Tumgik
#maria nila
creativenextraida · 9 months
Text
Beauty Haul for the whole year of 2023!
Tumblr media
View On WordPress
2 notes · View notes
thelondonblonde · 9 months
Text
Tumblr media
Maria Nila Heal Masque
1 note · View note
skrimblo · 7 months
Text
Tumblr media Tumblr media
FILAY JUMPSCARE
118 notes · View notes
skibasyndrome · 2 months
Text
23 notes · View notes
runawaywhorses · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Madelaine Petsch for Maria Nila September 2023
40 notes · View notes
elfilibusterismo · 11 months
Text
ang ganda sana ng latest na video explainer ng rappler re: israel-palestine pero nag-double down sila sa potanginang both sides bullshit nila 😒 maria ressa your days are fucking numbered.
7 notes · View notes
dimagapi · 2 years
Text
Teleseryes, leitmotifs, and my obsession with things happening in the background
Ngayong taon lang ulit ako nagsimulang sumubaybay sa teleserye. Dalawa ang pinapanood ko ngayon: Darna at Maria Clara at Ibarra. Darna has a leitmotif for Valentina, and Maria Clara at Ibarra appears to have one for Padre Salvi—posibleng para sa iba pa, pero distracted pa ako sa ibang details until I just few episodes ago. Ang malinaw sa akin sa ngayon ay gusto kong marinig ang full recording ng themes nila. Napapaisip tuloy ako kung may mga inilalabas bang OST para sa mga teleserye (bukod sa theme songs mismo).
Sa Darna, mukhang si Valentina lang ang meron. Si Darna mismo, meron dapat, kaso ang inconsistent sila e; 'yung opening theme ba dapat ang leitmotif niya, or 'yung Patuloy Lang ang Lipad? I prefer the former as a leitmotif, though, kasi mas pang-superhero talaga 'yun.
Malamang sa malamang, mas pinag-iisipan ko pa itong Darna kaysa mismong si  /ˈdʒeɪ ˈɑːr ˈbiː/, but, eh. Gusto ko lang sabihing dapat may Custodio household leitmotif; pwedeng gamitin 'yung BGM noong unang bumisita si Regina sa bahay ng mga Custodio. And while we're at it, why not have leitmotifs for Narda and Regina? Mainam siguro kung malapit-lapit sa theme music ng alter ego nila, pero distinct enough to be considered a different piece. Meanwhile, gusto kong malaman kung may letmotifs din ang ibang characters sa MCI. Meron naman yata, hindi ko lang napansin pa. I'll check kung mayroon sina Ibarra, Maria Clara, at Damaso. Aabangan ko rin kung mayroon si Elias. Ang sigurado ko lang ay mayroon si Padre Salvi and it's so recognizable. I checked kung shared ba 'yung music na 'yon kay Padre Damaso (making it a prayle letimotif instead), pero mukhang hindi naman. Kung hindi ako nagkakamali, sa episode 10 ng MCI nagsimula ang paggamit sa Salvi letimotif, nang magkita sina Ibarra at Salvi. Another instance na ginamit ito ay sa episode 23 noong "nangumpisal" si Klay kay Salvi. I admit, late kong napansin na may leitmotif si Salvi, sa episode 37 na nang biglang dumalaw si Salvi habang nag-uusap sina Maria Clara at Ibarra tungkol sa gagawing pagtitipon; I believe dito rin pinakamatagal tumugtog ang Salvi letmotif. Kapag nainip ako, babalikan ko ang previous episodes ng MCI to check kung may iba pang leitmotif, at aabangan ko rin kung magkakaroon si Elias. As of writing, hindi ko pa napanood ang episode na base sa Elias at Salome.
Anyway, hindi talaga ako musically inclined. Malimit lang mag-fixate sa details. Kaya gudlak na lang sa akin sa pag-spot sa mga recurring pieces.
29 notes · View notes
walaumalistulog · 9 months
Text
#FromTheArchives: Aba, Nilapastanganang Maria!
This is a piece that I wrote during high school—an attempt to make something bold, controversial, and unapologetically wicked piece with a clement conclusion.
Tumblr media
Ermita, Maynila. Alas-doce ng hatinggabi.
Naglalakad ako sa kahabaan ng Padre Faura St., malapit sa may baywalk. Suut-suot ang pekpek shorts na ibinubulgar ang makinis kong singit. Maganda ako, sabi nila. Kaya siguro patok ako sa mga parokyano. Hinubog ng prostitusyon ang aking magagandang labi at pinalusog ng kahirapan ang aking malulusog na suso. Pinapaswitan at pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan habang binabagtas daan patungo sa patay-sinding ilaw na tinatanglaw ang mga mukha ng mga kalalakihamg uhaw sa pagmamahal at parang mga hayok na buwata na nag-aabang ng butas na papasukan.
Bilang prosti, bawal akong maging choosy. Tanggap ako nang tanggap kahit bata o matanda---basta magkakapera---mairaos lang ang buhay ng anak kong mahimbing na ang tulog. Nakapikit, at hindi nakikita kung paano babuyin ng iba ang aking katawan.
"Tara?" sabi ng lalaking halos linggo-linggong bumibisita sa akin.
"Sige, magkano ngayon?" tugon ko.
"Dalawang libo?" sagot ng manyakis.
"Tangina, matagal kang labasan, dalawang libo lang?"
"Eh 'di apat na libo,"
"Tara."
Ala-una, dinala niya ako sa kulay pulang gusali na may karatulang may pamaypay na takip ang kalahating mukha ng babae.
Pagpasok pa lamang, sinunggaban niya agad ang mga labi ko. Nilamas ang malulusog kong suso. Hinalikan niya ang bawat bahagi ng aking katawam. Pinasok niya ang malaki niyang tarugo. Kasabay ng pag-indayod ng kayang katawan laban sa akin ay ang pagtusok at pagtagos nito sa aking kaluluwa.
Masama ba akong tao? Gusto ko lang naman ng magandang buhay para sa anak.
Malapit nang labasan ang lalaking ito, kasabay nito ay paglabas at pagtulo ng aking luha---dahil sa pandidiri sa aking sarili.
Natapos ang gabing puno ng kasalanan. Nauna na siya samantalang ako'y hubo't hubad pa.
Lumiliwanag na ang kalangitan, pasilip na ang araw---simbolo ng pag-asa. Napagpasiyahan kong magtungo sa lugar na minsan sa buhay ko lang mapuntahan. Sinindahan ko ang aking yosi at hithit-buga habang papalapit ako sa lugar na ito.
"Tangina. Baka masunog ako rito."
Pinatay ko ang apoy ng aking sigarilyo at dumiretso papasok sa simbahan bitbit ang mga panalanging matagal kong inipon at mga kasalanang nagbigay-depinisyon sa pagkatao ko---at handa ko nang i-kumpisal ngayon.
Habang papalapit, natanaw ko ang mukha ng lalaki na pamilyar sa akin.
"Siya nga," siya ang kumantot sa akin kagabi.
Habang papalapit, nanginginig ang tuhod ko. Puta, baka masunog ako. Katawan na naman ba tatanggapin ko, at dito pa sa loob ng simbahan? Sabagay, ang prosti nga pala ay 'di dapat choosy.
Lumapit ako sa kanya.
"Katawan ni Kristo," sabi ng lalaking kasabay ko nagparaos kagabi.
"Amen." Tugon ko.
5 notes · View notes
wannagilok · 10 months
Text
Captain Marvel: Unang Female-Lead ng MCU
Tumblr media
Noong 2019, ipinalabas ng Marvel Studios ang Captain Marvel, ang kauna-unahang pelikula na babae ang pangunahing bida sa buong Marvel Cinematic Universe o MCU.
Pumapatungkol ang pelikulang ito sa buhay ni Vers, isang miyembro ng Starforce sa planetang Kree na may misyong talunin ang mga shape-shifting na aliens na tinatawag na Skrulls. Mayroon siyang malakas at kakaibang superpower na nakuha niya galing sa energy core ng isang importanteng makina. Ngunit, hindi niya ito maalala sapagkat mayroon siyang amnesia. Dahil sa kaniyang misyon, dahan-dahan niyang naaalala ang kaniyang nakaraan, ang kaniyang totoong pangalan na si Carol Danvers, at ang pagiging isang piloto sa U.S. Air Force. Nalaman niya rin ang katotohanan sa labanan ng Kree at mga Skrulls at ang pagsisinungaling ng Kree sa kaniya. Dahil dito, pinalaya ni Danvers ang kaniyang sarili mula sa manipulasyon ng Supreme Intelligence, ang pinuno ng Kree, gamit ang kaniyang malakas na superpower.
Bukod sa matindi at nakakatuwang kwento ng Captain Marvel, natatalakay parin nito ang mga isyung panlipunang nararanasan sa totoong buhay lalo na ang sexism. Sa pelikulang ito, tinatalakay ang sexism bilang isang isyung panlipunan sa pamamagitan ng paghamon sa mga stereotypes ng kababaihan at ang pagkomento sa patriyarkal na sistema sa ating lipunan.
Tumblr media
Bilang isang dating piloto ng U.S. Air Force, hinahamon na agad ni Carol Danvers at ang kaniyang matalik na kaibigan na si Maria Rambeau ang stereotype na panlalaki lamang ang pagiging piloto. Pinapakita ng karakter nina Danvers at Rambeau na walang kinalaman ang kasarian sa kakayahang maging piloto. Isa ring halimbawa ang isang flashback sa kaniyang military training kung saan minamaliit at pinagtatawanan siya ng mga lalaki niyang kasama. Sinasabi nila na “mahina” siya at hindi para sa kaniya ang pagiging piloto. Bagama’t maiksi lamang ang mga eksenang ito, pinapakita parin nito kung gaano kalaganap ang patriyarkal na sistema sa totoong buhay. Dahil sa patriyarkal na sistema na makikita sa ating lipunan, nakakaranas ng iba’t ibang diskriminasyon at harassment ang mga kababaihan.
Isa ring eksena sa pelikula ang pagcatcall ng isang lalaki kay Danvers kahit na hinahanap niya lang ang isang lugar gamit ang isang mapa. Para sa karamihan, isa lamang itong nakakatawa o comedic na eksena. Ngunit, pinapakita ng eksenang ito na laganap pa rin ang sexual harassment kahit na sa mga pampublikong lugar. Isa ito sa mga isyung kinakaharap ng karamihan sa mga kababaihan araw-araw.
Tumblr media
Sa pelikulang ito, nagsisilbing mensahe ang karakter ni Carol Danvers bilang Captain Marvel na hindi lamang mga lalaki ang maaaring maging “superhero” sa ating mundo. Huwag natin sundin ang mga stereotype na mahinhin at mahina lamang ang kababaihan sapagkat matapang, determinado, at malakas sila sa katotohanan. Bilang mga tao, huwag tayong mangdiskrimina ng ibang tao batay sa kanilang kasarian. Ilagay natin sa ating puso’t isip na kahit anuman ang ating kasarian, pantay tayo lahat. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang magkaroon ng isang lipunan na pantay at payapa.
2 notes · View notes
whooolaanmo · 2 years
Text
Tumblr media
Tagpo : Pinakilala ko si F kay Ermat ko
Me : Ma si F po kaibigan ko po
Mama : sus kaibigan daw 😄😊, ay Ineng magkaibigan nga lang kayo nitong anak ko? ito ay malihim.
F : Good afternoon po 😊 yes po magkaibigan pa lang po.
Mama : ah may pa lang so may pupuntahan pa yung pagkakaibigan nyo, welcome dito sa bahay namin, kain ka sipag sipagan nanaman kasi si Let mag luto at dadating ka nga daw.
Me : Ma ( yung agad agad Nanay ko sa pang ookray sa akin kaya nag Ma ako para alam niya stop yon 🤣🤣🤣 pero non-stop siya )
F : sinabi ko naman na nga po na wag na mag abala.
Mama : ay di naman aari yung ganon bisita ka namin kaya welcome talaga, pero paano ka nauto ng anak ko? maganda ka Ineng.
F : ( tawang tawa ) salamat po naku hindi po ako nauto o kung ano ano pangbobola ng anak niyo, sa totoo lang po may iba pa po na umaaligid aligid dyan sa anak niyo, mas maganda po yan di lang nag aayos.
Mama : ay wow sabagay may pagmamanahan yan yung Father ko naka 5 na asawa, makarisma daw yan sabi nung isa niya Ex, sinabi mo pa katwiran nyan dito lang siya sa bahay o kaya sa bukid kaya di yan nag aayos pero napakatagal maligo, buti pala pwede ka ngayon araw para makapasyal dito tagal nga nyan bago nakapag uwi ng ka-ibigan este kaibigan pala.
Me at F ( tawang tawa din talaga kami sa Ermat ko )
F : napakadami naman po, pero napaka honest naman po ni Let sa akin kahit noong nakaraan lang po alam ko nandito yung 1 babae na may gusto sa kanya at dito po natulog.
Mama : gusto kita Ineng malawak at marunong makaunawa kung sa iba iba selos agad yon, kilala ko nga rin yon si Maria yung tinutukoy mo.
Me : ( tawang tawa ang isip ko sa usapan nila di ako makasingit )
F : opo siya nga po, salamat po 😊 Tita kain na po tayo.
Mama : sige lang ikaw kayo na lang kumain, aalis din ako kasama ko Pinsan ko tanong mo na lang si Let about sa Pinsan ko na yon di pwede na hindi ko sasamahan, dito ka na matulog sa amin pumasyal din kayo ni Let after niyo o kung wala kayo gagawin.
May mga napagusapan pa sila bago umalis Ermat ko pero yon nga jusko Ermat ko daldal din talaga. ( pero ibig sabihin non gusto ka ng Mama ko at talagang sinasabi niya totoo para makita nya reaksyon ng tao pag binubuko niya kasi ako 🤣🤣🤣 )
Nov. 04, 2022 01:45 pm
10 notes · View notes
kalakian · 2 years
Text
Tumblr media
Ngayong araw, alalahanin natin ang kabayanihan ng mga babaeng walang takot na lumaban sa diktadurya ni Marcos. Mula kaliwa: - Maita Gomez - Carol Araullo - Sister Porferia Ocariza - Lualhati Bautista - Etta Rosales - Sr. Mary John Mananzan - Cory Aquino - Judy Taguiwalo - Eva Kalaw - Nelia Sancho - Soledad Duterte - Gemma Cruz - Maria Lorrena Barros Iilan lamang sila sa daan-daang mga bayaning Pilipina na hinarap ang kamay na bakal at mapang-aping Batas Militar. Mula man sa iba't-ibang sektor at iba-iba man ang naging uri ng kanilang paglaban, ipinakita nila na ang babaeng Filipino ay walang kapantay sa katapangan.
---
Kuha ang larawan at impormasyon mula sa Project Gunita
4 notes · View notes
kimhortons · 1 year
Text
natapos ko na yung Maria Clara at Ibarra, sadt wala na naman ako ibibinge watch haha. medj di ko bet ending, though maganda naman kaso bitin ako haha. umaasa pa naman ako na may konek parin sa present yung sakanila ni Fidel. chariz! haha. pero tuwing nakikita ko si David Licauco ang dami kong naaalalang lalake na kahawig niya, common talaga pag chinito e parang pare pareho mukha nila haha. char. pero kahawig niya talaga si Kers, pinaghalong xian lim at david nga lang haha. wala lang, kaya ayaw ko i-crush si David kasi naaalala ko sakanya ex-fling ko lol hahaha.
4 notes · View notes
dowot · 1 year
Text
Tumblr media
Lagalag ng Calle Crisologo, akala nila ako si Maria Clara 😂😂
3 notes · View notes
dar-joyce · 2 years
Text
Henlo. Gusto ko lang i-blog yung Filipino serye na nagustuhan ko after OTWOL
I just happened to watch one of “Maria Clara at Ibarra” clips sa Twitter, then parang naaliw ako kaya tinry ko i-watch yung isang episode nya sa TV. And mind you, IT DID NOT DISAPPOINT. I loved the fact that it is a reimagined Noli Me Tangere and that it is a Philippine Historical drama, so ayun, bininge-watch ko lahat ng episodes hahahah
As a Kapamilya since birth (lol) ngayon lang ako nanood ng GMA serye haha. Ang galing pala ni Barbie Forteza sa RomCom, naaaliw ako sa acting nya dito sa Maria Clara at Ibarra tapos OMG ANG GWAPO PALA NI DENNIS TRILLO! Ganda ng mata pistiiii! HAHAHA! Honestly, ganda ng chemistry nila ni Barbie kahit malayo ang age gap (bet ko chemistry nila pero illegal na i-ship sila sa series kasi nga mag-jowa si Ibarra at Maria Clara (which is being portrayed by Julie Ann San Jose)). Pero kilig akooooh. Di ko sure kung kilig ako sa kanila ni Barbie or kinikilig ako dahil kay Dennis hahaha
#SKL sobrang na-a-attract talaga ako sa movies/series na old settings.. yung damit, language at culture noon, sobrang ganda for me. I wish I was born in their generation or at least be able to experience living in their era kahit saglit lang (minus syempre yung World Wars). At kung hindi nyo naitatanong, pangarap ko talaga ma-address na ‘binibini’ hahahah.
P.S. I’m so glad GMA made this reimagined Noli Me Tangere. So ABSCBN, you should take note. Nakakasawa na theme ng seryes nyo sa true lang 😅
6 notes · View notes
mondy-shop · 12 days
Text
0 notes
mnaasilveira · 3 months
Text
Luz de Maria, Hunyo 2024
________________________________________________________________ MENSAHE NG MAHAL NA BIRHENG MARIAKAY LUZ DE MARÍAHUNYO 20, 2024 Mga minamahal na anak ng Aking Immaculate Heart, mahal Ko kayo, pinagpapala Ko kayo. Nabubuhay sila sa gitna ng malaking kaguluhan, inilagay nila ang Kautusan ng Diyos sa malayang kalooban ng Aking mga Anak. Ang ilan ay nagbibigay katwiran sa kanilang sarili sa…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes