Tumgik
#tagalog tula
wmab · 9 months
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
28 notes · View notes
dillydeitydally · 1 year
Text
sa labang mahirap maipanolo
ngunit, titindig hanggang dulo
sisigaw hanggang maubos ang tinig
hindi mapapagod, manantili akong nakatindig
para sa kapwa, para sa bayan
para sa bansang nais kong ipaglaban
6 notes · View notes
feelingepiphany · 2 years
Text
SUMILIP AKO
Sumilip ako sa kadiliman,
Bakit liwanag ang nagpakita?
Sumilip ako sa liwanag,
Bakit kadiliman ang naramdaman?
Sa bawat pagsang-ayon sa puso
Libo-libong tinig ang nagtutunggali
Sa bawat pagsang-ayon sa isip
Ikaw at ako lang ang nag-wagi
Kalmado ako kapag magulo,
Magulo ako kapag kalmado
Tama ako sa mali,
Mali ako sa tama
Sumilip ako muli sa liwanag,
Walang nagpakita
Sumilip ako muli sa kadiliman
Sarili ang nakita.
7.28.22
Unang liham...
7 notes · View notes
angelikigai · 1 year
Text
Halika muna at maupo tayo saglit,
Tumanaw sa malayo’t sa akin iyong isambit
Mga kwento mong narinig ko na naman,
Oh kay sarap pakinggan
Tibok ng puso ko’y maingay pa sa paligid,
Huwag ka nang mahiya’t hindi naman pinipilit
Sabihin mo’t makikinig naman,
Oh kay saya mo naman —
Kasama maglakad,
Banatin ang mga paa’t dumiretso patawid kung saan matatagpuan ang hinahanap-hanap
Hindi mapapagod hanggang sa mawala ang alintana,
Mawala ka ma’y hindi mamomoblema — basta ikaw
Halika muna at mahiga tayo ulit,
Tumitig sa kisame’t sa akin iyong isambit
Mga reklamo mong narinig ko na naman,
Oh siya at itahan mo ‘yan
Yakapin mo nalang ako kahit na mainit,
Huwag ka nang mahiya’t hindi naman magagalit
Sabihin mo’t gusto ko rin naman,
Oh ang payapa naman —
Kasama kang lumipad,
Di alalahanin kung hanggang saan mapadpad mga paang pagod balikan ang nakaraan at hinahanap-hanap
Hindi matatakot kasi kasa-kasama naman kita,
Mawala ka ma’y hahanapin pa rin kita — basta ikaw
A.Ikigai
3 notes · View notes
sulatkamaynimiaatbp · 2 years
Text
Sa gitna ng “sana sa akin ka nalang" at “paano ba ako mag papaalam”
Wala kang sinabi nung umamin ako sayo,
Kaya inisip na baka hindi mo ako gusto.
Ayokong ipagpalagay na pareho ang nararamdaman natin,
Dahil masakit umasa kung hindi mo naman aaminin sa akin.
Kailangan kong marinig, kahit minsan, kahit isang beses lang
Ang iyong tinig na nagsasabing ‘gusto rin kita’ — 
Hindi mo na kailangang ulitin pa kung nahihiya,
Isang beses lang, at habambuhay na akong sayo
Hindi mo pa sinasambit, mukhang hindi na lilisan
Tumigil na ako sa pag subok na maintindihan
Hindi ko din alam kung bakit sa dami ng tao, sayo ako lapit ng lapit
Parang gamo gamo na sa’yong liwanag ay laging naaakit
Nabihag na nga ako, hindi na mawawala ito
Kaya gawin mo ang iyong gusto at bumalik sa akin kapag napagod ka na
Magiging pahingahan kapag sawa ka na
At kung aalis ka mang muli, dito mo parin ako babalikan
Sa gitna ng “sana sa akin ka nalang" at “paano ba ako mag papaalam”
3 notes · View notes
urwillzone · 2 years
Text
tandaan mong ang bahaghari ay:
hindi lamang tanda na tapos na ang ulan, hindi lamang hudyat na ang araw ay sisikat na naman.
ang bahaghari ay paalala.
nagsasabing ang mundo ay bilog talaga,
patuloy umiikot nang walang pagpalya
kaya't ang panahon ay laging nag iiba.
ngumiti ka.
ipagpasalamat mo ang bawat paghihirap
sapagkat tiyak kong sa dulo ay tagumpay ang yong malalasap.
tularan mo ang ulap.
hindi nangingiming pigilan ang pag-iyak
pagkat alam niyang ito'y magpapagaan
sa mabigat na bagaheng kanyang pasan-pasan.
talaga namang ganyan ang buhay
papagurin kang madalas at tunay
upang sayong pagtahan makita mo ang bahaghari---maganda't makulay.
Tumblr media
2 notes · View notes
jihnih · 8 months
Text
Sana sa susunod na umaga,
magising sana ako na yakap kita.
Sa ngayon kasi,
ngiti mo lang ang nakikita
at sa panaginip pa.
Wala naman akong reklamo.
Sa totoo nga sabik ako sa pagtulog
yung bagang halos hilahin ko ang oras
at pilitin ang pagod
para pag-uwi ay diretso sa unan
at papahila agad sa antok.
Sa panaginip ko kasi ay may tayo -
ikaw at ako.
Masaya, kuntento at nasabi ko ba sa iyo
na ikaw ang mundo ko?
Sana bukas,
ikaw na ang bungad.
Pangako,
hindi na ako iiyak.
0 notes
aireelovesmoon · 4 months
Text
"And I'm afraid that you only love me for the love I give to you"
You love me not because you really do, you only love me because I love you.
117 notes · View notes
lihimlihamtinta · 2 months
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
25 notes · View notes
annexca · 5 months
Text
#171
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
Matalinghaga, may tugma, may sukat bawat sulok
Saan ang lugar ng mga karaniwang gaya ko?
Direkta, malaya, at sa langit ay tuldok
Kakayahan sa pagkalimot, tuluyang ginamot
Anong espesyal at mga tula'y 'di mo malimot?
Damdami'y ibunyag, gaano man kakomplikado
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
- SI TULA, ANG MAKATA
Tumblr media
20 notes · View notes
ano-po · 6 months
Text
Kamusta ka na kaya?
Sana hindi ka umiiyak.
Hindi mo dapat ikinakalungkot ang taong tulad ko.
Kamusta ka na kaya?
Sana pinagsasabihan ka ng mga kaibigan mo.
Na wala kang mapapala sa akin, at hindi na sana tayo nagkakilala.
Kamusta ka na kaya?
Sana ay galit ka. Sana ay kinasusuklaman mo ako.
Nang madali mo akong makalimutan, at hindi mo ako hanap-hanapin.
Na wala ka nang "Paano kaya kung..."
Na wala ka nang "Sana kinaya ko."
Na hindi ka nag-iisip na tawagan ako.
At pigilan ang sarili mo dahil baka ayaw ko.
Na hindi mo isinusumpa ang iyong sarili,
At isipin na hindi ka kamahal-mahal.
Dahil ganito ako ngayon,
At mas lalong sumasakit,
kapag naiisip ko na baka ganito din ang nararamdanan mo dahil sakin.
Kamusta ka na kaya?
Sana may magmahal sa'yo
na higit pa sa pag-ibig ko, na tinuturing ka nang tama, at hindi ka iiwan.
Kamusta na ako?
Nasa empyernong aking ginawa.
At mananatili ako, dahil dapat lang na nandito ako.
Nov 10, 2023 || 4:41 pm
22 notes · View notes
wmab · 6 months
Text
Alam ko namang hindi ko kailangan. Pero minsan, naiisip kong makakahanap rin ako. Ng mabuti at marunong makinig. Ng may pakialam at di takot humibik. Yung hindi masyadong duwag sa pûla ng aking malakas na pagkababae. Hindi napahihina sa tapang ng nakakalalaki kong kalikasan at prinsipyo. Kung hahanap man ay dapat kaya n'ya ang aking mga bagyo, mapa delubyo man ng aking mga suhestyon sa buhay at makatotohanang payo. Saan ka pa kaya sa mundo makakakita ng taong kayang lumuhod sa hindi n'ya kapanalig ng pagkatao?
Hindi ako naghahanap. Ni hindi ako nangangailangan. Pero numanais rin ako ng marunong sumakay at may alam kung kailan tamang maglumanay at lumaban.
-WMAB
19 notes · View notes
dillydeitydally · 2 years
Text
kailan ba titila ang mga luha?
namumugto na ang aking mga mata.
anong klase ng panyo ang maaring pumahid sa sakit na nadarama?
gusto ko nang kumawala sa mga pasakit na aking dinadala.
Tumblr media
3 notes · View notes
thelakeswhereidie · 5 months
Text
Tumblr media
16 notes · View notes
soapermaryow · 5 months
Text
aida 2019
hindi na bago sa akin ang lungkot mula pagkabata magkasama na sila ng takot na yumayakap sa akin gabi-gabi habang nanginginig ang mga labi
dahil maririnig ko na naman ang sigawan aalingawngaw ang bangayan sa ilalim ng kumot ako magtatago baka masalba ako sa nagliliparang plato
ikaw ang nagsabi sa akin hindi lahat ng bagay iniiyakan pero bata ako, bakit kailangan kong maging matapang?
kaya noong nawala ka maski naghihingalo ka sa mga bisig ko ay hindi ako umiyak
walang luhang tumulo nung libing mo, sinabihan nila ako bakit hindi ka umiiyak?
pero umiiyak ako ngayon umiyak ako noong eksaktong isang buwan mula nang mawala ka
umiyak ako nung gabi habang nililinis ang kwarto mo
umiyak ako noong tulog na ang lahat umiyak ako no'ng wala nang makaririnig umiyak ako nang walang nakakakita
umiyak ako nang palihim
umiiyak ako ngayon sana yakapin ako ng hangin ---bagay na hindi mo nagawa.
Tumblr media Tumblr media
9 notes · View notes
cmcstr · 22 days
Text
Sa tapang at tahimik mong katangian
Sayo'y napahanga, may tanong sa isipan
Paano mo kaya iyan nagagawa?
Tila wala kang problemang dinadala
Ngunit sa likod ng katangiang ito
Nakita ka, isang araw, sa likod ng pinto
Umiiyak ng tahimik, ang hikbi'y pinipigil
Iyong binubuhos sakit ng damdamin
Bumukas ang isipan, aking napagtanto
Na kahit pala ikaw ay hindi perpekto
Na sa kabila ng katangiang ipinapakita mo
Isa ka rin palang tao, nasasaktan, humihingi ng saklolo...
04/06/24. 8:08 pm
4 notes · View notes