Tumgik
trickramirez · 1 year
Text
mundo
Tumblr media
Isang madilim na gabi mga tala’y naglikot
Itinulak aking mundo sa isang nilalang na kailanma’y ‘di ko malilimot …
Sa ilalim ng kalimbahing pag-asa
Doon nagtama pagal nating mga mata
May takot at pag aalinlangan ma’y
Pinilit mong tumitig kahit ang karamiha’y napapaso na
Dumaan ang mga araw
Ang mga pader at tinakala’y tuluyang natunaw
Ang pangamba’t mga gulo-gulo’y nagunaw
Hinayaang sakupin ng bughaw na alon ang lalamunan kong nauuhaw
Mula kalimbahin, naging lila ang lahat
Mas nasisid ang bawat aspeto ng iyong mga mata
May mga parteng nakakatunaw man
Ngunit ang ginhawang dulot mo’y sapat na upang maglaho silang lahat
Nasaang pahina na nga ba tayo?
Tila ‘di ko na mabatid pagkat tinatangi ko itong kwento
May saya, hinagpis at pangamba ang una
Ngunit sa bawat paglipat ng pahina’y maganda ang wakas
Lunurin mo matamis na serbesa ang bawat hibla ng aking pagkatao
Pagkat buong ako’y handa na para sa’yo
Bawat parte ng aking pagkatao’y laan lamang sa’yo
Ikaw, Ikaw naglakas loob na tumitig sa mga mata kong noo’y nakapapaso
At sa dulo
Kahit na may pangamba’t gulo-gulo
Ikaw lamang ang nais ko
Ikaw lang ang mundo ko
3 notes · View notes
trickramirez · 1 year
Text
hinga (from the vault)
Tumblr media
huminga ka muna
itikom mga pakpak
mga gulo-gulo sa isipa'y isantabi pansamantala
hayaang hilumin ng mga bulalakaw ang nabasag na pagsinta
uusbong din ang mga bagong talulot
iyong hiling, sa mga bituin din ay aabot
magliliwanag; magliliyab
hanggang sa makamit na ang iyong mga inaasam-asam
huminga ka muna
langhapin ang amihang magdudulot ng payapa
pagkat sa bawat pahinga
bagong lakas ng pakpak ang iyong makukuha
hinga,
lasapin mo ang bawat amihang sa iyo’y magpapaalala na …
na makulay ang buhay
na may bahaghari sa bawat bagyong daraan
na may pag-asa 
na ‘di pa ito ang wakas
na kahit ano’ng hila pa ang gawi’y aangat ang naglalagablab mong damdamin
kaya humayo
halina’t palayain ang mabibigat na ulap sa puso
ipikit ang mga mata
halina giliw,
malalim kang huminga
7 notes · View notes
trickramirez · 2 years
Text
carmine (from the vault)
Tumblr media
Where do I begin?
Been through this exact situation for years
Ghosts of yesterday are haunting me
I don’t know when I can be truly free
Crimsons are now turning into dark yellows
Ecstasy are being erased by sorrow
I don’t know where I am
I don’t know where I’ll be tomorrow
Every step reminds me of the past
Of the majestic tornado that’s meant to last
Suffocated and lost
I’m drowning big time without a cost
Vivid scarlet roses are now melting
Snow globe of us is now breaking
And now I’m alone here, piece by piece
My hopes kept on shattering for years and years
This is melancholic
Now I’m dancing gracefully to this heartbreaking folk beat
Again and again, on repeat
Can’t stop even though it’s making me sick
This is melancholic
The gleams ain’t enough anymore to fill the ecstacy that’s lacking
This beat is sick
Found myself burning in an ocean where there’s no running
This is melancholic
In the end, I only have me
This is liberating
I can finally walk into the prisms where the vivid colors are flashing
Burying the past
Smoldering all the ecstacy that’s now full of rust
And now, I’m seeing the light
After a long hard year and here you are my love
You’re glowing, shining bright
2 notes · View notes
trickramirez · 2 years
Text
iro
Tumblr media
Isang gabi, habang mundo'y tahimik
Nakatingala't nagmamasid, buong puso, ako'y humiling ...
Nalunod
Sa mga bakas ng nakaraan ako noo'y nalunod
Di alam sa'n patungo
Di alam kung saan dadalhin ng mga daluyong
Naligaw
Mga guni-guni't multo sa isipa'y gabi-gabi akong niligaw
Sa landasing kay dilim at kay panglaw
Doo'y naiwang mag isa't giniginaw
Kay rami nang hinarap na gulo-gulo
Napagal, lumuha't nasuyod ang buong mundo
Paulit ulit nalugmok
Paulit ulit nalumbay at nabigo
Ngunit sa kalagitnaan ng pagbitaw at pagsuko
May kumabig at humila pataas sa basag-basag kong puso ...
"Pahiran ang mga luha
Tatagan ang dibdib pagkat
Mula sa araw na ito'y 'di ka na mag iisa
Hihilumin nating sabay ang nalusaw mong pag asa"
At yaon nga ang wika ng yaong puso sa akin
Labis ang pintig, labis ang nginig
Dulot ay tag araw sa pagsintang sinusubok ng habagat araw-araw
Isang gabi, habang may alinlangan sa paligid
Huminga ng malalim ... buong pusong tumalon sa mga along nagliliwaliw ...
Giliw ko, ika'y tinatangi ...
Kalangitan sa dibdib, ngalan mo ang s'yang ninanais nais
Tinatangi ka —
Naparaming rason kung bakit sinta
Ngunit ngayong gabi, habang buwan ay kalimbahin
Hayaan mo akong ituran ang ilan sa 'sang libong rason kung bakit ...
Tinatangi kita pagkat ikaw ay ikaw
Tinatangi ka pagkat dulot mo'y kalma; payapa ang isipan 'pag ikaw ang kasama
Tinatangi ka 'di dahil sa mga bagay na sa 'ki'y handa mong ialay
Bagkus ay sa mga lagablab na dulot mo sa t'wing nyebe'y nagbabadya
Tinatangi ka pagkat buong puso, ako'y iyong tinanggap
Walang pag aalinlangan ni walang pagtatanong
Niyakap mo aking mga naghihingalong piraso
Tinatangi ka, o, sinta
Ang talang marikit sa gabing maginaw at mapanglaw
Dulot mo saki'y maningning na bughaw
Labis ang kintab, labis ang pusyaw
Walang ibang mahal kundi ikaw
Ikaw lamang, walang kapantay
Ngayong gabi, habang lahat ay pagod na't umiidlip
Sinusulat ko paunti unti ang istorya natin … isang maningning na bituin na ngayo'y akin nang pag-aari
1 note · View note
trickramirez · 2 years
Text
paghilom
Tumblr media
Dinudumog tayo ng mga kakarampot na alaala
Tinatangay sa mga bakawan ng pangamba
Lunod, mag isa
Babad sa mga gulo gulong dulot ay takot sa isipan
 Dalhin mo ako palayo sa mga guni-guni at multo
Tumakas tayo sa mga nakaraan habang sumasayaw sa mga agos at dapit hapon
Hawakan aking mga kamay
Ihanda ang sarili pagkat tayo’y muling maglalakbay
 Ikaw at ako
Sa bukang liwayway
Ikaw at ako
Papawiin ang tone toneladang lumbay
 Kumapit, manalig
Naigang nakaraa’y pupuspusin muli natin ng pag ibig
‘Di ka na mag iisa pagkat sa ‘king tabi’y ikaw ang s’yang mangunguna
 Ikaw at ako
Mula sa magkaibang mundo
Magkaiba man ating mga agos at dagundong
Ihahatid sa isa’t isa ng mga alitaptap at paru paro
 Tala, mga bitui’t bulalakaw ang gagabay patungo sa mga nawalang piraso
Kaya’t ikaw ay humayo, tumakbo papalapit sa mga ningning at kislap
Pagkat gagabayan ka nila sa dalampasigan kung saan mo ako mahahanap
 At doon
Saksi ang hangin at mga alon
Sabay tayong makukumpleto
Magiging malinaw ang bawat hibla ng ating mga gulo-gulo
 Kaya’t ihakbang ang mga paa palayo
Patungo sa akin, giliw ko
Hakbang, takbo
Halina rito sa piling ko
0 notes
trickramirez · 2 years
Text
libra
Tumblr media
Ipo-ipo
Unti unting nilalamon ang mga natitirang kislap sa puso
Tinatangay, kumukupas
Pagtinging nagniningning noo’y tila unti unting lumilipas
 Pinupuno tayo ng mga libu libong pansamantalang ligaya
Dinadala pareho sa dalawang magkaibang landas
Maglalakad palayo
Tatahakin ang landasing walang “ikaw” at “ako”
 Sa isipa’y nalulunod ang walang pagbabagong katanungan
“Ano kaya ang nangyari’t mga bulalakaw nati’y ‘di na nagsalpukan?”
“Bakit tila kay layo mo?”
“Bakit ‘di ka na magawang ma arok ng mahina kong puso?”
 Sinubukang pagliyabin, sinubukang pakintabin
Ngunit ano nga bang magagawa ng aking mga tula’t awitin?
Nais kumapit nang kay higpit
Ngunit bumitaw ka na kaya ‘di na ipipilit
 Sa kalawakan, sa kalangitan
Nakatingala’t nagmamasid nang lubusan
Hinihiling na tinititigan mo rin ang parehong buwan
Hinihiling na naririto ka sa ‘king piling at magkahawak ating mga kamay
 Mawawala, mahahanap
Walang sinuman ang makakapantay sa dulot mong ningning at mga alitaptap
Tatatag at ‘di mapupunit
Pagsinta’y magliliyab pa rin at saksi ang mga bituin sa langit
 Sa susunod na pagtatagpo ng ating mga tala
Sana’y handa ka na
Sana’y mas matapang sumugal ang iyong puso’t kaluluwa
Batobalani, muling maglalapit
Libu libo mang nilalang ang dumating
Ang pipiliin ng puso’y ikaw at ikaw pa rin
Ikaw lang, JJC 
0 notes
trickramirez · 3 years
Text
kabilang bahaghari
Tumblr media
Minsa’y natuwa ang mga kerubin
Isang diamante ang s’yang sa aki’y inihain
Nagdulot ng iba’t-ibang kulay
Mundo’y naging maliwanag, araw ay mas sumikat
Ligaya gabi-gabi ang naghari sa kaibuturan
  Sinamahan sa bawat bagyo
Ipo-ipo’t unos man, sa atin ay walang makakatalo
Masyadong makintab ang bawat piraso
Walang papantay kahit na sino
  Tawanan, hagalpakan at mga madaling araw na akala’y walang wakas
Ngunit naghari muli ang tubig at bawat kulay nati’y kumupas
  Hinati sa dalawa
Hindi na nagawang kumapit, sinta
Nagsugat dalawang mga palad
At tanging pagbitaw na lamang ang s’yang sa atin ay magsasalba
  Lungkot ang dulot
Rosas ng pagsinta’y nalalagasan ng mga talulot
Bumabaha gabi-gabi
Sa unan kung saan mga ulo natin ay dating magkatabi
  Nasaan ka na?
Sinuyod ang mga ulap at hamog araw-araw
Nag-baka sakaling nawa’y naroroon ka
Hinihintay ako at sa palad mo’y may mga bulalakaw
  Sa kabilang bahaghari, naroroon ka kaya?
Mga init ng yakap ng pangungulila’y nadarama mo rin kaya?
May bagyo rin ba ng pagnananais na makita ako sa iyong kama?
Iniisip mo rin kaya ako sa t’wing dilim sa kalangita’y kakagat na?
  Sa kabilang bahaghari, may pagkakataon pa rin ba?
May halaga pa rin kaya ang mga pangakong binitawan noong una?
Maaalala mo pa rin kaya ang mga awiting sinulat ko sa iyo sa ilalim ng Luna?
Magagawa mo pa rin bang umindayog kasabay ko sa kaparehong musika?
  Sa kabilang bahaghari, sa wakas, matutuloy na kaya?
Ang pinutol ng balaraw na nakaraa’y mapagdudugtong-dugtong ba nating dalawa?
Ang mga tululot ng rosas na nalagas, magbabalik kaya?
Magbabalik ka ba sa akin, sinta?
  Pagkat hihintayin kita
Hinihintay kita rito
Kung saan may awitan at indakang walang patid
Iindayog tayong muli at walang makakapigil
  Sa kabilang bahaghari
Kung saan may ikaw at ako sa huli
Istorya nating nagwakas noong una
Dito magaganap at mas kikintab
3 notes · View notes
trickramirez · 3 years
Text
liwayway beams
Tumblr media
Minsan, isang pagkakataon
Habang ang ulan ay sagad sa pagbuhos, natagpuan kita
Sa gitna ng mga alon ng pangamba’t pagkakaligaw, nahanap ka
Umangat sa karamihan
Nag-ningning sa dagat ng mga huwad at mapagsamantala
Ikaw, umiilaw
Gumabay sa mga gabing kay dilam at kay panglaw
  Nag-isa mga kaluluwa
Sa daan-daang gulo-gulo, ikaw ang naging kalma ng puso
Ikaw lamang,
Ang nagdulot ng melodiya sa tahimik kong mundo
Labis ang saya at tila sa mga ulap ay handa nang humimbing ng todo
  Ngunit habang may mga alpa at gitarang tumutugtog,
Sa kalagitnaa’y ninakaw ka
Naglaho’t ‘di na muling nasilayan pa
Hanggang sa,
Hanggang nagbalik muli ang mga diablo at katahimikan ang s’yang umugong
Nakakabingi,
At tila pagtulog na lamang ang naging susi;
Upang tumakas,
Upang lungkot sa isipa’y mawaglit
  Nagtiis, umiyak ng labis
Napagod; napagtanto, hanggang pagtingin ay napanis
  Pinatatag, binago;
Binago ng katahimikang noo’y namayani sa aking mundo
Naligaw, natagpuan
Ang indak na kay kulay, sa kaloob-looban ng dibdib ko nahanap
  Binago ang bawat kulay na natatanaw
Sinilaban bawat takip upang katawa’y mas masilayan
Mula puti’t asul ako’y naging itim at pula
Mula payapa, mundo ko’y napuno ng iba’t ibang musika
Madilim, mas uhaw
Kayang ipamalas buong kaluluwa
  Balat ang naging pansalag sa habagat
Balat rin ang magiging bala sa mga salitang dulot ay sugat …
  Ulan na nama’y bumubuhos
Sa bawat patak nito sa aki’y bagong ningning ang dulot
Kakaibang tugtog
Mas maingay, mas mapangahas at mas totoo
  Sumasayaw na muli sa indak na dulot ng dibdib
Kasama ang panibagong balat na handang ibalandra sa hangin
Mas matibay, hindi na kaya pang buwagin
Pagkat larong iyong ginawa’y nilalaro ko na rin
3 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
gemini
Tumblr media
Ang samyong hatid ng dama de noche
Bawat gabi sa t'wing mag-a alas dose
Ang s’yang nagbabalik sa akin
Ng mga alaalang kumukurot sa damdamin
Minsa'y napatanong:
Bakit ganito ang sitwasyon?
May mahal kang iba,
Alam kong ‘di ako
Ngunit hinahanap hanap ka ng kalamna't buto
Lumalagablab tuwing gabi
Ang apoy sa pusong umiibig ngunit tila mali
Na animo'y mga alitaptap sa dilim
Pilit tinutungo ang liwanag ngunit di maaari
Ikaw ang apoy
Patuloy na lumiliyab dito sa puso
Nag iinit; nag aapoy
Hindi na kaya pang itago:
Mahal na mahal
Ikaw sa akin ay espesyal
Una pa lamang matanaw
Sa di kalayuan ang iyong kagandaha'y
Nabihag mo ng husto aking mga mata
Maaari bang maging akin ka na lamang?
Kahit mahal mo sya'y handang humiram ~
Oras ... panahon ... atensyon
Hindi palalagpasin ang bawat pagkakataon
Butas ng karayom ay handang pasukin
Unos at bagyo may kayang suungin
Madarang man sa apoy at malapnos ay di iindahin
Lahat ng iya'y gagawin maging akin ka lamang giliw
Mahal mo sya, mahal kita
Napaka kumplikado nitong nadarama
Ngunit handa kitang agawin sa kahit anung paraan pa
Patawarin ako ng Diyos ngunit mahal kita
Sumusugal sa apoy
Nagbabaga, nakakapaso
Ngunit ikaw lang ang gusto
Mali ba na maghangad na maging tayo?
Iparamdam mo sa akin ang init ng iyong katawan
Punan mo ang nauuhaw kong lalamunan
Ng iyong mga halik at pagsinta
O giliw, labi ko'y handa na
4 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
pisces
Tumblr media
Bago ka malunod, pakinggan ang pinagsama-sama naming kwentong musika rito.
Sa ilalim ng iisang buwan ako’y lumuluhang tunay. Wasak ang dibdib na naman at tila buong kaluluwa’y ‘di na muli pang mapakikinabangan. Paulit-ulit ang sigaw ng damdamin, mga tanong na ilang ulit nang nasambit ng mga labi, kala ko’y tapos na ako ngunit bumalik na namang muli.
  “Bakit naritong muli sa lusak na kay dilim?”
“Bakit tila tadhana’y kay ramot naman sa akin?”
“Bakit tila kay hirap kong mahalin?”
  Ginugunaw ng mga libu-libong tanong ang mga natitirang ningning ng pag-asa rito sa akin. Unti-unti, ako’y nalulusaw na parang yelong bilad sa ilalim ng araw na labis ang sikat. Na kahit anung pilit magpakatatag ay walang magagawa pagkat, nilalamon ako pababa ng init na walang ibang nais kundi ang ako’y makitang nahihirapan.
  “Bakit naritong muli sa lusak na kay dilim?”
‘Di ba’t nangako noon na hindi na muli pang babalik? ‘Di ba’t pinatibay nang mabuti ang mga pader upang kung sakali mang may magtangkang sumalakay ay ‘di nila magagawang magtagumpay?
Ngunit dumating ka’t ako mismo ang gumiba sa mga pader na kay tibay upang bigyan ka ng daan papasok. Nilusaw lahat para sa’yo ngunit bakit sa dulo’y ako pa ang mas natalo?
  “Bakit tila tadhana’y kay ramot naman sa akin?”
Ikaw ang huling bala. Isang gabi, habang mga bituin ay may kislap at ningning, binuhos sa’yo lahat ng mga takot at pangamba. ‘Di ba’t sabi mo pa noon ay hindi ko dapat naramdaman ang mga ipo-ipong dulot ng mga nagdaan? Ngunit ano ang naganap? Sandamukal na unos ang dinulot mo t’wing gabi sa isipan. Hanggang sa nalunod. Hanggang ‘di mo nagawang masagip pagkat kahit kakarampot na minuto ay ‘di mo nagawang sa aki’y ibuhos.
  Nalunod, namatay. Ngunit wala ka pa ring pakialam.
  “Bakit tila kay hirap kong mahalin?”
Kay rami nang nagdaan. Mula kay Ian at Leo, hanggang kay Justine at Carlos. Mga nilalang na lubos na tinangi ngunit sa dulo’y sinunog lamang ako. Handang pagliyabin ang sarili para lamang may ilaw na gumabay sa kanila pauwi, ngunit ang liwanag na dulot ng nagliliyab kong balat ay ‘di pa rin pala sapat. Na kahit pala ibigay ko ang lahat-lahat, kung ‘di naman ako nais ay wala lamang lahat ng iyan.
  Namatay ako, gabi-gabi. Muli kong binaon ang sarili ko sa impyerno kung saan walang sinumang ang makakasagip pagkat pagod na ko.
Pagod na sa mga paulit-ulit na pangako, sa mga putanginang matatamis na salitang hindi naman kayang panindigan hanggang dulo, sa mga pansamantalang kintab na pinapatay din naman ng bagyo at sa mga nilalang na biglaan akong dadalhin sa mga ulap at sa kalagitnaa’y itutulak din ako hanggang mga buto ko’y mawasak.
  Pagod na ko, putangina n’yo.
  At isang gabi, habang ula’y bumubuhos, humarap sa salami’t doo’y nabanaagan ang mga salitang paulit-ulit kong iniwasan noon:
“Pilitin mong umangat. Pilitin mong limutin ang bawat tanong sa isipan kahit na wala ka pang kasagutang makuha. Pilitin mong magningning mag-isa, hindi mo din naman pala kailangan ng nilalang upang makuha ang liwanag na sa iyo’y gagabay paangat. Pilitin mong maging mas matatag, na kahit na may panaka-nakang pagkatok ng alaala ng nakaraa’y maisip mong mas matibay ka kesa sa kanila.”
  at parA Sa’yo,
Hindi man tayo umabot sa dulo’t hindi mo man napanindigan ng todo’y nagpapasalamat pa din ako. Mga bagong aral na dulot mo’y nakatatak rito sa aking puso. Ikaw ang pinakamatibay na paalala na ‘di na dapat siguro ako muling umibig pa. Sarili muna bago iba. Naubos ako ngunit alam kong badang huli’y mapupunan ding lahat ang mga ningning na naiga rito sa akin.
  Patitibayin ang dibdib. Sisilaban na ang mga alaalang minsa’y nagpakilig. Nalunod ma’y masasagip din. Pagkat ‘di na ako nag-iisa ngayon. Meron akong “ako”. At yaon ang pinakamagandang regalong nahanap sa kalagitnaan ng bagyong gabi-gabi’y dulot mo.
2 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
sagip
Tumblr media
Paano ko ba sisimulan? ‘Di batid kung bakit ngunit naririto na naman ako sa lusak na buong akala ko’y akin nang natakasan. Lugmok na lugmok. Nilalamon paunti-unti ng mga anino na ‘di na kaya pang puksain ng mga katiting na kislap na naririto sa aking puso.
  Baka nga tama sila. Baka nga tama na ang problema talaga ay nasa akin, sinta. Baka nga, pilit akong naghahanap ng mga nilalang na sa tingin ko’y sa akin ay bubuong tunay, ngunit sa paglao’y mas wawasak pa pala ng aking buong kaluluwa. Baka nga tama sila. Baka nga wala lang akong tiwala sa aking sarili, na, kaya n’ya din namang buuin ako kahit walang tulong ng sinuman. Baka nga, baka tiwala lang talaga ang kulang.
  Pero bakit ganito? Gabi-gabi akong nag-iisip, lumuluha’t nakatingala sa kisame ng aking silid; naghahanap na naman ng sagot. Mga sagot na kahit anung gawin ay ‘di magagawang ma-arok ng aking mumunting puso.
  Putangina. Ano ba’ng nagawa kong masama? Bakit palagi na lamang akong sobra? Bakit habang lumalalim ang pagsinta’y duon naglalabasan ang mga halimaw na nagsisilbing anay na pupuksa sa mga magagandang simulaing inuumpisahan? Pagal na mga mata ko kakaiyak. Lalamuna’y paos na kakadasal. Kakadasal sa mga bagay na ninanais ng puso ngunit ni isa’y walang natupad. Binigo lamang at pinaasang bandang huli’y may ningning na matatagpuan sa likod ng mga madidilim na ulap.
Gulagulanit na ako, ‘di ka pa ba masaya?
  Ang mga anino mo gabi-gabi ang naglalaro sa aking panaginip, mga larawan ng iyong mga ngiti at sandamukal na pag-ibig na sa katotohana’y kabaligtaran ang mga nangyayari. Minsa’y napa-isip ako, siguro’y mas maganda kung habang buhay na lamang akong hihimbing, irog ko. Baka doon ay mas maramdaman kong totoo’t may halaga ako.
  Nalulunod muli, wala bang sasagip? Wala bang maglalakas loob na sumugal? Na kahit malunod man, ang mahalaga’y nasalba ako mula sa tiyak na pamamaalam. Sana kahit isang beses ay magkaron naman. Pagkat sawang-sawa nang sumagip ang mahina kong katawan. Kaya sana naman, kahit sa unang pagkakataon, ako naman.
  Hindi ako madalas magdasal. Madalas kong kinukwestyon ang langit tungkol sa mga bagay na ‘di umaayon sa aking mga layunin. Ngunit, isa na bang kalabisan kung sa huling pagkakatao’y hilinging “sana, ako’y kanyang sagipin”?
4 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
floridablanca
Tumblr media
Nakatulala, 
Heto na naman 
Nakatingin sa kawalan 
Mga luha'y walang tigil sa pagpatak 
Hindi batid kung kailan tatahan
Mga wasak na parte ng kahapo'y nariritong muli 
Minumulto ang ngayon nang paulit-ulit 
Walang katulad na kidlat sa damdamin ang hatid 
Puso'y 'di na makaka iwas pa sa sakit
Bakit ganito? 
Naririto na naman ako sa lusak na iniwasan ko noon 
Lugmok na lugmok at kaloob looba'y basag-basag 
Ang dating matapang tila ngayo'y naduduwag
Mga pakpak na pinatibay ng panahon ngayo'y bali-bali na rin 
Maging mga tadyang ay 'di na mapakikinabangan pang muli 
Upang salubungin ang ipo-ipo 
Upang salagin ang ulan at mga bagyo
Bakit ganon? 
Bakit natunaw ang pagsuyo?
Kumapit sa iyo 
Sa mga pangakong binitiwan natin noon 
Gabi-gabi nilang minumulto ang payapa 
Gabi-gabi ring bumabaha sa aking kama
Binigay mo sa akin ang buwan 
Pinaramdam ang init ng tala 
Ngunit sa isang iglap ay naglaho silang lahat 
Nawalang parang bula 
Hanggang ako'y naiwan na ngang nakatulala
Kay raming tanong 
Ngunit mas pinili kong sa sarili hanapin ang sagot 
Hanggang isang gabi aking napagtanto 
Mga bagay-bagay na sa isip ay gumugulo
Siguro'y hindi talaga para sa isa't isa 
Kaya 'di na rin dapat siguro ipilit pa 
Aking tatanggapin nang maluwag sa dibdib 
Katotohanang hindi ako sayo't 'di ka rin akin
Ang tadhana ang may gawa, s'ya ang salarin kaya't mga kalawakan nati'y nagsalpukan nang matindi. Naniniwala akong nakaplano ang lahat, nakaplano ring iwanan mong kong nag-aabang. Ngunit walang sama ng loob pagkat, bawat nilalang na lumilihis ay isang paalala mula sa taas na mas may tamang nilalang na s'yang sa aki'y nakalaan. Ituturing bilang aral muli, isang gasulinang magpapaliyab ng apoy sa dibdib; upang bumangon, upang unti-unting ayusin ang mga pakpak na winasak ng panahon. Pagkat sa dulo, walang ibang magpapatibay sa mga ito kundi ako. Mga alaala, sa dibdib ay itatabi. Ngunit 'di ko na magagawa pang bumalik. Maaring buong pagkatao ngayo'y gula-gulanit, ngunit 'di ibig sabihin na hindi maghihilom ang mga sabog-sabog na parte at lahat ay aayos rin. Hindi ko na isasawsaw ang sarili sa kumukulong tubig na minsan nang lumapnos sa akin, hindi na ako babalik giliw. 
____
(4) ALITAPTAP: Mga Kislap na Itinatak, Alas Dos y Media.
© JPR, 2020
3 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
bakawan
Tumblr media
Asan na naman ba tayo? Tila nasanay nang lugmok na lugmok at halos hindi na mapakikinabangan pa. Sino nga ba ang may sala kung bakit gan’to na naman? Ako ba o sila?
  Ako, na patuloy pa ring kumakapit kahit wala nang kahihinatnan. Pilit kinakapitan ang laso kahit ilang ulit nang naitakda ang pagbitaw.
Ako, na may napakagandang paraisong paulit-ulit na binubuo sa kalooban, kung sa’n may layang hawakan ang iyong mga kamay; mahalin at pag-ingatan, na parang esmeraldang nasisinagan ng araw; nagniningning, kumikintab.
Ako, na palaging naririto, na kahit ilang ulit nang itinaboy ay babalik at babalik pa din sa tunay na ninanais nitong puso.
  Sino nga ba?
  Pamumulaklakin ang mga hasmin sa iyong dibdib ngunit pagdating sa dulo’y maglalaho ang pagsinta’t matutuyot. Saglitang humalimuyak, na animo’y nasa isang mamahaling hardin. Labis ang samyo, tumatatak sa puso.
Lulunurin sa mga salitang mag-iiwan ng marka sa puso ngunit paglao’y mabubura ng mga luhang paulit-ulit na pumapatak sa mga mata t’wing gabi’y kakagat na.
Ibibigay ang bahagharing kulay ay sagad sa tingkad ngunit sa paglipas ng mga araw ay kukupas din. Parang usok na tatangayin din ng hangin.
  Pagkat sa tulad ko’y wala din namang magtatagal at mananatili. Wala ni isang magnanais gamitin kanilang mga balaraw upang puksain ang mga bakawan na bumabalakid sa kalooban. Masakit isipin ngunit totoo, hindi lahat ng mga makukulay na ulap na isip ay binuo’y nagkakatotoo.
  Ako ba ang mag sala o sila?
Sila, na may lakas ng loob upang umatras, upang buhusan ng sandamakmak na tubig ang lagablab ng apoy sa dibdib. Hanggang mapuksa, hanggang walang matira kahit katiting na liyab.
Sila, na patuloy akong iniiwanan kahit napakadaming rason ang aking handang ibigay para lamang maging wasto ang lahat.
Sila, na hindi matanaw ang kislap na paulit-ulit kong binabanggit sa aking mga katha.
  Nalunod, natutong lumangoy at ngayo’y sumasabay na sa alon.
Tinanggap ang katotohanang noo’y ‘di magagawang ma-arok.
  Pagkat, ako lamang. Ako lang.
Ako na tanging magtatanggol sa akin. Ang may lakas ng loob upang gamitin ang balaraw upang puksain ang mga bakawang patuloy na nagpapadilim sa aking dinaraanan. Ako na magdudulot ng bahagharing kay ningning sa sarili pagkatapos ng ulan at, ako na magpapaliyab sa noo’y napuksang lagablab sa kalooban.
Ako lang at wala nang iba pa.
  Ngunit aking aaminin, mayroon pa ring lungkot sa damdamin. Na kahit ilang ulit kong isigaw ang mga salitang magpapatatag sa dibdib, pagdating ng gabi’y ako pa din ang sawi.
Hindi na yata magagamot pa ang sugat rito sa akin. Tila hindi na gagaling at, habambuhay mamumuhay sa pighati.
____
(3) ALITAPTAP: Mga Kislap na Itinatak, Alas Dos y Media.
© JPR, 2020
4 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
anna melodrama
Tumblr media
Sa ikalawang pagkakataon ay natalo tayo 
Nagpadala sa mga bagyo't ipo-ipo 
Sa ikalawang pagkakataon ay tinangay ako ng hangin 
Ninakaw n'ya mga bulalakaw na natitira sa damdamin
Sino ang nagwagi? 
Kung pareho tayong nag-iisip tuwing gabi 
Sino ang nasawi? 
Andito na naman ako sa puntong 'di iiyak ng kakaunti
Nilunod sa pangamba't pagdurusa 
Puso'y unti-unti nang natunaw, sinta 
Natatakot sa mga pup'wedeng maganap 
Hindi batid kung may handang sumagip pa
Inaasam ay bahaghari 
Ngunit bagyo ang nakamit 
Iniintay ang bukang liwaway 
Habang basag na puso'y nakapaloob sa dal'wang kamay
Sa ikalawang pagkakataon, sinaktan mo ako 
Binalot sa diamante ngunit kalauna'y binasag mo 
Sa ikalawang pagkakataon, 'di pa din pinagtagpo 
Ang pagtatagpo ng mga mundo natin siguro'y nagwawakas na rito
Tindi ng daluyong ay haharapin 
Ang mga gula-gulanit na alaala'y akin nang iwawaksi 
Hanggang bumitaw 
Hanggang ginawin 
Hanggang mapagtantong hindi ako sayo't 'di ka rin akin
____
(2) ALITAPTAP: Mga Kislap na Itinatak, Alas Dos y Media.
© JPR, 2020
3 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
u.l.a.p.
Tumblr media
Naghihintay 
Humihikbi't mata'y kay tamlay 
Paano ba maipababatid 
Ang pag-ibig na umusbong rito sa akin? 
Ipo-ipo'y patuloy na tinatangay 
Mga pag-asang nabuo sa akin sa paglipas ng mga araw 
Unti-unting ginugunaw ng bagyo 
Ang pagkakataon upang baka sakali'y humimbing sa piling mo 
Umaasa 
Kumakapit sa nadaramang walang kasiguraduhan 
Sa mga paru-parong kumikintab t'wing maglalaho na ang araw 
Sa tinig mong hatid sa tenga'y musika 
Sa mga alitaptap na dulot ay ningas sa paligid sa t'wing dilim ay kakagat na Sa'yo 
Sa'yo lamang 
Ipo-ipo'y nariyang muli 
Kinakain ang ligaya't pinapaltan ng pighati 
Bakit ganito giliw? 
Ikaw lamang ang nais ko ngunit ka'y hirap mong makamit 
Handa ka namang ipagtanggol 
Maging ang pag-ulan ng balisong ay aking susuungin para sa iyo 
Ngunit bakit ganito? 
Tila kay taas mo't 'di magagawang abutin ng nilalang na tulad ko? 
Umaasa 
Kumakapit sa apoy na iyong dulot rito sa kalamnan 
Sa mga kulay na dulot mo sa akin 
Sa mga bagong kinang na nabubuo sa t'wing ikaw sa aki'y ngingiti 
O, masasagip mo kaya? 
Ang tindi ng hampas ng alon ng pagnanais kong makasama ka'y magagawa mo rin bang sa aki'y ipadama? 
O baka ako lang? 
O baka ako lamang ang natatanging nag-iisip na may bukas tayong dalawa? 
'Wag mong iwang nakabinbin 
Iyan ang hiling habang nakatingala sa mga bituin 
Mata'y paulit-ulit na ipinipikit 
Pinipilit alalahanin ang mga panahong ka'y kinang 
Lubos ang kintab kung sa'n ako'y sayo't ikaw ay akin lamang 
Umaasa ang puso 
Umaasa sa iyo na 'di mo susunugin ang bawat parte nito 
Ngunit baka ako nga lang talaga 
Baka ako lamang ang paulit-ulit na bumubuo ng paraiso sa isipan 
Pugad na ako lang ang may alam 
Kung sa'n ang mga tauha'y 'di maaaring magtapo kahit na sa kakaunting oras 
Baka nga 
Baka umaasang lamang ang puso 
Umaasang may habambuhay tayo 
Kung sa'n malaya kang mahahagka't mahahawakan ang mga kamay mo 
Ngunit 'di na ko magtatagal 
Bibitiwan ang laso pagkat buong kaloob-looba'y pagal na 
Ito na ang wakas, pahimakas 
Sa isang istoryang wala na namang bukas 
____
(1) ALITAPTAP: Mga Kislap na Itinatak, Alas Dos y Media.
© JPR, 2020
13 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
payapa
Tumblr media
Sa 'di kalayuan, kasama ng mga bituin at tala nahanap ko ang kapayapaan. Ilang taon ding hiniling na sana'y dumating sa puntong ganito, kung saan 'di na mag-aalala pa kung makakatulog ba sa gabi ng ayos, kung, may luha bang papatak mula sa mga mata pagkat 'di batid kung ikaw ba sa aki'y nag-aalala o may pakialam pa.
Walang bahid ng pangamba, lahat ay payapa na.
'Di rin naging madali ang proseso, kung mamarapatin mo, ako'y maglalahad ng saloobin sa pamamagitan nitong teksto ...
Paano nga ba? Hindi naman ako madalas humiling sa mga tala, ngunit unang beses na nakausap ka'y langit sa pakiramdam at doo'y napagtantong maaring may bukas, maaaring maging tayo sa paglipas ng mga araw.
Lumalim ang ugnayan, dama ko. Hinayaan mo kong makilala ka sa iba't-ibang kulay na dala ng pabago-bagong panahon. Magmula dilaw, natanaw kita ng lubusan hanggang sa unti-unting kang maging bughaw, lila, hanggang maging itim na ng tuluyan. At walang reklamo, inintindi ka hanggang makakaya ko. Pagkat batid ko, na normal lamang na minsa'y dadapo ang dilim sa kay liwanag na mundo ... at walang reklamo, pagkat una pa lamang ay naiintindihan ko na ng todo.
Hanggang sa,
Parang may nagbago, para bang 'di na tayo yaong dating tayo. Nanlamig na parang yelo, loob ay naging milya-milya ang layo hanggang nadama ko na parang 'di ka na masaya sa kalawakan ko. Sinubukang isalba ngunit parang 'di mo na nais pang magpasagip. Ano pa nga ba ang gagawin kundi ang ikaw ay palayain. Kahit na may kirot sa dibdib ay dahan-dahan kong tinaggap giliw. Kahit na masakit ay aking ginawang pilit.
Gabi-gabing nakatingala sa kawalan habang ang mga luha'y pumapatak sa mata nang 'di namamalayan. 'Di na masisi pa ang kalangitan pagkat ilang ulit na rin na iyon ay aking nagawa. Himbing ay 'di mahanap pagkat paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan kung paanong kay balis na nawala ng lahat; kung paanong mula paraiso ay nasadlak muli ako sa lusak na ayaw ko nang puntahan pa.
Bumabaha ng luha, nagbabaga. Apoy sa dibdib ay natupok na. Hanggang sa natanggap na din na ito nga ang kahihinatnan ng ating istorya.
At ngayon, may laya nang ngumiti. Himbing sa gabi'y nahanap na rin. 'Di man humanay lahat ng bituin sa aking mga plano, ang mahalaga'y nahanap kong muli ang sarili ko. Ang payapa. Payapang minsa'y naging delubyo nang minsang inisip ko na darating sa puntong mamahalin mo rin ako.
Pagkat payapa na. Ang mga ibo'y humuhuni na't ramdam na ang gaan sa musikang sa isip ay patuloy na kumakanta. Wala ka man, ngunit andito ako, mas malakas at bago. 'Di na natatakot pa kung sakaling madapa ma't magalusan pagkat pinatibay mong tunay.
May payapang hatid ang simoy ng hangin
Tinuyo n'ya ang mga luhang iyong hatid
Pinaintindi na mas kailangan ang sarili
Pinatatag mga buto't pakpak ay mas pinagyabong ng matindi
2 notes · View notes
trickramirez · 4 years
Text
125
Tumblr media
Hi! I am a 20 year old boy with tornadoes inside. Yes, lotsa tornadoes. Sometimes these tornadoes affect the way I see things and the way I handle my shizz. I know that, for sure.
I know some might not cool with this but, I just want you to know that 'mental illness' ain't a joke. If your feet hurt cause of an injury, so is the brain; the heart and the other emotional-mental part of the body. They also get bruises and wounds, might not be able to see it but its there, bleeding as hell.
The past weeks are quite hard, quite tiring and draining at the same time. Things turned out differently, a 360 rotation shiz; a one hella rollercoaster ride of emotions. I must admit, i ain't used to this. Its really tiring.
To make it more clear ...
My monsters are back, they're haunting me every single night before heading to sleep. My 2:30 am anxiety attacks are back as well and they're suffocating me, drowning me in. I cannot breathe and I don't know why.
This is the main reason why I ain't opening these stories to some, cause even I, I ain't able to understand what's happening. Also, some people's understanding towards these are quite shallow. You cant open things up to some, they might end up laughing at you.
Some of my friends ain't really present, they don't really care. I remember when I ain't sober and called them cause I needed help, they ended up dropping my calls like we don't know each other. Man, I felt betrayed. They just ate all the nice shit they told me back when we're still friends.
Well, I hope you enjoyed your meal and think you're full af now. You dropped my calls, I'm dropping the hell out of you out.
This is the point where I can say that I ain't completely healed. I need time. I need a "nice" environment where no one judges me. I need a good set of people who'll bring up the best in me, cause honestly? I cant do that thing right now.
I'm too weak right now. Very very very suicidal. My apple music playlist ain't helping this time. I badly needed someone to share my hurricanes with but I ain't forcing people to do so. Cause if they really care, you boy, don't need to beg anymore.
I'm writing this not to promote suicide but to let you know what I'm going through right now. Yes, I am publicizing it. Because I want people to become extra careful with what they're gon say to me. Right now, I'm lightweight and fragile. I might explode anytime.
4 notes · View notes