Tumgik
#ilang taon kaya iyan matutupad….
kremechihihi · 7 months
Text
Tumblr media
ako si luna.
siya si sol.
ilang taon ko makikita ikaw nang tunay?
-
i’m luna.
she is sol.
how many years will it take to see you truly?
4 notes · View notes
sunflower-n-coffee · 4 years
Text
EXT. Coffee shop — Day
(CONT.)
...kinuha ni Diyem ang telepono at biglang nalaglag ang isang papel sa gawi ng tasa.
Kinausap muna ni si Piya habang binibida yung chismis na nangyare.
Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap ay agad niya kinuha ang papel na kanina'y inilapag sa mesa at luminga linga kung may roon bang kahina-hinala na naglapag noon sa kanyang lamesa, habang kanina'y nakikinig siya sa usapan ng may usapan.
Nagisip muna si Diyem kung babasahin ba niya o hahayaan na lang dahil baka biro lang. Matapos ang ilang segundo ay binasa na nila.
Tila nagulat ito sa nilalaman ng sulat na para bang hindi makapaniwala.
"Halika na, hawakan ang aking kamay at sabay maglakbay. Iwanan na, kalimutan na ang mga problema at sakit na 'yong nadarama. Oh, tatakbo, lalayo. Oh, kasama mong tutungo, Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin, Ang ihip na nagsisilbing himig natin, Kasabay ng tibok ng mga puso nating, Nagniningning ang mga bituin."
Habang binabasa ni Diyem ang sulat.
Some one's (V.O.)
Hello Diyem, habang tinititigan kita kanina. Kitang kita ko ang ganda mo. Wala ka pa ding pinagbago, makalipas ang dalawang taon. Pero kita ko din sa mga mata mo 'yung sakit. Kamusta ka na? Ako, eto Med ang course. Nasa ibang bansa na ako umuwi lang ako dahil may family business. Babalik na din ako sa isang linggo, hindi ko alam na makikita kita dito kaya habang tulala ka kanina isinulat ko ito. Gusto ko kasing kamustahin ka. Pasensya na kung ginawa kong umalis. Kung iniwan kita. Pero maniwal ka at sa hindi mula noong sinabi nung kapatid ko na pasado ka sa Law school, sobrang saya ko. Tanda mo ba yung Daisy? Sa akin galing yon. Hindi ko talaga pinaalam. Sobrang proud ako sayo, imagined hindi ka kumuha ng major for law pero nasa law school ka na. Pasensya ka na kung wala ako sa celebration mo pero sobrang masaya ako kasi matutupad mo na ang mga pangarap mo. Patawad kung wala ako kung mangyari man iyon. Pero maniwala ka gusto pa din kitang isayaw sa ulap. Hindi ko alam kung kamusta ka na ba sa loob ng dalawang taon, hindi ko alam kung mayroon na bang bagong nangako sa iyo pero hindi ko pa rin nakakalimutan na gusto kitang muling mahawakan habang sabay tayong titig sa mga bituin. Hindi ko ito isinulat para mang gulo. Gusto ko lang sabihing sa nakalipas na mga taon gusto kitang kamustahin, kaso hindi ko na magawa. Matagal na akong bumitaw sa pangakong dadalhin kita sa alapaap, at isasakay sa vehikulo ng sipkaw patungo sa dambana ni Bathala. Patawad, Diyem. Patawad kung hindi na kita mahahawakan, kung hindi mo na ako masisilayan. Alam mo hindi ko pa din makalimutan kapag tinitingnan ko mga litrato mo. Hindi ka mawala sa isip ko, sa puso lalo. Pasensya na kung hindi ko makuhang bumalik, kung naduduwag akong sumugal ulit. Ayaw ko lang na mapagod at maging pagtakas ko ulit ang pagalis. Ayokong madurog ka ulit sa parehong paraan at sa ulit ulit na dahilan. Ayaw kong masira ka ulit, kasi kita kong tagumpay mo nang nagamot 'yung sarili mo. Pasensya na kung hindi kita maharap ayaw ko na kasing mahirapan. Ayaw ko nang mas makitang nasasaktan ka. Ito na rin siguro 'yung huli. Patawad kung hindi kita mayakap, pero sana dito sa huling regalo ko ay matuwa ka, sana kahit dito makabawi ako. Bumili ako ng lote para makapag patayo ka ng Coffee shop mo. At nandiyan lahat ng gastos, bayad na silang lahat. Pinagipunan ko yan, kasi dati palang pangarap mo na iyan. Magiingat ka! "Hanggang sa susunod na habang buhay" -Bry. .
Tumakbo si Diyem palabas at luminga linga sa pagbabakasakaling makita si Bry subalit walang ni bakas ni doon.
Pumasok muli siya sa shop, upang ipagtanong kung napansin nila si Bry. Kinuha ang telepono at ipinakita ang larawan nito subalit walang Bry silang napansin.
Napa-upo na lamang ito at tila sa sobrang bigat ng dinadala ay tumulo ang luha nito, sobrang nahihirapan siyang intindihin kung bakit hindi siya mismo sinabihan ni Bry o ni nagpakita man lang sana.
Matapos ang ilang minutong pagninilay nilay ay nadinig nito ang telepono na tumunog at nakita ang mensahe mula kay Sopiya.
Sopiya: Diyem, i-turn on mo na yung link, kanina pa kami nagiintay. Ano bang ginagawa mo? Atsaka wag ka na pumunta dito sa school, dahil wala tayong klase ngayong araw hanggang sa Huwebes. Bali apat na araw tayong bakante, wala ding activities na iniwan. Mag review na lang daw.
Kung dati ay sobrang saya ni Diyem kapag walang pasok, ngayo'y tila pinagtaksilan siya ng mundo. Tila ipinagkait muli ang kasiyahan sa kaniya.
Hindi na siya nag-reply at tila tulalang i-tinurn ang link para sa kanilang activity. Nang biglang tumugtog ang paborito niyang kanta.
"Di ko lang maamin na
Parang nakaligtaan
Ang dating saya at pag-ibig
Hindi na maramdaman
Pa'no bang
Ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sino'ng sisisihin?
'Di alam ang sasabihin"
Diyem (V.O.)
Ang daya daya mo naman. Oo hinatid mo nga ako pero hindi sa lugar kung saan ako magiging masaya. Hindi naman ako masaya dito e. Oo masaya ako kasi nasa law school na ako. Pero Bry, nawala ka naman. Mas okay na nga akong hindi makapasa basta andito ka sa tabi ko, basta kasama kita kaso hindi e. Wala!!! Ang daya daya mo, ni hindi mokp nilapitan para sabihin lahat, para linawin. Napaka dami kong tanong sayo. Bakit tayo natapos na lang agad nang walang konkretong dahilan. Bakit ka biglang napagod na lang? Bakit kabiglang napagod at bumitaw. Kahit ang laging sinasabi mo ay hindi mo ako iiwanan? Bakit bigla na lang tayong nagkaganito? Bakit bigla mo na lang akong hinayaan sa gyerang wala akong armas!!! Ang daya mo. Sobra.
Makalipas ang ilang minuto, ay muli na namang nag ring ang telepono ni Diyem.
Unknown: Tumahan ka na. Hindi bagay sayo ang umiyak. Pasensya na, hindi ko na din alam kung bakit naduduwag ako at mas lalong hindi ko na alam kung bakit ba to nangyarin sa atin, kung bakit tayo nagka ganto. Pasensya na. Ito na ang huli. Magiingat ka.
Luminga linga si Diyem, ayaw tumigil ng luha sa mata niya halos lahat ng lalaking may hawak ng telepono sa coffee shop ay tinanong na niya. Tanging pasensya na lang ang sambit nito.
Umupo ulit siya nang mabigo na makita kung nasaan si Bry. Tinawagan niya ang numero na nag text sa kanya. Nang magulat noong sumagot ito.
Diyem
(On the phone)
He...he...hello (nauutal nitong pagsambit)
Bry, bry. Pls nasaan ka ? Magkita tayo pls.
(TBCONT.)
Note: Listen to the audios attached above, para sa mas feel na lines. Hehe i hope nagustuhan ninyo!!
Thank you for reading. Love you all.
4 notes · View notes
pintit-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Kailan nga ba? Hinggil sa trabaho “Lyza, mag-aral ka nang mabuti para mas madali kang makahahanap ng trabaho” sabi ni mama. “Siyempre naman ma, ano ba sa tingin mo itong pinaggagagawa ko? Halos wala na nga akong tulog.” “Pagkatapos mong mag-aaral, magpapatulong tayo kay Aunty Yetyet upang mahanapan ka niya ng trabaho sa greece. Malaki ang kikitain mo doon sa kondisyong kaya mong maging all-out na worker. Dapat marunong kang mag-pedicure, gumupit ng buhok, magluto, magmasahe, magligpit ng bahay at kung ano-ano pang iba’t-ibang racket sa buhay.”, tugon ni mama. “Kahit nga highschool lang ang tapusin mo basta’t ikay aktibo at marunong sa mga gawaing pambahay o kung ano-ano ay maaari kanang magtrabaho agad sa labas ng bansa. De bali marami ka namang kapamilya handang sumuporta. Puwede ka rin sa Australia dahil nag-alok si Manong Andy mo na puwede ka niyang tulungan.”, pagpapatuloy ni mama. Hinggil sa pananamit “Oy mare, ang ganda naman ng bag mo,” sabi ng aking kaibigan. “Galing kaya ito sa London. Harrods pa nga. May isang branch lamang nito sa buong mundo.Hindi ako bumibili ng sa tabi-tabi lamang o sa Gaisano kasi hindi naman maganda ang pagkakagawa at materyales na ginagamit.”“Uy, tingnan mo si sir Dayaday. Grabe ang fashion sense niya. Sino pa ba ang gumagamit ng bag na gawa sa banig?”, suway ko.
“Edi sino paba? hahahha”, sabay halakhak ng magkaibigan. Hinggil sa anyo “Lyza, ang gaganda ng mga apo ko kung Amerikano ang magiging asawa mo.”, sabi ni mama. “Blue ang mata, kulot at brown ang buhok, maputi at mamula-mula ang balat na parang manika”, pagpapatuloy ni inay. Hinggil sa pananalita “Yaya, always speak english when talking to baby Kelsea.”, tugon ng ina sa katulong.
Nang lumaki na si Kelsea, “Hello Kelsea, ang tangkad mo naman. Noon ang liit mo pa.”, sabi ng kapitbahay. “I don’t understand you.” p.s. kapitbahay ko talaga si Kelsea “Ba’t hindi marunong magbisaya si Mika?”, tanong ko. “Pinapagalitan ako ng inay tuwing naririnig na nagbibisaya ako. Iyan ang dahilan kung bakit ingles ang wikang gamit nga nakababata kong kapatid.” tugon ng kaibigan ko sa akin.   Sa dati kong paaralan “Cipriano! come here!”, tawag ng principal. “Clean the stairs.”, sabi niya. “Why madam?”, tanong ko. “I heard you speak in dialect.” “Sus, naa tas Pinas madam kakapoi baya sig inenglis oi,” bulong ko sa aking sarili habang padabog na kumuha ng walis.
Sa loob ng ilang taon sa impluwensiya ng iba’t ibang bansa, hindi natin maitatanggi na naitatak sa ating mga Pinoy ang Colonial Mentality o ang paniniwala na kahit ano mang galing sa ibang bansa ay mas maganda kaysa sa anumang galing sa sarili nating bansa. Halos sa pang-araw-araw kong pakikipagsalamuha sa mga tawo, kitang-kita ang maling mentalidad na ito maging sa loob ng bahay, sa ating mga kapit-bahay, at maging sa buong komunidad ng mga Pilipino. Sa aking pag-aaral ng walang kamatayang El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal, nakikita ko ang isang isyung hindi pa rin naaayos ng mga Pilipino. Sa Panahon pa lamang ni Rizal, kanya nang binigyang-diin ang isyung ito sa katauhan ni Donya Victorina(Kabanata 42). Sa dinami-daming pagpapakita kay Donya Victorina, palaging ipinapakita na ang Ginang na ito ay may pagmamahal sa bagay na galing sa ibang bansa. Isa ito sa dahilan kung bakit pinakasalan niya ang isang dayuhan sa katuhan ni Don Tiburcio. Kahit siya ay isang Pilipina, kung magsalita ay kastila ang gamit kahit hindi naman magaling sa dayuhang wika. Kung makaasta ay nagmamaliit ng kapwa pilipino dahil sobrang taas ng tingin niya sa sarili na para bang siya’y isang mayamang kastila. Dahil sa pag-iisip na nadala nating mga Pilipino, unti-unti nang naaapakan at nabubura ang ating mga sariling kaugalian. Kung noo’y ang panliligaw ay kailangan pang magsikap ng kalalakihan, hindi naman totoo sa lahat pero kita naman nating dinadaan na lamang sa isang text or message sa facebook nang wala man lamang maayos na permiso sa mga magulang sa panahon ngayon. Kung noo’y mayroon tayong bayanihan o pagtutulungan ng mga tao upang mapadali ang trabaho ng kapitbahay ay ngayon hanggang tingin na lamang. Kung minsan panga’y tintalikuran na lamang upang makapagbigay ng dahilang hindi niya napansin na ganoon at ganito pala ang nangyari kay at kina. Kung noo’y dalubhasa ang mga tao sa kani-kanilang wika ay naging dalubhasa sa ingles at hindi na makaintindi ng Pilipino at kung minsa’y mas nahihirapan sa sariling wika kaysa sa wika ng dayuhan. Kahit ako ay walang takas sa epekto ng mentalidad na ito dahil sa pagsulat ko nga nito, may halo nang ingles at katabi ng tumblr website na ginagamit ko ay ang english-tagalog translator na application. Hindi ko rin maitatanggi may lahing hiprokrito ako dahil nang bata pa lamang ako, ilang beses ko nang isinulat at ipinangakong tatangkilikin ko ang sariling akin pero hindi ko parin maggawa. Hindi ko mabura-bura sa aking sistema ang impluwensiya ng mga bansang sumakop sa aking bansa.  Tama nga ang mga sulating nagsasabi na unti-unting lumalala ang epekto nga colonial mentality sapagkat dahil rito, unti-unting napapalitan ang ating mga tradisyon at paniniwala. Kung walang mga aklat na nagpapaalala sa ating kung saan tayo nanggaling ay siguro tuluyan ng nalimutan ng mga Pilipino ang kani-kanilang wika. May mga taong mang nanlalakas upang hugotin ang mga Pilipino pabalik, gaya ng mga tauhan sa El Filibusterismo ay mapapagod at mauubos rin sila sa kakalaban sa agos. Sa aking estado ngayon, hindi ako sigurado sa kung saan ako nakatayo. Hindi ko alam kung paano pababalikin ang mga Pilipino sa kanilang pinaggalingan, kung paano ko maayos ang libu-libong Pilipino na tuluyan nang nakalimot at kung kailan matutupad ang adhikain ni Rizal na sa sobrang haba na ng panahon ay hindi pa rin natutupad o mas masyado lamang lumalayo sa inaasam na katuparan.  Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, unti-unti nating ibalik ang ating kultura. Huwag nating hayaang maging tirahan ng alikabok ang mga katha ng ating mga ninuno. Magbasa tayo ng literatura. Ipagdiwang natin ng buong puso ang buwan ng wika. Gamitin natin ng wasto ang ating wika at pag-aaralan natin ito ng mabuti. Para sa mga magulang, turuan niyo ng sariling wika ang inyong mga anak. Ating pahalagahan ang sariling atin, mapaanyo, kaugalian at paniniwala at kung ano-ano pa. Dahil kung hindi, para sa’n pa ang lahat ng namatay para sa ating bansa kung tayong namumuhay ngayon ay nawalan na ng pag-alala sa sariling atin?
Oras na upang magsibalikan tayong lahat. Dahil kung hindi ngayon? 
Kailan pa?  #ElFilibusterismo #BbErmitanio #10-SA #Cipriano
1 note · View note
sakaysakasaysayan · 6 years
Text
Kamatayang Bayani
Ayon sa mitolohiyang Pilipino, mayroong tatlong magkakapatid na diyos na namamahala sa pagkabuhay at kamatayan ng isang tao. Isa ang namamahala sa kapanganakan, at ang isa nama'y sinisiguradong nabuhay ang sanggol. Ang pangatlo, si Patag'aes, ay kinakausap ang bagong silang na sanggol upang alamin kung gaano ito katagal nais mabuhay at kung paano ito nais mamatay. Mahalagang palihim ang pag-uusap na ito, dahil kung mayroong makaririnig, si Patag'aes mismo ang papatay sa sanggol. 
------------------
“Naisilang na muli ang kaluluwa,” wika ni Mangganghaw, kasabay ang pagdilat ng kanyang mga mata nang makabalik na siya mula sa mundo ng mga tao. Kumikislap ang kanyang mga mata. Tinanggal niya ang kanyang mga kamay mula sa sansinukob na lumulutang sa harapan niya, sa gitna ng tatlong magkakapatid.
Sa unang tingin, tila isang malaking bilog ng kadiliman ang sansinukob. Ngunit sa pag-ikot nito makikita ang mga nagniningning na mga bituin, mga araw at buwan ng iba’t ibang mundo at planetang bumubuo sa sansinukob. Parang mga kumikinang na hiyas ang mga nilikhang ito, hiyas na nakalatag sa isang pelus na lalagyan.  “At buháy ang bata,” tugon naman ni Manlaegas. Tinanggal din niya ang kanyang mga kamay pagkadilat ng kanyang kumikislap na mga mata. Nagpatuloy muli ang pag-ikot ng sansinukob. Tumango lamang si Patag’aes. Tinitigan siya ng mga kapatid niya.
“Patag’aes?” usisa ni Mangganghaw. “Ikaw na ang susunod. Naghihintay ang kaluluwa ng sanggol.”
Tumango muli si Patag’aes. Napabuntong-hininga. Nagtatanong ang mga kumikislap na mata ng kanyang mga kapatid. “Kilala ko na ang kaluluwang ito,” sabi ni Patag’aes. “Tila alam ko na ang kanyang hihilingin.”
Inilublob ni Patag’aes ang kanyang mga kamay sa sansinukob. Hinanap niya ang mundong ginawa ni Bathala, ang mundo ng mga tao, sa gitna ng mga bituin at araw at buwan. Dahan-dahan niya itong hinawakan sa kanyang mga palad. Pinikit niya ang kanyang mga kumikislap na mata, at pumasok sa loob ng mga tao. 
------------------
Pagdilat ni Patag'aes ng kanyang mga mata, matinding ilaw ang una niyang nakita.
Maraming tao sa loob ng delivery room. Umiiyak sa tuwa ang ama, at tumatawa ang mga doktor at nars na nakapaligid sa ina dahil sa napakalakas na pag-iyak ng sanggol. Sa gitna ng lahat ng mga tao, nakahiga ang inang yakap-yakap ang kanyang anak. Malakas ang iyak ng bata, sinasalubong ang mundong humihiyaw. Nilapitan ni Patag'aes ang bata. Itinapat niya ang kanyang hinlalaki sa gitna ng noo ng bata at itinapat naman ang kanyang hintuturo sa kaliwang pisngi ng bata. Idiniin niya ang kanyang mga daliri, at nanahimik ang kapaligiran. Tumigil ang takbo ng oras, ang takbo ng sansinukob. Tumigil ang lahat, maliban na lamang sa sanggol at sa diyos na makikipag-usap sa kanya. 
Nanlaki ang mata ng sanggol, at kumislap. 
"Ah, Patag'aes. Mabuhay!" wika ng kaluluwang nagmula sa sanggol. 
"Mabuhay muli." sagot ni Patag'aes. 
Tumawa ang kaluluwa. "Ah, oo. Mabuhay muli."
"Alam mo na ang itatanong ko," wika ni Patag'aes. "Ngunit tatanungin ko pa rin. Kaluluwa, ano ang haba ng iyong buhay ngayon? Paano ka mamamatay?"
"At alam mo pa rin ang magiging sagot ko," tugon ng kaluluwa. "Wala akong pakialam sa haba ng buhay. Basta't mamamatay ako para sa bayan. Para makapaghatid ng pagbabago sa bayan." 
Napabuntong-hininga si Patag'aes. "Hindi ko iyan matitiyak, Kaluluwa. Alam mo rin iyan." 
Magiliw ang sagot ng kaluluwa. "Oo, alam ko, panginoong Patag'aes. Ngunit hindi magbabago ang aking kalooban. Hangga't makatutulong ang kamatayan ko sa bayan, hahangarin at hahangarin ko iyon." 
Tila nagagalit na si Patag'aes. Kumukunot ang kanyang ulo, at kontrolado ang kanyang paghinga. "Alam mo, pero hindi mo pa rin nauunawaan. Hindi ko matitiyak sa iyong makatutulong ang isang kamatayan upang baguhin ang iyong bayan o ang sangkatauhan. Nasubukan na natin iyan. Mahirap ang pagbabago." Isa pang buntong-hininga. "Nasa nabubuhay ang desisyong iyan. At hindi ko trabaho ang buhay ng nabubuhay. Trabaho ko ang kamatayan ng mamamatay."
"Nauunawaan ko, Patag'aes," at ngumiti ang kaluluwa. "At nagpapasalamat akong bagamat iyan ang paniniwala mo, patuloy mo pa rin akong pinagbibigyan sa kahilingang ito." 
"Darating din ang buhay na hindi na kita pagbibigyan," tugon ni Patag'aes. "Ngunit kung iyan ang nais mo, wala akong magagawa. Tumutupad lamang ako sa usapan." 
"Salamat, Patag'aes."
"Paalam. Hanggang sa susunod nating pagkikita."
At tinanggal ni Patag'aes ang kanyang kamay mula sa mukha ng sanggol. Kumislap ang mata ng sanggol. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at nagsimulang umiyak muli. Kasabay ng pag-iyak ay ang pagsimula muli ng takbo ng oras, ng takbo ng sansinukob, at ng ingay ng mga taong pumapaligid sa bagong-silang na sanggol. 
Tumingala si Patag'aes, tinitigan ang matinding ilaw ng ospital. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang dahan-dahan niyang pagbalik sa kanyang sariling dimensyon, ang kamay niyang nakalublob sa sansinukob. 
Dumilat siya. Kumikislap ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang kanyang mga kapatid. Tinanggal niya ang kanyang mga kamay. Nagtatanong muli ang mga mata ng kanyang mga kapatid, ngunit tumango lamang si Patag'aes. Naghanda sila upang magsimula muli para sa iba pang mga kaluluwang ipinapanganak. 
------------------
Iba ang takbo ng panahon para sa mga diyos. Ang ilang taon ay isang kisapmata. Ang isang kislap ay walang hanggan. 
"Ano ang pinapanood mo, Patag'aes?" tanong ni Mangganghaw. Lumapit siya sa sansinukob, kung saan nakalublob ang kamay ni Patag'aes. Kumikislap ang mga mata ni Patag'aes. 
"Ang kamatayang bayani."
------------------
Sa mundo ng mga tao, isang kaluluwa ang lumaki na sa loob ng labimpitong taon. Lumaki siyang isang lalaking matatag ang loob, isang anak na masunurin at matulungin, isang mag-aaral na masipag at matiyaga. 
Isang gabi, ang gabing pinapanood ni Patag'aes, naging biktima ang binatilyo ng isang krimen. 
Kinaladkad ang lalaki ng mga pulis na hindi nakadamit-pulis. Dinala siya sa isang marumi at nakatagong eskinita. Binigyan siya ng baril. Sinabihang tumakbo. Pinilit siyang magmakaawa para sa kanyang buhay. 
Tatlong bala ang pumatay sa binatilyo. Tatlong bala sa ulo, at naudlot ang kanyang buhay sa labimpitong taon. 
------------------
"Hindi ko naiintindihan," wika ni Mangganghaw, pagbalik nilang magkapatid sa mundo nila. "Paano iyon naging kamatayang bayani? Iyan ba ang tunay na hiling ng kaluluwa noong kinausap mo?" 
Humingang malalim si Patag'aes. "Nais ng kaluluwa ng isang kamatayang makapagdadala ng pagbabago sa kanyang bayan. Iyon ang kanyang parating hiling. Noong una siyang naging tao, ibinigay ko iyon sa kanya. Firing squad ng mananakop ang pumatay sa kanya noon. Noong ikalawang pagkakataong hiniling niya iyon, pinatay siya ng isang lalaking hindi nila kilala hanggang ngayon, habang pababa siya ng eroplano. Binaril siya sa likod ng kanyang ulo. At ngayon, ito."
"At gumana ba? Nagdala ba ng pagbabago ang mga kamatayan niyang iyon?" tanong ni Mangganghaw.
"Hindi ko alam. Mahirap sabihin. Pero wala na sa akin iyan," sagot ni Patag'aes. "Wala na sa atin. Tulad ng sinabi ko sa kaluluwa noon, nasa nabubuhay na tao na kung pagbabago ang maidudulot ng isang kamatayan." 
"Sayang naman ang buhay kung hindi matutupad ang kanyang hiling ng pagbabago," wika ni Mangganghaw.
"Sayang nga," pagsang-ayon ni Patag'aes. Tinitigan niya ang sansinukob sa harapan nila, at inisip ang umiiyak na mga magulang, ang nagdadalamhating mga kapamilya, ang nagigising at nagagalit na bayan ng kaluluwa. Pinikit niya ang kanyang kumikislap na mata, at hiniling kay Bathala na sana'y matupad ang hiling ng kaluluwa sa kanyang kamatayan. "Kaya sana ngayon, hindi masayang ang buhay na iyon."
"Sana," buntong-hininga ni Patag'aes. "Sana." 
-------------------------------------------------------------------
Mga Sanggunian at Inspirasyon: 
1. Chikiamco, P. (Ed.). Alternative Alamat. 2014: Pasay City; Visprint, Inc. 
2. Lopez, E. "Our Son, Kian: A good, sweet boy." Rappler. Agosto 2017. Mula sa: https://www.rappler.com/nation/179243-kian-loyd-delos-santos-profile
3. Bayaning 3rd World (Pelikula). 1999. 
0 notes