Tumgik
#parang…anyo ng parusa
kremechihihi · 7 months
Text
Tumblr media
ako si luna.
siya si sol.
ilang taon ko makikita ikaw nang tunay?
-
i’m luna.
she is sol.
how many years will it take to see you truly?
4 notes · View notes
iris-sistibly · 2 years
Text
Tumblr media
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan. 
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa? 
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama. 
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo. 
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya. 
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling. 
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan? 
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito. 
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara’s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best. 
27 notes · View notes
hirayanakula · 4 years
Text
Kalachuchi
Kasabay ng pagsibol ng tag-araw ay ang pagdating ng buwan ng Mayo at ang maikling kwento ng pag-ibig.
Ang buwan na ito ay ang pag-aari ng haring araw. Magiting ang kaniyang tindig at lumalakas ang bisa ng kaniyang katangian lalong lalo na ang kaniyang mga nararamdaman.
Sa ating paglalakad sa daang tila nanunuyot sa init, nararamdaman natin ang pagkabasa ng ating mga balat sa pawis ngunit ang pakiramdam ay parang tayo ang nilalakaran natin.
Sa ilalim naman ng nagbabagang init ng singaw, ang bawat isa ay sumasamong madapuan ng butil ng tubig ang lalamunan. Naungusan pa ng bilis ng pagkaubos ng samalamig sa karinderya ang kisap-mata. Ang yelo at ang sorbetes ni Mang Ruben ay unti-unting natutunaw, nag-iibang anyo kagaya ng lobong tao na nakikita natin sa mga libro, telebisyon, komiks, at pelikula.
Ang sinag niya ay umiibig lamang sa talulot ng mga bulaklak, at mga dahon ng mga halaman ngunit di kalauna'y unti-unti itong bumibitaw, nalalaglag, nanunuyo, namamatay. Lahat ay kinamumuhian ang kaniyang pag-ibig na takot at pait lamang ang hatid sa kanila. Pinipili nilang magtago sa anino ng iba at itinatago muna ang kanilang kulay upang hindi na muna umibig. Nagiging parusa ito sa kanilang mga mata.
Sa isang tabi, ang hanay ng puti at dilaw lamang ang namumukod tanging sumibol nang buong ganda.
Kakaiba ito pagka't ang kahinaan niya ay ang tubig, at ang nagbibigay lakas ay ang matinding pag-ibig ng hari na kinamumuhian ng marami. Kung kaya sa dinamirami ng minahal ng hari ay siya lamang ang itinatangi. Ang mga talulot nito ay unti-unting bumubuka upang mahayag ang gandang dinadala na kanilang ihinanda para sa pagdating niya. Tila ito ay nangumpisal at binigyang kapatawaran upang hindi maranasan ang mapait na karanasan ng pag-ibig na nakalaang ipataw ngayong buwan. Maaaring hindi naman talaga siya nakatakas sa pait at ipinagpaliban na lamang muna ang nakatakda para sa kaniya.
0 notes
lorygan-blog · 5 years
Text
Pagsusuri: Dangal ni Norman Wilwayco
Ano nga ba ang dangal? Paano nga ba wasakin ang dangal ng Isang tao? may alam ka bang paraan upang magawa ito ? gaano ba kahalaga ito para sa isang tao? may kapalit o katumbas ba ito?, ang kuwentong ito ay umikot sa dalawang magkaibigan na si Chris at yung nagsasalita, sa eskwelahan kung saan sila ay magkaklase isama mo na rin ang mga guro o propesor doon at si Marissa kung saan nagtalakay ng mga bagay o pangyayari na patungkol sa dangal ngunit hindi lamang tungkol sa dangal dahil marami pang iba.
Sa anyo ng kwento sa umpisa pa lamang ay mapupukaw na ang iyong atensyon dahil sa katagang binitawan ng nagsasalita na patungkol sa dangal Sa pamamaraan o uri ng pagkuwento ng nagsasalita talagang makikita mo na parang nagkukwento lang siya sa kanyang kaibigan o parang normal na nagsasalita lamang at ang mga salitang kanyang gingamit ay yung eksakto talaga at diretso sa punto at walang paligoy ligoy pa, na sa paraan na mas maiintindihan ng karahiman lalo na sa henerasyon ngayon, at ang flow ng kuwento ay isang buo lamang na tuloy tuloy ang daloy ng istorya na mas madali intindihin.
Sa content o nilalaman naman ng kuwento mahaba siya kung titignan pero kapag binasa mo dimo mapapansing mahaba dahil habang nagbabasa ka parang nakikinig kalang sa kuwento, mga normal na kuwento ng kaibigan o ng kung sinong  tao, saka onti lamang ang mga pangyayari na naganap doon talagang humaba lang dahil sa pagkadetalyado ng pagkakuwento, ang kuwento ay umikot lamang sa eskwelahan, sa nagsasalita, kay chris, sa tita nya, kay marissa,at iba pang mga tao sa eskwelahan. Yung nagsasalita ay para lamang nagpapahayag ng kanyang damdamin o saloobin, parang ung nagsasalita eh inahahayag lamang yung kanyang mga napapansin o nakikita sa kanyang paligid o sa nangyayari sa lipunan , parang pinapakita rin yung kalagayan ng lipunan at yung mga karaniwang tao o pilipino na basta nalalagyan ay nakukuha na agad. SA originality ng kwento talagang ang kuwento o istorya ay makatotohanan dahil may mga pangyayari talagang ganon sa totoong buhay at parang ipinapahayag rin dito talaga ang realidad o katotohanan sa ating lipunan o sa ating paligid, ang mga nangyayari talaga sa totoong buhay, kumbaga pinapamuka sa atin o ipinapahayag o ipinaalam sa atin kung ano ba ang sitwasyon ng ating lipunan kung ano ba ang mga pangyayari sa ating paligid, sa pamamagitan ng kuwentong ito.
Sa isang pangyayari sa kuwento ay yung nagreklamo si marissa sa eskuwelahan nila patungkol kay Chris dahil sa pagooffer nito sa kanya ng malaking halaga ng pera para sa isang araw na makasama siya at gawin kahit ano eh kaso noong mga oras na iyon ay pinarenovate ni Chris ang library ng eskuwelahan nagdonate ito ng 1 million, kaya kahit nagreklamo si Marissa ay walang nagawa ang mga admin o namamahala doon sa eskwelahan kumbaga pinabayaan na lamang ang hinaing o reklamo ni marissa, pinakita lang sa pangyayari na ito na kapag may pera ka ay kaya mong kontrolin ang mga tao at pag ikaw ay may pera o mayaman sayo papabor ang mga tao kahit na pa ikaw ang mali, katulad na lamang ng ibang pangyayari sa totoong buhay sa ating bansa na kapag ikaw ay makapangyarihan o may kilalang pangalan kahit na pa ikaw ay nagkasala kahit mabigat na pagkakasala pa yan ay hindi talaga napaparusahan ng sapat at madalas ay halos nababalewala lang at kunwariy kinakalimutan kumpara kapag ikaw ay normal na tao lamang at mahirap kahit pa na maliit o malaki man ang iyong kasalanan ay sobrang bigat ng magiging parusa sayo minsan nga ay wala pang sapat na ebidensya at napapagbintangan lamang. Naipapakita talaga na hindi fair ang trato o tingin sa mahirap at mayaman o may pera.
May mga bagay din o pangyayari sa kuwento na makakapagpamulat sayo na sa mundong ito katulad ng nasa kuwento, talagang lapag may pera ka magagawa mo lahat kaya mong bilin lahat kahit pa dangal yan at lahat ng simpatya ng mga tao ay mapupunta sayo, Kung walang pumapansin sayo noong mahirap ka kapag ikaw ay yumaman bigla Kang makikilala at sisikat at halos lahat ng tao ay didikit sayo, katulad na lamang nung isang pangyayari doon na kung dati ay parang wala lang si Chris at yung nagsasalita sa kanilang eskuwelahan walang pake at hindi sila pinapansin ng kahit sino at parang nadadaan daanan lamang sila pero noong yumaman na si Chris at isang beses ay nakakotse siyang pumasok sa eskuwelahan, isang kotseng siya lamang ang meron sa kanilang eskuwelahan dahil ito'y napakamamahaling kotse, biglang sumikat noon si Chris sa kanilang eskuwelahan at kumbaga napunta na ang atensyon ng lahat sakanya at nagsilapitan na sakanila ang lahat, kapag wala ka namang pera o mahirap ka walang pake sayo ang mga tao at dika lang nila papansinin para ka lang hangin na hindi nakikita pero kapag ikaw ay mayaman o yumaman ay mapupunta sayo o nasasayo lahat ng atensyon ng mga tao at maraming magsisi-lapitan sayo at kumbaga babait ang mga tao sayo katulad na lamang nung  isang pangyayari sa kuwento na yung panay na pagpapadala ng mga regalo ni chris sa propesor na dati ay matataray o masungit ngunit ngayon ay mabait na saknaya at naging paborito pa siya dahil sa kanyang madalas na pagbibigay ng mga regalo. Parang nakonekta rin ito sa ating gobyerno na kung titignan mo sa ibang aspeto kumbaga si chris ay nagsisilbing gobyerno at ang ibang mga karakter naman tulad nung mga guro sa school at ni marissa ay ang mga karaniwang tao na malagyan lang o mabigyan ng kung ano ay nakukuha na agad at napapasunod
Marami ring aral ang maaaring mapulot dito dahil pinakita rito na may mga tao talaga na walang ganong sapat na kakayahan para makapagaral o mabuhay ng normal parang pinapakita ang kalagayan ng lipunan at karamihan ng mga tao sa ating bansa, may mga tao rin namang susuungin ang lahat makapagaral lang at gagawin lahat ng diskarte at kung anong trabaho o raket ay papasukin, at hindi lahat ay pinanganak na may marangya o komportableng buhay kaya madami kang aral na pedeng matutunan at marealize sa kuwentong ito na ikaw ay sobrang swerte pa at dapat magpasalamat  at maging masaya sa kung anong meron ka at matutong pagsikapan o paghirapan ang mga bagay dahil hindi ito basta basta nakukuha lamang. pinakita rin ung sa tita na chris na ofw na ganon na nga ang nagyari na di lahat ng ofw ay nagiging maganda ang buhay, parang sa ating buhay lamang na hindi palaging masaya minsan ay malungkot rin, minsan nananalo pero minsan natatalo rin pero normal lamang iyon dahil doon tayo natututo at nagiging matatag at nagiging mas better keysa sa nakaraan o kahapon at napakita rin na hindi madali ang kanilang pinagdadaanan bilang ofw na porke nasa ibang bansa ay akala hayahay na ang buhay.
Sa kabuuan hindi lamang talaga ito tungkol sa dangal dahil maraming iba pang bagay ang tinalakay dito at maraming mensaheng gustong ihatid itong kuwentong ito hindi lamang sa mga mangbabasa kundi sa lahat ng tao lalo na sa ating bansa dahil pinapakita lamang nito ang realidad ng buhay at ang kalagayan ng lipunan, ginamit bilang instrumento ang kuwentong ito upang maipahayag ang saloobin at mga pangyayari sa ating lipunan, hindi lamang ito tungkol sa dangal dahil mas higit pa ito sa Dangal.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 48: “Buhay ng Isang Sosyalista sa Loob ng isang Silid-Aralan” ni George
Tumblr media
Lagi ko na lamang naiisip kung ano ang mangyayari kung ang ideolohiyang sosyalismo ay ang gamitin bilang uri ng pamahalaan sa ating bansa? Ito ba ay lalong uunlad o lalo lamang babagsak? Kadalasan, ang lagi kong dahilan ay dahil naaabuso na ng taong bayan ang demokrasyang ipinagkaloob sa kanila kung kaya ito ang magandang solusyon upang tanggalin ang behikulong nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa. Krimen dito, krimen doon. Korapsyon dito, korapsyon doon. Panggagahasa dito, panggagahasa doon. Puro na lamang karahasan ang ating nasusubaybayan sa loob ng tatlong dekada. Nakakapagod din na lagi na lamang ganito hindi ba? Kadalasan, ito ang maririnig mo sa mga balita sa panahon ngayon. Yung pakiramdam ba na nakaririndi at ang sakit na sa tenga ng paulit-ulit na mga negatibong impormasyon na natatanggap mo kung saan man. Tulad sa paaralan, ay nagkakaroon din ng “unrest”na nagiging dahilan ng kaguluhan ng iba’t-ibang mga partidong politikal. Nakagigimbal ang ganitong mga eksena dahil maaari itong umabot sa karahasan. Naiikumpara ko tuloy ang polisiya ng ating bansa, ng ating mga paaralan pagdating sa larangan ng pulitika at ng “hierarchy” ng lipunan sa loob nito. Kadalasan ay ikinukumpara ko ang ating bansa sa iba katulad ng Tsina, bansang Hapon at iba pa. Para maabot din natin ang ganitong kaunlaran ay dapat magkaroon ng pagbabago sa isipan at puso ng mga Pilipino. Ito ba ay tila aalab na makamit ang tunay na pagbabago at kaunlaran na magiging daan sa magandang bukas.
Naisip ko lamang ang eksena ng isang sosyalista sa isang paaralan at isang silid-aralan. Ako mismo bilang sosyalista ay nauubusan na ng pasensya sa mga pangyayari sa lipunan. Isang karanasan ko dito ay ang hindi pagsunod ng mga tao sa paligid ko sa simpleng mga nakapaskil sa escalator at mga simpleng bagay na hindi pa kaya pagtuunan ng pansin. Pati na rin ang polisiya tuwing recess at tanghalian sa school ay nakikita kong walang disiplina sa pagbili na lamang ng mga pagkain. Isa pa ngang karanasan ko dito ay nang pagsabihan ko ang isang estudyanteng hindi sumusunod sa “Please fall in line policy”. Imbis na mahiya at humingi ng tawad sa kanyang pagkakamali, ay itinuloy niya pa rin ang kanyang “estilo” upang makabili ng pagkain.  Ang gusto ko sanang sabihin sa kanya noon ay “Mahiya ka naman sa ibang tao, wag kang kanser sa lipunan.” Iba talaga ang nagagawa ng ideolohiyang demokrasya, na kung saan ang tao ang may kapangyarihan sa mga bagay. Ang sosyalismo ang nakapagbago ng aking tingin sa aking paligid at ito ang naaayon para sa akin upang maibalik ang mga tamang gawi at etiketa. Hindi ka naman mamamatay o masasaktan kung ikaw ay susunod sa tamang gawi at batas. Pero wala talagang maganda kahihinatnan kung hindi aayusin ang hindi magandang mga sitwasyon sa mga ganitong mga bagay. Napapaligiran ako ng mga taong walang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran. Sabi nga ni Heneral Luna, “bayan o sarili, pumili ka.” Kadalasan, sarili na lamang ang iniisip ng mga tao ngayon, tulad na lamang ng mga politikong nakatungtong sa puwesto. Sa panahon ngayon, ay halos paubos na ang mga taong mayroong pusong nasyonalismo at patriotismo. Isa ito sa aking mga kinaiinisan na mga bagay tungkol sa mga Pilipino. Ito namang mga mag-aaral ay mahilig bumoto ng mga sikat. Bilang mag-aaral, ang mga binoboto ko ay ang mga mayroong malasakit para sa kanilang kapwa at kaya nilang paglingkuran ito nang tapat. Ang ibang mga estudyante boboto sa Student Council ng kanilang mga “pamato at idol” para sa susunod na taon na maaaring maging mga “lider” na pakitang tao lamang. Naaalala ko nung nagtanong ako sa aking kaibigan ay kung bakit niya ibinoto yung mga napili niya. Ang sabi pa man din sa akin ay dahil ang “gwapo” at “maganda” sila. Ang nasa isip ko noon ay, “Ano ito, love team voting, modelling, ganoon?” Nakakahiya na nakakalungkot ito kung malaman ito ng ibang mga unibersidad dahil ito ang basis ng pagboto sa mga kumakandidato. Pisikal na anyo na lamang ba ang basehan sa pagboto sa mga panahon ngayon? Kapangyarihan na lamang imbis na tamang paglilingkod at serbisyo ang habol ng mga tatakbo upang mapayabong ang kanilang mga interes sa iba’t-ibang mga bagay. Sa ngayon, ang dating ng mga Pilipino at ng mga estudyanteng mamboboto ay parang mga ignorante at kung prangka na aking sasabihin ay “bobo”. Hinaharang ka mula sa tunay na daan at katotohanan ng mga platapormang paulit-ulit na lamang binabanggit, ngunit hindi matupad-tupad ng mga nakatataas ang mga “target” na ito. Parang noong nasa ilalim pa tayo ng mga Kastila ang dating ng takbo ng buhay ngayon. Pinapaniwala tayo sa wala. Susunod na lamang sa mga nakakataas na mga opisyal sa loob ang nakararami, tulad sa klasrum nang walang kamalay-malay. Hindi na kaya ng mga mag-aaral na ipaglaban nila ang kanilang mga hinaing dahil kukutiyain lamang sila. Ang aking gusto lamang ay ang magkaroon ng pagkapantay-pantay na trato sa lipunan, at sa tingin ko ay gusto rin ng nakararami. Mahirap man o mayaman, lider man o hindi, matalino man o tama lang, ay dapat nagtatratuhan ng tama at patas. Personal kong naranasan ang mga ganitong mga kaso pagdating sa loob ng paaralan. Pagpasok ko sa aming silid-aralan ay ganito ang mga nangyayari katulad na lamang na ang kapangyarihan at ang mga desisyon ay naibibigay sa mga nakaluklok sa puwesto. Hindi ba dapat tao ang mga hawak nito dahil sila din ang lumuklok sa mga lider? Naranasan ko mismo mapagtaasan ng boses ng isang pangulo sa isang klase at hindi ko ito malilimutan. Kung ako mismo ang magiging pinuno ay hindi ko ito magagawa sa kanila. Naghahatakan pababa ang ibang mga kasapi ng isang grupo ng mga lider imbis na magkaroon ng pagkakaisa.  Minsan pa ay nagkukuwento ang aking mga kaklaseng naatasan na maging mga lider tungkol sa ibang mga nakaluklok sapagkat naiinis daw sila sa mga ito at pinagkakaisahan ng patalikod imbis na sabihin ang kanilang mga saloobin. Mula noong napunta ako sa Junior High School ay nakikita ko ang mga plataporma ng mga tumatakbo sa Student Council na walang pinagkakaiba mula sa mga naunang kumandidato. Tuwing boboto ako sa e-Leap man o myUste ay nilalagay ko ang aking boto sa “abstain”, dahil walang mapapala ang institusyon sa mga ganitong uri ng mga lider. Ang eksena naman sa mga lider ng isang pangkat ay mataas ang kanilang mga tingin sa kanilang sarili dahil mayroon sila nakuhang awtoridad. Sa kabila naman nito ay ang mga taong bumoto ang lumuklok sa mga nakatataas ngunit ang kanilang karapatan upang magbigay ng saloobin ay hindi rinig ng mga nakatataas. Sa loob ng apat na taon na pamamalagi ko sa Junior High School ay ito ang nakita ko mula sa lokal at sentral na Student Council. Sana sa Senior High School ay mag-iba ang takbo ng mga pangyayari. Sana ay bukas-palad na maglingkod sa kanilang mga pinamumunuan at nagtiwalang mga botante ang mga nahalal na mga lider ng gobyernong estudyante.
Pantay-pantay dapat ang tingin natin sa isa’t-isa, walang makapangyarihan at mahina. Ang bawat tao ay may pareparehong desisyon at isipan. Sa totoo lang, laging ito ang  nasa aking isip kapag pumapasok ako papuntang paaralan at inoobserbahan ko ang kilos ng mga kapwa kong mag-aaral tuwing umaga. Iba-iba ang pormasyon at wala sa payak na kilos ang mga ito.  Maihahambing ko ang pormasyong ito  sa ating bansa at winawasak ng tao ang batas ngunit dapat ang batas ang maghuhukom sa mga pagkakamali ng mga tao.  Ang dapat ginagawa ay bigyan ang mga ito ng karampatang parusa, pantay para sa mga mayaman at mga mahirap. Ngayon ay puro suhol lamang ang ginagawa ng mga mayayaman upang makapagpiyansa at mabayaran ang ginawang kasalanan. Ang mga mahihirap sa kabilang banda ay nabibigyan naman ng mga maling hustisya at naaakusahan ng mga kasalanan na hind naman nila ginawa. Hindi ba hindi ito patas para sa lahat? Sana ay mabago natin ang mga bagay na ito kahit hindi sosyalismo ang maging solusyon sa ganitong suliranin. Kahit na ganito ang nangyayari sa ating lipunan ay naniniwala ako na darating ang panahon na magbabaog ang alab ng mga puso ng mga Pilipino patungo sa tunay na pagbabago at kaunlaran. Ikaw, mayroon ka bang pusong nasyonalismo?
0 notes