Tumgik
#hindi dahil ako ay mainipin na tao.
kremechihihi · 7 months
Text
Tumblr media
ako si luna.
siya si sol.
ilang taon ko makikita ikaw nang tunay?
-
i’m luna.
she is sol.
how many years will it take to see you truly?
4 notes · View notes
thebookofivy · 2 years
Text
Thesis Shenanigans: Episode 1
Gumising akong iniisip kung anong klaseng tao ba ako sa bawat lakad? Sunny person o Rainy person?
Kung masasabi mo na ako'y rainy person malamang tama ang hula mo nang mabasa mo ang huli kong blog. Kinagabihan pa lang nakalapat na ang mga plano ko kung anong gagawin ko ngayong araw. Magpupunta sa iskul para magpapirma at magpupunta sa munisipyo ng Sta. Rosa. Kaya naman nang paggising ko sa umaga at naramdaman kong parang malamig ata, napamura na lang ako sa isip dahil umuulan na naman pala. Hahayaan ko bang lumipas ang araw na 'di ako matutuloy sa aking lakad? Syempre. Hindi. Gumayak ako at lumabas sa aming bahay habang nagpapaalam sa mga alaga kong aso. Nagdala ba ako ng payong? Syempre. Hindi. Ilang oras na akong nasa byahe dahil sa kagagawan ng traffic, habang nasa dyip pa ako ay narinig ko ang mga katabi kong nag-uusap para sa pagplano ng kanilang cutting class.
Tumblr media
Bumaba, naglakad, nag-paprint, at hinintay sa iskul ang aking makakasama ngayong araw. Magpapapirma sana kami kaso lang ay hindi kami pinayagan dahil kulang pa ito ng isa pang pirma mula sa aming guro. Umalis kami nang may sobrang pagkadismaya, napasigaw pa ako ng "stress na ako", medyo napalakas ata dahil napatingin sa amin ang mama at pati ang kanyang ginagawa ay napahinto. Nagpunta kaming SM Calamba, kumain at nagkwentuhan tapos nagpunta sa sakayan papuntang Sta. Rosa. Nagkwentuhan, nagtawanan at nagchismisan. Hanggang sa makarating sa aming paroroonan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sabi ko pa naman Powerpuff Girls kami ngunit tila aming mga kasuotan ay nahambing sa basurahan.
Nilakad namin ang aming mga papeles, paroon at parito, magulo at nakakapagod, tanong doon at tanong dito. Ang daming kailangan parang gusto ko na lang umiyak. Natapos kami at binalak na naming umuwi. Kumuha ng litrato sa arko. Nagpaghalataan ata ng mga tao na 'di kami tagarito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nalampasan namin ang pagpunta sa lugar na ito, kaya naman kakaharapin namin kung paano na kami makakabalik nito.
Nagtanong-tanong kami kung saan kami maaaring sumakay pabalik sa amin. Sumakay kami ng dyip, habang nasa byahe napagtanto naming mas mahabang ruta pala ang dadaanan nito. Isang patunay na ako talaga ay isang rainy person. Sa kahabaan ng byahe, dumating na ako sa aking destinasyon kung saan kailangan na namin maghiwalay ng aking kasama. Sa pagbaba ko ay kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan. Ako'y isang rainy person. Basang-basa ako't sumilong, nag-aantay ng dyip ngunit walang masakyan. Rush hour. Ako'y isang rainy person. Dahil isa akong mainipin, naglakad ako hanggang makarating sa Perps. Uhaw na rin ako at gutom kaya naman tumawid ako sa katapat nitong 7/11. Kumain mag-isa, tumambay saglit at umalis na.
Tumblr media Tumblr media
Wala na akong ibang hiniling nang oras na 'yon kun'di ang makauwi.
Umuwi akong pagod ngunit buo. Sinalubong ako ng aking makukulit na mga aso. Ayan na naman sila at dinambahan ako pero okay lang, panatag akong umuuwi nang nandyan sila. Nang oras na 'yon, kahit katiting lamang, humupa ang pagod na nararamdaman ko. Ganito pala ang magthesis.
3 notes · View notes
May mga bagay pa rin na tungkol sa sarili ko ang ayaw ko at hindi ko tanggap na yun ako. Swerte ako dahil andito ka para ipaalala sa akin na okay lang lahat ng 'yon. At kung may mga pangit na parte man ay handa kang maghintay na maout grow ko yon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka magtitiis at iintindi sa akin. Pero ipagpapasalamat ko araw-araw ang pagbigay mo sa 'kin ng tyansa para maging mabuting kapares at mabuting tao. Alam kong marami rami na akong atraso sa 'yo at pagkukulang. Ngayong araw ako babawi sa 'yo. Madalas ko na itanong sa sarili ko kung napapasaya pa ba kita dahil mas madalas pa akong makipagtalo kaysa ang makipag-usap nang ayos sa 'yo. Hindi ko rin alam kung bakit biglang numipis ang pisi ko. Pero mahal, babawi ako sa 'yo. Pinapangako ko yan. Ipaparanas ko sa 'yo ang mga bagay na deserve mo. Ako ang magiging unang taga suporta mo sa lahat ng bagay. Ako ang laging magpapaalala sa 'yo na kaya mo lahat ng bagay at kung hindi man ay andito pa rin ako para sabihing okay lang. Para sabihin na pwede pang sumubok ulit ng bago. I really want this relationship to work out. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at mabigyan ka ng payapa at masayang buhay. Humihingi ako ng pasensya sa mga araw na naiparamdam ko sayo na hindi sapat ang ginagawa mo para sa akin. Maniwala ka mahal, lahat ng 'yon sapat. Sobra pa nga palagi. Mahal na mahal kita.
Isang taon mahigit na tayo pero hindi pa rin gaano nagsisync in sa akin na eto na tayo. Eto na 'yon, yung mga gusto natin na mangyari noon at ngayon. Eto na, konti nalang magsasama na tayo sa iisang bubong. Hindi na tayo malulungkot tuwing uuwi ang isa sa atin. Gustong gusto ko na yon maranasan. Gusto na kitang ipagluto ng agahan, tanghalian at hapunan. Gumagawa na nga ako ng listahan kung anong mga ulam ang gusto kong ipatikim sa 'yo. Mahal na mahal kita. Hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ng tiyan ko ngayon. Sobra akong naexcite sa mga susunod na mangyayari. Natatakot ako, napepressure ako, pero lahat ng yon di ko gaano naaalala kase alam kong kasama kita.
Ang huling isusulat ko na lang dito ay ang pangako ko sa sarili ko.
Pangako ko na mas magiging kalmado ako at mas magiging maunawain. Iiwasan ko ang maging iritable at mainipin. Iiwasan ang pagpapalaki ng mga maliliit na bagay. Lahat ng sinabi ko dito gagawin ko at hindi ko itatambak lang dito. Alam kong andaming beses ko na sinabi 'to pero susubukan ko ulit ngayon. Yung visible na progress, mahal na mahal kita.
Tumblr media
0 notes
matabangutak · 6 years
Text
Miss ko na yung sarili kong lumalaban dahil mahal ko ‘yong tao. Ngayon? Ang bilis ko mapanghinaan ng loob. Makakita lang ako nang onting signs na walang interes umaayaw na agad ako. Wala na kong oras mangulit, alam kong walang napapala ‘yon. Ang hirap din pala kapag natuto.
Ang tagal ng puso kong magpahinga. Sobra yatang napagod kasi lagi na lang niya binibigay lahat. Wala naman kasing masama doon right? Dahil kapag nagmahal ka ang nanaisin mo lang ay ang kaligayahan lagi nila. Kaya nga dumadating sa point na pinapakawalan natin sila kasi parang mas liligaya na sila sa iba or wala tayo sa buhay nila. Kaya tayo nagsasakripisyo at pinaniniwala ang sariling may plano palagi sa atin at mas mapagtitibay tayo ng mga mapait na karanasan na ‘yon. Imagine, naranasan ko lumaban mag-isa. Lumaban hanggang dulo ending up na ako na lang pala ‘yong nasa dulo dahil ibang laban na ‘yong pinuntahan niya. Yung laban na siya ulit yung naghahabol, yung laban na siya ulit yung dehado.
Gusto ko gumising isang araw na sabik magkwento kung ano ang tagumpay na nangyari sa akin sa maghapon. Nasasabik akong ipakitang ginagawa ko ang lahat para maging masaya lang siya. Kahit kailan hindi siya magiging hadlang sa oras ko. Hindi ako mauubusan ng paraan. Kung makikita lang nila ‘yong intensyon na ‘yon. Kung makikita lang nila gaano ko pinaghihirapan lahat ng pinangarap ko. Kung makikita lang nila gaano ako kasabik araw-araw na naalala nila ako.
Man, miss ko na lahat yun. Nothing excites me anymore. Kaya natutuwa ako kapag yung mga tao sa paligid ko masaya para sa akin kasi nakalimutan ko maging masaya para sa sarili ko.
Over the years, nakita ko ang improvement ko sa sarili ko. Naramdaman kong naging better pero hindi pala talaga masaya. Palaging may hinahanap, ramdam na hindi kumpleto. Maling timing ata maging malungkot ngayon dahil busy at mainipin ang lahat ng tao. Kaya bago ka pa makapag desisyong mag open up? Nawawala na agad sila dahil busy din sila sa mga sarili nilang problema.
160 notes · View notes
clarenviy · 3 years
Text
Ako, sa Ikalimampung Palapag
09282021
Panibagong araw na naman, heto at nakatingin ako sa malayo. Sa pibaba ng gusali mula sa aking kinalalagyan na ikalimampung-palapag. Marahil sa iba ay nakakalula, ngunit para sakin, ang pwestong ito ang pinakaperpekto para salubungin ko ang umaga. Humigop ako ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang abalang siyudad sa ibaba. Tila turumpo ang mga sasakyan na ‘di matigil ang pagbusina. Ang mga tao ay nag-uunahan sa paglakad, makasakay lamang sa mga pampublikong sasakyan upang makarating sa trabaho at eskwela. Marahil ang iba ay puyat, ang iba ay masaya, ang iba ay kinakabahan at ang iba ay malungkot. Hindi ko alam, basta ang alam ko, iba’t iba ang mukha nila, gayon din ang kanilang saloobin.
Tumayo ako at inayos ang gusot-gusot na puting mahabang uniporme na suot ng mga kagaya ko. Sa sandaling panahon, nalimutan kong may mga kasama ako rito sa lugar na ‘to. Pare-parehas kaming nakakulong, at kagaya ng mga tao sa ibaba, iba-iba rin ang dahilan at saloobin kung bakit kami naririto sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ilang taon na ang nakalilipas, sa lugar na ito, malilimutan mo ang konsepto ng oras. Dahil bawat araw na lumilipas ay isang malaking ilusyon.
Nagising ang diwa ko sa isang mahinang tapik sa’king balikat. Nakangiti ang isang nars habang hawak ang isang baso ng tubig at malaking tableta ng gamot. Hindi ako umimik at diretso ko na lamang nilunok ito. Marahil sa tingin ng iba, ito ang bumubuhay sa akin —- sa amin. Sa mga kagaya ko na nasa loob ng lugar na ‘to, ngunit isang malaking kasinungalingan na sa bawat paglagok namin sa iba’t ibang kulay ng tableta, magiging maayos ang lahat. Unti-unti kaming pinapatay ng paniniwalang magiging maayos rin ang lahat, at babalik kami sa dati. Pare-parehas lamang ang takbo ng araw rito, mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Nasanay na rin ako sa matagal na panahon, na mamuhay nang may kasama ngunit nag-iisa. Maraming hiyaw ang narinig ko, maraming pasakit ang nasaksihan ko. Ngunit hindi ko maaalala ang mga pagkakataon na minsan akong naging kagaya nila. Humiyaw, nagwala, nanakit. Siguro ito ang dulot ng mundo sa’kin, ang mundong maramot na ipinagkait ang tanging bagay na hinihiling ko — kaligayahan.
Sa bawat paglipas ng araw, nakikita ko sa mga nars ang awa. Nasanay na rin ako na kaawaan, na tignan ng mga normal na tao at maramdaman ang pagkakaiba ko sa kanila, namin. Na minsan rin akong namuhay ng normal. Hindi ko rin alam e, hanggang sa ngayon iniisip ko pa rin kung ako ba ang sumuko sa mundo, o ang mundo ang sumuko sa’kin. Matagal na panahon na rin mula nang may dumalaw sa akin dito sa loob, marahil ay kabilang na sila sa mga tao na kagaya nang nasasaksihan ko sa abalang siyudad sa ibaba. Ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Siguro ang ilan sa kanila ay papasok sa trabaho, ang ilan ay sa eskwela. Ang ilan ay masaya, ang ilan ay malungkot. Hindi ko na alam, sa tagal ng panahon na nakalipas, nalimutan ko na ang makaramdam. Siguro nga, sa paulit-ulit mong gawin ang isang bagay, masasanay ka rin hanggang sa maging parang wala nalang ang lahat.
Naalala ko ang mga panahon na minsan rin akong nangarap, kagaya ng mga normal na tao. Masaya, nakakasabik, na isipin na sa pagdating ng panahon lahat ay magiging ayon sa iyong kagustuhan. Naranasan ko rin ang manalangin nang walang patid, na pilitin ang maging positibo. Sinubukan kong intindihin ang pagiging maramot ng mundo sa akin, tiniis ko para sa pag-asang magiging maayos ang lahat. Ngunit kagaya ng marami rito, isa ako sa mga sumuko, at nagsawang manlimos ng kaligayahan sa mundo. Pinili kong maging manhid, at dumipende sa mga tableta na unti-unting pumapatay sa pag-asa na inukit ko sa aking sarili. Kasabay ng bawat paglagok, ay ang paglimot sa kung paano ang makaramdam, sa kung paano ang umasa, sa kung paano ang mangarap. Siguro nga, parehas kaming bumitaw ng mundo. Ako, sa pagiging maramot at mapaglaro niya, at siya, sa pagiging mainipin at mareklamo ko.
Kumukupas na, ngunit pilit na lumilinaw ang mga ala-ala bago ako nakarating dito. Nalimutan ko na rin ang lumuha, siguro, naubos na ang mga patak nito o pinilit na rin ng katawan ko na tumigil na sila sa pagtulo. Hindi ko na rin maalala ang huling beses na ngumiti ako, basta ang alam ko, kabilang ako sa iba’t ibang mukha ng mga naririto sa loob. Tumayo ako at pumasok sa aking silid. Kulay puti, may isang maliit na kama, lamesa at baso ng tubig. Ang silid na ito ang naging saksi sa lahat, kung paanong unti-unting pinatay ng lungkot ang natitirang pag-asa sa aking puso. Masyadong marami kung iisa-isahin, ngunit kagaya ng nakasanayan, lulubog na namang muli ang araw. Itatarak ang maliit na karayom sa aking braso, para makatulog ako nang mahimbing at magising sa kinabukasan.
Bago ko ipikit ang aking mata, tinitigan ko ang puting kisame at ang kumikislap-kislap na maliit na bumbilya. At saka ko naisip na sa tagal ng panahon, ay nagsisinungaling pa rin ako sa aking sarili. Dahil naririto pa rin ang pag-asa, ang pag-asa na matatapos ang lahat. Ang pag-asa na makakalaya rin ako sa gapos ng kalungkutan at hirap. Ipinikit ko ang aking mata at binulong sa sarili ang mga katagang : “Kailan ako mamamatay?” ang mga salita na tanging binibigkas ko, sa loob ng mahabang panahon.
0 notes
Text
Iba si Lord, after all the sadness and emptiness, all the disappointments and the feeling na “naiiwan na ako, na baka wala nang matira para sa akin”, after all the worry... He mad me feel secured and just wait for Him because He is working on me...
I was feeling troubled kase napostpone na naman yung cpale, which I planned to take last May, tas namove, naging October and again got postponed... That left me saying “wala ka sa plano... hindi na naman nangyari ang plano ko... so what’s next?”. Noong nagpeprepare pa lang ako for the May 2020 exam, I was so complacent na “okay lang” na wala muna ako work kase nagrereview nga ako di ba... then na postpone at naging October, sige more chances of winning and passing the board... hindi sumagi sa isip ko noon na maghanap ng work, kahit part time... kase “mayabang ako” while at the same time, takot at mababa ang tingin ko sa sarili ko...I was discouraged to do anything... kase “okay pa naman kame”, I did not felt the urgency to work kase “okay pa naman kame” financially... until nga this August when there was the announcement na postponed na naman. By this time, my sister graduated and now having her apprenticeship, earning... At duon na tinamaan yung ego ko, “shet, ako panganay dito, dapat tumutulong na ako sa bahay”. I don’t blame my sister for that, well in fact, I am proud of her na nag-uumpisa na yung career nya. I somehow felt relieved na atleast sya ikay yung track ng life nya... which I prayed for kase alam ko ang feeling ng walang direksyon ang buhay... So yun na nga... dahil nga sa wala akong magawa sa bahay at hindi ko alam ang gagawin ko... again, I made my plan, “maghahanap ako ng trabaho”... I made accounts sa mga job hiring sites and sa mga sites ng mga companies I want to work... I polished my resume, passed it to them... waited... and now I am still waiting.... mainipin akong tao at OA, kaya mga 3 days pa lang ang nakakalipas, nagdodoubt na ako na baka hindi ako tawagan... Gusto kong magmadali kahit alam ko sa sarili ko na hindi pa ako masyado handa...gusto kong may magyari nang makabuluhan sa buhay ko dahil noong inassess ko ang pagkatao ko, tae, wala pa akong nararating at mas malaking tae, kase wala pa akong nasisimulan... Naprepressure ako bigla...
Then this afternoon, out of nowhere, my uncle sent a prayer and worship video. I played it, and lahat ng tanong ko sa mga nagyayari sa buhay ko ay sinagot ng video na yun. That God really made a way to talk to me..Saktong sakto yung words... and during the first worship song, where I usually say my prayers, lahat ng concerns ko, yun yung points na nabanggit sa teachings nung pastor... I just want to share how God makes a way to remind you that He is a friend. At may plano sya para sa akin..
Iba ka talaga Lord... the best
I am praying for better days pa din. My past, present and future is Yours. Ikaw na po ang bahala. Mahal kita☺️☺️☺️☺️☺️
-avec amour, aria
1 note · View note
Text
Notice Me
Ito and pinaka unang beses na magsusulat ako dito sa tumblr at bakit nga ba ako gumawa nito, sa totoo lang gumawa ako nito dahil nakaramdam ako ng pagka pikon sa mga tropa ko at wala akong makausap ngayon na sa aking palagay ang pagsusulat dito kahit walang nakakabasa ang makakaibsan sa aking kakarampot na problema. Kakarampot na problema nga ba, ayaw ko sanang puro problema ang laman nito ngunit sa kasalukuyan yun ang meron ako. Ako nga pala si Harvey itago nalang natin sa pangalang polyethhyleneglycol (galing sa thesis namen hehe wala ako maisip na username eh) isang taong pumasok na sa kabilang yugto ng buhay bilang isang adult at nagbukas ang mas malawak na mapanghusgang mundo, ako nga pala ay nag tapos biglang isang Chemical Engineer at sa kasalukuyang nag hahanap ng trabahong magkakaroon ng sinasabing self fulfillment. Noon, akala ko pag tapos ko ng kolehiyo at pag pasa sa board exam magiging madali ang lahat pero sa kasalukuyan kabaligtaran ang aking naranasan, akala ko tapos na ang pang hihila sa akin ng mga tao pababa na mismong mga kamag anak at mga kaybigan mo pa ang gumagawa pero ngayon ito na naman nararanasan ko na naman. Meron akong kaisa isang trabahong pinapangarap, nangarap ako makapasok sa isang malaking kumpanya pero sa hindi ko alam na dahilan hindi ito nag rereply sa akin na dahil siguro sa akoy agresibo at mainipin dahil sa pag hahanap ng unang trabaho tumanggap ako ng isang trabaho na sa palagay ko ay magagampanan ko ng maayos ang trabaho pero pag laon ng araw bigla akong nakatanggap ng mensahe galing sa kumpanyang aking ninanais. Dali dali akong nag isip at pumili kelangan ko pumili at sumugal kung sakali at ang pinili ko ay iwanan ang aking trabaho para sumugal sa isang walang kasiguraduhang trabho. Tinawagan ako para sa isang pag susulit na ubod ng hirap pero hindi sa pagyayabang ay akin din namang nasagutan pero nung nag aabang na ako ng kanilang susunod na mensahe sinabing hindi daw ako makakapasok sa nais kong posisyon dahil sa tatlo kong bagsak noong college, I was really depressed that time and I even cried about it because i expected too much but as time goes by I realized that I must move on and I shouldn’t be stopped by those failures in life. Hindi ko alam kung bakit ako nag english doon pero yun ang aking naramdaman sa panahon na iyon. Hindi pa doon nag tatapos dahil ang mga kaybigan ko ay parang disappointed na disappointed sa akin na ako mismong taga dito hindi ko makuha ang trabaho na nandito mismo sa amin. Kung iisipin mo nakakahiya pero wala akong dapat ikahiya hindi ko alam kung bakit ako nahihiya eh pinag hirapan ko naman ito ako ang may alam ng paghihirap ko sa buhay. Pero yun lang kung nagbabasa ka parin hanggang dito salamat sayo pinakinggan mo ang hinaing ko sa buhay pa hug nga. 
Ang aking mga natutunan:
1. Huwag magdesisyon ng padalos dalos gaya ng pagtanggap ko sa trabaho na una pa lamang ay may hesitation na ako. Basta may hesitation wag tumuloy.
2. Ang sarap ng buhay hindi nakukuha ng madalian, minsan kelangan mo ito pag hirapan, kelangan mo mag simula sa baba kung minsan at unti unti mong kuhanin.
3. Ang failures ay ok lamang dahil may matututunan ka at papatatagin ka nito.
4. Kelangan mo ifilter ang papasok sa tenga mo, itambay mo ang mag iinspire sayo at yung mga hindi magandang mga sinasabi  patambayin mo lang ng kaunti at paalisin mo na din after mo marealize kung bakit ka may narinig na ganun.
5. At huli sa lahat, napakadaming opportunity dyan sa labas para sa akin hindi ko kelangan mag mukmok dahil sa hindi ko nakuha ang gusto ko which leads me to my last lesson.
6. Hindi dahil gusto mo makukuha mo ika nga ni bea at john lloyd lols
Last na talaga, kahit ganito ang nararamdaman ko ang simple simple ano hahaha pero medyo dinadamdam ko talaga eh pero kahit ano mangyare alam ko hindi ako pinapabayan ni Lord napaka lakas ko sa kanya wait lang daw kasi ako hahhaha ikaw talaga <3 Thanks Bro! I love you so much! :)
Tumblr media
3 notes · View notes
claryaastark · 5 years
Text
Ako, sa Ikalimampung Palapag
101219
Panibagong araw na naman, heto at nakatingin ako sa malayo. Sa ibaba ng gusali mula sa aking kinalalagyan na ikalimampung-palapag. Marahil sa iba ay nakakalula, ngunit para sakin, ang pwestong ito ang pinakaperpekto para salubungin ko ang umaga. Humigop ako ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang abalang siyudad sa ibaba. Tila turumpo ang mga sasakyan na ‘di matigil ang pagbusina. Ang mga tao ay nag-uunahan sa paglakad, makasakay lamang sa mga pampublikong sasakyan upang makarating sa trabaho at eskwela. Marahil ang iba ay puyat, ang iba ay masaya, ang iba ay kinakabahan at ang iba ay malungkot. Hindi ko alam, basta ang alam ko, iba’t iba ang mukha nila, gayon din ang kanilang saloobin.
Tumayo ako at inayos ang gusot-gusot na puting mahabang uniporme na suot ng mga kagaya ko. Sa sandaling panahon, nalimutan kong may mga kasama ako rito sa lugar na ‘to. Pare-parehas kaming nakakulong, at kagaya ng mga tao sa ibaba, iba-iba rin ang dahilan at saloobin kung bakit kami naririto sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ilang taon na ang nakalilipas, sa lugar na ito, malilimutan mo ang konsepto ng oras. Dahil bawat araw na lumilipas ay isang malaking ilusyon.
Nagising ang diwa ko sa isang mahinang tapik sa’king balikat. Nakangiti ang isang nars habang hawak ang isang baso ng tubig at malaking tableta ng gamot. Hindi ako umimik at diretso ko na lamang nilunok ito. Marahil sa tingin ng iba, ito ang bumubuhay sa akin —- sa amin. Sa mga kagaya ko na nasa loob ng lugar na ‘to, ngunit isang malaking kasinungalingan na sa bawat paglagok namin sa iba’t ibang kulay ng tableta, magiging maayos ang lahat. Unti-unti kaming pinapatay ng paniniwalang magiging maayos rin ang lahat, at babalik kami sa dati. Pare-parehas lamang ang takbo ng araw rito, mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Nasanay na rin ako sa matagal na panahon, na mamuhay nang may kasama ngunit nag-iisa. Maraming hiyaw ang narinig ko, maraming pasakit ang nasaksihan ko. Ngunit hindi ko maaalala ang mga pagkakataon na minsan akong naging kagaya nila. Humiyaw, nagwala, nanakit. Siguro ito ang dulot ng mundo sa’kin, ang mundong maramot na ipinagkait ang tanging bagay na hinihiling ko — kaligayahan.
Sa bawat paglipas ng araw, nakikita ko sa mga nars ang awa. Nasanay na rin ako na kaawaan, na tignan ng mga normal na tao at maramdaman ang pagkakaiba ko sa kanila, namin. Na minsan rin akong namuhay ng normal. Hindi ko rin alam e, hanggang sa ngayon iniisip ko pa rin kung ako ba ang sumuko sa mundo, o ang mundo ang sumuko sa’kin. Matagal na panahon na rin mula nang may dumalaw sa akin dito sa loob, marahil ay kabilang na sila sa mga tao na kagaya nang nasasaksihan ko sa abalang siyudad sa ibaba. Ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Siguro ang ilan sa kanila ay papasok sa trabaho, ang ilan ay sa eskwela. Ang ilan ay masaya, ang ilan ay malungkot. Hindi ko na alam, sa tagal ng panahon na nakalipas, nalimutan ko na ang makaramdam. Siguro nga, sa paulit-ulit mong gawin ang isang bagay, masasanay ka rin hanggang sa maging parang wala nalang ang lahat.
Naalala ko ang mga panahon na minsan rin akong nangarap, kagaya ng mga normal na tao. Masaya, nakakasabik, na isipin na sa pagdating ng panahon lahat ay magiging ayon sa iyong kagustuhan. Naranasan ko rin ang manalangin nang walang patid, na pilitin ang maging positibo. Sinubukan kong intindihin ang pagiging maramot ng mundo sa akin, tiniis ko para sa pag-asang magiging maayos ang lahat. Ngunit kagaya ng marami rito, isa ako sa mga sumuko, at nagsawang manlimos ng kaligayahan sa mundo. Pinili kong maging manhid, at dumipende sa mga tableta na unti-unting pumapatay sa pag-asa na inukit ko sa aking sarili. Kasabay ng bawat paglagok, ay ang paglimot sa kung paano ang makaramdam, sa kung paano ang umasa, sa kung paano ang mangarap. Siguro nga, parehas kaming bumitaw ng mundo. Ako, sa pagiging maramot at mapaglaro niya, at siya, sa pagiging mainipin at mareklamo ko.
Kumukupas na, ngunit pilit na lumilinaw ang mga ala-ala bago ako nakarating dito. Nalimutan ko na rin ang lumuha, siguro, naubos na ang mga patak nito o pinilit na rin ng katawan ko na tumigil na sila sa pagtulo. Hindi ko na rin maalala ang huling beses na ngumiti ako, basta ang alam ko, kabilang ako sa iba’t ibang mukha ng mga naririto sa loob. Tumayo ako at pumasok sa aking silid. Kulay puti, may isang maliit na kama, lamesa at baso ng tubig. Ang silid na ito ang naging saksi sa lahat, kung paanong unti-unting pinatay ng lungkot ang natitirang pag-asa sa aking puso. Masyadong marami kung iisa-isahin, ngunit kagaya ng nakasanayan, lulubog na namang muli ang araw. Itatarak ang maliit na karayom sa aking braso, para makatulog ako nang mahimbing at magising sa kinabukasan.
Bago ko ipikit ang aking mata, tinitigan ko ang puting kisame at ang kumikislap-kislap na maliit na bumbilya. At saka ko naisip na sa tagal ng panahon, ay nagsisinungaling pa rin ako sa aking sarili. Dahil naririto pa rin ang pag-asa, ang pag-asa na matatapos ang lahat. Ang pag-asa na makakalaya rin ako sa gapos ng kalungkutan at hirap. Ipinikit ko ang aking mata at binulong sa sarili ang mga katagang : “Kailan ako mamamatay?” ang mga salita na tanging binibigkas ko, sa loob ng mahabang panahon.
0 notes
byullalin0100-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
"Si Manunulat at Si Mambabasa"
Ako ang manunulat at ikaw ang mambabasa, Mahilig kang lumabas mahilig akong mapag-isa, Sa mundo na kung saan ang pansin ng tao ay palagi nalang nasa telepono, Naroon sa gitna ang tayo na may sariling mundong naninibugho.
Ang isang manunulat ay kumukuha ng inspirasyon sa kanyang paligid upang makagawa ng librong panibago, Ang katulad mo namang mambabasa ay kumukuha ng inspirasyon sa mga librong binabasa para mailagay sa mga pangyayari sa iyong buhay, Magkaiba yung dalawang tao na bumubuo sa tayo, May iilang pagkakaparehas ngunit yung ating pagkakaiba ang umaalpas.
Kung inyong tutuusin, ang mambabasa at manunulat ay maihahalintulad natin sa isang uod at isang paru-paro, Ang paru-paro ay nakakalipad sa kung saang lugar nito gustuhing lumipad, Simisipsip ng katas ng hindi niya naman kilalang bulaklak, Parang ang manunulat, lumilipad sa alapaap ng imahinasyon at inspirasyon, Sumisipsip ng ideya mula sa iba na hindi naman nila kilala.
Samantala ang uod naman ay nasa ibaba, Naghahanap ng magandang lupang susuungin, Parang mambabasa, ang kanilang lupa ay ang isang kwarto na puno ng libro, At ang hinahanap ay isang librong pagtutuunan ng pansin hanggang sa manawa’t maging mainipin.
Pero paano pag ganito, Pag nabasa mo na ang lahat ng librong naisulat ko, Kapag ang kwarto na puno ng libro ay isa nalang malawak na espasyo. Paano kapag nawala ako na manunulat mo, Hahanapin mo kaya ako?
Hahanapin mo kaya ako na kapareha mo sa isang libro na wala pang dulo, Sa libro na kumukapal habang tayo'y nagtatagal, Sa libro na huli mong binasa dahil sa tingin mo ay walang gana, Sa libro na ang bawat pahina pala ay tungkol sa ating dalawa.
Siguro oo pero malamang ay hindi, Dahil wag nating kalilimutan na sa uod nagmumula ang isang magandang paru-paro, Kaya maaaring hindi tayo hanapin ng mga mambabasa natin, Dahil sila mismo, ay pwedeng maging manunulat,
Manunulat na gagawa ng ibang libro, Manunulat na gagawa ng bagong kwento, Manunulat na mayroon na ding sariling kwento, Manunulat pero hindi isusulat ang ang susunod na kabanata ng kwento niyo.
Kaya sa mga kapwa ko manunulat, Kung meron man kayong mambabasa ay kayo'y magpasalamat, Mahalin niyo sila hanggat hindi pa sila isang paru-paro, Mahalin niyo sila hanggat hawak mo pa ang libro ninyo, Mahalin niyo sila hanggat hindi pa sila natututong magsulat ng sarili nilang kwento.
0 notes