yell14xx
yell14xx
Reflection
12 posts
A collection of my thoughts since I could remember ;)
Don't wanna be here? Send us removal request.
yell14xx · 4 years ago
Text
Kasama ka pa din sa mga dasal ko
Kahit sa akin ,nag iba na ang asal mo
0 notes
yell14xx · 4 years ago
Text
I really wonder if i am meant for something or my current situation is what i am meant for.
1 note · View note
yell14xx · 4 years ago
Text
hirap ng walang maisulat. parang hindi ako mulat.
0 notes
yell14xx · 4 years ago
Text
I always think about you whenever I hear this song
It makes me think of possibilities
Of how we could be together
As the song ends with
"Someday we'll know that I was the one for you."
However you made a decision that ended it all
Made me stop believing that love could move mountains.
Doubted Samson's love for Delilah.
That I will never go dancing in the moon.
If I could ask God just one question
Because you aren't with me tonight
I used to believe that we'll end up how the song ended
Believing love could move mountains
Knowing why the sky is blue
And why I was meant for you
Apparently, it's not like that
Because we didn't finish the song
Ours ended with the line
"Someday we'll know why I wasn't meant for you"
And I someday
I do hope I'll meet someone I am meant to be with
And why I wasn't meant for you
2 notes · View notes
yell14xx · 4 years ago
Text
Anxiety
Ever had something you don't want to be around,
BUT IS ALWAYS AROUND
Your highs ,
Turns to your lows
Your confindence lowers
As well as your head, to the same level as your shoulders
Ever had that?
I have that, and that's anxiety.
Anxiety is something i don't want to be with
But wants to be with me .
That anxiety turns my highest dreams
To my deepest fears.
That same anxiety
Turns my "certain moments"
To doubtful moments
That same anxiety,
Makes me want to crawl layers of blankets
Instead of facing all my targets
I hate it,
But there's nothing i could do about it.
Everything I wake up
Hoping it would leave
Or even shut the hell up
Everyday I hope it will stop
So my dreams can go
So that maybe i too could grow.
Everyday i wonder
I bother
Instead being able to wander
I ask so many questions
I have so many what ifs
I have a lot on my head
I use to be a crackhead
Now all my thoughts are full of dread.
Please go away.
Please leave me alone anxiety
I need my clarity.
2 notes · View notes
yell14xx · 4 years ago
Text
Mga Lugar
Tumblr media
May mga lugar na gustong gusto mo balikan
Dahil maaalala mo
Kung gaano ka kasaya
Kung gaano kasimple noon ang buhay
Tumblr media
Nung mga panahon na pakiramdam mo buo ka
Buhay na buhay pa
At pakiramdam mo kaya mo abutin ang mga tala
Kaysa ngayon , tila ika'y napariwara
Nakakulong sa kwarto
Mag isa nalang at tumatawa
Tinatawanan mo ang mga pangakong napako
Mga pangarap na nabaon sa lupa
Mga taong malabo mo ng muling makasama
Matatawa ka nalang kasi
Alam mong di na magiging gaya ng dati ang lahat
Matatawa ka nalang kasi maalala mo yungh mga biruan
Ngunit ng ang tadhana ang nagbiro
Wala ka ng nagawa kundi lumuha
Kaya tinitignan mo nalang ang larawan nyo
Dito pareho kayong masaya
Pero ngayon halos di na kayo magkatinginan ng mata sa mata
Kumupas na yung larawan,
Parang kayong dalawa
May mga lugar na gustong gusto mo balikan
Dahil naaalala mo
Kung gaano ka kasaya
Tumblr media
4 notes · View notes
yell14xx · 4 years ago
Text
"laging i-save yung gawa, ng di napapariwara"
0 notes
yell14xx · 4 years ago
Text
ang hirap magtiwala ulit.
0 notes
yell14xx · 4 years ago
Text
Paruparo
Kamusta ka?
Ako, ganon pa din
Buhay pa.
Iniisip ko pa din yung plano natin dapat.
Planong lumabas
Kumain kung saan saan
Mga "drawing"
Na hanggang isip na lamang
Mga inuman na mula gabi
Hanggang sumikat na ang araw
Mga kwentuhan ng kung ano ano
At ng tungkol kanino
Patawad, umiwas ako
Alam ko kasi na masaya ka naman
Masaya ka, kahit wala ako
Kaya di na ako nag abala
Nakalimutan kong kaibigan kita.
Nasaktan ka nung iwan kita
Iniisip mo pa na galit ako noon
Kahit wala naman talaga kahit na ngayon
Ayoko lang na mas lamunin ako ng pait
Ayoko kasi na kainin ako ng inggit
Kaya umalis ako
Para sa sariling kapakanan ko
Patawad, napagod ako Salamat dahil pumayag ka Makipagkita nung isang beses
Salamat din
Pinatawad mo kami ng maraming beses
Sana pala mas madalas tayo nagkita noon.
Para mas marami kaming alala mo ngayon.
Sana di ako nagmadali umuwi nun.
Hindi sana ako nagsisisi ng ganito ngayon
Kamusta ka dyan sa taas?
Kami, inaalala ka pa din
Sa mga larawan nalang namin nakikita yung ngiti mo.
Sa mga bidyo nalang namin naririnig yung mga tawa mo.
Hayaan mo, sa mga alaala namin
Buhay na buhay ka pa din
Kahit wala ka na dito
At inaalala pa din namin ang mga gawi mo
Siguro ganon talaga no?
"Sa isang hardin, ang unang bulaklak na iyong pipitasin,
Ay yung umagaw ng iyong pansin"
Masyado mo atang naagaw ang atensyon ng Diyos natin
Kaya binawi ka na Niya at napaaga kang pauwiin
Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa kaibigan
Hanggang sa muli.
--------------------------
Written by : Yell14x
2 notes · View notes
yell14xx · 4 years ago
Text
"Pangalawa"
Hindi ko alam kung anong meron ka
Bakit sa'yo lahat kaya kong itaya
Ikaw man ang aking pangalawa
Pero sa'yo handa akong magkasala
Hindi ko maintindihan kung ano ang meron ka
Sa'yong mata, iyong ilong, bibig lagi akong tulala
Kapag ika'y kumakanta ako'y biglang nawawala
Manahimik kayo!
Manahimik kayo
Sandali! Teka lang
Yung puso ko nagwawala
Pwede ba magtitigil ka?
Pwede ba lumayo ka na?
Dahil sa'yo hindi ko na kaya magmahal lamang ng isa
Kapag nakikita kita, aking Una
Sa'yo wala akong mapuna
Para sakin perpekto ka mula ulo hanggang paa.
Sa aking una
Sa'yo ay wala akong mapuna
Ngiti mo lang ngiti mo lang ako ay ayos na.
Pero 'di ko alam kung anong meron sya
Bakit kaya ko syang tignan kahit na nandyan ka pa
Bakit di ko mapigilan sabihin ang pangalan nya
Bakit di ko mapigilan na sa kanya ay kiligin
Kahit kaya mo naman na sakin ito ay paramdamin
Bakit di ko na sya maalis alis sa isip ko
Kahit di ko siya isipin
Bigla na lang sumusulpot
Kahit sa'yo ko lahat ibaling
Sa kanya pa din bumabalik
Kahit ikaw ang aking isipin
Siya ay naaalala pa din
Kahit na anong gawin
Bakit siya at siya pa din
Kaya heto ako tila wala nang magawa
Kaya sa aking Una
Patawad dahil pinili ko ang magkasala
Hindi ko alam kung anong meron ka
Bakit sa'yo lahat kaya kong itaya
Para kang isang droga
Pagdating sa'yo handa akong magkasala
Ikaw man ang aking pangalawa
mahal kita pero hindi pwede ipahalata
----------
Written by : Yell14x
1 note · View note
yell14xx · 4 years ago
Text
Isang Araw
Isang araw, magiging alaala ka na lang
Isang araw, hindi na kita makakausap kagaya nang dati
Isang araw, tatawanan ko na lang yung mga gabing iniyakan kita
Isang araw, makikita na lang kita na masaya sa piling ng iba
Handa na ako dun, pinagdarasal ko pa nga iyon, yung maging masaya ka kahit sa piling ng iba
Isang araw hindi mo na ako hahanapin
Kaya pati iyon paghahandaan ko din
Isang araw tatawanan ko nalang yung sinabi mong 'hindi kita iiwan'
Narinig ko na yan nung isang araw
Hanggang hindi ko na namalayan ang mga araw
Iniwan na pala ako at hindi na binalikan
Pero alam mo ano yung gusto ko?
Yung maging masaya, kahit sa loob lang ng isang araw
--------
Written by : Yell14x
1 note · View note
yell14xx · 4 years ago
Text
Ako Naman
Salamat sa mga nanglait.
Sa mga tumawag sa akin na pangit.
Salamat sa mga nanakit.
Salamat sa pinatikim nyo sa akin na pait.
Salamat sa mga nagsabi na babaan ko ang pamantayan(standards) ko.
Lalo't di naman naaayon sa mukha ko.
Dati, hindi ako makatingin sa salamin
Dahil naaalala ko ang mga panglalait sa akin
Pangit, ulikba
Kung umasta, hindi naayon sa mukha.
Akala mo kung sinong mga perpekto
Nakakalimutan ko na bago ang iba, sarili muna.
Masyado nilang ginulo pag iisip ko, ganon kalala yung epekto
Hindi ko din alam bakit hinanap ko sa iba
Yung saya at halaga, na dapat sa akin manggaling pala
Lagi akong sumusulat ng tula para sa iba
Para sa mga minahal ko na ayon,hindi rin sa'kin napunta
Nakakalimutan ko na bago ang iba, sarili muna
Ngayon ako naman
Sa pagkakataong ito, sarili ko ang pagbibigyan
Sarili ko naman ang pipiliin ko
Hindi dahil dapat, kundi dahil gusto ko
Salamat sa Mariel na hindi pa din sumusuko
At lumalaban pa din hanggang dulo.
Hindi man dito matapos ang mga panlalait,
Ang mahalaga kaya ko na dedmahin ang pangmamaliit.
Hindi pa tapos ang laban Mariel Anne,
Kaya piliin mo ang sarili mo sa araw araw na daraan
----------------
Written : Feb 12, 2021
Written by : yell14x
5 notes · View notes