Masaya
Mayroon akong hinihintay na tao.
Actually, matagal ko na siya’ng hinahanap.
Hindi ko alam kung nasaan siya, o kung kailan siya darating. Sa katunayan nga, hindi ko alam kung darating pa siya.
Ang totoo?
Ni hindi ko na maalala kung ano ang kan’yang itsura.
Ang naaalala ko ay ang Pasko, nang ako’y anim na taong gulang pa lamang, nang lumuwas kami sa Maynila ng aking ina para mamili ng pamasko.
Naaalala ko, ang saya-saya ko noon, dahil noon lang ako nakapasyal sa malayo!
Ang pagkakasabi pa niya, suwerte raw magsuot ng bagong mga damit sa kaarawan ni Kristo, at sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakapagsuot ng bagong damit.
“Totoo po ba, Nay? Ibibili n’yo `ko ng bagong damit?” ilang beses ko’ng tanong sa kan’ya noon.
“Oo, anak, masaya ka ba?” nakangiti niya’ng sagot habang marahan na hinihimas ang aking buhok. “Ibibili kita ng kahit ano’ng gusto mo dahil napaka bait mo’ng bata. Masaya ka ba ngayon?”
Hindi ko malilimutan ang mga salitang iyon.
Ang huling mga katagang lumabas sa bibig ng nanay ko.
Siya ang pinakamamahal ko, ang tanging nag-aalaga sa akin, kaya ang laki nang tiwala ko na hindi n’ya ako pababayaan.
Sa pagkasabik, agad ako’ng napatunganga sa mga paninda sa paligid – mga magagandang sapatos, magagarang damit, at nakakaaliw na mga laruan.
Natuwa ako sa kanila nang lubusan, kaya hindi ko napansin na wala na pala si nanay sa aking likuran.
“Nay?” tawag ko sa masikip na pasilyo. “Nay, nasaan na po kayo?”
Adag ako’ng nakadama ng pamimilipit ng sikmura.
“Nay!”
Naisipan ko’ng hanapin siya.
Tumakbo ako sa kaliwa, nakataas ang tingin sa mukha ng mga naglalakihang mga tao sa masikip na lugar. Ngunit sa dami ng mga naroroon, ay naipagtulakan nila ako, at sa pag-ikot ay di ko na maalala kung saan ako nanggaling!
Nasaan na nga ba si Inay?
Hindi ba’t dapat, sinusunddan niya lang ako?
Noon ko naalala ang payo n’ya sa akin dati…
’Kapag nagpunta tayo’ng bayan at nawala ako sa paningin mo, pumunta ka lang sa paborito nating kainan. Hanapin mo lang ang nakangiting mukha ng paborito mo’ng paru-paro, at doon, makikita mo rin ako.’
Agad ko’ng hinanap ang daan palabas ng gusali at tumingin-tingin sa paligid sa aking paglabas. Alam ko, nakita ko ang tindahan na iyon nang bumaba kami ng tren kanina...
“Ayun!” napalakas ang aking boses nang makita ang nakangising mukha ni ‘Cheery Butterfly’ sa `di kalayuan! Patakbo ako’ng lumapit dito at agad yumapos sa imahe ng higanteng paru-paro na nakataas ang mga kamay para sumalubong sa akin. Hindi ko na napigilang ngumawa nang kayakap ko na siya.
Ganoon ako nakita ng mga tao sa loob ng kainan.
Inamo nila ako at pinatahan, pinapasok sa loob, at binigyan ng paborito ko’ng Cheery Butter Chicken.
Ang babait nilang lahat sa akin, kaya agad nawala ang pangamba ko.
“`Wag kang mag-alala, parating na ang Inay mo.” sabi nila.
“Sigurado’ng hinahanap ka na noon.”
“Susunduin ka niya rito!”
Pero mali silang lahat, dahil hindi dumating si Inay.
Hindi n’ya ako sinundo sa lugar na iyon.
Hindi n’ya ako hinanap.
Sa pagsara ng tindahan, ay dinala ako ng ilang empleyado ng Cheery Butterfly sa pinaka malapit na himpilan ng pulis. Doon nila ako iniwan sa pangangalaga ng DSWD. Naglabas sila ng mga panawagan, naghintay ng susundo sa akin. Pero walang dumating.
Walang naghanap sa akin.
Hanggang sa lumipas ang mga araw na naging linggo.
Pinasok nila ako sa isang bahay ampunan, at umabot nang buwan ang mga linggo na tumagal pa ng taon.
Hindi ko na nakita pa si Inay, at ngayong diese otso anyos na ako, ay tuluyan ko nang natanggap na sadya niya ako’ng iniwan.
“Saan mo balak unang magpunta paglabas mo ng bahay ampunan?” taong ng mga kaibigan ko sa akin.
“Hindi ko pa alam,” sagot ko sa kanila, “pero gusto kong mamasyal at kumain sa Cheery Butterfly hanggang mabusog ako nang husto!”
“Tama, ikaw pa naman ang pinaka magaling gumawa ng crafts sa livelihood program natin, siguro ang laki na nang naipon mo sa pagtinda ng mga produkto natin, ano?”
“Malaki-laki na nga rin,” nakangisi ko’ng sagot. ”Gagamitin ko `yun para makakita ng trabaho, tapos, susubukan ko’ng mag-working student para masuportahan ang sarili ko.”
“Wow, good luck, kuya, `wag mo’ng kalimutan sumulat sa amin, ha?”
Tama.
Balak ko’ng magsumikap sa pag-aaral at umangat sa buhay, para balang araw ay maging tanyag na ehenyero, at `pag mayaman na ako ay hahanapin ko ang nanay ko para ipamukha sa kan’ya na nagawa ko ang lahat ng iyon nang wala siya.
Iyon ang dahilan nang lahat ng aking pagsisikap.
Noong una, gusto kong sumikat para balikan ako ni Inay. Ngunit iba na ako ngayon. Natanggap ko na, na sadya n’ya ako’ng iniwan.
Nakakapagtaka nga kung bakit biglang nagyaya si Inay sa maynila, gayo’ng kami ay walang-wala at ulila na sa buhay. Ang pagkakaalala ko noon, ay balak n’yang mamasukan sa trabaho.
Pero sa tinagal ng aking paghihintay, natanggap ko na sa sarili na sadyang iniwan ako ni nanay dahil isa lang akong pabigat sas buhay niya.
Iniligaw niya ako na parang isang kuting para mabawasan ang kanyang problema.
At hindi ko s’ya mapapatawad sa kanyang ginawa.
Lumipas muli ang mga taon.
Nakapagtapos ako, nakahanap ng trabaho at naging mayaman.
Pero hindi ko pa rin mahanap si nanay.
Marahil ay tuluyan na n’yang kinalimutan ang pabigat niyang anak. Marahil ay nasa sibang bansa na s’ya at may bago nang pamilya.
Ako man ay may sarili na ring pamilya at mga anak, at sa kalaunan ay naisipan ko nang talikuran ang balak ko’ng paghihiganti.
Noon ko napagpasyahang bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat – sa Divisoria, kung saan ako iniwan ng aking ina.
Ganoon pa rin ang lugar, tulad sa aking alaala.
Masikip pa rin at mainit ang mga pasilyong niluma na nang panahon, pero kung dati, ay nakatingala ako sa mga tao, ngayon naman ay diretso na ang tingin ko sa paligid.
“Napaka dali nga’ng maligaw sa lugar na ito, lalo na kung maliit na musmos ka pa lang,” sabi ko sa sarili. “Marahil `yun ang dahilan kung ba’t dito ako dinala ni nanay.”
Napatingin ako sa mga mumurahing damit, mga bag at sapatos na pinirata, at mga pipitsuging laruan na kinatutuwaan ng mga batang nakaikot sa pinagpapatungan nito’ng lamesa.
“Ser, bili na kayo, sir, para po sa anak ninyo,” tawag sa akin ng aleng nagbabantay rito.
“Magkano iyang robot na sumasayaw?” tanong ko sa tindero.
“Tri-pipti lang po ser! Kuha ka na, tatlo `sang libo lang!”
“Wala na bang ibang desenyo?” tanong ko, kapit ang isang pulang robot.
“Sir, sa kabila po, mas maraming pagpipilian,” sabi ng kasamahan nito binata. “May imported pa doon, mura lang!”
“O sige, saan?”
“Halika po,” tawag n’ya, “sunod po kayo sa akin.”
Sumunod ako sa lalaki.
Mukhang isasama n’ya ako sa warehouse nila, dahil malayo-layo rin ang aming nilakad.
Nagtungo kami sa likod ng mga tindahan, kung saan may daan papunta sa isang palikuran. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang baho mula sa malapad na pusaling nasa gilid nito.
Malamang `yun ang dahilan kung ba’t walang ibang tao sa paligid.
“Malayo pa ba ang storeroom ninyo?” tanong ko sa binata.
Hindi ito sumagot, sa halip ay bigla ito’ng kumaripas nang takbo.
Kinabahan ako noon, lalo na nang may dalawang malaking lalaking lumabas mula sa palikuran. Pareho silang may dalang kutsilyo.
“Wallet mo, dali!” singhal nang isa sa akin.
“S-sige... sandali lang po!” agad ko’ng sagot.
Madali kong iniabot sa kanila ang aking pitaka.
“`Yung relo mo, bigay mo na rin! Pati `yang singsing!” hirit pa nila.
Hinubad ko ang mga ito at ibinigay ang lahat sa kanila.
Natawa ang dalawa.
Lalong naningkit ang mapupula nilang mga mata.
“Masunurin pala `to, eh!” kutya nila sa akin,. “Ang bagay sa `yo, bumalik na agad ka’y lord!”
Pagkasabi nito ay bigla ako’ng inundayan nang saksak ng isang lalaki.
“Sir, `wag po, ibinigay ko na po sa inyo ang lahat!”
“At ngayon, alam mo na ang itsura namin!” sabi nila, sabay halakhak.
Muli nila ako’ng hinabol ng saksak, at sa takot ay napaatras ako sa pusaling maitim sa tabi ng daan. Lumubog dito ang isa ko’ng binto at napaluhod ako sa maduming lapag, tamang-tama sa ambang saksak na nakapuntirya sana sa aking dibdib.
“`W-wag po...!” iyon na lang ang naisigaw ko, nang muli ako’ng undayan ng saksak ng dalawa.
Napapikit na lang ako at hinintay bumaon ang kutsilyo sa aking katawan.
Ngunit hindi ito nangyari.
Unti-unti ako’ng dumilat at napatunganga sa aking harapan.
Hindi sa dalawang lalaking balak ako’ng patayin, kung hindi sa tila taong burak na nakatayo sa pagitan namin!
Napaka baho ng amoy na umaalingasaw sa kanyang itim na katawan na tila kalansay sa nipis! Ngunit kahit patpatin, ay nagawa nito’ng kapitan sa leeg at iangat sa ere ang dalawang lalaking mas malalaki pa sa akin.
Pinilit ko’ng sumigaw, ngunit nawala ang aking tinig.
Nagawa ko namang igalaw ang aking mga binti at unti-unting gumapang palayo.
Natigilan ako nang marinig ang tunog na tila mga sangang binali.
Hindi ko man nais, ay umikot ang aking ulo upang tumingin pabalik.
Bagsak sa gilid ang ulo ng dalawang lalaki na kapit ng taong pusali.
Binitawan rin niya ang mga ito at hinulog sa malawak na kanal kung saan sila unti-unting lumubog. Tapos noon ay dahan-dahin ito’ng lumingon sa akin.
Napatitig ako sa mapupulang mata ng taong pusali.
Pero sa pagtitig ko sa kanya ay parang may naalala ako.
Sa kanyang kilos.
Sa tindig at pagkakatingin n’ya sa akin.
“...ma...” bigkas ng kan’yang bibig na walang tinig.
“...ma... sa... ya... ka... ba...”
Hindi ko napigilan ang mga luhang umagos mula sa aking mga mata.
Lumapit ang taong pusali sa akin, itinaas ang kanyang kamay at marahang hinimas ang aking ulo.
Noon ko nakita ang eksena na tila dumaan sa aking isipan.
Ang babaeng alalang-alala sa nawawala niyang anak.
Ang dalawang binatang lumapit sa kaniya para tumulong.
Ang pagdala sa kaniya sa palikurang ito at...
Lalo ako’ng napahagulgol sa nakita.
“...ma... sa... ya... ka... ba...?” muli niyang tanong sa akin, at wala akong nagawa kung hindi tumango sa harap ng aking ina.
Bumuka ang naitim niyang mukha sa isang ngiti.
Nakita kong sandali ang imahe ng pinakamamahal kong ina, na ni minsan ay hindi nagpabaya sa akin.
Tapos noon ay muli siyang bumalik sa pusali, kung saan siya nakahimlay, mula nang paskong iyon, nang ako’y anim na taong gulang pa lang.
- wakas -
kapratsongkwento utak na nalagas mula sa imahinasyon ni gvecino
This story is included in my short story collection
"Mga Kuwento sa Dilim"
available in Watpadd:
0 notes
13 Rules for Surviving Diners (RulesHorror)
So maybe fine dining is a little hoity-toity for you, but you've still been running around town and got to eat. Maybe you're more of the casual sort or enjoy quaint little places. That's just as well about the high-end dining, making reservations is annoying. So you find yourself at one of my favorite genres of eating establishments, a good old fashioned diner. If you've spent a significant amount of time in diners you know they can be odd places with way more supranatural Beings than you'd think, and if you didn't know that, now you do. Allow me to guide you through surviving all the oddities at your local diner.
There are a lot of theme diners, particularly '50s themed. This is fun, I too enjoy a milkshake and checkered tiles. Be aware, however, that if the diner is actually from the '50s and still themed that way continuously, it's probably a portal to a '50s Pocket. It's actually one of the most reliable ways to access the 1950s, but it's much more difficult to leave.
A lot of old-timey fae and witch types that give advice become diner waitresses. I don't know so many choose this profession specifically, but it's something really popular with those from "and then the old beggar was secretly an ENCHANTRESS" type stories. So maybe tipping is a good idea.
Are the fries good? Any diner worth its salt should have excellent fries. If they're not good, something is very, very wrong.
If they write the receipts out by hand, they may have some...alternate payment instructions enclosed. Follow said instructions at your own risk.
It's well-known lobsters take forever to sell at diners. In fact, so long that they occasionally develop sentience. I don't recommend diner lobster period, but seriously, don't eat the talking lobster.
Sitting at the counter is fun. Sitting at the counter with 1930s gangsters who are suddenly there is your cue to get the check ASAP.
Similar to the Walmart tile thing I warned you about a while ago, do not follow any paths in the diner-tile floor. If the tiles seem to arrange themselves into a path, this is not a good thing. Especially if it leads to the kitchen.
You really shouldn't be in the kitchen. Like, in general, why would you be there? Especially in the now-times? But diners specifically - there's some stuff you just can't un-see and some ingredients you can't un-eat after you learn what they really are.
A lot of diners spotlight local other businesses, if they're a small little place themselves. This is good. And not to create an attractive nuisance, but the diner placemat is actually a pretty good place to start if you're seeking supernatural.
Soda is often watered down and coffee gets reheated. Feel free to complain if it seems normal-wrong. If you look down and your coffee is blue or your sprite is purple, something is out to get you and it's probably too late.
Most diners, the old ones, have guardian spirits. You do NOT want to meet them.
Lots of little places have dog bowls outside. Do not disturb the dog bowls. The only acceptable interaction is buying a treat and place it there WITHOUT touching the bowl itself.
Lots of successful diners have been expanded and have a new section and an older, grittier section. Again, not to create an attractive nuisance, but sitting in the old section increases your risk of supranatural encounters with Beings, ghosts, time-travelers, and the space itself.
13 notes
·
View notes