Tumgik
#pabiro
solreix · 4 months
Text
sakusa kiyoomi as yn's minsan childhood friend, madalas kaaway. at ngayon, boyfriend daw?
"ang kupad."
umirap siya sa hangin nang marinig ang salitang iyon galing kay sakusa. hindi niya pa nga nasusuklay ang buhok, at hindi pa siya nakakapag-pulbo!
"napaka-aga mo kasi, nagmamadali ka ba?" inis niyang sagot habang nakatingin sa salamin.
nakita niya pang inirapan siya nito bago sumagot, "first day na first day kasi nagpapa-late ka."
dumila siya rito. "first day na first day kasi, gusto mong mauna sa lahat! wala pa ngang magtuturo niyan sigurado."
"iiwan na kita—"
nang akmang tatayo si sakusa mula sa sofa nila, agad niyang pinagpag ang pulbo sa mukha at itinulak ang buhok gamit ang kamay. agad siyang tumakbo pa-pintuan, making sure nauna siya kay sakusa dahil magsasapatos pa siya.
"ma! alis na kami!" sigaw niya habang nagsisintas. muli, dumila siya kay sakusa dahil sa bagal nito maglakad, nauna siyang matapos magsintas kaysa makalabas ito ng gate. "disney princess ka masyado maglakad kasi kaya gusto mong maaga."
"kaysa sa'yo na darating sa campus nang pawis na pawis?" sagot nito.
"mama mo," asar niya rito.
"dugyot."
nanlaki ang mata niya, at nagpanggap na gulat. suminghap pa siya para mas dramatic bago tiningnan ang tabi. "dugyot si tita? susumbong kita!"
kitang-kita niya kung paano mangunot ang noo ni sakusa sa narinig. gusto niyang tumawa dahil dito, pero pinipigilan niya ang sarili para mas maasar ito.
bumilis tuloy ang paglalakad ni sakusa at dahil sa haba ng biyas nito, naiiwan siya. agad niya itong hinabol at tumalon upang abutin ang leeg nito, at sumabit.
"'wag ka mang-iwan!"
"get off me," naiinis na tinanggal nito ang braso niya mula sa leeg.
this time, hindi niya na mapigilang matawa nang makita ang pamumula ng buong mukha nito. umabot pa sa leeg. "sensitive talaga ng balat mo! konting lapat lang ng kamay ko namumula ka agad."
"marumi ka kasi," sagot nito, inayos ang suot na face mask.
"ang kapal-kapal ng mukha mo, hoy—"
alam niya namang hindi siya marumi, pero dahil sa dumi na 'yan kaya lang naman sila nagkakilala ni sakusa. bagong lipat pa lang sa tabi nila ang pamilya nito nang umuwi siyang puro putik mula bewang hanggang paa.
hindi niya makakalimutan kung paano siya nahusgahan nito pagpasok na pagpasok pa lang niya sa sariling bahay. malinaw na malinaw pa sa utak niya ang mukhang tahimik na batang lalaki, na nakasuot ng yellow t-shirt na may mukha ni sponge bob at short na kulay itim. nasa tabi ito ng isang magandang babae na kulot din ang buhok, at nakikipag-usap sa mama niya.
"yuck." hindi man lang ito nag-abalang hinaan ang boses!
kinder pa lang sila noon kaya dapat normal pa lang na marumi sila kalalaro. well, nahulog siya sa kanal kaya siya ganoon karumi sa totoo lang pero hindi na kailangang malaman iyon ng batang si sakusa.
sumama ang timpla ng mukha niya at kumuha ng putik mula sa damit. tumatakbo siyang lumapit sa batang mukhang bubuyog dahil sa suot nito at ikinalat ang putik sa mukha ni sponge bob sa damit nito.
"ayan, yuck ka rin!" at saka siya humalukipkip.
parehong nagulat ang mga mama nila sa nangyari, at ilang sorry ata ang nasabi ng pareho sa isa't isa. dahil mas malaki ang kasalanan niya, lagi siyang sinasabihan ng nanay niya na puntahan si sakusa para sabay silang pumasok at nakasanayan na nila ito.
"duduraan kita pag-uwi, ayaw mo akong hintayin!" sigaw niya nang muling magkaroon ng distansya sa pagitan nila.
"hindi kita isasabay," sagot nito kahit nakatalikod.
akmang sasagot siyang muli nang may humarang na lalaki sa kaniya. "uy, hoshi!" nakipag-apir pa siya kay hoshiumi.
"wala ka namang jowa diba?" bungad nito.
pabiro siyang sumimangot. "mapanakit naman bungad mo, dalawang buwan tayong hindi nagkita."
humalakhak si hoshiumi. "tanga! irereto kita, crush ka kasi ni kanoka!"
nanlaki ang mata niya. "kanoka–kanoka amanai!? yung sa volleyball?"
ngumisi ito. "oo, pre. type mo?"
"sinong hindi may type sa kaniya—"
"yeah, but sadly may boyfriend siya."
naputol ang sasabihin niya nang may sumingit. iniangat niya sa katabi ang tingin at nakitang si sakusa ito, wala na ang suot na face mask at wala ring ekspresyon sa mukha.
"weh? tingnan mo! maka-react kanina akala mo naoffend ko siya!" sumimangot si hoshiumi. "sayang naman patay na patay sa'yo 'yon—pero i-interrogate kita sa jowa mo next time! late na 'ko!"
bago pa man siya makareact, nakalipad na paalis si hoshiumi. nilongon niyang muli ang kasama. tatlong beses. mabagal. at pasama nang pasama ang naging pagkurap niya habang nakatitig kay sakusa.
"anong eksena 'yon?" tanong niya.
umangat ang kaliwang kilay ng kausap. "bakit? gusto mo si kanoka?"
"hindi—pero kahit na!" lumalim ang gitla sa noo niya. "epal ka sa love life! at boyfriend—sinong boyfriend ko?"
ngumisi ito, at tumagilid ang ulo. "ako."
ilang segundong katahimikan ang namutawi sa pagitan nila bago siya nakahanap ng isasagot. "may... may hd ka sa'kin?"
this time, noo naman ni sakusa ang nangunot. "hd?"
suminghap siya. "h. d. hidden desire!"
nalaglag ang panga ni sakusa. sumara ang bibig nito, at muling bubukas pero isasara muli. tila hindi alam ang sasabihin. sa huli, bumuntong hininga lang ito, umiling, at tinalikuran siya.
"hoy! hindi ka pa nga nanliligaw!" habol niya.
humarap ito sa kaniya kahit naglalakad. "i will, tanga. pinaalis ko lang magiging sagabal."
33 notes · View notes
jezawitha-z · 3 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Mukhang delikado na naman ako
O bakit ba kinikilig na naman ako?" - Dilaw by Maki
Simula nung tinawag si Jollibee at hanggang sa sumayaw sya, tuwang tuwa talaga ako. Pabiro pang sabi ng friend ko na kay Jollibee nalang daw ata ako kinikilig. Hahahaha
My inner child is happy but my adult self is happier at kinikilig. Hahahaha ang babaw lang talaga ng kaligayahan 🤣 Papapicture lang naman ako Jabeee bakit may payakap. Char 🤣
25 notes · View notes
elliiesworld · 1 year
Text
"A Naughty Night With You"
-A Sunoo 18+
Tags: dom!Sun and sub!reader, teasing, buttcheeks squeezing (fem receiving), quirkie, aggressive sex, Sun!as William and reader!as Leigh
"punta ka dito, gusto kitang paluhurin at sirain ang puke mo" William, your boyfriend called you inside his office. Agad ka namang sumunod dahil gusto mo na rin matikman ang matigas at mahaba niyang ari. Kumatok ka at he hummed in response. You immediately went inside at ni-lock ang pinto bago mo pa agresibong hinubad ang crop top mo para ilabas ang bra mong kulay black. He came closer and unclipped it habang hinila ito at hinubad para makita ang naninigas mong nipples at atat sa kaniyang dila na sumabit at umikot-ikot dito.
"Mahal, please.." nagmamaka-awa mong sabi nang patuloy niya itong paikut-ikutin ng pabiro gamit ang daliri niya.
"beg more, baby." Sabi nito at ngumisi, you pressed your body harder against his kaya agad mo namang naramdaman ang kaniyang hardened cock sa loob ng trousers niya. "Ang tigas mo, I want you." You said, accidentally adding a brat tone.
"You're so brat, alam mo ba 'yon? Kanina ko pa gustong kantutin yang puke mo at alam ko naman sa isang dampi ko pa lang, mamamasa ka na" he said teasingly, "fuck my hole then" sabi mo na pabiro.
"huwag mo'kong sisihin pag lumuwang 'yang butas mo" sabi niya at unti-unti niya nang ibinaba ang kaniyang trousers exposing him in his boxers at ang matigas niyang armas sa loob nito. Agad-agad niyang ibinaba rin ang kaniyang boxers kasama ang brief nito at hinimas ko ito.
"so desperate for my cock, slut" sabi niya. Agad kong itinaas ang aking palda na walang suot na panty sa loob at biniro ang kaniyang tite gamit ang labi ng puke ko.
He gently pushed me on the couch and pinned me against the sofa, ngayon hinaharap ko ang sandalan ng sofa at ang likod ko ay nasa harap niya along with my buttcheeks, agad niya itong hinimas at sinampal ng malakas dahilan ng pag-ungol ko ng kaunti.
Ilang segundo ang nakalipas at bigla niya itong pinasok sa aking puke nang hindi nagsasabi.
"FUCK!" Ang sigaw ko, "tangina, ang sikip mo pa rin, Leigh" sagot ni William at hinila ako palapit at paurong sa kaniya as he hits my gspot causing me to squirm and moan loudly.
"puta" ang tanging lumabas sa bibig ko bago pa ako mag-squirt at tumulo ito pababa sa sofa at may kaunting tumalsik sa legs niya.
"Shit, kakasimula lang natin pero naglabas ka na ng tubig mo. Fucking unfair" with that, he spanks my butt and I moaned loudly as I squirts more.
The more I squirt, the more he spanks.
Pagkatapos ng labing lima at mahigit na minuto, hinila niya ang kaniyang tite palabas at tumulo na nga ang cum niya at ihi ko palabas mula sa aking lumuwang na puke.
"so fucking good. Just a quickie pero shit.. you're still tight, babe.." he gave my forehead a peck before grabbing the wipes and wiped off the juices and cum on my thighs and lower pussylips.
"William, napaka-laki mo para sa puke ko" sabi ko at tumawa lang siya bago niya ako yakapin.
36 notes · View notes
kimhortons · 21 days
Text
pinaka ayaw ko talaga kapag pinapakialaman yung gamit ko or anything that belongs to me—sorry, but it includes food. hindi naman ako madamot, pero madali naman ako hingian. ayaw ko lang talaga ng kinukuhanan ako ng walang paalam or di man lang nagtatanong. inis na inis talaga ako sa ganun.maski sa work, alam ko kapag ginalaw yung station ko, alam ko kapag ginamit yung utensils ko sa pantry. sa bahay, alam ko kapag may pumasok sa kwarto, alam ko kapag may ginalaw sa gamit ko, alam ko pag kulang ng isang part yung yung manok. haha. medyo nakakatawa sa part na 'to.
pero naiinis na naman kasi ako ngayon, ineexpect ko lulutuin ko lahat ng natira kong minarinade na manok bukas para bauin pang breakfast at lunch na. tas nung chineck ko, kulang na ng isa yung tatlo. kaya bwiset na bwiset ako sa pamangkin ni J e. hilig manguha ng hindi nagpapaalam o nagtatanong. kita naman hindi lang sila yung may nilalagay sa ref—yung bunsong kapatid din kasi nila J dun dito rin naglalagay sa ref. although syempre isang pamilya parin naman, pero kaya nga may mga naka bukod bukod na lagayan e. hay i'm having internal gigil right now, pachill chill lang ako pero gigil talaga ako. hehe.
i dunno, nasanay lang talaga ako samin ng kapatid ko sa manila na bawal kami mag galawan ng gamit or pagkain sa bahay. okay naman kami mag share, pero pinalaki kasi kami na laging bukod yung kung anong gusto namin or kung anong meron siya, meron din ako para hindi kami nag aaway, mostly nung bata pa kami nito. tsaka nung nag matured kami, lagi kami nag papaalam sa isa't isa pag hihingi ng naka stock naming pagkain or hihiram ng gamit. okay ako sa ganun, ayaw ko kasi ng feeling na para akong kinukupitan e pwede ka naman mag paalam. hindi naman ako madamot, but i'd be willing to give, if you asked.
siguro isa rin 'to sa kailangan ko baguhin. pero so far, i like how i manage myself when things like this happens. dati kasi nagagalit ako agad, nag tatanrums pa ko. ngayon, pag may gumalaw ng station ko konting pabiro na "oh sino na naman sisingilin ko ng 100 sa pag gamit ng laptop stand ko. di pa binalik sa pwesto plus 100 petot" ngayon pag nakukuha yung tinatabi kong food dito sa bahay, mag susumbong lang ako kay J tapos okay na. hingang malalim nalang, siya na bahala mag sermon haha. simula nung nag stay talaga ako dito sakanila natuto na ko kumalma pag galit. pero sumasakit parin ulo ko pag piniligilan ko magalit. hehe.
6 notes · View notes
cheoletti · 1 year
Text
Drunk Call | choi seungcheol
Tumblr media
choi seungcheol x female!reader ; fluff
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nagising ka ng 2 am kasi ring nang ring yung phone mo.
“Tangina naman!” Napaupo ka at napamura kasi nakalimutan mo nanaman patayin phone mo bago ka matulog.
Akmang papatayin mo na sana yung phone nang mabasa mong si Cheol,  ang tumatawag. Agad mo naman itong sinagot.
“Cheol? Gabing gabi na bat napatawag ka? Oks ka lang?” tanong mo agad.
Kahit na friends lang naman kayo, hindi mo parin maiwasan magalala at mabahala.
“Uy! y/n sumagot ka din sa wakas!” sabi niya.
Napa buntong hininga at irap ka nalang dahil alam mong drunk call to.
“Lasing ka nanaman ba cheolito?”
“Luh! Hindi ah.” defensive na sabi niya. Bago ka pa makasagot bigla siyang sumigaw. “Hoy Jeonghan wag kang maingay kausap ko si y/n!”
 Napatawa ka nalang kasi ang cute niya pag lasing.
“Nakila gyu ka?” sabi mo.
“Gyu? Anong Gyu? gyu tawag mo sa kanya? Kelan pa kayo naging close? Mingyu pangalan niya kaya tawagin mo siyang Mingyu.” sabi niya.
Napatawa ka nalang kasi yan nanaman ang pagkaseloso niya.
“Cheol, lahat tayo gyu ang tawag sa kaniya.”
“ahh oo nga no?”
Invited ka naman sa party pero sobrang busy sa acads kaya nagpass ka nalang muna.
Maya maya at nagsalita nanaman siya.
“Ba’t wala ka dito?” bakas ang lungkot sa boses nito.
Napatawa ka nang malakas kasi alam mong kapag hindi siya lasing hindi ganito aasta ito.
“wala ako sa mood eh. Pagod kasi. Diyan ka ba matutulog?” sabi mo.
“oo, bakit?” sagot niya.
“wala lang, sasabihin ko sanang wag ka magdrive nang lasing delikado.”
“eh hindi naman kaya ako lasing?”
“Ewan ko sayo, cheol”
“y/n, mag aalala ka ba kapag magddrive ako nang nakainom? ” seryoso niyang sabi.
Naupo ka nang maayos at naguluhan.
“Oo naman, kaibigan kaya kita! Syempre magaalala ako baka mapahamak ka sa daan.” sabi mo pero napansin mo na hindi siya sumasagot agad.
“ah, oo nga kaibigan mo ako.” lungkot niyang sabi.
Naguluhan ka na sa papalit palit ng mood niya. Baka kasi lasing?
Mamaya onti ay bigla siyang nagsalita ulit.
“Bakit kasi friends lang tayo?”
Hindi mo alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Sige na, bestfriends na tayo.” pabiro mong sagot.
“Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, y/n”  tama siya, alam mo talaga ang ibig niyang sabihin pero takot ka kasi nga maybe its the alcohol talking.
Napahinga ka nalang nang malalim, “Cheol, matulog ka na. Bukas pag gising mo pagusapan natin to.”
 “Hindi naman kaya ako lasing!” pasigaw niyang sabi, halatang naiirita na.
Napakamot ka nalang din sa ulo mo kasi naiinis ka na din.
“Alam natin pareho na lasing ka cheol kaya itulog muna natin to at usap tayo bukas nang maaga.”
"fine," sa wakas ay sumuko na si cheol. "teka y/n pwede  bang huwag mo ibaba yung tawag hanap lang ako ng bakanteng kwarto dito?" tanong niya sayo.
Pumayag ka, at nanatili ka sa linya, walang nagsasabi ng kahit ano. Naririnig mo pa ang party sa background, pero nagulo ang isip mo sa mga sinasabi ni Cheol.
You wished na hindi niya makalimutan o pagsisihan ang anumang sinabi niya, at baka, baka lang, sinadya niya ang mga sinabi niya.
"okay, nakahanap na ako ng kwarto." narinig mong nagsalita ang boses ni cheol. mahina ang boses niya, malamang nakahiga na siya sa kama.
"sige, good night seungcheol" bulong mo sa telepono, umaasang hindi niya makakalimutan o pagsisihan ang mga pinag-usapan niyo ngayong gabi.
"goodnight, y/n." tumahimik ang linya ng ilang segundo, at ibababa mo na sana ang tawag nang marinig mong nagsalita siya. "Gusto kita."
22 notes · View notes
Text
Jian Arthur, I don't know if you'll ever get to read this. But I want to say that it's always been you. I'm not supposed to like you in the first place. I'm not supposed to see you in this way. But can anyone really blame me for how I feel? You should know that I have done my best to stop myself from liking you further. You should know that I've tried looking at other people the way I see you
Alam ko nirereto mo ko sa iba kahit na pabiro. Gusto ko rin na makilala sila pero tangina, anong gagawin ko? Ikaw yung gusto ko eh. Hindi ko naman kayang pilitin sarili ko kung alam Kong gusto kita. Oo ikaw, tangina. Ang hirap mong maging crush. Bwisit ang dami ko na ngang kaagaw, tingin mo pa ata sa'kin kaibigan lang.
Ano bang gagawin kooo sa nararamdaman ko ha. Ano bang gagawin ko para lang magawi naman sa'kin yang tingin mo. Ano bang pakiramdam ng magustuhan mo. Jian, ano ba. Gusto kita tangina naman kahit kailan ba hindi sumagi sa isip mo na baka pwede tayo? na baka ako na yung para sa'yo? Medyo tanga ka kasi. Ako na 'to oh.
Ewan ko. Ewan ko ba at hanggang ngayon naaapektuhan mo pa rin ako. Ewan ko rin ba at sa lahat ng tao sa mundo, ikaw pa talaga yung napili kong mahalin.
4 notes · View notes
kuyabonoforyou · 1 year
Text
PATRICE'S STORY
Dear Kuya Bono,
               Kumusta po ang lahat. I hope everybody is OK. Ako, mas OK ngayon kesa nagdaang mga taon ng buhay ko. Nag-explore kasi ako noong 2018. Nainggit sa mga pinsan ko at pinatulan ko rin yung sinasabi nilang ‘Get Out of your Comfort Zone’.
               DALAWANG TAON DIN NA NAMUHAY ako gaya ng buhay ng mga pinsan ko sa Maynila..at nakasanayan at nagustuhan ko na rin ang pamumuhay nila….pero NAGKA-PANDEMIC kaya’t noong JUNE 8, 2020 ay…wala akong choice kundi ang UMUWI muna dito sa Probinsiya.
>>>>> 
               Graduate po ako ng BSE  Major in English noong 2016. Same year ako nag-take Licensure Examination for Teachers at pinalad naman mapabilang sa 31,334 na pumasa. Imagine that number of new teachers. Secondary pa lang yan ah. Sa Elementary naman ay 23,378 ang pumasa.
               Hindi lang ako at pamilya ko ang natuwa sa pagkakapasa ko ng Licensure Exam Kuya Bono kundi…baka, lalo na si Yosee. Matagal na kasi siyang nanliligaw sa akin noon kaya lang, parang hindi siya seryoso…kaya’t hindi ko rin siya sine-seryoso.
               Kabarangay ko lang si Yosee. Puro opposite ang mga purok namin. Purok Uno sila, Purok siyete kami.
               Sa paraang pabiro ko lang nasabi noon kay Yosee ang ganito;
               “Yosebio,..pag pumasa ako sa Board Exam, sasagutin na kita….”
               “Luh, huwag na! Ayoko ng ganon. Di naman ako desperado sa chance na maging GF kita noh?...Kung sagutin mo man ako dapat dahil yan sa…mahal mo ako, hindi dahil sa masaya ka lang kasi pumasa ka sa exam. Apaka-kenkoy mong babae ka!”
               “Kaarte mo naman Yosebio. Ayaw mo di huwag….at lalo namang hindi ako desperadang maging tayo noh? Ang kapal mo!!!”
               “Mas makapal ka! Dadaanin mo pa pala ako sa pustahan eh. Pano kung di ka pumasa eh di hindi rin ako pumasa sayo?! Style mo bulok!”
               “Mukha mo bulok! Huwag ka na ngang pumupunta dito sa’men noh? Istorbo ka lang sa buhay ko! Uwi ka na!”
               “Oyyy…nagalit naman agad. Joke lang darling ko…..di ka mabiro…..”
               “Anong darling ko?! Di pa tayo noh?”
               “Tayo na….kasi sigurado namang papasa ka sa exam eh. Ikaw pa ba? Maganda na…matalino pa…”
               “Hay naku Yosebio,..hindi mo ako mauuto….”
               “Payag na nga ako eh. Sagutin mo na lang ako kapag pumasa ka sa exam….pero kapag hindi ka pumasa. Liligawan pa rin ulit kITA kahit na…back to zero ako, start from the beginning…OK lang sa akin kasi….mahal  kitang totoo…todo todo walang preno…SAGAD HANGGANG BUTO!”
               “Diyan ka magaling sa kasaltikan mo. Alam mo, kaya hindi ako naniniwala sayo eh kasi puro ka biro….”
               “Hindi. Promise. Mula mamayang gabi bago ako matulog, madadasal ako…ganon din paggising ko sa umaga, magpe-pray ako….hihilingin ko kay Bro na….ipasa ka niya sa board exam…..para maging tayo na….para matikman mo na ang aking matamis na halik….at naguumalab na yakap…aking mahal na Patrice, Pa-kiss na lang, KAHIT isa lang please…..”
PLAY>S1
DKB-2
               Kahit hindi kataasan ang score ko sa LET ay nagpa-ranking pa rin naman ako, baka sakaling suwertehing magkapagturo sa Public School…kahit na, alam kong mahirap kasi nga napakarami naming bagong teachers.
               Alam kong matagal makatanggap ng balita tungkol sa ranking kaya’t nag-apply muna ako sa isang Private High School sa bayan pero huwag na lang nating pagusapan ang suweldo dahil talagang minimum lang. Mas mataas pa nga ang suweldo ng nakababata kong kapatid na si Perry sa kaniyang trabaho bilang collector sa Lending…at pinagyayabang niya sa akin yun kasi siya, hindi tapos ng college. Choice niya yung hindi  magtapos kasi tinamad nang mag-aral at pinakinabangan na lang niya ang pagkahilig niya sa pagmo-motor sa pagiging collector. Bestfriend ni Peter si Yosee kahit na hindi sila magka-age kasi, si Yosee ang ka-age ko. Ka-batch ko siya sa public elementary school dito sa amin…pero hindi kami close noon. Ang ka-close niya ay yung mga kagaya niyang bardagul na laging pasimuno sa mga kalokohan sa school.
               High School, sa private nag-aral si Yosee. May kaya kasi talaga sila kahit noon pa. Empleayado sa DENR ang Papa niya, pero siya din ang boss sa kanilang malawak na Palayan at Maisan, malawak na Manggahan at may Poultry din sila. Ang Mama naman niya ay may puwesto ng dry goods at beauty parlor sa bayan. Yung mga nakatatandang kapatid ni Yosee ay nasa abroad kaya’t well-off talaga sila…pero walang yabang at arte si Yosee sa katawan. Napaka-simple niya at barriotic pa nga kung pumorma.
               College, nag-enroll siya ng Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science sa Mountain View College sa Valencia City. That time ay dalawa na lang sila ng bunso niyang kapatid na si Carmela ang naiwan dahil ang mga nakatatandang kapatid nila ay nag-stay sa Maynila at yung dalawa, panganay at sumunod sa panganay ay nagpunta sa America.
               Ako naman ay kumuha ng Bachelor in Secondary Education major in English sa BukSU o Bukidnon State University dito lang sa amin sa Malaybalay, Bukidnon. So, hindi kami schoolmate ni Yosee pero, updated ako tungkol sa kaniya dahil nga sa bestfriend siya ng bunso kong kapatid na si Perry…at nagkukuwento ito tungkol kay Yosee kahit hindi naman ako interesado.
               Vocal din si Perry noon sa palaging pakumusta daw ni Yosee sa akin…pero that time ay, wala talaga akong interes kay Yosee kasi, in-love na ako noon sa ka-klase at secret boyfriend kong si Michael.
               Nakay Michael Kuya Bono ang mga katangian ng lalaking pangarap kong maging boyfriend. Guwapo, mas matangkad sa akin, malinis sa katawan, matamis ngumiti at matalino.
               Consistent Dean’s Lister si Michael Kuya Bono, hindi siya bumababa sa Top 5. Ako, never mind. Hindi ko na-experience ang mapasali sa Deans List kasi hindi naman ako matalino at hindi ako masipag mag-aral. Masipag lang ako sa bahay, masipag akong magluto at maglinis pero tamad akong maglaba at mamalantsa,..kaya kay Mama napupunta ang mga gawaing ayaw ko.
               Balik tayo kay Michael. Kabatian ko na rin siya dati pa, naka-grupo ko din siya sa Project noong 3rd year kami pero hindi naman kami nabigyan ng chance para maging close noon. Siya ang group leader noon kaya’t naka-distribute amin na mga members nya ang kaniyang atensiyon.
               Pero noong 4th year na kami, pareho kaming na-assign sa Silae National High School para sa aming Practice Teaching. Pabor kay Michael na sa Silae kami na-assign kasi, taga-Kibalabag siya which is katabi lang ng Silae. Pero ako ay sa kabilang panig nakatira at malayo sa Silae ang sa amin.
               Mabuti na lang at nag-abroad noon ang panganay naming si Kuya Paulo. Binata pa siya noon at INIWAN niya kay Papa ang kaniyang Honda TMX 125 pero madalang namang magamit ni Papa dahil walang daanan ng sasakyan papunta sa bukid niya.
               Ang motor na yun yun Kuya Bono ang ginamit ko sa pagpasok sa Practice Teaching ko at dahil sa motor na yun ay, naging kami ni Michael.
PLAY>S2
DKB-3
               Grade 5 pa lang ako marunong na akong mag-motor. Nagsimula akong matuto sa tricycle ni Tito Tonyo na kapitbahay lang namin. Noong High School ako, nagagamit ko na rin ang motor ni Kuya Paulo kapag wala siyang sumpong. Madalas kasi ay madamot siya sa motor.
               Unang araw ng Practice Teaching namin ay nagulat pa si Michael noong makita niya akong nagpa-parking. Naka-jogging pants lang ako noon pero dala ko ang pencil cut naming paldang uniform sa Practice Teaching. Nagbihis na lang ako noon sa CR ng Faculty Room.
               May dala akong baon noon na lunch Kuya Bono pero inaya ako ni Michael sa bahay nila na nasa kabilang barangay lang naman. Sumakay kami sa motor na dala ko pero siya ang nag-drive at ako’y angkas niya. Ang sarap sa pakiramdam ‘non Kuya Bono, feel na feel kong kaangkas ako ni Michael sa buhay niya.
               Noon ay nakilala ko na rin ang magulang at dalawang kapatid niyang wala pang asawa. Bunso si Michael at…mamangha ka talaga sa mga naka-kuwardong graduation pictures ng mga kapatid niya sa kanilang dingding. Ang ayos ng pagkakahilera. Kagaya ng pagkakahilera ng mga pictures ng mga naging Mayor sa mga Munisipyo. Walo silang magkakapatid at si Michael ang bunso at picture na lang niya ang kulay sa dingding na yun.
               Malaki ang bahay nila Kuya Bono pero simple lang. Para itong Ancestral House. Malawak din ang kanilang bakuran at napakaraming tanim sa paligid. Mabait naman ang parents ni Michael. Makuwento ang Mama niya at lagi itong nakangiti. Ang Papa niya, hindi palangiti, mukhang strikto at English Speaking….pero nauunawaan ko naman  yun kasi, siya ay retired principal.
>>> 
               Naging sobrang close kami ni Michael Kuya Bono at talagang in love na ako sa kaniya pero, alangan namang ako ang manligaw? Ramdam kong caring din siya sa akin pero hindi naman nagsasalita. Eh ako, experto ako sa pagtatago ng damdamin ko kaya’t alam kong hindi rin ako nagpahalata na gustong-gusto ko siya.
               Kaya lang noong sumapit ang 21st birthday ko Practice Teacher pa kami  noon, tandang-tanda ko pa, LUNES yun at katatapos nga lang ng Flag Ceremony at nakikipagkumustahan pa lang ako sa mga estudyante ko noong biglang pumasok ang dalawang lalaking Grade 10 Students. Yung isa ay may dalang gitara.
               “Yes boy? What can I for you?” tanong ko sa kanila.
               “Haharanain ka namin maam…” sagot ng isa at yung isa’y nagsimula nang tumugtog ng gitara. Yung isa ay kumanta naman ng EVERY WOMAN IN THE WORLD NG AIR SUPPLY.
PLAY>S3
DKB-4
               Nasa kalagitnaan na siguro ng kanta noong pumasok naman si Jericho, ang pinaka-poging estudyante ni Michael at may dala itong bouquet of red roses. Tilian kami noon, oo Kuya Bono pati ako ay nakitili sa mga babae kong estudyante. Ang tamis ng ngiti ni Jericho noon….diretso siya sa akin at inabot ang bouquet ng pulang rosas.
               “Ano to, anong nangyayari?” tanong ko kay Jerico. Sumenyas siya sa pinto at doon ay lumitaw naman si Michael. Parang maiihi ako kilig noon Kuya Bono, patuloy pa rin noon ang pagkanta nung dalawa sa harapan pero noong matapos sila ay pumasok si Michael.
               “Saglit lang to guys!” Tila paumanhing sabi niya sa mga estudyante ko.
               “Ahmm…..Patrice, sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. But…here and now…I am expressing my love to you. I LOVE YOU…..can you be my girlfriend?”
               “YES! YES!!!” narinig kong sigaw ng isang estudyante ko, una siya lang pero halos mag-chorus na sila sa pagsigaw ng YES! YES! YES!”
               “Yes…daw…” Sabi ko.
               “Gusto ko manggaling sayo. It is a yes?”
               “Michael….of course, YES!”
PLAY>S4
DKB-5
               Nakakakilig diba? Pero…hindi kami nagtagal ni Michael. Sorry to disappoint you pero,..BU-ANG kasi ako at nakakahiya ang nangyari.
               Buwan na ng March noon. 7 months na kami ni Michael noon kasi, September 22 ko siya sinagot. Gaya ng dati, umuwi kami sa bahay nila ng Lunch Time pero kararating lang namin ay nagpaalam ang katulong nila. Ang Mama ni Michael ay nag-attend daw ang Mama at kapatid niya ng kasal. Ang Papa naman daw niya ay may nilakad sa Maramag, isang bayan din yun ng Bukidnon. In short, kami lang ang tao sa bahay nila.
               Dati nang maka-serve ang pagkain namin sa mesa. Pagkakain namin ay nag-shower si Michael pero hindi muna nagbihis. Nakatapis siya ng tuwalya noong tabihan niya ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko noon Kuya Bono. Hinagkan niya ako sa labi at naging maalab yun…hanggang sa hinila niya ako sa kuwarto niya nakatabi lang ng salas. Sumama naman ako at doon Kuya Bono ay natangay na rin ako. Hinayaan ko na siyang tanggalin niya ang saplot sa katawan ko. Nakabuyang-yang na ako ng hubot-hubab sa kaniya…tapos pumatong siya. Nagulat ako noong madama ko ang kaniyang…ANO sa pagitan ng hita ko…ang tigas at parang ang laki.
               Doon ay natakot ako Kuya Bono. Bigla akong bumangon, tinulak ko siya. Dinampot ko ang mga damit ko saka ako lumabas ng silid niya. Sa salas ay magmamadali akong nagsuot ng panty ko, bra at ang palda ko…at noong sinusuot ko na ang blouse ko ay nagulat ako dahil napansin kong may nakaupo sa sofa….may hawak na diyaryo….pero sa akin nakatingin---ang Papa ni Michael.
>>> 
               Sa sobrang hiya ko Kuya Bono ay umalis ako ng walang imik sa Papa ni Michael. Bumalik ako sa school mag-isa pero hindi na pumasok si Michael nung hapon.
>> 
               Kinaumagahan ay sa BukSU kami, kasi may klase pa ako noon liban sa Practice Teaching. Noong matapos ang subject na yun ay nilapitan ako ni Mara, ka-klase ko siya at ang sabi niya;
               “May kakausap sayo….pinsan ko….PUWEDE, sama ka?” Sumama naman ako Kuya Bono kasi, alam ko namang hindi gaga si Mara. Actually isa siya sa mga campus crush sa school at lagi ding parte ng Deans List. Dinala niya ako sa library na malapit lang sa classroom namin. Doon ay nadatnan namin si Katarina. Kilala siya ng lahat kasi nag-runner up siya sa Mr. & Miss BukSO nung nakaraang taon. Pinsan siya ni Mara.
               “Hi!” Nakangiting bati niya sa akin saka niya ako pinaupo sa harap niya.
               “Ako si Katarina…..”
               “Kilala kita….” Nakangiting sagot ko.
               “Patrice right?”
               “Oo….”
               “Ahm, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Patrice. May itatanong lang ako…..”
               “Sure. Ano yun?”
               “Hindi ba nabanggit ni Michael sayo na…girlfriend niya ako?”
               >>>
               “Girlfriend ka niya?...hala. Sorry, hindi ko alam…wala, wala siyang nabanggit sa akin…ang alam ko talaga, wala siyang girlfriend…..sabi pa nga niya hindi siya marunong manligaw….”
               “Complicated kasi ang sitwayson ko dito sa school…kaya usapan namin ni Michael na, sikreto muna ang relationship namin. Akala ko OK lang sa kaniya.
               “Sorry Katarina, hindi ko alam….”
               “May estudyante ka na…kapatid ng friend ko. Yung friend ko ang nagkuwento sa akin na….sinagot mo daw si Michael infront of your class….”
               “Oo, totoo yun…pero promise, hindi ko alam na kayo….”
               “Sigh. Anniversary namin ngayon. Nasa simbahan siya…naghihintay sa akin. Hindi ko pa siya nako-confront tungkol sa inyo…and I decided na sayo ko alamin kung totoo..bago ako humarap sa kaniya…and I think, kayo nga diba?”
               Hindi ko nasagot ang tanong na yun ni Katarina.
               “It’s OK Patrice. The truth is, mahal ko si Michael pero, sa ginawa niya…pinatunayan lang niya na…hindi niya deserve ang pagmamahal ko. Pupuntahan ko siya para makipagbreak na. Mas OK na yung may closure diba?”
               “I’m sorry Karatina…promise hindi ko alam….”
               “No, it’s OK. Siguro nga…kayo talaga ang para sa isa’t-isa…and I want you to know na hindi ako galit sayo. In fact, sobrang nagpapasalamat pa nga ako kasi…pumunta ka dito at nagsabi ka ng totoo….thank you Patrice….” Pagkasabi ni Katarina yun ay nakita kong tumulo ang luha sa makinis niyang pisngi.
               Tinapik pa niya ang balikat ko noong bago siya marahang lumakas palabas ng library.
               “Tara na din…” Aya sa akin ni Mara pero ang sagot ko;
               “Mauna ka na Mara…dito lang muna ako……” Pag-alis ni Mara ay, nagisip ako ng gagawin ko kay Michael.
               Mahal na mahal ko din siya Kuya Bono kaya lang, HINDI OK sa akin ang ginawa niya,..o mga ginawa niya. Una, yung pagtatangka niyang kunin ang pagkababae ko. Pangalawa,..may girlfriend pala siya.
               Noon ko lang nakaharap at nakausap si Katarina Kuya Bono pero natantiya kong mabuting babae siya,..at nakonsensiya ako kasi…bahagi ako ng sakit na dinanas niya dahil kay Michael.
               Noon din sa library ay nagdesisyon ako. Makikipagbreak na din ako kay Michael kahit na…mahal ko siya.
PLAY>S5
DKB-6
               Hindi lang actually si Katarina ay yung attempt ni Michael na kunin ako…ang mga dahilan kung bakit, kailangan ko na din talagang iwasan siya. Isa pang major reason ay yung…nahihiya na ako sa magulang niya, lalo na sa Papa niya.
>> 
               Hiyang-hiya pa rin ako sa sarili ko Kuya Bono kapag naaalala ko yung tagpong yun na…siguro nakita ng Papa ni Michael ang buo at hubad kong katawan.
>>> 
               Hanggang sa maka-graduate kami ni Michael ay hindi na siya lumapit sa akin…at wala na rin akong pakealam noon sa dahilan niya. Then, days before graduation namin ay madalas ko silang makita ni Karatina. Minsan nga, nakasalubong ko pa sila sa corridor at nag-ngitian kami ni Katarina….at nakapagtataka Kuya Bono kasi, hindi naman ako masyadong nasaktan o nagselos. Actually, masaya ako para kay Katarina kasi…siguro ay nagawa niyang patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Michael…at hindi niya ako inaway diba? At sa totoo lang, bagay sila ni Michael. They really look good together…
PLAY>S6
DKB-7
               So far noon Kuya Bono ay si Michael ang pina-OK na naging boyfriend ko; pinaka-guwapo, pinakamatalino, pinaka-maganda ang family background pero siya pa ang hindi ko iniyakan.
               Nakatatlong boyfriends din ako noong High School. Hindi pa K to 12 noon. Dalawa noong 3rd year then isa noong 4th year na na-extend pa ang relationship namin hanggang First Year ko sa college. Silang tatlo pero third party ang reason kung bakit ako nakipag-break. Ayoko kasi ng lalaking HINDI LOYAL AND FAITHFULL…Kaya kahit masakit, nakikipagbreak ako. Sa relasyon Kuya Bono ay idol ko ang parents ko. FIRST AND LAST LOVE nila ang isa’t-isa.
               Pareho din silang nag-abroad noong maliliit pa kami. Si Mama nag-DH sa Kuwait, then si Papa nag-Saudi naman pero pareho silang hindi nagtagal sa abroad kasi, ayaw nilang masanay na malayo sila sa isa’t-isa. Nanghihinayang sila sa mga taon na hindi nila kasama ang isa’t-isa.
               Ganon ang gusto ko. At gusto ko ng lalaking loyal at faithful…yung ako lang ang mahal at pakamamahalin.
               Oo, hindi ako kagandahan…at hindi naman ako nag-aasam ng guwapo eh. Actually, akala ko nga swerte ko lang kay Michael. Akala ko, may nakita siyang special sa akin…something na hindi nakikita sa panlabas kaya niya ako jinowa….pero na-realize ko din na…gusto lang niyang makaisa kaya siya nag-effort din sa akin.
               Then nung bakasyon, eto naman si Yosebio…o Yosee, na unang lumapit sa akin dahil kukunin daw akong muse sa team nila sa basketball. Nagdidilig ako ng halaman noon at tinapat ko sa kaniya ang sprinkler.
               “Ay bu-ang ka ba? Kagagaling ko sa basketball..mapapasma ako!”
               “Umalis ka kasi dito. Huwag mo akong pagtripan!”
               “Seryoso ako Patrice, wala kaming muse kaya ikaw na lang…..”
               “Ang sama mo noh? Porke wala kayong mahanap…mapipilitan kayong ako na lang ganon? Lumayas ka nga dito!” Sabi ko saka binugaan ng tubig kaya tumakbo sa kinaroroonan ni Perry….pero panay pa rin ang tingin sa akin at nagpapa-cute. Ngingiti-ngiti, kikindat-kindat at saka parang batang nagbu-beautiful eyes. Napapangiti ako sa kakulitan at  kakengkoyan niya pero hindi ko pinapakita. Tumatalikod ako kapag napapangiti ako para hindi niya makita at nang hindi niya isiping….napapasaya niya ako.
PLAY>S7
DKB-8
               Alam na alam ko naman na ganon ang style nila ni Perry sa babae eh. Pareho silang naniniwala sa kasabihan nilang; “IF YOU CAN MAKE A LADY LAUGH, YOU CAN WIN HER LOVE!”
               Kaya yung style ni Yosee na yun, hindi epektibo sa akin. Kaya yata nag-isip sila ng iba. Sila kako kasi, alam kong kakutsaba niya ang kapatid kong Perry. Unang araw ko ng pagtuturo sa Private High School sa bayan na sabi ko’y pansamantala lang habang hindi pa ako nabibigyan ng break sa Public School….ay, nakisuyo ako kay Perry na ihatid ako. May MIO kasi si Perry, regalo sa kaniya ni Papa noong mag-tapos ito ng High  School. Bigla siyang nagdahilan, magsi-CR lang daw kaya hinintay ko naman. Kaso paglabas niya ng CR, may LBM daw siya.
               Maya-maya’t dumating si Yosee dala ang kotse ng Papa niya. Halata sa ngiti ni Perry noon na planted ang pangyayaring yun. Sumakay na rin ako sa kotseng dala ni Yosee kahit na, hindi ako nagre-react noon sa mga pambobola niya.
               “Ang isang magandang dilag na kagaya mo, hindi dapat sa motor sumasakay….” Sabi pa niya noon pero hindi ako nag-react. Sinulyapan ko lang.
               “Mula ngayon, hatid sundo na kita….” Sabi pa niya noong bumaba na ako sa harap ng school at noong labasan ng hapon ay nandun na siya, nakatayo pasandal sa kotse at nakakaloka ang ngiti niya sa akin.
>> 
               Pinanindigan niya Kuya Bono na ihatid-sundo ako kahit noong busy na siya sa farm nila. Isa kasi siya sa mga nag-ooperate ng malalaking makina na pansaka, in short, sa sarili nilang farm niya ginamit ang pinag-aralan niya. Hindi siya nag-apply sa iba.
               Tuwing Sabado at Lingo, nasa bahay din siya kahit wala si Perry, ako ang ina-alaska. Hanggang sa napansin kong parang seryoso na siya pero dinadaan lang sa biro. Wala na ring babaeng nali-link sa kaniya noon, ayon sa mga kaibigan ko dito sa baryo….at ayon din mismo kay Perry.
   ��           “Seryoso yun sa’yo. Alangan namang gagaguhin ka nun eh…tropa ko siya. Hiya na lang nun sa akin….” Ito pa ang sabi ni Perry sa akin noong minsang, tinanong ko kung wala na talagang babae si Yosee.
               At yun nga, sinagot ko na rin kahit na…may duda pa ako noon sa kaniya at hindi ko pa siya ganon kamahal.
>>> 
               Pero habang nagtatagal Kuya Bono ay unti-unti siyang napamahal sa akin. Nakasanayan ko ang kautuan niya,….kasi, sa kabila ng mga kalokohan niya Kuya Bono ay mabait siya, may isang salita at marespeto.
               Lagi niya akong hinahagkan pero sa pisngi o noo….at kung sa labi naman ay smack lang….at hindi ko namamalayan Kuya Bono na,…talagang mahal na mahal ko na siya. Yung tipong, siya na talaga ang gusto kong makasama sa habang-buhay.
PLAY>S8
DKB-9
               Noong kaga-graduate ko pa lang ng college ay kinukumbinsi na ako nina Alice at Gwen…mga pinsan ko na mag-call center din sa Maynila. Si Gwen, hindi nga college graduate eh, second year lang sa Nursing ang naabot niya.
               Noong kasal ni Ate Mayet na pinsan ko din, kapatid ni Alice ay umuwi sina Gwen at Alice kasi mga abay din sila kagaya ko, partner ko din noon si Yosee at, sakto pang SECOND anniversary namin noong ganapin ang seremonya ng kasal nina Ate Mayet at Kuya Kris sa simbahan.
               “Next year, tayo naman pakasal…” Narinig kong sabi ni Yosee noong kami ay nagma-martsa sa aisle ng simbahan. Hindi ko yun pinansin kasi, palabiro nga siya at baka biro lang niya yun…pero seryoso pala siya.
               Kinagabihan kasi, sa handaan ay inulit niya yun sa akin kaya ang tanong ko;
               “SERYOSO ka ba?”
               “Oo, bakit? Nasa tamang edad naman na tayo ah. 24 na tayo pareho….”
               “Masyadong maaga Yosee. Ganiyan dapat kina Ate Mayet,…27 siya…28 naman si Kuya Kris….”
               “Ayaw mo di huwag!” Ganito ang narinig kong sagot niya at bahagyang nakasimangot. Hindi ko na lang pinansin.
>>> 
               At dalawang taon na akong nakapila sa ranking Kuya Bono pero, wala pa ring good news. 2 years na rin akong nagtitiis sa kakarampot ng pasuweldo sa Private School sa bayan….at iyon ang dahilan kung bakit, nakumbinsi na ako ng tuluyan nina Alice at Gwen na mag-apply din sa Call Center kung saan sila nagta-trabaho.
               Ang alam ko Kuya Bono ay, hindi naman talaga ako materialistic na tao pero, nakakainggit din kasi talaga ang mga pinsan ko. Iba sila manamit, iba silang kumilos at magsalita since nag-call center sila,…tapos ang mga gamit nila, alahas, cellphone…mga mamahalin talaga.
               Ang reason ko talaga noon kung bakit ako umaayaw sa anyaya nila ay, ayoko mapuyat gabi-gabi. Kaya lang sabi  nila, nakakasanayan naman daw yun…at hindi naman sila dry Kuya Bono, fresh skin nga sila eh kasi bumabawi naman daw sila ng tulog sa araw.
               Nag-decide akong sumama sa kanila…pero noong magpaalam ako kay Yosee, matigas ang kaniyang PAGTUTOL…pero wala siyang nagawa kasi, katawan ko, sarili ko ang boss ko sabi ko pa sa kaniya…at lalo pa akong nagmatigas noong sabihin niyang; “Pag umalis ka, manliligaw ako sa iba!” At ang sagot ko;
               “Eh di manligaw ka!”
PLAY>S9
DKB-10
               Noong mga unang buwan ko sa Maynila Kuya Bono, lalo na noong training days ko pa lang….madalas kong maisip si Yosee. Liban din sa, napaka-kulet sa text at chat at pinapauwi ako…pero nagmamatigas ako, sabi ko hindi ako uuwi. Hindi na niya inulit yung banta niya na manliligaw sa iba.
               Sa totoo lang, umiyak siya noong paalis na kami papuntang Maynila at ang higpit ng hawak niya sa  kamay ko na parang bang, ayaw talaga akong paalisin.
>>> 
               Nasabay nga ako sa buhay KUWAGO Kuya Bono, gising sa gabi, tulog sa araw…at hindi ko namamalayang, tuluyan ko nang napabayaan si Yosee. Hindi kasi ako puwedeng magbabag sa chat o text sa gabi kapag nasa trabaho ako at sa araw naman, siyempre tulog ako maghapon….at sa pagdaan ng mga araw Kuya Bono ay, totally wala na. Kahit si Perry, hindi na rin nagkukuwento tungkol kay Yosee.
               Pero isang araw, 7 months na ako noon sa Maynila at chinat ko ang kapatid ko. Kinumusta ko si Yosee. Ang reply niya sa akin;
               “Ate…ang relasyon inaalagaan. Hindi yung kukumustahin mo lang kapag may time ka….” Hindi na ako nag-reply. Ramdam ko kasi na disappointed sa akin si Perry. Hinayaan ko na lang Kuya Bono at, sa totoo lang ay….hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon na mag-emote kasi,..mas pinili kong matulog kesa sa mag-isip ng kung ano-ano. Pero with all honesty, hindi ito ibig sabihin na….hindi ko na mahal si Yosee. Mahal ko siya pero, wala lang talaga akong time…AT magkaiba nga kasi ang FREE TIME namin. Gising siya sa oras na tulog ako and vice versa.
PLAY>S10
DKB-11
               Hanggang sa, napako na rin ako sa buhay call center Kuya Bono. Nakigaya na ako sa mga pinsan ko na naging materyosa at nahilig sa mga mamahaling items na…kadalasan ay pinapangutang lang naman pala. Kaliwat-kanang LOAN AND INSTALLMENT.
               Sumapit ang pasko, hindi ng kami nakauwi…ganon din noong sumapit ang HOLY WEEK, may pinili naming magpipinsan ang sumama sa Palawan.
               LIMANG ARAW ang bakasyon na yun sa El Nido Kuya Bono at noon ko nakilala si RICO, sa facebook.
               Napansin kong marami na pala siyang message sa akin dati pa. Nakita ko sa message request. That day sa El Nido ay kinonfirm ko na rin ang Friend Request  niya kahit napansin kong lilima ang pictures niya. Sabi niya, hindi daw siya mahilig sa camera. Sabi ko, bakit naman eh ang guwapo mo nga.
               “Mas gusto ko sa text at call kaya…puwede, pahingi ng  number mo?”
>>> 
               3 months lang siyang nanligaw sa text at call Kuya Bono, sinagot ko na si Rico. Gising pa siya kapag ala-una ng madaling araw na siyang BREAK TIME namin. Saka pa lang siya matutulog pagkatapos naming magusap.
               Sa umaga, alas nuwebe…naging pampatulog ko ang kanta niya. Naka-loud speaker lang ang phone ko, kumakanta siya at naggigitara. ISA YUNG TALENT NIYANG yun Kuya Bono, ang husay niyang maggitara at ganda ng boses niya pagkanta…na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya kahit hindi pa kami nagkita sa personal.
               Kapag matutulog na ako sa umaga,..tatawagan ko siya.
“Malko,HELE TIME NA”…Sabi ko. Siya ang nakaisip ng tawagan naming yun. MALKO..na shotcut ng MAHAL KO. At kapag tinawagan ko siya sa umaga at matutulog na ako, kahit anong ginagawa niya, ititigil niya at kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako.
PLAY>S11
DKB-12
               Kaya lang, natapos din ang relasyon namin ni RICO. Parang nagising na lang ako sa katotohanan na, nakikipaglokohan lang ako sa kaniya. Ilang beses ko na kasing inaya na mag-kita kami sa personal pero, puro palusot siya. Hanggang blinock ko na lang bigla sa PHONE pati sa Facebook.
               Nakakalungkot lang kasi, kinailangan kong magadjust noon sa nakasanayan ko nang HELE TIME ko sa umaga para makatulog. Pero, naka-move-on din ako…at OK na ako noong bago pa magsimula ang PANDEMIC.
               JUNE 2020 noong mag-announce ang company na, WALA MUNANG PAPASOK…pero may ilan na nabigyan ng unit para makapag-work from home. Kasama dun ang mga pinsan ko na talaga kasing magagaling na sa larangan ng call center.
               Ako, wala akong choice noon kundi umuwi muna dito sa amin….NOONG JUNE 8, 2020…..AT HINDI KO INAASAHAN KUYA BONO NA….muli pa lang mabubuhay ang pag-ibig ko para kay YOSEE.
               After 2 years na hindi kami nagkita,…I never expected na sa muling PAGTATAMA ng  paningin namin ay…may luhang papatak mula mga mata namin.
PLAY>S12
DKB-13
               Nangyari ang muli naming pagkikita ni Yosee noong kararating ko lang ng Malaybalay. Kababa ko lang ng tricycle noon mula sa bus stop, papunta sa TODA ng aming barangay, at yun nga…kabababa ko lang ng tricycle ay kaagad si Yosee ang nakita ko na noon ay naglalagay ng akung ano sa compartment ng kaniyang motor, may kasama siyang babaeng seksi at maputi na nakatingin din sa compartment ng motor. Kahit naka-face mask siya Kuya Bono ay kilalang-kilala ko siya, sa lahat ng anggulo. Noong isara ni Yosee ang compartment ay sa akin napunta ang paningin niya at doon ay…nagkatitigan kami.
               Nakita kong nagpunas siya ng luha. Kinausap siya ng babaeng kasama niya at ako’y sumakay na rin sa naka-parking na tricycle ng itinuro ng lalaki. Sa sulok ng mga mata ko’y nakita kong umalis na si Yosee kaangkas ang babaeng maganda….at noon ay tumulo na rin ang aking luha.
               Na-miss ko siya….at mahal ko pa. At hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa bahay namin kinagabihan pero, iba na siya. Hindi na siya yung maingay at masayahing Yosee na nakilala ko noon, kasi nung gabing yun ay seryoso siya.
               “Kumusta ka na?” ito ang una niyang tanong sa akin.
               “OK lang…..ikaw? Mukhang maganda yung kasama mo kanina ah…..”
               “Si Trisha. Hindi mo naman nakita ang buong mukha niya ah…..hindi siya maganda, hindi mo siya kasing ganda pero mabait siya…..”
               “Maputi naman saka seksi…..”
               “Ahm….Patrice, kaya ako nagpunta dito kasi….napagusapan ka namin ni Trisha kanina. Actually, nag-away kami…noong malaman niya na….HINDI PA TAYO OFFICIALLY BREAK…..at walang closure ang relasyon natin noon…..”
               “Tapos….”
               “Eh….” Natigilan siya sa pagsasalita. Tumitig siya sa mukha ko.
               “Ano, hihingi ka ng closure Yosee. Paano kung, hindi ko ibigay sayo ang closure na gusto mo?” Muli siyang napapatig sa mga mata ko.
               “Anong gagawin mo kung ayaw kong magbigay ng closure Yosee?”
               “Ano namang dahilan para hindi mo ibigay?”
               “Paano kung….gusto ko nang bumawi sa mga pagkukulang ko sayo Yosee…kasi mahal pa kita at mangangako ako na hindi ako aalis ulit…at handa na akong pakasalan ka….”
               “Ganon ba kadali yun para sayo Patrice?”
               “Valid naman siguro ang dahilan kung bakit kita napabayaan Yosee eh diba? Pinaunawa ko naman sayo yung naging trabaho ko…..”
               “Patrice dalawang taon na ang nakaraan mula noong balewalain mo ako. Nagmakaawa pa ako sayo noon na huwag ka nang umalis….”
               “Nagsorry naman ako sayo noon diba Yosee?...at sabi ko nga, babawi ako���.hindi na ako aalis ulit, magpakasal tayo…..”
               “Oo, inaamin kong mahal pa rin kita Patrice pero…paano naman si Trisha? Naibigay na niya ang lahat sa akin. Mahal niya ako…mahal na mahal at hindi ako kagaya mo na handang iwanan ang mahal niya para sa iba…..”
               “Yosee, tao  lang tayo, nagkakamali sa mga desisyon natin….pero ang mahalaga handa tayong magsisi at bumawi….at babawi ako sayo…..”
               “Huli na Patrice. Nasubo na ako kay Trisha. Ikakasal na kami…..at kahit hindi mo ibigay sa akin ang closure na hinihingi ko….OK lang sa akin. Sige, aalis na ako….”
>> 
               Pagkasabi niya nun Kuya Bono ay tumayo na siya at walang lingon na tinungo ang gate namin…pero sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa mawala na siya paningin ko.
PLAY>S13
DKB-14
               Sa kagagahan ko Kuya Bono ay nagpatulong pa ako kay Perry. Gusto kong ma-win back si Yosee pero, sinupalpal lang din ako ng kapatid ko.
               “Umalis-alis ka pa kasi? Anong napala mo sa Maynila? Ni hindi ka nga nagpadala ng suweldo mo kahit minsan kina Mama ah, tapos ngayon uuwi-uwi ka at guguluhin mo si Yosee? Tanga ka? Pinabayaan mo tapos gusto mong balikan ka?!”
>>> 
               Nakakatakot ang Covid 19 Kuya Bono ay nagdulot din ito ng…distansiya sa bawat isa…pero makaraan ng ilang buwan at taon, ngayon ay OK naman na. Halos bumalik na tayo sa normal na buhay natin….pero yung sa amin ni Yosee,..hindi na nabalik. At kahit masakit ay tinanggap ko na lang. May imbitasyon pa ako noong kasal nila kahit na, bilang na bilang lang ang imbitado dahil….bawal pa noon ang mga pagdiriwang na dadaluhan ng maraming tao. Ginanap ang kasal sa FARM nila, parang Garden Wedding….pero nalaman ko lang ito kay Perry kasi, hindi naman ako nagpunta. Pinili kong huwag nang dumalo dahil baka…umiyak lang ako doon.
>>> 
               Hindi ko first time ma-brokenhearted Kuya Bono pero, dobleng hirap pala ang masawi sa panahon ng pandemya kasi, wala kang magagawa kundi magmukmok lang. Hindi ka puwedeng lumibot sa mga kaibigan mo para mabawasan mang lang sana ang kalungkutan mo.
>> 
               So I had no choice kundi ang magmukmok. Kain-tulog sa bahay ng ilang buwan at noong OK na ulit ang pandemic taong 2021 ay nag-open na ulit ang call center pero, hindi na ako pinayagan ni Papa na bumalik ng Maynila. Magturo na lang daw ako kahit sa Private School lang ulit pero, hindi na doon sa pinagturuan ko noon dahil nagalit sila sa akin na sa text lang ako nag-resign. Biglaan lang kasi ang pagalis ko noon.
               Nag-pa-ranking na lang ulit ako nag-apply sa ibang school pero dahil MODULAR ang klase ay hindi naman ako natanggap. In short naging tambay ako sa dito sa bahay sa mga sumunod pang buwan hanggang sa biglang may nag-text sa akin, bagong number.
               “Hi Patrice. Kumusta? Sana hindi ka na galit sa akin….” Ganito ang text niya.
               “Who are you?” reply ko.
               “This is me, RICO…at handa na akong magpakita sayo…..”
PLAY>S14
DKB-15
               Na-curious akong masyado kay RICO Kuya Bono dahil sa mga sunod-sunod na pag-amin niya. Una, kilala daw talaga niya ako noon pa…at taga dito lang din siya sa Malaybalay.
               “Sino ka ba talaga? Wala naman akong kilalang Rico?” Tanong ko pero ang sagot niya.
               “Magkita tayo bukas sa Kaamulan Park. Dun sa garden sa may FOLK ART THEATER…doon ako magpapakilala sayo….”
               “Michael, ikaw ba yan?” tanong ko pa pero ang sagot niya;
               “Basta, bukas….5PM, makikilala mo na ako…..”
               “Bakit ba may pasuspense ka pa kasi?” reply ko pero ang sagot niya;
               “Basta, tandaan mo Patrice, mahal na mahal kita….at sana kapag nakita mo na ako, please….ibalik mo yung dating pagmamahal mo sa akin…..”
               “Michael, ikaw nga yan noh?”
               “Basta, bukas Patrice dun sa garden ng folk art theater. May mga upuan doon….doon kita hihintayin…..”
>>> 
               Kinabukasan nga Kuya Bono ay sinakyan ko ang motor ng Kuya ko at mag-isa akong nagpunta sa Kaamulan Park at doon sa garden ng FOLK ART THEATER AY…wala namang tao. Medyo madami ang tao sa park pero doon ay wala. BAKANTE ang mga concrete bench doon.
               Gayunpaman ay umupo pa rin ako doon at nagsimula akong mag-text kay RICO pero hindi siya nagrereply at noong tawagan ko ay naka-OFF ang cellphone niya. Naka-data ako noon Kuya Bono kaya’t nag internet na lang ako kasi sabi ko, maghihintay ako kahit 10 minutes lang. Naglaro ako ng Tongits Go muna na siya kung kinaaadikan noon pero nabuset lang ako dahil sunod-sunod na talo at yung isang kalaban ko’y kaagad pang nagdo-draw kaya madalas ay nabe-burn ako.
               WALA PANG 10 minutes noong marinig ko ang tugtong ng gitara sa gawing LIKOD ko…at paglingon ko’y isang napakaguwapong BINATA ang tumutugtog ng gitara…at kaagad ay kinatahan ako…..kantang minsan na niyang kinanta sa akin noon PERO hindi niya kinanta bilang PANGHELE sa akin noong nasa Maynila pa ako.
               Pinanood ko siyang kumanta,…pero hindi niya tinapos dahil alam kong ramdam din niyang ang dami kong itatanong sa kaniya….pero noong tumigil siya sa pagkanta ay siya ang unang nagsalita.
               “RICO ang palayaw ko…at yung mga pictures sa facebook ko ay…PICTURE ng Kuya kong namatay. I’m sorry kung nagsinungaling ako sayo…PERO YUNG DAMDAMIN KO….YUNG MAHAL KITA…ay hindi kasinungalingan….Mula pa noong 4th year ako…palihim na kitang minahal…..at nagsimula iyong damdamin kong iyon noong utusan kami ni SIR MICHAEL na haranain ka sa classroom niyo…..”
               “Eh Jericho…..alam mo naman sigurong…..malaki ang agawat ng edad natin….”
               “4 year lang, hindi malaki yun and besides….IN LOVE, AGE DOEST MATTER…..”
               “OK,..pero nagulat talaga ako….”
               “I’m sorry…at pasensiya ka na kung…HINDI NA KITA TATAWAGIN NG MAAM HA….KASI, gusto ko na yung dati nating tawagan….Malko…puwede ba…balik tayo sa dati?”
PLAY>S15
DKB-16
               Sa ngayon Kuya Bono ay, going strong naman kami ni JERICO. 5 months pa lang mula noong magkabalikan kami pero,…ayoko nang humiwalay sa kaniya, ganon din siya actually. DEDMA na lang din ako sa age gap namin kasi, hindi naman masyadong halata. SO FAR ay wala pa namang nagkamaling sabihing mag-ATE kami or something.
               May appointment na rin ako Kuya Bono sa isang public school pero sa August 2022 pa ako magre-report. Si Rico ay nagta-trabaho sa BANKO pero, hindi siya nagkukulang ng oras sa akin. We see to it na nagkikita at nagkakasama kami araw-araw. OPEN NA SIYA DITO SA BAHAY AT GANON DIN AKO SA KANILA. Actually, gusto na nga ng parents niya na magpakasal na kami kasi atat na silang magkaapo.
               Only child na lalaki kasi si Jerico at panganay pa. Sabi ko naman, bigyan ko lang ng isang taon pa si Jerico…at kapag hindi nagbago eh di, papapasal na kami. Siya lang naman ang iniisip kong baka magbago pa kasi, bata pa nga….pero ako, natuto na ako…I WILL NO LONGER TAKE LOVE FOR GRANTED. Ibibigay ko ang lahat ng panahon at oras na kaya kong ibigay kay Jerico, siyempre ang akin ding love and honesty sa kaniya.
               Si Yosee, happy  naman. Di pa kami nakakapagusap pero nakikita ko siya lagi, madalas ay kasama niya ang buntis niyang asawa.
               Si Michael naman ay nasa Thailand, doon siya nagtuturo ng English. Nagkaka-chat kami,. Single pa siya pero….nakakapagduda siya ngayon kasi, parang lumambot siya at lagi ay mga guwapong lalaki ang kasama niya sa mga posts niya.
               Anyway, bago pa ako maging Marites ay tapusin ko muna ang aking kuwento Kuya Bono. Special SHOUT OUT na lang sa MALKO, HE IS one of your avid listener….lalo na sa SIT kasi, may gusto daw niya ang mga tema ng mga kuwento doon…at saka, maiiksi lang kasi…pero ako, I LOVE ALL YOUR CHANNELS AT LAHAT NG KUWENTO…NAPAKINGGAN KO NA….at sana, one day ay ito namang kuwento namin ang mapakinggan ko.
               Umaasa at nagpapasalamat,
               Patrice
Tumblr media
2 notes · View notes
thebookofivy · 1 year
Text
993 days ft. ERE by juan karlos
Napakinggang niyo na ba yung bagong kanta ni JK? Simula kasi noong nagsusulat na siya ng masasakit na kanta, hindi na muli ako nakinig sa kanyang musika. Pero itong bagong kanta niya ay trending sa tiktok.
Tumblr media
May trending sa tiktok kung saan ilalagay mo ang picture niyo ng partner mo tapos ito yung background music. Kasama ang screenshot ng unang araw kung kailan opisyal na naging kayo.
Hindi naman yan ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Sa katunayan meron pala itong "single edition" bilang mahilig makiuso, nagbackread ako kung kailan yung araw na sinabi niyang "itigil na natin 'to."
Ngunit, nabasa ko rin yung kaganapan bago pa magwakas ang lahat.
Tatlong bilyon, ikaw lamang ang aking gusto
Pasensya na kung ngayon ako'y 'di para sa'yo
Sa loob ng siyam na raan siyamnapu't tatlo, sa tuwing ibinabahagi ko ang istorya kung paano kami nagwakas, sa iisa lang ito nakasentro, ayun ay kung sa anong naramdaman kong sakit. Doon sa kung paano ganon na lang sa kanya kadali na bitawan ako pero nang muli ko nabasa ang lahat...nagulat ako para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Siguro kung mababasa ito ng mga kaibigan ko ngayon baka sabihin nila na ako naman pala ang may kasalanan.
Sa tatlong taon na ilang bilyon ko siyang tinanong kung mahal niya ba ako, isa lang lagi sagot niya. Oo. Lahat ng klase ng oo. Pero nung isang beses na nagtanong siya, ang sinabi ko ay, hindi. Una sinabi ko yun ng pabiro, pero nagdalawang isip ako kung biro pa ba talaga yun?
Ngayon naiintindihan ko na. Ngayong lang ika-siyam na raan siyamnapu't tatlong araw.
Maaaring huling sulat ko na rin ito para sa kanya.
Pasensya na noong tayo'y lumilipad ako pala yung unang umiwan sa'yo.
2 notes · View notes
bitethebulleeet · 1 year
Text
some ppl are just too arrogant to accept their mistake and too fool not to learn from it; try to correct them even in private and you'll be called toxic…
Soooo, I handled a transferred ticket galing ibang department kanina. Nakita ko yung last touch e hindi manlang sinabihan ang customer na mali ang department kung san sya nagreach out aside from that, e sinabihan pa ang customer ng kung ano anong katangahan bago itransfer. Ang pinaka Malala e, nung nagsabi ang customer ng bibigayan ng one star rate ang service e saka lang trinansfer…. woooh!! Nangigigil akoooo so ako kinalma ko ang sarili ko bago nagmessage ako sa last na ahente na naghandle ng ticket, sabi ko lang naman ay,"please make sure to inform the customer that they're going to be transferred to other department before completing the transfer and please, once you knew that it can't be handled by your department, transfer it right away after informing them that they reached the wrong department." Ayun laaaang tas ang sinagot sakin ng magaling ay,"sorry po, di ko kasi alam sasabihin kaya yan nalang sinagot ko". WTH😭😭😭 pinusuan ko nalang ang sinabi ni ineng at nireply ko kung anung dapat isagot. Tas ang nakakatawa, mayamaya e, nagsalita sa zoom namin at tinatanong ng pabiro ang support kung may mali ba daw syang nagawa, ang sagot naman ng support e wala naman daw sabay sabi ng marami sa zoom ng nang-aamok daw. Hays. Nag-PM na ko para hindi siya mapahiya tapos e ako parin ang masama. Gusto yata ibroadcast ko sa GC ang katangahan nya… sabagay, sya na nga nagbasyo sa sarili nya… more fun in the Pelepens talaga, basta di trip ang tao, kahit sila ang mali, ikaw parin talaga ang mali. Omg, highblood iz real. Pinaka madaling account na nahandle ko yet pinaka toxic na mga tao na nakasama ko sa trabaho. Grabe.
2 notes · View notes
pinaasang-umasa · 2 years
Text
quick rant 2.
mej nagseself pity ako lately, there’s this sitch kasi sa bahay, nanalo kapatid ko as chairman sa vicariate, then day after non, oath taking ko as VP sa diff church org. that same day, bumili ng cake mg tao samin para sa kapatid ko, ok lang naman, pero natrigger lang siguro yung self-pity-for-my-ego kasi nagusap parents ko na ako raw ba walang cake, tas sabi ni mama ng pabiro na, wala raw, yung chairman lang meron. like ok????? ala namang bago, kasi simula elem naman never ako nakareceive ng something as a reward from them. pero kapag sa kapatid ko, ket maliit na successes and wants nila naappreciate at nabibigay as per their request. hehe sanaol lang.
idk, baka ang materialistic for ppl pero gusto ko lang din maappreciate? idk, baka di q deserve. ala lang, skl baka ang babaw tsaka ang petty pero ok, dedma.
9 notes · View notes
Note
Let’s talk about Love. 💕
1. How do you know when you love someone?
2. What are the things someone can do that will surely make you fall in love?
3. Do you think once you love someone, you will always love them? If not always, in what instances you don’t love someone?
4. What do you think is the secret to a happy and healthy relationship?
5. How much do you love yourself? And what are the things you do to practice self-love.
1. When you no longer do things for yourself, but for them. When you prioritize their needs before you without even thinking about it, that’s how you know you love someone.
2. What keeps me perpetually falling in love with Ez is that she always shows how much she cares for me.
3. Always.
4. Reveal ko na secret namin ni Ez kung bakit happy and healthy ang relationship namin:
Proper communication. We don’t just say things we want to say but we are careful on how we say it, parehas kasi kami sensitive with words, hence, we consider not saying something if it’s not needed to say. Kasali rin sa proper communication yung knowing and finding the right time to talk about sensitive issues, we consider our moods if its okay to talk, magulo mag usap kapag ang isa o pareho ay mainit ang ulo.
Respect. Kahit mundo namin ang isa’t isa, we still respect each other’s individuality. This includes career, money, even small things like what to wear, something like those.
Openness. We are not afraid to show each other our vulnerabilities because we trust each other we know that we can help each other.
We choose to be kind to each other. Always. Kahit kapag hindi kami bati. We don’t say hurtful words, we don’t belittle and insult each other kahit pabiro.
And one of the most important aspects in our relationship is sex. Ewan ko, libog na libog lang kami sa isa’t isa. Hehe
Also, we make each other laugh. That’s important.
5. Not very much. Inaabuso ko kasi minsan ang katawan ko sa pagpupuyat. Pero I practice self-love naman like hindi ko tinitipid ang sarili ko sa mga bagay na gusto ko.
5 notes · View notes
solreix · 1 year
Text
shoko ieiri as yn's peace.
minsan nakakasawa na lang talagang magkaro'n ng paulit-ulit na ginagawa. gigising, papasok, mag-aaral, uuwi. buti sana kung ganoon kadali, pero sa pagitan no'n ay mayroong katakot-takot at nakakapagod na commute.
minsan, payapa rin sa pakiramdam na maupo sa bus, mag-isa, katabi ng bintana sa tuwing rush hour dahil oo pagod ka, pero alam mo ring pagod ang mga kasama mong pasahero. as if you share the similar, but also different struggles which makes you feel you're not alone.
since she reached college, yn had felt that. exhaustion. loneliness. in the middle of exhausted crowd. hustle lang nang hustle kahit pagod kasi wala namang choice.
she thought she already got accustomed to that life style, and it's okay. she's gonna grow old to that.
not until shoko ieri entered the picture. at ang dating mag-isang si yn sa tabi ng bintana ng bus, pinipilit na magising dahil alam niyang delikadong makatulog—ngayon ay may katabi na, at handang maging sandalan niya.
"okay ka lang?" bulong ni shoko. "sleep, love. mahaba pa."
napanguso siya sa sarili, isinandal ang ulo sa balikat nito bago sumagot, "sorry. imbis na naka-motor ka."
kaya niya namang nagcommute mag-isa. shoko might have insisted on sending her home through her motorcycle, but she refused. trauma sa kaniya ang motor, so she insisted on going home alone.
shoko chuckled. "pinili ko 'to ano ba. isa pa kapag naka-motor tayo, we wouldn't have moments like this," sagot nito.
pero makulit si shoko. mabuti na lang at halos pareho naman sila ng destinasyon kaya hindi na ito mahihirapan nan sobra.
"maghihirap magcommute para sa landi?" biro niya."
mas lalo itong natawa. pabiro nitong pinitik ang noo niya. "oo, para sa landi."
natawa rin siya. never did she imagine she would have someone by her side as she reach for her goals. sanay na sanay siyang mag-isa, being the only child, yet still not the favorite that she is.
but when she met shoko, she realized how it feels be taken care of—and to take care of someone not because she feels obligated to do so. she wants to take care of her too, every waking moment.
"how's your day, by the way?" tanong niya. ayaw niyang matulog as yn wants to enjoy this.
"ayon. ang sarap sakalin ni gojo, sinasadyang galitin si utahime." naramdaman niya ang mahina nitong pagtawa na parang may naalala. "lintik na 'yon, college na nanlalagay pa rin ng bato sa bag."
nanlaki ang mata niya. "umuusok na naman si utahime niyan." miski siya ay natawa. hindi pa man siya ganoon pamilyar noon sa magkakaibigan, ang dalas niyang marinig ang galit ni utahime kay gojo at geto dahil pare-parehas naman sila ng org.
"oo, bukas alam ko lalagyan niya ng palaka sa bag 'yung dalawa eh. nagpapatulong kila mai maghanap."
ganito ang bonding nilang dalawa sa bus. pag-usapan ang buhay ng iba. ng iba equals to kalokohan ni gojo at geto.
"mai?"
"mga freshmen sa isa pa niyang org," shoko replied. "tulog ka na," dagdag nito.
umiling siya. "ayaw. marami ka pang chika."
at nagtuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa nga tropa nito. comedy talaga kapag si gojo ang bida kaya halos nawawala ang antok niya sa bus.
sinusulit niya na, dahil panigurado, realidad ang sasalubong sa kaniya pag-uwi ng bahay. few months left, and she could already feel freedom, pero ngayon—suck it up. basta gigising siyang alam na one day, pareho na sila ng uuwian ni shoko.
"thank you, love," she suddenly whispered as she felt her eyes getting heavy.
"hmm?" shoko seemed to peek at her face, only to see yn fighting sleep. "no. thank you," she whispered back, and finally, yn drifted to sleep.
10 notes · View notes
haaayss · 1 year
Text
The best graduation ball, saya lang. Mga naka limang shot ako, tas isang basong malaki. Kahilo yung isa, pure white. Tae, napatigil ako nun e. hahaha. Tas ang sweet huhuhu, nung pauwi na kami. unang beses naming mag-usap. Nakikita ko na siya dati, at take note. Malayo yung kanila, pero nung bababa na ako. Bumaba din siya, hinatid niya ko sa sakayan ko pang isa. At nagtanong pa nga siya kung pag dating dun, may susundo na sakin. Uhh? Alam niya kaseng lasing ako hahaha, baka daw mapag diskitahan ako dun. Sheeeeet. Sabi ko nga sa kanya, "waw. sarap mo sigurong mahalin". May jowa na nga siguro yun, pabiro niya kaseng sinabing. "may jowa na ko". Inadd ko nga siya sa facebook tas kinancel ko, hahaha.
6 notes · View notes
kimhortons · 7 months
Text
3 days nang sunod sunod na may aksidente sa work ni J, nung sabado pinuntahan niya yung pinangyarihan, ngayon naman na pabalik siya sa Naga, may inasikaso na naman siyang aksidente. di parin siya nakaka uwi ngayon. di pa yun nakakaen for sure, imbes na nagpapahinga na siya e, tas pag dating niya magtratrabaho parin.
parang nacoconvince na ako na payagan na siya mag resign talaga dun, bukod kasi sa ang dami niyang trabaho, pati trabahong di naman kanya, tinatrabaho niya, e naeexpose siya lagi sa mga aksidente. ayaw ko dumating sa point na matyempohan pa na pati sakanya may mangyari.
lagi akong nag aalala kapag bumabyahe siya, parang ayaw ko na pagkatiwalaan mga driver sakanila. lagi nalang may narereport na incident. pero infairness kay J, from dating ayaw mag work kasi ayaw daw niya ng may boss, ngayon, iniisip niya maghanap na muna ng ibang lilipatan bago mag resign. nababanggit niya pa nga minsan ng pabiro na mag aabroad nalang din daw siya e. hehe. atleast may plano na talaga siya at alam ko naman para sa future namin 'to.
sana makahanap nalang din siya ng work na chill katulad sakin. or kahit man lang magkaron muna siya ng salary increase kasi deserve niya naman talaga.
5 notes · View notes
jocolatemousse · 2 years
Note
hello 👋 what is one thing na pinapahalagahan mo pero tingin mo tinitake for granted lang ng mga tao sa paligid mo?
Hello, @themoderndavid !! Hmm, words siguro? Mahalaga kasi for me 'yong mga bagay na sinasabi natin at naririnig natin, kasi baka naaapektuhan tayo on a subconscious level. Kaya as much as possible ayaw kong nakakarinig ng mga statements like "B*bo mo/ko naman" kahit pabiro. Pero it seems to be taken for granted by a lot of people, since medyo commonplace naman ang ganoon. 🥲
What about you? 🤔
4 notes · View notes
tangian · 2 years
Text
Meron talagang mga taong susubok-subukan yung patience mo talaga e. Kinuha ba naman ng workmate ko yung refillable na container ng lotion. Alam niyang kinuha ko pa sa bahay yun, alam niya rin ano purpose ng refillable lotion. Sinabi ko sa kaniya yun, tapos hetong workmate ko hinarbor ba naman. Ilang beses ko kinukulit na ibalik niya sa akin yang container na yn tapos pabiro ba naman sabihin. Tapos laging kinakalimutan dalhin yung tanginang lalagyanan ng lotion na yan
Ang hirap maging mabait putangina
Tumblr media
Naglagay nga ako ng lotion sa refillable para meron ako gagamitin anytime putaaaaaaaaaaa bakit nakakagigil umintindi ng tao
5 notes · View notes