Tumgik
#Pagsasakripisyo
mgakwentongbayan · 1 year
Text
Ang Pagsasakripisyo ni Rajah Baguinda
Noong unang panahon sa isla ng Mindanao, may isang makapangyarihang datu na nagngangalang Rajah Baguinda. Siya ay isang mahusay na pinuno na pinahahalagahan ng kanyang mga nasasakupan dahil sa kanyang tapang at karunungan. Sa kanilang kaharian, may isang dalaga na nagngangalang Prinsesa Anisa. Siya ay maganda at matalino, at itinuturing ng mga tao bilang isang diwata. Lahat ng kalalakihan sa…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
group-3-07 · 23 days
Text
𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧: 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 🌾
𝑮𝑹𝑶𝑼𝑷 3
Tumblr media
Sa aming pagsusuring ginawa bilang isang grupo. Ang mga katangian ng matandang magsasaka ay nakasakop sa tunggalian na Tao laban sa sarili. Sa nobelang “Mga Katulong sa Bahay”. Ramdam namin ang bigat ng buhay na pinapasan ng matandang magsasaka. Sa kanyang edad at karanasan, nakita namin kung paano siya nagpupunyagi para sa kanyang pamilya, kahit na ang kapalit nito ay ang paglimot sa kanyang sariling mga pangarap. Para sa amin, ang kanyang tahimik na pakikibaka ay nagpakita ng tunay na sakripisyo at ng tunggaliang internal na hinaharap ng bawat tao—ang labanan sa loob ng sarili upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng hirap at kawalan ng pag-asa.
Habang binabasa namin ang kanyang kwento, napagnilayan namin ang mga sakripisyong ginagawa niya araw-araw. Siya ay nagsilbing paalala na ang bawat isa sa atin ay may mga laban na hindi laging nakikita ng iba. Naramdaman namin na sa kabila ng kanyang katahimikan, mayroon siyang matinding lakas na pinagmumulan ng kanyang determinasyon. Ang kanyang kwento ay nagturo sa amin na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman o kapangyarihan, kundi sa kakayahan nating magpatuloy sa kabila ng lahat.
Naging mas maliwanag para sa amin ang halaga ng pagtitiis at pagsasakripisyo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga mahal natin sa buhay. Sa kanyang katauhan, nakita namin ang isang bayani na, kahit hindi kilala, ay patuloy na lumalaban sa isang sistemang tila nakalimot na sa kanya. Ang kanyang pakikibaka ay hindi lamang laban sa kahirapan kundi laban din sa kanyang sariling takot at panghihina.
Ang repleksiyon na ito ay nagdala sa amin ng mas malalim na pag-unawa sa realidad ng buhay, lalo na para sa mga tulad ng matandang magsasaka. Sa bawat araw na siya ay nagpapatuloy, natututo kaming pahalagahan ang bawat sakripisyo na ginagawa namin sa aming sariling buhay. Nagsilbing inspirasyon sa amin ang kanyang kwento upang maging mas matatag at mas mapagpasalamat sa mga biyaya, gaano man kaliit o kalaki.
Sa nobelang "Mga Katulong sa Bahay", Ang matandang magsasaka ay kumakatawan sa mga taong nagtitiis at nagsasakripisyo nang labis upang magbigay ng mabuting kinabukasan para sa kanilang mga pamilya, kahit na ito ay nangangahulugan ng paglimot sa kanilang sariling pangarap at kagustuhan. Sa kanyang edad, makikita ang kanyang pagod at hirap, hindi lamang sa pisikal na anyo kundi pati na rin sa kanyang damdamin at isipan. Ang kanyang pangarap na umangat sa buhay ay tila naging imposibleng abutin dahil sa patuloy na pang-aapi at kakulangan ng oportunidad.
Ang kanyang pakikibaka ay isang tahimik ngunit malalim na "tao laban sa sarili." Bagaman alam niyang wala nang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan, patuloy siyang kumakayod dahil sa kanyang tungkulin bilang isang ama at tagapagtaguyod ng kanyang pamilya. Nariyan ang pakiramdam ng pagkatalo at kawalan ng pag-asa, ngunit sa kabila nito, pinipili niyang magpatuloy.
Kung ikukumpara sa aming sariling mga karanasan, maaaring nakikita namin ang ilan sa mga hamon na naranasan ng matandang magsasaka sa nobelang. Maaring tulad niya, naranasan rin namin ang pakiramdam ng pagod at sakripisyo, lalo na kung kami ay nagtatrabaho ng mabigat para maitaguyod ang sarili o ang pamilya.
Naramdaman rin namin ang bigat ng responsibilidad—mga oras na kahit pagod na kami, kailangan pa rin naming magpatuloy dahil may mga umaasa sa amin. Katulad ng matandang magsasaka, marahil ay naranasan namin ang kakulangan ng mga mapagkukunan o mga pagkakataon, na nagdudulot ng pakiramdam ng pagka-bigo o kawalan ng pag-asa.
Gayundin, maaaring may mga pagkakataon na naramdaman naming walang katiyakan ang aming hinaharap, tulad ng nararanasan ng matandang magsasaka. Ang kanyang buhay ay puno ng hirap, ngunit siya ay patuloy na nagtataguyod, at marahil ganito rin ang aming nararamdaman—ang patuloy na pakikibaka sa kabila ng mga hamon.
1 note · View note
napanday-a-balikas · 5 months
Text
Ang Guro sa Saudi
James C. Molina
****Short Story****
Sa ilalim ng tirik na araw ay masayang naglulundagan ang mga mag-aaral. Ang lahat ay nakasuot ng itim at lawlaw na saplot mula balikat hanggang ibaba ng tuhod. Sa kanilang ulo ay nakapatong ang itim at parisukat na saklob na kanilang hinahagis paitaas. Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat dahil ito na ang gantimpala sa kanilang pagtitiyaga na ginugol sa loob ng mahabang panahon. Sa wakas, ang mga mag-aaral ay magtatapos na ng kolehiyo.
            “Josh, binabati kita dahil sa wakas ay magiging ganap ka naring gaya namin dahil isa ka ng guro” masayang pagbati ng instruktor niya sa Filipino.
“Ma’am, maraming salamat po. Hindi ko naman po makakamit ito kung wala ang inyong pagsusubaybay kaya maraming salamat po guro” tugon ni Josh habang abot langit ang ngiti sa kanyang mabait at matabang instruktor.
Mayamaya pa ay natanaw niya ang kanyang inang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Litaw ang bakas ng kanyang kaligayahan sa suot nitong bulaklakang blusa, itim na pantalong kupas at sandal na natutuklap na ang paanan nito. Hindi na bago kay Josh ang ganitong suot ng kanyang ina dahil tuwing magtatapos ito ay palaging iyon ang ginagagamit ng kanyang ina, sa halip kasi na bibili pa ang kanyang ina ng maisusuot ay inilalaan na lamang niya ito upang may pangbayad ang kanyang anak sa pictorial at larawan sa pagtatapos nito.
“Anak, ako na ang pinakanagagalak na ina sa araw na ito dahil nakikita ko na ang aking anak ay nakamit na niya ang kanyang pangarap” wika ng kanyang inang maluhaluha ang mga mata. Labis ang naging pasasalamat ni Josh sa kaniyang mga magulang dahil umaapaw ang ginawa nilang pagsasakripisyo upang maitaguyod ang pag-aaral nito.
            Si Josh ay pangalawa sa tatlong magkakapatid. Mataba, matangkad, maykaitiman at mahilig sa sining. Ang mga magulang nito ay parehong magsasaka. Simula’t sapol ay naranasan na niya ang hirap ng buhay kaya gayon na lang ang pagnanais niyang magkaroon ng magadang buhay –magkaroon ng magarang bahay, sasakyan, maraming salapi at malawak na lupa.
            Mapalad si Josh dahil ilang buwan lang ng siya ay nakapagtapos ay agad na siyang nakapasok sa trabaho. Nagtuturo na siya ng sekondarya sa isang pribadong paaralan doon din sa kanilang probinsya. Halos maglilimang taon na rin siyang nagtuturo doon ng may ipinakilala ang kanyang kaibigan sa kanya na nag-aalaok ng trabaho sa ibang bansa. Inalok si Josh na magtrabaho sa ibang bansa. Sinabi ng lalaki na kung pupunta siya sa ibang bansa ay gayon din ang magiging trabaho nito, magtratrabaho parin siya bilang guro at masmalaki ang kanyang magiging sahod kumpara dito sa Pilipinas. Nasilaw si Josh sa mga tinuran ng lalaki kaya ilang lingo pa ang dumaan ay pumayag na ito na magtrabaho na sa ibang bansa bilang guro at iiwan na ang pagiging guro sa Pilipinas. Agad na prinoseso ni Josh ang mga dokumentong kaylangan niya sa pangingibayong bansa. Dahil sa kagustuhan niyang makapagtrabaho sa ibang bansa ay halos maubos ang ipon niya sa bangko dahil sa laki ng kinakailangan niyang salapi upang ipangbayad sa lalaking kukuha sa kaniya sa ibayong bansa.
            “Anak, magiingat ka doon sa Saudi” pagpapaalam ng nagaalalang ama bago pumasok si Josh sa loob ng paliparan.
Mababakas sa mukha ni Josh ang lungkot ng pag-alis at pagdadalawang isip kung tutuloy pa ba ito o hindi dahil ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay siya ng matagal sa kanyang pamilya. Ngunit, sa isip niya at puso ay baon ang pangarap na mabigyan ng masmaginhawang buhay ang kanyang pamilya.
Sumagot siya sa kanyang ama nang nakangit upang hindi na ito malungkot pa, “Opo papa kayo rin po dito. Saglit lang naman po ang limang taong kontrata ko sa Saudi”.
Masayang nagyakapan ang magkakapamilya sa huling pagkakataon ngunit gaya ng inaasahan ay hindi parin nila naiwasang maluha. Inihayag na ng paliparaan ang eroplanong sasakyan ni Josh kaya kailangan na niyang pumasok dahil baka maiwanan pa siya ng sasakyan niya papuntang Saudi. Tila tumigil ang mundo ng lahat habang pinagmamasdan nila ang dahan-dahang pagpasok si Josh sa loob ng paliparaan habang hila-hila nito ang bag niyang may gulong at nakabaling ang mga tingin nito sa kanila hanggang hindi na nila masilip si Josh sa loob.
            Makalipas ang tatlong taon na pamamalagi ni Josh sa bansang Saudi ay tumawag siya sa kanyang pamilya. Umaga ng araw na iyon habang ang kapaligiran ay malamig, ang kanyang ina ay abala sa baglalaba ng mga damit nang biglang tumunog ang telepono nito. Nang tinignan niya ito ay nakita niya ang pangalan ni Josh na tumatawag.
“Hello, Josh kumusta ka na?” masayang bati ng ina habang ipinupunas ang mabula at masabong kamay nito sa laylayan ng kanyang daster.
“Mabuti naman po mama. Labis na po ang pagkasabik ko sa inyo, kayo nila papa at mga kapatid ko” nasasabik at malamyos na tugon ni Josh sa ina.
Agarang sumagot naman ang kanyang ina dahil sa labis na pagkasabik niya rin sa kanyang anak. Ilang sandali ay natatanaw na ng kanyang ina na parating na si Kulas buhat ang kumpol ng mga kahoy para panggatong. Si Kulas ay ang mabait, matangkad at maitim-itim na ama ni Josh.
“Patring, si Josh na ba iyang kausap mo?” pagtatanong ng ama sa kanyang ina na malayo pa lang ay nagsasalita na.
“Oo!” tugon ni Patring kay Kulas na nagmamadaling lumapit sa kanya.
Masayang nagkwentohan ang mga magkakapamilya sa telepono, hindi nila namalayang tumagal ito ng halos tatlumpong minuto.
“Sige na po mama, papa ibababa ko na po ang telepono aalis na po ako magsisimula na po ang klase, kailangan ko na pong pumasok para magturo baka pagalitan pa po ako ng aming principal kapag nahuli niya akong nakikipagtawagan habang oras ng klase” pagpapaalam ni Josh habang nag-aalinlangang tumitingin tingin sa paligid niya kung may ibang paparating.
“Sige anak mag-ingat ka diyan huwag mong pababayaan ang sarili mo, kumain ka ng sapat at matulog. Paalam…” wika ng kanyang mapagmahal na ina.
            Pagkababa ni Josh sa telepono ay saktong nandiyan nang papalapit ang banyagang lalaking balot ng telang puti ang buong katawan, ang ulo ay may kaffyeh (saplot ng mga kalalakihan sa kanilang ulo), makapal ang balbas at mahahaba ang mga pilik mata. Ito ang mapobring amo ni Josh.
“Why are you here in the middle of your work? Go there and clean the floor!” pasigaw at namumutok ang galit na bigkas ng kanyang amo habang siya ay inuutusan.
Walang nagawa si Josh, nagmadali siyang lumabas ng stockroom habang hawak-hawak ang map at nanginginig ang mga kamay. Makikita sa mukha at mga braso ni Josh ang mga pasa. Matamlay din ito hindi gaya ng sigla niya kapag nakikipag-usap siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Madaling araw na at sarado na nga ang bar ay nandoon parin si Josh, naglilinis ng mga kalat ng mga customer.
            Dahil sa kanyang trabaho ay madaling araw na umuuwi si Josh. Ilang oras lang ang kanyang naigugugol sa pagtulog. Pagsapit ng tanghali ay umalis na naman si Josh sa masikip at hindi gaanong kalinisang apartment na kanyang inuupahan. Dumideretso siya sa isang bahay na malaki at magara sa sentro ng siyudad.
Pagpasok pa lang ni Josh sa pintuan ng bahay ay bumungad na sa kanya ang napakasamang amoy mula sa isang bukas na kwarto sa tabi ng hagdanan. Mapanghi at mabaho, maduduwal ang sino mang makakaamoy nito. Nandoon ang nakahilatang matanda na nadumuhan ang salawal. Isa lang ito sa trabaho ni Josh, ang pagiging caregiver niya mula 12:00 ng madaling araw hanggang 5:00 ng umaga.
“Why are you late, Josh?” tanong ng malupit na anak ng matandang inaalagaan niya.
“I’m very sorry ma’am for being late because I woke up late today” pagpapaliwanag at paghingi ng tawad ni Josh sa kanyang amo habang naka yuko ang ulo nito. Sa hindi inaasahan, inilublob pa ng kanyang amo ang ulo nito at sinabihan ng masakit na salita.
            Kinabukasan, nagtungo ulit siya sa bahay na iyon upang alagaan ang matanda.
“I don’t want to take a bath it’s too cold, the water is cold……aahhhh!” pagsisigaw ng matanda habang pinapaliguan ni Josh.
Pagkatapos mapaliguan ni Josh ang matanda ay dinala na niya ito sa kanyang higaan ngunit, ilang sandali ay naka dumi na naman ito sa salawal niya. Walang magagawa si Josh kung hindi linisin ito nababauhan man ay kaylangan niyang linisin. Nang hindi inaasahan, habang linilinis ni Josh ang suot ng matanda ay biglang kinuha ng matanda ang dumi niya at ipinahid sa may bandang pisngi ni Josh. Duwal nang duwal si Josh sa ginawa ng matanda sa kanya. Tumangis si Josh, labis ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
            Ilang buwan ang nagdaan ay maraming paghihirap ang napagdaanan ni Josh sa kanyang trabaho. Binubuhusan siya ng kanyang amo sa bar ng tirang alak o minsan ay pinaghugas sa tuwing may hindi ito magustuhan. Dumating din sa puntong kulang ang sahod na ibinayad sa kanya. Maraming pasakit din ang napagdaanan niya sa kamay ng inaalagaan niyang matanda. Sinasaktan siya –ikinukulong sa stockroom at maraming suntok at sampal ang nakukuha niya sa ulyaning matandang kanyang inaalagaan.
            Isang araw, habang siya ay nagtratrabaho sa kanyang pinapasukang bar ay nasangkot siya sa gulo. May isang magbabarkadang pumasok sa bar at natapik ang iniinom ng lalaking maangas at nalulunod na sa lasing. Nagkainitan ang mga ito, nagpalitan ng mga salita hanggang sa magkasakitan ang mga ito. Bugbog sa mukha ang inabot ng isang customer at tila hindi na ito makabangon sa tindi ng pagkakadapa. Nang akmang bubunot nang baril ang maangas na lalaki ay umawat ang naglilinis na si Josh. Ngunit, hindi nakapagpigil ang lalaki at nakalabit ang baril sa harap ng umaawat na si Josh. Nabaril si Josh. Ang unipormi niyang puti ay naging kulay pula, ang kanyang katawan ay napuno ng walang humpay na pagdaloy ng dugo. Ang duguang si Josh ay unti-unting napaluhod, umiikot ang tingin sa paligid, dumilim ang paningin hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa sahig ng bar at tuluyang nawalan ng malay. Agad na isinugod sa pagamutan si Josh. Sinabi ng doktor na maraming dugo ang nawala sa kanyang katawan kaya kinakailangan siyang salinan ng dugo. Agad naman itong ipinaalam sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
            Kinabukasan, habang nagluluto ang ina ni Josh ay may biglang tumawag sa telepono nito. Walang pangalang nakalagay, tanging numiro lamang ang nagpakita na maging ang ina ay hindi alam kung sino ito.
“Hello, sino po ito?” masayang pagkasagot ni Patring sa tumawag.
 “Hello ma’am this is Al-Iman General Hospital…..” malugod at deretsong sambit ng kausap sa telepuno. Nagtaka si Patring kung bakit tumawag ang hospital sa kanya.
“This call is to inform you that your son, Josh, was rushed and admitted in the hospital last night because he was shot by a man in the bar” pagpapatuloy na wika ng banyagang lalaking tumawag sa kanya.
Nabigla si Patring sa kanyang mga narinig, halos mabitawan na niya ang teleponong hawak-hawak nito. Ang mga tuhod at kamay ay labis ang nginig habang unti-unting napaupo sa bangkong nasa likod lamang niya.
            Ilang sandali pa ay agad na tumawag ang pamilya ni Josh sa kanya. Hindi alam ng kanyang pamilya kung ano nga ba ang tunay na kalagay ni Josh sa bansang Saudi. Habang ang katawan ni Josh ay nakahiga sa kama sa hospital, nanghihina at mababakas sa kanyang mukha ang lungkot ng kanyang mga pinagdaanan. Walang pasubali niyang ipinagtapat ang tunay na kalagay ng kanyang buhay sa Saudi habang lumuluha at nanginginig ang boses sa telepono. 
Ang nag-alok sa kanya ng trabaho sa ibang bansa ay hindi na niya nahagilap mula ng lumapag ang eroplanong sinakyan niya patungong Saudi. Pinangakuan siyang susunduin siya sa paliparan pagkalapag niya doon ngunit walang sumipot. Sa mga oras na iyon ay labis ang pangambang kanyang nadarama at gulong gulo ang isip. Hindi niya mabatid kung ano ang magiging buhay na niya ngayon doon at kung paano niya ito haharapin. Sa puntong iyon naisipan niyang umuwi na lamang sa Pilipinas ngunit sinabi niya sa kanyang sarili na kapag uuwi siya ay mapapahiya lamang siya sa kanyang pamilya, kaibigan at katrabaho kaya pinili na lamang niyang manatili doon at makipagsapalaran. Gaya ng kanyang inaasahan, hindi nagaing madali ang naging buhay niya doon. Walang siyang napasukan na trabaho Saudi. Nagpalaboy-laboy siya ng mahigit isang buwan sa Saudi. Walang maayos na masisilungan at natutulog  na lamang sa tabi-tabi. Maswerteng may nagalok sa kanya ng pansamantalang trabaho kaya kahit papaano ay may pinagkukunan na siya ng salapi.
Isang araw, may isang Pilipinong nakapangasawa ng taga roon ang naglakas loob na tinulungan siya. Tinulungan siyang naghanap ng trabaho hanggang sa mapadpad siya sa bar at nakahanap pa ng ibang mapagkakakitaan. Nahihiya siyang nagsabi sa kanyang pamilya na wala siyang nadatnang trabaho doon dahil ayaw niyang mag-alala sila at alam niyang mahirap ang kanilang buhay kaya kung uuwi siya ay wala silang mapagkukunan ng ikabubuhay.
            “Patawad anak hindi namin alam ang pinagdaanan mo doon. Kung alam lang naming hindi n asana kami humingi nang humingi ng salapi sa iyo” ika ng umiiyak na ina kay Josh.
Agad namang sumunod na nagsalita ang kanyang nagaalalang ama, “Kaya pala matagal kang walang paramdam noon anak, patawad”.
Ang umiiyak at nanghihinang si Josh ay nakangiting tumugon sa kanyang ina, “Ma, Pa wala po kayong kasalanan, tapos na po iyon ang importante magsisimula na po ako ulit kasama po ninyo”.
            Pagkalabas niya ng pagamutan ay umuwi na siya sa Pilipinas. Bumalik sa pagiging guro sa pampublikong paaralan at nagpakasal makalpas ang dalawang taon. Ngunit, sa hindi inaasahang panahon sa araw ng kanilang kasal ay nawalan siya ng malay at nadiskubreng mayroong stage 3 colon cancer si Josh.
0 notes
spanishlatte93 · 6 months
Text
Nandito na naman ako sa puntong sinisisi kita kung bakit nangyayari to. Na umiiyak na naman ng dahil sayo. Bumabalik lahat. Lahat ng sakit, lahat ng pagsasakripisyo ko. Bumabalik na naman yung sakit na nararamdaman ko nung iniwan mo ko.
0 notes
loraine-yannah · 7 months
Text
Tara na at magtungo sa lungsod ng Baguio: The Summer Capital of the Philippines
Tumblr media
Image by Baguio Visita
Sa kabila ng hirap at pagod, nararapat lamang natin na matamasa ang kapayapaan at kasiyahan. Isang solusyon ang paglalakbay upang maibsan ang iba't ibang bagay na bumabagabag sa ating isipan. Gantimpalaan natin ang ating sarili upang magpapawi ng pagod at magkaroon ng oras para sa ating sarili at pamilya.
Napagpasiyahan ko at ng aking pamilya na maglakbay sa bawat sulok ng lalawigan ng Baguio. Hindi namin alintala ang layo at tagal ng biyahe sapagkat pag-akyat mo sa taas ay makakamtan at masasaksihan ang ganda ng Baguio.
Ako ay isang indibiduwal na mahabagin pagdating sa kalikasan. Kaya't sa bawat aking paglalakbay hindi ko makakalimutan ang bawat sikot ng mga lugar na aking pinupuntahan, sapagkat nais kong masaksihan ang kaberdehan ng kalikasan.
Paunang Impormasyon tungkol sa Baguio:
Ang Baguio ay matatagpuan sa lalawigan ng Benguet. Ang Benguet ay mahahanap sa rehiyon ng Cordillera Administrative Region (CAR), na binubuo ng anim na probinsya at ang mga ito ay ang pinakamahusay at pangunahing pinagmumulan ng mga gulay sa kabundukan. Kilala ang Baguio bilang ‘Summer Capital of the Philippines’ o kaya naman ay ‘City of Pines’ dahil sa rami ng mga punong pino na nakapalibot sa kapaligiran nito. 
Heograpiya:
Tumblr media
Image by Marky Ramone Go
Ang lokasyon ng lungsod ng Baguio ay puno ng mga matataas at matatarik na bulubundukin. Dahil dito napapadali ang pagtubo ng mga lumot, orkidya, bulaklak, gulay, at mga puno ng pino kung saan dito nagmula ang kaniyang palayaw. Ang lungsod ay naging isa sa pinakamalinis at pinakaberdeng urbanisadong lungsod sa Pilipinas.
May kabuuang limang mga reserbasyon ng kagubatan ang lungsod ng Baguio, kabilang ang tatlong mga watershed na nakakatulong para sa pangangailangan sa tubig ng mga tao na naninirahan dito. Kasama rito ang paggamit ng mga bilang na irigasyon para sa pagsasaka sa mga kultural na lupain.
Klima:
Tumblr media
Image by Laquatsa
Tunay na malamig ang klima sa Baguio, kung saan nararapat kang magbaon ng makapal na jacket bilang pananggalang sa lamig. Nakaranas na ang lungsod ng Baguio ng napakababang temperatura na umabot sa 6.3 celcius noong 1961. Ang dahilan sa napakalamig na temperatura ng lugar ay ang mga matataas na bundok kung saan nakatayo ang lungsod ng Baguio.
Pinakamagandang oras ng taon upang bumisita:
Tumblr media
Image by Nth Harmony
  Ang malamig na panahon na may kasamang malamig na simoy ng hangin ay hudyat na ng papalapit na kapaskuhan. Gayunpaman, mas mainam na bisitahin ang lungsod mula Nobyembre hanggang Abril sa panahon ng tag-init. Malamig man o mainit ang klima, posible pa ring makapaglibot, makapaglakbay, at makilahok sa iba’t ibang aktibidad. Ang mga ito ay iilan sa mga dahilan kung bakit dinudumog ng mga turista ang malamig at tuyong panahon sa Baguio.
Kultura at Tradisyon:
Tumblr media
Image by WordPress
Ang mga wikang karaniwang ginagamit sa Baguio ay Ibaloi, Kankana-ey, at Ifugao, pati na rin ang Ilocano at Pangasinan na nagmula sa kani-kanilang mga ninuno. Sa kasalukuyan ang mga nakatatanda na lamang ang sanay na gumamit ng mga tradisyunal na wika at hindi nila maunawaan ng mabuti ang wikang Filipino. 
Tumblr media
Image by It'sMoreFunInIfugao
Mayroong tribo na naninirahan sa lungsod ng Baguio sila ay tinatawag na Igorot. Ang mga Igorot ay magaling sa iba’t ibang larangan tulad na lamang ng pangangaso, pagtatanim, at paghahabi. Mayroon din silang angking talento pagdating sa paggawa ng bahay at mga imprastraktura. Masayang namumuhay ang mga Igorot sa kabundukan at kahit man sa loob ng siyudad, sapagkat komportable sila sa mga taong nakapalibot sa kanila at hindi nila alintala ang mga turistang humahanga sa kanila.
Ang mga okasyon tulad ng kasal, pista, pagsilang ng bagong sanggol, at kaarawan ay nagdaraos  ng isang panrelihiyong ritwal ang mga Igorot sa pamamagitan ng pag-aalay at pagsasakripisyo ng manok, baboy, o kalabaw bilang pasasalamat sa kanilang diyos na si Kabunyan. Madalas ring mag-alay ng tapuy, isang uri ng alak na binuo mula sa bigas.
Tumblr media
Image by Pen fires
Ang mga produktong mula sa Baguio ay kinahuhumalingan ng mga tao dahil sa angking ganda at pagkamalikhain nito. Mayaman sa kulturang sining ang lungsod, tulad na lamang ng paghahabi, pag-uukit, paglililok, at pagtatato. Ang mga ito ay pinapahalagahan at pinagyayaman ng mga residente at gobyerno ng Baguio, dahil likas ang kanilang kakayahan sa paggawa ng mga produkto.
Tumblr media
Image by Dave Leprozo
Ang Panagbenga o Panagbanga Festival, na kilala rin bilang Pista ng Bulaklak ng Baguio, ay isang buwanang pagdiriwang na karaniwang dinaraos mula Pebrero hanggang Marso kung saan sumisibol na ang mga bulaklak. Sikat ang Panagbenga Festival dahil sa mga magagarbo at magagandang palabas at parada na hinahandog ng mga estudyante, organisasyon, artista, at may katungkulan sa gobyerno. Idinaraos nila ang ‘parade of floats’ kung saan ang mga floats na ito ay napapalibutan ng mga bulaklak na nagpapakita ng pagkamalikhain.
Paano makarating sa Baguio?
Upang umpisahan ang aming paglalakbay umalis kami ng ala-una ng umaaga (1:00 AM) upang maiwasan ang mahabang trapik. Ginamit namin ang aming sariling sasakyan upang mapabilis ang mga paggamit ng ruta. Patungong Angeles, Pampanga ang rutang aming tinahak upang magbyahe sa NLEX at makarating sa unang lugar na aming pagpapahingahan. Sa tuwing kinakailangan naming magbanyo o kumain, kami ay hihinto at hahanap ng lugar. Una kaming nagstopover sa Tarlac upang mag-almusal at pagkatapos naming kumain kami ay nagpalipas ng kaonting minuto upang magpahinga at nagpatuloy na muli kaming magbyahe. Makalipas ang 4 na oras ay nakarating na kami sa Urdaneta at nagbanyo panandalian. Nang makarating na kami sa Sison hudyat na ito na papalapit na kami sa aming destinasyon dahil nararamdaman ko na mula rito ang malamig na simoy ng hangin. 
Unti-unti na kaming papalapit sa Baguio at sa pag-akyat namin  masasaksihan mo agad ang mga bulubunduking kay berde at ang langit na bughaw na kadalasan ay puno ng hamog. Kaunting minuto na lamang at makakarating na kami sa aming destinasyon kung saan kami mananatili habang kami ay naglalakbay. Nang kami ay makarating hindi ko maiwasang mamangha sa likas na kagandahan ng Baguio, sulit ang aming mahabang byahe na inabot ng 5 hanggang 6 na oras at nakarating kami roon sa oras na 6:00 AM.
Saan maaaring manatili habang naglalakbay sa Baguio?
Tumblr media
Image by Hotel Veniz
Maraming mga hotel at transient house sa Baguio, dahil sa dami ng mga turistang nagpupunta rito. Napagpasyahan namin ng aking pamilya na tumuloy sa hotel na malapit sa mga lugar na aming lalakbayin. Ang hotel na aming tinuluyan ay ang Veniz Hotel na kung saan luma ang kaanyuan sa labas, ngunit pagpasok sa loob ay makikita mo ang tunay na ganda nito. Malinis ang bawat sulok ng hotel at mababait ang mga tauhan na agad kaming tinulungan sa aming mga gamit upang dalhin sa aming magiging kuwarto. Talagang sulit ang bayad dito dahil budget-friendly at maraming serbisyo ang hinahandog ng hotel na ito, tulad na lamang ng masasarap na pagkain, malinis at maluwag na kuwarto, at magandang tanawin.
Mga pasyalan at aktibidad na maaaring gawin:
Ifugao Woodcarvers' Village
Tumblr media
Image by TripadVisor
Ang una naming destinasyon sa paglalakbay ay ang pagpunta sa Ifugao Woodcarvers’ Village na matatagpuan sa Asin Road. Madalang ang mga taong nagpupunta rito sapagkat halos lahat na ng mga magagandang pasyalan ay nasa siyudad. Maraming mga likha ang nandirito, tulad na lamang ng mga iba’t ibang ukit ng tao, hayop, at kung ano-ano pa. Ang mga aktibidad na maaaring gawin dito ay: 
Woodcarving Lesson
Sculpting
Paggawa ng mga keychain at iba pa na maaaring dalhin pauwi
Picture taking kasama ang iba’t ibang mga nakadisplay na eskultura
2. Mount Cabuyao Climb Adventure
Tumblr media
Image by Pinay Travel Junkie
Sunod naming nilakbay ang bundok ng Cabuyao upang makaramdam ng katahimikan at malimutan ang mga problema sa buhay. Matarik at madulas man ang aming dinaanan masaya pa rin kaming umaakyat dahil alam namin na sulit ang aming pagod pagdating sa tuktok ng Mount Cabuyao dahil makikita at masasaksihan mula roon ang lungsod ng Baguio. Ang mga aktibidad na maaaring gawin dito ay:
Mountain Climbing lessons (rules, tips, and guide)
Pag-akyat sa Mount Cabuyao
3. Session Road
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tuwing linggo maraming tao ang nakapalibot sa Session Road dahil mayroong iba’t ibang aktibidad na matatagpuan dito. Ang sikat na sikat na aktibidad ngayon sa Session Road ay ang chalk drawing, maging bata at matanda ay nahuhumaling na sumubok na gumuhit sa daan ng Session Road. Akin itong sinubukan at ako ay napakasaya dahil nagkaroon ako ng opotunidad na makaguhit sa isa sa mga kinahuhumalingan na aktibidad dito. Ang mga aktibidad na maaring gawin ay:
Chalk drawing
Bicycling
Singing Contest
Dancing Contest
Taking pictures of dozens of cosplayers
4. Burnham Park
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa ang Burnham Park sa mga sikat at tampok na pasyalan dito sa Bagui. Marami ang mga aktibidad na maaaring gawin dito. Sa parkeng ito aking napupusuan ang rollerskating at ang mga bulaklak na mahalimuyak, dahil nakakaramdam ako ng kapayapaan at kasiyahan. Tunay na magandang puntahan ito kasama ang inyong pamilya, kaibigan, at kasintahan. Ang mga aktibidad na maaring gawin dito ay: 
Bicycling
Rollerskating
Skateboarding
Boat ride
Fountain show
Carnival games
Saan maaaring kumain?
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Image by GoodTaste Restaurant 
Mula sa nakakapagod na paglalakbay, nararapat na hindi natin kalimutan ang kumain ng masarap na pagkain upang mapagpatuloy pa ang paglalakbay na puno ng masasayang memorya. Lubusan kong nagustuhan ang kainan na Good Taste, dahil sa rami ng mga pagkaing mapagpipilian sa murang halaga lamang. Ang kainan na ito ay high-tech na, gumagamit na sila ng mga teknolohiya at robots upang mapabilis at organisado ang daloy ng takbo ng kainin. Aking nirerekomenda ang garlic buttered chicken dahil nanunuot ang tamis, alat, at anghang sa bawat kagat.
Pangkalahatang Karanasan:
Tumblr media
Dumating ang araw na kung saan natapos na ang aming oras at araw ng paglalakbay. Bumaba na ang aking pamilya mula sa Baguio, aking na saksihan mula sa kanilang mga mukha ang pagkadismaya sapagkat kulang pa ang mga araw na maaari kaming makapaglakbay.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang aking paglalakbay sa Baguio. Napakasaya ng aking naging karanasan sa patuloy kong paglalakbay sa iba’t ibang tanawin at pakikilahok sa mga aktibidad. Maraming mga masasayang memorya ang nabuo at naiwan sa bawat lugar na aming pinuntahan. Aking napagtanto na tunay ngang napakaganda at napakalinis ng Baguio at ang mga residenteng aming nakakasalamuha ay napakagalang at napakabuti sa kapwa. Marami akong nauwing mga souveneir para sa aking mga kaibigan, sapagkat sa dami ng pagpipilian hindi mo mapagtatanto ng mabuti kung ano ang nararapat mong piliin at bilhin.
Kung ako ay tatanungin nanaisin kong maglakbay muli sa lungsod ng Baguio. Nakakapanindig balahibo ang mga tanawing aakalain mong isang litrato lamang. Aking naisip na nararapat na pahalagahan at pagyamanin ang iba’t ibang aktibidad upang matutuhan at masaksihan ito ng marami. Ako ay tuluyang namangha at namulat mula sa mga natatagong ganda ng Baguio. Nararapat na protektahan at pahalagahan ang mga likas na yaman sa lungsod ng Baguio at huwag hayaan na masayang ang mga ito.
Sanggunian: https://new.baguio.gov.ph/home https://www.lonelyplanet.com/philippines/north-luzon/baguio
1 note · View note
eeriv · 9 months
Text
Just really want to take this moment to post this bago ako matulog, kahit na half sleepy na me and sobrang pagod na the whole week.
Lord, I still remember how I prayed for this last week. Na if it’s Your will makakasama ako sa Bulacan this Sat for Ate’s christmas party with her friends. And ayun na nga, I fully gave it on your hands to decide kung para sa akin o hindi. And ayun, nakasama naman. Nang walang nangyaring hindi maganda.
Aaminin ko, I’m feeling sad the past few days din kasi pakiramdam ko bilang nalang talaga yung araw na masaya yung bahay dito sa Peras. Gone are the days.. na madaming boses at tawanan ang maririnig mo dito, isa isa ng umaalis. At mukhang ako talaga ang matitira haha. So ayun, malapit ng umuwi sila Dave. Ayoko ng isipin ano mangyayari. Want ko lang maging happy and i-cherish ang mga araw na nakakasama ko sila ni ate.
Kaya I am thankful Lord kasi, basta talaga hindi pinilit, masaya sa kalooban 🥺 thank you pu kasi dakal a besis yunakung pegbigyan kareng buri ku. Masaya ku kasi balu ku sagut meyta kanaku, emu dahil akayabe kula at dahil miras ku ulit karin.
I still remember ilang pilit at pakiusap ako kay dave dati na pumunta sa kanila. Muntik pang mapunta sa hiwalayan haha. Tapos ngayon ayun nakakapunta punta na kahit papano. Thank you Lord.
Masaya po talaga ako ngayon. At pipiliin kong maging masaya sa mga susunod na araw. Kasi we deserve to be happy! Sobrang deserve ko maging happy. Yun na ang mindset ko. Lahat ng meron ako now, lahat ng yun bunga yun ng pagsasakripisyo at tiis ko.
To end this post, alam kong hindi pa ako handa na umalis sila. Pero pipiliin ko maging masaya ❤️ di tayo selfish dito. May we all be successful next year. Sa ngayon enjoy natin holidays kasi un naman ang reason ng season na ‘to! To give love and happiness.
Advance merry christmas! ❤️🙏
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
kirkeyeeeart · 1 year
Text
Nagustuhan ko talaga ang Elemental (2023) sa kabuuan. nagustuhan ko kung paano na-incorporate nila yung mga elemento sa bawat aspeto ng worldbuilding hindi lang para sa kapaligiran kundi pati rin sa mga karakter mismo at sa kanilang mga interaksyon sa isa't isa. kitang-kita rin dito sa pelikula kung paano na-take advantage ng mga gumawa sa pelikula ang animasyon para ma-exaggerate ang mga kilos at galaw ng mga elemental karakter, lalo na ng mga pangunahing tauhan, sina ember at wade, gamit ng kani-kanilang mga elemento. yung cartoonishness talaga ng lahat ng katangian ng pelikula ang nagustuhan ko kasi makikita mo talaga na naging malikhain talaga sila sa kung paano nila ginamit ang midyum ng animasyon para mapahayag ng mga karakter ang paggamit ng elemento nila sa iba't ibang mga paraan. sa kwento naman, siguro sa ilang bahagi medyo generic yung love story nina ember at wade maliban sa mga bahagi kung saan involved yung elemento nila pero sa kabuuan nakakakilig at very wholesome pa rin yung pagsasama nilang dalawa, maraming kilig moments talaga sa pagitan nilang dalawa as in sana all. bukod pa roon, yung isa sa mga pinaganagustuhan ko na aspeto ng Elemental bukod sa worldbuilding, attention to detail, expressiveness ng animation, at yung dynamic ng relationship nina ember at wade, ay yung parallels sa karanasan ng mga asian diaspora na pinakanagpakita sa mga karanasan ng pamilya ni Ember. sa buong pelikula, isang patuloy na conflict na naranasan ni Ember ay ang kanyang nais na maging isang mabuti at masunuring anak sa pamamagitan ng pagmamana sa negosyo ng pamilya niya dahil malaki ang utang ng loob niya sa kanila kasi alam niya na sobrang laki ng pagsasakripisyo at paghihirap ang pinagdaanan ng pamilya niya para lang bigyan sya ng isang magandang buhay sa isang banyagang lupa. ang panimulang eksena ng Elemental ay pinapakita ang paglakbay ng mga magulang ni Ember sa isang bangka na nakarating sa Element City. sa kabuuan, para sakin matagumpay na nabalanse ng Elemental ang kwento ng pag-ibig nina Ember at Wade while at the same time hindi na-overshadow ng love story nilang dalawa ang mga importanteng tema ng karanasan ng mga immigrant (asian-americans specifically).
0 notes
Text
Mahal kita, pero para ka sa kanya.
Mahal kita.
Yan ang mga salitang palagi mong binibigkas sa tuwing tayo’y magkasama kahit na hindi ko nararamdaman.
Mahal kita.
Yan ang mga salitang paulit-ulit kong binibigkas kahit na malayo ka sa aking piling.
Mahal kita.
Yan ang mga salitang dahilan ng aking pagsasakripisyo.
Mahal kita.
Na kaya kitang isakripisyong para sa kanya, maibigay lang ang kaligayahan nyo.
Mahal kita.
Pero para ka sa kanya.
#mahalkita #masakitmagmahal
#jonaxx
1 note · View note
kathypunan20 · 1 year
Text
Until when?
Parang naka schedule na yata na kailangan every Monday magbebreakdown ako. HAHAHAHA first time ko na zero. Tapos ang bill ko na sa credit card. Nakakaloka. Kung kailan talaga akala mo okay na, hindi pa pala. Lahat yata talaga ngayon pinagsisihan ko.
Parang napunta lahat sa wala. Sobrang sayang tapos di mo man lang makitaan na may remorse. Putek, hanggang kailan ako hindi magrereklamo? Imagine, one time nag milktea kami. Pinili ko na yung pinakamaliit pero wala pa palang pearl yon. Di ako bumili mga sizt. Kasi ang mahal and wala nakong pambili.. imagine? Milktea nalang hindi ka pa makabili.
Bakit kapag ako na yung nagrarant, nagrereklamo palaging minamasama? All my life pagsasakripisyo nalang ginawa ko. Tapos kapag ako nagreklamo, nanunumbat na agad?? Like hindi ba pwedeng pakinggan muna ako kung saan ako nanggagaling? Grbe since yesterday super sama ng loob ko pero kailangan tuloy ang buhay. Kasi baka ma misinterpret ka nanaman. Ma misunderstood ka nanaman. Hays.
0 notes
flordelaraw · 1 year
Text
Pangwalong araw ng pagsasakripisyo mo, 'sya namang pangalawang araw para sa paglayo ko sa'yo. Nakakabagot, nakakapagod maghintay sa taong hindi ko siguradong mahal ako, marahil, mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako.
Tumblr media Tumblr media
Ayoko maging sigarilyo, na pagtapos mong makinabang, s'yang tatapakan at itatapon mo lang o sabihin natin na "babaliwalain mo lang". Hindi ba dapat kung mahal mo ako, papahalagahan mo? At ipaparamdam mo na mahal mo ako? Pero bakit umaasa ako sa blanko.. Kung babalik kang muli sa buhay ko, nais ko gawin mo yung wasto, hindi para sa iba, kundi para sa sarili mo at para sa Ama.
1 note · View note
itsmadonnafragali · 2 years
Text
Ang Aking Ina ay Bayani May Pandemya Man o Wala
Tumblr media
        Lumaki kaming apat na magkakapatid na walang magulang na sumusubaybay. Bata pa lamang kami ng mangibang bansa ang aking Ina dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Walang Pasko o Bagong Taon na kasama namin sila. Ilang kaarawan namin ang lumipas na wala sila sa tabi namin para batiin kami. Dumating pa sa punto na tuwing uuwi sya para magbakasyon dito sa Pilipinas tuwing ika-dalawa o ika-tatlong taon, hindi na ako nae-excite na makita sya, iniiwasan ko sya dahil mananatili lang naman sya sa bahay ng isang buwan o minsan pa ay tatlong linggo lang at pagkatapos ay babalik na rin sa bansa kung saan sya ay naghahanap buhay. 
         Nang ako ay tumungtong sa hustong gulang nagsimula akong magtrabaho at minsa’y nabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa. Dito ko naranasan na malayo sa aking mga kapatid. Naging malungkot ako dahil wala akong kasama sa aking tinutuluyan. Dito ko na napagtanto na naging masama akong anak dahil sa pag-iwas sa aking ina tuwing uuwi sya ng Pilipinas. Napaka hirap pala ng malayo ka sa iyong pamilya pero kinaya nang aking Ina para matustusan ang pangangailangan namin magkakapatid.
        Ilang beses na nakabalik ang aking ina sa Pilipinas ngunit tuwing uuwi naman ako ng Pilipinas ay nakabalik na sya ulit ng ibang bansa. Nang magpasya na akong bumalik dito sa Pilipinas para makapagtapos ng pag-aaral at makita ang aking Ina, ngunit dahil sa Pandemya hindi sya makauwi dahil sa lockdown kaya’t halos pitong taon na kaming hindi nagkikita sa personal. 
         Ngayong may pandemya pa, mas lalo nating bigyan nang atensyon ang ating mga magulang kahit saan man sila naroon. Hindi natin alam ang kanilang kundisyon dahil madalas na hindi nila ito binabanggit sa atin tuwing nakakausap natin sila. Madalas na may nararamdaman ngunit makita lang kayo kahit sa video call araw-araw, masaya na sila, at babaliwalain na ang kanilang nararamdaman. Hindi lahat ng materyal na bagay ay ikakasiya natin, mas ikakasiya natin ang magkaroon ng maayos na kalusugan lalo na ang kalusugan ng ating mga magulang na syang gumagabay sa atin kahit saan man sila sa mundo naroon, may pandemya man o wala. 
“Nay, ikaw ay aking bayani! Mabuhay ka! Maraming salamat sa iyong pagsasakripisyo. Maaari ka ng umuwi. Kami naman bahala sayo. Mahal na mahal kita.”
8 notes · View notes
jaketheaso · 2 years
Text
Least favorite day of the week is Monday. Lalo na sa mga nagtratrabaho, ayaw natin sa lunes dahil panibagong simula na naman ng pagkayod at pagsasakripisyo. Ayaw pa nating dumating ang lunes kasi pakiramdam natin bitin ang Sabado at Linggo para sa pahinga, social life at kung anu ano pang mga dapat gawin. Takot tayo sa lunes dahil pakiramdam natin happy happy lang tayo sa weekend tapos biglang dadating na naman ang mga bago/lumang problema.
Pero come to think of it, mabilis lang lumipas ang oras. Katulad ng kahapon na ayaw mo pa sanang maglunes pero eto ka ngayon nalagpasan mo na ang buong araw. It's just a matter of perspective and psychological thinking. Imbis na "Hay lunes na naman!", bakit di na lang sabihin na "Yes lunes na naman!". Mapalad ka dahil may trabaho ka sa komportableng opisina o bahay man. Yung iba diyan araw araw nagtratrabaho dahil araw araw nilang pinoproblema ang ipapakain sa pamilya nila.
I cannot generalize but I think I have to be insensitive dahil hindi naman tayo pare parehas ng sitwasyon at pinagdadaanan, just to light the mood and give Monday the benefit of the doubt.
12 notes · View notes
rnbismar05 · 4 years
Text
Kayad (kaya-kayod)
“Paula? Paula? Nandyan ka pa ba?”
Ang ingay naman ng TV ni papa.
“Maaari nang umalis sa Zoom call ang mga hindi ko kailangang kausapin.”
Biglang bumangon si Paula mula sa kanyang inuupuan. Napakunot ang mukha niya sa narinig at dahil sa hirap na ibukas ng kanyang mata; tila bang naghihilahan ito. Ilang segundo ang lumipas nang magkaroon na siya ng kaunting kamalayan sa kanyang paligid at tiningnan ang orasan. 2:41, ang naka-display rito. Napagtanto niya na nanggagaling pala ang boses sa laptop, kaya agad naman niyang binuksan ang kanyang mikropono upang magpaumanhin sa kanyang guro at umalis na ng Zoom call.
“Nakatulog nanaman ako? Pangatlong beses na ‘yan sa isang linggo...” May ilang katok sa kanyang pinto bago pumasok ang kanyang ina. “’Nak? Tapos na ba ang klase mo? Kumain ka na muna.”
“Mamaya na lang, nay. Ang dami ko pang gagawin,” sagot ni Paula. At nagsimula na nga siya sa pagsagot ng mga module sa kabila ng kanyang pagod at antok. Anong oras na ba ako nakatulog kagabi? Madaling araw ba? Sa bawat minutong lumilipas, bumibigat nanaman ang kanyang mga mata. Nais na niyang sumuko sa tulog, ngunit natatalo pa rin siya ng kaba at takot na hindi mapasa sa oras ang kanyang mga gawain.
Ganito na ang araw-araw na gawain ni Paula noon pang nagsimula ang online classes— magtatatlong buwan na.
Gawa, pasa. Gawa, pasa. Gawa, pasa... Tila ito'y isang umuulit na panaginip; madaling mawala sa tulog subalit gustong-gusto na niyang magising—balintuna sa nais ng kanyang katawan ngayon.
Pagkatapos ng ilang minuto lamang ay kumakatok muli ang ina niya. "Paula? Ano, kakain ka ba o hindi? Gabing-gabi na ah, iwanan mo na nga muna 'yan!" Pero... Sabay namang kumulo ang tiyan ni Paula. Isang sulyap muli sa orasan— "Teka, mag-aalas diyes na? May isa pa akong kailangang tapusin para bukas, hay... Sige nay, bababa na ako."
Nagniningning na nga ang buwan mula sa tanaw niya sa bintana. Isang sulyap ay naging tingin, na naging titig. Ngayon lang ulit niya napansin ang ganda nito dahil sa pagkakulong niya sa sariling kwarto sa gitna ng pandemya. Naaalala niya,  sa isang gabi noong nakaraang taon, pauwi silang pamilya na puro ngiti sa kanilang mukha. Ano kaya ang magagawa niya para maibalik niya iyon bilang isang mag-aaral pa lamang? Naisip ni Paula na malaking tulong ang kanyang pag-aaral sa kabila ng pandemya dahil tiyak na magiging parte ito ng kanyang mga kaalaman at mga kaisipan na makakatulong sa kaniyang paglaki. Kaya’t para sa kanya ay tuloy pa rin ang pagsisikap na ito para sa kanyang maayos na kinabukasan.
Kaya ko ‘to.
Bago pa man siya makatayo sa kanyang inuupuan buong araw ay tumunog ang kanyang cellphone at tumatawag pala ang kapatid niyang si Lucia. Agad niya itong sinagot, “Ate! Kumusta diyan? Nakakain ka ba ng kahit kaunti?” Tumawa naman ito, “Alam mo, iyon din ang itatanong ko sa’yo eh. Hulaan ko, ngayon ka pa lang kakain, ‘no?”
“Hahaha! Oo, pero dapat makakain ka rin kahit papaano. Magtatampo na naman si mama sa’yo.” Pagkatapos ng ilang saglit ay nagsalita muli si Paula. “Makakauwi ka ba ngayong gabi? Kanina ka pa nila hinihintay.” Parang nag-aatubili naman ang tono ni Lucia nang siya’y sumagot: “Ah, mukhang aabutin ako ng araw dito,  kailangan nila ng extra personnel para sa dami ng pasyenteng naa-admit ngayon, pati na rin sa pag… pag-aasikaso sa mga labi. Paki sabi na lang kina mama.”
“Sige, ate. ‘Wag kang mag-alala, ipagluluto ka namin bukas ng paborito mong ulam. O siya, makakain na nga ako.”
“Salamat, Paula. Matulog ka na nang mas maaga ha!”
“Oo, ate, ingat ka lagi.”
Doon na ibinaba ni Lucia ang kanyang telepono at bago siya tumungo kung saan dagsa ang mga pasyente, tahimik muna siyang nagdasal at inayos ang kanyang PPE.
Kaya ko ‘to.
At mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko ng umaga, hindi nakapagpahinga ang kanyang paa kahit isang segundo. Pabalik-balik siya sa Emergency Room, sa mga ward, at sa iba-iba pang lugar sa ospital na magkabilang-dulo. Tulad ng kanyang iba pang mga shift, marami siyang nakikita at nakikilalang mga pamilya, lahat ay mukhang malungkot o pagod, kagaya niya. Kung hindi pagod ang kanyang kahinaan, ito ang mga nakikita niyang mukha na humahagulgol, walang malay, o wala nang buhay.
Pagsapit ng kaunting araw ay napaupo siya sa sahig kasama ng iba niyang mga katrabaho, hingal-na-hingal at nais lamang maidlip ng ilang saglit bago kumayod muli. Sa pasilyong makulimlim, nagbigay si Lucia ng tahimik na pasasalamat sa lahat ng kanyang kapwa front liners, para sa pagsasakripisyo sa bayan. Sa kanyang huling oras sa hospital bago makauwi, nagpahinga siya nang sandali, isang karapat-dapat na gantimpala sa kanyang serbisyo.
“Ma, Pa, Paula, Nandito na’ko!” Agad naman siyang naglinis ng katawan. Nakatulog siya nang ilang oras dahil sa sobrang pagod at ginising lamang ng kanyang kapatid para kumain na silang lahat.
Sa taas pa lamang ng hagdan, amoy na amoy na ang masarap na ulam na nakahanda na sa mesa. “Wow, may nakakalimutan ba akong okasyon ngayon? Pati ang nilagang baka, niluto niyo pa.”
“Siyempre, paborito mo iyan, e! Gusto ko lang naman ipagluto ang aking masisipag na mga anak,” ang sagot ng kanyang ina. Nakaupo na silang lahat sa mesa, nagdasal nang taimtim, at kumain na–sa wakas.
Habang kumakain, napatingin si Lucia sa kanyang pamilya. Ito’y pinagmasdan niya at napangiti siya. “Kumusta naman pag-aaral mo, Paula?” tanong niya sa kapatid niya. “Ito naman ate, parang paulit-ulit lang. Nakakapagod na. Pero oo nga pala, grabe pala yung isa sa mga kaibigan ko ate, si Armin.” sumimangot si Paula habang nagsasalita.
“Oh, ano naman ang mayroon sa kanya? Kumusta na nga pala siya? Grabe na yung apekto ng pandemya ngayon kaya nag-aalala ako.” wika ni Lucia.
“Maayos naman ate. Kaso nung nag-zoom kami chat siya ng chat sa amin na hindi talaga siya maka-connect. Napilitan rin siyang gastusin yung mga ipon niya para lang makapag-load. Grabe talaga ate. Isa pa naman siya sa mga top achievers namin, mabuti siyang kamag-aral, masipag pa, kaso dahil na rin sa kalagayan nila’y parang mukhang mahihirapan na talaga sila ngayon sa mga ganap ngayon. Dagdag pa kamo sa problema yung istrikto naming teacher.” Malungkot na isinambit ni Paula.
Habang kumakain ay saglit na napatingala si Paula sa hapag-kainan, sabay sabing, “Grabe na talaga ngayon ate. Ang hirap talaga. Nakakalungkot ding isipin na maraming tao rin ang walang access sa ganitong sistema. Bukod sa kalusugan, parang kabuhayan rin ang kailangan mong alalahanin. Nakakalungkot talaga lalo na alam mong mag-aadjust talaga tayo sa new normal kaysa sa back to normal. Hays… Sana matapos na talaga to.”
“Alam mo, proud ako sayo na kahit nahihirapan ka na tinutuloy mo pa rin ang pag-aaral. Nakakatulong ka kaya sa ibang tao kahit nasa bahay ka lang. Malaking tulong na sa amin yan, lalo na sa mga front liner na katulad ko”. Lumiwanag ang mukha ni Paula at naintindihan niya na ang mga paghihirap niya’y hindi lang para sa kinabukasan niya ngunit para sa iba rin.
“Ikaw ba ate? Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho? Paano mo nakakaya yun?” tanong ni Paula habang ngumunguya. Tumawa muna si Lucia bago sagutin ang kapatid dahil puno ang bibig nito habang nagtatanong.
“Siyempre nahihirapan pero dahil alam kong makakatulong ako sa ibang tao, tuloy pa rin ang laban. Lalo akong ginaganahan pag naaalala ko ang mga uuwian ko rito sa bahay.” malambing na sinabi ni Lucia.
Tahimik na kumain ngunit puno ng saya ang puso ng pamilya.
Biglang lumakas ang dinig nila sa telebisyon: “Nagbabagang balita: mahigit dalawang daang positibong kaso ng COVID-19 ang iniulat ngayong--”
At iyon ang naghila sa kanila sa realidad: araw-araw, marami pa ring tao ang nababawian ng buhay dahil sa pandemya. Marami pa ring taong hindi nakakatanggap ng pangunahing pangangailangan  sa isang mapanganib na panahon.
Gayunpaman, sa presensya ng pagmamahal at pagmamalasakit, sa pagiging mapag-unawa, at sa pagtulong sa anomang paraang makakaya, lahat sila'y magkakaroon ng pag-asa’t pagkakaisa.
Kakayanin namin ito.
Tumblr media
Cuadra, Myckaella Janelle
Buniel, Lino Vincent
Bismar, Renee Joy
13 notes · View notes
Photo
Tumblr media
EDITORYAL-Living Through a Pandemic
Sa pagsisimula ng 2020, dumagsa ang  iba't ibang mga isyu na dumating at kinuha nito ang atensyon sa paparating na bagong taon. Ang balita tungkol sa isang nakamamatay na mga sunog, ang nalalapit na sakuna ng klima, pagkamatay ng isang alamat na  NBA player, at marami pang iba ay ang mga bagay na nakita ko sa buong nagdaang mga buwan noong nakaraang taon. Ngunit sa pagpapatuloy na lumitaw ang mga problemang ito sa media, ang panganib ay patuloy na lumalaki mula sa anino hanggang sa magulat ang mundo sa agarang pagtaas nito - ang 2019 Novel Corona Virus. Sa kasalukuyan, tinawag ng pandaigdigang pamayanan ang nakamamatay na virus na ito na isang pandemya na nagkalat sa maraming bansa na kasama ang Pilipinas. Sa bansa lamang, tinawag ng pambansang pamahalaan ang sitwasyon na isang estado ng isang pambansang kalamidad na humantong sa mga pagtutol tulad ng pinahusay na quarantine ng komunidad sa buong National Capital Region at ang buong isla ng Luzon upang labanan ang pagkalat ng sakit sa pinaka mahina laban sa mga bahagi ng pamayanan.Habang pinapanood ko ang sitwasyon na lumala mula sa isang balita patungo sa iba pa, ang mga nasa paligid ko ay nagsimulang magbago at ang mga tao ay gumawa ng marahas na mga hakbang. Nasuspinde ang aming bayan ng lahat ng trabaho at paaralan, natigil ang pampublikong transportasyon, mabilis na nag-stock ng aming pagkain ang aming pamilya at mga pangunahing pangangailangan sa bahay, at pinayuhan ang mga tao sa aming kapitbahayan na manatili sa bahay at iwasang lumabas. Lahat at kahit ako ay nabagabag, ito ay isang pakiramdam ng pagkabalisa na pinalakas ng sobrang pag-iisip tungkol sa mga darating na araw. Naaalala ko pa rin ang isa sa mga sitwasyon kung saan ipinakita sa akin ang isang sulyap sa malupit na katotohanan sa labas. Nung kami ay nagtungo sa pinakamalapit na grocery at nasaksihan ko ang lugar kung saan pinapakyaw ng mga tao ang lahat ng mga de-latang pagkain at pati ang mga karne hanggang sa ang mga bahagi ng mga istante ng grocery ay wala ng laman, at ang linya ay masyadong mahaba na naabot nito ang gitna ng malaking grocey. Ito ay isang eksena na hindi ko gugustuhin  bumalik at gustuhin nalamang na manatili  sa loob ng aming bahay.Pagkalipas ng mga araw, ang sitwasyon ay pareho pa rin sa labas, ang gobyerno at mga pamayanan ay nagkagulo sa kakulangan ng pagsubok at mga hakbang sa pag-iingat, ang bilang ng mga taong nahawahan ng sakit na tumataas, at kahit na ang suporta ibinibigay para sa mga frontliner tulad ng mga propesyonal sa kalusugan ay kulang. Bagaman, hindi tulad ng mga araw bago kung saan ang lahat ay dumating bilang isang pagkabigla para sa ating lahat, ang kapitbahayan na aking tinitirhan ngayon ay mayroong isang hindi matahimik na kapaligiran. Ang bawat araw ay dumarating tulad ng anumang iba pang tipikal na araw maliban nalamang  sa mas maraming mga tao na nasa kanilang mga tahanan. 
Naging kampante ako sa sitwasyon kung saan naiiba mula sa pagkabalisa noong nasa simula ako ng pagsubok na ito. Nasa bahay ako buong araw, komportable na nakahiga sa aking kama, o kaya naman’y minsan ay nanonood ako sa Netflix ng mga palabas na matagal ko nang nakalimutang tapusin, kumain ng mas maraming pagkain upang matanggal ang aking pagkabagot, at gumawa ng mga gawaing pampaaralan sa bawat ngayon. Sa totoo lang komportable ako sa sitwasyong nalalaman na ang aking pamilya ay ligtas at lahat ng kailangan namin ay nasa maayos na kalagayan. Ngunit, kahit na wala akong dapat alalahanin o walang mga problema sa napipintong banta ng isang pandemikong posibleng makaapekto sa amin, tunay kong nararamdaman ang isang kirot ng pagkakasala at kawalan ng pakiramdam dahil sa pribilehiyong mayroon ako na wala sa marami sa mga tao.
Ang katotohanan na hindi ko kailangang mag-alala tungkol sa kalinisan sa aming bahay o ang pagkalat ng Coronavirus sa aming kapitbahayan ay isang pribilehiyo na sinamantala ko mula nang pasukin ng COVID-19 ang bansa at ang ating mga pamayanan. Ang nakakagambalang pakiramdam na mayroon ako sa simula ay ang parehong reaksyon na natatamdaman ko sa sitwasyon kung saan wala akong ginagawa. Ang pribilehiyo na mayroon ako ay hindi ang problemang kinakaharap ko, ngunit ang problema ay ang aking kawalan ng kakayahan na maunawaan ang bigat ng pribilehiyong ito at gamitin ito sa anumang paraan na posible upang makatulong sa krisis sa lipunan at kalusugan. 
Pinapanood ko ang balita, ina-update ang aking sarili sa mga kasalukuyang sitwasyon, bumaling sa social media kung saan nakikita ko ang mga kwento ng mga tao sa mga nakababahalang sitwasyon kung saan wala silang magawa, at habang narito ako sa aking screen ng telepono, nais na gawin isang bagay, ngunit hindi alam kung paano. Bagaman hindi ako pumikit sa mga katotohanan na umiling sa mga pamayanan na malapit sa akin, naramdaman ko na ito ay isang bagay na wala akong kontrol, ito ang isang sitwasyon kung saan wala akong pagpipilian kundi ang manuod sa gilid.  
Sa kabilang banda, nakita ko rin ang mga bagay na nagpapasigla sa akin, nakikita ang mga taong tumutulong sa kapwa tao na nangangailangan, mga yunit ng lokal na pamahalaan na nagtutulungan kasama ang pamayanan upang magbigay ng mga serbisyong pang-lunas, mga post sa social media na naglalaman ng mga mensahe ng pag-asa at optimismo. Ang sitwasyong mayroon tayo ay hindi maikakaila na malubha at pinaghihigpitan, ngunit nakita ko kung paano nadaig ng mga tao ang mga paghihirap at sinubukang tumulong sa anumang posibleng paraan. Sa pagtingin sa lahat ng mga bagay na ito ay napagtanto ko na  kahit papaano ay makakatulong ako sa pagpapabuti ng sitwasyon gamit ang mga kakayahan na mayroon ako. Sa simpleng pagsali sa mga online na petisyon, gamit ang social media upang ipahayag ang suporta para sa mga karapat-dapat na pagkukusa patungo sa layunin, pagkalat ng totoong balita para sa pagpapalaganap ng kamalayan, pagbibigay ng pera maliit man o, kung maaari, pag boluntaryo sa mga samahang tumutulong sa mga mahihirap na pamayanan.
Ang pandemya na ito ay walang alinlangan na isang puwersa ng kalikasan na wala sa ating mga kamay upang malutas. Ngunit bilang isang Pilipino at bilang isang tao, sa palagay ko hindi alintana ang problemang kinakaharap natin, laging may paraan upang makatulong. Ang nagpapatuloy na krisis na ito ay hindi masusulusyunan ng normal na tao kagaya ko, ngunit naniniwala ako na ang diwa at halaga ng Bayanihan na kung saan ay patungkol sa pakikipagkapwa at katatagan ng Pilipino ang makakatulong sa atin na malagpasan ang problema hanggang sa dumating ang panahon kung saan ang ating pinakamaliwanag na mga siyentista, propesyonal sa kalusugan, at mga opisyal ng gobyerno ay makahanap ng paraan upang permanenteng puksain ang sakit at ang takot na maidulot nito sa mas malaking lipunan. Patuloy tayong kumikilos,iparinig ang ating boses, ngunit sa parehong oras, alalahanin ang kulturang Pilipino ng pagtulong sa mga nangangailangan at pagsasakripisyo para sa kabutihan.
Photo:Pilipino Star Ngayon—https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/02/06/1990773/editoryal-ncovphobia
2 notes · View notes
wordfordph · 4 years
Text
REST DAY...
Yeah. It’s a sigh of relief to be able to surpass one of the most challenging semester I’ve experienced so far. The new mode of learning adds up to the difficulty, pandemic sucks and the lack of socialization to the outside world is so dreadful. 
Nakakaproud dahil sa kabila ng paghihirap, pagpupuyat at pagsasakripisyo na naranasan ko, lahat ng ‘yun nagbunga. True enough, dahil ‘yun na talaga ang naging mantra ko bilang estudyante “for every hardwork, there’s always a fruitful ending”. At ngayong officially, sembreak na, it’s time na bumawi naman sa sarili for all the great efforts. This morning I had started my ‘rest day’ with a Yoga Exercise. I know I’m a bit adulting on that part pero naisip ko why not i-embrace na diba? Plus the fact na maganda talaga ang Yoga for our physical and mental health. Ngayon ko lang na-experience yung super stretch ng mga buto-buto at kalamnan, dagdagan mo pa nung calmness at clear thoughts, it’s definitely a good way to treat ourselves.
After the Yoga, nagpatugtog naman ako ng Gaya Sa Pelikula playlist, while playing ginaya ko yung sayaw ng character ni Paolo Pangilinan sa series, I danced to the tune of every single song on the playlist and at that moment I’ve reminisced lahat ng pinagdaanan ko with the last semester. Isinayaw ko lahat ng pagod at puyat at iyak. At the same time, isinabay ko sa tono yung mga future challenges na pagdadaanan ko pa at lahat ng paghihirap na mararanasan ko pa. And at last, I prayed.
To you who’s reading this, it might seem that you had endured so much for the fulfillment of your dreams, but don’t ever give up. Huwag kang susuko sa pangarap mo. For sure magkakaroon din ng fruitful ending yung lahat ng hard work mo, maybe not now but in God’s perfect time. And most especially, huwag mong pagdadamutan ang sarili mo kapag may time ka na mag-pahinga at magsaya. You have to take care of yourself, you have to take care of your sanity....
1 note · View note
takuyakii · 4 years
Text
May your soul rest in peace, tito. Sobrang dami ko pang plans for you. Ang dami ko pang gusto igive back sayo. Nagsisimula pa lang ako pero di mo na maaabutan. Salamat sa lahat ng pag alaga at pag gabay mo sa'ming magkakapatid at sa tulong mo kay mama at sa buong mag anak natin. Sa pagsasakripisyo para sa lahat, sa mga kamay mong laging handang tumulong para samin. Isa kang anghel sa'min, at mananatili kang anghel na gagabay na samin simula ngayon. Paalam, tito. Hindi ka namin makakalimutan. Kakayanin namin na wala ka na. Sana masaya ka na dyan. Sana wala ng sakit at lungkot. Patawarin mo kami sa mga kakulangan namin. Di sana ganito ang katapusan pero wala na kaming magagawa, andito na eh. Mahal na mahal ka namin. You will always be loved and remembered.
2 notes · View notes