#@TagalogPoems
Explore tagged Tumblr posts
Text
Saan ako huhugot sa'yo ng tula? Wala naman tayong ginawa kundi maglaro ng taguan, hanapan, at kung sino ang taya. Ilang beses ko nang inisip kung ilang beses ka na ring nadulas. Malay ko ba kung totoo ang mga laro ng dila mong di malaman kung sadya ba o sumabog na lang at naging pahimakas. Sa'n mo ko pupulutin kung palaging nakabitin ako sa kawalan? Anong aasahan mo sa aking tula? Saan ako kukupit ng mga bagay na salita para sa atin? Inaakala mo bang maglulumuhod ako sa'yo para umamin? Hindi. Sabay tayong manigas hanggang dulo, nang malaman natin kung sino ba talaga sa ating dalawa ang mas pakipot at s'yang dapat na sisihin.
.
.
.
.
–WMAB
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#tulangtagalog#tulala#maikling tula#prose poetry#poem#makata#mahal kita#poetic prose#prosepoetry#prose poem#poet#original poetry#tagalog poetry#tagalog post#tagalog hugot#tagalogpoem
4 notes
·
View notes
Text
Ang kambing ni riel
Isang maliit na kambing ang buhay sa gitna ng bukid nila gabriel,
Itim ang langit malayo sa kinagisnang kulay na kahel,
Ang kawawang magsasaka ay hindi makatulog
Sa kakatawag nito sa kaniyang ina,
“Meeh”
“Meeh”
“Meeh”
Bumalikwas ng posisyon si gabriel,
Higpit ang kapit sa kaniyang unan at kumot na mala mantel,
“Meeh”
“Meeh”
“Meeh”
Tawag pa nitong muli sa ina,
Maaga pang mamumukid si gabriel
Kailangan na nitong isarado ang mga mata
At malululon sa tahimik na heleng
Ibinubulong ng hanging habagat
“Meeh”
“Meeh”
“Meeh”
Hindi alam ni gabriel kung bakit ngayon
Ang ingay ng kambing
Ang ina’y sa kaniya naman ay malambing
Maya’t maya na walang ang tunog ng kambing
At bago pa malaman ng magsasaka,
Umaga na,
Tuyong dugo ang nakita sa damo,
Ang batang kambing ay nasa gilid titig dito,
Maramdaman niyang si gabriel ay dumating,
Sa kaniya naman ito tumitig
Maya maya dumating si manong ismael,
Bitbit ang isang bagay na nakabalot sa kumot
‘sing nipis ng mantel
“Ay pagkasarap ng luto mo riel!
Ayan pinagbilin ni misis ika’y bigyan
Ng ulam dito sa lalagyan”
Titig ang batang kambing sa damo,
At si gabriel ay hindi umimik, sa gilid ay umupo.
“Ma?”
Tawag ni gabriel,
“Ma?”
“Ma?”
“Ma?”
Titig ito sa puting balat ng matres,
Umaga, tuyong dugo ang kita rito,
Naramdaman niyang may dumating,
Doon sa pumasok, siya ay nakatitig,
Maya maya dumating ang kaniyang kuya,
Kasama ang butihing tiyuhin
Bitbit nila ang malaking bagay na nakabalot sa kumot
Na ‘sing nipis ng mantel
“Riel,” tawag ng kuya,
Sa gilid ng kaniyang ina si gabriel ay naupo
“Ma?”
“Ma?”
“Ma?”
“Ma?”
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa isang bahay, bumalikwas ang babae mula sa pagkakahimbing,
Hindi ba’t ang kambing nama’y nilalambing?
Bat kaya ito’y tumatawag at naghihinagpis?
Maaga pa ang pasok ng mga bata, kaya’t ipinikit nito ang talukap ng mata.
Mamaya pa ang gising, maaga pa
-koli.
0 notes
Text
Nakakapagtaka, ni hindi ako nagdarasal ngunit natagpuan na lamang kitang ipinapanalangin ko sa bawat araw na nagdaraan.
0 notes
Text
TALA
Sa dami ng tala sa langit,
pero sayu parin naka tulala,
parang mga tala sa langit.
0 notes
Text
sapagkat ang pagluha ko'y
pagdilig sa lantang pagkatao
sa pag-asang ako'y uusbong muli,
maglalayag palayo sa pagkatalo.
2 notes
·
View notes
Text
Tama na.
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#tulangtagalog#tulala#maikling tula#prose poetry#tagalogpoem
2 notes
·
View notes
Text
A tagalog poetry "Para sa Aking Tala"
Ang ganda talaga ng mga tala.
Mga mumunting liwanag na kumikinang sa malawak nating kalawakan.
Nagsisilbing gabay 'pag ang araw ay nagpapahinga at ang buwan ay 'di nagpapakita.
Na tila ba sinusundan tayo sa lahat ng ating pupuntahan.
Bata pa ako noon nang matutunan ko itong kahumalingan.
Na kapag payapa ang kalangitan sa gitna ng kadiliman.
Ay laging nakatingala at isa-isa silang pinagmamasdan.
Bumubuo ng mga hugis at imahe sa aking kaisipan.
Minsan nag-aabang ako na may isang bumagsak.
Sabi kasi na kung ako ay hihiling rito ay aking makakamtan.
Ngunit iba ito sa aking napag-aralan.
Dahil ito raw ay nakasisira, nakawawasak.
Ngunit may isang talang namumukod tangi.
Mas maliwanag pa sa araw ng umaga at buwan ng gabi.
'Pagkat naiiba ang kinang nito na nagtataboy saking sarili.
Na nagdudulot ng pagkanais lumipad at maabot ito kung sakali.
Subalit ang paglipad ay malabo 'pagkat hindi ito katangian ng tao.
Ang magagawa ko nalang ay maghintay dito saking mundo.
Nagbabakasakaling balang araw ito ay bumaba rito.
Para sa akin ay mahawakan at maramdam ko.
Dahil tapos na akong tumitig at silayan lang ang kagandahan.
Nanaisin nalang na maging isang handang kapatagan.
Na kung sakali mang ito'y sa mundo ko babagsak.
Makasasalo ako sa nag-aalab na pagdating kahit ako ay mawasak.
2 notes
·
View notes
Text
Nakakalungkot
Tuwing iniisip ko’y nakakapangilabot
Bawat araw na magdaan
Pagkakagusto ko sayo’y lumalalim, di na maabot
Paano nga ba nagsimula
Hindi ko mawari kung ano nga ba talaga
Ang nararamdaman ko tuwing ika’y nakikita
Mga ngiti mong nakakabighani
Mga biro mong nagtutulak sakin na baka sakali
Baka sakali’y magustuhan mo rin
Mga matang sayo lagi nakatitig kahit lutang sa hangin
Baka sakali’y mapansin mo rin
Mga simpleng bagay na nasa harap mo na pero ikaw sakanya pa rin nakatingin
Pero teka, sakanya nga ba
Teka, maling salita ang nagamit ko yata
Babaguhin ko, sakanila ka parin nakatingin
Kahit nandito ako sa harap mong naghihintay pa rin
Sakanila, oo tama na ang nagamit kong salita
Sakanila
Dahil hindi lang iisang babae ang nakakausap mo sinta
Bawat linggong dumaraan ay panibagong nilalang
Bawat tingin ko sa posts mo ay iba’t ibang babae ang uhaw sayong atensyon makausap ka lamang
Hindi ko mawari bakit ganyan ka
Kulang ba ang atensyon ng iisang dalaga?
Kulang ba kaming mga kaibigan mo para ika’y sumaya?
O sadyang ganyan ka lang talaga na uhaw sa pagmamahal ng iba?
Ako’y natatawa tuwing nakikita mga share mo
Halos lahat patungkol sa loyalty kuno
Oo nagustuhan kita
Past tense, hindi na ako susubok pa
Hindi ako susunod sa haba ng pila
Ng mga babae na sayo’y nagkakandarapa
Oo, pogi kana
Kaya nga ako nagkagusto sayo, hindi ba?
Pero ngayon ay nalaman ko na
Na hindi ka marunong makuntento sa iisa
1 note
·
View note
Text
#PANDEMICPOEMS: AYALA
instagram
Oh, Ayala.
Simula nung nag-pandemya, hindi na kita nabibisita.
May mga pagbabago na sayo na kitang-kita...
Lagi akong napapadpad dito sa gabi. Minsan masaya. Madalas mag-isa.
Nakalimutan ko na kung gaano ka rin kaganda sa araw...
Kung masilayan lang kita sa ganitong lagay ay bihira.
Pansin ko nawala na ang isang building ng BPI.
Napakahalaga ng kanyang kasaysayan sa daan,
Ngunit sadyang may mga kailangan nang lumisan,
Para magbigay liwanag sa kinabukasan.
instagram
Kung makita man ng tao ang larawan na ito,
Hindi ko sinasadya na sa kasagsagan pa ng nalalabing eleksyon.
Wag sanang pulitikahin...
Hindi ko lang maiwasang kunin ito,
Dahil napapaisip lang ako, sa una:
Paano kaya kung buhay pa sya hanggang ngayon?
Imposible: may magiiba sa ating estado ngayon pag nangyari ito.
Ngunit, paano kaya kung may lakas ako ng loob na makapanayam ko sya..
Kung naasan man sya?
instagram
Maaring ito ang aking masambit:
Oh, Ginoong Ninoy.
Maaring kita niyo na ang lagay ng bansa mula dyan sa itaas, at kung paano kayo tinatandaan ngayon ng mga nasa aming henerasyon.
Nakakausap niyo ba ang mga nakasalamuha mo sa mundong ibabaw?
Pati yung nakakasalamuha ng mga kamag-anak mo?
Hindi ko alam kung anong maaring maisip ko sa direksyon ng inyong rebulto...
Kung paanong itinutulak kayo sa kung nasaan ang sikat ng araw, bagama't palubog na ito.
Ngunit ang aking pinagdarasal ngayon:
Sana hindi masamang pangitain ang sumisimbolo dito.
instagram
Kakadaan ko rin sa Salcedo.
May kaunti pa ring bahid ng kalungkutan,
Ngunit sa araw na nasilayan, ang sarap ring balikan.
Ikinagulat ko ang nakatayo sa Tri.
Parang kelan lang nung nilagyan ka pa ng harang sa construction site.
Ngayon, isa ka na sa nakatindig:
Taas noo sa kalagitnaan ng sangangdaan.
Sumisimbolo sa mga pangarap namin na pilit inaabot,
Kulang man sa datung o sa panahon.
Trenta na ako. Ilang beses na ako umabot sa pagsuko.
Kulang na lang bawiin ang sariling buhay...
Pero minsan rin talaga, sa mga hindi dapat asahan, inuulan ka pa rin ng pagasa...
Oh Panginoon. Hiling ko, naway hindi pa huli ang lahat.
instagram
Huling parte ng aking paglakbay.
Hindi ko pa gustong mawalay,
Lalo na kung ang sikat ng araw sa lugar na ito ang nagaantay.
Maraming magagandang alaala ang pilit kong sinasariwa,
Lalo na kung ito ay kaganapan sa nakabinbin na liwanag...
Kelan ko kaya masasariwa na makalabas agad na ganito ang nakikita?
Isa rin bang simbolo ito:
Na bigyan rin ako ng pagkakataon
Na mawala sa kadilimang nararanasan ko ngayon?
Maari. Ngunit pwede rin na may mga naiisip lang na saglit
Na lumilitaw lang sa dapithapon.
Tama na ang imahinasyon, Gina.
Reyalidad pa din ngayon ang pandemya.
Kelangan mo nang umuwi.
Pero baunin mo ito. Gamitin mong inspirasyon...
Pagsipagan na makamit mo rin ang mga pangarap mo.
At baka ang mga isa rin sa destinasyon mong paraiso ang mga sandaling ito.
Lahat ng hirap mo, magbubunga. Pangako.
#Onetakepoems#covid19pandemic#novemberisforpoets#tagalogpoems#randomthoughtsfor2021#wanderlust#makeitmakati#Instagram
0 notes
Text
Ang Hele ng Kalungkutan
Mahimbing ang tulog sa bawat pag-iyak.
Masigasig kang hinehele ng sarili mong mga hikbi.
Ang maya’t mayang pagtapik sa’yo ng sakit.
At ang haplos ng mga luha sa’yong mga mata.
Ang nagdadala sa masarap mong tulog.
Masyadong masarap matulog sa pagitan ng pag-iyak.
At pag gising mo muling magpapabuhat sa’yo ang mundo.
Sa kabila ng bigat ay kailangan mong bumangon.
Bitbitin ang bigat buong maghapon.
Pagkatapos ng maghapon ay mararamdaman mo ang pagod.
Hanggang sa muli kang ihehele ng mga hikbi,
Ipapatapik ang sarili sa sakit.
At ipapahaplos sa mga luha ang mga mata.
Hanggang sa muling makatulog.
Araw-araw mong bubuhatin ang bigat sa maghapon.
Gabi-gabi kang magpapatulog sa pag-iyak.
Habang hinihintay ang sariling mamanhid at hindi na makaramdam ulit.
0 notes
Text
sa paglubog ng araw ang siyang pagsikat ng buwan
parehong tanawin mapalad nating natagpuan
sa gitna ng dalawang isla'y may tubig na matabang
nakinita ri'y mga gusaling 'di nawalan ng kinang.
hanggang ang mga bituin ay dumungaw naman
at mula sa mga ulap,
tayong dalawa ang pinagmasdan.
1 note
·
View note
Text
DANTAY
#00035
“DANTAY”
Mga hindi inaasahang pangyayari;
Paru-parong nakarating sa alapaap,
Musika mula sa naudlot na pangarap.
Kasama kang tumakbo sa ilalim ng ambon
Ako ang babae, pero ako ang hari.
Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Meron akong ikaw sa gitna ng taon.
Isang sabi lamang ng “pasundo”,
At pagkalipas lamang ng limang minuto,
Hawak ko na muli ang mundo.
Ngunit—mabilis dumaloy ang alon
At ang oras ay hagupit ng tadhana.
Sarili kong isip ay hindi ko mawari
Masyadong magulo ang tunog ng sonata.
Anumang oras ay masasandalan mo ako
Ngunit ayokong magbitaw ng pangako.
Wari ko’y nagustuhan mo ang aking dantay
At ang mahigpit kong hawak sa’yong kamay.
Habang ang ating musika’y
Dahilan ng mga paru-paro para sa aki’y dahan-dahan umuwi.
At ikaw na yata ang matatawag kong tahanan
Habang sa’yong dibdib ako’y komportableng nakahimlay.
Mayroon kang ako—
Nagkaroon ka ng “ako”
Sa buwan ng Hunyo; sa gitna ng taon.
Sa alinlangan ng mga ingay,
At sa takot ng pagkakamali
Na siyang nag-alis ng bawat lumbay.
Pero, sa kabila ng lahat,
May malaking respeto sa bawat “hindi.”
Oh—wari’y—ito na yata ang alamat ng dantay.
Subalit—Patawad,
Kung wala pang dalawang oras ay,
Babangon na ‘ko’t bibitaw sa’yong mga kamay
Ang maskara’t damit ay isusuot muli
Panakip sa mga kalmot at sugat sa binti
Mula sa pagkadapa ng pagtakbo
Dahil sa takot sumugal sa hindi sigurado.
O baka ayoko lang talaga maging komportable
At… matali.
Sabay tingin sa’yo nang may maalagang ngiti
At mata ng bahagyang pagsisisi—
Dahil, sa gitna ng taon,
Ikaw ‘yung naging pahinga sa nakakapagod na mundo.
Ngunit, hanggang dito lamang tayo,
Hanggang ganito lang na magkadantay—
Sa ibabaw ng sapin mong puti
Walang patutunguhan,
Walang panghahawakan,
Walang kailangang manatili.
Salamat, sa respeto,
At sa mga ginintuang sandali
Patawad, Paalam,
Hanggang sa muli.
— lunasteasonne
#tagalogpoem#filipinowriter#filipinopoem#tagalogpoetry#lunasteasonnewritings#lunasteasonnepoems#lunasteasonnepoet#lunasteasonnepoem#tumblrpoem
0 notes
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipinas#pilipino#tulangtagalog#maikling tula#filipinopoems#poetic#prose poem#selfworth#self care#self love#tagalogpoem#tagalog hugot#tagalog post#pilipinx#poetic prose#philippines
33 notes
·
View notes
Text
from By the City’s Tranquility
Gumising sa isang walang laman na puwang, Kay tagal na nakatira sa isang kahong walang laman. Uhaw pagkatapos ng swerteng tagumpay sa buhay, Umaasa para sa mas mabuti.
Naglapag ako ng pusta sa madilim na lilim ng kalangitan - Kung saan maaaring magkatotoo ang mga pangarap. Isang ningning ng maliliit na ilaw ang isinilang, Sa loob ko'y nakaramdaman ako ng isang buhay.
Ang hirap kong sinubukan. Ang madilim na kalangitan sa gabi ay naglaho, Ang aking mga pangarap ay namatay na. Ano ngayon ang dapat kong gawin?
Hindi na ako muling tumingin, Sa madilim na klase ng kulay ng kalangitan sa gabi. Dahil sa tuwing tumitingin ako ay nakakahiya. Sumunod kasi ako.
0 notes