wastedarsenal
wastedarsenal
REVOLT
444 posts
Carl. Gawa ako sa bakal. Matibay, matigas pero minsan kinakalawang din. Minamasdan ko ang baluktot na daigdig mula sa sarili kong payapang kalawakan. Ako ang huling pag-asa ng mundo. Pero bago ko kayo iligtas, kakain muna ako ng makukulay ng tinta ng marker at lead ng lapis.
Don't wanna be here? Send us removal request.
wastedarsenal · 5 years ago
Text
Tumblr media
8 notes · View notes
wastedarsenal · 5 years ago
Text
Tumblr media
"And...I...am...Iron Man"
4 notes · View notes
wastedarsenal · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Took me 8 hours just to create this fan made The Clone Wars poster. 
0 notes
wastedarsenal · 5 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
What the Rise of Skywalker could have been...
Redeemed Ben Solo with cross guard lightsaber
Rey with her own lightsaber from the start
Finn learning how to be a Jedi from Rey and Leia
Poe as the Resistance bad ass General
0 notes
wastedarsenal · 5 years ago
Text
Birthday sa labas
2019:
Alam ko nagpakain ako ng pizza sa office saka last birthday ko na din sa Intellicare yan. Tapos nanuod kami ni Maedelle ng X-men: Dark Phoenix. Inantok ako sa movie. Big fan ako ng X-men kaya hinihintay ko talaga yung magandang movie version nila. 
Tumblr media
2018:
2 days before my birthday, nagpaspaghetti ata mga officemates ko noon nan. Tapos ako nagpamilktea. Tapos day before my birthday, nagdate kami ni Maedelle. Tapos yung birthday mismo, kasama ko pamilya ko sa ATC. 
Tumblr media
2017:
Nag-Megamall lang kami ni Maedelle. Marami kami ginawa dito like archery. Tapos may meet and greet kay Spider-man. Akala ko talaga nung una si Tom Holland. Naka costume lang pala.
Tumblr media
2016:
Nag Mad Mark’s kami ni Maedelle sa Glorietta 5. Sarap nung steak. Solid din yung milkshake nila. Busog kami nan after. Ngayon yung Mad Mark’s nasa Glorietta 3 na.
Tumblr media
2015:
Unang birthday ko sa Intellicare. Masarap yung Cloud 9 na cake. Tapos nilibre ko ata si Maedelle ng bagnet. Di na ko kumain kasi busog na ko. tapos bumili ako ng bagong black shoes. Lahat kami sa picture na yan resigned na.
Tumblr media
1 note · View note
wastedarsenal · 5 years ago
Photo
Tumblr media
24
Slow down. Hinga. Dahan-dahan lang. Mabilis ang isang araw pero matagal ang isang taon. Matagal ang isang dekada pero mabilis ang isang taon. Marami ka pang oras para sa natitira mong pangarap.
Namnamin mo muna ang tagumpay na iyong pinaghirapan bago ka magsimula uli. Para may inspirasyon. Para alam mo pano simulan. Para magkaroon ka ng gabay. Para alam mo saan patungo.
Tandaan mo hindi ka nag-iisa.
Ingat ka palagi at magkikita pa tayo. Huwag masyado magpakapagod pero huwag din kalimutan kumayod. Higit sa lahat wag kalimutan magpahinga. Magpakalibang ka muna sa Switch at BTS habang di pa tayo nagkikita.
Balang araw, maghanay-hanay din ang mga planeta at gigising ka na lang sa huni ng mga ibon sa isang tahimik na umaga habang ma hawak na iced coffee at tumatawa tayong dalawa.
Sana pag natapos na itong COVID situation, makaalis din tayo. Takasan lahat. Takasan mo na din mama mo gaya ng pagtakas nya noon sa lola mo. Takas na tayo pa New Zealand at wag na bumalik.
HBDMLEV
1 note · View note
wastedarsenal · 5 years ago
Text
Junwan
Ilang taon ko din paulit-ulit na hinihiling na sana maramdaman ko ulit ang summer break simula nung nagtrabaho ako. Yung hindi papasok sa mula March hanggang June. Pero gago, di ko naman inakala sa ganitong paraan ko siya mararanasan.
Weird ng trip mo, world.
1 note · View note
wastedarsenal · 5 years ago
Text
Nubenta
Siguro, isa sa mga dahilan kung bakit tuwing inaalala natin yung panahong nag-aaral pa tayo eh natutuwa tayo dahil alam natin na lahat ng pinaghihirapan natin masusuklian ng naayon.
Okay na nagtatrabaho na ako at kumikita. Masaya ako tuwing kinsenas at katapusan. Pero kahit gawin mo lang yung bare minimum, hindi naman magbabago yung kinikita ko eh. Petix? Fixed rate. Pabibo? Fixed rate. Tumae lang sa office? Fixed rate. Nag-OT? Fixed rate.
Hindi kagaya noon sa school. Pag nagsumikap at nag-aral ka ng husto, magrereflect ito sa grades mo. Makikita mo talaga yung nagbabangong bunga depende sa’yo.
---
Don’t get me wrong, money is money. Kailangan mo pa din pagbutihin sa trabaho para di masisante at mapromote. Pero nakakamotivate ba alam mo bare minimum lang yung iba tapos masmalaki pa sahod nila sa’yo? Pero nakakamiss makakita ng 90 na grade dahil alam mong pinaghirapan mo yun.
---
0 notes
wastedarsenal · 5 years ago
Text
Alam ko pa ba paano ito?
Kamusta lumang kaibigan? Tangina, ang tagal na rin mula ng tayo’y muling nagka-usap. Tangina, musta na?
Masmadali ka pa kausap kesa sa iba kong nakakachat. Ewan. Nakakatamad mag-type para sa kanila. Nakakatamad pag keep up. Nakakatamad mag maintain ng friendship minsan. What the fuck.
---
Andami kong active group chat sa FB. Minsan di na nga ako makapag keep track. Pero sa kabila noon, parang bihira ko maramdaman na belong ako sa kahit anong circle na naroon.
May GC para sa ex-officemates ko na may bago ng inside jokes. Di ko na alam paano ko sila sasabayan. Totoo nan, namimiss ko sila minsan. Gusto ko lang uli makipaglaro sa kanila ng Avalon kahit one last time.
May GC para sa current officemates ko. Mga tatlo siguro. Isa dun may mga DDS kaya nakakawalang gana magsalita. Daming reklamo sa nangyayari pero di niya tinutuon ang galit sa dapat niyang kinakagalitan - ang administrasyon. SIguro dahil sa age gap na rin or di ko pa sila ganun kadalas nakasama kaya di ko rin masyado ramdam yung GC na yun.
Yung isa naman para sa college friends ko. Fucker, kung di dahil sa akin, di yun mabubuo pero paraang honorary member na lang ako. Wala naman talaga ako pakialam. Siguro lumayo na ‘yong wavelength nila sa akin as a group? ‘Di ko alam. Wala ako pakialam. Ata.
Dalawa para sa college orgmates ko. I think ito yung pinakaOK ako na GC. Pinakatotoo. Pero mga bihira active. 
Siguro na sa kin na talaga yung pagiging loner. Oo, marami akong kaibigan. Oo kaya ko makipagkaibigan agad pero di malalim. Hindi ko alam if di ko kaya or ayoko.
---
Ang liberating nito. Shet.
1 note · View note
wastedarsenal · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
King and Queen
1 note · View note
wastedarsenal · 8 years ago
Photo
Tumblr media
The Dark Knight
1 note · View note
wastedarsenal · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Doctor Strange X Avatar
1 note · View note
wastedarsenal · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
wastedarsenal · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Jason Momoa’s Aquaman looks so bad ass in the trailer
1 note · View note
wastedarsenal · 9 years ago
Photo
Tumblr media
The Four Horsemen of Apocalypse
5 notes · View notes
wastedarsenal · 9 years ago
Photo
Tumblr media
13 of 13 "Kung lahat ng tao sa mundo ay halo-halo, ikaw yung may ice cream kasi espesyal ka..." Wala akong pinanghahawakan, siya lang. Wala akong kahit anong yaman maliban sa kanya. Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko sa nakalipas na tatlong taon (and counting). Minsan nakakapagtaka na paano yung gaya ko eh minahal ng isang gaya niya. Kasi sa ganda, talino at bait nya, kahit sino ata magkakagusto sa kanya. May mga kilala ako na nagkagusto sa kanya. Pero ako pa rin ang pinili nya gaya kung paano ko siya walang sawang pinipili sa bawat araw na dumadaan. Tatlong taon. Ang gasgas sabihin na hindi sya naging madalim o isang fairy tale. Pero naisip ko, totoo nan, madali siya. Oo may mga araw na mapapagod ka, masasaktan ka, susuko ka na. Pero ilan lang ba yung araw na yun kumpara sa araw na puno ng saya, galak, tawanan, lambingan at pagmamahal? Siguro nagiging madali siya kapag alam mo na karapatdapat yung taong napili mo. Kasi hindi na siya sapilitan kundi gugustihin mo na. Maswerte ako kasi alam ko na siya na. Nakakasabik isipin na papalapit na ng papalapit ang mga araw na magkasama na tayo uuwi. Pero sa ngayon, masaya na ako ng ikaw ang aking tahanan figuratively. Tahanan kung saan sa hardin ikaw ang pinakamatingkad na bulaklak. Sa kalangitan kung saan ikaw ang pinakamagandang bituin. Kung lahat ng tao sa mundo ay halo-halo, ikaw yung may ice cream kasi espesyal ka. Salamat sa tatlong taon. Kung saan man tayo dalhin sa mga susunod na araw, tahakin nating magkasama, magkahawak kamay, puno ng pag-asa at pagmamahal. Marami-rami pa tayong lalakarin, Dear.
1 note · View note
wastedarsenal · 9 years ago
Photo
Tumblr media
12 of 13 Ang paghingi ng tawad ay nakakapagpababa ng pride. Pero walang pagsasamahan ang tumagal dahil sa pride. May mga pagsasamahan na binibuo ng maraming paghingi ng tawad at pagpapatawad. Kaya patawad sa bawat salitang nasambit ko na hindi maganda. Patawad sa bawat gabing umiiyak ka ng mag-isa. Patawad kung inaabot ka ng umagang nagtataka. Patawad sa pagkukulang ko ng hakbang. Patawad sa bawat walang kwentang dahilan na aking binigay. Patawad na rin sa mga sandaling wala ako sa tabi ko. Patawad sa bawat kirot na nabigay ko. Marami akong pagkukulang at kasalanan. Lahat ng iyon, aakuin ko dahil walang lugar ang pride dahil wala akong ibang gusto kundi kung ano itong meron tayo.
1 note · View note