Tumgik
#tulangtagalog
wmab · 9 months
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
28 notes · View notes
Text
nasa punto akona sabihin sa tula
ang nararamdaman ko
kesa sa ibangtao,
hindi sa pagiging makasarili
pero hindi ko naman 'to pinili
na sa bawat araw ay magkunwari
at piliin na ang problema ko'y isantabi.
0 notes
jaysonsosa · 2 years
Text
Ang Iyong Mga Mata
nakakadurog ng damdamin
kahit hindi mo sabihin
kahit aking pilitin
alam kong hindi ka aamin
ako ang sinungaling.
namamaga na naman
ang iyong mga mata
naninikip na naman
ang dibdib ko sa kaba
ikaw ang nagdurusa
ako ang tanga.
wala ka ulit kibo
takot na ulit ako
ang tingin mo sa kin
ay wala ng tiwala
ikaw ang biktima
ako ang may sala.
sana ay maibalik ang dati mong sigla
kahit hindi muna yung sa akin,
basta yung sa iyo ang mahalaga.
#tagalogpoem #tulangtagalog #wagkangumiyak
0 notes
frustratedmanunulat · 4 years
Text
Yes. I'm still alive. But barely breathing. My memories about you are haunting me to death. I can hear your voice even when I'm asleep. I can see your bright smiling face in every corner of my space. I can feel your touch even when I'm alone. And it doesn't feel good. None of this feels right. I'm drowning again, into the abyss. I am feeling that void again. What have you done to me? What have I done to myself?
— a
2 notes · View notes
Photo
Tumblr media
HABANG (on Wattpad) https://my.w.tt/I81IC6kBb9 hanggang saan mo kayang maghintay? hanggang sa napaka tanga mo na? hanggang sa sobrang sakit na? hanggang sa di mo na kaya? Isang Tula Para sa Isang Taong KAHANGA HANGA.
1 note · View note
xjxaxi · 4 years
Text
Magugulat ka na lang.
Tatanungin mo sarili mo
Saan ang mali.
Saan ang kulang.
Sabay untog sa salamin.
Habang pinagmamasdan mo ang sarili mo.
At unti unting pagbagsak ng mga luha mo.
Hindi alam saan magsisimula.
Panibagong mundo at panibagong pinto.
Di alam kung hahakbang pa ba.
Sa bawat katok na naririnig mo.
Iniisip mo “sasaktan lang ako nito”
Bigla mo narinig ang malakas uli na tunog
Mga kaibigan mo hiling na sana pinto ay bukan mo
Panibagong simula kahit puso ay naghihilom pa
Panibagong mundo kasama ay ibang tao na.
Ngunit patuloy ang pagdududa sa sarili
Sagot mo ay “hindi pa ko handa”
Mga bagay na pati puso mo ay tumugma
Pero handa pa din magbigay ng puwang para sa kanila
wrote this almost 1yr and half
1 note · View note
malayanglakambini · 3 years
Photo
Tumblr media
LANSETA Tanka •Isang uri ngnoagsusulat ng tula mula sa Japan. Katulad ng Haiku, ang Tanka ay sumusunod sa 5/7/5 na pantig, ngunit, gumagamit ito ng dalawa pang linya para maging 5/7/5/7/7. ••• #tula #tanka #poem #tagalogpoetry #pinoypoetry #tulangtagalog #poetry #poetryph #writersph #writerscommunity #filipinopoet #filipinowriter #makata #pinoywriter #pinoypoems #tagalogpoems https://www.instagram.com/p/CN5IZRZlCUA/?igshid=4t6vjlz7pxqi
0 notes
imaconnoiseurone · 4 years
Text
Biyaya
Ang aking puso'y puno ng kagalakan
Kaligayahan dahil sa pagpapala
Na handog ni Bathala
Noon iniisip kung ako'y iba
Sa tulad nilang nagpapaunlakan
Ngunit ako'y mali pala.
Sa paglipas ng taon
Magpahanggang sa ngayon
Akin nang napagtanto
Ang biyayang mayroon ako.
Silang tunay na di nakakaunawa
Ay nanguna ang mata't bunganga.
Akin din naunawaan
Ang layuning sa akin inatang
Nais ko gamitin
Ang pagsulat para sa kapwa
Ito palang ang simula
Ako'y paparating na.
-ipagpapatuloy...
0 notes
crypther · 6 years
Text
Tinry ko na tumingin sa iba, Sa nerdy, sa good boy, sa borta. Pero sa dulo, Ikaw pa rin. Ikaw pa rin ang pagkakamaling gusto kong ulit-ulitin.
2 notes · View notes
tinta-ng-pluma · 7 years
Photo
Tumblr media
Ang hakbang papalayo sayo, Ay hakbang para sa panibagong kabanata ng buhay ko.
Excerpt from ‘Hakbang’.
@tinta-ng-pluma
- ty. jey
9 notes · View notes
wanderwomaaan · 6 years
Text
TAKOT AKO
Takot ako sa matataas na lugar, na sa tuwing titingin ako sa ibaba habang naglalakad, pakiramdam ko ako'y malalaglag. Nakakakaba. Nakakaubos ng hininga. Kaya naman sa tuwing ako ay aakyat, pinipikit ko ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyang maglaho ang mga kaba sa dibdib ko. Ang takot sa pagkalula ko.
Tulad ng pagkatakot ko sa matataas na lugar, natatakot ako sa mga tingin mo. Mga tingin mong masyadong nakakalula. Mga tingin mong ayaw kong titigan dahil baka ako'y matuluyan, matulala at mahulog bigla sa kawalan. Ako'y walang kasiguraduhan na baka sa paghulog kong tuluyan, ako'y di mo saluhin at tuluyan mong iwan.
Natatakot akong tumitig sa'yo. Pero sadya sigurong matigas ang aking ulo. Tinitigan kita. At kahit nakakalula, tinitigan pa rin kita.
Nawala ako sa sarili bigla. Ni wala akong parasyut na dala. Pero sabi ko, bahala na. Sinuong ko ang salitang bahala na, walang kahit anumang dala. Ni hindi ko naisip na sa akin walang sasagip. Inisip kong nakatingin ka rin nang ako sa'yo ay tumitig. At tiyak kita mo rin, kung paano ako nahulog. Siguro naman ako'y iyong sasaluhin.
Ngunit teka, bakit parang ako'y nag-iisa? Tumingin ako sa itaas at nakita ka. Pinagmasdan mo lamang ako.
Wala ka bang gagawin? Wala ka bang balak na ako'y sagipin? Unti unti na akong nanghina, dahil bigla kang nawala.
Saan ka pupunta? Hanggang sa.... Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagkawasak ng aking buong pagkatao. Nagkalasug-lasog ang buong katawan ko. Ngunit ako'y buhay pa. Gising na gising ang aking diwa. At tuluyang pumatak ang aking mga luha sapagkat ako'y nag-iisa. Tinalikuran mo ako't humarap ka sa iba.
0 notes
wmab · 6 months
Text
Alam ko namang hindi ko kailangan. Pero minsan, naiisip kong makakahanap rin ako. Ng mabuti at marunong makinig. Ng may pakialam at di takot humibik. Yung hindi masyadong duwag sa pûla ng aking malakas na pagkababae. Hindi napahihina sa tapang ng nakakalalaki kong kalikasan at prinsipyo. Kung hahanap man ay dapat kaya n'ya ang aking mga bagyo, mapa delubyo man ng aking mga suhestyon sa buhay at makatotohanang payo. Saan ka pa kaya sa mundo makakakita ng taong kayang lumuhod sa hindi n'ya kapanalig ng pagkatao?
Hindi ako naghahanap. Ni hindi ako nangangailangan. Pero numanais rin ako ng marunong sumakay at may alam kung kailan tamang maglumanay at lumaban.
-WMAB
19 notes · View notes
Text
hindi ko dama ang pagiging mahalaga hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling naging masaya
sa mga bagay na aking nararanasan ay parang gusto ko nalang iwasan ang mundo at kalimutan,
sana sa susunod na buhay ay maramdaman ko ang totoong halaga ng buhay
at hindi ang ganito..
1 note · View note
jeyvieytch · 3 years
Text
Ang Corona at Ang Korona
Tumblr media
“Ang Corona at Ang Korona”
Tila isang panaginip na binalot ng dilimang hatid ng coronang itim.
Nangangapa, nangangamba,
hindi makita ang umaga;
tila ba kinain na ng bakunawa.
Ikot ng mundo ay naapektuhan,
populasyon ay nabawasan.
Lahat ng balita ay iisa lang ang laman,
ang coronang kalaban.
Kabi-kabilang ingay ang umalingawngaw;
tulong at suporta ang isinisigaw.
Pero bakit lubid ng buhangin ang ibinigay?
Dagat pa ang tumangay.
Ang hinihingi ay solusyon,
ang ginawa ay korapsyon.
Hindi lang pala coronang itim ang kalaban,
dumagdag pa ang koronang pulang nalaban.
Kailan ba matatapos ito?
Turuan, sisihan, parang batang hindi natuto.
Na saan na ang hinihinging serbisyo?
Napunta na ’ata sa bisyo.
Nakalimutan na ba ang coronang kalaban?
Nagpokus na ’ata sa halalan.
Gustong manatili sa upuan,
isuot pa ang koronang pulang inaasam-asam.
Sana sa magiging botohan,
piliin ang nararapat para sa upuan.
’Wag nang magpatangay sa dagat ng kasinungalingan
upang hindi na maulit ang dilubyong nararanasan.
Piliin ang makatarungan,
piliin ang mamamayan.
– @jeyvieytch
#jeyvieytch #lettersjeyvieytch #filipinopoem #taglogpoem #poem #tula #tulangfilipino #tulangtagalog #filipino #tagalog #corona #korona #AngCoronaAtAngKorona
0 notes
frustratedmanunulat · 4 years
Text
Tumblr media
— a
2 notes · View notes
somersault16 · 4 years
Text
Tumblr media
#KathaNiSomersault #originalthoughts #originalcreation #original #mycreation #spilledthoughts #spilledink #spilledpoetry #tula #byahenglangit #poetryriot #mythougths #tula #poem #poetry #tulangtagalog
0 notes