May mga tao pa rin na gumagamit ng purong tagalog sa paglalahad ng kanilang damdamin sa interntet o minsa’y pakikipag komunika sa mga tao sa pamamagitan ng text messaging, maaaring dahilan ang panonood sa telebisyon, mga taong nakapaligid sa atin, mga laro na linalaro natin sa kompyuter, o sa ating mga sariling tahanan, maaari rin sa kadahilanan na nakikisabay ang mga tao sa bagon paraan ng pakikipagtalastasan dahil lumalaganap sa panahon natin ngayon ang mga taong “Toxic”, kapag nagsalita ka lamang ng purong Filipino o nagsalita ka gamit ng mga malalalim na salita, maaaring sabihan ka lamang ng “Wow! Makata.”, “Edi ikaw na magaling.”, kung kaya’t maraming mga tao na nakikisabay lamang sa takbo ng panahon.
Hindi natin maiiwasan ang pagbago ng ating wika sa araw - araw ng ating pamumuhay, bawat taon may mga bagong nauusong salita na nadadagdag natin sa ating bokabularyo at nakakalimutan natin ang tunay na mga salitang nasa konteksto ng ating wika. Laging tatandaan na ang wika ay isang pamantayan ng pagmamahal natin sa ating kultura, huwag natin pabayaan ang wika kagaya lamang ng ating pagbibigay halaga sa ating mga sarili.
0 notes
Tiyaking ligtas ang MRT at LRT
     Isang napalaking check ang isyu ng seguridad at mapagkakatiwalaan ang ating mga commuting trains gaya ng MRT at LRT dahil maraming pasahero ang sumasakay rito araw-araw.
     Mahigit sa isang milyong katao ang sumasakay ng tren kada araw kaya naman kailangan talagang masiguro na ligtas sa anumang aberya ang ating mga passenger trains.
     Pero noong nakaraang taon, naging madalas ang mga glitches sa MRT at LRT at maraming insidente na kinailangang pababain at maglakad sa riles ang mga pasahero kapag nagkaaberya. Sa halip na makarating nang maaga sa papasukang trabaho o school, naatrasado na.
     Matagal nang problema ang paulit-ulit nang pagkasira ng ating mga tren at talaga namang nakakatakot na ring sumakay dito. Subalit dahil sa matinding trapik sa mga lansangan, walang magagawa ang mga commuters kundi sumakay na lamang at manalangin na wala sanang mangyaring hindi maganda sa kanilang biyahe.
     Marahil kundi lang trapik sa mga kakalsadahan ay mabawasan na ang tumatangkilik sa MRT at LRT dahil sa takot. Pero dahil sa mura lang ito at sa bilis nga ng biyahe, ito pa rin ang unang pinipili ng mga nag ba byahe sa pam publikong sasakyan.
     Noong Martes ng gabi ay muling nagkaaberya sa MRT at mismong ang Department of Transportation (DOTr) na ang nagkumpirma na may kumalas na bakal habang umaandar ang tren na dahilan upang umangat ang gulong at nawala sa riles.
     Buti na lamang at wala nang pasahero nang mangyari ito. Pero ang siste, sa halip na tumigil ay itinuloy pa rin ng driver ng tren ang pagpaandar na siya nga­yong iniimbestigahan ng ahensya. Sino ba naman ang hindi matatakot na baka biglang kumalas ang tren sa riles?
     Buti na lamang at wala nang pasahero ng mangyari ito. Pero ang siste, sa halip na tumigil ay itinuloy pa rin ng drayber ng tren ang pagpaandar na siya nga­yong iniimbestigahan ng ahensya. Sino ba naman ang hindi matatakot na baka biglang kumalas ang tren sa riles?
     Sa ganang amin, tungkulin ng gobyerno na magkaloob ng ligtas at komportableng biyahe sa mga mana­nakay ng tren. Hangga’t maaari ay tutukan na nila ang maintenance checkup sa mga bagon upang masiguro ang kaligtasan ng pasahero.
0 notes
Paglala ng serbisyo ng LRT at MRT
                                Ayon sa artikulo na ipinalabas ng pinoyweekly.org noong Hulyo 21, 2015 mainit, pasira-sira, mahaba ang pila at siksikan ganito nilarawan ng estudyanteng nagngangalang German Francis ang kanyang byahe papuntang eskwela. Ayon sa tala ng Ibon Foundation, lalong dumami ang bilang ng mga aberya sa operasyon ng MRT at LRT sa kabila ng dagdag-pasahe noong 2014. Mayroong naiulat na 25 glitcheso kapalpakan mula Enero hanggang Hunyo ng 2015 o katumbas ng 4 na glitches sa isang buwan. Mas mataas ito noong 2010-2014 kung kailan umabot ng dalawang aberya lamang sa loob ng isang buwan.Naiulat kamakailan ang pagtulo ng bagon sa kasagsagan ng malakas na ulan ng LRT-1 na hawak ng consortium ng malalaking negosyante na Pangilinan-Ayala.Ayon kay Raymond Palatino, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isa ang pag-iwas sa mga ganitong aberya sa ‘di-umano’y mga katwiran ng gobyerno sa paghihikayat ng pribadong mga negosyante para pondohan ang pampublikong transportasyon. Taliwas naman ito sa reyalidad sa ilalalim ng Public-Private Partnership (PPP) ni Pangulong Aquino.“Isang magarbong pangalan lang ang PPP ng pribatisasyon,” ani Palatino, “ngunit ang tunay, mas nauuna yung kita higit sa mas mahalagang pangangailangan para sa servisyo-publiko. Ang nangyayari, pagtalikod ng estado sa kanyang tungkuling magbigay ng abot-kayang mass transport service.”Inaalma ng mga komyuter ang anila’y lumalalang serbisyo sa mga tren sa kabila ng pagdoble ng singil at nakaamba pang mga pagtaas sa pasahe.Para kay Honey Grace Alfonso, ikalawang taon sa kursong Civil Engineering sa PUP, hindi makatwrian ang mataas na presyong binabayaran niya sa pampublikong sasakyan.“It’s not fair. Hindi worth it ‘yung binabayaran namin when it comes to their service – delayed trains, siksikan, ‘yung machines for cards ay hindi gumagana ‘yung ilan,” ani Alfonso.“Ang nangyayari, double-whammy. Dagdag-pasakit sa mga tao na hindi makayanan ang mataas na cost of living sa city, pero kailangan pa magbayad nang mahal sa transport para makapasok sa mga trabaho nila,” ani Miguel Aljibe, enhinyero at miyembro ng Advocates of Science and Technology for the People (Agham).Hindi sapat ang pondo.Sa pag-aaral ng Agham, ang mga mauunlad na bansa ay iyung may matatatag na mass transport system. Malaking bahagi ng kanilang badyet ang iginugugol nito sa pagpapaunlad ng  mga pampublikong tren.
0 notes