Tumgik
#buhay ofw
Text
Airport, for some, is a place of trauma. It is a shattering feeling in the chest to watch a plane taking off; seeing its light linger through the dark sky—so is the person you never wanted to lose a second without.
3 notes · View notes
sikmurangmaingay · 2 years
Text
Aminado naman akong hindi ako mabuting anak, dahil hindi ko napupunan yung mga expectations sakin ng mga magulang ko,lagi na lang may mali sakin, wish ko nga sana may parang app where in you can make a clone of you, but better. nakakairita lang kasi talaga. Kaya minsan napapaisip ako sa kawalan ko ng jowa, eto ba? ito siguro ang karma ko sa pagiging masamang anak, ito na siguro yung way ng pagbabayad ko
1 note · View note
upismediacenter · 5 months
Text
LITERARY: Rosie
Tumblr media
Trigger Warning! 
(Sensitibo at naglalaman ng karahasan)
Nanginginig ako sa takot. Nakatakip ang kamay sa aking mukha habang nakaupo sa sahig ng aking banyo.
Mayroon akong matalik na kaibigan na nagngangalang Rosie. Siya ay maganda, mabait, at palakaibigang tao. Maraming nagkakagusto sa kanya at sikat siya sa aming paaralan kaya ay hindi ko lubos akalaing mapapansin at kakaibiganin niya ang isang taong iniiwasan ng iba na kagaya ko. Kay tamis ng kanyang ngiti na tila ba kapag ngumiti siya sa iyo, parang nawawala ang mga suliranin mo sa mundo. Siya lang ang tanging nakakaintindi sa akin at hindi ko na kailangan ng iba pang kaibigan. Mawala na ang lahat sa akin wag lang siya. Kaya hindi ko talaga tanggap ang nangyari!
Sariwa pa sa utak ko ang nangyari na tila ba kahapon lang ito. Biyernes nang hapon nang dumiretso ako galing sa eskwela papunta sa bahay ni Rosie. Bibisitahin ko sana siya dahil sinabi niya sa chat na nilalagnat siya kaya hindi siya makakapasok. Parehong OFW ang kanyang magulang at ang kuya niya naman ay kinabukasan pa raw uuwi galing sa trabaho kung kaya’t mag-isa lang siya noon sa kanilang bahay. Lubos akong nag-aalala dahil walang mag-aalaga sa kaniya.
Laking gulat ko nang pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang nagkalat na gamit sa paligid. Patay ang lahat ng ilaw maliban sa banyo. Buti na lang at may kaunti pang liwanag na galing sa labas dahil sa sinag ng papalubog na araw. Sa mesa ay may nakita akong dalawang plato na may tira-tirang tsokolateng keyk. Katabi nito ang isang pitsel ng juice na kalahati na lang ang laman. Mayroon ding dalawang basong naiwang may kaunting laman: ang isa ay nasa mesa at ang isa ay basag sa sahig. Nagkalat sa lapag ang bubog ng nabasag na baso, kasama ng naghahalong kahel na likido ng orange juice at pulang likido na parang… dugo!
“Rosie! Rosie! Nasan ka?” sigaw ko puno ng pag-aalala.  Agad ko siyang hinanap hanggang  tumambad sa akin ang kanyang duguang katawan sa sofa. Umaagos ang dugo sa sugat sa kanyang tiyan na galing sa saksak. Umiiyak akong nilapitan at niyakap siya; nabahiran ng dugo ang suot kong itim na t-shirt.
Tinatakpan ng mamasa-masa kong kamay ang kanyang sugat sa pag-asang titigil ang pagdurugo at maisasalba ko pa ang kanyang buhay, ngunit wala itong naitulong at patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. Tuloy-tuloy na umagos ang aking luha at nalasahan ko na ito sa aking bunganga. Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang aking kamay, pero sa halip na alat ng luha, tamis ang nalalasahan ko. Tamis na may kahalong asim gaya ng orange juice at tamis na nag-uumapaw sa lasa ng chocolate cake. 
.
Orange juice at chocolate cake? Bakit bigla ko itong nalalasahan?
Sa halip na sagot, isang matinding sakit ng ulo ang itinugon ng utak ko sa mga tanong.
Sinusubukan kong alalahanin ang nangyari bago ang aksidente ngunit wala akong maalala maliban sa mga nangyari noong araw na iyon. 
Kahit anong umpog at pukpok ko sa ulo ko, hindi nagbubukas ang pinto ng mga alaala. Walang lumalabas na mga sagot. maliban sa mga nangyari noong araw na iyon. “WALA KANG KWENTA, WALA KANG KWENTA!” galit na saway ko sa sarili. Gustong-gusto kong makatulong sa imbestigasyon ng mga pulis pero wala akong magawa. Wala akong silbi. Wala man lang akong magawa para sa bestfriend ko. Sabi nila baka raw dahil sobrang traumatic ng nangyari kaya nabablangko ang isip ko. Hindi ko matanggap. Kailangan kong tulungan mabigyan ng katarungan ang bestfriend ko.
Kapag dumadami na ang tanong ko, hudyat na naman ng matinding kirot. Maliban sa pisikal na sakit na nararamdaman ko sa aking ulo dahil sa kakapukpok ko, maya-maya ay nakaramdam ako ng kirot at sakit na tila ba binibiyak ang ulo ko sa loob. Napasigaw ako sa sakit at binaon ang ulo ko sa kama at tinakpan ng unan upang mawala ito. Pagkatapos ng ilang sandali ay nawala rin ito at kinuha ko sa side table ang aking gamot at ininom ito kasama ang tubig.
Nagpasya ako na pumunta muna sa banyo upang maghilamos ng mukha. Paika-ika akong nagtungo doon dahil sa sugat sa paa ko. Pagkatapos maghilamos ay napatingin ako sa basurahan at nagtaka sa aking nakita. Pinulot ko ang aking unipormeng puno ng dugo at nahulog mula doon ang isang kutsilyo. Pinulot ko ang kutsilyo at napagtanto na kutsilyo ito mula sa bahay nina Rosie.
Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Muling sumakit ang ulo ko. “AAAARRGHH!”, napahiyaw na ako sa tindi ng kirot. Napasandal ako sa dingding at dumulas pababa hanggang sa napaupo na ako. 
Unti-unti, napalitan ng hikbi ang sigaw. At ang hikbi ay naging halakhak. Di ko na mapigil ang malakas na pagtawa. Tumutulo ang aking luha habang patuloy sa mayabang na pagtawa ang aking sarili.
"Alam mo ba kung ano talaga ang nangyari?" Hindi ko tiyak kung ako ba ang nagtatanong o tinatanong ng kaharap ko sa malaking salamin ng banyo.
Biyernes nang hapon nang dumiretso ka galing sa eskwela sa bahay ning matalik mong kaibigan na si Rosie upang bisitahin siya dahil sinabi niya sa chat na hindi siya makakapasok sa paaralan dahil siya ay nilalagnat. Ngunit laking gulat mo na lang nang makita kong parang maayos naman ang kaniyang kalagayan at masaya lang siyang kumakain ng keyk at umiinom ng juice na pangiti-ngiti na tila ba kinikilig.
“Rosie, okay ka na ba? Dapat hindi ka muna kumain ng matamis. Puro asukal yan at hindi makakatulong sa kalagayan mo lalo na’t may sakit ka. Gusto mo bilhan muna kita ng soup diyan sa may kanto?”
“Uy kahit wag na.”  tugon niya at ngumiti nang nakakabighani. “Halika muna rito, tara kain muna tayo”,  pag-anyaya niya sa’yo. “Nga pala, alam mo ba, sinagot ko na yung manliligaw kong si Berto”. Kinikilig na sabi niya. “Sa katunayan, siya nga ang may dala nito ng pagbisita niya kahapon. Selebrasyon ng aming pagiging ganap na magkasintahan.”
Nang banggitin niya iyon, biglang nawala ang ngiti sa ’yong mukha. Unti-unti, hindi mo namalayang nandilim na ang paningin mo. Hindi mo alam kung ano ang sumapi sa isipan mo at biglang hawak mo na lang ang kutsilyo. Bahagyang natatawa pa si Rosie sa kakaibang hitsura mo sa pagkatayo niya hawak ang baso ng juice. Hanggang sa hindi mo na napigilan ang iyong kamay, dire-diretso hanggang bumaon sa tiyan niya. Nabitawan niya ang hawak na baso at agad tumakbo ngunit hindi na niya kinaya at napaupo na lamang siya sa sofa.
Hinugot mo ang kutsilyo mula sa kanyang tiyan. 
“Bakit?” tanong niya habang lumuluha. 
“Akin ka lang Rosie. Hindi ko kayang mawala ka,” sambit mo habang namumula ang mata. 
“Hindi ko kayang mawala ka, Rosie! Hindi ko mapapatawad ang gumawa sa ‘yo nito.”
Nakatitig pa rin ako sa harap ng salamin. Nanlilisik sa galit sa nakikita kong repleksyon. Patuloy akong umiiyak habang patuloy rin siya sa pagtawa sa akin. 
5 notes · View notes
kengkastanyas · 1 year
Text
ung tita ko talaga minsan mapag involve sa buhay ko e. haha
sabi nya nung nakaraan, mangarap naman daw ako mag abroad tapos ngayon tigil ko na daw ung pagpapatattoo kase andame na daw at ndi maganda tignan.
may pangarap naman po akong mag abroad pero more on travel at ndi mag ofw. Pde po bang may pangarap pero I just don't say it out loud?
Ung sa tattoo ko bahala kayo, lol. balat ko naman to, char.
Pero at this time, ayoko na din magseek ng validation from others and wala na kong pake kung ano tingin ng ibang tao saken, di nyo naman ako pinapakain. hahaha at dito ako masaya e, pake nyo ba. lol
kbye. nagrant lang.
7 notes · View notes
g-rasyaana · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Day 1 in Melbourne 🇦🇺
I arrived yesterday at kahit ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako.
Sobrang lungkot lang talaga nung paalis na ako dahil umiiyak na silang lahat, kahit ako di ko na napigilan sarili ko. Lalo nung kila mommy at daddy, yung last moments bago ako pumasok sa airport, sobrang bigat sa pakiramdam, kaso wala naman ako magagawa e, kailangan ko gawin to para sa amin. Bilib ako sa mga OFW dahil kakaibang lungkot talaga yung mararanasan. May times nga na naglilibot kami dito, bigla nalang ako maiiyak kasi naaalala ko sila.. pag naiisip ko na sobrang tagal bago ko sila ulit makita, ang hirap.
Nonetheless, I'm trying to enjoy my new life here in Australia. Sobraaaang ganda, ang ayos din ng mga sistema, ang dali ng buhay nila, nakakatuwa e. May nangyari pa, pag dating sa hotel napansin ng bf ko na naiwan niya phone niya sa Uber. Medyo nag panic kami at naghahanap na ng way para ma-contact ang Uber, after a few minutes, may tumawag sa telephone saying that the phone was dropped off by the driver sa front desk. Hahahaha nakakatawa pag sa PH yan goodbye iPhone talaga.
Ginusto ko din naman to for a better future for myself and my parents. Lakasan lang talaga ng loob, kayang kaya ko to!
17 notes · View notes
warningsine · 1 year
Text
Metro Manila (CNN Philippines, June 24) — The United Arab Emirates (UAE) has pardoned three Filipino convicts — two of them on death row for drug trafficking and one with a 15-year sentence for slander, the Palace disclosed on Friday.
President Ferdinand Marcos Jr. requested humanitarian pardon for the three in two separate letters to UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, according to a Malacañang statement.
“I am pleased to inform you that the appeal of President Ferdinand Marcos Jr. for three Filipinos, two of which are sentenced to death because of drug trafficking and one sentenced for 15 years for the crime of slander, has been granted for humanitarian pardon by our President,” UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi said.
The Sheikh noted the valuable contribution of some 600,000 Filipinos working in the Arab nation.
Marcos, meanwhile, thanked his UAE counterpart for the decision.
“That’s the least we can do," Marcos told the Sheikh. "Then the usual things about having stronger relations and I said my part about the very good treatment of Filipino nationals in UAE.”
In a statement on Saturday, OFW Party-list Rep. Marissa Magsino said the pardon highlights the importance of government intervention in cases of OFWs convicted of capital offenses and awaiting execution abroad.
In January, the lawmaker filed a resolution urging the appropriate committees of the House of Representatives to conduct an inquiry into the status of OFWs facing such a situation, as well as to review the assistance provided by the state and determine possible improvements.
“Habang may panahon pa, gugulin natin ang lahat ng posibleng aksyon upang maisalba ang buhay ng ating mga OFWs [While there is still time, let’s exhaust all efforts to save the lives of our OFWs],” Magsino said.
According to her, Congress has been coordinating with the Department of Migrant Workers and the Department of Foreign Affairs regarding OFWs still on death row in the UAE, Malaysia, China, Saudi Arabia, Brunei Darussalam, Indonesia, and Japan.
Meanwhile, Malacañang said the UAE president reiterated his invitation to Marcos to attend the 2023 United Nations Climate Change Conference in Dubai, a request first sent a week ago during the UAE Ambassador’s courtesy call in Malacañang last week.
For his part, Marcos invited Sheikh Mohamed to come to the Philippines, saying the UAE leader is always welcome to visit the country.
2 notes · View notes
hashirun · 1 year
Note
Happy Independence Day!
1. If it was not Jose Rizal, who do you think should be the Philippine National Hero?
2. Who do you consider as modern heroes?
3. How much do you love your country?
4. If you’d be reincarnated, would you still choose to be Filipino? If yes, why? If not, what nationality would you want to be?
5. Would you rather serve your country or yourself? Bayan o sarili, pumili ka.
1. Andres Bonificio: plebyano, rebolusyonaryo, Supremo. Tunay, palaban, makabayan ✊
2. Mga guro, healthcare workers, OFWs - pasan nila ang bansa natin sa mga likod nila.
3. Hindi ako panatiko pero masasabi ko namang iniibig ko pa rin kahit papaano ang bansang sinilangan. Kinalulugdan lahat ng mabuti, at di nagbubulag-bulagan sa mga kapintasan at kamalian. Ganun pa man...
4. ...siguro mas gugustuhin kong ipanganak sa isang first world na bansa. Tipong France, Italy, or New Zealand para mas madali ang buhay plus madaming pwedeng puntahan na magagandang lugar.
5. Uunahin na lang muna ang sarili.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
4 notes · View notes
djshadowking · 2 years
Text
Hindi habang buhay OFW ako.
Hindi habang buhay may trabaho ako.
Hindi habang buhay malakas ako
2yrs? 3yrs? 7yrs na ako sa trabaho ko dto pero wala pa rin ipon kundi resibo? Panahon na para magising sa katotohanan.
Buti naSolusyunan ko na yan sa pamamagitan ng pagnenegosyo na pwede mong isabay kahit nagttrabaho ka.
HAPPY AND PROUD TO BE OFFICIAL DIGITAL ENTREPRENEUR.
Ask me how?
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
kimhortons · 2 years
Note
Deep questions: 8 11 12 15 16 24
If you could change one thing about yourself what would it be? — parang nasagot ko na 'to sa ibang ask reblogs. yung pagiging hot tempered. hirap kumalma masyado akong pikon. haha.
What brings out the best in you? What brings out the worst? — It's not what, it's who; Joemar. siya yan both charot hahaha. no, pero honestly, he brings out the best in me talaga, siya yung dahilan ng character development ko and my friends would 100% agree. sa worst, siguro yung mga conflicts at issues ko with my family, sometimes it affects my mood kasi kaya minsan affected lahat sa paligid ko. ayun.
What's a childhood dream you never got to accomplish? — maging Flight Attendant. ever since I was a child, ito na talaga dream ko. ofw kasi si papa since then, so madalas ako nakakakita ng mga FA sa airport sa tuwing ihahatid or susunduin namin siya noon. I would imagine myself wearing their uniform habang hila hila yung crew luggage. huhu. wala na pinalipad ko nalang muna yung dream ko na yun, see you sa next life nalang ganon. hehe.
If this was the story of your life, what chapter would you call this? —"One of God's Strongest Soldier." char! wala lang, dami kong struggles this year e. akalain mong umabot pa kong buhay at this moment at sasalubong sa 2023. hehe.
What's your baggage? — daddy issues. dysfunctional family; yung feeling mo tingin ng lahat sayo sakit sa ulo, black sheep. etc. yung walang nakikitang tama sayo., people pleasing. kasama ba 'to? haha.
What's something you like about yourself that you wish more people recognized? — the way I treat people esp if they're essential to me. yun bang I'll go through the odds for them, effort, one call away friend, etc. basta get the point haha. parang pag namatay ako, ito yung gusto ko marinig sa mga tao. kaso kasi minsan hindi yun yung nakikita nila. huehue.
thank you, kuya Pau!
3 notes · View notes
ronaldseno2005 · 2 years
Text
Tumblr media
tayo ay nabubuhay na sa makabagong teknolohiya tulad na lamang ng social media. Nakagawian na ating sa araw-araw ang paggamit ng social media. Upang alamin at malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran o bansa. At sa tulong din nito ay lalong napadali ang ating komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay na na sa malalayong lugar. Sa tulong ng social media mabilis lang din nating mahanap ang taong nais na ating hanapin.Maging ating mga kawani at manggagawa sa ating gobyerno.Napapadali ang kanilang trabaho sa pamamagitan at tulong nito.Lalong-lalo nasa pagpaparating ng mga kabalitang patungkol sa kalagayan ng ating bansa, bayan at panahon. Gayon din naman sa panahon ng sakuna at kalamidad.Napapadali ang agarang tulong na bawat individual on ng pamahalaan sa ating biktima ng nasabing kalamidad.Napapadali ang agarang tulong ng bawat indibidwal at ng pamahalaan sa mga biktima ng nasabi ng kalamidad.Ito ay napakahalaga lalo na sa mga ofw na mag abroad sa ibang bansa para sa kanilang pamilya sa panahon ngayon maraming mahihirap ang bawat mamamayan ay gusto ng magkaroon ng magandang kinabukasan sa kanilang pamilya at mga anak.Alam natin na ang social media ay isa sa mga paraan ng pagka hagilap ng mga balita o impormasyon na manggagaling sa mga iba't ibang tao o mapa lugar man ito.Isa rin ito sa magandang teknolohiya upang mapalaganap kung ano ang mga nangyayare sa ating kapaligiran sa panahon ng sakuna .Ang social media ay maaaring nakabubuti at nakakasama sa tao,nakadipende ito sa paggamit ng tao kung aabusuhin nya man ito ,kung sakaling gagamitin nya ito sa kabutihan at may pakinabang ang kalalabasan nito ay mabuti rin. Tulad na lamang kung may mga sakuna,o gustong tumulong sa mga nasalanta maaari silang mag post o di kaya manghikayat sa kanilang mga kaibigan o kapwa na tumulong o magbigay ng anumang donasyon pwedeng pera gamit na hindi na gagamitin.Ang social media ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo nakikipag usap sa telepono sa ating mga mahal sa buhay siya rin ang dahilan kung bakit napapadali natin ngayon ang mga gusto natin pahatid na mensahe. isa rin sa mga dahilan na nakakatulong ang social media ikumpara ang aktibo dito maaari mong malaman agad agad ang mga pangyayari sa panahon ng sakuna o may mga bagyong paparating sa gayon ay handa tayo sa ano mang oras na bibisitahin tayo ng kalamidad.
2 notes · View notes
fallunderthesky · 23 days
Text
WELCOMEEEE BACK SELF! HAHAHA
Huy 2024 na and I'm here!!! Nakakatakot mag unearth ng mga bagay-bagay dito but I guess here we are. Haha.
Una sa lahat, good job self! For immortalizing bits of who you are here. Actually, kaya ako nandito ulit ay dahil I want to really know myself more. I had to endure the cringe to get through hahah! Worth it ang pagretrieve ko ng account after 8 years!!! Grabe salamat tumblr.
Nakakatawa kasi puro lovelife ko ung andito ahhaahah. I gave so much attention to that before tapos ngayon parang hindi na ko ganito ka OA about love. Minsan napapaisip ako kung normal lang ba sa teenagers to have that phase. Pero during those times rin kasi wala si daddy sa bahay. I mean. He was not around because OFW sya. So baka epekto sya na parang naghahanap ako ng validation sa iba coz absentee pa rin father ko when I was growing up.
But anyway, hindi naman yan ung purpose kung bakit ako nandito. Haha. I'm turning 30 next year and feel ko wala pa kong significant na nararanting sa buhay ko. Maybe becuase nasobrahan ako sa "freedom". HAHAHAHA. Nalost ako. This is my attempt to get clues on who I am before the world started to demand from me.
Nateteary-eyed ako knowing that my personality was very bright! Very dreamy, very cutesy hahaa. not very demure. I was full of dreams. Full of life. I dream as if maabot ko talaga sya. I am delusional. And nakaktuwang isipin that I was consistent sa ibang parts ng self ko. Halimbawa, gusto ko talagang maging photog from the very start. And noong trinace ko ung trail dito ng mga activities ko before, it all lead to photography -- or advertising. Pag may gusto ako -- ipupush ko talaga hanggang maachieve. Tulad ng pagmeet kay Armi Millare. HAhaha. Eh today, si Laufey naman ung pinush ko na imeet ko. Hahaha very consistent naman ako.
I still have that fire to become a famous photographer. Like Charisma Lico and BJ Pascual. But I always feel like I don't have anything special in me. Pero ayoko pa magpack-up. I believe the Lord placed these desires in me for something! SO hahaha i'll update again here if sikat na ko hahaha. #delulu but wala naman impossibleeee at dahil mahilig akong magupload ng webcam photos dito. hahaa nakakirita ung mac! ang panget ng cam -_-
Tumblr media
0 notes
oelctam2307 · 4 months
Text
Full Episode | Maalaala Mo Kaya - Eskoba
youtube
grabe nakakaiyak talaga itong kwentong ofw narealize na kona ang life
1.mangangarap ka muna para abutin mga gusto mo sa buhay paglaki
2.makapagtapos ng pagaaral hindi nagpabuntis sa school hinintay makagraduate ano naman matapos na kurso sa pilipinas ng college tas pagdating mo ang trabaho mo ay tagakoskos lang kubeta at the tagalinis pero hindi nagamit ang trabaho na pinagaralan sa diploma
3.mahirap pala buhay sa ibang bansa kailangan alam mo gagawin mo at initindihin wika ng salita nila,dati sa pilipinas magiiba talaga mundo mo pagnandoon kana gusto mong pumunta ibang bansa tapos nung nandon kana gusto bumalik pilipinas kaso natupad na pangarap mo nakamit mona kaso ngalang pera problema at pamilya hihintayin mona lang kamatayan mo hanggang magretiro walang susundo sa airport kana tapos naiisip na alam mona buhay sa mundo parang cycle umiikot una maguumpisa sa mababa paghihirapan mo hanggang sa makuha mona sya tapos makakalimutan mo din ang dating pinagpagpaguran mo
0 notes
jeyncesss · 5 months
Text
OFW ANG TATAY KO
Ako si Rhyza, year 2006 nang ipanganak ako. Sabi ng Nanay ko 3 months palang ako sa tyan nya ng umalis ang Tatay ko papuntang Saudi para mag trabaho. Hanggang sa pinanganak ako nasa malayo ang Tatay ko...eh pano ba naman 3 years ang contract nya doon.
 Nasa accounting nga pala ang work ng tatay ko sa isang company sa saudi. Hindi ko man masabi kung mabigat o mahirap ang nature ng trabaho ng Tatay ko pero lungkot, pangungulila at pananabik sa isang Ama ang nararamdaman ko.
Kwento ni Nanay, kailangan umalis ni Tatay at mag trabaho sa ibang bansa dahil wala syang mapasukan na company dito sa atin. Siguro dahil narin sa age ni Tatay na nasa 35 years old na nung time na yun. May naipon silang konting pera pero naubos naman daw ito sa pagpapagawa ng bahay namin. Kaya mabigat man sa loob ni Nanay at Tatay ko na magkalayo, kailangan gawin dahil narin sa malapit na akong dumating sa mundong ibabaw.
Lumipas ang 3 taon mula ng umalis si Tatay, mag tatlong taon narin ako nung time na yun. Pasorpresang sinabi sa akin ng Nanay ko, uuwi naraw si Tatay at magkikita na kami ng personal. Hindi ko man lubos na nauunawaan ang sinabi ni Nanay dahil sa akoy bata pa...pero ramdam ko kung gaano ka excited si Nanay sa pag uwi ni Tatay. At batid ko ang walang katumbas na kasiyahan ang dulot ng magandang balita na ito.,
3 years. Tatlong taon na lungkot at pangungulila sa isang ama. Tatlong taon na pagtitiis at pagsisikap ni Nanay na pangalagaan at panatilihing maayos ang kalagayan at kalusugan ko kahit na nasa malayo si Tatay. Hindi rin naman nagkukulang ang tatay ko sa mga panganfailangan namin sa bahay at hindi naman sumasablay sa pagpapadala ng panggastos namin ni Nanay every month.
Ilang araw nalang darating na si Tatay. Kaya si Nanay abala sa paglilinis at pag aayos sa bahay, kasi gusto nya na makita ni Tatay na maayos ang aming bahay (whispering: mitikuloso kasi daw si Tatay pagdating sa kalinisan..hahaha).
Dumating ang araw ng pagdating ni Tatay. Maagang gumusing si Nanay para magluto ng almusal namin at gumayak papuntang airport. Halata ang excitement sa mga kilos ni Nanay. Ilang oras pa ang lumipas nasa airport na kami at diretso agad sa monitoring screen si Nanay para tignan kung nag landing na ang sinasakyang eroplano no Tatay. Bahagyang nalungkot at may halong pagkainip ang naramdaman ni Nanay, kasi delayed ang flight ni Tatay.
Mahigit 2 oras ang lumipas, nakalapag na ang eroplano... at eto si Nanay humahaba na ang leeg...hahaha...kakatanaw kung naka labas na si Tatay sa immigration. Maraming pasahero ang dumating, makikita mo ang ibat-ibang reaction ng mga mukha sa mga nag susundo. Randam ang excitement...kasiyahan na muli nilang makakapiling ang mahal sa buhay na ilang taon ding hindi nakasama.
Hindi ko man matulungan si Nanay sa pagtanaw kay Tatay dahil wala din sa isip ko kung ano ang hitsura ni Tatay at kung ano ang kanyang suot dahil sa pictures kulang sya nakikita nuon.
And the time has come...nakita ko na kumakaway na si Nanay at sinisigaw ang pangalan ni Tatay....Miguel...hoonnn! Dumating na si Tatay. Patakbo kaming lumapit kay Tatay, nakita ko ang sobrang kagalakan at pananabik sa isat-isa. Mariing niyakap ni Tatay si Nanay, damang dama ang kagalakan na muli silang nagka piling makalipas ng ilang taon na magkalayo. Hindi napigilan ni Nanay na lumuha...at ganun din si Tatay, tila ba na parang eksena sa isang tele novela ang tagpong iyon. Napatitig nalang ako sa kanila at pilit na inuunawa ang buong pangyayari, ang dahilan ng kanilang pagluha. Kinarga ako ni Tatay at sabay niyakap ng mahigpit....hinalikan sa ulo at sinambit na..."ang laki muna anak....nandito na si Tatay...love you anak".
Ang sarap marinig sa isang ama na sambitin ang salitang..."I love you anak". Isang ama na nagtiis ng mahabang panahon na malayo sa pinaka mamahal na pamilya. Isang ama na kinalimutan ang sarili maibigay lang ang ipinangakong responsibilidad na magkaroon ng magandang bukas ang mga anak. At sa maikling panahon na makasama nya ang pamilya lubos na kasiyahan na walang ano mang halagang katumbas.
Gabi na ng dumating kami sa bahay. Walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ni Tatay dahil sa wakas muli nanaman syang naka uwi sa amin. Pagka pasok ni Tatay ng mga dala nyang bagahe at nakita na maayos naman ang lahat, dumiretso sa kwarto para magbihis. Mula sa sala rinig ang pagkanta ni Tatay ng..."Daddy's home...your Daddy's home...to stay". Corny noh? Alam mo naman ang tumatanda...hahaha.
Habang binubuksan ni Tatay ang kanyang mga bagahe, abala naman si Nanay sa paghahanda ng aming hapunan. Lumapit si Tatay kay Nanay , sandaling napatitig at niyakap nya si Nanay ng mahigpit...sabay bulong na..."dito na ulit ako sa bahay hon". Tanging pagluha at yakap na mahogpit kay Tatay ang kanyang iginanti sabay sabi ng..."tara kumain na tayo...Rhyza anak halika na kakain na...mag hugas ka muna ng kamay mo". Pagkatapos namin kumain samasama kaming binuksan ang mga pasalubong ni Tatay at hinati-hati ito para ibigay sa mga kamag anak.
Lumipas pa ang mga araw na kapiling namin si Tatay, walang kasing saya sa pakiramdam. Sa unang pagkakataon may isang ama na nag aasikaso sa akin...sa amin ni Nanay. Hindi ko man lubos na maunawaan kung bakit kailangan pang sa malayo mag trabaho si Tatay, pero lubos kong nararadaman ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya.One month lang ang ibinigay ng company na pinagtatrabahuan ni Tatay sa vacation nya. Habang papalapit ang muli nyang pag alis, ramdam ko na ang masasayang araw na kapiling namin si Tatay ay unti-unting napapalitan ng kalungkutan at paminsan-minsang katahimikan na para bang nakatingin na lamang sa kawalan. Makikita sa mga kilos at salita ni Nanay ang matamlay na pakiramdam, para bang iniisip nya na sana...huminto ang takbo ng oras, na sana bumalik ulit ang panahon kung saan nasa airport kami at sinusundo si Tatay...yung mga araw at oras na masaya ang lahat...panahon na, buo kami.
Walang oras na sinayang ang Tatay ko habang kapiling namin sya. Kahit na dapat ay ipagpaginga nya ang mga sandali na nasa amin sya, pilit nya parin ginagampanan ang responsibility ng isang ama ng tahanan. Kung ano ang makikita nya na dapat ayusin sa loob at labas ng bahay namin ay ginagawa nya.
Ang sabi nya nga kay Nanay. "Pag alis ko ulit wala nang Tatay na mag aayos dito sa bahay, nasa malayo na ulit". At syempre ang sagot ni Nanay, "Ang sarap na kasama ang Tatay sa bahay hon...wala akong iniisip na tumutulong bubong...sirang gripo...bumbilya na ayaw suminde at kung ano pang dapat na ayusin dito sa bahay." Madalas panga pagkatapos ng mga gawain ni Tatay, naglalaro kami sa aming bakuran. Tinuturuan nya akong mag basa ng alphabet at kung pano gumamit ng bike. Pag umiiyak ako kakargahin ako ni Tatay at patitigilin sa pag iyak habang pasayaw-sayaw pa na para bang hinihele. Hahahaha...kaysarap alalahanin ang mga ganong tagpo.
Dumating na ang araw ng pag alis ni Tatay. Dama ko ang lungkot na nararamdaman ni Nanay. Namumugtong mga mata at hanggang sa hindi napigilang lumuha, pati nga ako napa iyak narin. Yakap na mahigpit at pagpapaalam ang nasasambit sa isat-isa. Sabi ni Tatay; "Wag nyo na ako ihatid sa airport, magta taxi nalang ako. Mahihirapan akong humakbang papasok sa immigration na nakikita ko kayong umiiyak. Dito nalang kayo sa bahay at tatawag nalang ako pagdating ko sa airport".
Ngayong 2018, nasa high school na ako at may bunsong kapatid narin ako si Clarise. Sariwa parin sa isip ko ang mga panahon na kasama namin si Tatay sa tuwing umuuwi sya galing abroad. Mga sandali kung saan dama ko ang tunay na pagmamahal ng magulang sa mga anak. Handang isakripisyo ang sariling kaligayahan maitaguyod lang ng maayos ang pamilyang ginagabayan ng Diyos. At mga sandali kung saan....buo kaming pamilya.
THE END.                                                                          
0 notes
litratoatkwento · 8 months
Text
Tumblr media
01: Ako at ang aking kwento! 02/07/24 Magandang umaga! "Ganda at daldal lang ang puhunan kahit walang diploma" Ako si Joshua, tatlumpu't isang taong gulang. Juswa kung tawagin ng iba. May labing-isang daliri. Sa ngayon, kung anu-ano lang ang ginagawa ko sa live events production. Minsan director, minsan video producer, minsan stage managers, minsan graphic artist, at minsan din PA. Anak ng isang OFW at housewife na kung anu-ano ang gusto sa buhay. Char. 90's baby ako, na abutan ko na wala pang cellphone, tamagochi, nokia 3210, pati yung malaking cellphone na may antenna pa. Lumaki rin ako sa mga anime tuwing umaga tulad ng ghost fighter, doreamon, pokemon, hunterxhunter, atashin-chi, power ranger, sailormoon, at mga dramarama sa hapon tulad ng daisy syete. Masaya ang childhood ko, kasi nakakapag laro pa ako sa labas ng bahay, na experience ko maligo sa creek (malinis pa yun ng konti dati). Naranasan ko rin maglaro ng text, jolen, agawan base, tagu-taguan, at patintero. Makulay at masaya ang elementary at highschool ko. Na abutan ko yung may tinitinda pang soup at naka tray na mga kung anu-anong snacks tuwing recess. Tapos noong highchool, nakapag prom din ako. Pero di pa ako bading na bading noon. College ay parang napadaan lang. Hindi ko ito fully na enjoy. Una, kasi di gusto ng tatay ko yung una kong course, ako naman wala ako pake, ang importante nasa PUP ako. Tapos na hook ako nun sa ministry. Ok naman yun. Kaya lang pinalipat ako ng tatay ko ng school para mag engineering pero di ko rin naman natapos kasi di ko talaga yun gusto. I tried to make myself busy nalang sa mga campus ministry. At sa totoo lang nahihirapan ako nun, kasi nga math. Pero pinilit ko naman. Pero ayun, di na ako nag enroll nung mga sumunod na semester. Sinubukan ko mag ipon, at makabili ng sarili kong DSLR Camera, tapos kumuha ako ng mga maliliit na raket sa mga kakilala ko. Una, wedding, sunod mga debut, hanggang sa naging concert, tapos corporate events. Wala akong formal training sa photography, mahilig lang ako tumambay sa booksale tapos nagtitingin ng mga libro about photography, hindi ko masasabing binabasa ko - mas tinitignan ko yung mga photos tapos iniisip at inaaral ko paano sya kinuhaan. Self-taught tayo para maka survive. Then, nakakilala ng mga tao at nagsimulang mag production sa pelikula, sa music video, sa digital ad, at hanggang sa makapasok ng events. Sinubukan ko naman kumuha ng mga short courses about film, production, at photography, pero lahat yun ay diskarte lang din natin.
Ngayon, malayo na pero malayo pa. Binabalikan ko mga projects na nagawa ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yung mga yun. Masaya ako sa estado ko ngayon. Hindi sikat, pero may mga nakaka appreciate ng talent na inacquire ko lang along the way. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong nagtiwala sa akin. Kasama kayo sa journey na ito. Oo, wala akong diploma, hindi ako nakatapos ng 4 yrs course pero yung aral ng buhay naman ang meron ako. I wish I had one, pero di rin ako nagsisisi sa mga pinagdaanan ko at sa kung sino ako ngayon. Salamat sa inyong lahat!
1 note · View note
itsmejhaaa · 9 months
Text
OFW feels like..
Madami sa mga pinoy gusto mangibambansa para kumita ng malaking pera para sa sarili at sa pamilya.. Ako sa totoo lang ayaw ko mag abroad, pinush lang ako dahil mababa ang sahod ng Nurse sa Pinas - kaya madami ding Nurse sa abroad dahil dun.
Pero alm mo sa totoo lang naniniwala ako na kung maganda naman ang ekonomiya ng Pinas, kung kahit dun ka magtrabaho kikitain mo ung kinikita mo sa abroad wala ng aalis na Pinoy, wala ng mag OFW, wala ng lalayo sa kani kanilang mahal sa buhay.
Ang mahirap lalo is ung maramdaman mo yung homesickness.. Masaya kang magbabakasyon dahil makakasama mo nanaman ang pamilya mo pero masakit kapag bumalik ka nanaman, yung mararamdaman mong mag isa ka nanaman sa isang bansang di mo naman talaga kinabibilangan.
Pero yun nga lang wala tayong choice. Baka kasi may magsabi "edi umuwi ka nalang". Lahat gustong umuwi pero ano ipapakaen mo sa sarili mo at sa pamilya mo? Kailangan mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa nakararami (mahal mo sa buhay).
Masyadong bitin ang halos 2weeks lang na bakasyon pero wala naman akong magagawa kundi labanan ang sarili kong emosyon, pagkalungkot at tapalan ulit ng maskara na matatag ka, nakangiti ka na para bang ang lakas lakas mo at wala kang nararamdamang lungkot at sakit ng pagiging mag isa.
Ilang years na ako sa abroad kaya siguro dapat sanay na ako kaso di ako masanay sanay. Magaling lang talaga ako magpanggap na ayos lang ako, na palagi akong masaya at malakas ako. Pero may mga ganito talagang pagkakataon na nalulungkot ka, maiiyak ka pero dahil mag isa ka at wala kang kadamay sa buhay tinitiis mo lang, nilalabanan mo ang sarili mong emosyon, lumalaban ka sa buhay kahit mahirap at masakit na.
Ang bilis ng araw. Parang kelan lang kasama ko ang aking pamilya - sabay sabay kumakain ng agahan, tanghalian at hapunan. Nagtatawanan, nag aasaran pero ngayon balik nanaman ako sa realidad, walang kasama, palaging mag isa. Minsan naisip ko kung panaginip lang ang lahat sana hindi na ako nagising.. Pero iisipin ko din sila ang dahilan kung bakit ako patuloy na bumabangon sa umaga at hindi ang Nescafe char. Pinapatawa ko lang ang aking sarili kasi kailangan. Pinipilit kong maging malakas kasi kailangan. At higit sa lahat pinipigilan ko ang sarili kong emosyon dahil kailangan.
Siguro dati talaga akong Katipunera kasi lagi akong laban ng laban.. Pero mapapaisip ka nalang din hanggang saan ko ba kaya lumaban sa buhay? Pwede naba minsan sabihin na "time first" pagod na ako. Kung maari lang sana kaso hindi..
1 note · View note
mikodlfnte69 · 11 months
Text
MGA MABUTING EPEKTO NG SOCAIL MEDIA
Facebook,Twitter,Instagram ayan ang mga unang pumapasok sa isipan ng mga tao kapag narinig ang salitang social media. Ngunit ano nga ba talaga ang paka hulugan ng social media? Ang social media o ang maka modernong gawain at gamit ng teknolohiya ay sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
Ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.
Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin angkatotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa ikauunlad ng anumangaspeto ng buhay ng isang tao.
May maganda at mabuting dulot ang Social Media, Ano-ano nga ba ang mga ito? Ginagamit ito ng nakakarami para sa komunikasyon, tulad ng mga nagtratrabaho bilang OFW. Kahit nasa ibang bansa sila, maaari nilang kausapin ang kanilang mga pamilya. Ang Instagram, Pinterest at iba pa, ay ginagamit upang makapag “upload” ng mga litrato upang malaman ng iba ang iyong mga interes. Dahil sa pagkaimbento ng social media maaari na makipag-usap sa mga kaibigan, kamag-anak, o kapamilya sa abroad o sa mga malalayong lugar. Kahit saan man sila sa buong mundo, dahil ng social media, kaya mo siyang kausapin o i-chat. Nasasabi mo na din kung ano-ano ang nasa loob ng isip mo at mapadadama mo na sa iba ang iyong mga ideya, komento, o mga opinyon tungkol sa isang bagay. Maaari ka ring magshare ng mga interes mo tulad ng mga kanta, maaari mo itong ipamahagi sa mga kaibigan mo gamit ang social media. Pwede ring mga videos o litrato na sa tingin mo ay nakakatawa o may kakaibang kahulugan sa pang-araw-araw mong buhay. Dahil mayroong socail media, kaya mo nang subaybayan ang iyong mga kaibigan kahit wala sila sa tabi mo upang kuwentuhan ka kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Kahit na magkalayo kayo ay kaya mo pa rin malaman ang mga nangyayari sa kanyang buhay na gusto mong malaman. Ito ay iilan lamang sa mga kabutihang dulot ng Social Media.
1 note · View note