#issue02
Explore tagged Tumblr posts
halalhyungwon · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
IWATA TAKANORI • GIANNA HOMMES ISSUE02 PART.01
31 notes · View notes
annadorothea · 10 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Looping longsleeve from my graduation collection, featured in the cover story for Archives Future issue02 💓
Photography - Tim Weerdenburg
Styling - Jan Hurxens
MUAH - Kato Fierkens
Model - Thijs Leushuis
2 notes · View notes
beestungmag · 9 months ago
Text
"perhaps your lips burn with the curse of my name, perhaps you’re the sort to rue the day of your first bee sting." Read Milena Bee https://beestungmag.com/issue02/two-poems-by-milena-bee/
0 notes
bootsycalico · 2 years ago
Text
My Dearest Kekwat,
‘The best love is the kind that awakens the soul and makes us reach for more’ that was what you have given to me.
I never wanted to end anything but at our times we both are hurting each others and the part where i’m scared the most if we were to bring the worst in each others.
It was painful to see you in pain, and it’s even painful to see you losing your true self.
They say, ‘ if you love someone, let them go, set them free’ i never understood this until i let you go.
And, IT was the biggest mistake.
#issue02
0 notes
jhave · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Attentions
0 notes
bewarethebasement · 7 years ago
Text
Ang Boss at Mamboboso: Ang Libidinal at Liminal sa Politika ng “Arkanghel sa Maccrotel”
John Daryl Alcantara
Tumblr media
Foreplay
Katulad ng danas ng panonood ng porno o isang live sex show, magsisimula ang danas ng dulang “Arkanghel sa Maccrotel” hindi sa mismong akto ng pagtatalik kundi sa antisipasyon ng mga manonood na masaksihan ito. Katulad rin ng isang blog na puno ng malalaswang kwento, hindi ka maaring makapasok sa Maccrotel nang hindi ka pumipirma sa kasunduang hindi pananagutan ng mga organizers kung ano man ang mangyari sa iyo sa kahabaan ng pagtatanghal. Ngunit kung bakit kailangan pa ng ganitong kontrata at ganitong paghahanda ay masasagot lamang sa sandali ng pag-arok sa iyo ng dula.
Una ka munang babatiin ng mga ungol na tumatagos sa siwang ng mga bintana. Sa ilang hakbang pa ay sasalubungin na ang iyong paningin ng hubad na mga katawan nina Gab (Third Alub), isang PR officer sa Tanggapan ng Pangulo, at Rap-rap (Maude Barcos), isang papalaos na baguhang artista. Naroon sila sa kama, na ilang metro lang ang layo sa iyo, pawisan at nagpapakasasa sa karangyaan ng kanilang pag-iisa.
Sa gitna ng mga naghahalinhinang hininga ng mga manonood ay magpapalitan sina Gab at Rap-rap ng laway at kwento. Magtatalo sila tungkol sa politika at showbiz, sa karahasan at pag-ibig, at sa mga kasinungalingang pinipili nating paniwalaan. Paulit-ulit nilang poproblematisahin ang etika ng pagtatanghal at pagpapakatotoo ng mga personalidad sa TV habang malay nila tayong inaanyayahang usisain ang mga natural na simbuyo ng  kanilang mga katawan. Kasabay ng pag-init ng silid ay ang pag-igting rin ng tensyon—sa pagitan ng dalawang  tauhan, at pagitan ng teksto, espasyo, aktor, at manonood— na tuluyang puputok sa iyo bago ka pa man makapag-check out.
Tumblr media
Paninilip, Pagpipiring at Pagtatanikala
Talamak na sa iba’t ibang media ang imahe ng mga nakahubong tao at mga taong nakikibahagi/nag-aaya ng mga tagamasid na makibahagi sa isang sekswal na aktibidad. Ginagamit ang mga replikasyon nito sa mga patalastas para makabenta ng ideya o produkto. Sa pornograpiya, talamak ang reproduksyon ng mga naturang imahe bilang ang mismong kalakal na kailangang ipatalastas at ibenta. Ngunit pagdating sa larangan ng teatro, ang katawan ay katawan at hindi imahe lamang, at ang hubad na katawan ay ang pinakadalisay na lunsaran ng makatotohanang pagpapanggap.
Madaling sabihing cheap gimmick lang ang paglalagay ng may-akdang si Vlad Gonzales ng mga eksena ng pagtatalik at kahubdan sa dula para gawin itong mas kontrobersyal. Ngunit sa paglalim ng gabi, higit pa sa isyu ng prostitusyon ang kailangang sikmuraing kontrobersya ng mga manonood. Sumuong rin ang dula sa masalimuot na usapin ng pulitikal na karahasan, kabulukan ng burukrasya ng administrasyon, at armadong tunggalian sa bansa.
Magpasagayunpaman, hindi pa rin natin maitatanggi kung paano kinasangkapan ng production staff ang aspeto ng kahubdan at pagtatalik upang makahikayat ng mga manonood. ‘Sex sells’ ika nga nila, pero sa kaso ng libreng pagtatanghal na ito ay walang dikta ng pamilihan o kumbensyon ng isang establishment na kailangang sundin. Sa Maccrotel, ang Kahubdan at Pagtatalik ay mga integral na bahagi ng katawan ng teksto. Ibinibilad ang mga ito, o ang simulasyon ng mga ito, sa Titig ng mga manonood upang mas madali nilang masalat ang mga pahiwatig.
Hinahamon ng dula ang manonood na ukilkilin ang mga pwersa ng mga institusyon na nagmamando at humuhulma sa mga batayan natin ng Malaswa at Disente. Para gawin ito, kumatha si Gonzales ng dalawang tauhang parehong nasa industriya ng pagpapanggap: isang batikang PR officer at isang baguhang aktor na suma-sideline bilang callboy. Matapos ang kanilang unang pagtatalik, bibigyan tayo ng pagkakataong masilip ang kanilang pagkakakilanlan lampas sa guhit ng kanilang balat. Mauulinigan natin na esensyal na bahagi ng trabaho ni Gab ang pagsusulat ng mga talumpati at paghahanap ng magandang anggulo ng balita para sa kasalukuyang pangulo. Parang scriptwriter lang, sagot ni Rap-rap, na magbabahagi rin kung paanong bahagyang fabricated lang pala ang ‘sob story’ niya noong sumali siya sa isang reality show. Istratehiko ang pag-iping ni Gonzales ng dalawang trabaho kung saan ang pagbuo ng pampublikong imahe ay nakasalalay sa paghahabi ng mga salita. Ito ang ginamit niyang pambuwelo sa lahat ng mangyayaring bungguan ng balat at labanan ng ideya sa pagitan ng mga tauhan.
Malinaw ang nais nitong sabihin  hinggil sa panlinlinang ng mass media sa publiko, ngunit sa ilalim ng direksyon ni Allen Joy Marquez, tumagos ang pagsusuri ng panlilinlang sa daynamiks ng burgis na teatro. Sa naturang pagtatanghal, higit sa 40 na manonood ang ikinahon mismo sa loob ng apartment-turned-art-space na Nomina Nuda. Batid nila na kailangan rin nilang magpanggap na wala sila sa loob ng tanghalan, kundi nasa loob ng Maccrotel. Pero para maitawid ang ilusyon ng privacy, kailangan rin nilang itanggi na hindi sila nakikita ng mga gumaganap na aktor at hindi rin nila nakikita ang reaksyon ng ibang manonood. Sa ganitong moda binibinyagan ng teksto ang mga manonood—lalo na yung mga nasa labas ng Nomina Nuda na aktwal na sumisilip lang sa bintana—bilang mga literal at piguratibong mamboboso. Binibinyagan rin nito ang pook-tanghalan bilang isang liminal na espasyo, na pina-iigting pa lalo ng liminal na panahon ng dula—ang transisyon sa bagong administrasyon.
Sinamantala ni Marquez ang liminalidad na ito upang mas mapaglaruan ang dama at diwa ng mga tauhan, aktor, at manonood. Sa pamamagitan ng ganitong pisikal na pagpoposisyon, pinalalabo ng pagtatanghal hindi lamang ang linya sa pagitan ng mga pribado at pampublikong espasyo, at ng mga gawaing katatanggap-tanggap na gawin dito, kundi maski ang pag-iral ng fourth wall ng teatro. Sa Maccrotel, ang mga manonood ay isinasangkot sa naratibo bilang mga maninilip, bilang mga bulag na konsumer ng mga yaring katotohanan, at sa paglaon, bilang mga walang kibong saksi ng isang krimen.
Roleplay/Powerplay
Sa bandang dulong bahagi ng unang pagtatalik,  pakakantahin ni Gab si Rap-rap ng popular na pambatang awitin na ‘Baby Shark’. Mag-aatubili ang binata sa simula pero aawit pa rin ito habang marahas siyang binabayo ng kliyente niya sa puwet. Bahagyang magtatawanan ang mga manonood sa eksenang ito pero madarama mo rin ang pagkabagabag nila sa nasasaktang mukha ni Rap-rap.
Isa sa sentral na tema ng dula ang Paggampan o Roleplaying. Sa mundo ng dula, ang mga tauhan ay may ginagampanang mga imahe sa loob at labas ng hotel sa parehong paraang ang mga tauhan ay ginagampanan lang din ng mga aktor. Sa pamamagitan ng eksenang ito, binigyan ng patikim ang mga manonood ng kung paano sasalatin ng teksto ang mga bakas ng sabayang pag-iral ng politikal at sekswal na kapangyarihan. Inaanyayahan rin nito ang mga manonood na galugarin ang ugnayan ng mga pwersang ito sa katawan ng tao at sa kalagayan ng bansa.
Pagkatapos labasan ni Gab, dagliang babangon sa kama at magbibihis si Rap-rap sa desperadong pagtatangkang ikubli ang sariling kahihiyan. Magpapaalam siya para umalis pero pipilitin siya ni Gab na manatili. Mahaba pa ang gabi, ani Gab, sayang naman raw yung nirenta niya sa kwarto. Bagaman halatang nag-aalinlangan, mananatili si Rap-rap dahil hindi pa rin naman niya nakukuha ang bayad sa kaniyang serbisyo. Makikita natin dito kung paano tinatahi ng salapi ang ugnayan at paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga uri sa lipunan. Kung sinong nakaaangat sa buhay ang siyang unang makararaos, at ang naghihikahos ay makararaos lamang sa pag-aproba ng nakaangat.
Sa konteksto ng dula, ang kolokyal na ‘top’ at ‘bottom’ ay hindi lamang mga katagang ginagamit sa pagtalakay ng homosekswal na pagtatalik. Sa halip, ang mga ito ay puwedeng ring tumukoy sa gendered na ugnayan ng mga pwersa sa isang macho-pasistang sistema. Binabalangkas nito si Gab bilang ang tipikal na agresibo at masculine na pinuno na nagtatanghal ng dayalektikong ugnayan ng  karangyaan/posisyon sa lipunan at ng virility ng isang tao. Si Rap-rap naman ang submisibo at  emasculated na lalaki: walang pera, sunud-sunuran, nagnanais kumawala ngunit hindi kaya.
Kasunod nito, paulit-ulit na babanggitin ni Gab na hindi pa ‘nakakapagpalabas’ si Rap-rap. Aalukin niya ito ng blowjob na siya namang tatanggihan ng binata. Para kumbinsihin ito, ibabahagi ni Gab ang karanasan niya sa isang dating kasintahan. Kung totoo, yari, o fabricated ang kwentong ito ay hindi na nilinaw sa pagtakbo ng kuwento. Para sa kaniya, ang pinaka-dalisay na paraan ng pagpapahayag ng tunay na pag-ibig ay ang pagsuko ng mangingibig sa iniibig, at iyon ay sa pamamagitan ng walang maliw na pagsubo ng tite at paglunok sa tamod nito.
Magpoprotesta ang baguhang artista sa simula ngunit mapapasuko na rin ito kalaunan sa husay ng batikang PR. Sa pagitan ng mga ungol, sapilitan ring susubuan ni Gab si Rap-rap ng mga kataga gaya ng “Bobo ang mga magsasaka!” at “Kasalanan ng NPA ang lahat!” na siya namang paulit-ulit na isisigaw ng binata hanggang sa labasan ito. Dito inehersisyo ni Gab ang hangganan ng kakayahan ng kaniyang bibig: bilang tagabuo at tagawasak ng mga ideya, bilang pampasigla ng libido, at bilang pampahina ng politikal na paninidigan. Nagresulta ito sa literal at piguratibong panghihina ng tuhod ng binata habang pikit-mata itong sumisigaw.
Binabaligtad ng teksto, sa gendered na pagbabalangkas na ito, ang tipikal na pagpapakahulugan sa akto ng pagtsupa. Matapos ang marahas niyang pagbayo kay Rap-rap sa simula, gagampanan naman ni Gab sa pamamagitan ng pagtsupa ang papel ng emasculated na Lalaki. Dito niya isinasabuhay, sa interpersonal na antas, ang relasyon ng Gobyerno at Mamamayan ayon sa retorikang “Kayo ang Boss Ko” ng Administrasyong Aquino. Ginamit ito ni Gab upang magluwal ng ilusyon na pinagsisilbihan ng top/nang-aaping uri ang bottom/uring inaapi nito.
Bagaman sinasabi ni Gab na ang pagtsupa ay pagsuko, at ang pagsuko ay pagmamahal, ang tunay niyang ginagawa ay pagsakop sa katawan, kapasyahan at politikal na kamalayan ng binata. Maihahambing rin natin ito sa pamamaraan ng mass media sa panandaliang pagpapatikim sa atin ng ating mga panggitnang-uring fantasya, habang nilalayo nito ang ating mga pandama sa materyal na kahirapang ating dinadanas.
Talik-tanaw
Lumulusong ang “Arkanghel sa Maccrotel” sa mga mala-lumpen, dekadente, at taboo na naratibo na kung hindi nalalapastangan ay iniiwasan ng mga manunulat. Nangahas si Gonzales na tuklasin ang isyu ng kurapsyon, kawalang-kapanagutan, at masaker ng mga magsasaka (na hindi natin maikakailang kahawig ng naganap sa Kidapawan noong 2016) sa pamamagitan ng di-direktang paglalahad sa mga ito. Sa halip na mga goons, o byuda, o mga ulila, o mga pesante, hinainan niya tayo ng dalawang hubong tauhan na parehong di-direktang kasangkot sa nasabing insidente.
Una itong nakatulong sa paglulugar ng mga manonood (na hindi rin naman direktang kasangkot sa piksyunal na Shambhala Masscare o sa totoong Kidapawan Massacre) ng kanilang personal na kasaysayan sa mas malawak na naratibo ng bansa. At ikalawa, naging instrumental ito sa paglilinaw ng ugnayan ng politikal na karahasan sa loob at labas ng mga pribadong espasyo. Sa pamamagitan ng simulasyon ng pagtatalik, panggagahasa at pisikal na karahasan, muling ibinabalik sa kamalayan ng manonood na ang mga katawan ng biktima sa mga balita ay hindi lamang mga imahe na baog sa kahulugan at kasaysayan. Maselan ang mga piniling tema ng dula at ang piniling paraan ng pagtatanghal nito, ngunit hindi rin natin maitatangging sa ganitong mambobosong lente at paghuhubad ng mga isyu lamang natin ganap na masasalat ang mga kinukubli nilang katotohanan.
Kabilang ang “Arkanghel sa Maccrotel” sa mga radikal na dula na hindi lang naglalayong maglahad at magbaklas ng mga isyu, kundi nagtatangka ring magbaklas ng mismong aestetiko na nagdidikta ng kung ano ang radikal sa entablado. Pinapaalala sa atin nito na silang may ekonomikong kapangyarihan ang may hawak ng baril, at silang may baril ang may hawak ng politikal na kapangyarihan. Binabalaan tayo nito na kung hindi tayo mangangahas sumilip, ay manghihina rin ang ating mga tuhod, mapapaluhod, at magpoprotesta tayo nang pikit-mata.
____
John Daryl Alcantara is a student, writer, graphic artist, and activist from Taguig City. He writes poems, short stories, and personal essays and tries to make zines during his free time, and writes academic papers and critical essays when the deadline is near. He is currently taking up BA Communication Arts in UPLB.  
twitter.com/dardarjinx
dalumatin.tumblr.com
instagram.com/darthdary
6 notes · View notes
barbiemichiru · 5 years ago
Photo
Tumblr media
A Fusion of traditional 03 issue  過去と未来。 伝統と革新。  相反するものの融合から生まれる 圧倒的な美しさ。  Photo by #YoshihitoSasaguchi  @sasaguchi_photo Make-up by Michiru (3rd) @barbiemichiru  Hair by Tetsu @hairtetsu @tetsujuku Model : #sakinakashima @saki_nakashima @@tomorrow_tokyo Art direction by Stor inc. Witten by Ayana @tw0lipswithfang   #iromagazine #issue02 #Fusion #融合  #イロマガ #truebeauty #noretouch #individuality #色#newstylebeauty #color #iromagazine #リタッチのいらないビューティ  2019.11.17 / 01Light issue from black moon https://www.instagram.com/p/B6h2vEcASnJ/?igshid=qeq5zpwjh1i5
0 notes
blackguardcomic · 5 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
ayyazriaz77 · 8 years ago
Photo
Tumblr media
#issue02 #false #messiah #christ #jesuschrist #AntiChrist #spotlight #divine #spirituality #imammehdi #prophetmuhammadﷺ #picoftheday #instagood #instadaily #inspiration #god #peace #love #london #art #artwork #design #photoshop #saudiarabia #Wahhabism #Christians #jews #Muslims
1 note · View note
candicethompson · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Do you love beautiful dancers like @co__henry + poetry? Now you can hear her read her poem from the latest @diydancermag print journal as part of our new audio launch! To listen subscribe via @patreon link in my bio. Time is now as more features are app. To follow for the 👂. I promise this will be worth $1 or more per month 🎧 💃 (@stephrwolf mixed it so it is 👌) 📷: @co__henry by Claudia Escobar appears in a beautiful spread in #issue02 https://www.instagram.com/p/Bqz61WWgJ8m/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=z0lddce9iv21
0 notes
beestungmag · 1 year ago
Text
"I wanted to memorize this tree, afraid I would forget what she looked like, and so I wrote her down on paper" Read "The Oak" by L. Sahara McGirt https://beestungmag.com/issue02/one-hybrid-by-l-sahara-mcgirt/
0 notes
azrulelight88 · 8 years ago
Photo
Tumblr media
What Batman truly fear has come.....oh boy😰😰😰😰 悪夢が来た....😱😱😱😱 #metal #issue02 #batman #dccomics #アメコミ #メタル #バットマン #dcコミックス
0 notes
bewarethebasement · 7 years ago
Text
Ang Hardin
Justin Firmalo
Tumblr media
___
Si Justin Firmalo ay isang estudyante ng Sosyolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas – Los Baños. Miyembro siya ng KULAYAN – UPLB, Center for Nationalist Studies – UPLB at ng Samahang LAYB. Layunin ng Samahang LAYB na ilabas ang maliit na batang manunulat na nakatago sa ating mga pagkatao. Layunin nitong hasain ang ating natural na potensyal bilang isang manunulat. Ang LAYB ay walang pakialam kung sino ka—mapamayaman, mapamahirap, ComArts, Agri, Bio, oh kahit ano pa ang course mo.
facebook.com/SamahangLayb
twitter.com/SamahangLayb
samahanglayb.wordpress.com
1 note · View note
barbiemichiru · 5 years ago
Photo
Tumblr media
A Fusion of traditional 03 issue  過去と未来。 伝統と革新。  相反するものの融合から生まれる 圧倒的な美しさ。  Photo by #YoshihitoSasaguchi  @sasaguchi_photo Make-up by Michiru (3rd) @barbiemichiru  Hair by Tetsu @hairtetsu @tetsujuku Model : Asaki Nakashima @tomorrow_tokyo Art direction by Stor inc. Witten by Ayana @tw0lipswithfang   #iromagazine #issue02 #Fusion #融合  #イロマガ #truebeauty #noretouch #individuality #色#newstylebeauty #color #iromagazine #リタッチのいらないビューティ  2019.11.17 / 01Light issue from black moon https://www.instagram.com/p/B6h2ergAErA/?igshid=1mabp0hfah5cp
0 notes
blackguardcomic · 5 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
ultrararemagazine-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
The wait is no more and the issue is finally complete, we got some fresh articles and great stories told. Issue 02 is finally here and we hope y'all been waiting for this day with great patience. Links to download sites dropping tomorrow at 12AM hope y'all is ready to see what creativity is being brought to your eyes. Spread the word and let's make the magazine go viral. Share with your friends so that they can share with their friends and their friends friends. Help us expand and see big things happen. Also follow us on social media: Facebook: Ultra Rare Magazine Instagram: @ultrararemagazine Twitter: @ultrarare_mag Tumblr: Ultra Rare Magazine Ultra Rare we are the future. Stay tuned... #thewaitisnomore #issue02
0 notes