Tumgik
#dokumentaryo
linobrocka · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Alipato at Muog (2024), direksyon ni JL Burgos
The abduction of Jonas Burgos in 2007 was brazen – done at noontime in a crowded mall. As his family launched their search, a car plate brought them face to face with powerful forces. Despite insurmountable barriers, anonymous informants have dropped leads and even provided the last known photo of Jonas in captivity. Edita, the 80-year old mother, and her filmmaker son lead the long and arduous fight for justice. Presented through testimonials of their lawyer, a reporter, a former Justice Secretary and Human Rights Commission Chair, and witnesses who agreed to appear on condition of anonymity, combined with animation and never-before-seen footage of the family’s relentless search, the documentary film weaves the stories together to uncover the truths, however painful, about his brother’s disappearance.
29 notes · View notes
syneilesis · 1 year
Text
TUYONG-TUYO UTAK KO SA KANETSUGU FIC LMAO 😭
pero kakatapos ko lang manood ng dokumentaryo tungkol sa isang Swiss na manunulat. napakamalikhain ng pagtalakay nila sa buhay ni Suter -- sa pamamagitan ng pag-usisa ng kanyang mga nobela habang andoon siya mismo sa mga eksena. pinagsama nila ang katha at ang realidad, at nagustuhan ko talaga ang paraan nila. kinatuwa ko na mapanood to, di nasayang ang oras ko hehe
... siyet naging film review na ang post na to na dapat yung pagluluksa ko sa kakaisip ng kung anong isusulat ko sa kanetsugu fic lmao PERO DAHIL SA DOKUMENTARYO NAGKA-IDEYA AKO ... ng konti. PERO INSPIRASYON PA RIN YUN KAYA SALAMAT LELS
6 notes · View notes
anj-writes · 6 months
Text
Dakilang Mamamahayag
Matagal na akong tagahanga ng mga mamamahayag at mga manunulat. Walong taong gulang siguro ako noong una kong mahalin ang mga dokumentaryo gaya ng I-Witness, Reporter's Notebook, KMJS, Brigada, at marami pang iba. Mahilig akong magbalik-tanaw, mag-usisa, at mag-alam ng mga pangyayari na ang iba'y sa libro na lamang napag-uusapan. Walang kamatayang case studies. Walang kamatayang pagmamahal sa mga dokumentaryo. Walang kamatayang paghanga sa mga huwaran at dakilang mamamahayag. Sa kasalukuyan, si Ms. Kara David ang aking sinusubaybayan, hindi lamang kasi siya nagkukwento, niraramdam niya rin kung paano ang buhay ng mga taong isinisiwalat at inilalathala niya sa kanyang kwento. Samahan pa ng mga pambihirang salita na isinasambit niya. Full package. Wholesome. DAKILA.
0 notes
theprojectani · 6 months
Text
Tumblr media
"Dugo, Pawis, Luha"
by: Channen Dane Tallada
--------------------------------- 🌾 🌾 🌾 -----------------------------------
Sa isang klase namin ay sinabihan kami na manood ng isang bidyo na nagpapakita ng buhay ng mga magsasaka. Noong una’y naisipan kong hindi na ito panoorin sa dami ng aking ginagawa — pero dahil alam kong hindi ko rin ito masasagutan nang maayos kung ganoon ay napag-desisyunan ko pa ring manood na lang kaysa naman mag-pasa ako ng gawang maraming palya.
Noong una’y nanonood lamang ako at sinusubukang sagapin ang impormasyong nakikita ko sa bidyo. Hindi naman kasi ako palanood ng ganito, kaya hindi masiyadong nakuha nito ang interes ko. Pero sa kalagitnaan ng dokumentaryo ay biglang sumikip ang naramdaman ng dibdib ko. Nakita ko ang dugo at pawis na isinasakripisyo ng mga magsasakang hindi natatamasa ang ginhawang dapat nakukuha nila sa pag-ta-trabaho.
Nasaksihan ko ang paggupit nila sa kanilang buhok bilang paraan ng protesta. Sa bawat tunog ng paggupit ng kanilang buhok ay narinig ko rin unti-unting pag-biyak ng aking puso. Sa pag-saksi ko sa pag-patak ng kanilang mga luha’y naramdaman kong unti-unti nang nababasa ang aking mukha.
Luha.
Wala akong masiyadong alam sa gulong dinaranas ng mga magsasaka. Pero sa bawat dugo, pawis, at luhang walang labis na binubuhos ng magsasaka ay handa rin akong tumindig para sa kanilang ikagiginhawa.
0 notes
falconimillar · 1 year
Text
The Atom Araullo Specials: "Hingang Malalim," ngayong Linggo sa GMA Network!
Ilang libong taon nang sumisisid ang mga pamilyang nakatira sa mga karagatang sakop ng Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. Ano nga ba ang kayamanan na matatagpuan lamang sa kailalimlaliman ng dagat na pilit nilang inaabot hanggang ngayon? Panoorin ang pinakabagong dokumentaryo ni Atom Araullo, The Atom Araullo Specials: Hingang Malalim ngayong Linggo, 3:15 PM sa GMA Network. from GMA News…
View On WordPress
0 notes
zakomoya · 1 year
Text
nanonood si mom ng dokumentaryo tungkol sa kasaysayan ng british empire
WALA AKONG PAKIALAM DIYAN MAMAAAA
0 notes
mlmenopi · 2 years
Text
kapos ang ahitasyon, kaya't araw-araw nating kumbinsihin ang ating mga sarili sa kawastuhan ng digma
Dumarating tayo sa puntong panghihinaan ng loob, marahil dahil sa mga inabot ng gawain, sa mga naging kakapusan. At bilang mga peti b, ang pinakamadaling paraan lagi ay ang tumakas mula sa kahirapan at kumalimot saglit—ngunit marami ang hirap makabalik, hirap mahanap ang tamang "footing" para makakilos ulit.
Kaya napapaisip ako minsan, ang dali sigurong itulak ng sarili na magrebolusyon kung minu-minuto kang ahitado, tutal 'yun din naman ang unang naging dahilan bakit tayo tumapak sa lansangan habang sumisigaw ng 'Makibaka, 'wag matakot!'.
Wala ring oras ang hindi ko binabalik-balikan ang panahon na nag-ft ako, o sa salitang tibak ay fulltime na aktibista. Ito 'yung panahon na pakiramdam ko ay ang tapang-tapang ko. Ito 'yung panahon na basta nagpasya akong mag-impake ng ilang damit at umalis ng bahay. At wala rin namang oras na lumipas na hindi ko inisip na bumalik at talikuran ang natitira kong mumunting pangarap para sa sarili. (Pangarap ko talaga ang magproduce ng pelikula o dokumentaryo, pero wala ako kahit basic knowledge)
Sa ngayon, dinadalaw ako ng mga bagabag—ng mga 'gusto ko pero paano'. Mulat naman at buong-buo na tinatanggap ang kawastuhan ng digma, pero bakit ang dali ko itong tinalikuran sa panahong pinaka kailangan ako nito? Mga tanong na hinugot sa subhetibong sarili.
Kakapusin talaga tayo kung ahitasyon lang ang kinakapitan ng pagkilos. Kaya araw-araw nating kumbinsihin ang ating sarili, 'wasto ang digma.' Nasa katwiran ang ating ginagawa. At hindi man araw-araw na magtatagumpay ang mga gawain, nagsisilbi naman itong aral para magtagumpay sa susunod.
May liwanag pa naman. Hindi naman palaging gabi.
https://soundcloud.com/yung-apoy-sa-effigy/chaba-may-day-2011-speech?si=e1e803181f974f18966621bc7e38ea4d&utm_source=clipboard&utm_medium=text&utm_campaign=social_sharing
Tumblr media
0 notes
pattychuchay24 · 5 years
Text
EDUKASYON: MAKAKAPAGPABAGO O DAPAT BAGUHIN? (Pananaw sa Dokyumentaryong “Misedukasyon”)
Maaring lumipas na nga ang panahon. Maaring marami na ang nagbago sa ating lipunan. Maaring ang nakagisnan nating edukasyon noon ay iba na sa edukasyon ngayon. Nadagdagan na ang mga paaralan at maging ang pasilidad dito. Nagbigay din ang gobyerno ng mga teknolohiyang makakatulong umano sa progreso. Nawala ang diskriminasyon sa pagtanggap sa trabaho. Natupad na rin ng gobyerno ang libreng edukasyon. Ngunit sapat na ba ito upang mabigay sa atin ang pagbabago sa bayang ating inaasam-asam?
Sa halos labing limang taon ko nang pakikipagsapalaaran sa pampublikong paaralan bilang isang simpleng estudyante mula elementarya hanggang sa ngayong ako’y nasa kolehiya na, nasaksihan ko ang pamamalakad dito na layuning hubugin umano ang mga kabataan upang maging susi sa pagbabago ng bayan. Ngunit ngayon ko lamang talaga napag-isip isip ang lahat. Sa mahabang panahon kong pag-oobserba, ngayon lamang ako napatanong.
Kung nais ng gobyernong hubugin ang mga kabataan upang maging susi sa pagbabago ng bayan, bakit hindi nila matugunan ang napakarami pangangailangan sa paaralan? Ang sabi ng isang mataas na opisyal ng gobyerno, “quality education is expensive”. Mahal daw ang edukasyong may kalidad. Ngunit hindi ba’t parang baliktad? Dahil ang totoong edukasyong may kalidad ay iyong kayang abutin at iangat ang kabataan kahit siya ay nasa pinakaibaba. At hindi ba’t mayroon namang pondong nakalaan sa mahal na edukasyon na iyon? Pero nasaan na ang kalidad? Sa mga kompyuter bang ipinamamahagi sa iba’t ibang eskwelahan ngunit kulang naman kung ikukumpara sa mga gagamit na estudyante? Sa mahihinang materyales ba na ginagamit para sa silid aralang ilang panahon at bagyo lang ay hindi na mapakinabangan? Ang inaakala ng marami, nagawa na natin ang lahat, ngunit ang totoo nama’y puro tira tira lamang ang ating natanggap.
At isa pa, kung nais ng gobyernong hubugin ang mga kabataan upang maging susi sa pagbabago ng bayan, bakit tanggap na lamang ng tayo ng tanggap ng mga kaalaman nang hindi iniisip kung ito ba talaga ay may pakinabang? Ang karamihan sa librong ginagamit ng mga gurong pangturo sa mga estudyaneting Pilipino ay nakabase sa kurikulum ng mga dayuhan na kung tutuusin ay hindi naman akma sa sitwasyon ng bansa ngayon. Hindi rin natin masyadong binibigyang pansin ang agham panlipunan na mas huhubog sana sa ating kasarinlan. Imbes na ang pamamaraan ng pagtuturo ay tungkol sa usaping nakakapagpabago ng bayan, mas nakatuon tayo sa mga paksang ginagawang robot ang kabataan. At bakit patuloy nating tinatangkilik ang gawa ng ibang bansa kaysa sa sariling atin? Dahil sa eskwelahan pa lang, itinatak na sa ating isipan na magaling ang mga gawang banyaga at kung hindi natin ito tatangkilikin, tayo ay mapagiiwanan lamang. Ngunit kung tutuusin, kahit anong habol natin dito, hindi naman talaga ito ang makagbigay saatin ng totoong sagot sa pagbabago. Sa halip, nagagamit pa ito ng ibang bansa upang alipinin ang ating mentalidad at tayo mismo.
Kung nais ng gobyernong hubugin ang mga kabataan upang maging susi sa pagbabago ng bayan, bakit hindi muna natin baguhin ang sistema ng lipunan? Hindi ba’t dapat muna nating ayusin ang pamamalakad bago simulang ayusin ang nasasakupan? Dahil walang pinong buhangin ang siyang masasala sa butas na salaan. Kung gusto natin ng pagbabago, simulan nating ayusin, itama at baguhin ang taliwas at bulok na pamamaraan nang sa gayon, maayos din na daang ating tatahakin at madaling makamtan ang inaasam.
Patuloy lang ang mga kabataan sa pagpapalawig ng kanilang kaalaman upang hindi lamang umunlad ang buhay kundi matupad din ang pangitaing iniatang sa kanila ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal. Ngunit hindi lamang ang kabataan ang siyang dapat gumalaw upang sumibol muli ang pag-asa ng bayan. Kung lahat ay magtatanong rin at magtatyagang mag-isip ng sagot, mas mapapadali siguro ang proseso. Gusto natin ng pagbabago? Edukasyon ay ayusin, sistema ng lipunan ang baguhin. Ikaw, ano ang tanong mo?
– Cordero, Patricia Mae M. (BSBA-HRM 2-4D)
youtube
2 notes · View notes
pastorjamylcruz · 7 years
Photo
Tumblr media
On the way to Laoag... since 1995 tuwing bakasyon pumunta kaming pamilya sa Ilocos kina Ninong Peng para maka swimming sa Pasuquin (di ako alam kung tama ang spell) Beach kasama ang mga pinsan naming sina oliver, mabuti si Lord ang hanggang ngayon kaya pa ni papa bumiyahe, gala talaga, hehe, bonding na byahe na rin to, madalas ang byaheng malayo at taonan ay maraming alaalang sinasariwa sa iyong kamalayan... stop over bago dumiretso sa destinasyon... . . #document #sariwa #contentwriting #sulat #kwento #dokumentaryo #halaga #nakaraan #memorya #laoag #diary #journal #byahe #travel #gabi #kainan #pangasinan #sison #stopover #tatay #ama #anak #bonding #pamilya #pinoy #sarap #mabuhay (at Leeza's Kambingan, Seafoods, Bulaluhan)
1 note · View note
lapidmira · 3 years
Text
Destinasyong Sinisiyasat: Sa Baguio Mahahanap!
Tumblr media
Tanaw ang pagbagsak ng pira-pirasong dahon mula sa isang punong nakatirik. Pawang matagal na itong nagmamanman sa bawat dayuhang matagal na ring nagmamasid sa kanya.
Habang umiiral ang modernisasyon sa iba’t ibang dako ng bansang Pilipinas, mayroong natatanging lugar na kinagigiliwan ng nakararami; hindi lamang dahil sa taglay nitong malamig na klima, sa pinagmamalaki nitong strawberry jam o sa kakaiba nitong mga tanim gaya ng mirasol na hindi karaniwang matatagpuan sa ibang lalawigan, kun'di dahil na rin sa taglay nitong mayamang kultura.
Tumblr media
Hindi ko man ganap na sabihin ang pangalan ng tinutukoy kong lalawigan, alam kong natitiyak mo na ang nais kong bigyang pakahulugan: ang lungsod ng Baguio. Ang lugar na punong-puno ng pinausbong na kultura, mga tanawing makukulay sa mata, mga magigiliw na taong handang magbahagi ng kanilang pag-aari: ang lugar na puno ng kapayapaan, pagbibigayan at pagmamahalan. Ang lugar na parati kong nanais-naising balikan.
Ang Baguio sa Madilim na Kahapon
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa Esquire Philippines.
Taong 1846 nang pamunuan ng mga Kastila ang probinsya ng Benguet na kung saan pinaghiwa-hiwalay nila ang bawat lugar sa karatig nito upang bigyan ng kaniya-kaniyang kabansagan. Dala ng kolonisasyon, naipasa sa kilalang tribong Ibaloi ang isang kakaibang kultura. Ito ang labis na pagpapahalaga sa kanilang namayapang mahal sa buhay. Sa ibang tradisyon, ang mga yumao ay inililibing at humahantong sa mga pampublikong sementeryo: malayo sa piling ng kanilang pamilya at dinadalaw lamang tuwing may pagkakataon o pagdiriwang. Sa tribong Ibaloi, nakagawian na nilang ilibing ang mga bangkay ng mga patay sa loob ng bahay at bakuran dahilan ang paniniwalang kasama pa rin nila ito hanggang sa kasalukuyan.
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa I-Witness: ‘Our Baguio’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Taong 1900 naman nang dumating ang mga Amerikano sa Benguet. Sa kanilang pananakop, nagpatayo sila ng mga gusali at istrakturang may kaparehong katangian at hulma sa mga kayariang mula sa Amerika. Kung sasaliksikin ang ilang mga lumang larawan na kuha sa nasabing lugar, hindi maitatangging naroon pa rin ang dati nitong kasiglahan at diwa: ang nagsilbing ugat sa pagpapayaman ng mga tanawin at mga kagawian na atin na ngayong tinatamasa.
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa website na WordPress.
Taong 1908, kinilala ang lungsod ng Baguio bilang Summer Capital of the Philippines sa kadahilanang ito ang nagsisilbing takbuhan at destinasyon ng mga tao mula sa mababang lugar. Mula sa una nitong pangalan na Bagiw na nangangahulugang lumot, kasalukuyan na itong kinikilala sa pangalang Baguio, isang maunlad na sentro ng negosyo, komersyo at edukasyon.
Sa Likod ng Malinamnam na Lasa
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa Escape Manila.
Para sa mga suki ng malinamnam na ube at strawberry jam mula sa Baguio, ang mga pasalubong na ito ay may tinatago ring mga istorya na ugat ng gayong pagkakakilanlan. Pangunahing layunin ng pamunuan ng Good Shepherd Convent – ang pinakasikat na pamilihan ng mga subenir sa itinatampok na siyudad, ang pagbibigay ng edukasyong pang-kolehiyo sa mga kabataang mag-aaral. Bagamat marami ang nagbibigay paanyaya sa kanilang negosyo na sumangguni sa ibang korporasyon, hindi nila ito tinatanggap sapagkat nakasasapat na ang inilalaan nilang pagsisikap upang makapagtapos ang kanilang mga iskolar. Sinabi ng isang namumunong madre na kung kanila itong tatanggapin, mawawala lamang sa pokus at magagambala ang pag-aaral ng mga estudyanteng naghahanapbuhay.  
Ikalawa nilang adhikain sa pagbebenta ng subenir ang pagpapatayo ng mga organisadong grupo ng mga magsasaka, hindi lamang sa Benguet ngunit maging sa Ilocos at La Union. Sa pamamaraang ito, nabibigyang sapat na tugon ang agrikultura sa Baguio at sabay na napapanatili ang pangkabuhayang pinansyal ng mga manggagawa.
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa I-Witness: ‘Our Baguio’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Isa ring sikreto ng linamnam nito ang pagdarasal ng rosaryo habang ito ay pinoproseso ng mga trabahador. Ayon sa kanila, isang banal na pananim ang ube na hindi maaaring masugatan o mabagsak sa tuwing inaani, ‘di gaya ng ibang halaman. Kaya nga’t nang malaman ko ang impormasyong ito, bumili ako ng limang piraso upang maibahagi sa mga espesyal na tao sa aking buhay at upang makatulong na rin sa mga nagsusumikap nilang mag-aaral.
Mga Kaakit-akit na Kalye | Lugar ng Malikhaing Kamay
Tumblr media
Mula sa mga kuwadro na gawa sa mga eskultura, sa mga totoong kwento sa likod ng mga gawang sining, talaga namang sinasalamin ng mga malikhaing kulay sa pader ang kaluluwa ng isang malayang paglalakbay.
Para sa ilang mga tao, ang street art o graffiti ay itinuturing bilang isang gawa ng paninira o bandalismo: kakila-kilabot na tanawin na dapat patungan ng payak na kulay. Sa pananaw ng iba, kinikilala nila ito bilang isang likhang-sining, isang kasakdalan na nagpapahayag ng kanilang pagkakaiba-iba at kumakatawan sa kanilang talento na naiimpluwensyahan ng kultura, politika, musika, at relihiyon.
Tampok sa mga lansangan sa Baguio ang mga dinisenyuhang pader. Pinapayaman nila ang ganitong uri ng sining at kasanayan dahil natatangi itong demokratikong pamamaraan ng paghahatid ng opinyon sa publiko. Dagdag pa riyan, ang pagkakakilanlan ng mga sinaunang kultura ng tribong Ibaloi ay higit ding napapanatili sa pamamagitan ng street murals.
Ang Burnham Park
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa website na WordPress.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatanaw sa matayog na puno sa Burnham Park, isa sa pinakakilalang pasyalan ng mga turista sa Baguio. Isang espiritwal na repleksyon ang sumagi sa isip ko habang nakatingala sa matataas na sanga ng puno: ganito pala kayabong ang isang tanim na inalagaan, ang tanim na dumaraan sa unti-unting proseso ng pag-usbong, ang tanim na nagkamit ng kanyang kasaganahan ayon sa nakatakda nitong panahon.
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa WIkimedia Commons.
Tampok sa parkeng ito ang isang lawa, kilala sa bansag na Burnham Lagoon. Ayon sa kasaysayan, pinangalanan ito ng isang Amerikanong arkitekto at taga-plano ng lungsod na si Daniel Hudson Burnham.
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa website ng Detourista.
Tanaw mula rito ang pinakamataas na bundok sa rehiyon, ang Mount Cabuyao. Dagdag pa riyan, ang mga turista ay maaaring sumakay sa mga maliliit na bangka habang nililibot ang munting lawa.
Tumblr media
Habang nakasakay at pumapadyak sa ‘di pangkaraniwang bisekleta na matatagpuan sa parehong parke, naramdaman ko ang pagiging malaya dala ng pag-iisa. Hindi kalungkutan ang nangingibabaw sa aking dibdib kun’di nag-uumapaw na kasiyahan at pagtatanto. Sa bawat padyak ko nang hindi nalalaman kung saan ako patungo, pinili ko pa ring magpatuloy at ‘wag magambala sa maraming pangamba. Ang pangambang baka ubos na ang oras ng pagrenta ko sa bisekleta o kaya naman ang pag-aalinlangan na maiwan ako ng aking mga kasama. Kung isasabuhay, para lamang itong pagbagtas ng aking mga pangarap: wala akong dapat isipin kun’di ang aking layunin at mga naisin, dapat akong magpatuloy na kumayod sa kabila man ng mga balakid at mga negatibong pangyayaring magdaraan.
Tumblr media
Sa ganitong matamis na karanasan, 'paalam' ang pinakamahirap na bitawan. Kahit sa isang larawan ko na lamang ito madalas na mababalikan, alam kong nag-iwan ito sa puso ko ng isang reyalisasyon: unang parte pa lamang ito ng aking paglalakbay, kailangan kong magpatuloy dahil hindi pa ito ang nag-aabang na huling destinasyon na aking kalalagyan.
Hindi lamang sulit ang pagpasyal sa Burnham Park dahil sa mga tanawing taglay nito. Sa pagsampa sa iba’t ibang bahagi ng nasabing lugar, gaya ng Japanese Peace Tower at hardin ng mga rosas, malalasap mo rin ang mga nakamamanghang kasaysayan.
Ang Mines View Park
Tumblr media
Hindi ba't ang sarap huminga sa paligid na puno ng kapayapaan, sa humuhuning hangin na humahaplos sa ating mga balat?
Ang isang sulyap sa Amburayan Valley ay maaaring masaksihan sa view deck ng Mines View. Dahil sa kaakit-akit na tanawin ng mga bundok mula sa itaas, ang parke ay isa ring magandang lugar para sa pagkuha ng mga larawan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa parke, marami rin iba't ibang mga subenir tulad ng mga larawang inukit sa kahoy, mga tinitindang pilak, mga produktong habi mula sa Sagada, at iba pang mga gawang katutubo. Pinapayagan din ang mga turista na kumuha ng kanilang larawan kasama ang magagandang kabayo. Maaari mo ring maramdaman na ikaw ay isang Igorot sa pamamagitan ng pagrenta ng isang buong damit ng mga taga Cordillera. Para sa mga lalaki, kasama sa kasuotan ang bahag, kalasag, headdress at sibat. Para naman sa kababaihan, mayroon itong tapis, vest, at madisenyong headdress. Dagdag pa riyan, maaari rin matikman dito ang matamis na inihaw na mais at pusit.
Tumblr media
Sa malawak na tanawin mula sa itaas, gusto ko na lamang ibulalas lahat ng problemang aking nararanasan: mula sa pamilya, kaibigan at pag-aaral, maging sa pagdududa sa sarili kong kakayahan. Hindi ko ito naisakatuparan, nakakapit kasi sa aking kamay ang isang kaibigan. Katulad ko, marami rin siyang katanungan na gustong bigyang tugon. Sa oras na iyon, kailangan niya ng isang sandigan na magbibigay sa kanya ng katatagan. Hindi niya marahil gustong makarinig pa ng hinagpis ng kalungkutan.
Tumblr media
Sa oras na iyon, naunawaan kong hindi ako kailanman nag-iisa. Naunawaan kong hindi lamang ako ang biktima ng magulong tadhana o ng mapanghusgang lipunan. Sa kinatatayuan ko, pinili kong magpakatotoo laban sa aking kahinaan. Ganito pala ang pakiramdam ng pag-aalinlangan na baka hindi ko kayanin at malagpasan ang lahat: na baka sa isang iglap, mauwi sa wala ang lahat ng aking pinagpaguran.
Dahan-dahan kaming humakbang pababa ng hagdan. Sa huling sulyap ko sa pawang malalim na bangin, isang pagtatanto na naman ang sumagi sa'king isip: Ang katayugan ng bundok ay nakasalalay sa nais na marating ng kanyang mambabagtas. Muli, kung pipiliin kong mas manaig ang aking kahinaan, baka hanggang dito na lamang ang aking patutunguhan.
St. Scholastica Retreat House
Tumblr media
At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. (Mark 6:31)
Matatagpuan sa 108 Wagner Road, Military Cut-off, Baguio City, lugar ito para sa pribadong pagninilay at pagdarasal, para sa isang espiritwal na pag-uusap upang makinig sa abot-sigaw ng puso.
Tumblr media
Kuha ang larawan mula kay Gian De Leon.
Maliban sa mga kwentong nakatataas ng balahibo, isa rin sa kinasabikan ko sa lugar na ito ang mga pagpupulong na pinangunahan ng propesyonal na ispiker. Palagi niya kasing itinatampok ang kahalagahan ng pamilya sa tuwing siya ay nagbibigay paalala.
Bago ako lumisan sa aming tahanan upang mamasyal sa Baguio, nakabibinging bangayan muna ng aking magulang ang sumalubong sa paggising ko. Wika ko pa noon sa sariling diwa, matutuwa ako sa pansamantala kong pagkawala dahil walang gagambala sa payapa kong pag-iisip.
Sa dalawang gabing hindi ko nakasabay ang pamilya sa hapag-kainan, hinanap-hanap ko na agad ang halakhak ng nakababata kong kapatid sa tuwing kami ay nagtatalo tungkol sa isang paksa. Hinanap-hanap ko ang pangungumusta ng ina sa aking mga grado, na kahit madalas ay nagbibigay sa akin ng presyur, nagsisilbi pa ring inspirasyon ko upang lalong pagbutihan ang pag-aaral. Maging ang paghalik ng aking ama sa mga pisngi habang sinasabi na kami raw ang natatanging magkamukha sa pamilya.
Sa aking pagtulog, ninais kong maramdaman ang yakap ng ina. Nangako ako sa sarili: pag-uwi ko, agad ko siyang pagsasabihan ng lahat ng aking natutunan sa paglalakbay.
Tumblr media
Mula noon, mas lalong guminhawa ang aming ugnayan. Nalaman ko rin na ang kapayapaan ay nag-uugat sa matibay na pundasyon ng pagmamahalan. Hindi sa pagtakas, hindi sa paglilibang.
Tumblr media
Sa huling paglalarawan sa lugar ng St. Scholastica, sigurado akong mararanasan mo rito ang malalim na pagninilay-nilay na magbibigay ng panibagong pananaw tungo sa mga maling pang-unawa na akala mo dati ay nararapat at tama.
The Mansion House
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa website na TrekEarth.
Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng lungsod sa kahabaan ng C.P. Romulo Drive (dating bahagi ng Leonard Wood Road): tapat mismo ng Wright Park. Mas matanda ito kaysa sa lungsod at itinuturing na pinakasikat na pasyalan sa Baguio. Sa taglay nitong magagandang hardin at dinisenyuhang damuhan, ito ay isang paboritong pook para sa pamamasyal at pagkuha ng larawan.
Tumblr media
Napadpad ako sa harap ng ipinagmamalaking Malacañang. Mula sa itsura nito sa labas, mapapansin agad na ang mga nakasasampa sa palasyong ito ay tanging mga makapangyarihan lamang. Ang pasyalang ito ang pinakamaluwag sa paningin ngunit pinakamasikip sa pakiramdam. May limitasyon lamang ang pagkuha ng larawan, maging ang hangganan na maaaring hakbangan ng mga turista.
Ang lugar na ito ay patunay sa nanatiling puwang sa pagitan ng mga nakaluklok at mga ordinaryong mamamayan. Ang upuan sa palasyo ay alay sa may kalamangan habang ang semento sa labas ay iniluluklok sa walang kapangyarihan.
Maliit na pagtatanto lamang ngunit nakakaalarma dahil nakasalalay sa kanila ang ating kinabukasan.
Muli kaming sumakay sa bus, pasulong mula sa lugar na puno ng pagmamataas.
Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag
Tumblr media
Kuha ang larawan mula sa website na Luke Inspired.
Mula sa kataasan ng Baguio, napadpad akong nagdarasal sa isang simbahan sa Pangasinan. Huling destinasyon na kaya ito o panibagong simula na naman ng pagbabagtas?
Kahit hindi na ito kabilang sa mga kilalang pasyalan sa Baguio, karaniwang nagagawi ang mga turista sa Manaoag Church dahil ito raw ay makasaysayan at tunay na kagiliw-giliw. Libu-libong mga tao ang pumupunta sa lalawigan taun-taon upang maranasan ang kalikasang espiritwal ng lugar at kumuha ng iba't ibang mga atraksyon na may kinalaman sa relihiyon.
Sa loob ng isang oras na misa, nagbigay pasasalamat ako sa lahat ng biyayang aking natanggap: sa mga bagong kaalaman na aking natutunan, sa mga kaibigan na lagi kong nasasandalan, sa kaligayahang bigay ng aking pamilya at sa marami pang iba.
Huling Destinasyon: Ang Sarili
Tumblr media
Sa tatlong araw kong paghahanap ng huling patutunguhan, naunawaan kong hindi isang partikular na lugar ang aking uuwian.
Tulad ng Baguio na nagpapayabong ng kanyang nakagawiang kultura, marapat ko rin sigurong pagyamanin ang aking sariling paniniwala at kaugalian upang makamit nito ang lahat ng kanyang inaasam.
Sarili, ang huling destinasyon na nilaan sa akin ng mahabang paglalakbay.
Salamat Baguio! Hanggang sa muli!
Ikaw, ano pang hinihintay mo?
3 notes · View notes
linobrocka · 7 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Walang rape sa Bontok (2014)
direksyon ni Lester Valle
54 notes · View notes
Text
Watch "I-Witness: 'Liwanag sa Datal Bukay,' dokumentaryo ni Atom Araullo (full episode)" on YouTube
youtube
Tangina nakakaiyak mga problema ng bansa!
1 note · View note
charisse-n · 3 years
Text
Climate Justice
Ang buong mundo ay nakararanas ng climate change o pagbabago ng klima dahil sa paginit ng daidig. Ito ay nagsimula noong matagal na panahon na ngunit isa parin ito sa malaking problema sa mundo. Ang mga paunlad pa lamang na mga bansa tulad ng Pilipinas ay hindi gaanong nakaka-contribute sa mga carbon-dioxide emission na sanhi ng pagbabago ng klima ngunit tayo ang mas naapektuhan sapagkat kaunti lamang ang ating kagamitan upang mabawasan ang epekto nito sa ating bansa. Kaya tayo ay naghahanap ng hustisya (Climate Justice), na panagutin ang mga korporasyon o ang mga carbon majors na nagdudulot ng pinaka matinding polusyon sa hangin sapagkat maaari lamang nating makamit ang hustisya sa klima kung ang mga mayayamang bansa at korporasyon ay naging responsable para sa kanilang mga aksyon.
Tumblr media
Epekto ng Climate Change
Isang halimbawa ng climate change ay ang Yolanda na naganap dito sa Pilipinas kung saan libo libo ang namatay.Isa sa biktima nito ay si Agit Sanio, kilala sa pagbibigay buhay sa kulturang pilipino sa pamamagitan ng kanyang pagkahilig sa mga tattoo at musika, kung saan dalawa lamang sa pamilya nila ang nakaligtas.Sobra ang bilis ng pagtaas ng tubig na nagresulta sa pagdami ng nalunod.Mahigit 6000 ang namatay sa Yolanda at dahil sa climate change tiyak na mauulit pa ang ganitong sakuna kung hindi ito aagapan.Madalas din binabanggit ang bagyong yolanda noon pati na ng mga banyaga bilang babala sa climate change.
Ayon kay Peter Frumhoff, Union Concerned Scientist, hindi lang malalakas na bagyo ang dulot ng climate change, meron ding pagtaas ng mga tubig at matinding init o el niño na damang dama sa Mindanao lalo na sa Bukidnon noon kung saan nagkabitak bitak ang mga sakahan na may malaking apekto sa mga magsasaka.
Ayon sa bidyo, sa ibang malalaking bansa tulad ng mga bansa sa Europa at America, pagsinabing climate change, magbabawas lang sila ng konting damit panglamig dahil umiinit ang kanilang winter ngunit dito sa Pilipinas pag sinabing climate change, tag-gutom, malalakas na bagyo, may namamatay at grabe ang epekto.
Tumblr media
Ang bidyo sa ibaba ay ang dokumentaryo ni Howie G.Severino ukol sa climate justice. Ipinakikita dito ang mga hakbang na ginagawa upang labanan ang climate change.
youtube
Magandang nagawa na solusyon
Isa sa ginawang hakbang ng mga bansa ay noong 2015, nagkaroon ng pinaka mahalagang pagpupulong ng mga bansa sa kasaysayan, sa Paris, “Ang conference of parties or cop21”, ito ay pagpupulong ukol sa mga hakbang na gagawin para malabanan ang Climate Justice kung saan nakasalalay dito ang kinabukasan ng planeta.
Nagkasundo sa paris ang halos 200 countries na umaksyon para hindi na tumaas ng 1.5 dgree celcius ang temperatura planeta. Naghain ng petisyon ang Greenpeace Southeast Asia at Philippine Rural Reconstruction Movement. Ayon sa petisyon , dapat imbestigahan ang 50 miltinational companies sa Pilipinas na may malaking kotribuyon sa pilipinas. Sa paris din, nangako ang pilipinas na babawasan ng 70% ang carbon emission dito bago ang 2030.
Hindi Magandang nangyari
Hindi siguro gaanong kaepektibo ang kasunduan ng iba't ibang mga bansa sa pagbabawas ng carbon emission lalo na mga malalaking kumpanya sapagkat walang parusa sa mga hindi tutupad.
Kasabay rin ng pangakong babawasan ng 70% ang carbon emission sa Pilipinas ay nagbigay rin ng pahintulot ang gobyerno sa mga pribadong kumpanya na magpatayo ng 23 planta ng mga coal (ang pinaka maruming fossil fuel) dahil ito'y mas mura at dahil kulang sa enerhiya ang maraming lugar sa pilipinas.
Tumblr media
Paraang ginagawa ang mga mamamayan upang magkaroon ng climate justice
Para sa magkapatid na Saño, kilala sa mga ginagawa nitong muralsa na may magagandang adbokasiya, ito ay pag martsa mula italy hanggang france upang dalhin ang boses ng mga pilipino ukol sa climate justice. Sa kanilang paglalakbay nagiiwan sila ng mural bilang paalala tungkol sa climate change tulad ng mukha ng kanilang kaibigan si Agit Sustento ng Tacloban para ipaalala sa mga tao ang mga nasawi sa bagyong yolanda.
Tumblr media
Sa Tacloban mayroon silang planta ng enerhiya na hindi nagdudulot ng masyadong polusyon o climate change. Ito ay ang Leyte geothermal production field sa Ormoc, pangalawa sa pinaka malaking planta ng geothermal energy sa mundo.Ang enerhiya mula dito ay renewable, konting bahagi lang ng usok nito and ang may carbon dioxide, hindi tulad ng planta ng mga coal . 30% ng enerhiya sa Visayas ang galing na sa geothermal sources at maaari pa itong dagdagan sapagkat di hamak na mas malinis ang enerhiya ang galing sa geothermal, solar at ibang renewable ngunit kulang parin sa supply sa ating lipunan.Maaari matugunan ang kakulangan kung susuportahan ng gobyerno ang supply ng renewable energy.
Tumblr media
Suhestiyon ng iba kailangan na magiba ang pumuhay ang mga tao, lumayo sa mga mapanganib na lugar upang hindi paulit ulit na maging biktima ng climate change na tinatawag na adaptation ngunit marami parin ang hindi kayang hindi bumalik sa kanilang tahanan upang buuin ang kanilang tahan na sobrang nawasak ng bagyong yolanda ika nga iba maganda doon at nadoon ang pangkabuhayan nila at lilikas na lamang sila kung may bagyo na.
Konklusyon:
Tayong mga tao ang dahilan ng climate change, ang paggamit natin ng langis at iba pang fossil fuels ang isang pangunahing sanhi sa pagkawasak ng ating klima kaya tayo rin dapat ang gumawa ng solusyon. Sabi nga sa matagal na bansag ng mga aktibista sa Pilipinas, kung hindi tayo ang kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kailan pa?Upang mapagtagumapayan natin ang hamon sa ating planeta, tayo dapat ay magkaisa.
Salamat po sa pagbabasa. -Charisse Navarrete
1 note · View note
darkacademiablr · 4 years
Text
PLEASE STOP SCROLLING. This is important, urgent, and about the the human rights of Filipinos.
Only yesterday, the Anti-terror Bill was signed into law by the Philippine president. If the law is implemented, it practically removes people’s human rights and subjects citizens to more oppression from the government. There are already COUNTLESS forms of economic and governmental oppression present, which you can see through sources below. This law makes our present situation unbearably worse. Nobody is talking about this law on mainstream media outside of the country.
Here is a master list of sources about inequalities in the Philippines, both present and historical. All news articles are in English. Even if you are not Filipino, please still self-educate, REBLOG to spread awareness, and search up ways you can help. Sadly, I am afraid to share links to things such as petitions and donation drives because of the new law. However, I implore you to help one way or another. I know I can count on the academia community to listen and help us. Thank you.
Free Documentaries 
COVID-19 Response: The Atom Araullo Specials: COVID-19: Nang Tumigil Ang Mundo | Full Episode
This documentary is in Filipino but is still useful in understanding Philippine context during the pandemic. Please be prepared to witness the lack of government initiative and the struggles of socioeconomically disadvantaged Filipino citizens. For instance, this documentary includes how workers in the National Capital Region who live in provinces struggle to return to their homes due to poor transportation systems and abrupt government decisions. Regardless of whether or not you are able to understand the language, this documentary sufficiently showcases what is currently taking place in the Philippines in terms of the lack of medical supplies, government aid, and economic preparedness. Moreover, captured are the abuses of power due to Community Quarantine provisions (i.e. public humiliation of curfew-breakers, etc.)
Martial Law in Philippine History: BATAS MILITAR: Martial Law Under President Ferdinand E. Marcos Full Documentary
This is a historical documentary in Filipino. It aims to shed light on the Marcos Regime, wherein uncountable atrocities and abuses took place. This dictatorship is integral to learning about the previous injustices Filipino citizens suffered in the past and what the current Constitution intends to avoid from happening again. 
The Current Regime’s Extrajudicial Killings: Duterte's Drug War (full film) | FRONTLINE
This documentary is in English and has English subtitles. This is still happening today. This documentary depicts brutality on suspected drug users and seller. You will notice that those targeted are often from low socioeconomic classes. In the Philippines, the impoverished are subject to fear of being suspected as a “drug user” or “drug pusher” without their right to due process. There are more news articles on this below.
Education & Poverty (These were not made within the context of COVID-19. However, they contextualize economic inequalities in the Philippines as is, without the pandemic effects just yet. Hence, these documentaries are good for empathizing with citizens and understanding how bad economic inequality is in the Philippines.)
I-Witness: "Iskul Ko, No. 1!," a documentary by Sandra Aguinaldo (full episode) - in Filipino
I-Witness: 'Pag-asa sa Pagbasa,' dokumentaryo ni Kara David (full episode) - in Filipino
Investigative Documentaries: PAAralan (TREADucation) - in Filipino but has English Subtitles
The Philippines' Baby Factory | 101 East - in English
Fallen Angels. True cost of sex tourism: Philippine’s fatherless kids of Angeles City Streetwalkers - in English
Articles on Anti-Terror Bill: Republic Act No. 11479
Duterte signs 'dangerous' anti-terror bill into law - Rapple
Philippines: New Anti-Terrorism Act Endangers Rights …
The Act itself: House Bill - House of Representatives
Human Rights lawyer Diokno tells lawmakers: Focus on COVID-19, not on anti-terror bill
Duterte signs into law the controversial anti-terrorism bill
Anti-terrorism bill problematic even under the best gov't leaders
Bangsamoro leaders urge President Duterte to veto Anti ...
Articles on COVID-19 Response in the Philippines 
COVID-19 Response Budget (read for how funds are gathered)
Where did funds from 2019, 2020 budgets for coronavirus …
Big cuts in infra, education budgets to fund COVID-19 dole ..
TIMELINE: The COVID-19 response money trail
WB sees PH poverty worsening in COVID-19 recession ...
Community Quarantine Abuses 
Philippine Children Face Abuse for Violating COVID-19 Curfew
During coronavirus lockdown: Abused women, children more ...
Child abuse cases triple while PHL cities on Covid-19 lockdown
Rising cases of violence, abuse on women, children noted ...
Elder abuse increased during COVID-19 pandemic — CHR ...
Articles on the Drug War
'Do not be fooled:' Groups say panel probing drug war deaths 'damage control'
Philippines' 'War on Drugs' | Human Rights Watch
Duterte's drug war is wildly popular, despite thousands dead ...
Court verdict: Cops lied, Kian delos Santos helplessly killed
Philippines drug war: Police guilty of murdering Kian Delos ...
UN Rights Council to Investigate Killings in Philippine Drug War
UN Rights Office Criticizes 'Impunity' and 'Systematic' Violence ...
Disclaimer!
Some of these are old and some are new. This should be a starting point for self-education, not the whole picture. I chose these documentaries and articles based on how truthful their depiction is of Philippine issues. I do operate under limitations such as the minimal access to free documentaries and the number of news articles that are as unbiased as they can possibly get. However, I believe there are truths in these sources and it is our responsibility to digest this information as carefully as possible. I did cross-check this information from credible news sources, apart from documentaries which are highly limited as compared to news articles. As a student myself, I do not claim that these sources are perfect. I understand there are still biases and that there could be objective errors. If so, please message me so we can talk and address these errors. These sources were grouped into a master list for the sake of spreading awareness on Philippine issues, so let’s do our best to ensure the quality of this information.
21 notes · View notes
falconimillar · 2 years
Text
"Ulilang Sundalo," dokumentaryo ni Kara David sa I-Witness
“Ulilang Sundalo,” dokumentaryo ni Kara David sa I-Witness
Bagong pag-asa ang kadalasang hatid ng panibagong taon. Pero para sa mga asong nakilala ni Kara David anim na taon na ang nakararaan, makahanap na rin kaya sila ng bagong tahanan? Panoorin ang I-Witness ngayong Sabado, 10:30 PM sa GMA!   from GMA News Online / Public Affairs https://ift.tt/kTu9jvm
View On WordPress
0 notes
kalakian · 4 years
Photo
Tumblr media
Larawang kuha mula sa pelikulang K’na, The Dreamweaver.
Ang hirap magsulat nitong mga nakaraan. Ang hirap makialam. Ang hirap magsalita, lumaban at manatiling matino. Pakiramdam ko, bawat araw na nagdaraan ay unti-unti akong pinapanawan ng diwa. Kaya sa halip na hayaan ko ang sarili kong maupos, nanuod na lang ako ng mga pelikula.
Laking pasasalamat ko na maraming produksyon ang nagpasyang ibahagi ng walang bayad ang likha nilang mga pelikula. Karamihan nitong mga nakaraan ay nag-upload sa Youtube. Kung hindi mo alam kung saan ka makakakita ng full-length films at documentaries na gawang Pinoy o hindi ka makumbinsi na may mga magagandang pelikulang Pilipino, maaari mong tingnan ang ilan sa mga nakalista dito:
Cinema One
Black Sheep
Cinemalaya short films on Viddsee
Other Filipino short films on Viddsee
Maaari mo ring makita ang Vimeo profiles ng ilang mga filmmakers kung saan may pagkakataon kang tumulong sa mga ipinaglalaban nilang adbokasiya sa paraan ng pagbibigay donasyon. Pinanuod ko ang dokumentaryong Aswang na tungkol sa EJK sa Vimeo noong nagkaroon sila ng limited screening.
Sa Filmdoo naman ako naghahanap ng Indie films na gawa ng mga Pilipino o 'di naman kaya sa PelikuilaMania
Kung nais mong makabasa ng mga reviews tungkol sa mga Filipino films, maaari ka namang pumunta sa Cinema Bravo
Marami pa ring mga pelikulang Pilipino sa Iflix at Netflix. Mayroon rin sa iWant app o hindi naman kaya sa iWant.ph.
Maliban sa mga pelikulang Pilipino, tibayan pa natin lalo ang suporta sa mga dokumentaryo at sa mga pausbong na web o hindi naman kaya’y TV series. May ibubuga pa tayong mga Pilipino!
Yakap para sa’yo, kapatid  🤗
11 notes · View notes