Tumgik
#tugma
tugmataludtodtalata · 2 years
Text
grabe ano, ikaw ang pinaka dakila kong paano at bakit. tapos sa tuwing malungkot ako, aksidente o biglaan kong makikita iyong mga mensahe mong para sa akin, na sa tuwing binabasa ko ay nakapagdudulot sa akin ng tuwa, lakas ng loob, panlulumo at lungkot.
maidagdag ko lang din, ikaw rin pala ang pinaka dakila kong sana at siguro.
4 notes · View notes
lampangmanunulat · 8 months
Text
Into Nothingness / Sa Kawalan
Writer’s note: this is from an ancient Filipino alphabet, Alibata. It means “kawalan” or nothingness in English. Here goes… I want to journey into nothingness Find the fire, the spark amidst this madness Breathing a new life, giving a meaning To this mind and heart that’s been hibernating I will float and drift into nothingness Then flow with the current of the endless Taking away all my doubts…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
walangmaisippnaurl · 4 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
aynako this girrrrrrl talaga!!!!!!!! <the only internet friend na comfy ako makipag meet kasi anlala ng breakout ko>
you heal me every time we talk. ily @maarmte-deactivated202311 🥺
superrrrr love ko yung gift!!! plus points yung pink!!!!! grrr 😩
26 notes · View notes
manang-wari · 4 months
Text
haring walang palasyo
hayan, hayan! bigyang daan haring mapagpala sa lahat prusisyon kaniyang ipapasan
barya lamang ang abuloy sa umaga nang sa tanghali’y busog na sa kota at ang hapunan ay nilagang tiyaga
hayan, hayan! bigyang daan hari na pintor at makata bitbit ang talaan ng tahanan
kuya, kuya, kasya pa ba? kasya pa ba sa kalsada? kanino na lang kami sasamba?
ihele mo kami sa musikang patok kamao namin ay aabot sa likod mo kami’y luluklok
gulong ay sasalungat sa kalso hoy! hoy! bigyan ng daan haring nawalan ng espasyo sa sarili niyang palasyo
Ang hari ng kalsada--jeepneys at ang masa---ay naubusan na ng espasyo sa palasyo.
0 notes
annexca · 6 months
Text
#171
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
Matalinghaga, may tugma, may sukat bawat sulok
Saan ang lugar ng mga karaniwang gaya ko?
Direkta, malaya, at sa langit ay tuldok
Kakayahan sa pagkalimot, tuluyang ginamot
Anong espesyal at mga tula'y 'di mo malimot?
Damdami'y ibunyag, gaano man kakomplikado
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
- SI TULA, ANG MAKATA
Tumblr media
20 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 months
Text
Mahabang kwento part 1.
Umpisahan natin sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya: stable ang work, may ipon, mabait, considerate, respectful, nakikinig, masayang kausap, generous, payapa pakiramdam pag kasama sya, into fitness, into skincare, financially literate, mukhang parehas kami ng values, nagkakasundo naman ng humor... at marami pang iba.
Fast forward to two weeks after nyang makipagbreak: Nagpost ang mahal kong ex sa social media. Nagtatanong kung justifiable daw bang i-block ako sa lahat ng social media platform. Nakipagbreak daw sya sa akin dahil toxic at unhealthy na ang relationship (sabi sa post). Sinabi rin daw nyang there's no chance of getting back. Alam din ng parents nya ang nangyari dahil ikinuwento nya, at ang payo nila ay iblock ako for good at mag-move on.
Hindi ko maintindihan bakit ito 'yung part na inooverthink nya. Hindi rin ako aware na sinabi nya palang there's no chance of getting back, kasi ang naalala ko, while hindi na raw kami magiging friends, sabi ko, pag okay na, pwede pa ba maging kami ulit? At sabi nya, ayaw nyang panghawakan ko ang mga salita nya, kaya mag-focus na lang daw muna ako sa sarili ko.
Anyway, kanina, nalaman kong dinelete nya 'yung usapan namin. Wala na lahat. Gets ko 'yung idelete nya ang kopya nya, pero bakit pati 'yung kopya ko, dinelete nya? Paano ko na babalikan 'yung mga sinabi nyang malayo sa katotohanan? Paano pag gusto kong ianalyze 'yung mga usapan namin?
Bukod dyan, nagpakadetective ako at nakita ko ang mga bakas nya sa internet. Naghahanap pala sya ng FUBU/ONS noong 2022. Sabihin na nating parte 'yan ng past nya. Pero meron syang mga deleted na post na never kong tinignan o inungkat dati. Apparently, matagal na syang naghahanap ng makaka-date. I was under the impression na first time nya triny 'to dahil daw maraming success stories 'yung friends nya na nagkakilala online. And 'yung mga naabutan ko lang na post nya e naghahanap sya ng accountability/fitness buddy; in between 'yung deleted posts.
Hindi naman masama kung naghahanap sya ng makaka-date. Pero kung babalikan mo 'yung mga inilista kong bagay sa taas bakit ko sya nagustuhan, ang problema e ni-misrepresent nya 'yung sarili nya. Akala ko on the same page kami, maayos communication namin, upfront and honest kami. Pero ako lang pala 'yung ganu'n.
Lagi kong sinasabi na "for your informed decision-making". Gusto ko lang ng tamang expectation setting. Kung babasahin mo talaga 'yung mga sinabi nya sa akin, parang mahal na mahal talaga ako. Tugma rin naman sa kilos niya in real life pag may date. Princess treatment pa nga. Pero nagkaproblema lang, hiwalayan agad. For the first time, I'm hearing about mga reklamo niya tungkol sa akin na never naman na-bring up before. I'd say, kaya naman kami napunta sa setup na mayroon kami, ay dahil sa encouragement niya na sabihan ko siya ng lahat, kwentuhan, okay lang, hindi siya affected. Kung kailangan ko raw siya, sabihan ko lang siya. Kung hindi raw sya pwede, or walang bandwidth, sasabihan nya ako.
So ano 'yun? Someone who kept saying na "I'm here for you" nu'ng gabi, literally gone the next day, stopped talking to me, stopped replying, ni seen wala. Akala ko okay na kami. Yeah right, blinock na ako ng family members nya.
7 notes · View notes
tokwattoge · 3 months
Text
Umiikot yung tiyan ko kasi ayaw ko na mag FA. Parang yun yung paulit ulit na thought ko sa isip. Nahihirapan talaga ako, parang grabe yung effort ko pero wala masyadong fruits. Nangingibabaw na yung frustrations. Ramdam ko kung gano ko kabulok sa "selling". Yung presentation, client care, keri ko. Pero yung selling, yung pagkuha ng loob nila hindi ako magaling diyan. Kumabaga nagiging vocal and honest ako na mahirap.
Gusto ko sana gawin itong opportunity para mag grow at matuto. Pero nahihirapan ako kasi hindi natural sakin yung mambola at mag udyok ng tao. Ako yung type na parang mas magtthrive pa sa secretarial tasks, yung may susundan ako tapos magkakaroon ako ng sense of accomplishment pag natapos ko.
Inisip ko lately, pwede ba matutunan yung pagiging maboka? I guess so, pero would it sit well with me kung magbago ang pagkatao ko? Parang hindi siya tugma sa principles ko. I can explain very well, kaso yung pagconvince? Tama ba tong gut feeling ko na ayaw ko na kokombinsihin ko sila na kumuha ng product na to? Ewan ko.
Dati gusto ko magbenta, kasi sustainable ang may business, pero parang hindi pala ako pambusiness. So ganito na lang pala ako forever no kasi hindi kaya ng dibdib ko hay ewan. Or kainin na lang ako ng sistema at galingan sa panguudyok?
8 notes · View notes
g-rasyaana · 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
🏖️ Brighton Beach
It was still too cold to try the waters in Melbourne. We just took lots of photos in Brighton Beach and enjoyed the sun for a good hour. The houses around were soooo beautiful, pang mayaman talaga.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
🌊 Point Ormond
Super windy when we came here, I regret not bringing my coat. But after a few minutes of walking, I got used to the cold and again, enjoyed the beautiful sunny day. I wanted to stay until sunset because they said it's a good spot to watch the sun set, but I forgot that the sun sets at 7-8pm nowadays 😅 We still have an hour drive back home, di na kami nag wait.
Tumblr media Tumblr media
🚣‍♀️ Studley Park Boathouse
First eat out with colleagues! Fortunately, nag tugma ang mga day off namin. All we did was rant about our co-workers hahahaha. Food was ok, big serving! We weren't able to try the boat because they close at 4pm.
10 notes · View notes
minnieves · 2 years
Note
hi can u do a filipino version of like beomgyu fingering u while in class or something
warnings: exhibitionism
summary: dapat tapos na ang class mo 30 minutes ago. dumating si beomgyu 10 minutes before expecting na matatapos ka agad.
"nakita niyo ba kung gaano kabilis ang appeal to pity na stance sa clip na yun?" tanong nang professor mo. kanina pa tila lumulutang ang isip mo dahil sa haba nang session. wala daw siya next week kaya kinareer naman niya nang bongga ang discussion.
"gyu!" sabi mo sabay pagalit na hampas mo sa boyfriend mo noong bigla siyang umupo sa ilalim nang lames mo. inangay mo naman ang camera mo para mata at noo mo lang ang kita nito. "i'm in class pa!"
"overtime na," bulong nito. ginagawang unan ang mga hita mo. hinihimas niya ito nang dahan-dahan. inangat nito ang tingin sayo na para bang naka-puppy eyes pa. inirapan ko lang ito at pinitik sa noo. "aray!"
"later na lang gyu," sabi mo dito. kahit anong pilit mong makinig sa prof mo ay parang lumulutang ka na papunta sa kabilang dimensyon. pinapaikot mo ang ballpen mo sa kamay mo habang nakikinig.
binuksan nang konti ni beomgyu ang binti mo. sanay ka namang ginagawa niyang earmuffs ito. kaya naman inisinawalang bahala mo na lang yun. hinalikan nito ang tuhod mo at nilabas ang phone niya.
ilang minuto pa ay nararamdaman mo na ang mga halik nito sa inner thighs mo. mabilis mong hinawakan ang kamay nito. signaling him to stop. tinignan ka lang ni beomgyu habang inuusad ang crotch area nang shorts na suot mo.
"ayaw mo?" malambing na tanong nito sayo. tinignan mo si beomgyu at hinalikan niya ang clit mo sa ilalim nang panty mo. napatingin ka naman sa laptop mo at nag-off cam. "do you want me to stop?"
"no, no no, just," sabi mo dito. hindi mo alam kung anong tamang tugma nang salita ang pwede mong sabihin kay beomgyu. dahan-dahan mong binuksan ang binti mo habang naka-kagat labi. "okay."
inusog ni beomgyu ang panty mo sa isang tabi. gamit ang dalawang daliri niya ay pinaghiwalay niya ang mga labi nang puke mo bago hipan ang clit mo. sa gulat ay napaungol na nang mahina. ang isang kamay mo ay nasa buhok ni beomgyu.
"mag-notes ka dyan," sabi nito sayo. hinapyawan mo siya nang tingin at nakita mo sinubo niya ang dalawang daliri niya. ang isang kamay niya ay pinapasusog ang bewamg mo papalapit sa kanya. "be a good student, y/n."
"iniistorbo mo ko," sabi mo dito. nanginginig ang boses mo habang sinusubukan mong sundan ang lecture nang prof mo. "fuck."
nilapat ni beomgyu ang dila niya sa puke mo at dinilaan iyon. napakagat ka naman nang labi dahil dito. gamit ang dalawang thumb niya ay pinaghiwalay niya ang labia mo.
noong una ay mabagal niya lang dinidilaan ang clit mo. kung kailan sa tingin mo ay nasasanay ka na sa galaw niya binibilisan o binabagalan niya ito. keeping you on edge. pinulupot niya ang labi niya sa clit mo at sinipsip ito.
"babe," mahinang ungol mo dito. tinignan ka ni beomgyu habang sinisipsip iyon. ang dalawang daliri niya ay nasa entrance mo. dahan-dahan niyang pinasok ito. nakabukas ang bibig ko na tila ba kinokontrol mo ang ingay mo.
"be a good girl, y/n," paalala ni beomgyu sayo. inunbutton niya ang suot mong uniform top. nagiwan ito nang ilang butones para kung mago-on cam ka man ay hindi kita ang ginagawa niya. marahan niyang pinisil ang suso mo. dahilan kung bakit niyuko mo ang torso mo papunta sa kanya. "babasahin ko yang notes mo mamaya."
"mahal naman," pagangal mo dito. nagpasok pa ito nang isa pang daliri sa loob mo. inikot miya ang daliri niya para ang palad niya ay nasa direksyon nang sahig. mas mabilis niyang nagagalaw ang daliri niya habang dinidilaan ang clit mo.
kinagat mo ulit ang labi mo habang ginagalaw ang bewang mo. sinusubukan mong sundan ang galaw ang kamay ni beomgyu sa loob mo. tinug ni beomgyu ang utong mo para patigilin ka. kasabay nang marahang kagat sa isang labia mo.
"sorry! sorry!" bulong mo dito. napatingin ka sa screen mo. ang prof mo ay nagfaflash nang kung ano. kung kanina ay hindi mo lang masundan. ngayon ay hindi mo na alam kung salita pa ba ang sinasabi nito. "mahal, please."
tinanggal ni beomgyu ang isang daliri niya sa loob mo. gamit ang dalawang natitirang daliri ay binuka niya ang butas nang puke mo. pinasok niya ang dila niya sa pagitan nito.
dinala mo ang isang kamay mo sa clit mo para galawin ito. ang kamay mo ay nirurub ito sa up and down motions. ang isang kamay mo naman ay nilalaro ang kabilang suso mo sa taas nang damit mo.
"don't touch," sabi ni beomgyu. mabilis ko namang tinanggal ang kamay mo sa sarili mo at nilagay iyon sa lamesa. nilagay ni beomgyu ang parehong kamay niya sa magkabilang binti mo at hinigit ka papalapit sa kanya. "tell me if lalabasan ka na."
"okay," mahinang tugon mo dito. dinuraan ni beomgyu ang puke mo bago ka nito kainin ulit. ang galaw nang dila niya ay mas matigas sa clit mo.
pinasok ulit ni beomgyu ang daliri niya at nakasagad ito sa loob mo. ang daliri niya ay mabilis na pinapaalon niya sa loob mo. napasandal ka sa upuan mo. ang dalawang kamay mo ay nasa bibig mo habang sinusubukan mong hindi mag-ingay.
"gyu, lalabasan na ko," bulong mo dito sabay piga nang isang kamay mo. naghum lang ito sa clit mo. noong labasan ka ay napahawak ka sa magkabilang hawakan nang upuan mo.
ang bibig mo ay nakabukas habang sinusubukan mong kalmahin ang sarili mo. si beomgyu naman ay dahan-dahang tinggal ang daliri niya sayo. ang bibig niya ay dahan-dahang sinisipsip ang clit mo.
"open cam na lahat for the attendance," sabi nang prof mo. mabilis mong sinuklay ang buhok mo bago mo binuksan ang camera. nilapit mo ang mukha mo dito dahil ang isang kamay ni beomgyu ay pinasok niya sa loob nang uniform mo. "pawis na pawis ka ms. l/n!"
"init po eh!" pabiro mo dito bago mo minute ang mic mo. nahpicture lang kayo saglit at inend na din nito ang zoom. mabilis mong pinatay ang laptop mo bago inusog ang upuan mo para iunbutton ang uniform mo.
"suck," sabi ni beomgyu. dinala nito ang mga daliri niya sa bibig mo. hinawakan mo ang wrist nito bago mo sinubo ang mga daliri niya. tinaas mo ang tingin mo kay beomgyu at nakita mong nakangisi lang ito sayo. "sarap mo ba? ako naman sir. mo," bulong nito sa tenga mo.
93 notes · View notes
makatangalang · 2 years
Text
Bago matapos ang lahat
Gusto ko muna sa'yo magpasalamat
Sa tamis at alat, sa sakit, sa lamat
At sa pag-iibigang naawat
.
Pinaalala mo sa akin
Kung gaano kasarap ang magmahal
Nagawa kang pangarapin
At naising sa iyo'y maikasal
.
Ngunit sa huling kabanata
Naging tama ang maling akala
Nahumaling sa natamasa
Umasa sa kasinungalingang pag-asa
.
Ngayon, kaluluwa'y pumanaw
Sa kasawia'y humalaw
Puso'y durog, sa kalungkuta'y tubog
Kasabay ng paglubog ng araw
.
Ninanamnam ko ang sakit
Dinadamdam ko ang pait
Inaasam kong pagbalik
Winasak sa isang saglit
.
Hangad mo'y tapos na produkto
Patawad kung hindi ako buo
'pagkat kasalukuyang nasa proseso
Maraming pagkukulang, hindi perpekto
.
Bagama't sayo'y hindi sapat
Ibinuhos ko naman ang lahat
Walang tinira, hindi nag-alinlangan
Walang iniba, hindi man kasintahan
.
Nanghihinayang na hindi ko nadama
Ang pag-ibig mong kinapos
Ngayo'y mananahmik na
Ito ang huling tugma, dito na magtatapos
60 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 2 months
Text
an open letter foR u
iyong panaginip ko, hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin pero may isa akong sigurado... nasasaktan pa rin ako. hindi pa rin ako malaya. pero masaya ako para sa 'yo kasi pakiramdam ko malaya ka na. kayâ sana ako rin. hindi para magmahal ng iba e, kundi para mas mahalin ko na iyong sarili ko. mas makapagpokus ako sa mga bagay na mahal ko. kayâ... "iyong tandaan na ako'y masayáng ika'y malaya na." : )
ry, sobra akong masaya na naging bahagi ka ng búhay ko. ang sakit-sakit talaga. at pakiramdam ko, maaaring balang araw, kakausapin mo ako para sa kung anumang dahilan pero kung sakali mang hihilingin mong ituloy natin... pasensya na pero hindi na, kahit pa sa panahong 'yon ay mahal pa rin kita. malinaw na kasi ngayon, na isa lámang táyong makináng na talà—tatanawin lang natin sa malayo ang isa't isa. bubulong ng mga hinanakit at hiling; ng mga pagsamo at paghilom.
kayâ kung mangyayari ngang makapag-uusap táyo sa hinaharap, iyong usap na wala nang pagkukubli at pag-aalinlangan, pakiramdam ko mabibigyan na natin, sa wakas, ang isa't isa ng pagkakataong isara na ang mga sugat o palabuin na ang mga peklat. umiyak man táyo habang tinatanaw na naglalakad palayo ang isa't isa, alam nating iyon na ang magiging hulí. dahil sa oras na maalala ulit natin ang isa't isa o magkrus muli ang landas nating dalawa, hindi na luha ang sisilay sa ating mga pisngi kundi ngiti.
0 notes
lampangmanunulat · 9 months
Text
Music / Musika
photo credit to pinterest.com Writer’s note: I was listening to a Filipino song, Ang Huling El Bimbo by Eraserheads, and it reminded me of the times that I was so immersed with a song. I wrote the Filipino version first. It is so good to drown in the music To loose all inhibitions and logic All you mind are the hymns and the lyrics Perfectly combined forming a magic In music, I am possessed,…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
Text
Natatakot ako. Dahil habang mas nakikilala kita, mas lumalaki ang takot kong mawala ka. Bawat bahagi mo ay nagsisimula ko nang matutunang mahalin— mula sa magagandang nakita ko, hanggang sa mga pinakatatago mo.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka sa kalagitnaan, biglang hindi pala tayo tugma ng pahinang binabasa, na baka ako lang ang nakakaalam sa dulo kung saan tayo papunta.
Natatakot ako. Natatakot akong baka sa huli, maging bahagi lang din ako ng iyong alaala.
(c)
Tumblr media
7 notes · View notes
kimhortons · 8 months
Text
so i colored my hair today, red (hot chili) and dark blue (midnight blue)—si J pala ang nag color haha. happy naman ako sa result, finally na-achieve ko na yung kulay ng blue na gusto ko. yung dati kasi blue green e haha. parang naging black na tuloy yung hair ko medj nakakapanibago na haha. also, i love how the red looks like—flaming red. sa susunod ko na ipopost yung picture pag maayos ayos ang mood ng hair ko haha. parang gusto ko rin i-try ifull yung red next time. dapat sa december ko pa 'to gagamitin, para sakto sa theme ng year end gala namin which is majestic mayon kineme. wala naman akong balak makipag bonggahan ng gown na tugma sa theme, kaya idadaan ko nalang sa awra. alam ko may prize yun, kasi meron atang best in gown or whatever—basta may award yun. wala naman ako balak manalo. tsaka di ko rin talaga ugaling mag bida bida sa lahat ng bagay hahaha. wala lang, nakakaloka narin kasi sa workplace ngayon, unti unti ko na nadidiscover ang mga pangit na side. haha. ibang klase rin, pero mas okay narin 'to kesa yung dati sa previous work ko. haha. skl
4 notes · View notes
annexca · 10 months
Text
#151
Imahe ng nakaraan, minamasdan
Sa harap ng kandila ginugunita
Malawakang kadiliman, pinupunan
Piraso ng tugma, hiwaga't salita
Kung 'di pa nararanasa'y ito na ang pahiwatig
Kunin ang pluma't sa kandila ay lumapit
Dahan-dahan, sarili'y huwag hayaang masaktan
Dahan-dahan, mundong madilim ay 'yong kulayan
- KANDILA
Tumblr media
12 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
Unpopular Opinion
I like CIMB.
Free instapay up to 500,000 in a day. Smooth cash in and cash out sa GCash at Maya. Pwede rin mag-cash in from other banks like BDO (though Mon-Fri 8am-5pm lang). May atm din ('yung fastplus).
Ever since lumitaw sya sa gcash, nag-open na ako ng account. Naalala ko noong octopus pa siya. At pesonet lang ang way out. Honestly, ok din naman ang pesonet, plus vineverify nila kung tugma ang name ng account sa account number. 'Di lang ok pag weekends or outside business hours.
Recently andami kong minomove around na pera pero so far hindi naman nila ako hinahanapan ng anumang dokumento. 'Yung Diskartech nag-email agad noong nag-instapay out ako ng 49,000 twice. 'Yung tatay ko kasi, gusto mag-open ng account sa Maya para sa 10% p.a. promo, e sa RCBC ko pinadaan 'yung pera. Ngayon, may 50,000 limit daw ang RCBC at hindi ko mafigure out paano siya i-bypass, so sinend ko sa Diskartech at pinatulan ko na 'yung ₱8 nilang instapay.
Anyway, may exclusive promo 'yung CIMB ulit this month na 10% p.a. no cap. Finally, wala na 'yung "conditions" na kailangan i-meet, isa na lang: i-increase ang ADB for the month.
8 notes · View notes