Tumgik
#mahaba habang panonood to
Text
Watch The Marvel Movies In Order
Tumblr media
AVENGERS: ENDGAME, opening on April 26, is more than just another Marvel movie. It’s the final film in a story that’s been over a decade in the making, a celebration of everything Marvel Studios has done to date. If you’re like us, a binge-watch of the entire MCU is in order to prepare for the big event. Here’s the big question: How should you watch the Marvel movies in order?
There are two common ways to build a Marvel movies timeline. The first is in release order, kicking off with 2008’s IRON MAN. The second is in chronological Marvel movie order, following the order of events. That means moving CAPTAIN AMERICA: THE FIRST AVENGER to the pole position and shuffling Phase Three’s movies in some interesting ways.
Over on Reddit, however, one smart fan suggested another approach — a thematic structure that may be the best viewing order yet. Here it is, updated for the latest Marvel movie releases.
Captain America: The First Avenger 
Tumblr media
CAPTAIN AMERICA: THE FIRST AVENGER is something of an extended introduction to the MCU. The bulk of the movie is set in the ’40s, and it introduces viewers to the SSR, which becomes S.H.I.E.L.D. Even the end-credits sequence, which features Nick Fury, is a nice setup for everything that will follow. Want to watch the Marvel movies in order? Start here.
Captain Marvel
Tumblr media
CAPTAIN MARVEL effectively takes the spot formerly held by IRON MAN as the proper kickoff for the entire MCU. The story is primarily set in the mid-’90s and features the first evolution of S.H.I.E.L.D. and an important stage of Nick Fury’s career. The story also sets up the Kree (later seen in GUARDIANS OF THE GALAXY) and, most importantly, deals with an object that becomes significant toward the end of Marvel’s Phase One. As the origin story for Carol Danvers (Brie Larson), this also feels more like a Phase One movie than anything Marvel has done in the past few years. In terms of tone and theme, it sits well in the beginning of the viewing order. Yes, there’s a connection to INFINITY WAR and ENDGAME, but just keep this film’s first post-credits sequence in your back pocket for later.
Iron Man
Tumblr media
Although IRON MAN was the first MCU movie, it has more power when placed here. We know who Howard Stark is thanks to THE FIRST AVENGER. Watching his son take his first faltering steps into the “bigger universe” is an effective stage of the MCU movie order. The final scene, with Nick Fury stepping out of the shadows, will take on a subtly different meaning after the events of CAPTAIN MARVEL. Rather than hint at the birth of the MCU, it will become connective tissue linking the first three films together.
Iron Man 2
Tumblr media
After IRON MAN introduces viewers to the modern-day iteration of S.H.I.E.L.D., the sequel dives deep into that organization. It also features Nick Fury in a far more significant role, allowing viewers to get a sense of just who this figure really is. Meanwhile, the focus on Howard Stark’s legacy continues to draw the narrative threads together. It makes perfect sense to watch IRON MAN 2 at this point.
The Incredible Hulk
Tumblr media
This particular adjustment to the viewing order is appropriate — while THE INCREDIBLE HULK actually happens at the same time as IRON MAN 2, the end-credits sequence assumes Stark now has a “consultant” role with S.H.I.E.L.D.
Thor
Tumblr media
THOR introduces viewers to Asgard and launches a series of stories inspired by events in the Realm Eternal. At the same time, it continues to develop the story of S.H.I.E.L.D., with Coulson and Hawkeye playing important roles.
The Avengers
Tumblr media
This is a natural fit after the events of THOR, continuing many of that film’s themes and character arcs. Loki returns as a villain; the concept of the Tesseract is explored; and the existence of dangerous alien beings becomes public knowledge when the Chitauri invade New York. There’s also a more subtle detail as this is the first film to really hint that S.H.I.E.L.D. isn’t just “good guys.” THE AVENGERS includes a disturbing sequence in which the World Council orders a nuclear attack on American soil.
Thor: The Dark World
Tumblr media
Here’s where the order of events really changes, but for good reason. The last two films have explored the cosmic side of the MCU, and it makes sense to continue that line. Some of the most important themes and ideas — particularly the relationship between Thor and Loki — follow on perfectly from THE AVENGERS. This also introduces the idea of the Infinity Stones, although they’re only partly explained at this point.
Guardians of the Galaxy
Tumblr media
Continuing the cosmic focus, GUARDIANS OF THE GALAXY unveils another Infinity Stone. The Collector, introduced in the stinger of THOR: THE DARK WORLD, makes another appearance, tying the two films together. Viewers are left with a strong sense that the Infinity Stones are being brought into play across the universe.
Guardians of the Galaxy Vol. 2
Tumblr media
The events of GUARDIANS OF THE GALAXY VOL. 2 are set only a couple of months after the first film, so it makes sense for this to follow straight on. It continues the space-opera style and tone established by the last two films in our Marvel movie order.
Iron Man 3
Tumblr media
The cosmic diversion is over, and the focus now moves back to Earth, where Tony Stark is dealing with the emotional fallout from THE AVENGERS. The passage of time between the films actually makes Tony’s PTSD feel more significant, while also more making it feel more natural that Stark has had the time to build so many armors.
Captain America: The Winter Soldier
Tumblr media
Continuing with the Earthly focus, this movie shows what Captain America is up to. This story could even be happening at the same time as IRON MAN 3, explaining why Cap doesn’t help Tony against the Mandarin and why Stark isn’t on hand to deal with Hydra. Or maybe Cap and Stark are merely still wary of one another at this stage. Perhaps most importantly, placing this film here begins a Falcon arc that will run through the next few movies.
Avengers: Age of Ultron
Tumblr media
This is another natural fit. The film opens with the Avengers taking down a major Hydra base. In thematic terms, placing this close to IRON MAN 3 makes Tony’s emotional journey feel more immediate and natural. This film also begins to tie the Earth-bound adventures into the cosmic stories, with another Infinity Stone revealed. Thor’s vision establishes a sense of impending threat.
Ant-Man
Tumblr media
Set in the immediate aftermath of AVENGERS: AGE OF ULTRON, ANT-MAN contains subtle references to the devastation at Sokovia. Placing it here in the lineup makes the Falcon fight carry additional weight, bringing Sam closer to primary character status. 
Captain America: Civil War
Tumblr media
The Sokovia arc that begun in AVENGERS: AGE OF ULTRON comes to a head in CAPTAIN AMERICA: CIVIL WAR, tearing the Avengers apart. CIVIL WAR acts as the launchpad for the next batch of Earth-bound stories, so they slot in nicely after it. It also follows on perfectly from ANT-MAN’s end-credits scene.
Black Panther
Tumblr media
Black Panther was introduced in CIVIL WAR, and this continues his story. It’s appropriate to drop this movie in next, as BLACK PANTHER is set only a week after the Avengers divide, and the Wakandan focus follows on nicely from the end-credits sequence.
Spider-Man: Homecoming
Tumblr media
Set two months after CIVIL WAR, SPIDER-MAN: HOMECOMING focuses on Peter Parker. It’s important to note that Tony Stark has been given time to heal a little, so this viewing order makes sense.
Doctor Strange
Tumblr media
Placing DOCTOR STRANGE here gives the film real importance as a thematic tie between the MCU’s Earth-bound and cosmic movies. DOCTOR STRANGE introduces the concept of magic and brings the Time Stone into play. The Quantum Realm also plays a subtle role, as Strange glimpses it while being sent careering through the dimensions. Finally, the end-credits scene leads nicely into THOR: RAGNAROK.
Thor: Ragnarok
Tumblr media
This film follows on logically from DOCTOR STRANGE. (There’s even a cameo.) The end credits begin the direct buildup to AVENGERS: INFINITY WAR, with the Asgardian refugees intercepted in space by Thanos.
Ant-Man and the Wasp
Tumblr media
This is a difficult one to place in this thematic structure. While it returns to the Earth-bound adventures, ANT-MAN AND THE WASP is fantastical and funny. The bulk of the story is set before the events of AVENGERS: INFINITY WAR, so it makes sense to place it here. This particular viewing order does change how the post-credits scene plays, however. Rather than knowing what’s going on, you’re with the same sense of shock and horror felt by Hank Pym or Scott Lang.
Avengers: Infinity War
Tumblr media
In this order, AVENGERS: INFINITY WAR will be the last thing you watch before AVENGERS: ENDGAME. That works particularly well when you consider that, according to screenwriters Christopher Markus and Stephen McFeely, the snap was originally in ENDGAME. These two films may not be a traditional Parts I and II anymore, but their relationship is so close that it’s better to watch them back to back — just how they were filmed.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Not really a fan of Superhero Movies, but after watching Captain Marvel last Friday, I was hooked. I’ve decided then to binge-watch all the Marvel Movies so I can catch up before they release the Avengers : Endgame. My only dilemma was, I have no idea what to watch first and so on. I tried to do a little research and I came across with this article. I’ve watched the 1st three movies, and since I’ve already tendered my resignation, I have all the time to finish the remaining movies before the opening of the final story. Yey!!
39 notes · View notes
ephaix18 · 3 years
Text
KALUSUGAN NG KAISIPAN
Tumblr media
Halos dalawang taon na mula ng magsimula ang pandemiya na patuloy pa rin natin nararanasan ngayon. Dahil sa pandemiya na dala ng Covid-19, lahat tayo ay matatagpuan sa mga kaniya-kaniyang bahay at sa loob nito pinagpatuloy ang mga sarili nating buhay.
 Ang mga paglalakbay papuntang trabaho ay napalitan ng pagbubukas ng mga kompyuter at laptop. Ang mga silid aralan at libro ay napalitan ng selpon at iba't ibang uri ng gadyet na ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral bilang mga platapormang pang-edukasyon. Dahil sa biglaang pagbabago sa buong mundo malaki ang naging epekto nito sa mga kaisipan natin. Ang ating pisikal na kalusugan ay importante at dapat natin alagaan ngunit marami sa atin na nalilimutan o kaya'y isinasawalang bahala ang kalusugan ng kanyang kaisipan. 
Kalusugan ng ating isipan ay mapapanatili sa pamamagitan ng mga paraan na sumusunod:
 SAPAT NA TULOG
- Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay ang pangunahing paraan upang mapanatiling malusog ang ating kaisipan. Sapagkat, ang tulog ay pahinga at dahil araw-araw ay ginagamit natin ang ating kaisipan nararapat lamang na may sapat na oras tayo para ipahinga ito. 
Ayon sa aking pagsasaliksik mayroon iba't ibang oras ng tulog na nararapat depende sa edad ng tao. Mas mahaba ang kailangan na tulog ng mga bata kumpara sa mga matatanda. 
Ang mga bata na may edad tatlo hanggang limang taong gulang ay inirerekomenda na magkaroon ng sampu hanggang labing tatlong oras na tulog. Habang ang mga anim hanggang labintatlong gulang ay kailangan ng siyam hanggang labing-isang oras na tulog.
 Ang mga teenager naman na edad labing-apat hanggang labimpito ay inirerekomenda na magkaroon ng walo hanggang sampung oras na tulog. Ang mga mas matanda na sumunod sa mga teenager ay pito hanggang siyam na oras na tulog ang kailangan 
TAMANG PAMAMAHALA NG ORAS
 -Kahit na lahat tayo ay matatagpuan sa mga sarili nating tahanan ay hindi ibig sabihin nito na wala o di kaya’y kaunti lamang ang mga gawain. Ang pagkakaroon ng magulong isip ay nakakapanghina ng loob at pisikal na katawan. Lalo na para sa mga magulang, guro, mag-aaral at mga nag- tatarbaho. 
Kaya naman importante na marunong tayo mamahala ng ating mga oras. Upang mas maging maayos ang ating isipan at maiwasan ang "burnout" o di kaya'y "stress". Ang paggawa ng mga listahan para sa mga gawain ay epektibo lalo na para sa mga mag-aaral dahil nga biglaan at hindi naman napaghandaan ang mga online classes lalo na sa bansa natin. Ang pagkakaroon ng maayos na listahan upang sundin ng mga kabataan ay nakakabawas sa gulo ng kanilang isipan.
LIBANGAN 
-Isang paraan pa upang mapanatiling maayos at malusog ang ating kaisipan ay ang pagkakaroon ng libangan. Ang mga halimbawa nito ay mga mobile at kompyuter games, pagpinta, pagguhit, paggawa ng mga DYI, panonood ng palabas at marami pa. Hindi naman masama na magkaroon ng ibang gawain bukod sa pag-aaral at pagtatarbaho ngunit siguraduhin lang na hindi ito sosobra at makakaapekto sa ibang gawain at responsibilidad natin. Ang pagkakaroon ng libangan ay mayroong napakalaki at magandang epekto na dala sa kalusugan ng ating kaisipan sapagkat binabawasan nito ang stress at nabibigyan tayo ng mga bagong ideya na maaring makatulong sa ating mga gawain.
 PAGPAPATINGIN 
-Upang mas magkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa kalusugan ng ating kaisipan mainam na tayo ay magpatingin sa isang lehitimo at lisensyado na psychiatrist. Hindi kabaliwan ang ibig sabihin ng pagpapatingin. Ito ay parte ng ating kalusugan at ang utak natin ay malaking parte ng ating katawan kaya naman walang masama kung tuwing taon ay kahit isang beses man lang ay magpatingin tayo. Ang nirerekomenda na dalas ng pagpapatingin ay isang beses tuwing pagkatapos ng tatlong buwan. Marami sa atin na natatakot at nahihiya na magpatingin dahil maaring alam na natin na may dinaranas tayo na sakit at hindi maayos ang kalagayan natin o di kaya'y noong mga panahon na tayo'y humingi ng tulong at nagsalita ay hindi tayo pinansin. Ito ay mga senyales kung bakit mas nararapat tayo’y magpatingin sapagkat ang isang psychiatrist ang tunay na makakatulong sa atin upang bigyan ng sapat na atensyon at aruga ang mga karamdaman natin
MUSIKA
- Ang pakikinig o di kaya'y pagkanta at pagsulat ng musika ay napatunayan na mabisang nakakatulong sa kalusugan ng ating kaisipan. Hindi lamang ito pampatalino sapagkat ang musika ay isang daan upang ilabas ang ating mga iniisip at nararamdaman. Napapagaan nito ang ating pakiramdam at napapatalas nito ang ating memorya.
 Ayon sa aking karanasan bilang isang teenager at estudyante napaka epektibo nito. Ang musika sa akin ay hindi nawawala sapagkat ito ay karamay ko lalo na kapag hindi ko masabi ang mga iniisip at nararamdaman ko. Simula pagkabata ang lagi ko naiisip tuwing nakikinig ng musika ay hindi bali na kung mabulag o kaya'y mawalan ako ng pang amoy at panglasa basta ang wag lamang mawala ay ang aking pandinig. Kahit na anong oras at ginagawa ko ay nakikinig ako ng musika. 
Masaya, malungkot o galit man ako ay musika ang pampakalma ko. Napapagalitan pa nga ako madalas dahil nagpapatugtog ako kahit naliligo o naghuhugas ng plato ngunit kahit ganoon wag kayong titigil makinig. Ito ang mga prueba at dahilan kaya naman nirerekomenda ko na makinig kayo ng kahit anong musika na natitipuhan nyo para naman mabawasan o mailabas ang mga iniisip at nararamdaman ninyo.
Tumblr media
Hindi madaling labanan ang mga negatibong bagay lalo na kapag ang sariling isipan na ang pinapanggalingan. Kahit anong edad o kahit ano man ang karanasan at trabaho mo sa buhay ang kalusugan ng iyong kaisipan ay hindi isang bagay na dapat pinapabayaan. Tunay na masakit at mahirap kapag ang mga negatibong bagay ay mismong nanggagaling na sa sariling kaisipan ngunit unti-untiin mo lamang na labanan at ikaw mismo ang mag-alaga sa sarili mo.
 Lalo na sa nararanasan at panahon natin ngayon. Ang pagkakaroon ng malusog at matibay na kalusugan ng kaisipan ay napaka importante dahil sa aking opinyon ang mga problema at ang pandemya na nararanasan natin ngayon ay isang pagsubok sa kalusugan ng ating kaisipan. 
Lagi mo tandaan na maging mabuti at maintindihin ka pagdating sa ibang tao sapagkat hindi mo alam kung ano ang kanyang dinaramdam at nararanasan ngunit wag mo din kalimutan ang tao na dapat mo pinaka intindihin at bigyan ng aruga. Siya ay ang tao na nakikita mo sa salamin, sa madaling salita ay ang iyong sarili.
54 notes · View notes
bewarethebasement · 6 years
Text
Ang Boss at Mamboboso: Ang Libidinal at Liminal sa Politika ng “Arkanghel sa Maccrotel”
John Daryl Alcantara
Tumblr media
Foreplay
Katulad ng danas ng panonood ng porno o isang live sex show, magsisimula ang danas ng dulang “Arkanghel sa Maccrotel” hindi sa mismong akto ng pagtatalik kundi sa antisipasyon ng mga manonood na masaksihan ito. Katulad rin ng isang blog na puno ng malalaswang kwento, hindi ka maaring makapasok sa Maccrotel nang hindi ka pumipirma sa kasunduang hindi pananagutan ng mga organizers kung ano man ang mangyari sa iyo sa kahabaan ng pagtatanghal. Ngunit kung bakit kailangan pa ng ganitong kontrata at ganitong paghahanda ay masasagot lamang sa sandali ng pag-arok sa iyo ng dula.
Una ka munang babatiin ng mga ungol na tumatagos sa siwang ng mga bintana. Sa ilang hakbang pa ay sasalubungin na ang iyong paningin ng hubad na mga katawan nina Gab (Third Alub), isang PR officer sa Tanggapan ng Pangulo, at Rap-rap (Maude Barcos), isang papalaos na baguhang artista. Naroon sila sa kama, na ilang metro lang ang layo sa iyo, pawisan at nagpapakasasa sa karangyaan ng kanilang pag-iisa.
Sa gitna ng mga naghahalinhinang hininga ng mga manonood ay magpapalitan sina Gab at Rap-rap ng laway at kwento. Magtatalo sila tungkol sa politika at showbiz, sa karahasan at pag-ibig, at sa mga kasinungalingang pinipili nating paniwalaan. Paulit-ulit nilang poproblematisahin ang etika ng pagtatanghal at pagpapakatotoo ng mga personalidad sa TV habang malay nila tayong inaanyayahang usisain ang mga natural na simbuyo ng  kanilang mga katawan. Kasabay ng pag-init ng silid ay ang pag-igting rin ng tensyon—sa pagitan ng dalawang  tauhan, at pagitan ng teksto, espasyo, aktor, at manonood— na tuluyang puputok sa iyo bago ka pa man makapag-check out.
Tumblr media
Paninilip, Pagpipiring at Pagtatanikala
Talamak na sa iba’t ibang media ang imahe ng mga nakahubong tao at mga taong nakikibahagi/nag-aaya ng mga tagamasid na makibahagi sa isang sekswal na aktibidad. Ginagamit ang mga replikasyon nito sa mga patalastas para makabenta ng ideya o produkto. Sa pornograpiya, talamak ang reproduksyon ng mga naturang imahe bilang ang mismong kalakal na kailangang ipatalastas at ibenta. Ngunit pagdating sa larangan ng teatro, ang katawan ay katawan at hindi imahe lamang, at ang hubad na katawan ay ang pinakadalisay na lunsaran ng makatotohanang pagpapanggap.
Madaling sabihing cheap gimmick lang ang paglalagay ng may-akdang si Vlad Gonzales ng mga eksena ng pagtatalik at kahubdan sa dula para gawin itong mas kontrobersyal. Ngunit sa paglalim ng gabi, higit pa sa isyu ng prostitusyon ang kailangang sikmuraing kontrobersya ng mga manonood. Sumuong rin ang dula sa masalimuot na usapin ng pulitikal na karahasan, kabulukan ng burukrasya ng administrasyon, at armadong tunggalian sa bansa.
Magpasagayunpaman, hindi pa rin natin maitatanggi kung paano kinasangkapan ng production staff ang aspeto ng kahubdan at pagtatalik upang makahikayat ng mga manonood. ‘Sex sells’ ika nga nila, pero sa kaso ng libreng pagtatanghal na ito ay walang dikta ng pamilihan o kumbensyon ng isang establishment na kailangang sundin. Sa Maccrotel, ang Kahubdan at Pagtatalik ay mga integral na bahagi ng katawan ng teksto. Ibinibilad ang mga ito, o ang simulasyon ng mga ito, sa Titig ng mga manonood upang mas madali nilang masalat ang mga pahiwatig.
Hinahamon ng dula ang manonood na ukilkilin ang mga pwersa ng mga institusyon na nagmamando at humuhulma sa mga batayan natin ng Malaswa at Disente. Para gawin ito, kumatha si Gonzales ng dalawang tauhang parehong nasa industriya ng pagpapanggap: isang batikang PR officer at isang baguhang aktor na suma-sideline bilang callboy. Matapos ang kanilang unang pagtatalik, bibigyan tayo ng pagkakataong masilip ang kanilang pagkakakilanlan lampas sa guhit ng kanilang balat. Mauulinigan natin na esensyal na bahagi ng trabaho ni Gab ang pagsusulat ng mga talumpati at paghahanap ng magandang anggulo ng balita para sa kasalukuyang pangulo. Parang scriptwriter lang, sagot ni Rap-rap, na magbabahagi rin kung paanong bahagyang fabricated lang pala ang ‘sob story’ niya noong sumali siya sa isang reality show. Istratehiko ang pag-iping ni Gonzales ng dalawang trabaho kung saan ang pagbuo ng pampublikong imahe ay nakasalalay sa paghahabi ng mga salita. Ito ang ginamit niyang pambuwelo sa lahat ng mangyayaring bungguan ng balat at labanan ng ideya sa pagitan ng mga tauhan.
Malinaw ang nais nitong sabihin  hinggil sa panlinlinang ng mass media sa publiko, ngunit sa ilalim ng direksyon ni Allen Joy Marquez, tumagos ang pagsusuri ng panlilinlang sa daynamiks ng burgis na teatro. Sa naturang pagtatanghal, higit sa 40 na manonood ang ikinahon mismo sa loob ng apartment-turned-art-space na Nomina Nuda. Batid nila na kailangan rin nilang magpanggap na wala sila sa loob ng tanghalan, kundi nasa loob ng Maccrotel. Pero para maitawid ang ilusyon ng privacy, kailangan rin nilang itanggi na hindi sila nakikita ng mga gumaganap na aktor at hindi rin nila nakikita ang reaksyon ng ibang manonood. Sa ganitong moda binibinyagan ng teksto ang mga manonood—lalo na yung mga nasa labas ng Nomina Nuda na aktwal na sumisilip lang sa bintana—bilang mga literal at piguratibong mamboboso. Binibinyagan rin nito ang pook-tanghalan bilang isang liminal na espasyo, na pina-iigting pa lalo ng liminal na panahon ng dula—ang transisyon sa bagong administrasyon.
Sinamantala ni Marquez ang liminalidad na ito upang mas mapaglaruan ang dama at diwa ng mga tauhan, aktor, at manonood. Sa pamamagitan ng ganitong pisikal na pagpoposisyon, pinalalabo ng pagtatanghal hindi lamang ang linya sa pagitan ng mga pribado at pampublikong espasyo, at ng mga gawaing katatanggap-tanggap na gawin dito, kundi maski ang pag-iral ng fourth wall ng teatro. Sa Maccrotel, ang mga manonood ay isinasangkot sa naratibo bilang mga maninilip, bilang mga bulag na konsumer ng mga yaring katotohanan, at sa paglaon, bilang mga walang kibong saksi ng isang krimen.
Roleplay/Powerplay
Sa bandang dulong bahagi ng unang pagtatalik,  pakakantahin ni Gab si Rap-rap ng popular na pambatang awitin na ‘Baby Shark’. Mag-aatubili ang binata sa simula pero aawit pa rin ito habang marahas siyang binabayo ng kliyente niya sa puwet. Bahagyang magtatawanan ang mga manonood sa eksenang ito pero madarama mo rin ang pagkabagabag nila sa nasasaktang mukha ni Rap-rap.
Isa sa sentral na tema ng dula ang Paggampan o Roleplaying. Sa mundo ng dula, ang mga tauhan ay may ginagampanang mga imahe sa loob at labas ng hotel sa parehong paraang ang mga tauhan ay ginagampanan lang din ng mga aktor. Sa pamamagitan ng eksenang ito, binigyan ng patikim ang mga manonood ng kung paano sasalatin ng teksto ang mga bakas ng sabayang pag-iral ng politikal at sekswal na kapangyarihan. Inaanyayahan rin nito ang mga manonood na galugarin ang ugnayan ng mga pwersang ito sa katawan ng tao at sa kalagayan ng bansa.
Pagkatapos labasan ni Gab, dagliang babangon sa kama at magbibihis si Rap-rap sa desperadong pagtatangkang ikubli ang sariling kahihiyan. Magpapaalam siya para umalis pero pipilitin siya ni Gab na manatili. Mahaba pa ang gabi, ani Gab, sayang naman raw yung nirenta niya sa kwarto. Bagaman halatang nag-aalinlangan, mananatili si Rap-rap dahil hindi pa rin naman niya nakukuha ang bayad sa kaniyang serbisyo. Makikita natin dito kung paano tinatahi ng salapi ang ugnayan at paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga uri sa lipunan. Kung sinong nakaaangat sa buhay ang siyang unang makararaos, at ang naghihikahos ay makararaos lamang sa pag-aproba ng nakaangat.
Sa konteksto ng dula, ang kolokyal na ‘top’ at ‘bottom’ ay hindi lamang mga katagang ginagamit sa pagtalakay ng homosekswal na pagtatalik. Sa halip, ang mga ito ay puwedeng ring tumukoy sa gendered na ugnayan ng mga pwersa sa isang macho-pasistang sistema. Binabalangkas nito si Gab bilang ang tipikal na agresibo at masculine na pinuno na nagtatanghal ng dayalektikong ugnayan ng  karangyaan/posisyon sa lipunan at ng virility ng isang tao. Si Rap-rap naman ang submisibo at  emasculated na lalaki: walang pera, sunud-sunuran, nagnanais kumawala ngunit hindi kaya.
Kasunod nito, paulit-ulit na babanggitin ni Gab na hindi pa ‘nakakapagpalabas’ si Rap-rap. Aalukin niya ito ng blowjob na siya namang tatanggihan ng binata. Para kumbinsihin ito, ibabahagi ni Gab ang karanasan niya sa isang dating kasintahan. Kung totoo, yari, o fabricated ang kwentong ito ay hindi na nilinaw sa pagtakbo ng kuwento. Para sa kaniya, ang pinaka-dalisay na paraan ng pagpapahayag ng tunay na pag-ibig ay ang pagsuko ng mangingibig sa iniibig, at iyon ay sa pamamagitan ng walang maliw na pagsubo ng tite at paglunok sa tamod nito.
Magpoprotesta ang baguhang artista sa simula ngunit mapapasuko na rin ito kalaunan sa husay ng batikang PR. Sa pagitan ng mga ungol, sapilitan ring susubuan ni Gab si Rap-rap ng mga kataga gaya ng “Bobo ang mga magsasaka!” at “Kasalanan ng NPA ang lahat!” na siya namang paulit-ulit na isisigaw ng binata hanggang sa labasan ito. Dito inehersisyo ni Gab ang hangganan ng kakayahan ng kaniyang bibig: bilang tagabuo at tagawasak ng mga ideya, bilang pampasigla ng libido, at bilang pampahina ng politikal na paninidigan. Nagresulta ito sa literal at piguratibong panghihina ng tuhod ng binata habang pikit-mata itong sumisigaw.
Binabaligtad ng teksto, sa gendered na pagbabalangkas na ito, ang tipikal na pagpapakahulugan sa akto ng pagtsupa. Matapos ang marahas niyang pagbayo kay Rap-rap sa simula, gagampanan naman ni Gab sa pamamagitan ng pagtsupa ang papel ng emasculated na Lalaki. Dito niya isinasabuhay, sa interpersonal na antas, ang relasyon ng Gobyerno at Mamamayan ayon sa retorikang “Kayo ang Boss Ko” ng Administrasyong Aquino. Ginamit ito ni Gab upang magluwal ng ilusyon na pinagsisilbihan ng top/nang-aaping uri ang bottom/uring inaapi nito.
Bagaman sinasabi ni Gab na ang pagtsupa ay pagsuko, at ang pagsuko ay pagmamahal, ang tunay niyang ginagawa ay pagsakop sa katawan, kapasyahan at politikal na kamalayan ng binata. Maihahambing rin natin ito sa pamamaraan ng mass media sa panandaliang pagpapatikim sa atin ng ating mga panggitnang-uring fantasya, habang nilalayo nito ang ating mga pandama sa materyal na kahirapang ating dinadanas.
Talik-tanaw
Lumulusong ang “Arkanghel sa Maccrotel” sa mga mala-lumpen, dekadente, at taboo na naratibo na kung hindi nalalapastangan ay iniiwasan ng mga manunulat. Nangahas si Gonzales na tuklasin ang isyu ng kurapsyon, kawalang-kapanagutan, at masaker ng mga magsasaka (na hindi natin maikakailang kahawig ng naganap sa Kidapawan noong 2016) sa pamamagitan ng di-direktang paglalahad sa mga ito. Sa halip na mga goons, o byuda, o mga ulila, o mga pesante, hinainan niya tayo ng dalawang hubong tauhan na parehong di-direktang kasangkot sa nasabing insidente.
Una itong nakatulong sa paglulugar ng mga manonood (na hindi rin naman direktang kasangkot sa piksyunal na Shambhala Masscare o sa totoong Kidapawan Massacre) ng kanilang personal na kasaysayan sa mas malawak na naratibo ng bansa. At ikalawa, naging instrumental ito sa paglilinaw ng ugnayan ng politikal na karahasan sa loob at labas ng mga pribadong espasyo. Sa pamamagitan ng simulasyon ng pagtatalik, panggagahasa at pisikal na karahasan, muling ibinabalik sa kamalayan ng manonood na ang mga katawan ng biktima sa mga balita ay hindi lamang mga imahe na baog sa kahulugan at kasaysayan. Maselan ang mga piniling tema ng dula at ang piniling paraan ng pagtatanghal nito, ngunit hindi rin natin maitatangging sa ganitong mambobosong lente at paghuhubad ng mga isyu lamang natin ganap na masasalat ang mga kinukubli nilang katotohanan.
Kabilang ang “Arkanghel sa Maccrotel” sa mga radikal na dula na hindi lang naglalayong maglahad at magbaklas ng mga isyu, kundi nagtatangka ring magbaklas ng mismong aestetiko na nagdidikta ng kung ano ang radikal sa entablado. Pinapaalala sa atin nito na silang may ekonomikong kapangyarihan ang may hawak ng baril, at silang may baril ang may hawak ng politikal na kapangyarihan. Binabalaan tayo nito na kung hindi tayo mangangahas sumilip, ay manghihina rin ang ating mga tuhod, mapapaluhod, at magpoprotesta tayo nang pikit-mata.
____
John Daryl Alcantara is a student, writer, graphic artist, and activist from Taguig City. He writes poems, short stories, and personal essays and tries to make zines during his free time, and writes academic papers and critical essays when the deadline is near. He is currently taking up BA Communication Arts in UPLB.  
twitter.com/dardarjinx
dalumatin.tumblr.com
instagram.com/darthdary
6 notes · View notes
mabuhaytravel · 4 years
Text
BEST BEACH HOLIDAY DESTINATION IN THE PHILIPPINES THIS SUMMER 2020
Tumblr media
Para sa mga seryosong beach bums, ang Pilipinas ay isang hindi pa masyadong madiskubre na alternatibong mga hotspot ng Timog Silangang Asya tulad ng Bali at southern Thailand o Genting sa Malaysia para sa mga beach lover narito sa Pilipinas ang mga magagandang beaches holiday destination.
Ngunit ang mahigit na 7000 isla, maaaring malilito ka kung aling lugar ba ang iyong pipiliin. Kami sa Mabuhay Travel ay nag tala nang ilan sa mga pinaka pupular na beaches o destinasyon para sa iyong pinaplanong beach holiday this summer.
Some of the best Philippines beaches
1. El Nido – Palawan
Ang El Nido ay isang munisipalidad ng Pilipinas sa isla ng Palawan. Kilala ito para sa mga puting-putting buhangin sa baybayin nito, coral reef at bilang gateway sa Bacuit archipelago, isang pangkat ng mga isla na may matarik na mga talampas ng karst. Kilala ang Miniloc Island para sa malinaw na tubig ng Maliit at Malalaking Laguna nito. Ang malapit sa Shimizu Island ay may mga tubig na puno ng isda. Maraming lugar ang mga site na pueding sumisid, kasama ang mahabang tunel ng Dilumacad Island na humahantong sa isang ilalim ng tubig sa ilalim ng dagat. Ang El Nido ay siyang pinaka popular na destinasyon ng mga dayuhan turista at mapa lokal na mamamayan para sa kani kanilang planadong beach holiday.
Ang mga dramatikong pagguho ng apog sa baybayin ng Bacuit Archipelago ay pinapanatili ang mga vendor ng postkard sa negosyo, ngunit ang mga pinong beach sa loob at sa paligid ng inilatag na hilagang bayan ng Palawan na ito ay pantay na apela.
2. Timog Negros
Kung nais mong mag-maranasan maging bahagi ng mga world-class na beach sa isang maikling paglalakbay, halika na sa southern Negros ito ang pinaka ideal na lugar para sa yong planong beach holiday kasama ang pamilya. Lumipad sa Dumaguete, ang rehiyonal na kapital ng Negros Oriental, at loob ng isang oras mararating mo ang Apo Island, isang nangungunang dive site sa Pilipinas na may nakahandang accommodation at backpacker-friendly sa isang lugar na nakahiwalay sa kahabaan ng buhangin; escapist paraiso ng Tambobo Bay; at Siquijor Island, na may rung may fine white beaches at magagandang beach resort. Karagdagang pag-akda may apat na oras ang layo kung sasakay ka sa bus, at maramdaman mong narating mo ang dulo ng mundo sa Sugar Beach ng Sipalay.
Ang Sugar Beach ay ang mahaba-habang sugary brown-colored   na buhangin sa may baybaying -dagat sa Sipalay. Ito ay isang mainam na patutunguhan para sa isang plan beach holiday kasama pamilya at mga nais mag-relaks at magpahinga pagkatapos na tuklasin ang underrated idyllic city of Sipalay sa Negros Occidental. Set down and relax sa mga buhangin habang pinanonood an pag lubog ng haring araw.
3. Cebu
Kung ikaw ay naghahanap ng isang kamangha-manghang tropical getaway para sa iyong susunod na beach holiday, ang Cebu ay dapat isa sa mga lugar na iyon sa iyong listahan. Matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas, ito ay isang kamangha-manghang lugar upang gugulin ang iyong bakasyon. Maaaring hindi ito magkapareho ng pansin tulad ng ibang mga bahagi ng Pilipinas, ngunit sa sandaling nakita mo ang ilan sa mga baybayin nito, sa palagay ko mahuhulog ka rin sa mga alindog na handog ng Cebu. Maraming mga aktibidades ang mga lugar ng turista mula sa talon hanggang sa ilang mga nakamamanghang diving spot ito ang kumpletong package sa iyong beach holiday. Ang gustng karamihan tungkol sa bahaging ito ng Pilipinas ay ang mga kahanga-hangang beach. Madali nilang ikukumpara ang ilan sa mga pinakamahusay na beach sa Asya at dahil hindi pa masyadong kilala, kaya hindi gaanong masikip o matao. Para sa kaalaman ng lahat ito ay ilan lamang sa mga pinakamahusay na atraksyong pang turista ng Cebu ay ang mga kamangha-manghang tropical beach. Kayat halinang planuhin ang susunod nyong beach holiday dito sa Cebu.
4. Siargao Island
Kilala bilang nangungunang surfing island sa Pilipinas, ang Siargao ay madalas na napapansin bilang isang paraiso sa beachcomber at isang pinakamahusay na patutunguhan para sa mga nag plaplano ng beach holiday ngayong summer
May mga break para sa mga nagsisimula surfers, katamtaman ang mga bago at kahit na pros na naghahanap ng tatlong-metro-taas na alon. Para sa mga may zero kasanayan sa pag-surf – at walang pagnanais na makakuha ng anuman – mayroon ding mga malinis na beach na may banayad na alon, perpekto para sa paglubog ng araw at paglangoy.
Tamang araw para sa pag-surf ay nasa pagitan ng kalagitnaan ng Agosto at kalagitnaan ng Disyembre, kapag ang sumapit na ang tag araw ito ang tamang oras para magsimulang bisitahin kung ang mga alon ay mas maliit, sa pagitan ng Abril o Mayo.
5. Panglao, Bohol
Once a sleepy island. ang Panglao ay pinukaw ng mga manlalakbay upang maghanap ng mga napakarilag na dalampasigan. Ito ay isang kanlungan para sa mga taong pinahahalagahan ang isang magkakaibang menu ng mga atraksyon sa aquatic. Kasama sa mga pagpipilian ang panonood ng dolphin, whale spotting, diving na may barracudas, jackfish, sea snake at napakagandang  mga form ng coral. Mga likas na anting-anting: Bilang karagdagan sa mga baybayin nito, ang isla ng Bohol ay sikat sa kanyang Chocolate Hills, isang hindi pangkaraniwang lumiligid na lupain ng higit sa 1,000 na mga burol na may simboryo. Ang mga burol ay pinangalanan para sa kanilang kulay-kape sa panahon ng dry season, kapag ang damo ay nalunod. Halinat pasyalan ang mga beachheads ng Panglao at siguradong mag e enjoy ka sa iyong beach holiday dito.
Dito matatagpuan Ang “pinakamaliit na primate ng mundo” – ang endangered na tarsier ng Pilipinas – nakatira din sa isla.
Sa mga taon na ang nakalilipas, maraming mga dayuhan ang dumating sa Panglao sa holiday at hindi kailanman nag-abala na umalis. Kinuha ng mga lokal ang kanilang mga wika upang mas mahusay na makipag-usap sa mga turista. Bilang karagdagan sa Ingles, sa Panglao mayroon mga pagkakataon na makatagpo ng isang lokal na marunong sa salitang Aleman, Swiss at Hapon.
Itoy ilan lamang sa mga Best beaches sa Pilipinas na puede mong isama sa bucket list mo sa susunod mong beach holiday Kaya Call Mabuhay Travel for the cheapest airfare, best deals at garantisadong serbisyo hatid ng aming mga Filipino travel consultant.
Read More:- https://blog.mabuhaytravel.uk/2020/03/05/best-beach-holiday-destination-in-the-philippines-this-summer-2020/
This Article, Information & Images Source (copyright) :- https://blog.mabuhaytravel.uk/
0 notes
zilyonaryo · 4 years
Text
Tumblr media
Mayo 1, 2020
Ngayon sana malilift ang ECQ. Kaso, ipinatupad naman ang GCQ. Pending na naman ang pagbalik sa normal na buhay.
Lumabas ako para bumili ng kangkong, kamote, at load. Nalaman ko, dahil sa pakikinig sa usapan, na hinuhuli ng mga sundalo ang mga hindi nakasuot ng face mask. Mabuti na lang, lagi akong naka-face mask kapag lumalabas.
Ngayong araw, naging productive na naman ako. Nakapag-upload ako ng vlogs sa YT. Nakagawa rin ako ng dalawa pang videos. Nakapag-update ko sa WP. Sabi ng ng isa kong avid reader, ang sipag ko raw.
Patuloy rin kami sa panonood (muli) ng 'Money Heist.'
Gabi. Nakapagsulat ako ng akda. Gusto ko talagang magsulat nang magsulat, kaya lang andaming ko pang ibang gagawin. Hindi puwedeng isang bagay lang ang tatapusin ko. Anyways, thankful ako kasi may quarantine. Nagkaroon ako ng mahaba-habang panahon para sa mga hobbies ko.
0 notes
proserpoet · 4 years
Text
Dalawang Ngipin
Isang linggo na rin mula ng magpabunot ako ng ngipin. Take note: hindi lang isa, dalawa. Matagal ko na ring iniinda ang panaka-nakang pagsakit nito subalit dahil takot nga ako sa doktor at takot sa mga bagay na kapag nawala na ay kailanma'y hindi na babalik. Sa wakas ay hinarap ko ang sapalarang ito nang buong tapang at tapos na. Tuluyan ko ng pinatanggal ito.
Ewan ko ba ba't sadyang ang rurupok ng ngipin ko. Kailanma'y hindi naging madali para sa akin ang magkaroon ng maayos na ngipin. Iyon bang hindi ka mahihiyang ngumiti at humarap sa ibang tao. Kaso hindi ganito ang pinaglagakan kong sitwasyon. Sa tuwing nagsisipilyo ako, ramdam ko ang unti-unting pagkakagupok nito na animo'y sa halip na alagaan, nababali ito isa-isa, panaka-naka ay natatanggal. Hanggang sa aakalain mong wala na. Wala nang makikitang bakas ng ngipin ngunit ang ugat pala nito ay hindi pa natatanggal at dulot nito, nag-iipon na pala ito ng nana na siyang sanhi kung bakit sumasakit at kung minsa'y namamaga.
Mga alas-8 nang umaga tumulak na kami ni Mama upang samahan akong magpabunot ng ngipin sa 'aming' family dentist. Kasi nga naman, mula pagkabata hanggan mg aa 30 años na ako, sa kanya kami nagpapalinis at nagpapabunot ng ngipin. Pangatlo ako sa nakapila. May bigla pang dumating na 3 rin. Mabuti nalang at maaga-aga kami.
Habang hinihintay ko ang turno ko kay Doc, inaliw ko muna ang sarili sa panonood ng CLOY (Crash Landing On You) na siyang pinapanood din ng kararating na dalaga. Sa loob-looban ko, kinakabahan na ako. Batis ko kasi ang tagal nang paghilom ng mga sugat ko. Isa rin ito sa dahilan kung bakit balak ko sana na sa summer na magpapabunot. Sinamantala ko lang ang panahon dahil walang pasok sa martes dulot ng EDSA 1 anniversary at balak kong umabsent sa lunes nang sa ganoon mahaba-habang araw ako upang makapagpahinga. Iniisip ko na kung ano ang mangyayari sa'kin at kung papaano ko titiyaking magiging maayos ito. In short, di talaga ako nakapag-concentrate sa panonood dahil kinakabahan na nga ako.
Hanggang sa tawagin na ako ni Ai-ai, assistant ni Doc. Tsaka naman dumating si Ate Inday, pinsan nang papa ko na dentista rin. Katuwang ni Doc Gina sa clinic. Bago lang dito si Ate Inday, este Doc Inday dahil inuna muna niyang papakihin ang mga bata. Nang okay na, nasa Senior High na ang dalawa, tsaka pa lang niya hiniling kay Kuya Lindong na bumalik sa pagiging dentista. Ngayon nga ay magdadalawang buwan na siya sa clinic. Hindi muna siya humahawak ng mga nagpapabunot ng ngipin. Hanggang sa pag-a-assist kay Doc Gina muna hanggang sa nagpapa-cleaning ng ngipin at pasta si Doc Inday.
Dulot nito, mas lalo akong kinabahan at nahihiya dahil hindi ko nga maalagaan nsng maayos ang ngipin ko tapos heto, kamag-anak pa namin ang nandoon, tinitingnan ang ngipin ko. Nakakapanliit sa hiya subalit, narito na ako eh, napasubo na. Nakahiga na sa upuang para sa mga pasyente.
Sa tansya ko, naka-anim na tusok ng anesthesia yata si Doc Gina kay kinailangan pang alugin ang ngipin ko upang mabunot lang mga ito. Ang isa ay tuod samantalang ang isa naman ay mahaba. Kinailangan pa muling lagyan na parang toothpaste na nagpapa-numb sa gums uoang di masakit sa pagbunot.
Si Doc Inday ang humawak sa aking panga habang inaalo ako. Alam naman kasi niya na sa pamilya namin, dugo ang pangunahing kalaban. Halos lahat yata sa pamilya ay matatakutin sa dugo. Kaya, dahan-dahang binunot ni Doc Gina ang ngipin hanggang sa tuluyang natapos na nga ang kalbaryong akign kinaharap. Nilagyan nang bulak ang 'gum' na may sugat at niresitahan ng pain reliver. Binigyan din kami ng discount ni Doc dahil nga, kakilala at malapit sa pamilya.
Tanghali na nang makaalis kami sa clinic. Tirik ang init ng araw at abala ang bawat isa sa kalsada. Natarakot akonh masagi, mabunggo at makatagpo ng kakilala at baka mapilitan akong makipag-usap. Mabuti na lamang ay hindi ko iyon hinarap. Pumila ako para sa gamot samantalang bumili muna si Mama ng sabong panlaba. Bumili rin kami ng icecream. Alam muna, kapag nagpabunot ng ngipin.
Hindi naman nakakapanibago na wala akong ngipin. Mas 'liberating' nga dahio naiisip kong, wala na akong aalalahanin--pagpapapustiso na lamang kapag mayroon ng pera. Di ko rin akalain na mas madaling mawala ang sakit sa pagkakataong ito kaysa doon sa mga huling beses na nangyari. Mas mabuti nga ito kaysa sa palagiang uminim ng mefenamic upang mawala ang sakit. Ayoko nang maulit ang dati. Di ko na rin kailangang lumiban sa lunes dahil di ko naman iniinda ang sakit. Sa katunayan, isang beses nga lang ako uminom ng pain reliver.
Alam kong ang dalawang ngipin na iyon ay tanda ng aking pagtanda. Na may mga bagay na hindi pwedeng panghawakan ng panghabambuhay bagkus kailangang alisin, tanggalin o palayain upang magbigay-daan sa panibagong maaaring dumating sa ating buhay. Ngayon, alam ko, kahit tuluyan na akong namaalam sa pinabunot kong ngipin ay dala-dala ko pa run ang alaala na minsan naging katuwang ko sila sa pagsuong sa sigwa ng hapagkainan. Kasa-kasama ko sila sa pagnguya at pagnganga. Kasangkapan ko sila sa pagkain ng masasarap na pagkain kug kaya, kailanma'y di pwedeng palitan ang kanilang pagiging kaagapay.
0 notes
horizoooon · 5 years
Text
Filipino at Pilipino.
Pagtanggi lang; hindi ito ang gusto mong basahin.
“Good morning classmates, Good morning ma’am, it’s nice to see you again”, madalas na sigaw namin sa umaga bilang pagbati para sa bagong araw na haharapin nuong elementary ako. Eto ang una kong naalala matapos basahin ang tekstong Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan. Nang maalala ko ang mga katagang iyon, naalala ko rin na isa o dalawa lamang sa mga subject ko nuong elementary ang nagamit ng pagbating “Magandang umaga”, o ang pagbati sa wikang tagalog. Nuong elementary din ako ay ang wika lamang na ginagamit ko sa pakikipagusap ay tagalog, may halong balbal, at habang tumatagal ay nahahaluan na ng Ingles, hanggang sa ako’y mag High-School ay taglish ang madalas kong ginagamit. Pagdating naman sa social media, ang fluent ko mag Ingles, na hanggang sa pag-uusap naming ng aking mga kaibigan sa messenger ay puro Ingles na lamang, palaliman pa kami ng vocabulary, hanggang dito nga rin sa pagsulat ng blog na ito, taglish pa rin ang ginagamit ko. ngunit, tunay ba ito, o nagpapanggap lang ako?
Ngayon, iniisip ko kung paano at bakit ako naging ganito magsalita, dahil ngayon, kapag nagkikita na kami ng mga kaibigan ko eh puro Ingles na kami mag-usap, hindi lang sa messenger, ang konyo na nga pakinggan eh. Hindi naman ako nag-aral sa exclusive schools na kung saan madalas matatagpuan ang mga konyo magsalita, sa pampublikong paaralan ako nag-aral, at hindi pa ako nakatapak sa isang pribadong paaralan na kung saan may makikita kang “Use English only when speaking” na mga sign sa school corridors. Masyadong mahaba para sabihin ang kasaysayan sa kung saan ito nagsimula sa ating mga Pilipino para sa blog na ito, kaya’t deretso na ‘ko sa punto at sa aking tanong.
Tunay ba ito, o nagpapanggap lang ako?
Tunay. Nasanay ako sa reporting, at sa pagsasalita ng aking mga naging guro, sa pagbabasa ko sa mga textbook, sa pakikinig ng musika, at sa panonood ko ng pelikula at iba pa. Puwede kong sabihing, impluwensya ng mga araw-araw kong nakikita at naririnig.
Nagpapanggap. Nagpapanggap kasi? Nakakatuwa pakinggan? O siguro kasi nakakatalino pakinggan?
Pagkatapos kong pagnilayan kung tunay o nagpapanggap lang ba ako, napagtanto ko na tama ngang nagpapaalipin pa tayo. Bakit ang ibang tao, kapag nagsasalita ng Ingles na maayos at tuloy-tuloy, eh sinasabi agad na ang talino nya? “Ingles-Inglesin mo ‘ko sa bayan ko”(Heneral Luna Film 2015), isang magandang kasagutan sa mga taong iniisip na matalino ka kapag magaling ka mag-ingles.
Baguhin na, baguhin na ang maling pag-iisip na magiging globally competitive ang isang Pilipino kapag magaling sya sa wikang Ingles, kung sa wikang kinagisnan nga eh hindi pa niya alam ang mga salitang katumbas ng salita sa Ingles. May mga bansang ang mga nakatira ay hindi magaling sa Ingles ngunit ang estado ng bansa nila ay kasama sa mga “Globally Competitive”, bakit tayo hindi? Pilit nating niyayakap ang kolonyal na estilo, na pagtuntong natin ng kolehiyo eh tinitigil na ang pag-aaral sa dapat pang aralin patungkol sa bansa natin. Iniiwan at kinakalimutan na ito agad.
Eto ang pinakatumatak sa aking nahinuha sa teksto ni Lumbera, ang katanungang, nasaang bayan ka ba? sa pagsasalita ng ingles, tunay ka ba? O nagpapanggap ka lang?
0 notes
ohhliviag · 7 years
Text
Para kay B (part2)
Isang taon simula ng tumayo ako sa harap , sa eksaktong pwesto kung saan natin ipinahayag sa madla kung gaano natin kamahal ang isa't-isa.
Dito, dito tayo nagsimula. Dito sa pwestong 'to , Sa parehong araw na 'to. Naniwala ako sa hiwaga ng pag-ibig, Naniwala ako sayo. Naniwala ako na may mga bagay pala sa mundo na itinadhana para sa isa't-isa kahit hindi pa nagkakalapit. Naniwala ako, dito sa pwesto na 'to At ikaw, Tandang-tanda ko pa kung paano ka pumunta sa gilid para makinig ng mga tulang isinulat ko para sayo. Nakangiti, Kinikilig.Tandang-tanda ko pa kung paano ka nakinig at tandang-tanda ko pa kung paano ako kinilig sa t'wing binabanggit mo ang salitang 'Mahal' .  Tumahimik ang mundo, Lumuhod ang tala para makinig sa atin.
"Mahal", bigkas mo, sabay turo sa akin. Ako. Ako ang tinutukoy mong mahal,diba? Daig pa natin ang batang nakatanggap ng regalo kay Santa Claus,
Daig pa natin ang love team sa telebisyon,
Dinaig natin silang lahat. Sa puwesto na 'to, Narinig ng lahat ang dapat sayo lang nakatalagang basahin. Sa puwesto na 'to sinabi mong handa ka ng magmahal muli.Sa kinatatayuan ko ngayon sinabi mong kay tagal mong hinanap ang isang tulad ko. Kay tagal mong naghintay para masabi ang nararamdaman mo.Narinig ko ang mga salitang iingatan mo ang isang tulad ko.
AKO, tinuro mo ako, sinabi mo ang pangalan ko sa harap ng mga taong ngayon pa lang malalaman ang kwento nating dalawa. Ang kwento ng pag-ibig nating dalawa.Sa wakas, Hindi na natin kailangang magtago.
Hindi na natin kailangang palihim na magkita.Hindi mo na rin kailangang magpigil sa paghawak ng kamay ko sa daan, Hindi mo na kailangang tumingin sa kaliwa't kanan para makanakaw ng halik. Kasi diba? Sa araw na'to, Isang taon ang nakalipas, Isinigaw mo sa buong mundo kung sino ako sa buhay mo.Kung paano ko binago ang takbo nito. Dito, dito sa puwesto na 'to, hindi na natin kailangang umiling kapag tinatanong kung tayo na ba.Hindi na natin kailangang sumagot ng ‘hindi pa’  .Naniwala ako na ang kwento natin ay hindi pang isang basahan lang, hindi pang unang kabanata lang, hindi pang unang-libro lang.
Pagkatapos 'non, Tila gumanda ang ikot ng mundo, tila nakiayon ang kalangitan at walang tigil na kumikislap para lamang sa atin.Nasa akin na ang lahat. Ikaw. Ikaw ang lahat sa akin.Tanda ko pa kung paanong maghihintay ka sa tawiran pagbaba ko ng sasakyan,Tuwing Miyekules tsaka hahawak sa kamay ko na para bang ayaw mo ng bumitaw. Mahigpit pero tamang tama lang sa espasyo ng mga daliri ko. Kasi diba? Natatakot akong tumawid, kaya aalalayan mo ko na parang unang beses ko palang naglakad sa ibabaw ng lupa. Matagal kong pinag-isipan kung ano isusuot ko o kung magugustuhan mo ba. At tatawa tawa nalang sa sarili ko dahil pustahan,Puting damit at uniporme mong basketbol nanaman ang suot mo. Tanda ko pa kung paanong araw araw mong pinilit magsuot ng sumbrero dahil lang sa isang gabi na sinabi kong bagay sayo ang mga yan. Titigil tayo sa paboritong nating kainan. Alam mo kung paano ako pasayahin.
Mapapangiti nalang ako dahil sa inabot mong french fries at ice cream. Alam na alam mo kung paano tanggalin ang tsokolate dito. At ititira mo lang 'yong Vanilla ice cream, kasi 'yon ang paborito ko. Ipapagbukas mo ko ng ketchup at ilalagay sa fries.Maglalaan ka ng ilang piraso para sayo kasi ayaw mo ng ketchup.Bibili tayo ng tubig, tanda mo pa ba kung paano tayo nagulat dahil sa mura ng mineral water? Otso pesos para sa malaking lalagyan."Kuya sa Hope po", saka ngingiti satin 'yong guard. Tanda mo pa ba kung saan tayo patungo? Basta 'yong may puno at tent na asul.Hndi ito 'yong klase katulad sa pelikula na pupunta tayo sa altar,Kasi dba? Naalala mo ito rin ang araw ng pagbisita natin sa puntod ni papa.Tanda mo pa ba kung paano ako mabilis na tumatakbo papunta sa puntod niya? At ikaw paalala mo, ' Madapa ka ah '.Sabay tayong magtatanggal ng mga patay na dahon at magbubunot ng mga ligaw na halaman. Aaminin ko, isa ito sa paborito ko.Uupo ka sa gilid ng puntod, saglit na tatahimik. Tanda mo pa ba kung anong sinabi mo kay papa? Walang sawang magkukwentuhan tungkol sa History, Science, Basketball at kung ano ano pa.At pagsapit ng hapon, kailangan na natin umuwi. Matitigilan ako kapag sinasabi mong, 'Paalam ka na sa papa mo'.Ilang beses mo kong sasabihan na mag-ingat sa biyahe at 'wag matutulog sa jeep. Ilang beses na "magtext ka sakin pag may problema". Tanda mo ba kapag ayaw kong sakyan ang mga jeep na dumadaan sa dalawang dahilan. Una, dahil ayoko ng punuan at pangalawa, ayokong iwan ka.Pagsapit ng gabi, mapapangiti na lang ako dahil alam kong ako ang tinutukoy mo sa mga status mo sa FB at twitter. Tanda mo pa ba? Tanda ko pa kung paanong naging laman ako ng mga isinusulat mo. Tanda ko pa kung gaano ka kasaya at itinuring akong biyaya.
Tanda mo pa ba kung paanong malaya nating sinasabi ang sikreto ng isa't-isa? Ang mga kinatatakutan at pangarap natin sa buhay.Tanda mo pa ba kung paanong sinabi mo na iingatan mo ang sikreto ko, na iingatan mo ko at hindi mo hahayang maulit ulit ang nakaraan.At niyakap mo ko. Sa pagkakataong 'to, sa unang pagkakataon, nakaramdaman akong ligtas ako sa mga bisig mo.Ang tagal kong hinanap ang katulad mo, ang tagal kong pinagdasal ang kagaya mo.Naiintindihan mo ko, sabi mo. Mahal mo pa rin ako, sabi mo. Kaya nag-tiwala ako.Tanda ko pa kung paano mo ko isurpresa gamit ang mga sulat-kamay na pinaghirapan mong gawin sa gabi at pagtapos maglalaro ng NBA.O kaya 'yong aabutin ako ng ilang minuto para basahin ang mga text mo sa paggising ko sa umaga. Mga salitang , mahal, tayo, ingat.Tanda mo ba kung paano kita sinabihan na sabay tayo magdasal sa gabi? At parehas na dadaan sa simbahan sabay sabi mong,'Ikaw ang una't-huling babaeng dadalhin ko dito", At kuntento na tayo sa buong araw. Aantayin mo ko tuwing alas-kwatro ng hapon sa tagpuan dahil ihahatid mo ko pauwi. Ipagpapaalam mo ko kay mama na manood ng laro niyo.Manood ng basketball game mo, kahit wala akong ni isang alam tungkol dito bukod sa Ginebra lang ang alam kong team.Minsan, ipapagluto kita ng paborito mo at sabay tayong kakain pagtapos ng mahaba habang laro sa Batman Court.Hindi ko na ininda ang pang-aasar nila, o kaya ang pagtatakip mo ng katotohanan kung sino ako sa mga kaibigan mo.Sa panonood ko sayo, iba iba ang naging pangalan ko . Minsan pinsan mo ko, minsan kapatid. Minsan ako si A***, Minsan dayo lang.
Hanggang sa nanlamig ka. 
Hanggang sa ang mahahabang mensahe ay naging tatlong salita nalang. Hanggang ang mga sulat-kamay na buwan buwan ibinibigay mo ay natigil na. Hanggang wala ka ng status tungkol sakin, sa'tin.Hanggang ang mga yakap ay parang naging sakal na walang ibang paraan kundi ang kumawala. Hanggang ang bawat paghawak sa kamay ko ay parang may sabon na bigla na lang dumudulas palayo sayo. Hanggang ang paghahatid sa akin ay mistulang nakasanayan na lang kaya ginagawa. Hanggang ang mga litratong gustong gusto mo ipasa sayo ay hindi na nangyayari. Hanggang wala ng balita tungkol sakin. Hanggang kaya na nating hindi mag-usap ng ilang araw at matulog ng hindi nagpapansinan. Hanggang mga ngiti ay pilit nalang. Hanggang ang kilig ay tanging sa mga alaala nalang. Hanggang ang matagal na nating binuo ay nawasak ng hindi natin napapansin. Hanggang ang mga luha ay tila nawalan ng halaga. Saan tayo nagkulang? Saan tayo nagkamali sa pagpili ng sangkap sa pag-ibig?
Saan tayo gumuho? Kailan pa nag-umpisang ang mga bulong na nakakakiliti ay naging sigaw na nakakasakit? Kailan pa nag-umpisang hindi na masiyahan sa pagtakbo ng oras? Kailan pa nag-umpisang hindi na natin matingnan ang mata ng isa't-isa?
Kailan ka pa tumigil na mahalin ako at mag-umpisang tumingin sa iba?
Ipaliwanag mo sa'kin kasi hindi ko naiintindihan. Hindi ko alam kung saang kabanata mo ko hindi naramdaman at nagparamdam ka sa iba.Ipaliwanag mo sa'kin ng maintindihan ko, hindi pwedeng hindi mo alam, hindi pwedeng sorry lang, hindi pwedeng natukso ka lang.
Ipaliwanag mo kahit mahaba, kahit gaano kasakit kailangan kong malaman. Saan ako nagkulang.
Bakit kailangan mong saktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?
Ipaintindi mo sa'kin parang awa mo na, ibigay mo ang karapatan kong malaman kung sino sila sa buhay mo.
Ipaintindi mo kung bakit ang yakap niya ang nagpapainit na ngayon sa gabi mo.
Kung bakit sa piling niya mas pinili mong manatili.
Kung bakit sa babaeng bahagi ng nakaraan mo napiling ibunyag ang sikreto ko.
Kung bakit pinagsabay mo ko hindi lang sa iisang babae .
Kung bakit itinatago mo ang mensaheng galing sa kanila.
Kung bakit lumalabas ka sa hapon para lang makita at makatabi siya.
Kung bakit inamin mong gusto mo siya kahit tayo pa.
Kung bakit niloko mo ko kahit tayo pa.
Gusto kong malaman.
Gusto kong malaman
Kung paano mo nagagawang ngumiti ng parang wala kang tinatagong ibang babae.
Kung paanong nayayakap mo ko kahit ang nasa isip mo ay iba.
Kung paanong dito sa paaralan, ang ipinapakita mong tapat ka.
Ikwento mo sa kanila.
Ikwento mo sa kanila kung sino ang sikretong nanood ng laro mo kapag wala ako.
Ikwento mo sa kanila kung paano ka nagmamadaling humabol dahil may laro ang babae mo.
Ikwento mo sa kanila kung paano mo tawaging 'mahal'. 'baby', 'bi' ang mga babae mo.
Ikwento mo sa kanila kung paano na kahit sariling kong kaibigan nagustuhan mo.
Ikwento mo kung paano ka nagsinungaling at umarteng ikaw ang biktima.
Gusto kong maintindihan, kasi kinain ko lahat ng pride na natitira sa katawan ko para bigyan ka ng pagkakataong itama ang mali.
Pero hindi, ang isa ay naging dalawa at ang dalawa ay naging tatlo.
Kaya pala bumibitaw ka dahil may nakakapit ng iba.
Ganito na ba talaga kalabo ang mga mata ko kaya di ko nakitang niloloko mo na ko?
Ganito na ba ko kaliit para hindi ko makita kung gaano na kalaki ang sugat na ibinibigay mo sakin?
Malabo lang mata ko, maliit lang ako pero hindi ako manhid.
Pagod na pagod na ko.
Hayaan mong isinulat ko ang pangalawa at huling tulang i-aalay ko para sayo.
Hayaan mong magsilbi itong paalala sa akin na bawat babasahin kong muli ang tulang ito ay hindi ko maaalala ang masasayang sandali kundi ang mga nasayang na sandali.
Hayaan mo, huli na to. Dito sa puwesto na 'to kung saan nagsimula ang kwento nating dalawa.
Kwentong nagsimula sa 'gusto kita' at natapos dahil sa 'gusto mo lang naman siya'
At katulad ng mga nobela, pelikula at tula.
Dito sa puwesto na 'to at sana matandaan mo ang araw na 'to.
Tinatapos ko na ang kwento nating dalawa.
Para sayo na kahit isang letra ng pangalan mo ay wala ang letrang 'B', kundi hinango sa isa mong paboritong basketbolista.
Nagmamahal,
-A.
1 note · View note
norjjiee · 7 years
Text
Kain muna 😂
Sinamahan ako ni betch at ni joy kanina sa palawan pawnshop 😂 paubos na kasi allowance ko.
Pagpasok pa lang namin,tinanong na kami ni kuya guard then sabi ko kukuha lang po ng pera,tapos binigyan na ako ni kuya guard ng receiver’s slip. Tapos ayon naghanap muna kami ng mauupuan namin kasi naman medyo mabigat yung bag ko at para naman maka upo din si beth at si joy,nakahanap din kami tapos iniwan ko muna sila. Mukhang nag e enjoy pa si beth at joy sa panonood ng tv ad ni mommy d.
Ako naman nag fill up na inuna ko mo na yung receivers name *pangalan ko at apelyido* tapos ang sunod yung senders name * nilagay ko yung pangalan ni kuya at apelyido* mahaba kasi yung pangalan namin at apelyido kaya naisipan kong unahin muna tapos nilagay ko na yung amount tapos nag signature na din sa baba 😂
Tapos binigay ko na yung receivers slip tsyaka yung ID ko sa teller 2 tapos umalis kasi tatawagin naman kapag ibibigay na yung pera,bale pumunta muna ako kay beth at kay joy tapos naka smile pa ako habang papalapit sa kanila tapos tinanong ako ni beth bat ang bilis ko daw mag fill up,ininsulto pa ako hahahaa porket mahaba lang ang pangalan ko at ang apelyido ko hahaha loko na beth sabi ko na lang sa kanya hahaha binilisan ko eh gutom na kasi ako gusto ko na mag Gastro pub haha yun yung totoo, tsyaka medyo mabilis din naman akong magsulat 😁 Tapos nagulat ako kasi bigla ako tinawag Lumapit ako sa teller 2 ulit tapos bigla ko na remember na kulang ata,nakalimutan ko ilagay yung tracking number 😭 aynaaa sobrang nakakahiya talagaaa di halatang gutom at excited 😭😩😅
Binigay ko na ulit dun sa teller 2 pigil tawa pa siya pati yung dalawa nya pang kasama, sa bagay nakakatawa naman talaga yung ginawa ko 😅😭 tapos pinagtawanan din ako ni joy at ni beth.
Di na talaga mauulit 😂 sisiguraduhin ko sa susunod kompleto na lahat at uunahin ko na yung tracking number at wag masyadong mag madali hahaha kakain muna bago kukuha ng pera . 😂😩
Good Night
1 note · View note
misfittedmishaps · 4 years
Text
DAY 006: The Memoirs of the Blabbering Man
Bata pa lang ako, hilig ko na ang paggawa ng istorya. I could still remember putting all of my toys on the floor at gagawan ko sila ng istorya. Ito ang past time namin dati ni Kuya. Ipe-pwesto namin ang mga laruan sa bawat sulok ng kuwarto atsaka ang mga laruan na magsasalita ay hahawakan namin habang bahagya silang ginagalaw.
Noong nasa elementary naman ako ay naging pampalipas oras ko na ang panonood ng TV. Natatandaan ko noon na hilig ko ang panonood ng mga lumang palabas ng mga pinoy. Nanonood pa ako noon sa PBO o “Pinoy Box Office”, pati na rin sa Cinema One. Bukod pa sa mga iyon ay talaga nga namang pinagpupuyatan ko ang mga cartoons na sinusubaybayan ko. 
Nang makatungtong naman ako ng Junior High, doon na nagsisulputan ang mga performance tasks pati na rin mga activity na dula-dulaan. Isa ako sa mga nakikipag-unahan para maging writer. Ewan ko ba! Gustong-gusto ko talaga ang pagsusulat to the point na hindi na ako makapag-hintay na umuwi sa bahay ay magsusulat na ako kaagad ng script namin kapag walang ginagawa sa school.
Hanggang ngayon, hilig ko ang panonood ng mga movies pati na rin series, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin naman sa ibang bansa tulad ng Korean, Thailand, American, at iba pa na hindi ko na alam kung anong lahi nila. Nito nga lang ay sinusubaybayan ko ang “The Killer Bride” ng RCD Narratives at katatapos ko lang rin i-stream ang Friends ng NBC. Sa tuwing may magaganda namang palabas ay kahit walang kasama, manonood akong mag-isa, makita lang iyong movie. 
Pero para saan nga ba itong mga ikine-kwento kong ito? Wala lang. Pampahaba lang ng blog post. Pambawi sa nakaraang blog post kong maikli at sabaw. 
Joke lang. 
Hindi. Mayroon naman kasing dahilan kung bakit ko ikine-kwento ito. Siguro, kung babasahin ninyo iyong mga naunang paragraph, parang wala lang. Parang isang sherkolang episode lang ni Maju na hindi naman talaga importante pero kinwento niya para lang makadaldal siya (Legit ito! Tanong niyo man sa mga kaibigan ko!). Ikinekwento ko ito para ipakita sa inyo ang mga dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Kung bakit may binabasa kayo ngayon. Ito ang mga dahilan kung bakit isa akong manunulat ngayon.
Nitong huling taon lang ay napagtanto ko na pinanganak nga siguro talaga ako para maging isang writer at ito ang mga dahilan noong mga iyon. Hindi ko naman talaga sinadya na maging isang writer pero unti-unti at hindi ko namamalayan, inihahanda na pala ako ng mundo para sa isang bagay na gagawin ko hanggang sa pagtanda ko. 
Sa totoo lang, wala naman sa plano ang pagiging manunulat ko, eh. Hindi ko naman sinabi na dapat kapag naglaro kami, mayroong isang istorya. Wala pa nga sa isip ko iyon, eh! Isa pa, bata pa ako noon. Anong alam ko sa pagsusulat? Hindi ko rin naman hiniling sa mga teachers ko noong highschool na magbigay sila ng maraming activities na dula-dulaan. Kusa lang nilang ibinigay iyon.
Kaya naman sa tanong na ibinigay ni Dads sa akin--kung ano ang hinahanap kong opportunidad ngayon--alam ko na ang sagot ko at ito ay wala.
Marami akong gustong mangyari sa buhay ko, sa totoo lang. Isa na sa mga ito ay makatapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho, makapag-publish ng isang libro, at makita sa big screen ang isang dula na naisulat ko. Pero isang bagay lang naman kasi ang na-realize ko, eh... 
Kung para sa iyo talaga ang isang bagay, kahit anuman ang gawin mo, darating at darating din ito.
Hindi ko na kailangan pang humiling o humanap pa ng isang oportunidad para lamang maabot ko ang mga pangarap ko bilang isang manunulat, dahil alam ko sa sarili ko na darating din ito. Alam ko sa sarili ko na kung para sa akin nga ang pagsusulat, darating at darating din ako sa puntong ito. 
Siguro, ang maganda lang gawin ngayon ay ihanda ang sarili mo. Lahat tayo, naghihirap. Lahat tayo, kinakailangan magbanat ng buto, magsunog ng mga kilay, at maglaan ng dugo’t pawis para lamang maabot natin ang ating mga pangarap. Pero lagi lamang natin tatandaan na maaabot din natin ang bagay na ating inaasam. Darating ang araw kung saan makararating tayo sa lugar kung saan tayo nararapat. 
Dahil kung hindi... Papaano mo maipaliliwanag kung papaano ang isang batang ninanais noon na maging pulis at abogado, ay magiging ako na ngayon ay gusto lamang ay magsulat at magbahagi ng mga bagay na natutunan niya sa mundo?
Isa lang ang paliwanag doon, at ito ay iyon: Tayong lahat ay may lugar dito sa mundo.
...and so this marks the end of my answer sa kanyang tanong na:
What opportunities do you seek now?
That means na ikaw naman ang susunod na tatanungin ko. Ano kayang magandang itanong? Hmmmmm... 
Hah! Alam ko na!
Itong tanong na ito ay konektado sa shinare ko ngayon at tingin ko naman, gugustuhin din ng mga mambabasa na malaman ito  sa iyo:
Ano ang hindi mo inaasahang pangyayari sa iyong buhay? Ano ng nangyari dito at papaano ito naging simula ng pag-unlad ng iyong sarili?
Medyo mahaba lang ang tanong, pero siyempre, gusto ko rin marinig ang sagot mo. Osiya, tapusin ko na ito at maaga pa akong gigising bukas! Ciao ciao!
- Maju
0 notes
Text
HIS blood is thicker than your sins.
ACT 10:15, 10:34-:35
15The voice spoke to him a second time,"Do not call anything impure that God has made clean."
34Then Peter began to speak: "I now realize how true it is that God does not show favoritism.
35but accepts men from every nation who fear him and do what is right.
 -       Sa buhay natin minsan nararanasan natin na akala natin sa ating mga sarili ang dumi-dumi natin. We think that we are not worthy for God. We think also na hindi na tayo worth mismo sa kung ano ang pinapagawa ng Lord sa atin na hanggang sa ma under estimate natin ang mga sarili natin hanggang sa mawala ang fire sa puso natin bilang kanyang mga follower (parang IG lang or Twitter – na kung pweding I unfollow sa isang click lang makakalayo na tayo doon sa mga taong sinusundan natin sa mga social media) But God tells us na kapag sumunod ka hindi tinitignan ng Lord kung gaano karumi ang nakaraan mo or kung gaano ka kabangis noong hindi ka pa nanunumbalik sa kanya. Ang LORD never kang I jajudge niyan madalas na tayo pa ang nag ja judge na iniisip natin agad “iniwan na ba ako ng Diyos? Pero in the first place pag feeling natin na parang nawawala na sya icheck din natin ang ating mga sarili baka tayo na ang nawawala o baka tayo na ang lumalayo sa kanya. Ang Lord kahit gaano ka pa karumi or gaano man kasalimuot ang buhay mo pag lumapit ka sa kanya pag sinurrender mo ang mga kamalian na nagawa mo sa kanya lahat ng kasalanan mo ay ma wawash out! Hindi lang matatabunan, kundi parang isang plato na sobrang kalat pero pag sinabon at binanlawan ng tubig nagiging malinis muli. Ang grace ng Lord ay sobra sobra, nag uumapaw, higit pa sa iniimagine mo.
 1.    Wag mo ng tawagin ang sarili mo na marumi pag nilinis ka na ng Panginoon -  Pag nagrepent na dapat tuloy-tuloy na ang pagbabago, wag ng tatalikod pa.Ang pagbabago na kasama ang Diyos tinatanggal nito ang mga bagay na tingin ng Diyos na hindi mo kailangan tatanggalin niya ito sa iyo. Wag ng titingin pa sa mga past na kasalanan na nagawa mo na tapos na yun nilinis ka na ng Panginoon. At kung ikaw alipin ka parin ng mga nakaraan mong kasalanan aba mag isip isip ka baka may mali sa paglapit mo sa Panginoon kaya madali kang mahatak ng kaaway. Ang kaaway susubukan niyan ang lahat yung mga alam niya na kahinaan mo doon ka niya dadalihin at kung hindi ka sensitive enough, at kung nabago ka na ngunit ang sarili mo ay paulit ulit na nalilinlang ng kaaway dapat alam mong pag labanan paano ba?
 A.    Basa ng Bible – Magbasa, mag aral ng salita ng Diyos. Kung ikaw nagbabasa ka ng bible alam mo kung paano mo mapaglalabanan ang gawa ng kaaway hinding-hindi ka basta basta mag papadaig sa gawa ng kaaway dahil alam mo na kasama mo ang Diyos.
B.    Pray – Magdasal. Hindi lang dapat sa bible dapat nag pepray din tayo para masabi din natin kung ano ung mga blessing at mga trials na dumadaan sa buhay natin. Mahirap maglakad sa isang landasin na hindi kasama ang Panginoon at hindi makakatulong kung hindi mo sya kasama.
C.   Fellowship – Ang fellowship ay nakakatulong din upang mapaglabanan mo ang mga pagsubok, yung mga temptation sa buhay mo. Pag may nakakausap ka about sa spiritual yung mapagkakatiwalaan mo at kayang mong I open sa kanya  - I open mo sa kanya para mabigyan ka din niya ng payo kung ano yung mga dapat mong gawin at ganun din sya upang makapag palakasan kayo sa isat isa ang sabi ng sa isang kanta “Two is better than one” daig ng dalawa ang isa kaya fellowship lang at maghanap ng spiritual buddy mo na makakatulong mo mapaunlad ung spiritual life niyo.
 2.    Walang kailangang itangi, Lahat tayo ay Paborito niya – Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa kahit ikaw pa ang pinaka masamang tao, kahit na ikaw ang pinaka sa lahat pag binago ka ng Panginoon at nakita mo ang purpose mo sa buhay mo hindi mo na maiisip na ang Diyos mahilig magtangi, Hindi magagawa ng Diyos na magtangi lamang ng isa  dahil tayo ay may kanya kanyang purpose at kanya kanyang Gawain sa buhay na binigay ng Lord ngunit pantay pantay ang pagtingin sa atin ng Panginoon kasi minsan sinasabi ng mga tao pag pumapasok sa loob ng church elementary palang ako nadidinig ko na ito : Masusunog kami dyan, Mga banal lang ang nasa church, Simba simba pa paglabas gagawa din ng kasalanan. Ayaw lamang nating aminin na pag pumasok tayo sa simbahan kayang baguhin ng Lord ang nasa puso natin, yung mga bagay na akala natin na nakakapag pasaya sa atin tinatanggal ng Panginoon upang Makita natin kung ano ung mga nasa likod na blessing na ibibigay niya sa atin. Hindi magagawa ng Diyos na magkaroon ng Favoritism dahil sa buhay talaga may unang pinagpapala at may nahuhuli naman kasi ng may process pa kasi tinitingnan pa ng Lord ung puso natin at ung capacity natin na hawakan mismo ung bagay na pinagkatiwala sa atin ng Diyos. Lahat ng bagay may sapat na panahon upang ibigay sa atin ng Panginoon ang kailangan lang ay maghintay. Kaya hindi kayang magtangi ng Diyos dahil mahal niya tayong lahat.
 3.    Kapag bumalik ka sa Panginoon gawin ang tama at ang nararapat bilang isang anak niya – Pag bumalik sa Panginoon, Wag ng tatalikod pa muli. Wag nang balikan ang mga dati mong ginagawa. Kung dati adik ka sa panonood ng Pornography dahil binago ka na n gating Panginoon hingi mo sa kanya ang pagsama mo upang mapaglabanan mo yung panonood nito hilingin mo na tanggalin sayo ito na patuloy kang tuluyan upang matanggal sayo ang pagka adik sa maling Gawain at maadik ka sa panonood ng mga preachings, ng mga trainings, sa pagbabasa ng Bible sa pagpepray at sa pakikipag fellowship. Wag mong sayangin ang buhay mo sa walang katuturang bagay, sa walang patutunguhan kundi kapahamakan sa dulo. Ang Lord pag hiningi mo sa kanya na samahan ka niya gagawin niya talaga yun upang mabago ka ng tuluyan at Makita mo ang purpose mo bilang anak niya bilang isang servant niya. Balik ka na sa Panginoon habang hindi pa huli ang lahat habang kaya pa nating maglingkod, habang kaya pa nating sambitin ang pangalan niya. Mahirap kung huli na ang lahat kapag narealized natin at matanda na tayo nakakilala sa Panginoon sasabihin natin sa ating mga sarili na “ sayang ! kung noon pa sana ako nakakilala sa Panginoon ng sa ganoon mahaba pa akong makakapag serve sa kanya”.Tara balik na hinihintay ka na ng Lord.
  Prayer :
          Lord, maraming salamat po sa umagang ito na nakapag devotion muli ako oh Diyos patuloy Panginoon na baguhin niyo po ako for the better at hindi para sa worst. Lord use me effectively sa mga ministry niyo po na pinagkatiwala po sa amin. Maraming salamat po. Lord continue Lord na pag alabin mo po ang puso ko sa pag lilingkod sayo na ikaw lamang po ang Makita ko. Maraming salamat po sa pangalan ni Hesus, Amen.
0 notes
cynic-ryl · 7 years
Text
Personal Thoughts on Religion
Good day! Early post ulit. Para maiba naman, I’ll share my thoughts on religion. I’ll be very honest sa post na ‘to. After all, gusto ko rin naman maglabas ng sama ng loob. Wooo mahaba-haba ‘to. So let’s start!
Una sa lahat, I hate the concept of religion. Bakit? Other than the fact that it was religion itself that tore our family apart, marami pang ibang disgusting reasons that I’ll gladly enumerate. Pero dun nalang tayo sa nangyari sa family namin.
Currently, magkaiba ng religion yung mom and dad ko. My mom is Catholic and my dad is a member of Ang Dating Daan. Pero Catholic dati yung tatay ko. He was baptized and grew up as a member of the Catholic Church. Kinasal pa nga sila sa simbahan eh. Kaso according to my mom, habang pinag-bubuntis daw niya ako, nakita niya na nanood (once) ng religious sermon ni Eli Soriano sa TV yung dad ko. Out of curiosity lang naman. Di niya daw pinansin kasi wala naman issue sa kanya yun. Until nakita niya na gabi-gabi na yung panonood niya. Tinanong niya kung bakit. Ang sagot sa kanya is tama daw yung mga sinasabi ni Eli Soriano. Mali daw yung mga turo sa Catholic bible. Nagpatuloy yun ng ilang months at dun na nagsimula yung conflict nila. Magkaiba na sila ng religious beliefs. Di nagtagal, nagpa-convert yung dad ko bilang member ng Ang Dating Daan. Lalong lumala yung away nila. Di sila magkasundo sa napakaraming bagay. Kada weekend, sumasamba yung dad ko sa mga "simbahan" nila. Nawalan ng time for bonding.
Even after my younger brother was born, ganun pa rin yung sitwasyon. Lumala pa nga actually. Naapektuhan kami ng husto. Lumaki kaming malungkot, may takot, at gaya nila, mainitin rin ang ulo. I think na ang cause din naman ng away nila is yung attitude problem ng mom ko. Na-aggravate lang ng difference sa religious beliefs. According to my dad, she's "gaga, pakialamera, bungangera, kontrabida, at nasiraan na ng bait". I somehow agree, kasi ganun yung trato niya sa amin ng kapatid ko, even until now (which is one of my current problems). After ko naman makausap yung dad ko dati sincerely, naintindihan ko yung mga saloobin niya. Wala namang masama if he chose to believe the teachings of Ang Dating Daan. Kaso parehas sila ng mom ko na pinipilit yung relihiyon nila sa akin. At ayaw na ayaw ko nun. May sarili po akong utak. I'll believe what I choose to believe. Don’t shove down your own beliefs to someone else's throat because that person will surely puke it out, just like me.
Lumaki kaming Catholic ng kapatid ko but my dad kept on insisting that we join him. My mom would always say no for us kasi bininyagan daw kaming Katoliko. Tapos ayun mag-aaway sila. Rinse and repeat. Halos ganyan everyday. Can you imagine? Staying in our household might even drive you crazy. Di ka makakarelax. Dodoble yung stress mo. Buti nalang I survived. Naghiwalay rin sila nung 3rd year high school ako kasi di na nila matiis ang isa't isa. Bumalik yung dad ko sa family compound nila ng mga kapatid at pinsan niya. Naiwan yung mom ko sa bahay namin. And since wala namang divorce dito sa 'Pinas, annulment lang yung option nila. Nasa korte pa rin at pinoprocess pa yun hanggang ngayon. Mas okay na yung ganto. At least one less person na inaaway ng mom ko sa bahay lol.
See? Although may factor yung huge difference between their personalities, naging trigger pa rin yung pagkakaiba nila ng relihiyon. Very contradicting diba? The purpose of religion is to bond the family together with faith and love pero anong nangyari? Oops. Opposite diba? I know na it's not the case for every family pero sa amin, ganun eh. And I hate it. It's sad pero wala na akong magagawa. I guess you'll ask me kung anong religion ko ngayon? Catholic. Or I'm pretending to be. For the sake of keeping peace sa bahay and sa parents ko. I have no religion but I believe in the existence of God. Yun lang. Walang kung anu-anong turo or kwentong nakasulat sa sinaunang libro na dapat basahin at isapuso. Ganun lang kasimple yung paniniwala ko. Kaso if I tell that to my parents, nako haha, alam mo na ang mangyayari. Kaya tinatago ko nalang yan sa sarili ko. I also remember mentioning that I love Christmas. That's true. Gusto ko yung warmth and spirit na nararamdaman ko every Yuletide season. Lahat ng tao ay mabait, mapagbigay, masiyahin at mapagmahal. Sad nga lang kasi one month lang sila ganyan. Imagine how great the world would be if hindi na nila hinihintay yung Christmas para lang bumait. Masaya diba? Kaso hindi ganyan ang realidad kaya wag na umasa lol.
Religion is doing what is told regardless of what is right; morality is doing what is right regardless of what is told. You don't need religion to do good and be good. Morality yun. You don't need religion to love and be loved. That's human nature. At kahit walang religion, di mawawala ang love and morality. And lahat tayo meron nun. You don't need religion to live that way. Wake up, people. Ang importante ay maging mabait at mapagmahal. Yun lang.
0 notes
ka-chow-kween-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
[5/11]
Noong bata pa ako, pwede lang akong manood ng tv hanggang dalawang oras araw-araw. At natatandaan ko pa na ang pinakaaabangan ko palagi ay ang panonood ng Winnie the Pooh sa Disney “channel.” Hindi ako nagsawa dahil maraming serye ang palabas na ito sa telebisyon at iba-iba ang kuwento araw-araw. Lagi akong nakangiti habang nanonood. Hindi ko na matandaan kung ilang taong ganito ang ginagawa ko. Basta, isang araw, may dalang dvd ang aking mga magulang at ang laman ay ang pelikulang Winnie the Pooh (2011). Sobrang tuwa ko na mapanood ito dahil mas mahaba ito kesa sa ipinalalabas sa telebisyon araw-araw. Lagi kong sinasabi sa nanay ko na sobrang igsi naman ng palabas ng Pooh sa telebisyon at gusto ko na bukas na ulit para mapanood ko ang kasunod.  
Akala ko ay magsasawa ako sa palabas na paborito ko pero hindi pala. Kahit “grade 6” na ako noon, araw-araw ko pa ding pinapanood ang Pooh at bumili din ako ng mga “stuffed toys” ni Pooh at Piglet. Nakasabit pa din sila sa silid ko hanggang ngayon. Habang papunta kami ng daddy ko o mommy ko sa aking paaralan, kumakanta ako ng mga kanta ni Pooh at Christopher Robin, yung kaibigan niya.  Lagi din naming pinag-uusapan ng mga kaklase ko ang napanood namin at pinipili naming yung mga pinakanakakatawa at pinakamalungkot na parte ng kuwento. Ang Winnie the Pooh (2011) ay matagal na naging bahagi ng aking pagkabata at maski hanggang ngayon ay gusto ko pa din ito.  
0 notes