#liwaliw
Explore tagged Tumblr posts
ineffablyrandom · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
June 2023 Highlight
Pumunta kaming Kampo Liwaliw. Kasama ko pinsan ko, boyfriend niya, kapatid ko tsaka girlfriend niya.
Di naman halata ano na fifth wheel ako. Potaena HAHAHAHAHAHA.
Pumunta kami dun kasagsagan din na nag uulan. Pero keri lang. Kaya naman pati yung lamig hahahahahahaha.
Nag rent lang kami ng car na maghahatid samin dun tsaka mag susundo.
Overnight lang naman kami. Bumili lang kami ng pang samgyup. And we also bring card games. Syempre inuman habang nag exploding kitten kame hahahahaha. Kinaumagahan nag swimming kami bago mag check out.
All in all 10/10 experience. Sana maulit.
5 notes · View notes
xjralc2 · 4 months ago
Text
Tanda ko pa yung mga ganap at tawa na parang kahapon lang lahat nangyari. Iba yung saya nung malayo pa sa reyalidad, puro liwaliw at walang gaanong iniisip. 
0 notes
underorangecue · 1 year ago
Text
June 12, '24
Palayain ko na puso ko sayo? Chariz pempengco hahaha
Anyhu, natulog lang ako maghapon tapos pagkagising ko tumawag agad yung friend ko na sa BPO nagwowork at nagkwento sya ng ganap nila nung team building nila. Kakatuwa kasi sila mismo nagrireach out sa akin hahaha di ako sanay!!!
Iniisip ko ngayon kung gagamitin ko na yung kotse na nakagarahe lang sa bahay para mag liwaliw sa gabi. Long rideeeeezx!!! Uwi from diliman to sta. mesa it iz.
Google, play First of Summer by Urbandub.
0 notes
taaaaangi · 2 years ago
Text
ngayon na lang ako ulit lumabas ng kwarto ko and nag liwaliw sa garahe namin hahahaha I mean, lagi lang kasi ako nanunuod sa kwarto pero this time pinili ko manuod naman sa garahe namin lol. Okay din pala. mainit lang haha pero keri na
0 notes
cloudhighflyhigh · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Barag Barag 01/09/18 #britishcolumbia #liwaliw #canada #radiumhotsprings #lightroom #samsungcapture #2018
1 note · View note
jeremiethrough · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
REST
After almost 5 months of review, we finally had the chance to got some liwaliw without thinking about the future.
We all did well on our exam and I believe on May 3 we’re gonna be all ENGRS. 🙏
18 notes · View notes
porknbenzo · 4 years ago
Text
Kwento!
DAY 01 (Seattle WA.)
Pagka land ko sa airport, I went straight to the City Center para mag check in sa hotel. Sumakay ako ng train called ‘Light Rail’. Ang tagal din ng byahe, siguro 30 minutes din. Muntik pa nga ako makalampas sa dapat babaan kasi walang nagsasalita sa train kung anong station na! Hahahaha. Pagka baba ko, naglakad nako para hanapin ang hotel ko. Malapit lang naman. Mga 10 minutes walk lang from the station. Pagka check in, nag pahinga saglit tapos lumabas na.
Tumblr media Tumblr media
Una kong pinuntahan yung Pike Place Market.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nandun yung “First Starbucks Store”. Pumila ako ng isang oras bago makapasok sa Starbucks, bakit? Kasi sabi ko “andito naman na, chance na din”. Kaya nga ako umalis para mag liwaliw. Kokonti ang pila pero dahil pandemic, limited ang bilang ng mga taong pinapapasok nila sa loob. Eh dahil hindi naman ako nag kakape, (alam ko mahina akong nilalang hahahaha) eh bumili na lang ako ng refreshers nila.
Tumblr media Tumblr media
Pagkatapos, lumabas na ako para mag ikot ikot. Habang naglalakad, nakita ko yung Gum Wall. Ito yung isang eskinita na puro nginuyang gum tas dinikit ng mga turista sa pader. So hindi nagpahuli ang koya mo, ngumuya ng bubble gum at ayun nagdikit din! HAHAHAHA. Medyo minty yung amoy sa area na medyo malansa kasi dagat yung kabilang side.
Tumblr media Tumblr media
To be continued... Haha.
13 notes · View notes
ririmuststudy · 4 years ago
Text
October 14, 2021
I learned I got 42/100 sa Intacc 3, I knew it reflected how I was not able to study well.
Did I feel sad? no
Did I feel guilty? no
Did I feel like crying? No.
but one thing moved me, ang tulog nababawi, ang learning and grades hindi.
Ika nga,
ang sinayang na oportunidad mag liwaliw, nababawi, ang magaral hindi.
ang pag scan sa internet, nababawi, ang learning hindi
I don't feel guilty now and I know I would taste my own medicine of regret in the future kapag hindi ko pa inayos mindset ko, kaya ngayon, I'll start with fixing my mindset.
I'm firm with my stand.
1 note · View note
yeshasanjuan · 5 years ago
Text
Tagos sa puso...
ANG SIKRETONG DI NILA SINASABI SAYO
Isang araw marerealize mo na lang na hindi naman talaga to tungkol sa kung 'gano kaganda ang naging trabaho mo o kung malaki ba ang sinasahod mo. Hindi ito tungkol sa kung anong kurso ang tinapos mo o antas ng edukasyon na meron ka. Mas lalong hindi rin ito tungkol sa kung single ka ba o in a relationship.
Tungkol 'to sa'yo.
Marami ng mga tao, post, forwarded messages at pelikula ang nagsabi satin ng "How to be Happy". Pero wala naman talagang nagsasabi ng totoo kung 'pano.
Minsan itatanong sayo ng HR bago ka tanggapin sa trabaho kung ano ang long term goal mo, invalid na agad pag sinabi mong "Gusto ko lang maging masaya." Gago ka ba anung pake nila sa feelings mo.
Pero hindi yan ang kwento.
Isang araw marerealize mo na hindi naman talaga totoo yung mga sinasabi ng mga finafollow mo sa instagram na feeling perfect palagi ang life kasi maganda lang naman talaga yung kuha nila sa picture. Hindi din palaging totoo yung sinasabi ng mga kaibigan mo na okay lang sila sa trabaho, relasyon at pamilya. At madalas, kagaya ka din nila. Kanya kanya lang kayo ng struggle sa buhay kung pano magpapatuloy kahit ayaw mo na talaga minsan sa life.
Wag mo din masyadong ginagaya yung buhay ng ibang tao, na darating sa puntong nagiging iba ka na at hindi na ikaw yun, dahil lang sa nakita mo silang masaya dun. Iba yung sayo. Ikaw lang ang makakaalam nun.
Dito na papasok yung pagkwestyun ng paulit ulit sa sarili kung nakanamputa pano ba sasaya?
Hindi to entry sa essay writing contest na padamihan ng likes tapos magkakatotoo yung wish mo in life. Nasa realidad tayu ng buhay na palaging mahirap at dapat magsumikap. Pero again, inuulit ko - TUNGKOL 'TO SAYO. Hindi sa kung ano ang nangyayari sa mundo.
Isang araw marerealize mo na ang totoong kaligayahang inaasam mo ay hindi lang naman talaga tungkol sa mga lugar na napuntahan mo o mga taong nakilala mo o sa dami ng mga nagkacrush sayo. Mas lalong hindi ito tungkol sa nabook mong seat sale at pagkakapromote sayo sa trabaho. Hindi lang palaging dahil dun.
Magiging totoong masaya ka kasi sa wakas, natanggap mo na din ang sarili. Ginagawa mo na ang mga gusto mong gawin at hindi lang yung basta dapat mong gawin. Natuto ka na sa mga pagkakamali at kaengotan mo.
Narealize mo na mas masarap pala talaga ang ice cream sa tinapay kesa yung samgyeupsal na chineck ko muna sa google kung anong tamang spelling. Narealize mo na kahit pagod ka na sa trabaho at gusto mo na lang sana matulog e buti na lang sumama ka pa din sa inuman ng tropa kasi ngayon nalang ulit kayo magkakasama. Narealize mo na kahit minsan hindi ka nakakaligo ayos lang kasi atleast nakakapagtipid ka sa shampoo. Narealize mo na ang totoong reward ng adulthood ay minsang pagtigil nalang muna sa bahay para tumunganga at magpahinga.
Sa wakas narealize mo na hindi ito laging tungkol sa mga bagay na nangyayari lang, kundi sa mga bagay na pinipili mong gawin para sa sarili. Palaging tungkol sayo.
Na isang araw mauunawaan mo ng husto na ang buhay ay walang hanggang katapusan ng paghahanap. At okay lang yun. Dahil ibig sabihin nito ay hindi ka tumitigil sumubok. Hindi ka natatakot magkamali. Hindi ka sumusuko. Nagpapatuloy ka lang at mas marami ka ng natututunan at nalalaman ngayon. Mas alam mo na.
Sundin mo lang ang puso mo kung saan siya papunta. Tatapikin ka ng isip mo at sasabay din siya.
Maging mabuti ka lang palagi sa sarili mo. Palaging piliin ng sarili. 'Wag mo siya masyadong pinapahirapan. Mas makikita mo kasi ang magaganda kung pagbibigyan mo lang ang sarili mong sumaya.
Isipin mong importante ka. Dahil kapag naunawaan mo na kung gano ka kahalaga, dun mo mas maibibigay sa sarili mo ang dapat na para sayo, minsan higit pa sa kaligayahan. Minsan mas mataas pa dun.
Isang araw maiintindihan mo din 'to ng husto. Na ang pagkakaroon ng tunay na kaligayahan ay isang desisyon, at pagpili sa sarili.
Dahil palagi itong tungkol sa'yo.
Laging sa'yo.
Sa'yo to.
(c) Balikbayang Liwaliw
2 notes · View notes
thesickestlady · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
✨ Sometimes in our darkest moments, all we need is a break ✨
Nakauwi na din ng probinsya ko sa wakas after 4 years ! ❤ Sobrang saya nung 1 week stay ko kahit di in-approve ni boss yung leave request haha nyetah! But anyway, sobrang exhilerating sa pakiramdam kasi na-miss ko mga kababata at pinsan ko na nandun. Tas syempre sinulit ko na din yung bakasyon! 3 days sunod sunod yung ganap at liwaliw 😀
Wala lang gusto ko lang i-share dahil kakauwi ko lang at napagod din sa biyahe. Pero ang saya lang, as in yung genuine na masaya. Iba talaga dulot ng emotional na pagod (na bunga ng work) kesa sa physical na kapaguran. Mas pipiliin ko na lang mapagod ng physical.
P.S. As usual, expect photo posts!!! Puro picture lang naman tong tumblr ko mehehhee good evening!
3 notes · View notes
markhersonhuelgas · 7 years ago
Text
UNTITLED
UNTITLED
At sinulat niya ito gamit ang pighati
Mga durog na damdaming pinagtapi
Gamit ang malabnaw na mga luha
Pinatulo sa balat na puno ng hinuha
Di tulad ng mga tulang kaybulaklak
O komedyang puno ng mga halakhak
Ito ay trahedya ng dalawang tauhan
Trahe de bodang walang patutunguhan
Ito'y giyerang sa dulo'y walang panalo
Mga pangarap na naiwang mga plano
Mga sigaw na walang mga alingasaw
Tulad ng kaning-lamig na naging bahaw
Mga ideyang preso ng mansyon ng
pag-ibig
Kahambing ng isinaboy na kumukulong
tubig
Pupukaw sa katotohanan na liwaliw
Aagnas sa pantasiya ng isang baliw
Ang letra ay hindi nagdadala ng lambing
Ang mga titik na singtalim ng bangin
Ang diing susugat sa sinumang malambot
Ang mga salitang dulot ay pait at poot
Kulang ang pambura upang mapawi
Kulang talas ng kutsilyo upang mahati
Ang sinulat ng pusong mga dalamhati
At ang mga isipang minsan ng itinali
Isa ang humakbang paharap at umusad
Isa ang humakbang paatras at kumupad
Isang naghangad bumitaw at matapos
Isang naghangad ng ikaw at ito'y maayos
Ngunit di lahat ay parehas kwentong-bibit
Na kaligayahan at pag-ibig sa dulo ang
sasapit
Mamumuhay ng payapa sa binuong
kastilyo
Tatanda at mamamatay sa abang trono
Kadalasan ay bangungot ng pagkawasak
Kundi luha ay dugo ang siyang papatak
Puso ay iiwang nakasabit at sugatan
Kaisipang maliligaw sa malamig na
kadiliman
Binaba ang kamay upang ibigay ang
tuldok
Nilapag ang lapis sa isang sulok
Tinupi at itinago ang liham sa sobre
Sabay tayo at punas sa magulong
kolorete
6 notes · View notes
hayley-ngbuhaymo · 7 years ago
Text
Gago ang sarap ng may goal sa buhay pero at the same time sarap din mag-liwaliw. Kailangan mo lang talaga mag-control. Jusko.
5 notes · View notes
lottie-blr · 3 years ago
Text
Ilang days nalang at matatapos na ang October at lilipat na ako ng trabaho. yehey!
Nagpasa na ako sa HR ng resignation letter, nagsabi na rin ako sa friends ko sa office at nagsabi na rin ako sa Manager ko kagabi. Inaantay nalang namin ang desisyon ng GM namin pero ayun nga at mag aawol din naman ako hahahha
Ngayon, absent ako para mag ayos ng mga docs na need ko don sa lilipatan kong work. dahil mahaba rin ang holiday ngayon. Para direcho pasok na rin ako at para may sahurin sa 15 hahahahahah.
Buti na rin at umaraw na at makakapg liwaliw din ako mamaya hahahaha. Papahinga lang ako nang kaunti ngayon dahil sumakit puson ko ampsss
0 notes
itsjrcastro · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Di ba dapat matutulog? Bakit liwaliw?! #hahahowyoulikethat https://www.instagram.com/p/Ci4uXkwLlJP9psou3sIxyz5BokFcWQUGe10Iwg0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
hmss113ovenson · 3 years ago
Text
FEBRUARY
Wednesday, 02/02/2022  - Asynchronous 
 As I opened my eyes, I got off my bed with a deep breath. Immediately, I gargled and picked up the kettle to heat water for my energen. In my asynchronous class, we read a short story about this girl who settled for less, after then, another asynchronous class after another. We have 4 classes every Monday and Wednesday and our last subject would be ma’am rf’s where it is also asynchronous however we met as a class to continue planning on our upcoming culminating, and the meeting ended. I put my laptop on sleep mode and my life outside my room began; I played with my dogs and finished my undone laundry. And as the moon rises, my eyes start to stutter.
Thursday, 02/03/2022 
What happened this day, I cannot vividly remember what had happened on this day. The feeling of forgetting my memories day by day is sad as I cannot recall if I had happy moments, sad moments, or little moments that I wish I had written a journal on that day.
Friday, 02/04/2022 - Reminisce 
 On this day, I woke up really early– but not for academic reasons. Today we travel from Naga to Legazpi to go for a little “liwaliw”. Today as we travel my auntie (with the same age as mine), we did a little reminiscing of our little past when they used to go here every Christmas, summer, and whenever they can. A lot of vivid memories from when we were little, it's just beautiful looking back and thinking that, that little me there wouldn't know that I am thinking about her. That's what we did the rest of the afternoon; “reminiscing”. And when the night arrived I started to check my laptop once again to finish that proposal that's due on Monday. 
Saturday, 02/05/2022 - Breath 
 Today I breathe as we get ready for a very exciting activity! Swimmingggg. It's a swimming dayyyyy… when was the last time? I don't even know what water feels like, haha. There’s so much food I love it here! It was a long day, a very happy day. 
Sunday, 02/06/2022 - Knock off
Today is the day we go home but nevertheless, a lot had happened this day as well. I woke up a little late, nine something in the morning, and aaa waking up with a smile on my face feels so good. Not thinking about academics feels so refreshing even though tomorrow is again another day to face my laptop the whole day. Still, anyway, that's okay I guess. Today is going home day but before we get home, we visit a lot of places where I've been, where we've been before and I am happy for those places that are still functioning and innovating and renovating. It didn't die when the pandemic struck the world and that is a relief, at least.
Monday, 02/07/2022 - Beginning 
 Today, as usual, is a new week, another week to sit on the chair for hours. I woke up hearing the call of meca in messenger because it was already past 7:30. Good thing I heard meca’s call at 7:46 am, not bad I guess. The two last subjects were synchronous because we had to cope with the lessons that we missed last week. After the day, we had dinner at a Korean restaurant— I forgot the name. Anyway, after dinner, we went to starbucks to end the night. 
Thursday, 02/17/2022 - Trying 
 It's always like this when you're almost there and almost giving as well but won't give up because you're almost there– today I woke up very early in the morning. I messaged one of my subject teachers to ask if I'm still allowed  to take the quiz that I missed last tuesday because of my unwell condition lately, thankfully she still allowed me to take the quiz. Today, I was able to attend only one of my synchronous classes in the afternoon only due to this challenging event that I am facing right now. Nonetheless, I was still able to respond to the messages of some of my classmates regarding our grouping and gave them updates on the committee I was assigned to because I was too scared that I would become a dumbbell to them. After writing this journal, I will start writing my PC1 in my HMSS113 subject since I didn't have the time to finish it in the past few days because I've been sleeping due to tiredness. I've made it this far, and so, I won't give up right now; I won't let myself down and pass my very last sem in high school.
Wednesday, 02/23/2022 
Idk I just received an email with survey for the upcoming limited blended learning? Right now I don't really know what to feel about this because I'm clearly just waiting for the day that finally ends this school year. Maybe I'm a little excited as well because after years, we're finally going to school again, but still I don't really know. Today I woke up at 7 in the morning and it was asynchronous until– actually we didn't have any synchronous class today. I have quite a missing list and I wanted to finish them all today, but what I'm editing is eating all my time to finish and answer my other tasks from other subjects and I am frustingly wanting to finish this video already. I've been editing this  for 2 days now. Right now it's currently 5:19 pm, and we don't have any internet connection since 3pm i think and i am so stressed about it, the fact that i can't edit the video yet, i can't answer my other requirements, oh my. I have some realization right now (same time as 5:24). I want to be part of this blended learning already. I'm so tired of facing this laptop or cellphone every single day and needing to check my messenger, email, google classroom, or any other social media that has been part of my everyday life.
February 25, 2022 - Productive 
 I've had so much fun today (in a way) I've been super productive since early in the morning. And at 1 pm I tried to finish some of my school work as much as I could. After academics, I finished the book that I was reading entitled “Ugly Love” by Colleen Hoover; I gave the book 1 out of 5 hehe I didn’t really like it. 
Saturday, 02/26/2022 
Nothing I've done nothing today but eat :(( i'm really sad since I actually have a plan today (i listed the things I need to do yesterday) turns out I cannot do anything because when I woke up it was brownout and it was super hot! I planned to finish all of my missing requirements but wasn't able to do so. As much as possible I try to avoid my very long time habit of doing things at night or more like at midnight– I'm trying to be productive every day in the daytime so that i'm able to improve myself on certain things such as finishing my requirements on time, making my bed, feeding my dog, taking a bath in the morning and so many other things that I want to be upside down. It’s 10:15 pm right now, I’m rearranging some of my school stuff on my computer.
Sunday, 02/27/2022 
Hi? Today I woke up at 10 am because my grandmother and I ate at mama sara for lunch. I ordered cordonsilog, and I think hers was humbadobosilog? Not really sure about the name. We went home after that, I spent the rest of the afternoon reading “November 9: A Novel'' by Colleen Hoover– as you can see i'm on my COHO phase right now trying to read all her books after I didn't really do anything, I just cooked my dinner then proceed to my new current read which is “Confess” by Colleen Hoover and im 50% done with it. 
Monday, 02/28/2022 
 Today is the last day of February, can you imagine? Anyway, I woke up at 7 in the morning and waited for my first class to start, HMSS113– which I loved the lesson because i'm really a fan of reading memoirs, nonfiction, real-life etcetera than fiction, I mean do read fiction like what i'm reading right now the confess one but I don't know I like the other genre more. After the discussion, I went out of my room with my dog to feed her, and after feeding her, I provided myself too for lunch– well, advanced lunch and after, while I wait for our next class, which is APPL114, I’ll try to finish this current read of mine. It's already 11:50 as of the moment of writing this. And btw I did finish the book. After I finished the book, I saw my Instagram full of messages from our group– my friends, we’re four actually, all girls. We were talking about my 18th birthday in April and that before my birthday we still need to go out and that's on the 3rd week of march I guess. We ate chowking for dinner, and after that, I washed the dishes and returned to my room to do the night routine.
0 notes
utetsoo · 3 years ago
Text
MGA MAKAPIGIL-HININGANG LUGAR NA MAAARING BISITAHIN SA BATANES
Tumblr media
Ang Batanes ay kilala bilang isa sa pinakamaliit na probinsya at may pinaka-kaunting populasyon, ngunit sa likod ng maliit na probinsya ng Batanes ay nagtatago ang mga makapigil-hiningang tanawin at naggagandahang mga anyong tubig. Sa dami ng mga magagandang destinasyon at magagandang tanawin paniguradong maaalis ng Batanes ang lahat ng iyong problema at bagabag sa isip. Ang Batanes ay kinikilala bilang “Home of the Winds” at dahil din sa kakaibang kultura ng mga unang nanirahan sa mga isla, ang mga Ivatan. Ang mga lugar na nasa ibaba ay ilan lamang sa mga magagandang lugar na maaaring puntahan ng kung sino mang nagnanais na masaksihan nang personal ang kagandahan ng Batanes.
Diura Fishing Village
Tumblr media
Isa sa mga hindi mo dapat makalimutan puntahan sa Batanes ay ang Diura Fishing Village sa Mahatao Batanes dahil sa napakapayapa at napakagandang spring pool nito na naging lugar na rin ng mga turista at lokal para mag pahinga at mag liwaliw. Sa pagtungo rito, makikita kung paano mamuhay ang mga lokal na magsasasaka. Napakabait din ng mga tao rito dahil sinalubong nila kami ng may mga ngiti sa labi at sila rin ay nakikipag-usap sa mga bumibisita. Bukod dito, nasaksihan din namin ang kapayvanuvanu, isang lumang ritwal na ginagawa ng mga mangingisda ng Diura upang matiyak ang masaganang panahon ng pangingisda sa buwan ng Marso at Abril. Ang seremonya ay nag sisimula sa isang shaman na nag-aalay ng baboy habang nagbabasa ng mga senyales mula sa atay para sa magandang tanda at huli.  Sa labas naman ng fishing festival, matatanaw rin ang Madi Bay, Pacific Ocean, at Mount Iraya mula sa malayo.
VAYANG ROLLING HILL
Tumblr media
Ang Vayang Rolling Hills sa Basco, Batan Island sa Batanes ay isa rin sa mga lugar na dinadayo ng mga turista. Noong kami ay nag tungo rito, kitang kita ang mga ilan sa mga napakagandang lugar dito sa Batanes gaya na lamang ng Mt. Iraya, gayundin ang mga mahahalagang isla ng lalawigan na Batan, Sabtang, at Itbayat. Ang mga burol, mga luntiang damo at malalim na asul na dagat ay talaga nga namang napakagaganda at nakakamangha. Nababalot ng kulay berde ang paligid - ang mga burol, puno, at damo. Ang kapaligiran ay napakagaan sa mata at nakapagdudulot ng kapayapaan sa puso; maaari kang mag-isip at mangarap nang mapayapa habang nakatingin lamang sa tahimik na kapaligiran at sa mga ulap. Ramdam din dito ang napakapresko na hangin dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat, kaya naman napakagandang putahan nito dahil kitang kita kung gaano kaganda at kapayapa ang kapaligiran.
Mt. Carmel Chapel or Tukon Church
Tumblr media
Kilala ang mga simbahan bilang lugar kung saan mararamdamn mo talaga ang katahimikan at pumupunta ang mga tao dito kapag nais nila ng tahimik at payapang kapaligiran. Ang Tukon Church ay matatagpuan sa tuktok ng burol, at bilang ito ay nasa taas kitang kita ng mga turista ang magagandang tanawin sa baba at kita mula dito ang probinsya. Maraming tao ang nais magpakasal sa simbahan na ito dahil bukod sa maganda ang simbahan, madadama mo talaga ang prisensya ng Diyos sa sobrang payapa ng lugar. Ang simbahan na ito ay itinayo ng pamilya ni Florencio Abad, ang kanilang pamilya ay kilala sa Batanes, at ang simabahan ay gawa sa tradisyunal na bato. Bago matapos ang iyong paglalakbay sa Batanes, ang Tukon Chapel ang magandang huling puntahan bilang pangwakas sa iyong pagbisita sa Batanes.
Honesty Coffee Shop
Tumblr media
Nasanay tayo na kapag pumasok tayo sa isang coffee shop mayroong bubungad satin na tao at tatanungin kung ano ang ating gusto, ngunit ang Honesty Coffee Shop ay kakaiba sa lahat ng kapihan sa Batanes. Dahil dito, ikaw mismo ang magsisilbi sa iyong sarili, ikaw ang magbabayad at ikaw rin ang magsusukli sa iyong sarili.  Ang kapihan na ito ay naniniwala na katapatan ang dapat umiral sa isang tao. Ito ay mas maihahalintulad sa mga sari-sari na tindahan dahil nag-aalok ito ng iba’t ibang tinda at hindi lamang kape, ngunit hindi maikakaila na napakaganda ng konsepto ng kapihan na ito, at mayroon silang sapat na tiwala para sa sino man na nais pumasok. Ayon sa may-ari ng tindahan, simula ng binukas ito ay wala pang tao na hindi naging tapat at masaya sila na kahit turista man o residente, na-eensayo nila ang pagiging tapat sa isa’t isa at payapang kapaligiran sa Batanes.
Dipnaysupuan Japanese Tunnel
Tumblr media
Ang Dipnaysupuan Japanese Tunnel ang isa sa mga makasaysayang lugar na maaaring mapuntahan dito sa Batanes, ang lagusan na ito ang nagsilbing tirahan ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa mga turista na nais pumunta dito, pinapayuhan na magdala ng helmet at flashlight para sa kaligtasan ng bawat isa. Dahil ito nga ay lagusan asahan na madilim at malamig sa loob, ilan sa mga makikita sa loob ng lagusan ay mga bato, maliliit na butas, ang mga pader na puro warak. Sigarudihin din na mayroon kayong kasama na eksperto kapag kayo ay bibisita dito dahil pasikot-sikot ang daan at para na rin sa kaligtasan ng bawat isa. Napakaganda lang na nagagawang ingatan at ipreserba ng mga Pilipino ang ganitong klase ng kayamanan, luma man siya para sa iba ngunit ito naman ay makasaysayan at naglalaman ng maraming kwento ng mga tao noong nakaraang panahon.
Hindi natin maikakaila na talaga nga namang binigyan tayo ng mga sakit sa ulo at problema ng mga nakaraang taon, kaya naman nararapat lamang na bigyan natin ang ating sarili ng isang bakasyon na paniguradong bibigyan tayo ng katahimikan at maipapahinga natin ang ating isip sa mga problema. Kung ang iyong hanap ay mapayapang lugar at tahimik na probinsya, Batanes ang lugar na para sa iyo dahil kilala rin ang Batanes sa kalmado nitong kapaligiran at ang mahangin na klima. Maaari mo rin isama ang iyong mga mahal sa buhay upang mag liwaliw kahit minsan, ngunit huwag lang din natin kalilimutan ang mga tamang etika na dapat nating gawin tuwing tayo ay bibisita sa iba’t ibang mga lugar.
Paalala!!!
Ang mga konteksto na ginamit ng mga may-akda ay kinuha lamang sa Guide to Philippines at ang mga larawan ay galing sa internet, walang pag-aangkin na layunin ang mga may-akda sa paggawa ng proyekto na ito.
PINAGMULAN
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/batanes-tourist-spots 
1 note · View note