Tumgik
#hindi dahil wala akong tiyaga para sa kanya
kremechihihi · 7 months
Text
Tumblr media
ako si luna.
siya si sol.
ilang taon ko makikita ikaw nang tunay?
-
i’m luna.
she is sol.
how many years will it take to see you truly?
4 notes · View notes
matabangutak · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sobrang tagal ko ng crush tong kasama ko. Taken pa ‘to dati crush ko na ‘to. Nawalan ako ng pag-asa dati kasi sobrang tagal na ba naman nila. Aakalain mong sila na hanggang sa huli. Kaya naman ako ‘tong happy crush na lang at tamang papansin sa tuwing nakikita ko siya sa timeline ko noon. Syempre ako, may mga failed relationships din that time kaya wala din talagang chance magkausap. Pero occasionally nag-uusap naman kami nitong crush ko. Naks! Pinanindigan talaga ‘yong crush. Oh well, totoo naman.
Tapos nalaman ko na almost a year na pala siyang single and I decided na i-push ‘yong nararamdaman ko sa kanya. Sobrang crush ko talaga siya. Nung nakita ko siya life goal talaga. Kaya sabi ko sa sarili ko na liligawan ko talaga ‘to at gagawin ko best ko para maniwala siya sa akin na seryoso ako, na gustong gusto ko talaga siya. Alam niyo ‘yong alam ko sa sarili kong kaya ko siyang alagaan pero dahil may trust issues siya hindi niya ako paniniwalaan. Kaya grabeng struggle talaga bago ko nakuha ‘yong tiwala na makipag kita siya at maiparating sa kanya na totoo lahat ng sinasabi ko sa kanya. “Hatdog” ang reply niya sa lahat ng compliments ko sa kanya kaya naman nakakababa talaga ng confidence minsan.
Nadaan ko sa tiyaga at siguro nakulitan na rin. After namin magkita for the first time, sobrang naging natural lahat. Walang pilit na nangyayari at talagang hindi kami nauubusan ng kwento sa isa’t isa.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakapaniwala na siya na ‘yong nasa harapan ko at nakakasama ko. Ang tanging nasasabi ko lang sa bawat pag ngiti niya ay sobrang swerte ko na ako ang nakakakita. Ako ang nakakaranas at nakakatuwa na ako pa nga minsan ang dahilan. Basta, pinagdasal ko ang babaeng ito at hindi ako magsasawang pasayahin siya. Sobrang saya ko talaga nung napagbigyan akong mapansin niya. Di niyo maiintindihan ang ibig kong sabihin nung salitang mapansin, nung salitang sa wakas nagtiwala. Basta ang mahalaga handa akong sabayan ang babaeng ito sa kahit anong trip niya sa buhay.
Araw-araw ko siyang pipiliin. Araw-araw mamahalin. Salamat, kasi hindi ko na kailangan maghanap palagi ng taong magmamahal sa akin, kasi sa oras ng paggising ko, andyan ka palagi para iparamdam ang halaga ko sa buhay mo. Hindi kita pababayaan, Therese.
76 notes · View notes
gracegtrrz-blog · 7 years
Text
CPAR Experience!!!
MY CPAR EXPERIENCE
CPA Review School of the Philippines (CPAR)
“Hala! Ano kaya ang feeling kapag nasa review school ka na no?” Nakakakaba na nakakaexcite. Nakakakaba dahil nalalapit na ang board exam at konting hirap nalang para sa CPA title na gustong gusto mo. Nakakaexcite at the same time dahil sa mameet mo na in person ang mga author ng libro na gamit mo, makahanap ka ng new friends at syempre may hidden agenda ka parin kahit di mo aminin! Hahanap kang forever slash inspirasyon pang sideline lang. Yung  tipong iniisip mo palang na makakasabayan mo yung mga magagaling na students galing sa mga big schools mejo kinakabahan Karin diba. But believe me, wala sa school yan kaya wag kang matakot. Kung masipag at matiyaga ka, hindi ka mapag iiwanan, promise!
Bago ako mag review sa CPAR, nag search ako ng mga blogs sa net about CPAR. Sabi nila mabilis daw ang turo sa CPAR, madami daw ang handouts. Hindi naman pala. Hindi mabilis ang turo unless first view mo palang talaga yung topic na ididiscuss. Para ka lang talagang nagrerefresh sa mga naaral mo noon. Handouts? Hindi over na madami. Madami talaga kapag hindi mo binasa at sinagutan on time kasi matatambakan ka na.
Hindi naman ako nagsisi na sa CPAR ako nag review dahil super enjoy sa CPAR hehe ang dami rin kasing magandang view sa batch 82 hehehe. Pero swear, enjoy talaga. Mababait ang mga reviewers lalo na si Atty. Valix.
Facilities? Keri naman, sobrang lamig sa room. Yung tipong gugustuhin mong yumakap sa crush mo sa sobrang lamig lalo na kapag wala kang jacket as in! Yung restroom na blockbuster sa haba ng pila, yung tipong gusto mo ng makipila sa boys dahil grabe talaga haha ang haba ng pila sa girls as always.
CPAR Reviewers
My real sched is weekdays, morning but then I shifted to weekends. Nahirapan ako sa weekdays na morning sesh haha Idk, hindi ako makagawa ng magandang study sched kaya nagrisk akong itry ang weekends. Narealize kong pang weekends pala ang utak at katawan ko haha, mas bet ko ang mag aral ng diretso ng 5 days (mon-fri) maghapon. Mas namaximize ko yung time para mag aral, tapusin lahat ng dapat tapusin tapos makikinig lang ako maghapon sa weekend class ko. Absorb absorb lang ganern.
LAW
My reviewer in Law? Syempre the one and only, Atty. Dante dela Cruz. Yan ang tunay na LODI! Mahina ako sa law pero sobrang pasasalamat ko talaga kay Atty. Dante. Sobrang kwela ng law class nya. Minsan nga tawa lang ako ng tawa. Masaya ka na, natuto ka pa. yung tipong malingon ka lang ng konti puno na ung board sa bilis nya mag discuss. Sobrang idol ko rin talaga si Atty. D lalo na ng ishare niya ang lifestory nya, naiyak pa nga ako non sobrang nakakahanga talaga ang kasipagan at determinasyon ni Atty. Dante! Kung mahina ka sa law, making ka lang ng mabuti kay Atty,D at the same time, basa basa rin pag may time. Makukuha naman yan sa tiyaga, wag ka lang aantukin haha.
FAR
Sir Thomas Siy is my reviewer. Idk pero never akong nabored or inantok sa mga discussion nya. Maybe because of his voice? Haha ang gwapo ng boses nya, para kang nakikinig sa radio, pang-DJ ba. Type ko yung way ng discussion nya. Simple pero may dating, basta making ka lang, para mo lang narereview yung mga alam mo na, at the same time, yung mga di mo alam mapapa “ayy ganon nga pala yon” ka nalang. Nag try akong makiklase kay Baby Valix, but I really prefer Sir Thom’s style of teaching. Anyways! Depende rin naman sa tao kung saan sya komportable makinig. Na aamaze lang talaga ako at kabisado nila ang handout, problems at solutions, lodi! Seriously, mahina ako sa FAR nung undergrad, after ng mga sesh with Sir Thomas Siy, nagtataka nalang ako kung bakit hindi ko yon alam dati haha. Nakaka-amaze lang, parang magic. Napansin ko lang na marami ang umaalis kapag FAR na. pero suggestion ko lang talaga is huwag kang aalis. Kahit na alam mo na, makinig parin. First of all, sayang ang bayad mo haha. Second, ayaw mo nun? Mas mareretain yon sa utak mo J
AFAR
Dalawa ang reviewer ko sa AFAR hehe mabisyo ako e. sabi kasi nila ang hirap “daw” sa AFAR sa actual pero believe me, sobrang layo sa preboard ng CPAR! Basic questions lang basta ewan ko rin ba kung sinwerte lang kami or what hehehe. Sir Brian Lim ang reviewer ko sa weekend sesh then Sir Chris German for my weekdays sesh. Sa AFAR lang talaga ako pumapasok pag weekdays. Sir Lim’s style is more on techniques. Mga shortcut ba, topnotcher kasi e kaya ang taba rin ng utak nya umisip ng mga techniques which is very helpful naman nung nagtake ako ng board exam lalo na sa Advacc part 1. Pero syempre Kailangan mo ang concepts, kaya I prefer sir German pagdating sa concepts. Tho ang tagal nya magdiscuss sa isang problem, pero naituro naman na nya ang lahat ng dapat nyang ituro. Yung forex na inaayawan ko, ganon lang pala kapag nakinig kang mabuti kay Sir German haha. Galing din ng oppa nyo sa concepts tapos minsan may mga hugot pa siya. Siya yung tipong kung naliligawan lang ang problem baka ginawa na nga nya hehe joke lang sir. For me, sapat na ang combination ng concepts ni Sir German and techniques ni Sir Lim.
MAS
Sir Jamil Saripada is my reviewer in Management Advisory Services. Sa lahat ng naging reviewers ko sya ang second favorite ko (malalaman nyo ang first favorite ko later hehehe). Siyempre magaling din si Sir Rodel Roque pero nag stick na ako sa class ni Sir Jamil hehe. At first mejo nag doubt pa ako kasi nga hindi ako familiar sa kanya pero tinry ko syempre para malaman ko and hindi naman mali ang naging desisyon ko haha. Galing! Siya yung tipong hindi napapagod kakasalita. Titigil lang ata sya kapag break hehe pero nakakaamaze ang galing nya magdiscuss plus ang ganda ng sulat niya parang niruler lang. bet na bet din yung mga techniques niya sa pagsolve at pagtanda sa mga theory part ng topic. Kwela pa ang mga definitions niya hahaha.
AUDITING
Of  course,the one and only Sir Jerry Roque. Ewan ko ba parang tawa lang yata ako ng tawa pag klase na nya. Ayoko talaga ng audtheo weh kaya pinipilit ko nalang makinig at iabsorb ang mga tinuturo ni Sir Roque, sobrang antok talaga ako sa audtheo na ewan ko ba hahaha pero magaling si Sir Roque magturo, sabay ka lang sa discussion nya ng mga problems sa Audprob. Sagot ka muna sa handout sa bahay/dorm then sumabay ka sa discussion nya. Try and try lang bes kahit mali minsan haha.
TAX
Presenting, the one and only, my favorite reviewer in CPAR, Atty. Tristan Lopez. Sobrang kwela every meeting. Hindi matatapos ang klase mo sa kanya ng hindi ka tatawa. Super as in! kaya pag tax na, sobrang excited akong magklase. Masaya ka na, natuto ka pa. Super funny ni Atty. Lopez grabe haha halata naman diba? Atty. De vera is my first choice but then, si Atty. Lopez ang nasa weekend class ko so nagtry ako makinig at thank you talaga kay Lord at hindi naman niya ako binigo haha. Naging favorite subj ko ang tax dahil kay Atty. Lopez. Ang laki ng impluwensya sa akin ng taong ito. Maging sa firm sa gusto ko ang laking factor nya. Too sad hindi ako doon dinala ni Lord hehe,pero okay lang din, baka mas may better plan ang Lord weh. Simula umpisa ng discussion hanggang sa Matapos, tatawa ka lang haha joke. Concepts and computations ang style ni Atty. Lopez plus may jokes pa na sobrang havey!!! Para kang nasa comedy bar slash review center pagdating sa klase nya. Sa room namin, minsan mejo madaming vacant seats haha ewan ko baka di nila type? Pero for me talagang okay naman ang klase niya. Dami ko rin natutunan sa kanya about tax. Sobrang na inspire pa ako nung kinwento niya ang lifestory niya, hindi ko akalain na malapit pala siya kay Lord hahaha pero swear, nakakainspire. Sobrang lalakas ang loob mo para sa board.
 Masaya sa CPAR, super magiging masaya ang CPA journey mo. Maganda ang environment, mababait ang mga reviewers at maraming good looking peeps hahaha charot! So kung nagdedecide ka if saang review center ka magreview, it’s up to you! Choice mo naman yan e. Bawat review schools syempre may mga kanya kanyang strength. Basta nasa’yo yan kung paano ka papasa, iguguide lang tayo ng mga review centers na napili natin. Wala sa special handouts or anything ang pagpasa sa board. Basta, magtiwala ka sa review center mo at syempre sa alam mo! Huwag kang papasindak kung hindi ka man nabahagian ng kung anong special handout or kung anong handout pa yan, remember, mas fulfilling at masaya sa pakiramdam kapag nakapasa ka sa board ng sa sariling alam mo lang! tandaan mo yan J
Goodluck future CPAs! Keep the faith! Don’t quit!! You can do it :)
6 notes · View notes
alejoderosales · 5 years
Text
Red String of Fate
.Many people said that a man can only love a woman. Therefore if you are not a man nor a woman you can’t live a normal life. Nakakalungkot mang isipin pero partly it was true.
Let me tell you my story..Inaasahan ko ang inyong tiyaga at pasensya becasue it was a long long long story.
It was 2nd Year High School when i doubted myself. Magkasunod kami sa alphabetical so it means lagi ko siyang katabi and partner in crime hehe. At first i thought we were best friend. Pero ng dahil sa Isang halik sa pisngi during English Class made me realize that there is something more. Or it was just me who expected more ? It lasted for a year na may tawagan kami na MKT which means mahal kita tunay but during vacation break turning 3rd year high school nawalan kami ng communication and it was the end.. #wedontevensaygoodbye #wedonthavealabel #meassuming
But summer vacation noong nawalan kami ng communication ni Boy (Yes its a boy hehe). Meron isang babae na naginvest sa akin ng feelings and i thought it will last. Mahirap lang kami that is why i cannot afford to buy load to communicate with her. But siya tong nagbibigay sa akin ng sim na TM for use to be able to communicate with each other (Tandang tanda ko pa na ayaw mo ng walang heart sa dulo ng text natin dahil sabi mo ang cute tingnan ng conversation. Nalaman ko na may nanliligaw daw sa kanya na iba. So that is why tinanong ko agad siya kung pwede bang maging kami. And she said yes... But this yes was summer vacation and we dont even meet in person. Pasukan and nagkakailangan pa. To the point na i have to go early in the morning kahit 9 pa klase namin in order for me na maturuan siya ng mga lessons hehe specifically trigonometry hehe. And hindi ko na alam kung anong nangyari becasue after a month from the first day of school nalaman ko na may boyfriend na siya iba.. #idontwanttotrustagain
After that heartbreak.... Sabi ko sa sarili ko tapusin ko na pag-aaral ko and magkabahay muna ako ang stable na trabaho before ulit pumasok sa relationship.. That is my promise to myself. Nakakapagod na magtiwala ehh.
College.... When i dont know how my forever became this far... 
First Year... Sobrang focus ko sa studies na halos dorm school lang ang pinupuntahan ko. But meron isang guy na sobrang clingy and friendly sa classroom namin. I admit gwapo siya hehe. We occasionally known each other kasi tulad kami ng sports and we just know each other as competitor. We never talk before and even nitong college siya ang madaldal na laging nakikipagusap sa katabi. Nakabuo na sila ng barkada which is kasama ako pero i dont go with them sa mga gathering for how many months kasi nga focus ako hehe. Hanggang sa napapasama na ako sa kanila. 
Hanggang sa nagka girlfriend na siya that i know na super smart and brave ng babaeng ito. but dahil nga tulad kami ng sports and we have a lot of things in common din naman. Lagi ko siyang nakakausap through phone and personal things. Nagkwekwento siya about sa girlfriend nya. Then we became best friends.. for almost a year habang sila pa ng girlfriend nya. Away-bati sila na mismong ako pa ang nagiging daan pag minsan para magkabati sila. pero habang sila ng girlfriend nya i know to myself na feelings talaga ako sa kanya hehe. konti lang naman. Sabi nga if you love someone you will not ask for anything in return.. Kaya kahit tinuturuan ko siya sa lahat ng subjects na hindi nya maintindihan. Hindi ako nageexpect ng kahit ano in return. Nagpunta akong Palawan and bought him a special t-shirt then sa others key-chain lang hehe. Sometimes pag nagseselos ako (Akala mo naman may karapatan eh wala naman kaming kami) hindi ko siya tinuturuan kahit na exam kinabukasan. Nagtetext siya na baka daw bumagsak siya (because i know kung gaano yung pressure sa kanya ng magulang nya), i ignore him.. but at the end ako yung tatakbo sa apartment and will say sorry ng madaling araw. Because i feel guilty sa dami ba naman nyang text pero tinulugan ko lang... #morestoriestotell
But suddenly they (Girlfriend nya at siya) broke up (It was March before kami maging second year). Lumayo ako kasi baka isipin ng barkada na ako ang dahilan ng break up nila but it was the pressure i think ng magulang nya sa kanya kaya nakipagbreak siya because gusto nya magfucos and everything blah blah blahh... Basta i dont know the real reason why pero ayokong maging sanhi ng gulo sa barkada na baka maging dahilan ng pagkakawatak namin kasi baka isipin nila gawa ko kaya sila naghiwalay dahil lagi akong kasama ganun so they dont have time for each other gawa ko. Pero lagi siyang tumatawag sa akin and umiiyak and kinocomfort ko siya pati girlfriend nya natawag sa akin and kinocomfort ko din. (Alam mo ba yung feeling na kailangan mong maging in between and playing safe in order not to hurt someone’s feelings)..
I really dont know how it happen. It just happen.. During our second year college naging okay na lahat. barkada pa din. No akward moments kahit parehong nasa barkada sila ng ex-girlfriend nya. And we became more close pa.. Ito yung sem na sobrang hirap para sa amin ng subject na Financial Accounting na halos matulog ako araw-araw sa apartment para sa study buddy ko.. I know i have a feelings for him pero hindi nya alam because i’m not that sweet and showy about my inner feelings. Naglipat ako sa apartment summer vacation ng pa-second year collge....
It was October 11 that my heart keeps beating like a drum... So ganito ang nangyari...... It was National I Love you day.. Gumagawa siya ng sobrang hahaba na message for different person in his life na trinetreasure nya.. Like lahat ng barkada may personalize letter siya. Magkasama kami that night while he still typing haha.. I also recieve a message from him, pero nagreply ako ng maikli and not that much. Basta nagpasalamat siya sa akin for my effort daw.. ganito ganyan basta lahat ng message nya may ILOVEYOU sa dulo.. Hindi ako nagreply. But that night matutulog kami sa isang kama, And sa pagkakaalam po ng marami mahilig po talaga siyang yumakap. so he hug me that night. And i silently whispered “I LOVE YOU TOO” and kiss sa pisngi hehe.. Hindi ko alam kung gising ba siya or tulog na. 
Hanggang sa tumagal ang panahon na super close pa din namin. Napapagkamalan na kaming mag-couple because sabay kami kumain, sabay kami pumasok, na halos hindi mo na kami mapag-hiwalay. So we made to clear things up when we were third year. and we declare October 11 as our anniversary because of the story but not totally naging kami ng October 11. 
And nowww.... Mag -4 years na kami this coming october and we all know sa relationship that merong ups and downs pa din. Ang dami naming naging away like small thing haha because we still dont know how to handle this kind of relationship noong nagsisimula pa lang kami.. Like we have to hide it from everyone. So we planned to open things up sa graduation day para if no one will accept us. it will not be so hard for us to let go kasi we have our own life na to work with. Kumbaga mamumuhay na lang kami ng kami lang if iwanan kami ng lahat ng taong nasa paligid namin.
But we are wrong.... Sobrang tinanggap kami ng barkada namin... It was hard for me to came out kay mama and sa kapatid ko but i take the opportunity na madaling araw umuwi yung kapatid ko because i have to open the door for her.
At first my mother is anxious na siya daw unang masasaktan pag ako ang nilalait and pinag-uusapan. Pero sabi ko sa kanya. it doesnt matter na. I dont care about them, mind their own fucking business. as long as i’m happy i dont care about them. Sabi nga “We only die once, but we live everyday” kaya for me make the most out of it.
Now. I’m happy. I really love him so much... and i dont care what will happen in the future basta as long as i’m with him and we are planning to have our own life. I’m happy. At para sa akin siya ang aking destiny becauce kilala namin ang isa’t isa before pa kaming maging close. I just dont know that he was the one for me before, but now i know. 
I’m still hoping for the world to accept that in love gender doesnt matter. As long as you feel the love and you feel of being loved. Enjoy it. because in Love, you will not expect anything in return. Just keep going as long as you are happy. But you have to love yourself first before loving others. Remember that you cannot share what you dont have
1 note · View note
ongpinned-blog · 5 years
Text
Kul2ra
ni Michaela André O. Benemerito 
Muli na naman akong napadpad sa pintuan papuntang Tsina. Matapos kong dumalo sa misa kasama ang aking pamilya sa simbahan ng Santa Cruz ay agad naming tinahak ang Ongpin na kilala rin bilang sentro o puso ng Binondo. Hindi ito ang unang beses na namasyal kami dito sapagkat tuwing Chinese New Year ay may nilalaang araw ang aming pamilya upang makadalo sa pista. Noong mas bata pa ako ay puro pagkain at makukulay na dragon pa lang ang aking binibigyang pansin, kung kaya’t sa pagkakataong ito ay sa ibang perspektibo ko nais lakbayin ang Binondo.
Tumblr media
[Ito ay larawan na aking kinuhanan mula sa labas ng Sta. Cruz Church. Makikita rito ang Carriedo Fountain at ang arko papasok ng Ongpin.]
Sa pagbisita rito ay may iba’t ibang paraang maaaring pagpilian para sa kanilang transportasyon tulad ng LRT, jeep, tricycle para sa malalapit na dito, at para sa mga nais mag-aircon pwede rin silang mag Taxi o Grab. Bukod pa rito ay maaari din silang mag-dala ng sariling sasakyan at iparada na lang ito sa labasan o sa may tapat ng simbahan. Noong nakaraang Linggo,  March 10, muntik na kaming mahuli sa misa kaya’t napagpasyahan na lang naming mag-abang ng Grab. Halos apatnapung minuto ang itinagal ng aming byahe mula Tayuman papuntang Santa Cruz Church. Dahil na rin siguro sa namumuong sikip sa kalsada nang mga oras na iyon ay bahagyang tumagal ang byahe, tanghali na rin kasi kami nakaalis ng bahay.
Matapos ang misa, agad na kaming lumabas upang magtungo sa katapat nitong pasyalan, ang Ongpin. Kung susukatin, makikitang hindi masyadong maluwag ang eskinita nito. Gayumpaman ay punong-puno ito ng iba’t-ibang kulay na dekorasyon na siyang tiyak na makatatawag ng interes sa mas marami pang turista. Unang nahagip nang aking mga mata ang Carriedo fountain, makikita ito bago pumasok sa Ongpin. Ayon sa lola ko ito raw ay itinayo noon pang 1882. Kung susumahin may tanda na itong isang daan at tatlumpu’t pitong taon. Para sa akin maituturing itong tagapag-bantay sa lugar, sapagkat halos lahat ng nakapaligid dito ay sumailalim na sa pagkukumpuni o hindi kaya naman ay tuluyan nang binago. Simula’t sapul ay hindi na nag-iba ang itsura nito.
Marami ring maaaring makasalamuhang mga batang nagtatakbuhan, o kaya naman ay mga nagbebenta ng kendi o sampaguita. Meron ding mga batang ginawa nang mapagkakakitaan ang pagpapaatras sa mga sasakyang papaalis na sa mga restawran at iba pang establisyemento. Bagaman walang karampatang bayad para sa pagpaparada ng sasakyan, nakikisama na lang din ang mga drayber at nagbibigay nang pabarya-barya sa mga bata. Tuwing araw ng Linggo ay wala masyadong nagbabantay sa parkingan kung kaya’t madalang ang paniningil.
Tumblr media
 [Ito ay larawan ng mga dragon sa loob ng Ongpin. Ilan pa lamang ang mga ito sa makikitang palamuti sa nasabing lugar. Kinunan ito mula sa labas ng isang establisyemento.]
Pagpasok sa Ongpin ay panay kulay pulang mga disenyo ang mamamataan. Dahil wala namang okasyon nang magpunta ako, wala masyadong mga Chinese lanterns sa paligid maliban na lamang kung ito ay kanilang itinitinda. Sa tuwing tumatapak ako ng Binondo, iisang amoy lang ang rumerehistro sa aking isip. Para bang ang buong lugar ay pinabanguhan ng naghalong prutas at pawis ng mga manggagawa at turistang pumapasyal dito. Kung sinuswerte naman ay puro pagkain ang kanilang tiyak na malalanghap ultimo ang gumuguhit na anghang ng pinagsama-samang sili sa sawsawan ay siguradong magpapatakam sa kahit sino. Lalo na kung sasabayan nila ito ng malinamnam at hitik sa lasang siomai at iba pang mga uri ng dumplings.
Tulad ng panahon, ang mga putaheng inihahain sa Ongpin ay nagbago na rin. Dahil mula ako sa pamilyang may dugong Tsino, masasabi kong bumaba ang kalidad ng mga pagkain sa mga restawran dito. Noong mas bata ako ay sobrang siksik sa karne ang siomai at puno rin ang mga palaman sa siopao. Napansin ko ring mula sa malinamnam ay unti-unti ng tumabang ang mga pagkain, bukod pa diyan ay nagmahal na rin ang presyo ng mga ito. Hindi ko pa napupuntahan lahat ng kainan, marahil sa iba ay puro pa rin ang mga sahog na ginagamit panluto. Gayun pa man, mas maganda sana kung napanatili ang mayamang kulturang nakapaloob sa lugar, lalo na sa pagkain sapagkat hindi naman maipagkakailang masasarap ang luto sa Chinese restaurants. Tuloy pa rin kasi ang pagtaas ng bilihin dito sa bansa, kung kaya’t maging mga negosyante ay kinailangan na ring magtipid.
Para kasi sa mga Tsino, may dalang swerte ang paglalagay ng dragon bilang palamuti sa kanilang negosyo. Sa iba’t ibang tindahan ay bubungad din ang mga naglalakihang rebulto ng dragon. Kahit na hindi ito ang unang beses kong makakita ng naturang mga rebulto ay napupukaw pa rin ang aking atensyon. Kung metikoloso mong susuriin ang mga ito ay sadyang napaka detalyado ng pagkakagawa. Sadyang napakakinis at malalamig ang mga rebulto, madalas rin ay kulay-balat o kulay-abo. Batay sa pagmamasid ko, maaari ding ihalintulad ang mga dragon sa kultura ng Tsina. Tulad nito ay napaka tapang at tiyaga rin nang pagkatao ng mga Tsino, lalo na pagdating sa pagtataguyod ng kanilang mga negosyo.
Tumblr media Tumblr media
 [Ang mga larawan sa itaas ay nagpapakita ng iba’t ibang pinagkakakitaan nang mga Tsino. Ilan lamang ang mga ito sa naturang negosyo.]
Maraming tindahan ng pasalubong ang mamamataan sa Binondo. Ngunit bukod sa mga pagkain ay kilala rin ang mga Tsino sa kanilang hilig sa mga pangontra, anting-anting o mas kilala ng marami bilang lucky charm. Ang mga palamuting ito ay maaaring isang bracelet, kwintas o palawit nito, singsing, bagwa, mga chimes at marami pang iba. Madalas ay makukulay na materyales at beads ang gamit sa mga ito. Mayroon ding mga jade na hugis hayop tulad ahas, dragon, kuneho at iba pa. Nagkalat rin sa kahabaan ng Binondo ang iba’t ibang uri ng prutas. Kung minsan pa nga ay maging ang mga ito ay ginagawa na ring pampaswerte.
Samu’t saring meryenda ng Tsino ang matatagpuan sa Ongpin. Palaging mahahaba ang pila sa mga bilihan ng siopao, hopia, siomai at pansit. Hindi na nga maipagkakailang napamahal na tayo sa masasarap nilang pagkain, kung minsan pa nga ay nagkakaroon na rin tayo ng sariling resipi para sa mga ito. Natuto na rin tayong ipares ang hopia sa tsaa.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
[Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita nang mga manggagawang Pilipino sa Ongpin]
Bago matapos ang aming pamamasyal sa puso ng Binondo akala ko ay wala na akong bagong aral na mauuwi. Hanggang sa nagtungo kami sa Salazar, isa sa pinaka tanyag na nagbebenta ng hopia sa Ongpin. Bukod sa natakam ako sa maraming pagkain dito ay naging mulat rin ang aking mga mata. Pagpasok naming ay napakatamis ng amoy ng paligid, lumutang din ang amoy ng margarin na siyang ipinaibabaw sa mga ensaymada. Maliban diyan aking napagtanto na halos mga Pilipino ang empleyado sa buong lugar. Sa unang tingin ay parang normal lang naman, ngunit hindi pala.
Likas na sa kulturang Pinoy ang labis na pagsusumikap para sa kanya-kanyang pamilya. Wala namang masama kung doon talaga nila nais magbigay serbisyo. Nakakalungkot lang isipin na sa kabila nang mga pagod at pagsisikap, sa sarili nating tahanan tayo pa rin ang nangangamuhan sa mga taga kabilang bayan. Ngunit nakamamangha sapagkat maari pala na sa iisang lugar ay mabuhay ang dalawang kultura na siyang nagsisilbing oportunidad para sa dalawang bansa. Matapos kong pumasyal sa Binondo bagaman hindi ako nakakain ng masasarap na putahe, nakita ko naman ang pagpapahalaga sa kultura at pagkakaibigan nating mga Pilipino sa Tsina. Marahil ang Binondo ay hindi na lang tungkol sa mga Tsino, baka pugad na rin ito nang mga nangangarap na Pilipino.
0 notes
normaineczarina · 6 years
Text
KK 2018 Experience ✨
       Last year, tinatanong, pinipilit at kinukulit ako ng mga tita, tito at lola ko na sumayaw ako sa Easter Ball. Syempre, pilit kong sinasabi na ayaw ko. Kasi sa dami na ng nag-aaya sa ‘kin sumali sa samahan at sumayaw, wala akong sinagutan ng “oo” at sinalihan. 😂 Pero nung mga nagkita-kita ulit kami nung birthday ng lola ko at sinabi na naman, sabi ko pag-iisipan ko. Kaso, pagdating ng December, minessage ako nung tita ko para sabihin na kasama ako sa final list ng dancers niya at bawal na umayaw. So, there. Wala na ‘kong nagawa pa. 😂
December 16, 2017.       First Meeting with Dancers. Grabe, sobrang kabado ‘ko nun. Kasi naman, first time ko sumali and pinsan at yung tita ko lang kakilala ko nun. 😂 So, ayun nga. Tamang briefing and all, tapos di ko naman alam na may pa-introduction pa pala si Mayor! 😂😂😂 Inisa-isa kami tapos pinapunta pa sa harap then pinagpakilala kami ng naka-mic, take note, NAKA-MIC. Jusq, hiyang-hiya ang lola niyo! 😭🙈😂 After nun, pinapanood sa ‘min yung video nung last year’s easter ball then dinner.
January 6, 2018.       First Practice. Grabe, feeling ko first day of school eh. Buti na lang I saw familiar faces, pero mas marami yung di ko kilala. 🙈 But anyway, na-enjoy ko naman. Tsaka overwhelmed talaga ‘ko nun, perstaym eh!  😂 May nameet naman ako, mga first timers din. Tamang kwentuhan lang din kami, syempre mga excited din sa mga pwedeng mangyari eh. 😂 Angas nung sayaw, Symphony!  😂
      As time goes by, nagiging close na kami pare-pareho. Then unti-unti din nabawasan kaming mga dancers. May mga nagkakatampuhan, nagpaparinigan, nag-aaway, nag-iinarte, pero all in all, okay naman. Masaya and masarap yung food!
March 31, 2018.       9pm, umattend kami ng Easter Vigil. Grabe, first time ko umattend ng ganun. Ang overwhelming pala sa feeling nun? Di ko alam kung maiiyak ako o ano eh. Pero grabe, goosebumps!
April 1, 2018.       12am natapos yung Easter Vigil, then umuwi na kami kasi 2:30am yung calltime para naman sa salubong. Di kami natulog ng mga katropa ko. 👌 Tapos yun, mass ulit. Daming tao, sobra pala talagang napakamadasalin ng mga taga-Antipolo. 6:30am na ‘ko nakauwi nun, tapos natulog ako. Nagulat na lang ako tumutunog yung phone ko, tumatawag na pinsan ko kasi 10:30am na at mag-tatanghaliang bayan na kami. 😂 So yun, pumunta kami kanila Kapitana Uno. Bale dun lang, sorry po sa iba na hindi namin napuntahan. Hihi. Then mga 3-4pm inayusan na kami tapos pumunta kami ng plaza. Grabe, daming tao! 🙈
      Konting pictures, tamang tanggal kaba then ayun. Pinakilala yung mga Kapitanes at Kapitanas. Then performance na, sobrang kabado ‘ko nun. First time kasi akong magpeperform na napapanood ng mga kamag-anak ko at yung ganun ka-enggrande pa. So yun, may mga konting mali at adjustments kami, pero ang saya at sarap sa feeling! 😊 After performance, gusto ko umiyak pero mas nangibabaw yung saya ko. Kasi nagawa namin ng maayos at nakapagperform kami para sa Kanya. ❤️
      Ang sarap lang din sa feeling kasi sa ilang taon ko ng nag-eexist sa mundo at Antipolo, first time ko ma-experience yun and sobra ‘kong naramdaman na I’m super blessed. So, thank you guys. Sobrang worth it lahat ng pagod at puyat after nung performance, ramdam ko yung pagka-overwhelmed ni Kalit nun. Teary-eyed ako nun eh. 😂😂🙈 Sobrang worth it lahat, nag-uumapaw saya ko. Promise! Di na nga ako makaisip ng mga salita para i-express yung sarili ko kung gaano ako ka-thankful at kasaya eh. Pero thank you po talaga, sobra! 💋
Samahang Kapitanes at Kapitanas,       Thank you po sa pagwelcome at pagtanggap sa ‘kin sa samahan. Hindi ko po inakalang makakapagtanghal o makakapagsayaw ako para sa Kanya, pero dahil po sa inyo, nagawa ko. Salamat po sa pagpapaalala sa ‘min kung gaano kami kamahal ng Diyos, Birhen ng Antipolo at ng mga Antipoleños. Sobrang salamat po, hindi ko po makakalimutan ‘to. Hanggang sa muli! ♥
KK 2018 Co-Dancers,       Thank you sa inyo kasi you guys made our (first timers) experience worth it. Grabe, ang lulupit niyo guys. Di kayo nauubusan ng banats, hirits, hugots, at kung anu-ano pang kalokohan. Thank you sa inyo kahit di namin kayo nakakasama minsan, salamat ng madaming madami sa pag-alalay niyo sa ‘min. Hanggang sa muli po, lab u guys!! 😘
Kapitana Uno 2018 Clarice L. Garcia,       I know nagtampo ka sa ‘kin sa pagtuturn down ko sa offer mo na sumali ako and sa kakapaulit-ulit ko na ayoko talaga sumali. Pero thank you sa tiyaga mo at pagpapasensiya mo sa pag-iinarte ko. Thank you kasi isa ka sa dahilan kung bakit ko na-experience ‘to at sinama mo ‘ko sa journey mo bilang isang Kapitana, sobrang thank you. Naramdaman ko yung saya at pasasalamat mo sa ‘kin nung niyakap kita at niyakap mo ‘ko ng mahigpit. Ikaw yung dahilan kung bakit ako mas napalapit sa Kanya at mas nabuksan yung mga mata ko kung gaano ako ka-blessed. Huwag ka sanang magbabago, sobrang bait at buti mo. Huwag mo rin sanang kalimutan na kahit anong mangyari, nandito lang kami, nakasuporta sayo. You’re the reason why I met new friends, new family. I can’t find the right words to express how thankful I am, stay kind and down to earth. God bless you more and more. I love you!! 💋❤️❤️
Pakner Mj,        Thank you sa pag-alalay nung ikaw yung partner ko, tsaka sa pagboost ng confidence ko while dancing. Ang hyper ko na nga, dinagdagan mo pa. 🙈😂 Tsaka sobrang thank you sa pagpapaganda sa ‘kin, kayo ni Von ang fairy godmother ko! 😍 More gigs to go and Godbless. Sa uulitin, labyu! 😘
Partner Garret,       Thank you partner kasi di mo ‘ko pinapabayaan kahit na ang hyper ko minsan at sinasabi mo nga na kabado ako pag nagkakamali ako. Salamat sa palaging pag-alalay at pagturo sa ‘kin, sobrang thank you sa tiyaga. Till next time, partner! Hinay sa inom, hane? Nalasing din ata ako nung last practice eh? 😂✌️ Godbless you, lablab. 😁
Tropang Azi,       Jusq ka, kundi dahil sa nakakaloka mong tawa baka di ko rin na-enjoy yung pagsali ko. Tsaka sa mga nakakaloka at malaman nating nalalaman na hindi pala chismis lang. 😂😂😂😂 Stay cheerful and pretty, kabugin mo silang lahat sa kagandahan mo. 😜😂 Till next time, ingat always. Love you girl! 💋
Ate Lala & Kuya Mark,       Ang ate at kuya ng tropa. 😂😂😂😜✌️ Salamat Mark sa pagsuporta sa kalokohan namin at ng mga katropa ko. At syempre, sa paghatid sundo sa ‘min. 😅 Wag ka magsasawa, hane? 😁 Stay happy, Godbless you. Lablab! 😊 Thank you Lala kasi kahit ngayon na lang ulit tayo nagkita at nagkabonding eh tropa pa rin tayo. Thank you sa pagsuporta mo lalo na sa kalokohan namin at natin nila Azi. Stay happy and pretty, cheers to more years of friendship! Ingat ka sa tatahakin mong path in life, Godbless you. Love youuu!! 💋💋
Tropang Two Joints 👌 - KK Millenials, (Allyza, Marianne, Juliana, Misia, Geian, Kayla, Ashley, Francine & Alyssa)
     Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging sobrang saya yung pagsali ko. You guys made my experience fun and exciting, and you guys made me feel young. Biruin niyo yun, napagkakamalan pa rin akong ka-edad niyo? 😂😂😂 Pero thank you talaga, kung hindi dahil sa inyo, baka di ko ganun na-enjoy yung mga practice, yung sayaw at baka lagi kong ramdam yung pagod. Kund hindi rin dahil sa mga kalokohan niyo, korning jokes, mga nakakahawang tawa, nakakalokang revelations at sobrang daming secrets, baka sobrang bored na tayo. Salamat sa inyo, pagpatuloy lang natin yung nasimulan nating samahan, walang kalimutan ha. More gala and bonding pa sa ‘tin, walang kalimutan at iwanan sa tropa!! Kita-kits na lang ulit, I love you kids!! 💋💋💋❤️❤️❤️❤️
0 notes
kolehiyofiles · 7 years
Text
Let Us Rejoice: Putong Calasiao
NOTE: Ako lang gumagawa ng mga meaning. Don’t take this against anyone. Wala akong balak makipag-away. Wala akong balak guluhin ang katotohanan, ang realidad, ang kung ano man. AutobiograFan Fiction lang to. Wag mo naman seryosohin. Hahaha. Don’t judge me, ‘cause YOU’RE NOT A JUDGE! Hmpf. February 22 Yey! Calasiao. Oops. Pangasinan. Parehong bansa na nga, parehong probinsya pa. Ang alin? Ang ginagawalawan. Kagabi, papunta dito, ay hindi, nung iPod pa lang pala. Nagtext sha saken. Actually GM pala un. Sinagot ko. Naging malalim na usapan nanaman. Tipong ganito. [Sorry, hindi accurate.] Sha: Mahirap ang walang pinanghahawakan lalo kung hindi naman iyo. Ako: Oo nga, parang hiram lang. Hehe. S: Hindi, wala talaga. Hindi iyo. A: Paano kung hingiin? S: Hindi naman ibibigay. A: Malay mo, kung may perseverance. S: Hindi lahat nadadaan sa tiyaga. Ay jusko. Ayoko talaga ng mga ganung usapan lalo na kung sinusubukan kong magpakasaya despite the fact na kinakalimutan ko na ung mga nangyari dati. I mean come on. Diba kaya ata nasasakal ka saken ay dahil mashado kitang pinapakialaman? Eto lang, pare. Walang dapat ganun! Ha? Ehehe. Dapat walang pagproprovoke na nagaganap. Di na ata tama yun. Sinisisi nya ata lahat sakin. Walangya naman. Ang bitter nya talaga. At oo, napunta rin sa ganung usapan. Sabi nya saken wag daw akong uastang kami kasi hindi naman. Ay nako. Langya. Ako ba talaga ang may kasalanan sa lahat? Aber? Wala akong ginagawa sa kanya. Nakikinig lang ako sa mga hinanakit nya sa buhay. Di ko na kasalanan kung magreact ako. Ang rude naman kung di manlang ako kikibo diba? At kung un ang dahilan ng kanya pagkairita, at kung yun din ang paraan ng pagsakal ko sa kanya, ay nyeta! Burahin nya na lang ako ng tuluyan. Sabihin nya sakin na wag na ako ever magparamdam. Or much better, wag nya na akong sendan ng mga pag-eemote nya. Lecheng un. Kamote. Haay. Pero kahit mukhang sobrang galit na ako sa lagay na'to, di ko pa rin makakaila na sha ang kahinaan ko. Kaninang umaga tinext nya ako. Nakauwi na raw sha. Pag-uwi nya, sermon agad ang inabot nya dahil sa piercing nya sa dila. Tae naman kasi. Sino naman bang magulang, especiallly ung may reputasyong iniingatan, ang hindi maaasar sa ganun? Tas ang drama nya, di raw tama lahat ng desisyon nya. Minsan, wala na sa lugar ung ganyang excuse. O tas me dramang iinom ng pabango at mag-ooverdose sa gamot. Oha! Ihain mo yan sa breakfast mo kung di ka masuka. Alam mo un? Nakakasira ng mood. Beach mood pa naman kami nun. Jusko. Nakakaewan. After a few minutes, nagtext ulet. “Ung bilin ko ha. Pag nawala na ko, kalimutan mo na ako.” Ako naman, para may kunswelo sha, at para naman kunwara may gustong magstay sha dito sa mundo ang reply ko, “Bago un, mag-usap muna tayo nang matino. Para kahit papaano, masubukan mo naman ang closure.” Ang sagot nya? “Wala naman pag-uusapan.” Para cheesy at sweet.. “Wala akong pakialam. Magtitigan tayo. Okay lang un. Basta makita kita bago mangyari un. Wag mo kong iwan.” Oha! May nalalaman din akong dialogue na pang sine. Hahaha. Anyway, pag dating namin sa town ng mga kasama ko, bigla sha ulet nagtext. Kadramahan nanaman. Sinakyan ko na lang. Malay mo, baka nga ituloy nya talaga. Tae naman kung ang dahilan nya eh dahil di ko sha nireplyan. Pati kamo nanay ng kasama ko eh nawiwirduhan sa kinikilos ko. Ang seryoso ko daw magtext. Eh alam pa naman nun na may gusto ako dun sa katext ko. Aysus. Tas un. Biglaan namang sumaya ang loko. Okay na daw sila ng nanay nya. Ang tinanong ko kasi kung bakit biglaan. Nung nalaman ko, tinanong ko ata or sinabi ko kung si Imaginary Bestfriend (IB) ba ang dahilan. Sabi nya di nga raw nagrereply un. Kaya pala ako tinext! Ay shet! Panakipbutas lang pala. Kainis naman. Ayoko ng ganun. Haay. Badtrip. Kala ko may kwenta ako. Meron nga, di naman ung espesyal. Pamalit. Kagaguhan. Walangya. Sabi ko, “Ah kaya mo pala ako tinetext kasi di sha nagrereply sayo.” Ang sabi nya naman eh, “Ayaw mo nun?” ODEBA, NAKAKADEPRESS! Nakakaiyak isipin, pero di pa din ako maiyak. Ba’t ganun? Nilayuan mo na, lumapit pa. At lumapit lang dahil walang makausap, dahil di nagtext ang pinakamamahal nyang IB. Ginamit. Nagpagamit. Patuloy pang gagamitin, at malamang, patuloy ring magpapagamit. Hayop. Kelan  ba titigil tong ganito? Sana tumigil na kung wala ring patutunguhan. Kung patuloy akong aasa, kung patuloy na papasanin ang mundo nya, ikamamatay ko to, sigurado ako. Pero wala namang malulungkot. Di sha malulungkot kasi panakipbutas lang ako. Buhay pa ung original. Andito pa sha, habang ako, walang kwenta.
0 notes
Text
Salamat Nay
(c) May 13, 2017// 1:43 am
- - - - - - - - 
“Yes!! Nakapasa ako sa licensure!! Pang 10th ako!! Thank you Lord!!” halos nagningning ang mata ni Erin sa kakatingin sa nakapaskil sa kanilang review center pagkadalaw nila. Katabi niya ang kaniyang kababata at naging kasintahan niyang si Vince, na nasa 6th place sa kasulukuyang Civil Engineer licensure examinations nitong Mayo, mga matang nagningning sa kanilang nakamtan nilang sabay. 
“Finally matutupad ko yung mga pangarap ko, Nay. Makakauwi na din ako sa Cavite at maipatayo na kita ng bahay”. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ni Erin habang pasakay na siya sa bus. Sobrang proud na proud siya sa kanyang na-accomplish niya bilang isang licensed Civil Engineer pagkat sulit ang mga gabing wala siyang tulog, ilang ulit na pagkakape, at tiyaga sa pagrereview halos araw araw pero okay na, pagkat ngayon pwede na siyang maipagmalaki bilang isang propesyonal. Pero habang pasakay niya sa biyahe, hinding hindi niyang nakakalimutan ang sinabi ng kaniyang nanay nang pinili niya ang kursong Civil Engineering. “Huwag ka nang babalik hangga’t hindi ka nagiging Inhinyero tulad ng sinasabi mo. Mapapagaya ka sa ate mong inuna ang kalandian at mag aasawa ka din diyan kay Vince” Pero dahil mahal ni Erin ang boyfriend niyang si Vince, “Inay, mahal ako ni Vince. Hindi siya tulad ng ibang lalaki dyan. Alam kong aalagaan niya ako,” pero hinagis ng kaniyang ina ang lahat ng kanyang mga damit sa labas ng kanilang bahay kubo at itinuro ang pinto palabas. “LUMAYAS KA NA ERIN AT HUWAG KA NANG BABALIK PA, PURO KA LANG KASE SALITA. KAGAYA KA DIN NG TATAY MONG NAG ARAL NG INHINYERO PERO NAGLOKO AT ATE MONG, “ sa pagkadismaya ng kaniyang ina, kasabay ng malakas na paghagulgol ng sanggol na kinakarga ni Ate Elisse. “Tahan na, baby” pag alo ni Ate Elisse. “Sige na po, aalis na ko” malungkot na pagdampot ni Erin ang kaniyang mga naihagis na damit ng kaniyang ina. Wala ang kanilang magaling na ama, malamang maglalasing na naman kina Pareng Ruben. Ang hindi alam ni Erin, ang kaniyang Ate Elisse ay nagpadala sa kanya ng sobre na naglalaman ng perang pampamasahe. Binasa niya ang nakasulat sa sobre. “Worth 2k ito para sa iyo, mag aral ka nang mabuti, alam kong palagi mong binabanggit na gusto mong mag aral sa UE. Mahal ka ng Ate mo, wag ka sanang matulad sa akin na nag aral nga ng Medtech sa UST pero hindi ko tinapos dahil maagang mag asawa. Alam kong aalagaan ka naman talaga ni Vince at may tiwala ako sa iyo. –Ate Elisse, “ Nagbuntong hininga si Erin habang pasakay siya papunta sa Tejero kung saan may nakaabang na bus papuntang Baclaran. “sana hindi ka na nag abala, pambili din ng gatas ni Kim”
* * * * * * *  Nagsikap si Erin at nakipaglive in kasama si Vince na naging kaklase niya sa mga majors sa UE, at kung minsan naging student assistant silang pareho ni Vince at sumasali din sa mga Engineering quiz bees ang magkasintahan. At sa pag uwi sa kanilang inuupahan nilang bahay malapit sa pamantasan, silang dalawa ay magtutulungang gumawa ng kanilang mga plates at mga Math problems hanggang hatinggabi. Mahirap nga, pero kakayanin para sa balang araw. Wala namang problema na hindi naman napag uusapan nilang dalawa, maging sa kanilang mga lab projects, thesis, mga gastusin sa kuryente, tubig at iba pa, alam nilang pag naging Inhinyero na sila, hindi na sila mahihirapan tulad ng nararanasan nila ngayon. 
Sa kanilang tiyaga, pananampalataya sa kanilang relasyon at kumpiyansya sa kanilang kurso, naging consistent scholar silang dalawa, sa awa ng Diyos. Kaya nung sabay na silang pumunta sa Morayta sa kanilang magiging review center nila, pinagsisikapan nila na balang araw, mapapatunayan nilang dalawa na hindi sila matutulad sa ibang kabataan sa kanilang probinsya. At ngayon, muling dadalawan ng magkasintahan ang ina nila sa probinsya. Ang simoy ng malamig na hangin-Cavite ang sumalubong sa bahay kubo nina Erin. Samantala, abala ang kaniyang Ate Elisse sa paggawa ng puto bumbong at mga kakanin para sa mga gastusin sa bahay. Nariyan din ang kanilang ina, na nakasandal sa rocking chair na yari sa kawayan, at di nag alinlangang yakapin ang kanyang anak na bunsong si Erin. “Inay, tinupad ko yung nakapasa ako sa—“ “Alam ko, “ nakangiting tugon ng kaniyang ina. Masaya siya muli pagkat makalipas ang halos anim na taon makakasama niya muli ang kaniyang pinakamamahal niyang bunso. “Lubos na kitang pinagmamalaki sa aming bayan na may Inhinyero akong anak na kasingtalino at kasinbait mo. Walang araw akong hindi nag aalala sa iyo makatapos na tayong iwan ng iyong ama, ay lihim kong pinadala ang pera pambayad ng tuition mo” sabay baling ng tingin ng kaniyang Ate Elisse kay Vince, na isang consistent scholar at Magna Cum Laude rin tulad ni Erin. Ngumiti lang ang lalaki, pagkat alam niya ang lahat ng ito—maliban sa walang kaalam-alam na si Erin. Sabay napaluha si Erin, “Salamat po Ina, at sorry po kase sa una naghinakit ako sa inyo. Pero alam kong lahat ng paghihigpit ninyo ay para sa akin. Ngayon natupad ko na po yung pinangako ko, maari na po kaming magpakasal---ni Vince?” hiling ni Erin sa kaniyang ina na kanina pa ngiti ng ngiti. “Iningatan ko po ang anak ninyo na hindi po mapahamak, at mahal na mahal ko si Erin. Siya ang naging rason at magkasama naming natawid ang aming kurso sa kabila ng lahat. Hinihiling ko yung permiso ninyo na maging kabiyak—“ “Vince!! Alam naming na may malinis na intensyon ka sa anak ko. Tutal graduate na kayo pareho, sige payag kayo sa akin, “ sa tuwang nakasulat sa parehong nauumapaw sa sigla ang magkasintahan, “pero sa isang kundisyon” “Ano po iyon?” tanong ni Vince habang hawak ang kamay ni Erin. “Nung iniwan ako ng aking asawa ay napakabigat mag-isang ina sa dalawa kong dalagang anak. Kaya ko silang pinagdidisplina pagkat ayoko silang magsiasawa di tulad sa akin”, paluhang sambit ng ina ni Erin habang ngayon nilang napapansin, sa katagalan, ang namumuti niyang buhok, ang kanyang nanghihinang resistensya, pero naitawid niya pa rin niya na maging Civil Engineer ang isang tulad niya. “Huwag na po kayong umiyak, Ina. Matagal ko na po kayo pinatawad noon pa naman. Mahal na mahal ko po kayo,“sabay niyapos at hinagkan ni Erin ang kaniyang ina. “Imbitahin naming syempre kayo sa aming kasal ni Vince. Salamat Nay. I love you” naiiyak pa rin si Erin. Pakiramdam niya eto na, at tanggap na din sila ng kanilang pamilya, magkatapos ng mahabang taon. Ang pagmamahal ng ina ay wagas at isang walang kamatayang sakripisyo, makita ang kanilang mga anak na matupad ang kanilang mga pangarap at umahon sa kahirapan. At sa araw ng aking pinakamahalagang araw, itinaon namin ni Vince ang kasal naming sa Mother’s Day ngayong Linggo, bilang pag aalala sa mga nagawa ng aking ina sa akin hanggang sa araw na balang araw, magiging ina din ako at makabawi sa kaniya—balang araw. 
Ako’y nakasuot ng puting damit, at naghihintay si Vince sa amin. At hanggang ngayo’y di ako makapaniwala, habang katabi ko sa kaliwa si Vince at sa aking kanan sa litrato, ang aking pinakamamahal kong ina at syempre si Ate Elisse na ngayo’y nagbalik sa MedTech sa UST habang nasa pinakadulo sa litrato si Baby Kim,na ngayo’y 5 year old na. Nagkakagulo na kami sa double celebration dito sa simbahan—una, ang pag iisang dibdib namin ni Vince at ang araw ngayon ng lahat ng mga nanay, lalo na ang aking ina na halos napupunit ang kaniyang ngiti sa sobrang kasiyahan na biglang nakipagselfie si Ate Elisse gamit ang kaniyang smartphone at nagselfie kaming lahat--- CLICK!! CLICK!! CLICK!! “O, wacky naman tayo” sulsol ni Ate Elisse at nagadjust kaming lahat para sa panibagong shot. “Okay, 1, 2, 3, wackyyyyyy-----“ Lahat kami nakaturo sa aking ina, pagkat bukod sa aming kasal, hindi ko matutupad ang lahat ng ito kung hindi dahil sa aking ina, na mahal na mahal kami bukod sa aming nalalaman. Happy Mother’s day sa inyo!! I love you, Nay!! –Mrs. Erin Gonzales-Crisostomo and Vincent Joseph Crisostomo. --END--
0 notes